"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 19, 2015

Part 2: Ang tunay na kwento sa likod ng pamilya ng Ka Erano Manalo

Ito po ay isang sulat mula kay Ka Cristina Jurado Menanza (Cousin of Angel's father in law) na galing sa kaniyang FB account. 

Lubos akong sumasampalataya, na sa lahat ng lumalabas na kwento tungkol sa pamilya ng Ka Erano Manalo, ay ito ang pinaka ACCURATE sa lahat. Marami kasing isyu dito ang nabigyang linaw mula sa mga kwentong nagmula kala Kelly Ong at Antonio Ebangelista. 

Kaya napagpasyahan ko na i repost dito sa blog na ito ang liham na isinulat ng isang kapatid na malapit sa pamilya ng Ka Erdy. 


Narito po ang tagalog translation:


Ang pahayag na ito ay sinimulan kong isulat mahigit na isang buwan na ang nakararaan, pero sabi nga palagi ni Lolanidora: “Sa Tamang Panahon", at talagang nagsagawa ako ng mga pagpanata upang matapos ko ito upang hindi ako makapagdulot ng anumang paninira o kasalanan sa kaninoman. Subali't kung makapagdulot man ako ng gayon, ngayon pa lamang ay ipinapahayag ko na ang pinaka-taimtim kong paumanhin.

Kaya sa aking palagay ay ngayong araw na ito na ang "Tamang Panahon" upang ibahagi ang mahalagang kabatirang ito, lalong-lalo na at ngayon ay ang kaarawan ng isa sa pinaka-mahalagang mga tao sa aking buhay, ang pinakamamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo (Ka EVM).

Nasusulat sa aklat ng Santiago 3:13-18 Magandang Balita Biblia:

Ang Karunungang Mula sa Diyos
13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. 14 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. 16 Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.
17 Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.

Sa aking sariling palagay, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo ang siyang tunay na kahayagan ng isang tao na mayroong karunungan na nagmumula sa Diyos, gaya ng kung ano ang isinasaad ng Talatang 17.

Sa ganang aking sarili, wala akong layunin na mamukol ng mga bato doon sa mga naninira sa Sanggunian ng INC. Akin itong ginagawa ayon sa aking sariling taos-pusong pagnanais at walang sinumang pumilit sa akin o nanuhol sa akin sa pagsisiwalat na ito. Nais ko lamang ibahagi ang gayong napaka-mahalagang mga pangyayari na naganap noong mga naunang panahon na nanghihina na ang kalusugan sa buhay ng ating namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na EraƱo G. Manalo (Ka Erdy), na aking ipinapanalangin at inaasahang sa kahit anumang paraan ay makapagbigay-liwanag sa mga naipatapong mga anghel (fallen angels), at kay Kelly Ong, at lalong-lalo na yaong mga kapatid sa INC na nadimlan ng isip.

Sa isa sa mga napaka-kaunting mga pagkakataon na ang Ka EVM ay nagbukas ng hinaing sa isang ministro na naka-destino sa Opisina Central ng INC, na ang maybahay ay isang malapit kong pinsan, ibinahagi ng Ka EVM na kahit na noong siya ay Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan pa lamang, naniniwala siya na ang ilan sa kaniyang mga kapatid ay hindi na sumasang-ayon sa kaniya sa pagkakatalaga niya bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan. Napakarami niyang mga proyekto at mga mungkahi na sa anumang paraan ay pinipigilan ng kaniyang dalawang kapatid na mga lalake, sapagkat ng mga pagkakataong iyon, sila ang tumatayo bilang mga kalihim ng Ka Erdy.

Binanggit din ng Ka EVM na ang STF (Special Task Force) na kaniyang binuo at ibinunyi ng Ka Erdy ay hindi ang siyang grupo na lumaban sa pamamahala ng Ka Erdy, kundi ang lumaban ay ang grupo na tinatawag na NewGen (BagongHenerasyon).

Sa kasamaang palad, nalinlang ang Ka Erdy ng ilan sa kaniyang mga kasambahay para papaniwalain na ang STF ay kinikilala na na ang Ka EVM na ang siyang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, na hindi totoo at walang-batayan.

