Tanong: Normal lamang ba na ligawan ng mga kumakandidatong pulitiko ang Iglesia ni Cristo para mapunta sa kanila ang boto nito?
Sagot: NORMAL NA NORMAL. Napaka abnormal at napaka ipokrito naman ng mga kumakandidato kung alam nilang nagsasagawa ng kaisahan sa pagboto ang INC at hindi nila ito papansinin, o hindi sila gagawa ng mga paraan para makuha ang boto nito!
Ang hindi normal ay ang Iglesia ni Cristo ang manliligaw sa mga pulitiko para lumapit sa kanila para manghingi ng tulong!
Kung ako ay katolikong tumatakbo para sa eleksyon, ganun na ganun din naman ang gagawin ko. Kung gusto mong manalo, gagawin mo ang lahat, magpapaka effort ka, gagawa at aalamin mo ang lahat ng paraan para lang marami ang bumoto sayo.
Kaya nga andyan ang VOTE BUYING, at FLYING VOTERS.
Ano pa?
Andyan ang cheating in the counting of votes, harassment of voters, at use of harassment during campaign period. source: sws.org.ph
Sino ba ang gumagawa ng mga PANDARAYANG ito?
Di ba yung Catholic at Protestante candidates?
At syempre ang latest, dumami na rin ang gumagaya sa Iglesia ni Cristo tulad ng El Shaddai, The Kingdom of Jesus Christ, Jesus Miracle Crusade, at Jesus is Lord movement. Isama na ang Catholic Church na may pinagmamalaki pang "Catholic Vote".
Ang tawag sa kanilang ginagawa ay ENDORSEMENT. Nag eendorso sila ng mga political candidates at bahala na ang kanilang mga miyembro kung susundin ba nila o hindi ang inendorso sa kanila ng kanilang mga lider.
Ang tawag naman sa ginagawa ng Iglesia ni Cristo ay KAISAHAN SA PAGBOTO. Hindi po ito endorsement na pag may sinuportahan ang mga lider sa INC na mga political candidates ay bahala na ang mga miyembro kung susunod ba sila o hindi. Ang Iglesia ni Cristo kasi ay may doktrina sa KAISAHAN, kasama sa fundamental doctrines yun ng INC at ipinaliliwanag iyon bago pa man mabautismuhan ang mga kaanib, kasama na ang kaisahan sa pagboto.
Responsibilidad ng mga miyembro ng INC ang gawin ang KAISAHAN na ito bilang pagsunod sa bibliya:
“I appeal to you, brothers, by the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree, and that there be no divisions among you, but that you be united in the same mind and the same judgment.” I Cor. 1:10
“here is one body and one Spirit, just as you were called in one hope of your calling; one Lord, one faith, one baptism; one God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all.” Eph. 4:4-6
Dapat bang sundin ng mga miyembro ang KAISAHAN sa Iglesia?
“then make my joy complete by being like-minded, having the same love, being one in spirit and of one mind. Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, Therefore, my dear friends, as you have always obeyed—not only in my presence, but now much more in my absence—continue to work out your salvation with fear and trembling,” Philip. 2:2-3,12
Ang akusa naman ng marami ay DINIDIKTAHAN daw ng Iglesia ni Cristo ang mga miyembro nito kung sino ang iboboto. Ang pagdidikta ay ang PAG UUTOS ng kung sino ang iboboto. Kabaligtaran naman sa katotohanan dahil kung meron mang iniuutos ang Iglesia ni Cristo ay walang iba kundi ang PAKIKIPAGKAISA ng bawat miyembro, kaya nga kapag nalalapit ang eleksyon ay ang mga lesson sa pagsamba ay tungkol sa pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo, hindi tungkol sa KUNG SINO ANG IBOBOTO na kung hindi namin sila iboboto ay ititiwalag nila kami.
Napagdebatihan na ito sa korte ng Pilipinas at pinayagan ito dahil sa huli, ang mga myembro pa rin naman ang magpapasya kung sino ang kaniyang iboboto, dalawa lang naman ang choice niya kung sino ano ang susundin nya-- ang personal choice niya o makikipagkaisa siya sa Iglesia.
