"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 30, 2015

Iglesia Ni Cristo vs. Casa De Oro Baptist Church debate


A debate between the Iglesia Ni Cristo (represented by Bro. Rommel San Pedro) and Casa De Oro Baptist Church (represented by Dr. Ron Barnes) was held at Lincoln High School Auditorium in San Diego, California on Nov. 14, 2015. The topic is about the deity of Christ.

Another victory for the TRUE CHURCH OF CHRIST!

Glory be to God!


1st Proposition
 





2nd Proposition








Fallen Angels: "Mabubuting tao... dati"

Lubos lubos na po ang pagpapaawa ng mga Fallen Angels ngayon kung napapansin nyo. 

Sinimulan nila sa pagpapaawa, na silay inaapi, na may banta sa buhay, na silay ganito ganyan... Mukhang ito na talaga ang pinaka TAKTIKA nilang ginagawa para lamang may maniwala sa kanila, mapa kaanib man sa Iglesia o hindi.

Ngunit para sa mga may TUNAY NA PANANAMPALATAYA, hinding hindi sila magpapaapekto at magpapatangay sa mga walang ka kwenta kwentang taktikang PAGPAPAAWA ng mga itiniwalag na LUMABAN sa Pamahahala. Wala na kasi silang iba pang kayang ilabas, bukod sa mga kasinungalingan, imbentong kwento, gawa gawang mga email o text daw sa kanila ng mga kapatid o maytungkulin...

Kundi ang PAGPAPAAWA.

Anong LATEST NILANG PARAAN NG PAGPAPAAWA?

Pinapakita nila na silay MABUBUTING TAO na parang bagang gusto nilang palabasin na imposible sa kanila na lumaban sa Pamamahala ng walang dahilan.

Meron nga pong inilabas na pinakabagong artikulo si ANTONIO EBANGELISTA na "Ang Katauhan nila Ka Angel at Ka Marc Manalo batay sa aking karanasan" na gawa ni G. Lowell Menorca.

Kung mababasa nyo ang madamdamin na mala nobelang kwento ni Lowell ay maantig kayo para ka lang nagbabasa sa WATTPAD. Ngunit ang tawag ko dito ay "HUGAS KAMAY".

Pagkatapos ng kanilang mga kalapastanganan ay saka sila magsasabi na "GANITO SILA, GANITO AKO, GANITO KAMI, MABUTI KAMI, HINDI NAMIN MAGAGAWA YAN" na mga linya na akala mo mga ANGHEL. 

Oo nga naman, mga angel naman talaga sila, yun nga lang, silay FALLEN ANGELS.

ANGEL NA SANA NA PANG LANGIT KASO LUMAGAPAK PA SA LUPA, DUMIRETSO PA SA KAILALI ILALIMAN.

Andyan yung may nabasa pa ko sa isang post pa ni ANTONIO EBANGELISTA na "THE TRUTH ABOUT THE YANSONS" tungkol kay Yanson at sa Menorca Family. May pinost pang mga picture tulad nung kasama nilang kumakain ang mga Menorca ng masaya at ang iba naman ay kasama ang G. Lowell sa mga aktibidad.

Pero, sa totoo lang, TOTOO NAMAN.

OPO. TOTOO NAMAN ANG SINASABI NILA. NA SILAY MABUBUTING TAO... DATI.

NUNG HINDI PA SILA LUMALABAN SA PAMAMAHALA. NUNG HINDI PA SILA GUMAGAWA NG MGA KASINUNGALINGAN. AT NUNG HINDI PA NILA NILALAPASTANGAN ANG DIYOS.

Kasi nga IGLESIA NI CRISTO SILA... DATI. Kaya MABUBUTI TALAGA SILANG TAO... DATI. Wala namang tututol dyan.

Pero iba na pinili nyong LANDAS ngayon. Ibinenta nyo na ang inyong mga kaluluwa sa Dyablo, na ok lang sa inyo na matiwalag bastat magawa nyo lang ang lahat MAPABAGSAK LANG ANG IGLESIA NI CRISTO. Kahit makipagsabwatan kayo sa MEDIA at kung kani kanino, wala kayong pakialam. Wala rin kayong pakialam kung maging dahilan kayo ng kasiraan ng Iglesia, dahil ang iniisip lang naman ninyo ay mga SARILI NINYO.

Kaya hindi na AKMA SA INYO ang mga salitang MABUBUTING TAO. Wala ng kabutihan natitira sa inyo. Kaya kahit pa magpa FLASHBACK kayo dyan ng mga nagawa nyo dati o kung anong uri ng tao kayo dati wala ng halaga yan kahit ano pang PAGPAPAAWA ang gawin ninyo.

Isa pa yan si SHER LOCK, ang kulit ng post nyan. Nag screen shot yan DIUMANO ng message sa kanya ng isang kapatid patungkol sa fb account ni ROVIC CANONO. Para lang sabihing si SHER LOCK at si ROVIC CANONO ay magkaibang tao. Sa post na iyon layunin nya na isearch ng mga kapatid ang profile na iyon para malaman kung sino si SHER LOCK, este si ROVIC CANONO... DATI.

Eh di syempre na curious ako, eh di tinignan ko, natawa ko sa mga posts na halatang halata na KAKAPOST LANG. Yung mga naging katungkulan nya sa Iglesia, mga proyekto na kanyang nagawa at kung ano ano pa.

Ayos din ang style, BULOK. haha

At syempre, kahit hindi ko sya kilala ng lubusan masasabi ko rin naman na siya ay MABUTING TAO... DATI.

NUNG HINDI PA SIYA NATITIWALAG SA PANAHON NG KA ERDY.

Hindi na nakakapagtaka kay ROVIC CANONO kung siya man ay nakipagsabwatan din upang mapabagsak ang Pamamahala ng Iglesia.