Mayroon pang isang pagkakataon minsan sa isang Hapunan ng Biyernes ng gabi sa pamilya ng Ka Erdy kung saan ang Ka Tenny, ang maybahay ng Ka Erdy, ay hiniling sa kaniya na ipagkaloob na lamang kay Ka Mark Manalo ang oportunidad na maging Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan sa halip na sa Ka EVM, at hiniling din niya ang Ka Erdy na ilagay si Ka Angel Manalo bilang pangulo ng Pananalapi. Subalit mahigpit ang Ka Erdy sa kaniyang sagot noong pagkakataong iyon na sina Ka Angel at Ka Mark ay hindi sinanay at hinulma upang humawak ng gayong mahahalagang mga tungkulin.

Ang isyu tungkol sa pagpapakasal ni Ka Gemma, isa sa mga anak na babae ng Ka EVM, kay Ka Jojo de Guzman ay binasbasan ng Ka Erdy sapagkat sa simula pa lamang, ang payo ng Ka Erdy kay Ka Gemma ay magsagawa ng mga pagpapanata tungkol sa kanilang pag-iisang-dibdib at sinabi rin ng Ka Erdy na magsasagawa rin siya ng kaniyang sariling pagpapanta para doon. Sa isa sa mga pagsa-salo-salo ng pamilya, iminungkahi pa ng Ka Erdy na magsagawa ng isang survey ng pagsisiyasat sa pagitan nila upang mapagkilanlan kung sino ang mga sumasang-ayon sa pagpapakasal nina Ka Gemma at Ka Jojo, at ang Ka Erdy ang siyang unang nagtaas ng kaniyang kamay, na ikinagulat noong mga di-sang-ayon sa pagpapakasal na iyon, kaya't basta sumunod na lamang sila sa pamamagitan ng pagtataas din ng kanilang mga kamay.

Sa isa sa mga pinaka-mahalagang mga okasyon kung saan ang pagdalo ng Ka EVM ay kinakailangan, 'yun na nga ay noong ang Ka Erdy ay malubha na ang karamdaman at napakahina na ng pangangatawan, hindi binigyan ng pagkakataon ni Ka Tenny ang Ka EVM na makadalaw, upang makita o makausap man lang ang Ka Erdy. Sa tuwing hihilingin ng Ka EVM ang Ka Tenny para makadalaw sa Ka Erdy, sinasabi ni Ka Tenny na ayaw siyang harapin ng Ka Erdy, na sa palagay ko ay hinding-hindi gagawin ng Ka Erdy. Iyon ang dahilan kung bakit, nang pinapanood ko ang pelikulang Felix Manalo, noong tagpo sa ospital nang kausapin ng Ka Felix ang Ka Erdy, napaiyak talaga ako nang labis sapagka't ang mga gayong napakadalang na mga pagkakataon ay hindi na naranasan mismo ng Ka EVM sa pagyao ng kaniyang tatay. Iyon ay isang napaka-lungkot na katotohanan na ang Ka EVM ang pinaka-huling tao sa kanilang pamilya ang nakaalam na ang Ka Erdy ay pumanaw na. Naniniwala ako na kung totoo na mayroong tampuhan sa pagitan ng Ka Erdy at ng Ka EVM, si Ka Tenny bilang maybahay, bilang isang ina, at higit sa lahat bilang siyang Ilaw ng kanilang tahanan, ay naging kasangkapan sana sa pagkakasundo ng dalawa. Hindi ko lubos na maisip kung anong klaseng espirito ang nanaig sa puso ng isang ina upang alisan ang kaniyang anak ng huling pagkakataon na iyon na makapag-paalam sa kaniyang naghihingalong tatay, na siyang naging kasa-kasama niyang lumaki, at kaniyang inidolo dahil sa kaniyang kadakilaan sa relihiyon.