Hindi tungkol sa PAGDIDIKTA ang aral ng Iglesia ni Cristo kundi tungkol sa PAGSUNOD, magkaiba kasi yun. PAGNAGDIKTA ka kasi, walang choice yung dinidiktahan mo kundi sundin ka. May konsensyang pinapairal sa Iglesia ni Cristo at sa pagboto, nasa konsensya mo na yun kung makikipagkaisa ka sa Iglesia o mas pipiliin mo ang gusto mong kandidato, pagboboto kana IKAW LANG ANG MAKAKAALAM SA IBOBOTO MO, kaya pwede kang magdalawang isip kung gugustuhin mo. Pero dahil Iglesia kami ni Cristo kung choice namin sumunod sa kaisahan sa Iglesia, BAKIT APEKTADONG APEKTADO KAYO?
Balik tayo sa topic...
Ang pagsuporta ng INC sa mga kandidato ay para sundin ang nasa bibliya, para magkaroon ng pagkakaisa sa Iglesiang kay Kristo. Ngayon, kung naniniwala ang mga kumakandidato sa boto ng Iglesia ni Cristo ay malamang sa malamang ay lalapitan at HIHINGIAN nito ng tulong ang Iglesia. Ang pagtulong na ito ng Iglesia ay WALANG KAPALIT.
Nagkakaroon lang ito ng tinatawag na "kapalit" kapag ang mga nanalong sinuportahan ng Iglesia ay gumanti ng tulong o gumawa ng bagay in favor sa Iglesia which is NAPAKA NORMAL sa isang tao lalo na sating mga Pilipino. Ngunit itong "kapalit" na tinatawag nilang ito ay hindi kailanman NIREREQUEST ng INC sa mga pulitiko, sila mismo ang nagbibigay nito sa INC, para magpapansin o sincere man ang intensyon.
Kapag tinulungan ka ng kaklase mo sa assignment mo, hindi mo ba siya tutulungan kung saka sakaling isang araw ay manghingi siya ng tulong sayo sa assigment niya???
Tanong #1: Pero UMAASA ba ng TULONG ang INC sa mga pulitiko?
Tanong #2: Kapag ba tumulong ka NAG EEXPECT ka ng sukli para sa ginawa mo?
Kung ano ang sagot mo sa tanong sa no. 2 ay ganoon na rin ang sagot sa tanong #1... Ikaw na ang bahalang sumagot...
Ano ano ba ang mga bagay ang sa tingin mong gagawin ng mga pulitko upang suportahan sila ng Iglesia ni Cristo?
Sa tingin mo ba gagawa muna sila ng mga bagay na magbebenefit ang INC o mga myembro nito para lang mapunta sa kaniya ang boto ng INC?
Pupuntahan ba nila at kakaibiganin ang mga ministro sa lokal at bibigyan ito ng panuhol mapa pera o materyal na bagay?
Bibilhin ba ng pulitiko ang boto ng INC sa pamamagitan ng "name your price"?
o mayroong tamang proseso upang maikonsidera ng INC ang mga iboboto nito?
Hindi ko man maidedetalye ng buong buo ay alam ko na may ipapasang form ang mga kumakandidato sa district offices ng Iglesia ni Cristo at inaalam yung background niya sa lugar kung saan siya kakandidato. Ang magiging pasya ay hindi sa lokal mangagaling kundi sa Central, dahil finoforward ng district offices ang mga ito sa Central.
Hanggang dyan lamang ang nalalaman ko sa ngayon. Strikto ang INC sa usaping ito kaya strikto rin ang proseso, tulad ng sabi sa balita:
"The INC recently issued a circular by Executive Minister Eduardo Manalo during worship services all over the country, advising its members not to get involved in any partisan activity or ask any favor from any candidates to avoid confusion in the flock’s electoral moves. It reiterated in the same circular that the “unity vote” would be strictly observed" source: inquirer.net
Bawal sa mga ministro ang tumanggap ng kahit ano sa mga pulitiko. Bawal makisama ang mga miyembro sa mga political activity ng mga kandidato lalo na kung sila ang nangangampanya para sa mga ito. Bawal makisawsaw ang mga miyembro o sila ang magiging tulay para mahingi ang suporta ng isang kandidato. Itong mga bawal na ito ay hindi para MANIOBRAHIN ang mga miyembro kundi para patas at hindi mahaluan ng kung ano man ang proseso at ang magiging pasya ng pamamahala. Ang sinumang lumabag, kung hindi suspendido ay matitiwalag.
May mga pagkakataon na HINDI BUMOBOTO ang INC dipende sa lugar at sitwasyon, lalo na kung halimbawang sa lugar na ganito ay wala namang lumapit at nanghingi ng tulong sa INC. Totoo po ito. Ayon na rin sa pagpapatunay ng isang kapatid:
"Halimbawa, dun sa baranggay namin ay may 10 lang na INC members, kaya ung incumbent na bgy chairman ay hindi na humingi ng suporta para sa kanyang candidacy. Yun kalaban naman nya ay lumapit at humingi ng suporta at nakuha naman nya ang tulong na hiningi nya.