Kaya TAMA NA ANG PAGPAPAAWA mga FALLEN ANGELS, alam na namin ang SCAM ninyo. Sa bandang huli ang gusto nyo lang naman talaga ay KAPANGYARIHAN at SALAPI. Huwag nyo na rin sana magamit gamit ang pangalan ng KA ERANO MANALO sapagkat kung ang Ka Erdy man ay nabubuhay pa at siya pa ang Tagapamahala, paniguradong ititiwalag din kayo tulad ng ginawang pagtitiwalag nang dati sa mga LUMABAN SA PANAHON NYA.

Ang sabwatan ng mga itiniwalag na ministro, dati ng nasa plano

Tulad ng inaasahan at ang matagal ko ng naibunyag sa inyo, sa takbo ng mga pangyayari lalo lang nilang pinapatunayan na dati pa ay may PLANO na sila na pabagsakin ang Pamamahala ng Iglesia at hindi ito nagkataon lang. 

Hindi ito nangyari dahil lang sa "ayaw daw nila diumano basahin ang sirkular ng pagkakatiwalag sa Pamilya ng Ka Erdy at hindi daw nila kaya itong tanggapin kaya sila ay bumaba sa kanilang tungkulin".

KALOKOHAN NYO.

Ang ISANG TUNAY NA MINISTRO, hindi yan bumababa sa tungkulin para sa kung ano pa mang kababawan o kadahilanan. Hindi rin niya iiwan ang kaniyang destino, o basta hindi na lang tutupad dahil kaniyang naisipan.

Kaya nga mapapakamot ka talaga sa pwet, este sa ulo pala (nonsense kasi sila) na dahil lang ITINIWALAG ang pamilya ng Ka Erdy ay bababa na sa pagkaministro. Tanong ko sa inyo mga dating ministrong Fallen Angels, KAYA BA KAYO PUMASOK SA MINISTERYO AY DAHIL SA PAMILYA NG KA ERDY? NA KAPAG SILA AY ITINIWALAG AY TITIGIL O BABABA NA RIN KAYO SA INYONG TUNGKULIN?

NONSENSE.

Eh ano ba talaga ang tunay na dahilan kaya kayo BUMABA?

EH KASI DATI PA PLANTSADO NA PLANO NYO, DATI PA, magkakasabwat na kayo, meron kayong komunikasyon sa isat isa. Kaya nung nalaman nyo na ititiwalag ang pamilya, eh napagpasyahan ng LIDERATO NYO na sa halip na basahin ang sirkular ay i aanounce nyo na kayoy BABABA NA SA INYONG TUNGKULIN. Para na rin sa ano? Para makakuha na rin ng simpatya sa mga kapatid upang sumama sa inyo.

ANO EBIDENSYA KO NA MAY SABWATAN NA KAYO DATI PA?

1. Si G. Cayabyab may himalang "video" footage sa panahon mismo ng pagsamba at kuhang kuha ang saktong mga sinabi nya tungkol sa hindi nya pagbasa ng serkular at ang pagbaba nya sa tungkulin.

2. Si G. Vincent Florida naman may audio recording sa panahon din ng pagsamba at tulad ng kay G. Cayabyab ay kuha din ang mga sinabi nya tungkol sa di pagbasa ng serkular at ang pagbaba din nya sa tungkulin. Sa nasabing audio recording din inamin nya na si G. Samson Jr "is a dear and old friend".

3. BAKIT SA HALIP NA TAHIMIK KAYO NA BUMABA SA TUNGKULIN (TULAD NG ORDINARYONG PAGBABA NG ISANG MAYTUNGKULIN SA KANYANG TUNGKULIN SA PAMAMAGITAN NG PAGSASALAYSAY) AY MAS PINILI NYO ITONG IANOUNCE SA PANAHON NG PAGSAMBA, WITH MATCHING VIDEO AND AUDIO RECORDING PA? BAKIT? FOR PRESS RELEASE? 

PARANG YUNG YOUTUBE VIDEO LANG NI G. ANGEL MANALO NA PROFESSIONAL PAGKAKAGAWA, FOR PRESS RELEASE KASI.

AYON SA LATEST NEWS:

LOS ANGELES—A former Iglesia ni Cristo (INC) minister has reported the sect, its executive minister Eduardo Manalo and auditor Glicerio Santos Jr. to the United States Internal Revenue Service (IRS) for tax fraud.
 
American Vincent Florida, a 65-year-old former minister in the INC Northern Virginia congregation, told the Inquirer he filed his report, in IRS form 3949A, for failure to pay taxes in August this year.

source: inquirer.net

Ngayon nyo sasabihin na WALANG SABWATAN KAYONG GINAWA? Kinasangkapan nyo pa ang American Ex minister na si G. Vincent Florida para makapagreport sa IRS? Wow naman.

Ang gandang isipin ano po, kung sino yung mga bumaba sa tungkulin, itiniwalag at tumiwalag sila yung nagsasama sama para pabagsakin ang Iglesia Ni Cristo, sabay sasabihing naniniwala pa rin daw sila na ito tunay na Iglesia, na hindi daw nila nilalabanan ang Tagapamahalang Pangkalahatan. Pwede namang umalis sa Iglesia o matiwalag ng hindi sumasama sa kanila.

WOW AMAZING.

TAKE NOTE: ITO NA PO ANG PANGALAWANG BESES NA ISINAMA NYO ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN SA MGA ISINASAMPA NYONG KASO O REPORT.

Saka nyo sasabihin ang SANGGUNIAN LANG NILALABANAN NYO?

Palakpak..

Kaso "PALPAK" mga kilos nyo, nung umpisa pa lang. Kasi wala kayong natangay na MGA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO. Ang mga natatangay nyo mga PEKENG IGLESIA NI CRISTO NA GA LIBAG ANG PANANAMPALATAYA AT MGA WALANG TIWALA SA DIYOS.

