"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

March 26, 2013

Bakit ang banal na hapunan ng INC ay isinasagawa sa umaga at may abuluyan pa?

Isa sa pinaka popular na banat ni Mr. Soriano kasama na ang kaniyang mga kampon ang tungkol sa pagbabanal na hapunan na ginagawa sa Iglesia ni Cristo. Sa tuwing nababanggit kasi niya ang isa sa mga "maling aral" daw ng Iglesia ni Cristo ay ang banal na hapunan sa UMAGA na, may ABULUYAN pa. 

 
Banal na HAPUNAN sa "UMAGA"?

Isa sa mga paratang nila ay ang banal na hapunan ay sa UMAGA daw ginagawa. Dapat daw banal na ALMUSAL o kaya naman ay banal na UMAGAHAN ang tawag doon at hindi banal na HAPUNAN. Kung papakinggan sa unang beses ay mapapa OO ka talaga pero pag sinuri mo ng maigi ay lilitaw na walang kasense sense at pang grade 1 ang argumento ni Mr. Soriano.

Bakit?

Ang isinasagawa po kasi namin ay BANAL NA HAPUNAN at hindi HAPUNAN.

Ang HAPUNAN ay natural na ginagawa sa GABI.
Pag kumain ka sa tanghali ay TANGHALIAN na tawag doon.
At pag sa UMAGA ay ALMUSAL o UMAGAHAN.

Ang sa amin, ay BANAL NA HAPUNAN. Ito ay isa lamang tawag sa sinasabing naging huling hapunan ni Kristo kasama ang mga apostol bago siya maipako sa krus. Iba iba ang tawag dito depende sa relihiyon, tinatawag itong HOLY SUPPER o kaya naman ay LAST SUPPER o kaya naman ay EUCHARIST/HOLY COMMUNION/LORD'S SUPPER o kaya naman ay MASS o kaya naman ay SACRAMENT o kaya naman ay DIVINE LITURGY o kaya naman ay DIVINE SERVICE.

Ano ba ito?

Ito ay ang pag alala kay sa ating Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay at pag inom ng katas ng ubas.


Mark 14:22-24And as they were eating, he took bread, and when he had blessed, he brake it, and gave to them, and said, ‘Take ye: this is my body.’And he took a cup, and when he had given thanks, he gave to them: and they all drank of it. And he said unto them, ‘This is my blood of the covenant, which is poured out for many.’
Matthew 26:26-28And as they were eating, Jesus took bread, and blessed, and brake it; and he gave to the disciples, and said, ‘Take, eat; this is my body.’And he took a cup, and gave thanks, and gave to them, saying, ‘Drink ye all of it; for this is my blood of the covenant, which is poured out for many unto remission of sins.’
1 Corinthians 11:23-25For I received of the Lord that which also I delivered unto you, that the Lord Jesus in the night in which he was betrayed took bread; and when he had given thanks, he brake it, and said, ‘This is my body, which is for you: this do in remembrance of me.’In like manner also the cup, after supper, saying, ‘This cup is the new covenant in my blood: this do, as often as ye drink it, in remembrance of me.’
Luke 2:19-20And he took bread, and when he had given thanks, he brake it, and gave to them, saying, ‘This is my body which is given for you: this do in remembrance of me.’And the cup in like manner after supper, saying, ‘This cup is the new covenant in my blood, even that which is poured out for you.’
source: wikipedia

Kaya ang banal na hapunan= pagkain ng tinapay at pag inom ng katas ng ubas.

Hindi po banal na hapunan= HAPUNAN.

Kaya walang kasense sense ang pag atake nila sa Iglesia ni Cristo, tama naman na kapag kumain ka sa gabi ay HAPUNAN ang tawag doon, kapag sa umaga, ALMUSAL o UMAGAHAN ang tawag doon, pero hindi naman po kami pumupunta sa kapilya para lang KUMAIN ng natural na pagkain kundi upang alalahanin si Kristo sa pamamagitan noon na siya mismo ang nag utos:

"For I received from the Lord what I also passed on to you: The Lord Jesus, on the night he was betrayed, took bread, and when he had given thanks, he broke it and said, “This is my body, which is for you; do this in remembrance of me.” In the same way, after supper he took the cup, saying, “This cup is the new covenant in my blood; do this, whenever you drink it, in remembrance of me.” I Cor. 11:23-25

Ebidensya na hindi ordinaryong pagkain ang ginagawa namin kaya hindi ito dapat tawaging banal na ALMUSAL?


