"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

January 15, 2014

Si Kristo ay isinilang na tao, namatay na tao, binuhay na mag-uli na tao, umakyat sa langit na tao at babalik sa mundo na tao

Hindi matanggap ng mga napaniwalang si Kristo ay Diyos ang paniniwala ng Iglesia ni Cristo na si Kristo ay talaga namang tao. 

Kailanmay hindi siya NAGING TAO o NAGING DIYOS.

Ang pagiging tao ni Kristo ay hindi nabago, siyay tao nang isilang, tao nang namatay, tao nang binuhay na mag-uli, tao nang umakyat sa langit, at tao pa rin nang babalik dito sa mundo.

Ang dapat sisihin ng lahat ng Kristiyano kung bakit naging Diyos si Kristo ay ang pagtatalo-talo ng mga dumalo sa Konsilyo ng Nicaea noong 325 AD, kaya naman nabago ang paniniwala natin kay Kristo samantalang taliwas ito sa nilalaman ng banal na kasulatan.

Mulit muli, hindi kami naniniwala na si Kristo ay TAO LANG, kundi naniniwala kami na ang likas na kalagayan ni Kristo ay TAO. Pag sinabi kasing TAO LANG, ang tinutukoy dun eh ordinaryong tao lang tulad natin, pero si Kristo ay hindi basta basta ordinaryong tao, dahil siyay nakagawa ng mga himala at siya lamang ang TAONG hindi nakagawa ng kasalanan. Ginawa din siya ng Diyos na TAGAPAGLIGTAS,  PANGINOON at TAGAPAMAGITAN.

Sige nga, sinong genius na tao ang makakapagturo ng taong ginawa ring Panginoon, tagapamagitan at tagapaglitas ng Diyos? Sinong tao ang WALANG NAGAWANG KASALANAN? At kaya ang mga ginawang himala ni Kristo? Meron ba? WALA! 

Kaya nga si Kristo ay hindi basta TAO LANG, pero hindi ibig sabihin non, DIYOS NA SIYA AGAD.

Sasabihin naman ng mga trinitarians, eh naniniwala din naman kaming si Kristo ay TAO, anong pinaglalaban mo readme?

Ang pinaglalaban ko ay ang mali nyong doktrina na si Kristo ay may DUAL NATURE, tao na Diyos pa. Mali ang mga trinitarians na nagsasabing si Kristo ay Diyos period o kaya naman ay si Kristo ay tao period. Taliwas yon sa aral niyo na si Kristo ay 100% MAN and 100% GOD, hindi pwedeng paghiwalayin yon ayon sa doktrina nyo.

Pag sinasabi naming si KRISTO AY TAO, nangangahulugan yon na HINDI SIYA DIYOS, dahil NAG IISA lang ang tunay na Diyos at ito ay walang iba kundi ang AMA.

Puntahan na natin ang sinasabi sa bibliya...


Si Kristo ba ay Diyos na nanggaling sa langit?

Ayon kay Apostol Pablo:

"Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit. Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad ng nagmula sa langit. Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit." I Cor. 15:47-49

Ang anak pala ng Diyos na kaniyang ipinangako at isinugo niya sa lupa ay ISANG TAO. Ayon na rin mismo sa isa sa apostol ni Kristo, ang unang ADAN ay mula sa lupa at ang pangalawang ADAN (Kristo) ay mula sa langit, itong nanggaling sa langit pala na ito ay isang TAO.


Bago pa ipinanganak si Kristo, siyay TAO:


"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18

Yung nasa tiyan pala ni Maria ay TAO kaya siyay NAGDALANG TAO. Pero nung nanood ako sa isang misa sa tv sa channel 2 nung new years eve, sabi nung pari NAGDALANG DIYOS daw si Maria, napaka unbiblical nung tinuturo.


Nabuhay siyang TAO

Meron bang nakasulat sa bibliya na si Kristo ay kinilala bilang TAO at hindi naman bilang DIYOS?