Sige lang, manloko pa kayo ng iba para marami kayong mahuthot na pera sa inyong RESTORE THE CHURCH FUNDS at ipamukha nyo pa at ipagkalat na kailangan ng operasyon ni Gng. Tenny Manalo na nangangailan daw ng libo libong dolyar, sabay may isang FALLEN ANGEL na magkukumpirma din na di daw kailangan ng operasyon ni Gng. Tenny. Kakatawa kayo!
 
IBA PANG INFO NG SABWATAN NG MGA MINISTRO:
 
1. Si G. Joy Yuson dating nagtatrabaho sa GEMNET/NET25 na pinangangasiwaan ng magkapatid na Marc at Angel Manalo.
 
2. Si G. Lowell Menorca dati rin nagtatrabaho sa SVF/GEMNET/NET25, na pinangangasiwaan ng magkapatid na Marc at Angel Manalo. 
 
3. NAKAKAPAGTAKA PA BA NA YUNG MGA KASAMA NILA G. ANGEL AT MARC MANALO AY SILA MISMO ANG KASA KASAMA NILA NGAYON BILANG FALLEN ANGELS? 

November 20, 2015

Paghandaan ang susunod na hakbang ng Fallen Angels!

Ngayon pa lamang ay magbibigay na ako ng ideya sa lahat ng kapatid tungkol sa mga susunod na hakbang ng Fallen Angels sa ginagawa nilang pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.

Ano po ito?

Dalawang bagay...

Ang pagsasagawa ng isang MALAKING RALLY, most probably sa CENTRAL at ang pagsasapubliko ng kanilang mga akusasyon sa FOREIGN MEDIA.

Narito ang pagbabanta ni Lowell Menorca II:


Sayang ang talentong ipinagkaloob ng Diyos kay Lowell Menorca II, dahil itong biyayang ito ay ginagamit nya sa masama. Ganun ba talaga ang iyong impluwensya at kapangyarihan? At talaga bang SUKDULAN na ang kasamaan nyong FALLEN ANGELS para PABAGSAKIN ang IGLESIA NI CRISTO MISMO?

Hindi na PAMAMAHALA ang gusto nyong pabagsakin, kundi ang IGLESIA NA MISMO. Pero kayo na rin ang nagsasabi, ang IGLESIANG ITO AY SA DIYOS. Kaya sa ginagawa nyo, wala kayong ibang binabangga kundi ang ating Panginoong Diyos!

Gawin na ninyo ang lahat ng gusto nyong gawin, pabagsakin nyo ang Pamamahala at ang Iglesiang ito, ngunit pag ang Diyos na ang kumilos walang sisihan!

Eto naman ang pagpaparinig ni Kelly Ong:




Matagal ko ng ibinunyag ang kanilang panawagan na magsagawa ng MALAKING RALLY SA CENTRAL, sa ngayon nagpaparining na si Kelly Ong sa kanilang "sama samang pagkilos" ang hindi natin alam ay kung saan, pero ako naniniwala ako na walang ibang gagawing venue yan kundi sa harap ng Central kasabay ng pag imbita sa MEDIA.

Ang tanong lang eh, KAILAN???

Kailan kaya nila gagawin muli ang masasama nilang planong ito?

Isasabay na naman kaya nila ito sa mga aktibidad at mahahalagang okasyon sa Iglesia?

Nalalapit na ang PASASALAMAT, hindi kaya ISASABAY NYO ANG KALAPASTANGANAN NYO SA DIYOS SA ARAW NG PASASALAMAT?

Kung hindi sa PASASALAMAT, KELAN KAYA? SA JANUARY 2? SA KAPANGANAKAN NG KA ERANO MANALO?

Kay sa mga kapatid, HUWAG NA HUWAG NA PO TAYO MAGUGULAT kung saka sakaling dumating na ang araw na kanilang isasagawa ang kanilang mga plano. MAGING MATATAG TAYO, ALISIN NATIN ANG PAG AALINLANGAN. SA DIYOS TAYO KAYA TIISIN NATIN ITO, DAHIL PAG NALAMPASAN NATING LAHAT ITO AY MAPAPATUNAYAN NATIN SA DIYOS NA TAYOY KARAPAT DAPAT NA MAGING BAYAN NYA!

Binenta o naibenta ba ang kapilya ng Lokal ng Humble, Texas?

Ito ang tanong ng marami at ang pinaka pinag uusapan pa rin hanggang sa ngayon. 

BIG DEAL kasi para sa mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang balita na "nagbenta" ang Iglesia ng bahay sambahan o kahit property pa. 

Hindi ko rin alam kung bakit. 

Alam ng lahat na sa ibang bansa ay kaliwat kanan ang pagbebenta ng kapilya ng ibat ibang relihiyon, una dahil hindi na kaya ang expenses, pangalawa, wala ng nagsisimba sa kanila.

Sa Iglesia Ni Cristo, NEXT TO IMPOSSIBLE ang ganiyang scenario. Hindi ko ito sinasabi dahil kaanib ako, kundi dahil sadyang IMPOSIBLE itong mangyari. 

Una, kung "saka sakaling nagkataon" na hindi makaya ang expenses sa lokal (kahit wala pa kong nabalitaang pangyayaring ganito), pwede naman sigurong humingi ng tulong sa distrito, at kung sobra sobra pa ring hindi kaya (kaya imposible talagang mangyari) ay pwede naman humingi ng tulong sa central. Pangalawa, NEXT TO IMPOSSIBLE din yung scenario na WALA NG SUMASAMBA sa isang lokal. Pwede siguro may nagsialis at lumipat ng ibang lokal, pero yung dahil "wala na talagang sumasamba" ay mahirap paniwalaan. But for the sake of the argument, kunwari may ganung case, kahit iilan lang ang kapatid ay tuloy tuloy pa rin ang pagsamba sa lokal na yun. Wala namang required na bilang sa pagsasagawa ng pagsamba ehh...