Yung tinapay na pinagputol putol ay tuldok lang ang nakukuha namin at ang katas naman ng ubas ay parang 8 tbsp. lang yon. 

Tanong: Natry mo na ba mag almusal na gatuldok lang ang tinapay na kinain mo, mas marami pa yung sa mga free taste sa mall, at nakainom ng katas ng ubas na kasing rami ng pang free taste sa mall???

Porke ba may word na HAPUNAN kailangan talaga sa gabi gagawin? Kailangan ba lagi LITERAL?

Bakit ang simbang gabi? Di ba dapat simbang madaling araw yun?

Kaya nga hindi nakikisama ang mga katoliko at protestante sa ganitong klaseng atake dahil napakababaw at napaka walang sense ang argumento na si MR. SORIANO lang ang nakaisip. Ang talino talaga! Congrats!^^

  
Banal na hapunan MAY ABULUYAN?

Tanong: Alin ba ang may abuluyan, yung BANAL NA HAPUNAN BA o yung PAGSAMBA?

Sa amin po kasi, magkasabay na isinasagawa ang banal na hapunan at pagsamba.

Ganito kasi ang format ng aming pagsamba:


Singing of hymns
Opening prayer
Sermon
Prayer
Collection of offerings
Prayer
Doxology
Benediction
(reading of circulars/reminders)
Recessional hymn

Eh paano pag banal na hapunan?


Singing of hymns
Opening prayer
Sermon
Breaking and Receiving of Bread
Prayer
Receiving of  Wine grapes ("the cup")
Prayer
Collection of offerings
Prayer
Doxology
Benediction
(reading of circulars/reminders)
Recessional hymn


Eh kapag Pasalamat (Thanksgiving)?


Singing of hymns
Choir processional march
Opening prayer
Sermon
Prayer
Collection of offerings
Prayer
Doxology
Benediction
(reading of circulars/reminders)
Recessional hymn

Sobra bang malaki ang mga ipinagkaiba ng mga worship service ng Iglesia ni Cristo?

Maiintindihan ko kung ang service ng BANAL NA HAPUNAN ng Iglesia ni Cristo ay ang pagtanggap ng tinapay at katas ng ubas lamang, ang kaso ito poy kasama ng pagsamba. Kaya nga po yung araw ng pagtanggap namin ay Saturday/Sunday din hindi naman sa ibang araw... 

Ano ba ang isinasagawa ng karamihang relihiyon pag Sunday? Di ba pagsamba?

Walang bang saysay at isa bang malaking PAGKAKAMALI ang pag-aabuloy tuwing pagsamba?


"Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod" Hebreo 13:15-16 

Siguro ay inggit na inggit lang si Mr. Soriano dahil kapag nag aabuloy ang mga myembro ng Iglesia ni Cristo ay bukal sa puso at talagang sinusunod ang utos sa bibliya dahil ito ay para sa kapurihan ng Diyos. 

Lahat kasi ng mga projects ng INC, mapa pagtulong sa kapwa, pagpapatayo ng superstructures at mga bahay sambahan, pagbili ng mga properties at mga gugulin sa Iglesia, ang source noon ay ang mga handog ng mga myembro ng Iglesia ni Cristo.

17 comments:

  1. tama, puro "hahahaha", "hehehehe" at "mali yan,mali yan" lang napapanood ko sa D XMAN. (no offense po,truth lang)

    ReplyDelete
  2. Ok lang po manuod dun kasi nalalaman mo na nagsisinungaling sila.. Di ba mga dating INC member yang mga host ng D' XMAN, biruin mo ba naman na "uri daw ng pag-aabuloy yung tatlong kapisanan", yung BINHI, KADIWA AT BUKLOD.. Mga abuluyan daw ito noong napanuod ko sila.. HALATANG HALATANG PURO KASINUNGALINGAN..