Ayon sa ibat-ibang patotoo ng mga tao:
 
"Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?" Juan 6:52
"Sumagot ang mga bantay: "Kailanmay wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito."" Juan 7:46 
"Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa." Juan 9:16
"Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!" Juan 9:29
"Si Pedro'y tinanong ng dalaga, Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan? Hindi, sagot ni Pedro." Juan 18:17
"Nagsimula noong mag isip isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: "Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di bat ang Diyos lamang?"" Lucas 5:21
"Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan." Lucas 7:49
"At nagsimulang mag isip ang mga nasa hapag: "At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!"" Lucas 7:49
"Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga Galilea nga ang tao." Lucas 23:6
"At ni si Herodes, hayat ipinabalik niya siya sa akin. Maliwanag na walang magagawa ang taong ito para hatulan ng kamatayan." Lucas 23:15
"Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!"" Lucas 23: 18
"Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" Lucas 23:47
"Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!"" Marcos 15:39
"Nooy inisip ng ilang guro ng batas: "Iniinsulto ng taong ito ang Diyos."" Mateo 9:3
"Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng Daan ng Diyos;..."" Mateo 22:16


Ayon kay Pilato:



"Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?" Juan 18:29
Kaya lumabas si Jesus, suot ang tinikang korona at ang kapang pulang pang hari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang tao!" Juan 19:5
Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." Lucas 23:4
"Sinabi niya sa kanila, "Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya." Lucas 23:14

Ayon sa mga alagad ni Kristo:


"Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Mateo 8:27

Ayon kay Pablo na APOSTOL ni Kristo:



"At sinabi ni Pablo: "Binyag ng pagsisisi lamang ang binyag ni Juan. Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya at ito si Jesus."" Gawa 19:4
"Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo." Roma 5:15
 
Ayon naman kay Pedro na APOSTOL din ni Kristo:


 "Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" sagot ni Pedro." Marcos 14:71 
 Muling nagkaila si Pedro, "Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!" Mateo 26: 72 
"Sumagot si Pedro, "Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan." Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok." Mateo 26:74

Napakaraming talata pala sa bibliya ang makakapagpatunay na si Kristo pala ay kinilala ng mga tao, ng kaniyang mga alagad at ng mga apostol na TAO at hindi DIYOS.


Namatay siyang TAO

Patotoo ni Apostol Pedro:

"Alalahanin na sadyang namatay si Kristo dahil sa mga kasalanan: namatay ang matuwid alang alang sa di matuwid upang dahil kayo sa Diyos. Pinatay siyang tao..." I pedro 3:18
 
Ang pagkamatay niya ang isa sa mga ebidenysa na TAO talaga siya, dahil ang Diyos ay hindi namamatay. Hindi lang yon, tumawag din siya sa kaniyang DIYOS nung bago siya mamatay, ang tunay na DIYOS hindi na kailangan pang tumawag sa isang Diyos kung gusto niyang umiwas sa kamatayan.


Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Marcos 15:43
Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46

Pwede bang magkaroon ang isang Diyos ng kaniyang sariling DIYOS? Kumbaga sa Presidente, siya na nga yung pinaka PUNO o PINAKAMATAAS eh meron pa palang mas may TATAAS sa kaniya, pwede ba yun?


Eto pa ang sabi sa bibliya:


"Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama." Gawa 2:24

Wala talagang makakatutol na si Kristo ay namatay na TAO. 




Siyay binuhay na mag-uli na TAO


"Agad silang tumayo at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon doon ang labing-isa at ang ibang kasamahan nila. Sinabi ng mga ito sa dalawa, "Totoo nga palang muling nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Simon!" At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan at kung paano nila nakilala si Jesus nang paghati-hatiin nito ang tinapay.