November 19, 2015

QCPD at CHR, pinasinungalingan ang mga paratang nila G. Angel Manalo


Pati ang Quezon City Police District at Commission on Human Rights pala ay di nakaligtas sa mga kasinungalingan nila G. Angel Manalo, pinapalabas nilang silay INAAPI sa MEDIA. Patuloy ang kanilang paghingi ng simpatya sa mga tao, para ano? Para magmukang sila ang nagsasabi ng totoo. Ngunit sa paggawa nila ng mga kasinungalingan, nalalantad lamang ang tunay nilang mga kulay.

Narito po ang report ng GMA NEWS, pansinin ang nasa video simula sa 1:35 kung papaano pinasinungalingan ng QCPD ang claim nila G. Angel Manalo na hinaharang daw nila ang mga nag vivigil sa compound. Sagot naman ng pulis, may "NAPAG USAPAN PALA" sila nila G. Angel at ito raw ay para sa kanilang SEGURIDAD.

Dumating naman ang mga kinatawan ng CHR na may tumawag daw sa kanila na nagsasabing hinaharangan daw ang pagpapapasok ng pagkain at tubig sa bahay nila. Ngunit nung tinignan nila ay kitang kita nila na WALA NAMANG HUMAHARANG kundi tuloy tuloy lang ang pagpapapasok sa mga tao. Mismong CHR ang nakasaksi na wala silang nakitang anumang pagharang sa mga supply na pagkain, iba sa pinagsasasabi nila G. Angel Manalo.
 

Part 2: Ang tunay na kwento sa likod ng pamilya ng Ka Erano Manalo

Ito po ay isang sulat mula kay Ka Cristina Jurado Menanza (Cousin of Angel's father in law) na galing sa kaniyang FB account. 

Lubos akong sumasampalataya, na sa lahat ng lumalabas na kwento tungkol sa pamilya ng Ka Erano Manalo, ay ito ang pinaka ACCURATE sa lahat. Marami kasing isyu dito ang nabigyang linaw mula sa mga kwentong nagmula kala Kelly Ong at Antonio Ebangelista. 

Kaya napagpasyahan ko na i repost dito sa blog na ito ang liham na isinulat ng isang kapatid na malapit sa pamilya ng Ka Erdy. 

November 18, 2015

Fallen Angels, nagtayo na ng sariling Iglesia!


Alam nyo ba ang ginawa ng Fallen Angels ngayon? Opo. Meron. Noong una lagi nilang sinasabi at magpahanggang ngayon na mahal pa rin nila ang Iglesia Ni Cristo. Meron pa nga nagsasabi na kahit tiwalag na sila ay nasa puso pa rin nila ang pagiging INC. Na ang layunin lamang nila ay malinis ang tunay na Iglesia Ni Cristo at ibalik sa dati nitong kalagayan na walang dungis.

Ngunit dahil sa kawalang pag asa siguro nila na magaganap ang kanilang mga plano, kaya ito, unti unti na nilang isinasagawa ang PLAN B. Ang PAGTATAYO NG SARILI NILANG IGLESIA. Malamang sa malamang i-dedeny nila ang PLAN B nila kahit obvious na obvious na. Bago kasi sila makapagtayo ng sariling Iglesia, tulad ng ginawa nila Teofilo Ora, mang aagaw at mang aagaw muna sila ng mga kapatid para sumama sa kanila. 

October 26, 2015

Part 2: Ang planadong pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo

Ito ay ang PART 2 ng "Ang planadong pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo" Atin pong ipagpapatuloy ang pagbubunyag sa kanilang TUNAY NA LAYUNIN sa lahat ng ginagawa nilang ito, mula kay Lito Fruto, Joy Yuson, Isaias Samson Jr. at ngayon naman kay Lowell Menorca. Ang TUNAY NA LAYUNIN nila na matagal na naming sinabi sa inyo: 

ANG PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA: 
PALITAN ANG NASA SANGGUNIAN, AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. LALO NA, HIKAYATIN ANG MGA KAPATID NA LUMABAN SA PAMAMAHALA. 

ANG MAHAHALAGANG OKASYON AT AKTIBIDAD NGA BA SA IGLESIA AY 
SINASABAYAN NILA NG KANILANG MGA PAGKILOS?

KAYO NA PO ANG BAHALANG HUMUSGA. 


#1 Ang paghimok na huwag pumunta ang mga kapatid sa Philippine Arena samantalang ika 101 ANIBERSAYO iyon ng Iglesia, sa halip ay ipinanawagan nilang makisama sa isinasagawa nilang VIGIL sa harap ng bahay ng mga kapatid ng Ka Eduardo Manalo



Kahit pa sabihin na merong kontrobersiya sa panahon na iyon kung saan itiniwalag ang mga ka pamilya ni Ka Eduardo Manalo, at sa pagsasabing may banta sa kanilang buhay, ngunit napatunayan naman talagang WALANG NANG HOSTAGE sa kanila. Bakit naman nila pinipigilan ang mga kapatid na ipagdiwang ang ANIBERSARYO ng Iglesia Ni Cristo? Akala ko ba hindi nila NILALABANAN ang Iglesia, eh bakit pati ang anibersaryo idinadamay nila? Ayaw nilang ipagdiwang? Sa halip ay nagsagawa sila ng vigil sa central?

 
#2 Nang magsagawa ng "DAKILANG PAMAMAHAYAG" ang Ka Eduardo Manalo, nagkaroon ng pagra-rally sa California, USA



Sa makasaysayang pangyayari sa loob ng Iglesia na siyang pinangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang DAKILANG PAMAMAHAYAG na pang buong mundo, bakit naman sa saktong araw din nila naisipan MAG RALLY sa harap ng district office sa USA?

Anong gustong palabasin?

PAMAMAHAYAG NG SALITA NG DIYOS... PAGLILIGTAS NG MGA KALULUWA...

Sinabayan ng rally? Ibig bang sabihin dahil mga tiwalag na ang karamihan sa inyo ay ayaw na rin ninyong magsuri at maanib sa tunay na Iglesia ang mga tao para matamo ang kaligtasan?


