"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

February 12, 2010

INC debate SDA



This was the video of the debate between the Iglesia Ni Cristo and the Seventh day Adventist. Bro. Jose Ventilation represents the INC and Mr. Richard to the SDA.

When i watched the debate, i can say that it was so good and Mr. Richard is funny here how he answer questions coming from Bro. Ventilation. What his tactic is to answer and ask question in a "pilosopo" way. He will say "oh, its not our doctrine, you should ask if it is our doctrine!" to avoid to answer Bro. Ventilation's questions. See it for yourselves:








The debate is done peacefully and both can be called a great "sport!"...

For you, Who is the winner?



48 comments:

  1. kawawa ang pastor ng SDA, binalatan eh, maraming lumipat sa INC galing SDA. Patunay lang na Tunay ang Diyos sa IGLESIA. Mabuhay po ang mga INC!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napanood ko rin ang videong ito, yong unedited. Talong talo si Mr. Hangian, este, Ventilacion. For your information, hindo po pastor si Richard. Isa lamang isyang hamak na lay member nang SDA. Ano pa kung pastor siyang kamukha ni Ventilacion. Panoorin ninyo yung unedited sa YouTube.

      Delete
    2. hahaha marami akong kilalang pastor ng sda hindi sila magaling. puro lang sila personal opinion, talo si richard dyan. sda maka-sabado lang naman ang mga yan e.

      Delete
  2. ayos it is a dream come true after mangasiwa ni kapatid na Jose Ventilacion sa Locale ng Evangelista kagabi sa pamamahayag ng mga salita ng dios nakita ko rin xa ng personal hehehehe galing mo kapatid salamat sayo ginanahan ako magakay...

    ReplyDelete
  3. NAPANOOD KO TO MISMO. ANDUN KMI NG NANAY KO. NATALO ANG SDA DITO. AT ILAN KAMI SA MGA LUMIPAT SA INC DAHIL SA DEBATENG YAN.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madaling sabihin yang sinasabi mo kaibigan. Kahit sino pwedend sabihin ang sinasabi mo. At kung limipat ka, OK lang dahil kahit saan relihiyon, me mga taong nagpapapalipat lipat. Kamukha namin ni misis, lumaki kami sa INC pero umalis kami noong 1983. Ang mga pamilya ni misis 12 sila sa pamilya at lumaki din sa INCM, umalis din noong 1982. Marami pang umaalis sa INC na hindi ninyo lang alam. Ang payo ko sa inyong lahat na mga members sa INCM e magbasa nang Biblia. Kamukha namin ni misis na mga Adventists na ngayon,and the more we stay in the Adventist church, the more we learn more truths as written in the Bible. Eto po ang sabi sa John 8:32 "And you will know the truth and the truth shall set you free". So kung gusto ninyo nang Bible study uli, just give me your real name and address para makapagpadala ako nang pastor sa inyo. Take care.

      Delete
  4. Yang mga style ng pagsagot ni richard ay parang nasa senado kulang na lang na sabihin nya ung right nya for self incriminination or right of privacy.

    ReplyDelete
  5. Sabihin mo nga sa akin ang mga pangalan nang mga SDA na lumipat sa INC para maniwala ako sa iyo? Papaanong lilipat sa INC ang mga SDA e talong talo si Ventilacion? Naalala ninyo ba ang parteng sinabi ni Thomas na Panginoon ko at Dios Ko? Tapos ang sagot ni Ventilacion e absent daw si Thomas? Naku, magisign naman kayo sa katotohanan mga kaibigan, at magbasa naman kayon nang Biblia at huwag mag-rely sa mga ministro ninyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit na hindi sa debateng yan, meron akong kilalang SDA na lumipat sa INC sa Kingdom of Tonga.

      "TONGA-Brethren in the Kingdom of Tonga continue to bear fruit. Recently baptized was Brother Maliu Mafi, a Tongan citizen and a former Seventh-day Adventist preacher. The baptism was held at Kalite Beach, Nuku'alofa, on August 8. Tonga group worship service (GWS) is currently being overseen by Brother Danilo Caraig, resident minister of Canterbury Congregation."-Report by Bro. E. Manebog

      **SOURCE: PASUGO November 2010 Vol. 62, No. 11 (p.12)

      Delete
    2. ikaw naman po magagalit ang me ari ng blog na ito kung ilalagay pa dito yun pangalan ng mga dating SDA, madami na ikaw na lang ang hindi pa tinatawag ng Dios sa loob ng INC, dapat palambutin mo ang puso mo kaibigan maging mapagsuri ka sana alamin mo ng maigi bakit nagsi alisan ang mga dating mong mga kapatid sa SDA. ok peace.

      Delete
  6. totoo nga pong sinabi yon ni thomas na Panginoon at Diyos ko ayon sa Juan 20:28, pero kung itutuloy nyo po ang pagbasa eh itinama ng Panginoong Jesus ang sinabi ni Thomas dahil nag aalinlangan si thomas sa sinabi nya, sinabi ng Panginoong Jesus na ang Diyos ay Espiritu na hindi katulad sa kanya, at sa juan 20:31 ay si Jesus ang Kristo na Anak ng Diyos.... at dun po sa sinabi ni thomas ay nagaalinlangan sya kaya itinama ng Panginoong Jesus ang sinabi nya kasi akala ni thomas eh Dios ang Panginoong Jesus..

    ReplyDelete
  7. Peace po tayo. Baka kilala nyo po yung mga dating mga kapatid natin sa Paradise III SDA congregation? halos wala ng nagwoworship pag saturday. Huling balita ko marami nawawalan ng gana magsimba kasi may ill-feelings ang mga pastor sa isat isa. Meron kaylapit lapit ng bahay sa kaybanban congregation pa pumupunta.Binalita lang sa akin nung isang member sa church, pinagalitan kasi sya nung mahuling kumain ng tsitsarong baboy sa likod ng mga upuan. May nagreklamo na daw nung marami na nagsilipatan din sa iglesia ni Cristo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grandsons, ha ha ha. Pinapatawa mo ako sa mga sinabi mo. Kahit saan relihiyon, me mga taong nagpapapalipat lipat. Kamukha namin ni misis, lumaki kami sa INC pero umalis kami noong 1983. Ang mga pamilya ni misis 12 sila sa pamilya at lumaki din sa INCM, umalis din noong 1982. Marami pang umaalis sa INC na hindi ninyo lang alam. Ang payo ko sa inyong lahat na mga members sa INCM e magbasa nang Biblia. Kamkukha namin ni misis na mga Adventists na ngayon,and the more we stay in the Adventist church, the more we learn more truths as written in the Bible. Eto po ang sabi sa John 8:32 "And you will know the truth and the truth shall set you free". So kung gusto ninyo nang Bible study, just give me your real name and address para makapagpadala ako nang pastor sa inyo. Take care.

