Nakakatuwa at para bagang gustong palabasin ng mga katoliko na "kinakain namin ang sarili naming suka" dahil sa ang doktrina ng INC na makikita sa banal na kasulatan ay ganito:
"Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin. Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. " Exodus 20:4-5 (ABMBB)
Tapos, gumawa naman daw ng rebulto ni Ka Felix Manalo ang INC samantalang laging binabatikos ng Iglesia ang mga imahen/rebulto sa Iglesia Katolika. May pagkakaiba nga ba ang PAGGAMIT ng INC sa mga larawan/rebulto sa INC at sa mga larawan/rebulto sa Iglesia Katolika? Meron ba o wala o parehas lang sila ng PAGGAMIT SA MGA ITO?
Ito ang sagot: NAPAKALAKI NG PAGKAKAIBA NG "USAGE" ng sa INC at ng sa Iglesia Katolika, hindi lang isa o dalawa, kundi MARAMI, ANO ANO BA ITO?
Pero bago yan, ibibigay ko muna ang pagkakatulad ng GAMIT ng mga larawan/rebulto sa INC, sa Iglesia Katolika at ang mga pangkaraniwan at pampublikong larawan/rebulto katulad ng rebulto ni Dr. Jose Rizal:
- Upang ALALAHANIN ang tao sa larawan/rebulto.
- Upang bigyang PAGKILALA ang tao sa larawan/rebuto sa kanyang mga nagawa at kontribusyon.
PAGKAKAIBA:
- Hindi namin NILULUHURAN ang mga larawan/rebuto.
- Hindi namin DINADALANGINAN ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin ginagawang TAGAPAMAGITAN SA AMA ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin PINAGTITIRIK ng KANDILA ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin HINAHALIKAN at HINIHIPO habang nagdadasal o kaya naman sabay magsisign of the cross sa mga larawan/rebulto.
- Hindi namin iniisip na ito ay NAKAKAGAWA NG MGA HIMALA at mga extraordinaryong mga bagay.
-Hindi namin ito pinupunasan ng twalya o bimpo o panyo at ipunas sa parte ng katawan namin na may sakit upang GUMALING.
- Hindi namin ito PINAGPUPRUSISYON.
- Hindi namin inaalayan ng mga pagkain at kung anu-ano. (puwera bulaklak)
- Hindi kami nag aalay ng isang araw upang gawing PIYESTA at ipaghanda ang larawan/rebulto.
- Hindi kami bumibili ng larawan/rebulto ni Ka Felix sa mga tindahan upang ipandisplay habang nakalagay sa sariling ALTAR.
- at pinaka importante sa lahat, HINDI NAMIN ITO GINAGAWANG PARANG DYOS (pinaglilingkuran at sinasamba DIRECTLY OR INDIRECTLY).
Masyado bang kaunti ang mga pagkakaiba ng mga imahen/rebulto sa INC sa imahen/rebulto sa Iglesia Katolika? ANG KONTI BA???^^
Maraming bible verse ang makakapagpatunay na IPINAGBABAWAL ngang talaga ng ating Panginoong Diyos ang paggawa ng imahen/larawan. Ngunit hindi lang basta basta ganun, kundi yung gagawin mong PARANG DYOS, hindi man ituring na DYOS MISMO, kundi PINAPARANG DYOS.
Wala naman masama kung tutuusin ang PAGGAMIT ng mga ito ng Iglesia Katolika, dahil tulad ng sa Katesismo nila na sinasabing ito (daw) ay para lamang GUNITAIN o ALALAHANIN at bigyang PAGKILALA ang mga santo upang maging halimbawa sa mga tao, ang kaso, dinagdagan nila ng ibat ibang "practice" sa loob ng simbahan nila kung kaya itoy naging masama.
Sana wag naman masyado nagagalit samin ang mga Katoliko, kung magbabasa man kami sa BIBLIYA ng mga verses na nagsasabing BAWAL nga ang ginagawa nyo, CONCERN lang naman kami dahil ayaw namin kayoy mapahamak, hindi po ito PAGPAPAPOGI o PAGPAPAHIYA sa inyong paniniwala, may kaniya kaniya tayong paniniwala, ang kaso hindi lahat ng paniniwala ay TAMA at sukat IKALIGTAS, kabaligtaran pa nga dahil sa halip na kaligtasan ang inyong tamuhin ay KAPAHAMAKAN PA. Pero kahit ganoon nga, may kalayaan tayo sa paniniwala, kung napagpasyahan nyo sa sarili nyo na kahit narinig nyo na ang mga KAUTUSAN sa bibliya ay gusto nyo pa rin ituloy ang paniniwala at tradisyon nyo wala na po kaming magagawa, ang kaligtasan is a matter of CHOICE, sabi nga sa bibliya:
"Today I have given you the choice between life and death, between blessings and curses. Now I call on heaven and earth to witness the choice you make. Oh, that you would choose life, so that you and your descendants might live! Deu. 30:19
At sana rin po ay wag kayong masyadong magalit kung binabatikos man namin ang inyong paniniwala ukol sa imahen/rebulto sa mga simbahan sa Iglesia Katolika, kasi kung tutuusin, kung titignan natin ang history, hindi naman kami ANG NAUNA dyan, kundi mismong Emperador ng Byzantine Empire, kung saan nagkaroon ng Iconoclastic period noon pang 730-787 A.D kung saan inalis at pinagtatanggal ang mga imahen/rebulto at striktong pinagbawal ang "veneration and worship of saints" na ginagawa ng mga katoliko ngayon.