#3 Ngayong papalapit na ang kaarawan ng Ka Eduardo Manalo, saka nila hiningi ang custody ni G. Menorca, at sinampahan ng kaso ang Sanggunian, kasama na ang Tagapamahalang Pangkalahatan



Bago pa man ang kaarawan ng Ka Eduardo sa Oct 31 ay mababasa na ang pagbati ng mga kapatid sa social media. Ngunit bakit bigla bigla na lamang nagsampa ng kaso ang pamilya ni G. Menorca laban sa Sanggunian at sa Tagapamahalang Pangkalahatan, diumano, ay upang mai-rescue ang kanyang pamilya? At ipinapatawag ng Supreme Court ang mga nabanggit sa Nov. 3. 

Sa dinami dami ng araw at pagkakataon, kung kelan talaga papalapit ang kaarawan ng Ka Eduardo ay saka nyo gusto makitang sinasampahan sila ng kaso? Salamat sa inyong "regalo" sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan.

At tulad ng ginawa nila Joy Yuson at asawa niya ay may drama na paiyak iyak pa sila, samantalang makikita mo naman sa presscon na maayos ang kanilang pangangatawan. 

Sino niloko nyo?


Ngayon mga kapatid, ang tanong ko sa inyo ay ganito: 

Anong tingin nyo, PINAGPLANUHAN O HINDI?

TINGIN NYO BA NAGKATAON LANG?
 

Kaya HUWAG NA TAYONG MAGTATAKA kung sa hinaharap ay gumawa na naman sila ng mga pagkilos kung saan SINASADYA nilang ISABAY sa mahahalagang okasyon at aktibidad sa Iglesia. Yan na yung sinasabi namin na malawakang paghimok sa mga kapatid na LUMABAN SA PAMAMAHALA.
 
Dumadating na yung pagkakataon na isinasakatuparan na nila ang kanilang mga masasamang plano, ngunit kahit gaano pa kabigat at kasama ang mga pangyayaring dadating, dumating man ang mga pangyayaring hindi natin inaasahan... 

Tulad ng dati na nilang planong pagpapakulong sa Sanggunian at pati na rin ang Ka Eduardo Manalo na kanila ng idinamay. Sa ating mga tunay na kapatid, HUWAG SANA TAYONG SUSUKO.

Kung yung mga kalaban ay hindi sumusuko sa pag atake nila, HUWAG DIN NAMAN TAYONG SUMUKO SA PAGDEPENSA. Manalangin tayo, patatagin ang ating pananampalataya, at higit sa lahat manalig sa magagawa ng Diyos. Sapagkat siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat, hindi niya papabayaan mawasak ang TUNAY NA IGLESIA SA MGA HULING ARAW, sapagkat itoy GAWAIN NIYA. 

Nasaksihan natin ang karanasan ng Ka Felix Manalo sa napanood nating pelikulang "FELIX MANALO" pati na rin ang karanasan ng mga kapatid noong dati, kahit buhay man ay kapalit, silay hindi NAGPATINAG SA KANILANG PAGKA IGLESIA NI CRISTO.

Gayahin sana natin ang kanilang HINDI NATITINAG NA PANANAMPALATAYA.

Humingi tayo ng tulong sa Diyos.

______________________________

AMA, TULUNGAN NYO PO KAMI. KAYO NA PONG BAHALA SA IGLESIANG ITO. IPINAGKAKATIWALA NA PO NAMIN SA INYO ANG LAHAT. INGATAN NYO PO KAMING LAHAT, MATAMO PO NAMIN ANG KAPAYAPAAN SA PAGLILINGKOD SA INYO. PINAPANGAKO NAMIN NA HINDI KAMI BIBITAW ANO MAN ANG MANGYARI. IKAW LANG PO ANG TANGING MAKAKAGAWA NG SOLUSYON. IKAW LANG PO ANG INAASAHAN NAMIN, AT ANG TANGING LAKAS NAMIN. 

IKAW NA PO AMA ANG BAHALA SA AMIN.

Paano sinungkit ng Ang Dating Daan ang "Largest Gospel Choir"?

Nung araw na ganapin ang "OFFICIAL ATTEMPT" ng Ang Dating Daan para sa "Largest Gospel Choir" ay mayroon akong pasok sa trabaho. 

Nung bandang tanghali nasa cubao nako, ngunit bumili muna ko ng pagkain sa Mercury drug sa Farmers.

Nung andun nako sa pila sa cashier, napansin namin ang mga babaeng nakabihis choir, at may nakatatak na sticker ng "OFFICIAL ATTEMPT" sa dibdib. 

Sabi nung cashier "ano yan parang ung sa Iglesia". Sa isip ko naman, sa ano kayang religion yun? Nung papauwi nako galing trabaho, nung nasa cubao na uli ako para sumakay ng jeep, mga 10pm na yun, nakakita na naman ako ng babaeng ganun pa rin ang suot at may sticker sa dibdib, sa isip ko, ano kayang meron?

Kinabukasan, pagkabukas ko ng FB account ko, bumugad sakin yung mga balitang "Ang Dating Daan breaks Guinness Largest Gospel Choir". Dahil na curious ako kaya nagsearch pakong maigi, tapos sabi ko, ahh okay... Magcocomment na sana ko sa official fanpage nila ng CONGRATULATIONS...

October 13, 2015

"Felix Manalo" Review

Sa wakas, napanood ko na rin ang pelikulang "Felix Manalo" at gusto ko agad gumawa ng review tungkol dito para sa mga nakapanood na at hindi pa nakakapanood.

 Nakapagbasa na rin ako ng ibat ibang REVIEWS tungkol sa pelikula, may positive, may nagative. 