Habang pinag-uusapan nila ito, tumayo si Jesus sa kalagitnaan nila na nagsasabi, "Sumainyo ang kapayapaan!" Natigilan sila at natakot sapagkat ang akala nila'y multo ang kaharap nila. Kaya't sinabi ni Jesus, "Bakit kayo natitigilan? Bakit kayo nag-aalinlangan? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ako nga ito. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto, ngunit ako'y mayroon, tulad ng nakikita ninyo." Lukas 24: 33-39

Natigilan at natakot ang kaniyang mga alagad akala nilay nakakita sila ng MULTO o ESPIRITO, pero sabi ni Kristo, bat kayo natiitigilan at nag aalinlangan, eh siya naman daw yon hawakan pa nila ang kaniyang KAMAY at PAA, ang multo naman daw kasi eh WALANG LAMAN AT BUTO samantalang siya eh MERON. Ibig sabihin TAO pa rin si Kristo nung binuhay siyang mag-uli ng Diyos, hindi tulad sa sinasabi ng ilan na nung binuhay siya eh naging DIYOS na siya.

Pero maaaring itanong ng ilan tulad ko, ang tanong na natanong ko rin, yun bang KATAWAN ni Kristo bago pa siya mamatay ay SAME din sa KATAWAN niya nung siyay NABUHAY NA MAG-ULI?

Ito ang sinasabi ng bibliya:


"Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay;  pangit at mahina nang ilibing, maganda't malakas kapag muling nabuhay; inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit" I Cor. 15: 42-44

Meron palang katawang panlupa at katawang PANLANGIT. Sa muling pagkabuhay pala ay magkakaroon tayo ng katawang PANLANGIT.

"Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin, sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay." I Cor. 15: 51-53

Ang ating katawan na nabubulok at namamatay ay babaguhin at papalitan ng katawang HINDI NABUBULOK AT HINDI NAMAMATAY.


Eh ano bang klaseng katawan yun?

"Sa kabilang dako, ang langit ang tunay nating bayan. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay." Fil. 3:20-21

MALUWALHATING KATAWAN pala ang ipapalit sa ating katawang PANLUPA gaya ng KATAWAN ni KRISTO. Kaya nung si Kristo ay nabuhay na mag-uli, yung katawan niya ay hindi na yung dati niyang katawan bago siya mamatay, kundi yun yung katawang binago na ng Diyos.

Kaya NAKALUSOT sa pinto yung katawan ni Kristo:


"Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit nakapasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, Sumainyo ang kapayapaan!" Juan 20:26

Yan ang dahilan kung bakit napa- "MY LORD AND MY GOD" si Apostol Tomas.

Eto ang patotoo ni Apostol Pablo:


"Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao." I Cor. 15:20-21

Dumating pala talaga ang muling pagkabuhay sa pamamagitan hindi ng isang Diyos, kundi ng isang TAO, at itong TAO na ito ay walang iba kundi si KRISTO.



Umakyat sa langit at babalik sa mundong ito, TAO PA RIN


"Sila'y nakatitig sa langit habang siya'y iniaakyat sa langit. Walang anu-ano'y dalawang lalaking nakaputi ang lumitaw sa tabi nila. Sabi nila, "Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya." Gawa 1:10-11

Malinaw na malinaw, ito palang si Kristo ay UMAKYAT SA LANGIT at MAGBABALIK gaya ng nakita nilang pag-akyat niya. Ibig sabihin, WALANG PAGBABAGO sa kaniya simula ng siyay isilang, namatay, binuhay na mag-uli, umakyat sa langit at sa kaniyang pagbabalik sa mundo, TAO PA RIN SIYA.

Eto ang sinasabi ng bibliya sa atin:


"Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas. Huwag kayong patangay sa mga sari-sari at kakaibang katuruan..." Heb. 13:8-9

Hindi magbabago si KRISTO KAILANMAN, siyay tao at hindi mababago ang kaniyang pagiging TAO. Huwag daw tayong papatangay sa mga SARI SARI at KAKAIBANG KATURUAN.