      Delete
    2. dating member kayo ng INCM? for your info hindi ako member ng INCM, member ako ng Iglesia Ni Cristo (INC)po. Nabasa ko na po yan John 8:32 kaya nga po naapaanib ako dahil sa truth na sinampalatayan ko.

      Delete
  8. Eto ang sagot ko naman kay Ralph Sinson. Kamukha nang sinabi ko sa mga ibang tao dito, ang mga tao palipat lipat sa mga iba ibang relihiyon. Ang mga INC e pag nabalitaang me lumipat na ibang members nagn religion sa INC e pinagmamayabang na. Kamukha ni Snooky, nakomberte lang e parang ang laking balita na. Pero pag me umaalis naman sa INC at lilipat sa ibang churches, wala kang maririnig. Nako, mga kapatid, magbasa kayo nang Biblia naman. Do yourself a favor, read the Bible. Pag sumasamba kayo, eto ang tanungin ninyo sa mga sarili ninyo: Bakit nga ba ang ministro lang nagbabasa nang Biblia? Bakit nga ba hindi iniencourage ang mga INC members na magbasa nang Biblia? Ano ang tinatgao nila? Ganyan ang ginawa ko. At saka nagtanong ako sa mga ministro, diakono at diankonesa at sa mga leaders nang BINHI at KADIWA. Dahil sa nagtatanong ako, pinaratangan na nila akong nanglalamig. Nako po. Maghunos dili kayo, at magisisng naman sa katotoahanan. I will pray for all of you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir Rudy, nagbabasa po ako ng Bible. I was a convert of the Iglesia Ni Cristo 5 years ago. I started researching this religion, all its loopholes at that time coming from other religions. Ito lang po ang masasabi ko: Hndi perpekto ang kaanib ngunit perpekto ang doktrinang itinataguyod ng INC dahil pawang nakasulat ito sa Biblia. Hindi po kailanman sinabi ng ministro sa amin na huwag kaming magbasa ng Biblia. Sa katunayan, minememorize ko ang mga talata na binabasa nila until now. Pag-uwi ko ng bahay, tinitignan ko sa Biblia. Marahil, nayayabangan ka lang, pls. iwasan po natin dito ang jealousy, envy, or insecurity. May close friend akong SDA pero hndi kami naglalaban sa pananampalataya. May bnanggit sya na may lumipat sa samahan nyo na dati naming kaanib, and vice versa. Wala po kaming tinatago, kasi kung may tinatago kami, disin sana'y hndi na po kami nakikipagdebate. Kayo po ang ipinapanalangin ko. Eto lang ang nag-iisang hinulaang relihiyon. Salamat po.

      Delete
    2. Rudy Fernandez,

      Magandang araw po sa inyo.

      Para po sa inyong kaalaman, kung talagang nagsasabi kayo ng totoo, ay dapat kayo mismo ay alam na galing sa iba't ibang relihiyon ang naging kaanib ng INC. Isa na po ako roon na dating protestante (Alliance) at nag-aral rin ng mga aral ng SDA at JW bago pa mandin natawag sa tunay na Iglesia. Maraming aral ang SDA na tunay na labag sa aral ng Bibliya ngunit ang higit na dahilan kung bakit hindi ako umanib sa SDA ay ang sinasabi ni Ka. Ralph Sinson sa ibaba ukol sa pagiging bulaan ni Ellen White. At nakakalungkot isipin na sa kabila nito, pinagmamatigas pa rin ninyo ang inyong puso. Tiyak, sa araw ng paghuhukom, ay wala na po kayong maidadahilan pa.

      Hindi ko po makita ang lohika sa sinasabi ninyo na dahil sa mga pagsamba namin ay ang Ministro lamang ang nagbabasa ng Bibliya ay hindi na kami nagbabasa o pinagbabawal sa amin ang magbasa ng Bibliya? Saan niyo po narining ang ganitong kasinungalingan? Dati akong protestante at hanggang ngayon mahilig po akong magbasa ng Bibliya. At, sa tingin ko naman aware kayo kung paano magbuklat ng Bibliya ang isang protestante o ni ng mga kapatid namin na dating born-again.

      Kaya dito pa lang, masasabi kong kayo'y ISANG MALAKING HUWAD AT SINUNGALING na walang malinis na hangarin kundi ang maglubid ng kasinungalingan upang makapanira lamang.

      Ang INC ay hindi gayon. Ibinubunyag namin ang isang kasinungalingan hindi upang makapanira kundi upang mamulat sa katotohan ang nakakarinig.

      Pero sa mga sarado ang utak at galit sa katotohanan, normal lang para sa kanila ang lumikha ng mga haka-haka. Gaya ng mga posts mo, aral ba ng INC ang tinutuligsa mo o pinipersonal ang mga kaanib?

      Tuligsain mo ang aral ng INC, iwasan mo ang pagiging personal, diyan natin masusukat kung alin nga ang totoo. Pero takot ka. Oo, takot ka. Bakit ko nasabi? Dahil kung hindi ka takot, dapat ang ibunyag mo ay ang "maling aral" na sa PALAGAY MO ay itinataguyod ng INC. Pero hindi mo magawa dahil sa simpleng dahilan....takot ka na lalo naming mapapatunayan rito na IKAW ANG TUNAY NA BULAG NA TAGASUNOD.

      Tulad mo, mahilig kaming magbasa ng Bibliya. Magkaiba lang tayo sa iisang bagay: naturuan kami ng tunay na sugo..samantalang ikaw, pareho kayong mahuhulog sa hukay na kinilalang mong bulaang propeta.

      Hihintayin ko po ang inyong katugunan.

      --Bee

      Delete
    3. Ralph, para makapag-palitan tayo nang opinion nang mas mabilis, just email me at rudybautista084@gmail.com, dahil 2 o 3 araw akong naghintay para lumitaw ang aking sinabi. I can see how the blog owner is really screening the posts of other people. Sasabutin ko ang mga tanong mo tungkol kay Ellen White at lahat nang mga tanong mo tungkol sa Adventist church.
      Tungkol naman sa jelousy, envy or insecurity, hindi ako naiinggit sa inyo. Actually, naaawa ako sa mga miyembro. Remember, I was born and raised INCM. All my relatives on my mother side are still INCM members. Lumaki ako sa local nang Angeles City sa Jesus St. sa Pampanga. Alam ko ang mga iba ibang sikreto nang INCM.
      At saka kaibigan, my wife and I have been members of the Adventist church for a long time now and we are very, very active in our church. Here are some facts that you probably don’t know about the SDA church. It is a worldwide movement with 20 million baptized members (excluding children) with a presence in 210 out of 223 known countries in the world. Second to the Catholic church, we have the biggest numbers of hospitals and schools (elementary, college, universities in the world). We have one of the biggest missionary programs in the world among protestant denominations. Our members don’t only consist of Filipinos but different races around the world. I can say a lot more things but space won’t allow me. Also, did you know that some of INCM’s doctrines were adopted by Felix Manalo from the SDA church? He was and SDA before he built his church. Did you know that?
      So if you want to continue our discussions on various doctrinal issues, email me, and I will gladly help you see the light. Take care.-Rudy B.