Ganun talaga, hinuhusgahan ng tao ang resulta ng isang natapos na proyekto, kaya kahit ano pa man ang opinyon nila, ang higit na mahalaga, ay nabigyan ng kaunting "curiosity" ang mga hindi kaanib sa Iglesia at maging daan ito upang lalo nilang mas maintindihan ang pananampalataya nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

October 6, 2015

Para saan ang Guinness world records ng Iglesia Ni Cristo?

Sabi nila, hay naku mga kulang naman sa pansin yang Iglesia Ni Cristo na yan, gusto lagi sumungkit ng world records ano ba yan!

Ang iba sasabihin naman, ang yayabang ng mga to, etong kultong to ni Manalo mukhang world record, hindi yan ang sukatan ng tunay na relihiyon. Buti pa sa relihiyon namin, hindi namin ginawang priority ang world record na yan...

etc etc etc...

Yan ang sinasabi nila sa Iglesia Ni Cristo udyok ng sagad sa butong pagka inggit sapagkat yung kanilang sariling relihiyon ay hindi man lang makapagpakita na may pagkakaisa ang kanilang mga miyembro.

Yung tipong sa halip na MATUWA ka nalang at i-congratulate mo ang kapwa mo sa achievement nila eh siniraan mo na, binastos mo pa. San ang pinag aralan dun, mga minamahal naming ate at kuya?

"Bitter" ang tawag sa mga taong hindi natutuwa sa achievement ng iba. Alam nyo ba yon?

Kapag yung ka officemate mo na promote, samantalang ikaw hindi eh mas matagal ka naman sa kaniya, sa halip na ka inggitan mo at sumama loob mo, i-congratulate mo! Para patunayan na karapat dapat ka ring ma-promote balang araw.

Sa isang laro, kapag nanalo ang kalaban mo, i-congratulate mo! Para patunayan na sport ka lang, walang personalan, na marunong kang tumanggap ng pagkatalo.

Ang Iglesia Ni Cristo naman ngayon ay nagkakamit ng WORLD RECORDS hindi para magpapansin o masabi lang na marami kaming world records kaya tunay na ang relihiyon namin. Nagpapakita lamang ito na may tumutulong sa amin upang makamit ito, walang iba kundi sa tulong ng DIYOS!

Sagutin natin ang ilan sa kanilang iba pang katanungan...

October 5, 2015

Kaya pala pilit sinisiraan ng "Fallen Angels" ang "Felix Manalo" movie...

Sabi ng "Fallen Angels": Ninenegosyo na ngayon ng Sanggunian ang pelikula, ginamit pa ang Ka Felix Manalo. Bakit hindi nalang ibigay ng libre ang ticket? Ginawa na nilang negosyo, kinorakot pa pera ng Iglesia.

Eto ang mga paratang na paulit ulit nilang pinopost sa facebook fanpages nila. 

Kaya naisip ko, ano ba talaga layunin nila? Ano o Sino ba talaga nilalabanan nila?

Mga "katiwalian" sa Iglesia? 



Ang Pamamahala ng Iglesia at ang Diyos?

Kaya naman gumawa ako ng artikulo na nagsasabi na kung di nila ipopromote ang pelikula kundi ay siniraan pa, lalabas na LABAN sila sa Ka Felix Manalo sapagkat umiikot ang istorya nito sa buhay niya at sa pagsisimula ng Iglesia.

Akalain nyo ba umamin din na silay LABAN sa Ka Felix Manalo at sa Diyos?

At eto pa napagtanto ko ng inilabas na ang pelikula...

Kaya naman pala pilit nilang sinisiraan ang pelikula ay dahil ito ang MAGPAPATATAG PANG LALO NG PANANAMPALATAYA NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO!

At yung mga nabiktima nilang ibang kapatid at tiwalag, hindi malabong umalis na sa kanila.

Dito kasi makikita sa pelikula yung mga NARANASAN NG MGA KAPATID NOON, na yung NAGAGANAP PALA NGAYON WALANG BINATBAT NOONG PANAHON NA IYON.

Nung una pala may NAGREBELDE NA sa pangunguna ni Teofilo Ora.
Nung panahon ng mga Hapon, ang mga kapatid, ministro at manggagawa pinapatay, sinasaktan at inuusig.  At nung noong panahon ng HUKBALAHAP (hindi ko lang alam kung kasama sa pelikula) ay ganoon din ang nangyari sa mga kapatid, pinatay, sinaktan, inusig.

Tapos ngayong kinakalaban nila ang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo, gusto nila sumama sa kanila ang mga kapatid. Pero itong PELIKULA palang ito ang MAGPAPATATAG at MAGBABALIK NG MGA ALA ALA NG MGA DATING KAANIB NA NANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA ANUMAN ANG MANGYARI.

Ngayon mga kapatid, tayo bay MANININDIGAN DIN TULAD NILA, o tayoy magpapatangay sa mga taong ihihiwalay tayo sa ating Panginoong Diyos?

Kayo na po ang bahalang magdesisyon.

September 28, 2015

Iba't ibang akusasyon ni Kelly Ong na mga korupsiyon daw sa Iglesia

Pagkakita ko sa fanpage ni Kelly Ong, may nakatawag ng pansin sa akin na isa sa kaniyang mga kasinungalingan upang malinlang ang mga kapatid.

Ang post nya ay tungkol sa pag iral ng mga bagay na wala sa panahon ng Ka Felix Manalo at Ka Erano Manalo ay nangangahulugan daw na isang korupsiyon.

Ang reaksyon ng isang kapatid na matitisurin at walang tiwala sa Diyos--> teka, oo nga no?

Ang reaksyon ng isang tunay na kapatud na may pananampalataya at may tiwala sa Diyos--> teka, parang may mali?

Maganda po na sa bawat pagbabasa ng kanilang mga argumento at mga akusasyon ay binubuksan nating maigi ang ating kaisipan at pinapalawak natin ang ating pang unawa. Upang sa ganoon ay huwag po tayong matangay at malinlang sa mga taong gusto tayong ihiwalay sa ating mga paglilingkod.

