Para kasi sa kanila tutal wala naman kaming pasko kaya daw wala kaming karapatang tumanggap ng Christmas bonus.
Pero dapat bang ganito ang maging isipan ng ilan?
Alin ba talaga ang bawal at hindi bawal samin?
Bawal ba samin ang magdiwang ng pasko (dahil wala namang itong batayan sa bibliya)?
OPO. Hanggat maari ay iwasan namin ang pag attend sa mga Christmas party, at siyempre yung pagdecorate ng Christmas decors sa bahay tulad ng Christmas tree, Christmas lights, parol at iba pa.
Ang Christmas bonus--> galing sa pinagpagurang trabaho
Ang Christmas--> paniniwala at practices ng mga katoliko at protestante na wala sa bibliya
Pag pinag usapan ay ARAL, talagang hindi kami nagdiriwang ng pasko, pero ang CHRISTMAS BONUS po ay hindi ARAL kundi isang HOLIDAY BONUS, dahil sa kasipagan ng mga empleyado.
Pero bawal rin ba saming tumanggap ng Christmas bonus?
Hindi naman po. Wala namang nalalabag sa bibliya kung tatanggap kami ng BONUS.
Ano ba ang BONUS?
". . . an amount granted and paid to an employee for his industry and loyalty which contributed to the success of the employer’s business and made possible the realization of profits. It is an act of generosity granted by an enlightened employer to spur the employee to greater efforts for the success of the business and realization of bigger profits.
The granting of a bonus is a management prerogative, something given in addition to what is ordinarily received by or strictly due the recipient. Thus, a bonus is not a demandable and enforceable obligation, except when it is made part of the wage, salary or compensation of the employee." source: jlp-law.com
Anong masama sa BONUS?
Di ba bahagi naman iyon ng HIRAP sa kanilang trabaho? BONUS yon ng employers para sa season na ito dahil alam nila maraming gastusin lalo na pag CHRISTMAS. Pag sinabi bang CHRISTMAS BONUS dapat sa pang CHRISTMAS LANG na mga gastusin yon? Hindi pwede ipanggastos sa ibang bagay?
Yung pera bang iyon ay ninanakaw ng INC members kaya masama?
Kung mga nagcecelebrate lang ng PASKO ang bibigyan ng Christmas bonus pano naman yung iba? Hindi ba discrimination yan. Pare-parehas naman sila nagtrabaho, tapos yung iba lang bibigyan ng BONUS, yung iba hindi, hindi ba mas masama naman yon at may PAGPABOR na nagaganap? Kaya nga pantay pantay lang talaga, kahit anong relihiyon ng empleyado binibigyan pa rin ng Christmas bonus...
At dahil wala namang kaming PASKO, ang bonus na ito ay nilalaan namin sa gastusin para sa handaan kapag New Year at kung saan pang bagay. Katas yon ng hirap at pagod sa trabaho bakit naman ipagdadamot?
Eh sa mga MUSLIM, bawal ba silang tumanggap ng CHRISTMAS BONUS dahil lang hindi rin sila nagdiriwang ng PASKO?
"Dear questioner, thanks for your question and we implore Allah earnestly to bless all our earnings and to purify them.
There is nothing wrong, as far as Islam is concerned, in receiving a cash bonus from one’s employer on the occasion of Christmas. Such money is usually given to employees regardless of their religious affiliation, and hence there is nothing wrong in receiving that money and spending it in a lawful way." source: islamawareness.net
Eh yung Jehovas Witnessess na hindi rin nagdiriwang ng Pasko, pinagbabawalan ba silang tumanggap nito?
"Should I Accept a Christmas Bonus?During the Christmas season, a Christian’s employer may offer a present or a bonus. Should the Christian reject such? Not necessarily. The employer may not even be thinking that by accepting the bonus the receiver is celebrating Christmas. The employer may simply be giving all his workers a share of the company’s profits. Or the bonus may be evidence of his gratitude for services rendered all year long as well as a stimulus to continued good work. The employer may give a gift to all employees—Jews, Muslims, or others—regardless of whether they celebrate Christmas or not. So the mere timing of the gift or the name that may be associated with it does not necessarily rule out its acceptance by one of Jehovah’s Witnesses."
source: jw.org
WALA PO TALAGANG MASAMA sa pagtanggap ng Christmas Bonus, walang batas na nagbabawal sa employer na magbigay ng Christmas bonus sa mga hindi nagdiriwang ng pasko at wala rin po tayong mababasa sa bibliya na BAWAL tumanggap ng bonus.