      Delete
    4. Mas maganda kung ikaw naman ang next kay Mr. Thompson. Tumawag ka o lumiham ka sa INC Central para sa isang pormal at maginoong debate.

      Iinform mo agad ako kung kelan, oras at venue ng debate.. This is my email>> bro.torch@gmail.com inform mo agad ako ha, pangako ko sayo hindi ako "AABSENT" gaya ni Tomas :-) peace!

      Delete
  9. Bakit pala si Ellen White naging Pastor? It was stated in the Bible na ang babae ay dapat tumahimik sa iglesia. Bakit nya hinulaan ang pagdating ni Cristo na darating daw nung 1856? tapos nung hindi dumating e sinabi niyang Conditional daw yun. simula pa lang daw ng judgment sa daigdig na ito.

    "When Christ did not return as expected in the early 1850s, Mrs. White gradually stopped making specific predictions about His return. Her statement at the 1856 conference was the last time she ever made a specific prediction about the time of Christ's return, and, like all of her previous statements on the subject, time has proven her prophecies wrong." (The Ellen White Research Project.

    The Bible leaves no doubt that when a prophet makes a prediction that does not come to pass, that prophet is not speaking for the Lord:"When a prophet speaketh in the name of the LORD, if the thing follow not, nor come to pass, that is the thing which the LORD hath not spoken, but the prophet hath spoken it presumptuously: thou shalt not be afraid of him." (Deut. 18:22).

    Saan ang pangalang "Cristo" na siyang sinabi ng Biblia na tanging pangalan sa ikaliligtas ng tao sa word na Seventh-day Adventist? Hindi ba ang araw ng Sabbath ay hindi na itinakda sa mga kaanib sa iglesia nung panahon ng mga apostol? Sana masagot mo po yan nang maayos. Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ralph,
      Kamukha nang sinabi ko, send me an email pagkatapos nito para mabilis ang mga pagsasagutan natin. Pero sasagutin ko ang mga tanong mo dito pero sumagot ka o magtanong pagkatapos nito using my email address rudybautista084@gmail.com.
      Eto ang mga sagot sa mga tanog mo.
      1. Hindi po pastor is Elllen White. She is considered a prophetess by the SDA church. Sa Biblia me mga naging babaeng prophets . Eto ang mga listahan. The prophetesses mentioned in the Bible are as follows: Miriam (Exodus 15:20), Deborah (Judges 4:4),Huldah (2 Kings 22:14), Noadiah (Nehemiah 6:14), Isaiah's wife (Isaiah 8:3), Elizabeth (Luke 1:41-45), Anna (Luke 2:36-38) and the daughters of Philip (Acts 21:9).
      2. Ang sinasabi mo na ang mga babae dapat tumahimik sa iglesia e nakasulat sa I Corinthians 14:34. Ang nagasalita dito ay ang sumulat sa libro na si Apostol Pablo. Sa I Corinthians mo lang mababasa iyan sa bagong tipan. If you do a historial research on this particular verse, you will find out that there was a certain church in Corinth where the women were actually talking in church while their husbands were speaking, and it was creating commotion, that’s the reason why Paul said that. If you go back several verses in verses 26-29, Paul talks about speaking in tongues and prophets (male and female) speaking in church. Why would he say that if he does not really want women to talk? What he did not want to see was the disorderly conduct of some women in the church.
      3. Hindi si Ellen G. White ang nag-prophesy na darating si Cristo. It was William Miller in 1844. Miller was not a 7th Day Adventist. The SDA church was established as a church in 1860. Ang mga binabasa mo sa internet kamukha nang “Ellen White Research Project” are actually against her and the SDA church, but I have read all the records and her books, and she never predicted Jesus’s second coming. This is the reason why you should ask SDA members like me who have actually studied in detail the history and doctrine of the church. As a matter of fact, ang mga prophecies ni Sister White have been fulfilled, and I can give you the books to read if you want to.
      4. Tungkol naman sa pangalang cristo sa iglesia, kaibigan I advise you to Google the name Church of Christ and you will be shocked to discover that there are myriads of different Church of Christ in the US alone. So hindi batayan yan na ang INCM e ang tunay na church. In fact, ang mga ibang doktrina nang INCM e kinuha lang po ni Felix Manalo sa Church of Christ founded by Alexander Campbell kamukha nang doktrinang kailangang nasa loob ka nang iglesia para maligtas. At saka sa Biblia, kaibigan, ang church na iniwan ni Cristo e tinawas sa iba ibang pangalan. Eto ang ilan, basahin mo: Church of the firstborn (Hebrew 12:23), The church of the living God, the pillar and ground of the truth (1 Timothy 3:15-16), The Way (Acts 9:2), The Church of God (Acts 20:28), at iba pa. So hindi batayan yan, kaibigan. Makikita mo ang tunay na iglesia kung ang mga turo nito e nakaturo sa Biblia kamukha nang mga turo nang SDA church.
      So, like I said, you can email me your next questions para madali ang sagot ko sa iyo. This is good, di ba? Kailangan maging open-minded tayo at making naman sa mga opinion at turo nang mga ibang churches at huwag matakot magtanong. Ganoon ang ginawa ko. I went out of the box, and studied with different churches until I found the true one. Till then, God bless.-Rudy B.

      Delete
  10. Rudy Fernandez,

    Magandang araw po sa inyo.