Ito po ang sagot ko sa post ni Kelly Ong sa kaniyang fanpage (black) at ang post mismo nya (red)...

September 15, 2015

Pinatunayan na nilang silay tunay na laban sa Sugo at sa Diyos

Ang grupo ni Antonio Ebangelista po ay UMAAMIN na, na silay LABAN SA SUGO AT SA ATING PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng pagwawalang bahala at paggawa ng mga kasinungalingan sa ipapalabas na pelikula tungkol sa kinikilala nating sugo ng Diyos sa mga huling araw: Ang Ka Felix Manalo.

Kung matatandaan nyo ay naglabas ako ng artikulo na may pamagat na "Ang "Felix Manalo" Movie at sila Antonio Ebanghelista" at ang link ng blog na ito ay aking ipinarating sa kanila, lalo na kay Kelly Ong.

Ganito po ang sinasabi sa nabanggit na artikulo:


Curious lang ako, ano kaya ang reaksyon at ang magiging aksyon ng grupo ni Antonio Ebanghelista sa paglabas ng pelikula patungkol sa Ka Felix Manalo?
Ang magiging aksyon kasi nila ang isang magiging napakatibay na ebidensya kung ANO BA TALAGA ANG GRUPO NI ANTONIO EBANGHELISTA. 
Anong ibig kong sabihin? 
Kung babalikan natin ang mga sinasabi ng grupo nila, sabi nila HINDI DAW SILA LABAN SA IGLESIA, SA PAMAMAHALA, SA SUGO, SA KA ERANO, AT LALO NA SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Ginagawa lang daw nila ito para "malinis" ang Iglesia. Kaya kahit silay tiwalag na naniniwala pa rin daw sila na ito ang tunay na Iglesia at ang nagtuturo ng tunay na mga aral ng Diyos. 
Kung sasakyan natin ang sinasabi nilang ito...
Naisip ko... 
A. Kung hindi nila ipo-promote ang pelikulang ito, sa halip ay ginawan pa ng masasamang kwento, isa lang ang ibig sabihin nyan. WALANG PAGDUDUDA, SILAY TUNAY NA KALABAN NG SUGO AT NG DIYOS. 
Ang pelikulang ito ay WALANG KONEKSYON sa mga nangyari kamakailan lang na pagkakatiwalag ng pamilya ng Ka Erano, mga pagkakatiwalag ng mga ministro at mga kapatid, mga paglaban sa pamamahala, kidnapping, katiwalian and so on... 
Ang PELIKULANG ITO ay tungkol sa buhay ng kinikilala nating SUGO NG DIYOS, bilang mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, ang Kapatid na Felix Manalo. 
Kaya mga instrumento lamang ng Diyablo ang gagawa ng mga paninira sa pelikulang ito.

B. Kung i-ignore lang nila ang pelikulang ito na para bang WALA LANG, isa na naman ang ibig sabihin nyan. WALANG PAGDUDUDA, WALA NA TALAGA SA PUSO NILA ANG PAGIGING IGLESIA NI CRISTO AT HINDI NA NILA KINIKILALA NA SUGO SI KAPATID NA FELIX MANALO. 
Kung kaya, ang lahat ng ginagawa nila ngayon na kesyo para daw maiayos ang Iglesia at maibalik ito sa dati ay isa lamang MALAKING KASINUNGALINGAN sa likod ng kanilang tunay na mga plano. 
Ngayon, ano kaya ang gagawin ng grupo ni Antonio Ebanghelista??? 
A. Hindi ipo-promote ang pelikula, gagawa pa ng masasamang kwento, at akusasyon 
B. Ignore lang, kunwari walang pelikulang ipapalabas ang Iglesia
C. Makikiisa sila sa pagpo-promote ng pelikulang ito para patunayan sa lahat na "naniniwala pa rin sila na TUNAY ANG IGLESIA NI CRISTO NA IPINANGARAL NI KA FELIX MANALO at kinikilala pa rin nila ang kahalalan ni KA FELIX MANALO" kahit pa sila’y MGA TIWALAG NA O HINDI NA KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA.


Magmasid nalang tayo mga kapatid! :)

September 14, 2015

Pagpupugay sa mga kapatid na "S.C.A.N"

Nung ipinost ko sa isang fanpage ang artikulo kong "Paglilinis pagkatapos ng malalaking pagtitipon, gawain ng Iglesia" may isang comment doon na nakatawag ng pansin ko. 

Hindi ko na maalala yung saktong mga sinabi nya ngunit nagpapasalamat sya sa SCAN dahil sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo magampanan lang ang kanilang mga tungkulin.

Napaisip ako, oo nga no?

Para sakin, sa lahat ng tungkulin sa Iglesia, kung pisikal na paggawa lang ang pag uusapan, ang mga kapatid natin na taga- SCAN ang unang papasok sa isip natin. Sila kasi ay mga multi-tasker, marami silang ginagawa para maging katuwang ng Iglesia sa kaayusan. Sila ang makikita nating nangunguna sa:

1. Pagtulong sa pag aayos ng mga venue ng aktibidad
2. Pagtulong sa paglilinis ng mga venue pagkatapos ang aktibidad
3. Pagpapatupad ng kaayusan: seguridad at trapiko tuwing may isinasagawang aktibidad at sa mga pagsamba
4. Pagbabantay ng kapilya
5. Pag-rescue kapag may mga emergency kung may bagyo etc.
6. Nakikipagkaisa sa mga proyekto ng pamahalaan hal. bantay lansangan. 
7. Pagdi-distribute ng relief goods kapag may Lingap Pamamahayag o Lingap sa Mamamayan

Ano pa ba?

Sa dami nilang ginagawa sila yung mga kapatid na pag tayo nasa tahanan na pagkatapos ng mga aktibidad sila naman nandoon pa rin, sila yung pinakahuling umuuwi dahil sa pagtupad pa rin ng kanilang tungkulin. 

