Ito ang tanong ng marami at ang pinaka pinag uusapan pa rin hanggang sa ngayon.
BIG DEAL kasi para sa mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang balita na "nagbenta" ang Iglesia ng bahay sambahan o kahit property pa.
Hindi ko rin alam kung bakit.
Alam ng lahat na sa ibang bansa ay kaliwat kanan ang pagbebenta ng kapilya ng ibat ibang relihiyon, una dahil hindi na kaya ang expenses, pangalawa, wala ng nagsisimba sa kanila.
Sa Iglesia Ni Cristo, NEXT TO IMPOSSIBLE ang ganiyang scenario. Hindi ko ito sinasabi dahil kaanib ako, kundi dahil sadyang IMPOSIBLE itong mangyari.
Una, kung "saka sakaling nagkataon" na hindi makaya ang expenses sa lokal (kahit wala pa kong nabalitaang pangyayaring ganito), pwede naman sigurong humingi ng tulong sa distrito, at kung sobra sobra pa ring hindi kaya (kaya imposible talagang mangyari) ay pwede naman humingi ng tulong sa central. Pangalawa, NEXT TO IMPOSSIBLE din yung scenario na WALA NG SUMASAMBA sa isang lokal. Pwede siguro may nagsialis at lumipat ng ibang lokal, pero yung dahil "wala na talagang sumasamba" ay mahirap paniwalaan. But for the sake of the argument, kunwari may ganung case, kahit iilan lang ang kapatid ay tuloy tuloy pa rin ang pagsamba sa lokal na yun. Wala namang required na bilang sa pagsasagawa ng pagsamba ehh...
Puntahan natin yung LOKAL NG HUMBLE, TEXAS issue na sinimulan ni Antonio Ebangelista.
Noong May 2015 ay nagpost sya na nagsasabi ibinebenta na daw ang lokal. Nung isearch ko ang artikulo nyang ito sa blog nya, HIMALA, wala na. Ilang araw pagkalabas ng artikulo ni A.E ay sinagot ito ng theiglesianicristo.blogspot.com ni Ka Pristine Truth. Narito po ang link>> http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/clearing-humbles-house-of-worship-issue.html
ANG KATUNAYAN
Masaya ako dahil sa patuloy kong pag sesearch sa internet ay napatunayan ko na TUNAY NGANG MAGPAHANGGANG NGAYON ay ginagamit pa rin ang kapilya ng Lokal ng Humble, Texas.
Samakatuwid, ang kapilyang ito ay hindi BINENTA O NAIBENTA di tulad ng claim ngayon ng Fallen Angels at mga di kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
Tandaan: Lumabas ang artikulo ni AE noong May 2015
Narito naman po ang activities sa facebook ukol sa Lokal ng Humble, Texas
Link>> https://www.facebook.com/pages/Iglesia-Ni-Cristo-Humble-Texas/165972240171500
Kita nyo mga kapatid?
Simula April hanggang ngayong buwan November, ay patuloy na ginagamit ang bahay sambahan ng Lokal ng Humble, Texas. Hindi natigil ang mga pagsamba at pagsasagawa ng ibat ibang aktibidad doon. Kaya NAPAKALINAW na ang KAPILYANG ITO AY HINDI BINENTA O NAIBENTA NG IGLESIA NI CRISTO!
Sapagkat ang isang malinaw na katotohanan ay patuloy ang pagdaragdag ng mga bahay sambahan sa ibat ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagtatayo at pagbili ng ibat ibang properties sa buong mundo.
Kung makakapagpakita kayong mga patuloy na naninira sa Iglesia Ni Cristo na ang KAPILYANG ito AY NAIBENTA, NGAYON PALANG GAWIN NYO NA! NGUNIT ALAM NG LAHAT NA WALA, KAHIT LUMIPAS MAN ANG 10 TAON WALA KAYONG MAIPAPAKITA DAHIL HINDI NAMAN TALAGA ITO IBINENTA.
SAMANTALANG AKO, MERON AKONG MAIPAPAKITANG MGA EBIDENSYA NG PAGSASARA AT PAGBEBENTA NG MGA SIMBAHAN NG MGA KATOLIKO AT PROTESTANTE SA IBANG BANSA. ANO, GAME? :)
November 20, 2015
2 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
si ka rita fenis, asawa ng pinsan ko.. :)
ReplyDeleteWell,another plank on AE...
ReplyDeleteKahit si Pablo Hernandez ng Bulgar,galit sa kaniya (hindi INC si Hernandez).