    Para po sa inyong kaalaman, kung talagang nagsasabi kayo ng totoo, ay dapat kayo mismo ay alam na galing sa iba't ibang relihiyon ang naging kaanib ng INC. Isa na po ako roon na dating protestante (Alliance) at nag-aral rin ng mga aral ng SDA at JW bago pa mandin natawag sa tunay na Iglesia. Maraming aral ang SDA na tunay na labag sa aral ng Bibliya ngunit ang higit na dahilan kung bakit hindi ako umanib sa SDA ay ang sinasabi ni Ka. Ralph Sinson sa ibaba ukol sa pagiging bulaan ni Ellen White. At nakakalungkot isipin na sa kabila nito, pinagmamatigas pa rin ninyo ang inyong puso. Tiyak, sa araw ng paghuhukom, ay wala na po kayong maidadahilan pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr. or Miss Bee Weezer, una sa lahat, ang pangalan ko Rudy Bautista, hindi Rudy Fernandez. Patay no po yon. LOL. Secondly, iyan pa ang isang dahilan kaya ako umalis sa INCM dahil sa kanilang napakamaling aral na sila lang ang maliligtas. Consider these facts, and be broad-minded about this. Right now, there are more than 7 billion people in the world. 1.5 billion are muslims, 1.2 billion are Chinese, 1.1 billion are Indians, and the rest are from other countries. Kung halimbawa, 10 million na ang ang mga members nang INCM sa mundo(0
      pero hindi natin alam dahil ang pamamahala nang INCM e ayaw sabihin), at ang mga INCM members na ito sa buogn mundo 99.9999 percent e mga Filipino. Ang ibig ninyo bang sabihin e ang mga Filipino lang na mga ito ang maliligtas at ang mga iba e masusunog? Aba kung ganyan ang Dios na sinasamba ninyo, napakalupit namang Dios niyan. Magising naman kayo, mga kapatid, at talagang binulag na ang mga kaisipan ninyo nang mga ministro ninyo. I hate to say these words but they are so true. Makinig kayo sa mga ibang aral nang mga ibang churches at huwag ninyong isarado ang mga isip ninyo. Please to all the INCM members, start reading the Bible on your own para matuto kayo. As far as Ellen G. White is concerned, nakikita talaga na wala kayong alam tungkol sa kanya. I suggest you read some of her books like the Desire of Ages, Steps to Christ, and Great Controversy, and then tell me if she is from God or not. Huwag kayong mag-rely sa mga paninira sa Internet tungkol sa kanya. Pag kayo ang sinsiraan nang mga ibang tao, galit na galit kayo. Kamukha nang librong sinulat noong Filipino author na pinigil ninyo. Kung talagang walang tinatago si FYM, dapat huwag pigilin ang publication ang mga librong ganyan. Alam na alam na takot ang INCM ang malaman ang mga katotohanan tungkol kay FYM. Kung talagang nag-sasaliksik ka Bee Weezer, email me at rudybautista084@gmail.com, and I will gladly send you books that you can read. At saka, kaibigan, huwag mo akong paratangang hindi nagsasabi nang tutoo at baka mapahiya ka. I can prove to you without a doubt that I have born and raised as an INCM and that everything I told Ralph is true. Anyway, like I said, me mga nakokomberte sa INCM, meron din namang mga umaalis at napakaraming nag-jojoin sa SDA church from INCM at mga ibang churches. Bakit hindi ninyo alam? Kasi po kuntento na kayo sa pakikinig nang texto for 30 minutes at tapos uwi na at balik na naman sa dating ugali na umiinom, naninigarilyo, nambababae at marami pang iba. In other words, the heart has not changed. Only Jesus alone can change the heart of man, and not a church like the INCM. Take care and God bless. -Rudy B.

      Delete
    2. mr. rudy bautista, sabi mo nagbabasa ka ng biblia. hindi mo alam ang nagyari sa panahon ni Noah, ilan silang naligtas sa bahang gunaw? walo (08) lang po. buong mundo lumubog hindi nanghinayang ang Dios dahil lahat nagkasala maliban sa walo kaya ganon din ang mangyayari sa araw ng paghuhukom, at kung nagbababasa ka ng biblia malalaman mo din na singdami ng buhangin sa dagat ang mga hindi maliligtas sa araw ng paghuhukom mababasa mo yan sa apokalipsis. kung naging INC ka sana alam na alam mo na ito pero dahil sabi isa ka palang dating INCM kaya hindi mo alam.

      Delete
    3. Eto ang sagot ko sa huling post ni Bee Weezer na nag-mamagandang araw pero ang laman naman nang post niya e puro masasamang salita na nilagay pa niya in capital letters. Kaibigan eto ang tanong ko sa iyo. Anong unang topic o subject or doktrina an gusto mong pag-usapan natin? I will give you that choice para masiyahan ka. You tell me what doctrine of the INCM you want me to discuss, and then I will deal with it using Bible verses. Pero kailangan e sumagot ka rin using Bible verses at sana e huwag mong tanungin ang mga ministro ninyo. OK. Ayan ang agreement natin. At saka sinabi ko na sa iyo ang pangalan ko Rudy Bautista. Bakit mo ako tinatawag na Rudy Fernandez? Marunong ka bang bumasa, Miss or Mr. Bee?-Rudy B.

      Delete
    4. Eto ang sagot ko kay Grandsons sa post niya tungkol kay Noah at ang 7 kasama niya. Sabi ko na at meron sa inyong babanggit niyan eh. Kasi yan ang palaging depensa nang INCM tungkol sa mga maliligtas. Eto ang tanong ko sa iyo Grandsons. Alam mo ba kung gaano katagal nangaral si Noah tungkol sa flood bago isinara ang pintuan nang barko? 100 years niyang hinikayat ang mga tao. Noah preached about the flood for 100 years. In Genesis, Chapter 7:5-6, it says, "Noah did according to all the Lord commanded him." Noah was 500 when he received his orders from God and 600 when the floodwaters arrived. This allowed him 100 years to build the ark and talk of its coming.

      100 years at walang nakinig. Pero ngayon almost 2000 years na ang nakakaraan magmula nang umakyat si Cristo sa langit. Ang ebanghelyo kalat na sa mundo by means of tv, radio, magazine, internet at iba pa. Marami nang tumanggap kay Cristo magmula noong umakyat siya--milyon, milyon na tao. Wala pa ang INCM, e marami nang namatay dahil sa kanilang pagmamahal kay Jesus. Ano ang sabi nang banal na kasulatan sa mga maliligtas pagdating ni Cristo? Eto basahin mo kung meron kang Biblia sa bahay. Read Revelations 7:9-17 about this multitude wearing white robes (symbol of those who will be saved) which no one could count. In other words, maraming marami ang maliligtas, kaibigan. Hindi lang mga Filipino ang mga ito kung hindi kasama ang more than 300 races found all over the world. Naku huwag ninyong saklawin ang kaligtasan, kapatid. Mag-hunos dili kayo. Ang INCM e composed of 99.9999 Filipinos. Kahit saan ako magpunta sa mundo when I was active US Navy at naimbitahan ako sa mga pagsamba ninyo, 99.9999 ang Filipinong members at yong iilan nag foreigners e mga asawa nang mga kaanib. At yang ang katotohanan na hindi niyo maikakaila. Ang Dios tumitingin sa puso, hindi sa membership sa church. Napakarami kong alam na hindi INCM, pero napakababait nila. Hindi sila mayayabang, hindi mga ipokrita, hindi imoral ang mga buhay, at malinlinis ang kanilang budhi. Kaya mag-isip isip kayo mga kapatid, at gamitian ninyo ang utak na binigay nang Dios sa inyo. Ganoon ang ginawa ko noong ako'y INCM pa. Nagsaliksik, nagtanong at nag-aral nang Biblia at history. Kaya nga wala na ako sa INCM ngayon, and I realy thanked God for leading me out of the INCM. Take care. God bless.- Rudy B