Pagod, puyat, sakripisyo...

Kaya naman SALUDO po ako sa mga kapatid nating taga SCAN INTERNATIONAL!

MABUHAY PO KAYO!

Huwag po sana kayo magsasawa at mapapagod tuparin ang inyong tungkulin dahil malaki ang ginagampanan nyo upang matulungan ang buong Iglesia. Ang Ama na ang bahalang magsukli sa lahat ng inyong pagpapagal. Pagpalain nawa po ang inyong sambahayan.

"FELIX MANALO" MOVIE FULL TRAILER AND REVIEW




Simula ng mailabas pa lang ang teaser trailer ng "FELIX MANALO" ay sobrang excited na ang lahat ng kapatid lalo na habang palapit ng palapit ang araw ng paglabas nito sa mga sinehan sa buong bansa--> Oct. 7, 2015.

Mga pangyayari na dapat i-expect sa pelikula, ayon sa inilabas na full trailer:

1. Pag alis sa Iglesia Katolika at pag anib sa ibat ibang relihiyon
2. Paghahanap ng katotohanan at ang pagsisimula ng kaniyang pagpapangaral ng Iglesia ni Cristo
3. Personal na buhay at buhay-pag ibig ng Ka Felix Manalo
4. Mga pag uusig na naranasan ng Ka Felix sa pangangaral ng Iglesia, at pag uusig sa mga kapatid mula ng maanib sa Iglesia
5. Pagkarehistro ng Iglesia sa gobyerno ng Pilipinas
6. Pagkumbinsi kay Ka Felix Manalo na mamahala sa lahat ng relihiyon sa Pilipinas ngunit tumanggi ang Sugo
7. Pag uusig sa kamay ng mga hapon
8. Rebelyon na pinangunahan ni Teofilo Ora
9. Pagkilala kay Ka Felix Manalo ng "Christian Mission" bilang Outstanding Evangelist sa Sine Gloria, 1918

September 7, 2015

VIRAL STORIES: "Kasalanan lahat ng Iglesia ni Cristo"?

Pasensya na kung medyo late na ang post ko na ito, kapag restday lang po kasi ako nakakapag blog kaya napag iiwanan ako ng mga issues na dapat sagutin kaya pagbigyan nyo na :D

At ayokong palagpasin ang pagkakataon na ito para ipakita ang katotohanan sa iba lalo na dun sa mga hindi pa nakakaalam ng totoo.

May dalawang storya sa facebook ang naging viral tungkol sa naging epekto ng malaking traffic sa EDSA dahil sa naging rally ng Iglesia ni Cristo na hindi maintindihan at hindi kayang intindihin ng mga hindi kaanib.

ISTORYA NG NATUNAW NA ICE CREAM:



Reaksyon ng mga hindi kaanib: 

P#$%^& ina nyo, sayang yung ice cream!
Tignan nyo, pati buhay ng mga karaniwang tao dinamay nyo!

Reaksyon ko naman: Nahiya naman ako sa ice cream, mas importante pa yung ice cream kesa dun sa ginagawang panggipit sa Iglesia? Yung tipong mga lider ng Iglesia ay aarestuhin ng walang kalaban laban sa kasong isinampa ng may motibong pabagsakin ang Pamamahala ng Iglesia: Ang maalis ang SANGGUNIAN? 

Hindi naman kami titira sa EDSA, nag rally lang kami para ipaabot sa gobyerno, kay Sec. De Lima at sa sambayanan ang aming hinaing. Kung nagdulot kami ng malaking traffic sa EDSA, humihingi po kami ng paumanhin. Pero yung bibigyan ng mas pagpapahalaga yung natunaw na ice cream para lang sabihing ANG SAMA SAMA NG IGLESIA NI CRISTO, napakababaw naman! Parang di naman nakapag aral nyan.

Ang katotohanan...

Sinisi nga ba ang INC rally?


Hindi naman pala.

Ngunit para sa naging istorya nya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa pagiging mapagbigay sa kapwa at mapagmahal sa anak. Yung tipong kahit nag alok pa siya, tapos sa di pa kakilala...



ISTORYA NG NAMATAY DAW DAHIL SA NAGING TRAFFIC DULOT NG INC RALLY:









At may isa namang poser ang artistang si Ruffa Gutierrez:




 Ang katotohanan....

POSER lang pala ang account na iyon. Kaya ang panawagan ng totoong RUFFA G.:


 


Ngayon, malalaman natin nasadyang mapanghusga ang karamihan sa atin, hindi man lamang inaalam ang katotohanan. Gumagawa na nga ng mga kasinungalingan, ang iba namay gumagawa ng ISYU mula sa maliliit na bagay.

Masabi lang na KASALANAN LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO.

Sige po, lahat na isisi nyo sa INC. Mapa problema sa pamilya, sa gobyerno at sa ibang relihiyon. Kung diyaan kayo magiging masaya at kung sa tingin nyo nagiging mabuting tao kayo dahil dyan. Sige lang...

Magtiwala sa magagawa ng Diyos

Ano nga bang dapat nating gawin sa mga pagkakataong ito ngayong nakakaranas tayo ng NAPAKALAKING PAGSUBOK?

Pagsubok sa Iglesia, at pagsubok sa pananampalataya ng mga kaanib.

Isa lang ang alam kong sagot dyan: MAGTIWALA PO TAYONG LUBOS SA MAGAGAWA NG ATING PANGINOONG DIYOS.

Simple lang po diba?

Ngunit bat parang hindi ata natin ginagawa?

Nakakalimutan ata natin?

At PINAGWAWALANG HALAGA PO ATA NATIN?

Inspired ang artikulo kong ito sa katanungan ng isang kapatid na nag email sa akin. Alam ko ang ilan sa mga kapatid ay may kaparehas na katanungan at nararamdaman, hindi alam ang gagawin at gusto ng kasagutan.