Sa isa sa mga isyu na sinasabi ni Kelly Ong tungkol sa utos ng Ka EVM upang isara ang Tabernakulo kung saan ang bangkay ng Ka Erdy ay nakaratay, ito ay iniutos sapagkat ang dako ay ginagamit ni Ka Tenny upang mangalap ng mga kapatid upang ipahayag ang kaniyang mga pagtatampo at saloobin na pinaniniwalaan ng Ka EVM na sa anumang paraan ay magpapahina sa pananampalataya niyaong mga makakarinig ng gayong mga panaghoy. Naniniwala ang Ka EVM ng panahong iyon na ang kaniyang ina ay dapat nang makapagpatuloy na sapagkat namayapa na ang Ka Erdy. Noong mamayapa ang asawa ni Ka Lottie, inialok ng Ka EVM ang Tabernakulo upang maging dako ng paglalamayan, subalit tumanggi si Ka Lottie at sa halip ay minabuting gamitin ang serbisyo ng Arlington Memorial Home. Ang pinsan ko at ang kaniyang pamilya ay nagkaroon ng isang pagkakataon na makadalaw sa gayong lamay, at nang sila ay nagmano sa Ka Tenny, binanggit ni Ka Tenny na: “Dapat tayo ay nagkakaisa bilang pamilya.” Ang mga gayong pahayag ay hindi nagdulot ng magandang pakiramdam at sa katunayan ay nagbigay-takot pa sa kanila kung kaya't nagpasya silang umalis na kaagad-agad sa lugar na iyon.
Sa atin na mga karaniwang kaanib ng Iglesia Ni Cristo, talaga namang isang napaka-lungkot na mabalitaan na sina Ka Tenny, Ka Lottie, Ka Angel at Ka Mark ay nahiwalay sa ating Iglesia, pero ito ay mas lalo pang napakasakit sa Ka EVM sapagkat ang mga ito ay ang kaniyang sariling ina at mga kapatid. Subalit batid ko na ang tanging layunin ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay ang makapag-balik-loob ang kaniyang ina at mga kapatid sa kalooban ng Diyos, na patigilin ang mga gawa ni Joy Yuson, na patuloy na nagnanais na gumawa ng pagkaka-baha-bahagi sa INC. Gaya ng kanilang isyu sa pahina ni Jezebel, ito ay hindi maiuutos nang walang matibay na dahilan. Mayroon nang isang pag-uulat ng security na mayroong isang gumagamit ng teleskopyo sa pamamagitan ng isang mataas ang kalibreng baril na nakatutok sa bahay ng Ka EVM.

Hindi ko alam kung papayagan ng pinsan ko ang ganitong mga pagsisiwalat na ipinagkatiwala niya na ingatan ko, subalit labis akong nasasaktan at nangangamba sa kung ano na ang nangyayari sa INC. Ako ay pinalaking maayos ng aking Inang, na si Lola Abe, isang kilalang tagatustos at tagapag-alaga ng mga estudyanteng BEM noong siya ay nabubuhay pa, at ang aking ama & ina sa ilalilm ng mga aral ng Diyos at ng Iglesia Ni Cristo, at dahil dito, ako ay nagka-gulang na taglay ang malalim na pananampalatayang Iglesia Ni cristo at may banal na takot sa Diyos. Ang pagka-mariwasa ng aming pamilya ay inilalarawan sa pamamagitan ng mabuting pagkatao, dalisay na puso at sa pagsasabi ng mga salita ng Katotohanan. Batid ko na dahil dito, ako ay tutuligsain at pararatangan sa pamamagitan ng social media, gaya ng dinaranas ng Sanggunian at ng kanilang mga pamilya, subalit hindi ako natatakot dahil ako ay iniingatan ng Makapangyarihang Diyos, ang Lumalang ng Langit at Lupa.

Isinama ko rito ang mga larawan na aking pinaka-iingat-ingatan – noong mamayapa ang aking kapatid na lalake (ang ka-eskwela ni Ka Lottie sa UP Diliman) sa maagang panahon dahil sa tumor sa utak, isang larawan mula kay Ka Tenny sa pag-aalaala sa unang taon ng anibersaryo ng kamatayan ng Ka Erdy at isang tala ng Pasasalamat mula sa Ka Tenny (na aking naiwaglit noong lumipat kami ng tirahan) sapagkat tunay kong iniibig at minamahal ang pamilya ng Ka Erdy at hindi ko sasadyain na siraan sila.