Isa sa kakaibang katuruan ay ang pagka Diyos ni Kristo na inimbento noong Council of Nicaea 325 AD at nagkaroon naman siya ng DUAL NATURE noong Council of Chalcedon 451 AD. Itong mga KAKAIBANG KATURUAN na ito ay ipinagpauna na ng bibliya:

"Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas.  Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo." II Cor. 11:3

Ibang iba talaga ang IPINANGARAL NG MGA APOSTOL TUNGKOL KAY KRISTO sa ipinapangaral ng mga bulaang propeta ngayon. Ang kanilang pagkilala kay Kristo ay walang basehan sa bibliya, mismo ang pagkilala nila sa DIYOS ay wala ding basehan sa bibliya.


Pero teka, ngayon bang nasa langit na siya naging DIYOS NA SIYA?

Malay mo... Pero tanungin natin ang bibliya, ito ang nasusulat:

“Datapuwa’t siya, palibhasa’y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao ay nakatindig sa kanan ng Dios.” Gawa 7:55-56

Si Kristo pala ay nakatindig sa KANAN NG DIYOS, at hindi naman nabanggit na naging DIYOS si Kristo ngayong siyay nasa langit, kundi siyay TAO PA RIN:


“Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.” Awit 80:17

Tunay nga at wala ng makatututol na si KRISTO AY TAO at HINDI DIYOS o NAGING DIYOS. 

Tunay din nga na ang katuruan sa Iglesia ni Cristo ay TOTOO at itong lahat ay nakabase sa BIBLIYA at hindi sa TRADISYON o anumang KONSILYO.

Manalig tayo sa katotohanang ito at kilalanin natin ang NAG IISANG TUNAY NA DIYOS, ANG AMA.

86 comments:

  1. brod. readme, salamat sa mga post, bothered lang ako sa image, baka imisinterpret ng iba na yan din yung image ni Kristo na pinaniniwalaan natin... God bless po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. danny juanillo,

      welcome po^^ nakalagay po sa ABOUT ME section ng blog na ang ibang mga larawan dito ay for entertainment purposes only. Hayaan nyo at ilalagay ko sa homepage ng blog para walang maka "misinterpret" ^^

      Delete
    2. AGREE! HINDI DIYOS SI KRISTO DAHIL PANGINOON SYA ANG DIYOS AY ANG AMA NA GUMAWA NG LAHAT. PERO WALA AKONG PINAPANIWALAANG RELIHIYON DAHIL MAY SARILI AKONG KOMINIKASYON SA KANYA. TIWALA DASAL PANANAMPALATAYA ANG KAILANGAN. SA DAMI NG RELIHIYON DIKO NA ALAM KUNG ANO ANG TOTOO PERO SA MGA NALALAMAN KO AT NABABASA LAHAT TAYO MAY MGA OPINYON. SINASABI SA ISLAM BAWAL BABOY DAHIL SA BABOY PINASOK NI KRISTO ANG DEMONYO. SA INC BAWAL ANG DUGO DAHIL ANG DUGO AY BUHAY. SA KATOLIKO MGA NANINIWALA PESA REBULTORO PERO SABI SA BIBLE WAG SUMAMBA LUMUHOD SA DIYOS DIYOSAN NA GAWA NG TAO PERO HINDI DAW NILA SINASAMBA PINAPAKITA LANG NILA NA ANG IMAHE. PERO MAY NAKAKITA NABA KAY KRISTO? DAHIL ANG MGA GUMAGANAP SA PALABAS AY MGA ARTISTA LAMANG AT DAHIL SILA ANG GUMANAP SILA NARIN ANG ILALAGAY SA SIMBAHAN MGA LARAWAN? MGA ROSARYO BINEBENTA DAHIL SWERTE KUNG GANUN BAKIT BINEBENTA ANG SWERTE? ANG BORN AGAIN? Saksi ni Jehovah at marami pang iba na hindi natin alam ang tunay at ang katotohan pero lahat tayo ay gusto maligtas sa paghuhukom manalig tayo ang relihiyon ay relihiyon lamang. Manalig ka lang sa kanya at alam nating di ka nya pababayaan ano man ang tawag sa kanya ay kailangan respetuhin dahil aminin natin di natin alam ang katotohan sa katotohanan. Bibliya tao lang din may gawa. Galing jerusalem mga sulat latin tinranslate sa filipino may dagdag may bawas tao tayo lahat tayo nakakagawa ng mali kung si eva na natukso noon nung wala pang tao at pera etc. Ngayon pa kayang ganito na ang mundo? Faith love trust maging mabuti tayong alagad nya yun ang gusto nya naway lumawak pa ang kaisipan nating lahat. Salamat...