Ito ang description at nakalagay mismo sa monumento ni Ka Felix Manalo na makikita sa Central Complex na ngayon ay tinatawag ng "FYM MEMORIAL": "Ang Kahalalan ng Sugo ay LAGI NATING ALALAHANIN, ngunit ang LARAWAN AT SYA ay HUWANG SASAMBAHIN."
Oh ayan, malinaw na, hindi pala ginawa ang rebulto ni Ka Felix upang SAMBAHIN, hindi katulad ng mga imahen/rebulto ng mga santo at ni Kristo(daw) na PINAPARANG DIYOS nila.
Catholic saints are not God, Mary is not God. Why are there are so many hard headed INC to insist that they are "dios dyosan"?
ReplyDeleteIt is not the catholic saints that are "dios diosan" but the images/statues in the catholic church. Most catholics do more than just VENERATION, they literally worship it, because they did not learn and understand catholic church's teachings,try to make a survey about their faith, ask them and be shocked on their answers.
DeleteHow about Santo nino? Black Nazareth???
DeleteHalos magkapatayan na mahawakan Lang Ang gawa Ng Tao. Kakatawa.
Kapag ang larawan o rebulto ay niluluhuran at pinaglilingkuran kahit pa sabihin ng sinuman na hindi niya yon kinikilalang Diyos pero sa panukat ng tunay na Diyos diyus-diyusan na ang mga larawan na niluluhuran at pinaglilingkuran.
ReplyDeleteExo. 20:3-5 MB
3"Huwag kayong magkakaroon ng ibang Diyos, maliban sa akin. 4"Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya'y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig. 5Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin. Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi.
For this situation... Pumunta po kau sa statue ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Mismong doon ay may nakasulat na bawal luhuran ni sambahin ang nakatindig na statwa. Sapagkat this is just like a picture of Bro. Felix Y. Manalo. Salamat po. Iglesia na po ba kau? Visit our Website @INCMEDIA.ORG
ReplyDeleteMABABASA NG SA BIBLIA NA HWAG GAGAGWA NG REBULTO O LARAWAN TAPOS SASAMBAHIN
ReplyDeleteSi Apostol Pedro noong nabubuhay pa ay di pumayag na siya ay luhuran at sambahin. Ganoon din ang anghel na taga-langit. Lalong di dapat na luhuran at dalanginan ang rebulto o larawan nila lamang o ng sino pa man.
ReplyDeleteGawa 10:25-26
25At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kanyang paanan, at siya'y sinamba. 26Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.
Apoc. 19:10
10At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.
Yong larawang ng ahas na tanso na ipinagawa ni Moises ay sinira ni haring Ezechias dahil nagsusunog na ang mga israelita doon ng kamangyang o sinasamba na rin nila at doon na nahulog ang kanilang pag-asa at pagtitiwala. Ganyan na rin ang uri ng ginagawa ng maraming katoliko sa mga rebulto nila
Sana ay dumating na rin sila sa tamang pagkaunawa na malaking kasamaan ang ibinunga ng ginawa nila na mga larawan o rebulto. Ginaya kasi nila ang mga pagano na maraming mga rebulto ang dinadalanginan at pinaglilingkuran at pinalitan lamang nila ng mga larawan o rebulto ng mga diumano ay mga santo at santa nila.
Catholic aq .. pero di aq naniniwaLa sa mga rebulto, pero nAg sisign of the cross aq dahil kase nakasanayan na.. pero bakit ang inc eh may pAg attendance pa?! Humihingi ng alay (pera) dba kasaLanAn sa diyos ang sapilitang pag aalay ng pera, karamihan sa mga kumpanya ngayUn iglesia lang ang tinatangap or narereguLar ayun ba yung way ng pagpapayaman nila or pag tulong nila sa kapwa iglesia nila . Panu nMan yung iba Tao rin sila anak din sila ng diyos ama. Panu pu ba yun? Karamihan po sa iglesia na kilala ko nAg sisimba sa katoliko ang habol lang nila eh yung yung matutulungan nyO sila. Maganda po po Yun?
ReplyDeleteUnknown,
DeleteKlaruhin lang po natin ang tsismis na nasagap nyo na may sapilitang paghingi ng pera sa amin, wla po kaming doktrinang ganyan. Matagal ng tsismis ng mga kumakaaway po sa INC yan.
Ang doktrina sa amin ay bukal sa puso na paghahandog. Ang paghahandog po halos lahat ng relihiyon ay meron nyan, dahil importante po talaga yan alay sa Diyos.
Pagdating naman sa kompanya, choice nila kung ano ang hinahanap nila. Mapa college grad, may pleasing personality o kaanib sa INC. Sa amin kasi bawal sumali sa mga unyon, kaya ang ibang kompanya INCmembers ang preferred kunin. Wala naman konek ang pagging anak ng Diyos kung iyon ang gusto nila, dahil choice naman ng employer hanapin po kung ano gusto nila i hire.
Dun naman sa huli nyong sinabi na karamihan sa kilala nyong INC nagssimba sa katoliko, mahirap yan mapatunayan. At kung totoo man, wala naman magagawa ang Iglesia sa mga lumalabag na mga miyembro kundi payuhan o itiwalag dahil hindi naman ineencoueage samin ang sumama sa pagtitipon ng ibang relihiyon.
Sa nakikita ko marmi kayong pangit na impression sa Iglesia na karamihan ay mga tsismis at di naman kontrol ng Iglesia.
Sana malaman nyo ang katotohanan at hindi mabulag sa mga kasinungalingan. Salamat po