Dahil sa aking pananalig na ang Ka EVM ang siyang kinatutuparan ng pagkatao na inilalarawan doon sa unahang bahagi ng kabatirang ito na nakasaad sa Santiago 3:17 – na puspos ng kahabagan at bunga ng mabubuting mga gawa; hindi nagtatangi at palagi nang nasa katapatan, naipakita ito ng Ka EVM nang ang aking pinsan, si Kuya Mario Wong (biyenan ni Ka Angel) at ang kaniyang pamilya, ay patuloy na namumuhay,a t inaalagaan sa bakuran ng INC bagaman sila ay hindi mga empleyado o naglilingkod a alinmang tanggapan sa Opisina Central ng INC.

Aking ipanaaabot ang aking taos-puso at tapat na mensahe kina Ka Tenny, Ka Lottie, Ka Angel at Ka Mark na himukin at payuhan ang grupo ni Joy Yuson at Roel Rosal na tumigil na at magbalik-loob sa Ilaw at sa Diyos. Batid ko, at batid ninyong lahat na ang Ka EVM ay hindi isang masamang anak at kapatid. Ang pamilya ay dapat na naninindigang magkakasama bilang isang pamilya. Hindi dapat na malimutan ni Ka Tenny ang katotohanan na ang Ka EVM ay kanila ring anak ng Ka Erdy, at ang Ka EVM ang ating kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, na masasabi kong halos 99% ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay tunay na minamahal at sinusuportahan.

Alam ko, Ka Tenny, na sa pinaka-kaibuturang bahagi ng inyong puso, may kamalayan kayo sa kabutihan ng Ka EVM at kung papaano niya tunay na minamahal ang Iglesia Ni Cristo upang ipagpatuloy ang pamanang iniwan ng kaniyang Lolo, ang Ka Felix, at ng kaniyang tatay, ang Ka Erdy.

Nalulungkot ako sa katotohanan na ako ay hinadlangan na makapagbigay ng mga pananaw sa pahina ng social media ni Kelly Ong, subalit ang tangi ko lamang layunin ay ang ibahagi ang katotohanan at hindi ang magdulot ng anumang paninira lalong-lalo na sa pamilya ng Ka Erdy. Naniniwala ako na ito rin ang damdamin ng karamihan sa mga kapatid sa INC na nagnanais na maganap na ang isang pagkakasunduan, nang upang ang Iglesia Ni cristo na hinawakan at tinulungan ng Diyos na makapanindigan sa loob ng higit sa 101 mga taon ay hindi magdanas ng gayunding kapalaran sa unang Iglesia na tumalikod sa Diyos.

Tayo nang magbalik-loob, papagningasing muli ang alab ng paglilingkod sa Diyos, sapagkat nababatid natin na wala nang iba pang kaligtasan na umiiral kundi sa loob lamang ng Iglesia Ni Cristo sa Huling Araw.

Sa ating pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ipinaaabot ko po ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong matibay na paninindigan sa pangunguna sa ating Iglesia sa kabila ng napakaraming mga kahadlangan. Tunay kong iniibig ang Iglesia Ni Cristo, tunay kong iniibig ang Tagapamahalang Pangkalahatan, at nangangako ako na maging pinakamabuting kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa abot ng aking makakaya hanggang sa huling sandali ng aking hininga. MALIGAYANG KAARAWAN PO! 

4 comments:

  1. sa bawat pagsubok ito ay normal lalut sa mga mananampalataya at sa kaso naman ng mga kaibigan sa iglesya ni cristo based sa mga nababasa ko para sa akin,tangi ang Dios lamang ang totoo nakakaalam kung sino ang mali o ang tama kayat hindi ako hahatol para di rin ako hahatulan ng Dios,

    ReplyDelete
  2. Well,God knows who tells the truth.And He never forsakes His Administration.

    ReplyDelete
  3. God knows and always knows the truth.

    Hindi ang Pamilya Manalo ang may-ari ng Iglesiang itinayo ng Anak Niya by blood.
    Ang Diyos at si Cristo lamang ang tunay na may-ari.

    At naglagay sila ng Pamamahala.Hindi isang pamilya,kundi isang TAO.

    ReplyDelete
  4. God knows .. Who's telling the truth. Be merciful to everyone. If someone slap your face ... let him slap the other side.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.