      Delete
    5. heto ang masasabi ko, kahit ang INCM hindi rin maliligtas, kundi ang mga unang Iglesia ni Cristo sa panahon ni Cristo hanggang sa panahon ng mga apostol at ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw (John 10:16 "I have other sheep that are not of this sheep pen. I must bring them also. They too will listen to my voice, and there shall be one flock and one shepherd.").kaya Mr. Rudy Bautista, kahit umalis kapa sa INCM at wala pa rin sa loob ng IGLESIA NI CRISTO (INC)ay wala ka parin kaligtasan ok lang kung 99.9999 at filipinos pero sumusunod sa mga utos ng Dios tiyak na maliligtas ok po?

      Delete
  11. talagang durog na durog ang SDA sa debateng ito. hindi niya sinasagot ang ilang itinatanong. At saka wala naman sa biblia ang "Seventh Day Adventist Church" eh, hindi naman SDA ang itinayo ni Cristo eh, kundi ang iglesia. At saka ipinagbawal na ni Cristo na ipangilin ung sabbath.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Juanito, baka naman ikaw ang durog na durog noong pinapanood mo ang debateng ito? Ang nakita kong hindi sumasagot e yang si Mr. Hangin, este, Mr. Ventilacion pala. Biro mo sabi niya nabigla lang si Thomas noong sinabi niyang Panginoon ko at Dios Ko. Kung nabigla lang siya, bakit hindi siya kinorrect ni Cristo? Naku, mga kapatid, mag-hunos dili kaya ang ang talagang payo kao sa inyo e mag-umpisang mag-basa nang Biblia para matuto kayong idepende ang grupo ninyo sa mga ibang hindi ninyo ka-Iglesia. Kamukha ko, ako'y hamak na miyembro lang nang Adventist Church kamukha ni Richard naglammpaso kay Ventilacion. Huwag yong pag me nakausap kayo e ang sasabihin ninyo e tatawagan ko ang ministro ko. At saka basahin mo ang mga sagot ko sa kina Ralph at Bee Weezer, Juanito para me matutuhan ka, hijo. God Bless.

      Delete
    2. Mr. Hangin ba??? edi hamunin mo ng debate :-) sige nga sige nga :-)
      Si Richard nilampaso si ka Joe???????????????????????
      opinyon mo 'yan eh :-) ikaw? kaya mo bang ilampaso si Ka Joe????????
      Tawagin mo si Mr. Thompson para sa isang debate uli :-) hamunin nya si ka Joe, kung papayag si Mr. Richard :-)

      Delete
  12. durog na durog ang SDA sa debateng ito. Hindi niya sinasagot ang mga tanong sa kaniya. Wala naman sa biblia ang "Seventh Day Adventist Church" eh ang nasa biblia ay church of Christ. Ipinagbawal na nga ni Cristo ang pangingilin ng sabbath e.

    ReplyDelete
  13. O ito magbigay tau ng isang Aral ng SDA na hindi na angkop sa panahong Cristiano,.

    Ang Pangingilin nila ng Sabbath.

    Patunayan mo Rudy Bautista na hanggang ngayong panahong Cristiano ay ipinag-utos parin ang Pangingilin ng Sabbath o Araw ng pamamahinga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ANG SABBATH BA AY DAPAT IPANGILIN NG MGA KRISTIYANO O HINDI?

      Mahalagang pag-aralan natin ang Hebrews 4:10 upang masagot ang tanong na ito at ganito ang sinasabi, “For he who has entered His rest has himself ALSO ceased from his works AS God did from His.”

      Higit nating mauunawaan ang sinasabi ng Hebrews 4:10 kung babasahin natin ang background nito mula sa Hebrews 3:7-19 hanggang Hebrews 4:1-9. To summarize, ang mga Israelita na hindi nanampalataya ay hindi nakapasok sa lupang pangako o Canaan dahil sa kawalan ng pananampalataya at pagsalangsang (Hebrews 3:19 & 4:6). Ganunpaman, nananatili ang pangako ng Dios na pagpasok sa Kanyang kapahingahan (Hebrews 4:1) at yun ay “NGAYON” o sa araw na ito mismo ay maaari kang pumasok sa Kanyang kapahingahan kung hindi mo patitigasin ang iyong puso gaya ng ginawa ng mga Israelita noon (Hebrews 4:7). Ibig sabihin ay bukas (open o available) pa ang pagkakataon para tayo ay pumasok sa Kanyang kapahingahan. Inaanyayahan at binibigyan tayo ng Dios ng isa pang pagkakataon at sabi sa Hebrews 4:7 ang pagkakataong iyon ay “today”. Sabi sa Hebrews 4:9, "There remains therefore a rest for the people of God."

      Ano ba ang kapahingahang iyon? Sa Matthew 11:28-29 ay ganito ang sinasabi, “Come to Me, all you who labor and are heavy laden, and I will give you rest. Take my yoke upon you, and learn from Me, for I am gentle and lowly in heart, and you will find rest for your souls.” Iyon kung ganun ay ang kapahingahang tinatamasa ng ating kaluluwa sa sandaling tayo ay may tunay at buhay na relasyon kay Cristo. Sabi ni Pablo sa Romans 5:1, “therefore, having been justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ.”

      Ngayon, para higit nating maunawaan ang Hebrews 4:10, kailangan nating hatiin ito sa tatlong phrases:
      Phrase #1: For he who has entered His rest
      Phrase #2: has himself ALSO ceased from his works
      Phrase #3: AS God did from His.