    ReplyDelete
  3. Ang mga kampon ni Mr. Contradiction basta tutol lang ng tutol pagka tungkol sa Iglesia ni Cristo. Biruin mong basta makatutol lang kahit bali balian ang biblia okay lang sa kanila. Isipang satanas, pabaligtad. Ang sabi sa biblia magtayo ng templo, ang sabi ni satanas wag magtatayo ng templo. Ang sabi sa biblia magbigay ng handog, ang sabi ni satanas wag maghahandog. Ang sabi sa biblia iisa lang ang Dios, ang sabi ni satanas kahit maging isang baranggay ang dios walang problema. Ang sabi ng biblia walang imposible sa Dios, ang sabi ni satanas mayroong hindi kayang gawin ang Dios. Ang sabi sa biblia tumulong sa kapwa, ang sabi ni satanas batikusin ang pagtulong nilang ginagawa. Kawawa ang mga taong nadaya ni satanas, pinagmatigas ang puso kaya hindi na nagsusuri, batikos lang ng batikos, tutol lang ng tutol.

    ReplyDelete
  4. sa aking pagmamasid at pag-analyze ng kilos at gawi ni Mr. Fugitive, dinadaan nya sa sindakan ung mga tagapangaral na nakakaharap nya.. ung mga bata at totoy.. pero sa INC, hindi nya kayang paikutin sina Ka Bularan, Ka Ramil, Ka Joe Ventilacion... dun sa debate nya sa isang totoy na pastor na sinabi nya na ang dios (niya) ay may puwit, kung ang ka-debate nya doon ay isang ministro sa INC, naku...tapos na ang career nya bilang (bulaang) mangangaral... maiipit siya dun at di na makakaalpas..

    kapag sinuri natin ang mga pinagsasabi niya tungkol kay Galileo Galilee, sa distance ng earth sa moon... tungkol sa banggit ni Apostol Pablo na "mamuhay ng gaya sa araw" na isinalin pa niya sa English na "sun" pero kapag binasa sa English Bible ay hindi "sun" ang tinutukoy kundi "day" or "daylight" na ibig sabihin ay mamuhay sa kaliwanagan... na ang sabi niya ang akala daw ng mga apostol ay "it is the sun that revolves around the earth" para patunayan nya na may mali rin sa Biblia...
    napatunayan ko na sa mga sinabi nyang iyon na TUNAY NA BULAANG PROPETA siya..

    ukol naman sa Sta. Cena... wala namang sinabi o iniutos sa Biblia na "gawin ninyo ito" (sta. cena) sa "oras ding ito"...
    wala nun... wala nun... wala nun... (di ba Mr. Fugitive)

    hindi naman sinabi sa Biblia na bawal isama sa programa ng pagsamba ang Sta. Cena...

    eto ang bawal... ang ginagawa ni Mr. Soriano na ang kakainin sa sta. cena ay ginisang munggo... mcdonalds... at talagang hapunan ang ginawa.. hindi banal na hapunan... tsk tsk tsk...

    tama ang sinasabi nina Ka Bularan, hindi komo may sagot sa tanong ay tama na ang sagot... parang exam lang yan... maaaring may sagot tayo sa isang exam sa paaralan pero hindi ibig sabihin pag may sagot ka ay tama na agad ang sagot... suriin muna kung tama ang sagot ng isang "preacher" sa mga tanong...

    ano nga ba ang banal na halik? paano ito ginagawa?
    - dito napahiya si Mr. Soriano at napilitan syang iwan ang pamamahayag niya sa Cavite dahil sa hindi nya nasagot ang tanong sa kanya..

    Sino ang tagapamahalang pangkalahatan sa panahon ng mga apostol?
    ang lakas pa ng loob nya na sabihan ang INC na mali daw ang turo nito na si Apostol Santiago ang tgapamahala noon...dahil patay na daw si Apostol Santiago...
    nang sagutin sya sa Ang Tamang Daan... doon niya natutunan na dalawa pala ang Apostol Santiago... hindi pala niya alam na mayroong Apostol Santiagong bata...na iyon ang naging tagapamahala noon..

    simpleng-simple pero no answer sya... BULAAN naman talaga eh...

    ung mga tuligsa nila sa INC, lahat ay nasagot na.. pero paulit-ulit na binabalikan nila na tila hindi nasasagot pro ang totoo, nasagot ng lahat at sa bawat pagsagot ng INC ay may ibinabatong tanong sa kanya na siya naman talaga ang hindi makasagot ng maayos...

    HINDING HINDI HAHARAP SA DEBATE SI MR. SORIANO sa INC dahil MAHUHUBARAN SYA NG MASKARA... MABIBISTO ang lahat niyang PANLOLOKO...

