"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 23, 2012

Nakakatawang depensa tungkol sa pagpupunas ng mga imahen sa Iglesia Katolika


Grabe ang tawa ko ng mabasa ko ang pagtatanggol ng isang pari, opo, PARI ng Roman Catholic Church ngunit hindi lang basta pari, kundi Catholic apologist din, pero hindi lang basta Catholic Apologist kundi CFD National Spiritual Director, itoy tungkol sa pagpupunas ng mga Katoliko sa mga imahen ng santo at ni Kristo(daw) sa mga prosisyon at sa kanilang simbahan.

Eto po ang nakakatawa nyang paliwanag (red, emphasis mine):

Anonymous said...



Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo.... bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale.... tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader?? bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun?? Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun????

nga pala....

katoliko ko,,, pero,, prang aanib ako sa Born Again... konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko... pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...







Fr. Abe, CRS said...



[Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo...]



IMPRESSION MO LANG YAN KASI NALASON NA ANG MGA BORN AGAIN ANG ISIP MO. PERO ANG TUTUO HINDI GINAGAWANG DIOS NG MGA CATOLICO ANG MGA SANTO.



[bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale...]



PINAPALIWANAG YAN. MALINAW YAN SA MGA CATOLICO. YUNG MGA HINDI ALAM YAN SIGURO E HINDI NAKINIG NG ITINUTURO SA CATECHISM O SA LOOB NG SIMBAHAN. SUBALIT MALINAW ANG TURO NA HINDI DIOS ANG MGA SANTO.



[tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader??]



SIEMPRE NILILINISAN ANG MGA IMAHEN. ANG IMAHEN NI RIZAL SA LUNETA AY NILILINISAN AT MAY GUARDIA PA AT MAY MGA FRESH FLOWERS. ANG STATUE NI MICHAEL JORDAN SA LABAS NG UNITED CENTER SA CHICAGO AY NILILINISAN AT PINUPUNASAN DIN PARA LAGING MALINIS. PANONG NAGING MASAMA ANG PAGPUNAS SA MGA LARAWAN. KAHIT NA ANG MGA LARAWAN NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY AY NILILINISAN PARA HINDI MASIRA.



[bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun??]



SINONG NAGSABE NA MALI YON. PAG HINDI PINUNASAN ANG MGA LARAWAN E DI MAGIGING MADUMI SA ALIKABOK.



[Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun???]



HINDE. SINONG BALIW ANG NAGSABI SA YO NA PAG PINUNASAN E PAGSAMBA? KUNG IKAW BA PUNASAN NG NANAY MO O NG KASINTAHAN MO ANG IYONG MUKHA IBIG SABIHIN BA NON SINASAMBA KA? YON AY TANDA NG PAGMAMAHAL AT PAGLILINIS SA ISANG MAHALAGANG BAGAY.

KAYA NGA PINUPUNASAN E KASI ALAM NG MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS YON. KASI ANG DIOS HINDI MAPUPUNASAN. KAYA PINUPUNASAN KASI ALAM NATING MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS ANG MGA LARAWAN NG SANTO.



[nga pala.... katoliko ko,,,]



SALAMAT NAMAN.



[pero,, prang aanib ako sa Born Again...]



WAG, WAG KANG AANIB SA MGA BAGONG IMBENTONG RELIHIYON NA IYAN. LIKHA NG DIABLO ANG MGA GRUPO NA YAN. HINDI YAN GALING KAY CRISTO AT SA MGA APOSTLES. YAN AY PRODUCTO NG MGA HERETICO NA TULAD NI LUTHER AT CALVIN.



[konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko...]



MARAMING PAGKAKAIBA. MARAMI SILANG INIMBENTONG ARAL NA WALA SA BIBLIA.



[pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...]



PAREHO NGA ANG DIOS SUBALIT GUMAYA LANG SILA SA ATIN KAYA PAREHO. ISA PA MAGKAIBA ANG IGLESIA KASI SILA BAGONG IMBENTO LANG HINDI TUNAY NA GALING KAY CRISTO. WAG MONG SALIHAN ANG RELIHIYONG GAWA NG TAO.

source: thesplendorofthechurch.blogspot.com

Yan po pala ang explanation ng Iglesia Katolika tungkol sa pagpupunas ng kanilang pinakamamahal na mga rebulto/imahen ng mga santo at ni Kristo(daw), ay dahil daw MARUMI, kaya KAILANGANG PUNASAN.