      For he who has entered His rest: sinasabi ng Hebrews 4:3 na “for he who have believed do enter that rest.” Siyang nananampalataya lamang kung ganun ang siyang makakapasok sa Kanyang kapahingahan. Sa madaling sabi, ang pumapasok sa kapahingahan ay ang mananampalataya (the believer or the Christian). Subalit sinasabi din ng phrase #2 na ang mananampalataya ay hindi lamang nananampalataya o naniniwala. May mapapansin ka rin sa kanya – he ALSO ceased from his works. Tumitigil din ang mananampalataya sa kanyang mga gawa. At sinasabi naman ng phrase #3 na ito ay ginagawa ng mananampalataya AYON sa ginawa din naman ng Dios na pagtigil sa Kanyang mga gawa (AS God did from His). Nagbigay kung ganun ang Dios ng isang halimbawa upang sundin o gayahin ng mananampalataya. Ang mananampalataya kung ganun ay hindi lamang tumitigil sa kanyang mga gawa ayon sa paraang gusto niya kung hindi ayon sa paraang ibinigay ng Dios. Ang pagtigil ng mananampalataya sa kanyang gawa ay pagsunod sa halimbawa ng Dios. In a sense, ang pagtigil sa kanyang gawa ay isang katibayan na ang mananampalataya ay nananampalataya. Ito ay panlabas na manipistasyon ng kanyang pananampalataya, isang tanda o sign na siya ay nakapasok sa kapahingahan ng Dios.

      Delete
    2. So, anong gawa yun? Iyon ba ay works of righteousness na ginagawa ng tao upang siya ay maligtas gaya ng binabanggit sa Titus 3:5, “not by works of righteousness which we have done, but according to His mercy He saved us”? Kung tama ang interpretasyong ito, it follows na ang “ceasing from his works” sa phrase #2 ay gagawin ng tao upang sundin ang halimbawa ng Dios ng pagtigil din sa Kanyang works of righteousness. Subalit wala kang makikita sa Biblia na ang Dios ay tumigil sa paggawa ng righteousness. Sabi sa Roma 9:14, “What shall we say then? Is there unrighteousness with God? Certainly not!” Ang gawang binanggit kung ganun ay hindi maaaring tumukoy sa works of righteousness.

      So, saan makikita sa Biblia ang halimbawang ibinigay ng Dios na pagtigil sa Kanyang mga gawa? Ganito ang nakasulat sa Hebrews 4:4, “For He has spoken in a certain place of the seventh day in this way: ‘And God rested on the seventh day from all His works.’” Hindi ba napakaliwanag? Pagkatapos lalangin ng Dios ang lahat ng bagay sa loob ng anim na araw ay nagbigay Siya ng halimbawa ng pagtigil sa Kanyang mga gawa sa ikapitong araw – isang pagtigil sa gawa na ayon sa Hebrews 4:10 ay dapat gayahin din ng mga mananampalataya. Sabi sa Exodus 31:17, “for in six days the Lord made the heavens and the earth, and on the seventh day He rested and was refreshed.”

      Bakit nga ba dapat gawin ito? Sapagkat ang Sabbath ay nagpapaalala linggu-linggo sa paglalang na ginawa ng Dios. Ang Sabbath ay nagpapatunay na ang Panginoon ay Dios dahil Siya ay ang Manlalalang ng lahat. Ang sinasamba natin sa Sabbath kung ganun ay ang tunay na Dios. At ito mismo ang dahilan kung bakit iniutos sa fourth commandment ang Sabbath – for in six days the Lord made heaven and earth, the sea and all that in them is, and rested the seventh day; wherefore the Lord BLESSED the seventh day, and HALLOWED it (Exodus 20:11).” Pansinin na ang araw (Sabado o ikapito) ang pinagpala at pinakabanal ng Dios at hindi ang pangingilin o pamamahinga.

      Anong conclusion kung ganun ang magagawa natin sa sinasabi ng Hebrews 4:10? Walang iba kundi ito: ang utos na ipangilin ang Sabado ay nananatili sa panahong Kristiyano. Hindi ito kailanman binuwag ni Kristo. Si Jesu-Kristo ay nananatiling Panginoon ng Sabbath (James 5:4). At ang Hebrews 4:10 ay maaari nating isulat na ganito: For he who believes also practices ceasing from his works on the seventh day as God rested on the seventh day from all His works. Ang mananampalatayang Kristiyano ay nangingilin din naman ng Sabbath GAYA ng Dios na nagpahinga o tumigil sa Kanyang mga gawain sa ikapitong araw ng paglalang Niya ng lahat ng bagay.

      Finally, heto ang sinasabi ng Hebreo 4:11, “Let us therefore be diligent to enter that rest, lest anyone fall according to the same example of DISOBEDIENCE.”

      May God bless everyone with an open mind and a humble heart.

      Delete
  14. On jan. 2013 i will start filtering comments.

    hindi ko kasi maasikaso, kahat pinupublish ko muna kaya sorry sa mga comments na mabubura.^^

    hindi rin po ako madalas naka online at nagbubukas ng account ko kaya yung iba matagal ang inaantay bago mapublish.

    thanks

    ReplyDelete
  15. Ofcourse INC won. Kahit anong pasikot-sikot na tanong ni Mr. Thompson hindi pa rin nya mababali ang katotohanang "si Cristo ay hindi tunay na dios". Ang diablo ay nagpapahayag ng pagkilala sa pagka-dios ni Cristo. Sabadista is confused regarding trinity.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po. hindi mo napansin ang paulit-ulit na tanong na pilit iniwasan ni mr. ventilacion? ayaw niyang sagutin ayon sa talata dahil wala siyang matakbuhan. na-corner siya. yung mga taong sinabihan ni Cristo na kayo ay anak ng inyong amang diablo - naniniwalang Dios si Cristo o tao lang? obviously, ang sagot ay naniniwala silang TAO lang si Cristo - gaya ninyo.

      Delete
  16. Ang binabanggit na iba't ibang katawagan sa Iglesia na mababasa sa Biblia ay hindi nangangahulugan na kaanib sila sa iba't ibang organisasyon.
    Halimbawa, ang Iglesia ng mga panganay, inuuri lamang ang mga kaanib na ito ay ang mga pangunahing bunga...iglesia sa Corinto, inuuri lamang na ang tinutukoy ay ang mga kaanib sa iglesia na nasa Corinto.. pero ano ang opisyal na pangalan, logically, Iglesia ni Cristo yan...bakit?
    sabi ni Cristo, itatayo ko ang aking iglesia...
    CRISTO: "AKING IGLESIA.."
    nang ang magsalita ay mga apostol: IGLESIA NI CRISTO
    ang iglesia ang katawan, si Cristo ang ulo..
    therefore, katawan ni Cristo o IGLESIA ni Cristo... logical ito...
    BAKIT NATIN NATITIYAK na IISANG IGLESIA lang ang tinutukoy sa iba't ibang katawagan?
    ang IGLESIA ay may PERFECT UNITY... ang tatak ng tunay na iglesia.