Sa isang baranggay na may 500 botante, ano ba ung 10 boto na mawawala sa kanya? mukhang hindi naman mahalaga...pero dun nakita ang epekto ng "swing vote" ng pagkakaisa ng INC.
Nanalo ang tinulungan ng INC by 5 votes.
Eh kung ung incumbent ay lumapit at kung sakali na sya ang tinulungan ng INC, lalamang pa sya ng 10 boto"
"MAY PAGKAKATAON PA NGA NA ANG PAGKAKAISA AY "WALANG IBOBOTO"o, di ba, yan ang katunayan na ang IGLESIA AY AFTER SA UNITY AT HINDI SA SINOMANG POLITIKO." source
Ngayon, ulitin natin ang tanong, normal ba na nilalapitan ng mga pulitiko ang Iglesia ni Cristo?
Sagot: Oong oong OO.
Kung ikaw ay babae at nasa hustong gulang na, hindi ba normal na LIGAWAN ka ng isang lalaki?
Kung ikaw ay isang pulitiko at nangangailangan ng mga boto para manalo sa eleksyon, at nalaman mong nagsasagawa ang INC ng kaisahan sa pagboto na libre naman, hindi ba NORMAL na lapitan at ligawan ang INC para dito?
Isa sa mga atake pa nila ay ang appointment daw sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo pag nanalo na ang Presidenteng sinuportahan sa mga posisyon sa gobyerno. Ang sabi pa ng iba ay NILOLOBY daw ng Iglesia ni Cristo ito.
Tanong: Totoo ba ito?
Sagot: Hindi.
Recommendation ang ginagawa ng Iglesia ni Cristo. Hindi nito dinidiktahan ang Presidente o kung sino sa gobyerno para ma-appoint ang mga myembro na gustong manungkulan sa gobyerno. Ganito kasi ang totoong nangyayari, may mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na gustong manungkulan sa gobyerno, at sympre para ma apoint sila bukod sa sarili nilang paraan ay humihingi sila ng tulong sa pamamahala, at ang pamamahala naman ay nagrerecommend ng mga tao, hindi ito basta basta dahil PILING PILI ito, alam nyo naman ang usaping pulitika, madumi, kaya pagnagkataong nasangkot sila sa isang pangyayari ay dala nila ang pangalan ng Iglesia ni Cristo kaya ang pamamahala rin naman ay maingat sa nirerecommend.
Nasa pangulo na yon kung meron siyang iaapoint tulad ng ginawa ng mga dating Pangulo ng Pilipinas.
Ayon na rin sa balita, may katotohanan man ito o wala:
"Sen. Franklin Drilon, who serves as Team PNoy campaign manager, made the disclosure in light of reports that President Benigno Aquino 3rd had recently bypassed at least three recommendations of the Iglesia ni Cristo to three appointive posts namely: Office of the Ombudsman, Bureau of Corrections and Court of Tax Appeals." source: manilatimes.net
Ito ay isang normal na bagay tulad ng pagrerecommend ng INC sa mga miyembro nito sa mga kompanya na naniniwala sa kakayahan ng mga INC members at gusto kumuha ng INC members para maging empleyado tulad ng SM at Hizon lab. inc.
Alam nyo ba ang tungkol sa CATHOLIC VOTE?
Hindi man ito tulad ng sa Iglesia ni Cristo na ispisipikong mga kandidato ang iboboto, nag iisue naman ang kanilang mga lider at ibat ibang catholic groups ng listahan ng mga kandidato na pro-life. Inshort, SILA ANG NANGANGAMPANYA PARA SA MGA KANDIDATO at hinihikayat ang mga kapwa nila katoliko na huwag iboboto ang mga di kasali sa kanilang listahan o ang mga kandidatong hindi "Pro-life" daw.
Eh hindi ba PAG IINDORSO ANG TAWAG DOON?
At hanggang pag iindorso lang naman talaga ang kaya nila dahil kahit kailan hindi nila kayang bumoto bilang isa. Mapa usaping pulitika nga ay mismong mga pari at obispo ay hindi magkaisa paano pa ang mga myembro nito na ang karamihan ay hindi naman regular na nagsisimba?
kahit anu pang gawin nila hindi kme aayon sa kanilang mga political rally !!!
ReplyDelete