Kung ang pera ninakaw sa employer yun ang masama, pero kung itoy PINAGHIRAPAN mo wala po ditong masama at hindi ito ka-iporkrituhan dahil lang yung BONUS eh binigay sa Christmas season kaya tinawag na CHRISTMAS BONUS.
napapanahon po yung topic Ka Readme. Keep it up. Pati ba nmn kasi bonus gagawin nilang issue porke nirerelease ito tuwing christmas season nila? tsk tsk mga tao nga nmn tlga.
ReplyDeleteHi Brother. I just found a link of this very informative website about the teachings of the Iglesia Ni Cristo. Keep it up! I agree about your comments about Christmas Bonus. Furthermore these are employee benefits. Not given to employees because of religion.
ReplyDeleteMost of the time, it was the Catholic members who attach us on this issue because Christmas was made for them.
But if we really follow their logic, "INC do not have Christmas so they are hypocrite if they accepts Christmas Bonus", they would go down with it! Example are the MUSLIM HOLIDAYS! Since Catholic members are not muslim, they should work on these days!
*** God bless and many people specially non-members of INC should visit your blog ***
Oo nga naman, parang diskriminasyon ang mangyayari kung papabor lang sa kanila. Kaya ibinibigay ang bonus sa lahat para sa kasipagan nila, at walang kinalaman ang relihiyon o ano mang paniniwala sa pagtatrabaho nila.
ReplyDeleteMarami talaga naninira sa iglesia
ReplyDeletethat's ok po, para malaman nila ng buo ang ating paninindigan na nakabase sa bibliya lamang.. Naa-lala ko lang ung boss ko kaninang lunch, nagsimba raw sila last wedenesday pero naiins sya sa nagli-lead doon dahil sa kung ano-ano raw ang cnsabi sa simba. Meaning self explanatory ang ginagwa nya, wala ring binabasang Bibile, naicp ko lang matalino naman sila.. Bakit ngayun lang nila naicp un..??
ReplyDeletePag INC na ang involved mabilis pa sa alas kwatro ang batikos.Ilang beses kong naranasan yan sa trabaho tinatawanan ko na lang.Hindi ko kailangang mag explain dahil halatang argumento lang ang habol nila at hahaba pa.Mahirap magpaliwanag sa taong hindi kayang rumespeto ng paliwanag ng iba.
ReplyDeleteDapat bang hindi mag-avail ng mga christmas sale ang mga kaanib ng iglesia ni Kristo?
ReplyDeletedami kong tawa sa tanong na to hehehe basta may nakadikit na Christmas, ppasukan ng tanong against INC eh
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletewala naman ata batas na magbabawal o magpaparusa
ReplyDeletesaken kung tutumbasan ko ang mga terminong
"christmas bonus" ng "holiday bonus/year-end bonus
etc." ,
"christmas sale" = "holiday sale etc." etc. etc.
ngayon kung may mang-aatake dahil sa mga terminong
"christmas bonus", "christmas sale" etc etc,
sa mga taga-gawa ng batas kayo magreklamo ^__^
pakigawa ka-niyo ng batas na gumawa rin ng termino
para sa mga hindi nagdiriwang ng pasko (dec 25th
bday raw ni Jesus), para hindi nagagamit ng iba
yung "CHRISTMAS BONUS" , "CHRISTMAS SALE" etc.
Eh kailangan pa bang abalahin natin ang mga taga
gawa ng batas para lang matigil ang atake /kantiyaw
sa mga hindi nagdiriwang ng pasko?
madali namang intindihin na yung "christmas bonus"
sa iba ay maaaring tanggapin ng iba bilang "YEAR-END
BONUS /HOLIDAY BONUS, o kung ano mang gustong
itawag.