    KUNG ANG IBA'T IBANG DENOMINASYON O GRUPO ng pananampalataya ay PARE-PAREHO, paano nila matutupad ang utos na MAGPASAKOP sa mga namiminuno...
    EH BAKIT BA DUMAMI ang mga denominasyon o RELIHIYONG diumano ay "CRISTIANO"
    ayon na rin sa kasaysayan, bunga ito ng mga pagkakaalit ng mga namumuno o kaanib sa denominasyon...
    may hindi nagustuhan, aalis at magtatayo ng sarili nyang grupo...
    ayan ang nangyari...libu-libong denominasyon ang ibinunga na iba't iba rin ang pananampalataya..
    KUNG UMALIS MAN ANG TAO SA INC, talagang ganun...may mga PINAGPAGDIDILIM ang KAISIPAN... nasa dako na ng kaligtasan ay lumabas pa...
    ikaw na nagsasabi na MALUPIT ang Diyos ng INC dahil pag wala sa INC ay walang kaligtasan, OPINYON mo lang yan...
    ang Diyos ang naglalagda ng KAUTUSAN at si Cristo ay nagpapatupad lang..
    ANG SABI NI CRISTO, SINOMANG PUMASOK SA LOOB NG KAWAN SA PAMAMAGITAN NYA ay MALILIGTAS... HINDI SDA ang sinasabing kawan kundi IGLESIA NI CRISTO.
    BAKIT AKO KUMBINSIDO NA PEKE O HUWAD NA RELIHIYON ANG SDA...
    aba, NANIWALA SILA KAY TOMAS SA PAHAYAG NITO NA WALA SYA SA AKTO NG PAGTUTURO KUNDI SA PANAHON NA SYA AY NAG-AALINLANGAN..
    KAHIT ANO PA ANG SABIHIN MO NA DIYOS SI CRISTO, HINDI ITO KATANGGAP TANGGAP DAHIL SI CRISTO MISMO ANG NAGTURO KUNG SINO ANG TUNAY NA DIYOS AT ANG PAGKILALA SA TUNAY NA DIYOS AY ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN..
    KUNG MAY PAGKAKATAON NA DAPAT ITURO NI CRISTO NA ANG DIYOS AY MAY 3 PERSONA, YUN NA ANG PAGKAKATAON...PERO ANG ITINURO NIYA AY ANG AMA ANG TUNAY NA DIYOS...
    ANG MGA UNANG LINGKOD NG DIYOS MULA PA SA PANAHON NG PATRIARKA HANGGANG SA PANAHON NG ISRAEL, ILAN ANG DIYOS NA KINILALA NILA AT SINO?
    ANG AMA LAMANG... AT YUN DIN ANG ITINURO NI APOSTOL PABLO...
    "SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIYOS LAMANG, ANG AMA..."
    KASI SA GANANG IBA, KASAMA NA ANG SDA DYAN AY HINDI LANG ANG AMA ANG KINIKILALANG DIYOS...
    SO, KUNG AYAW MONG TANGGAPIN ANG KATOTOHANANG YAN, EH DI MAG-STAY KA SA SDA...ung nasa SDA naman na gustong lumipat sa INC, eh di welcome... ang nasa INC naman na gusto pumunta sa ibang relihiyon, eh di goodbye, kani-kanyang pasya iyan...pero sabi ng Diyos, nasa harap mo ang buhay at kamatayan, PILIIN MO ANG BUHAY...
    therefore, pag nagkamali ka ng pasya, kamatayan... kung tama naman ang naging desisyon mo...BUHAY ang makakamit mo..
    SA PAGSUSURI KO, INC ANG TUNAY AT KAHIT SABIHIN MO PA NA KAYO ANG MAY PINAKAMARAMING OSPITAL NEXT TO THE CATHOLICS, eh di sige...
    hindi pa rin yun ang batayan sa kaligtasan...
    ang batayan, KINILALA MO BA ANG TUNAY NA DIYOS...ANG AMA NA IPINAKILALA NG PANGINOONG JESUS...at sinunod mo ba ang utos na pumasok sa loob ng kawan at hindi iyon ang SDA kundi ang igleisa ni cristo...
    NI HINDI KO NGA MAKITA ANG PANGALANG "SEVENTH DAY ADVENTIST CHURCH"
    so, dun na lang ako sa mababasa sa Biblia...ung may hula at kahalalan...

    ReplyDelete
  17. MAY SINASABI KA PANG UNEDITED VERSION, KAHIT ANONG VERSION PA YAN MALINAW NA NAGTATAGO SA TECHNICALITY SI MR. THOMPSON...SASABIHIN MO PA NA HINDI MINISTRO YAN KUNDI LAY MEMBER LANG, EH BAKIT DI NINYO PAHARAPIN ANG MINISTRO NYO AT SAKA MO SASABIHIN NA LAY MEMBER LANG YAN...PAMBIHIRA NAMAN YANG MINISTRO NYO ANG INIHARAP AY LAY MEMBER LANG...

    EWAN KO BA KUNG BAKIT NAGTATAGO KAYO KAY APOSTOL TOMAS NA KUNG KELAN NAG-AALINLANGAN AY DUN KAYO NANIWALA SA KANYA PERO UNG TIYAKAN NA SINABI NI CRISTO NA ANG AMA ANG IISANG TUNAY NA DIYOS AY PILIT NINYON PINAPAIKOT...
    EH IYON ANG BUHAY NA WALANG HANGGANG, ITINURO NA NI CRISTO... ANG AMA ANG IISANG DIYOS NA TUNAY...AYAW NYONG TANGGAPIN...EH DI WALA KANG BUHAY NA WALANG HANGGAN...SIMPLE LANG...LOGICAL PA.. EH BILYONG TAO ANG AYAW KUMILALA SA TUNAY NA DIYOS...ANG AMA.. ANG IISANG DIYOS NA IPINAKILALA NI CRISTO...EH DI TANGGAPIN NILA ANG MANGYAYARI SA KAWAKASAN...DUN SA AYAW KUMILALA SA TUNAY NA DIYOS... AT SA MGA KIKILALANIN ANG TUNAY NA DIYOS, ANG AMA...MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN... GANUN YUN...

    ReplyDelete
    Replies
    1. isa lang ang nahahalata ko dyan sa mga ilang sabadista na nagsasabing "lay member lang" si Mr. Thompson... kasi nga para magkaroon sila ng "excuse" sa pagkatalo nila sa debate. Nararamdaman ko ang gusto nilang palitawin --> "'eh kung pastor ng SDA ang humarap at hindi lay member lang, sigurado panalo" :-)

      'ke lay member or pastor ng sda pa yan >>> they are confused about trinity. sino ang nagpa-confused? ang ama nyong diablo na nagpapahayag sa pagka-dios ni Cristo! sorry my friend.