    HULING TANONG? KANINO NAKAPANGALAN ANG MGA ARI-ARIAN NG MGA IGLESIANG ITINAYO NI MR. SORIANO... at ANO BA TALAGA ANG TAMA AT TOTOONG PANGALAN sa mga iglesia na itinayo niya?



    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga properties ng ADD,mga "chapels",mga sasakyan at mga bahay "dalanginan"nila,kay Soriano nakapangalan.
      Yung sa INC,mapa sasakyan,lupain,buildings at mga bahay-sambahan ay nakapangalan sa Iglesia Ni Cristo lamang po.Walang kay Ka Eduardo,Ka Erdie at Ka Felix at sa kanyang pamilya.
      Yung tulong sa Ministro,Manggagawa at estudyante,maintenance ng kapilya at bahay-sambahan at mga supplies ay galing sa INC accounts.

      Delete
  5. Sa kabilang banda, personally, nagpapasalamat pa rin ako't may isang Eli Soriano sa ating panahon. Dahil sa mga tuligsa niya sa INC, lalong lumiwanag ang aral ng Diyos tuwing sinasagot ng INC ang kanyang mga kasinungalingan. Bilang resulta, mas marami ang naliwanagan at napaanib sa Iglesia Ni Cristo.

    --Bee

    ReplyDelete
  6. brad napanood ko sa you ube mga kontradiktion ni soriano may mga bilang saan ba makikita lahat yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala na yung mga videos na yun nireport ng false copyright complaints ng mga kampon ni Soriano. Kung meron man, iilan na lang ang nasa youtube.

      Delete
  7. eh kung tunay na mangangaral si soriano eh bakit hangga ngayon ay hindi makauwi sa Pinas para harapin ang mga kaso dito. pati yung mga aria-arian na ipinagalan sa kanya sana ibalik sa mga kawawang miyembro nya. tungkol naman sa debate eh di humarap siya sa isang wiling na ministro ng INC na haharap sa kanya....kaso nga takot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga,pag walang "balls",magtatago kahit sa matris ng nanay niya.

      Tungkol sa debate,kahit normal na INC tulad ko,hindi maduduwag sa isang yan.Accurate and explained without additions or subtractions.

      Delete
  8. Napanood ko na 'yung D'X Man nila, mali-mali naman sila eh. Tapos paulit-ulit lang 'yung mga sinasabi nila minsan, halimbawa ang topic ay tungkol sa pangalang Iglesia Ni Cristo, tapos susunod uulitin na naman nila, parang replay na nga lang. Tapos mali-mali rin ang ginagawa nilang pag-aaral sa banal na kasulatan, saka puro panlalait lang naman sila sa Iglesia Ni Cristo..

    ReplyDelete
  9. alam niyo po kasi si Mr. Soriano kung ano po yung nababasa niya sa bibliya binibigyan po niya ng ibang kahulugan (self explanatory) which is mali nmn po talaga. kaya nga po ang banal na kasulatan ay nkalihim sa hiwaga. hindi lahat kayang unawain ang mga nka sulat sa bibliya. puro sariling opinyon kasi itong si Mr. Soriano eh kaya kung anu ano na lang mga sinasabi. para may masabi lang? hmmm ano kaya yun? tsaka kung mangangaral siya (Eli) hindi puro pagmumura ang dapat na lumalabas sa bibig niya. napaghahalata ang kampon ni satanas eh. haaayy Mr. Soriano sumuko kna. maawa ka sa mga taong binulag mo .

    ReplyDelete
  10. Mahirap kausap ang mangangaral na BAYOT.Pabago=bago ang iniisip parang feeling niya girl talaga siya.Haha

    ReplyDelete
  11. Excuse me po, Malaking Church po pala ang PMCC 4Th watch, kami po yung laging nakikipagdebate at ni minsan, hindi kami natatalo. Hinahamon nila ang aral namin, pero walang nakatitibag. Minsan nang nakipagdebate ang PMCC sa INC ngunit nagwalk-out po ang minister ng INC. At, hindi po kami maliit na Church, International po kami for More than 700 Locales and Known po ang PMCC as the fastest growing church, diyan po natin makikita ang tunay na church, mabilis humikayat ng tao. Goodluck nga po pala sa mga INC diyan, ingat po kayo sa Araw ng Paghuhukom

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Saan ba mababasa sa bibliya ang PMCC 4TH WATCH?

      Delete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.