"Napaka intelihente", at "napaka sensible" naman masyado ang pagpapaliwanag ni "Father" na CFD National Spiritual Director, o sige na nga, tanggapin na natin ang kanyang paliwanag, na kaya pala pumipila ang milyon milyong katoliko lalo na pag pista ng itim na Nazareno, na ang iba ay namamatay at nagkakasakitan dahil sa tulakan kapag prosisyon, ay para lang pala linisin ang imahen ni Kristo(daw), eto:




Akala ko pa naman ay naggigitgitan at nagsasakripisyo sila para sa MILAGRO ng Itim na nazareno, yun pala para sa MILAGRO ng "alikabok at dumi" ng itim na Nazareno. Ito pala ang pinupunasan nila at pag dumikit na sa kanilang mga twalya, ipapahid sa bahagi ng katawan na may sakit at sila ay gagaling. Wow, miraculous GERMS!

Naniniwala pa sila na milagro ang mga ito, pero ito ang sinasabi ng bibliya:

"They put it on their shoulders and carry it. They set it in its place, and there it stands; it cannot move from its place. People may yell at it, but it cannot answer. It cannot save them from their troubles." Isaiah 46:7

Hindi kasi matanggap ng mga depensor Katoliko na kahit isang milyong beses pa nilang sabihing hindi nila sinasamba ang mga larawan/statwa ng santo nila at ni Kristo(daw), hindi nila maisasantabi ang katotohanang maraming katoliko ang lantaran at literal na sinasamba ang mga ito. Sila na mismo ang nagsabi na "ignorante" kasi ang mga katoliko sa sariling dokrtina, kaya ang mga may alam sa aral ng Iglesia Katolika, ang sasabihin hindi daw nila sinasamba at ginagawang dyos, pero para naman sa mga katolikong walang kaalaman sa paniniwala nila, ang ginagawa nila ay pagsamba at paglilingkod sa mga ito.

Isa sa magandang halibawa ay ang mga dating katoliko na lumipat sa ibang relihiyon partikular na sa Iglesia ni Cristo, kung totoong hindi nila sinasamba at pinaglilingkuran yung mga santo nila, BAKIT SILA UMALIS SA IGLESIA KATOLIKA? at BAKIT SILA AFFECTED?

Kung totoong hindi nga, eh bakit ang madalas nilang sabihing dahilan kaya sila lumipat ng relihiyon eh "Nalaman ko kasi sa bibliya na mali pala ang pagsamba at paglilingkod sa mga inanyuang tao na mga rebulto/statwa/imahen" ?

8 comments:

  1. Kakaibang magbitiw ng kahambungan at kayabangan pala itong isang Pader diyan sa kabilang blog., Si Pader Abe, parang taga kanto lang kung magbitiw ng termino.. Unprofessional, unethical..

    ReplyDelete
  2. nahihiya lang umamin si abe...

    na kaya pinupunasan nila ang mga rebulto ay upang...

    magamit nila ang ipinampunas sa pag aakalang magdudulot ito ng milagro...

    tignan at basahin po niyo ang description ng video na ito...

    http://www.youtube.com/watch?v=mI0ORjmXso4&feature=related

    "They also throw towels to the people who guard the statue and ask them to rub the towel on the statue in hopes of carrying some of that power away with them."

    ReplyDelete
  3. hayaan-nyo pag nabigyan ako nang pagkakata-on e sasara ko ang Bible at dina bubuksan pang muli...

    ReplyDelete
  4. SIS ABE BI BOBU asked:
    TANONG KO LANG PO, SINO PO ANG DIOS NA SINASAMBA AT KINIKILALA NINA EVA, ADAN, NOAH, ABRAHAM, MOISES, JACOB, DAVID AT MGA UNANG LINGKOD NIYA?


    CENON BIBE answered:
    HINDI po LUBOS na KILALA ng mga TAO sa LUMANG TIPAN kung SINO ang DIYOS.

    Ni HINDI po NILA ALAM na ang DIYOS ay AMA at SIYA ay MAY ANAK.
    =============================================================================

    HALOS WALANG IPINAGKAIBA ANG SAGOT NG MGA DEFENDOR KATOLIKO. DI KO NGA LUBOS MAISIP NA GANYAN ANG SAGOT NILA SA TANONG KO SA KANILANG BLOG (tumbukin-natin.blogspot.com)

    NGAYON LALO PANG NAKIKILALA ANG KANILANG KAMANGMANGAN..

    KAHIT PILITIN NILANG MAGING MATALINO, LALABAS AT LALABAS ANG KANILANG KAMANGMANGAN..

    ReplyDelete
  5. Ganyan talaga sila, But I wish na makinig sila ng mga aral at doctrines natin, we can do it not by arguing to them, we CAN DO THIS BY TELLING THEM HIS PLANS OF SALVATION, sa pamamagitan Ng SUGO at ng maga TANDA... GOOD LUCK

    ReplyDelete
  6. Palusot pa c pader abe..n wla nmn malulusutan..hay nako!!!

    ReplyDelete
  7. LOL pari mismo nagsabi pagpupunas lang ng dumi ang ginagawa ng mga deboto........

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.