      Delete
  18. May binanggit ka pa nga pala na isa kayo sa mga BIGGEST PROTESTANT DENOMINATION... eh dyan pa lang halatang MALI na at SA DIABLO yan... SAAN MO MABABASA na ang IGLESIA na ITINAYO NI CRISTO ay may IBA'T IBANG DENOMINASYON... eh ang SABI SA BIBLIA AY THERE SHOULD BE NO SCHISM o PAGKAKABAHA-BAHAGI...o SEKTA-SEKTA..o DENO-DENOMINASYON... dahil ang PAGKAKABAHABAHAGI...o SEKTA-SEKTA... o DENO-DONOMINASYON ay sa DIABLO!
    ANG TUNAY NA IGLESIA AY NAGKAKAISA!
    IISA ANG ARAL...IISA ANG PANANAMPALATAYA...IISA ANG DIYOS!
    Kung pumapayag ang Diyos sa IDEA ninyo na PWEDE MAY DENOMINASYON, EH DI SINA NANG MAGKAROON NG SULIRANIN SA DOKTRINA SA PAGITAN NG MGA JUDIO AT GENTIL, HINDI NA SANA SILA PUMUNTA SA JERUSALEM PARA IDULOG SA PAMAMAHALA NI APOSTOL SANTIAGO ang BUMABANGON NA HIDWAAN sa aral...
    sana sinabi ni Apostol Pablo kay Apostol Pedro na HIHIWALAY NA LANG SILA AT MAGTATAYO NG SARILI NILANG DENOMINASYON KUNG IPIPILIT NI PEDRO NA HALASIN DIN ANG MGA GENTIL.
    KASO HINDI GANUN ANG NANGYARI...DAPAT MAGHARI ANG PAGKAKAISA...ANG PANANALIG SA IISANG ARAL...KAYA'T SA HULI, NAGPASYA SI APOSTOL SANTIAGO SA UDYOK NG ESPIRITU SANTO NA HUWAG NG GAMBALAIN ANG MGA GENTIL NA SUMASAMPALATAYA...
    SO, NANATILI ANG PAGKAKAISA! WALANG DENOMINASYON...WALANG SEKTA-SEKTA...DAHIL ANG TUNAY NA IGLESIA AY HINDI HATI-HATI AT PAKSYON-PAKSYON... DI TULAD NG SDA NA ISA SA MGA DENOMINASYON NG PROTESTANTE ayon na rin sa iyo..

    ReplyDelete
  19. Itong mga SDA naman.. makarinig lang ng term na "absent" sa isang tagalog na debate 'eh parang big deal na sa kanila... may joke pa yung isang sda "absent sa klase, hinahanap ng teacher, hahaha"... paano kaya kung "english debate" yung nagyaring debate na ito??? 'edi hindi na magiging big issue sa sda ito :-) minaliit kasi nila 'yung term na "absent" kaya yan ang napala ng mga ilang sabadista.. lalong nagsara ang isip.

    'Eh ibig lang sabihin ng "absent si Thomas" ay... si Thomas ay WALA SA PAGKAKATAONG itinuro ni Cristo na ang Dios ni Cristo ay syang Dios ng mga apostol kasama na si Thomas. Kung narinig lamang sana ni Thomas at sinampalatayanan ang pahayag na ito ni Jesus, 'edi sana hindi sya mapapa- "o dios ko!" :-)

    Basta ang malinaw na sinabi ng libro ng sabadista na ang diablo ay nagpapahayag ng pagkilala sa pagka-dios ni Cristo. Sabadista is confused about trinity. confused sila! confused! nalilito talaga ang mga Sabadista sa "trinity", kaya nga walang matinong sagot si Mr. Thompson sa debate 'eh, puro pa-iwas na lang :-) lalo na pag pinanuod mo ng "buo" ang video :-) siguro 7 times ko nang napanuod ang video na 'to, ang galing kasi nila ka Joe at ka Ramil :-) idol!

    ReplyDelete
  20. ang pahayag ni Apostol Tomas na "Panginoon ko at Diyos ko" ay expression ng isang taong nabigla o hindi makapaniwala sa kanyang nakita o nasaksihan... sa panahon natin, ang expression na yan ay ang "OMG" or "oh, my God"
    ganun lang ka-simple yan, di pa maintindihan ng mga SDA... OMG!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ni Cristo... aakyat ako sa AKING Ama at INYONG Ama, AKING Diyos at INYONG Dios. Sabi ni Cristo... Ama IKAW ang MAKILALA NILA na IISANG Diyos na TUNAY.
      Sabi ng libro ng sabadista... ang mga demonyo ay nagpapahayag sa pagka-dios ni Cristo.
      Sino ba ang dapat nating kilalaning tunay na Dios?
      'yung ipinahahayag ng mga demonyo? o 'yung iisang Diyos na ipinakilala ni Cristo?


      KUNG HINDI lang sana absent at KUNG narinig lang sana ni Tomas 'yung sinabi ni Cristo "aakyat ako sa AKING Dios at INYONG Dios"... edi sana hindi mapapa "Diyos ko" si Tomas kay Cristo.
      Sino ngayon ang paniniwalaan natin?
      a doubting Thomas na absent? o si Cristo na nagturo kung sino ang IISANG TUNAY NA DIYOS......

      Pasenya na mga kaibigang sabadista kung paulit-ulit ko 'tong nirereply sa article na ito, dahil nagbabakasakali ako na huwag na kayong maging ABSENT-minded at lalong huwag maging close-minded.

      Magalit na kayo kung magagalit... kelangan lang talaga 'eh. Sorry...


      Delete
  21. Hindi ba Pastor si Thompson?Hahaha,itataya nio ang karangalan ng religion nio sa ganung debate?Para niyo bang pinapalabas na napakahusay ninyong mga SDA sa debate kc ordinary member lang ang humarap sa debate,,hehe talaga naman oh!Nakita nio ba ang debate ng SDA at ng 4th Watch?Nakita nio ba kung paano nandaya si Thompson?Binasa ang libro,iba naman ang nakasulat?Hhee.Bakit ganun mga brads?Pagsatingin ay medyo taob sa debate pinapalabas ay hindi pastor,,puro nakakapuntos naman ay ang yabang na mgaling daw pastor nila,,

    ReplyDelete
  22. Sabi ni Thompson,"magtanong ka sa mga sinasabi ko"sinabi naman niya na naniniwala sila sa treenity,,ng tanungin kung saan sa biblia ang treenity nila,HINDI DAW YUN ANG PAKSA NAPATUTUNAYAN NIYA SA BIBLIA NA MAY TREENITY,,HAHAHA.PATAWA KA THOMPSON,,AKALA KO BA TANUNGIN KA SA MGA SINASABI MO,,DI BA BINANGGIT MO ANG TREENITY?HEHE,BAKIT KA NGAYON UMIWAS?PASAWAY KA NAMAN TALAGA,,

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.