      Delete
    3. Maganda umaga po.,isa po akong BL., hihingin lang o sana ako ng paliwanag sa aking tnong.,isa po akong glass installer at hindi po ako nakatapos ng pag-aaral.,2nd yr high school po inabot ko., ang amo ko po ay isang member ng "IGLESIA NG DIOS KAY KRISTO HESUS " lagi nya ako binbasahan ng talata sa bible na naka save sa phone nya.,dahil member ako ng inc., ang lola ko at lolo inc parents ko po inc.mga kapatid ko po inc lahat po kami handog.,kaya po ako naging BL Kinuha ko po yung transfer ko sa aming local.,para madala ko po sa tagaytay.,hindi ko po na surrender .,at maka dalo ng pag samba.,ang nangyare po na wala ko po yung transfer ko.,hanggang ngayon ho iang taon ang lumias at nakapag asawa po ako ng sanlibutan.,at nag convert na po sya sa inc.,na tiwalag din po sya dahil nag sama po kami ng hindi pa kasal.,salat po kami sa kahirapan hindi pa po namin magawa mag pakasal.,gusto po namin mag balil loob at maihandog po ang aming anak.,yan po ang nangyare samin.,itatanong ko lang po sana kung paano ko maipapaliwanag sa amo ko oh masasahgot ang ganitong talata sa kanya.,


      Juan 12:49 “Sapagka’t ako’y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.”

      Yan po.,binasa nya po saken yan.,tapos bakit daw po sinasabi ng inc., dun sa talata na"itatayo ko sa ibaba ng batong eto ang aking iglesia.sino daw po ang nasasalita dun sa talata nayung., kung sinasalita ni kristo ang sinasabi ng ama sa kanya.,para ang gusto nya ipaintindi saken.,iglesia ng dios dahil ang mga sinasalita ni kristo ay galing sa ama
      salamat po ng marami

      Delete
    4. Anong uri ng tao si Hesus kung sinasabi nilang ordinaryong tao? Ano ang pagkakaiba nito sa mga tao? Ang Panginoong Diyos na si Kristo Hesus ay Diyos, Siya ay nagkatawang tao lamang sa kabila ng pagiging Diyos Niya, basahin ninyo sa Filipos 2:5-6 Magpakababa kayo tulad ni Kristo Hesus. Kahit siya sa Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos. At makikita ninyo sa Mateo 1:23 "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki at tatawagin itong "Emmanuel" (ang kahulugan ay kasama natin ang Diyos) maliwang pa sa sikat ng araw si Hesus ay Diyos. Sinabi din sa Roma 3:23 Ang lahat ay nagkasala at walang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. Ang lahat ng tao ay nagkasala kung ang Panginoong Hesus ay tao ibig sabihin ba na Hesus ay nagkasala. Ang Panginoong Diyos na si Kristo Hesus ay hindi nagsinungaling at nagkasala kahit kailan. Di ba ang lahat ng tao ay may mga magulang tatay at nanay. Kung talagang si Hesus ay tao, sino ang ama ni niya sa lamnan? Sa kasaysayan ng sangkatauhan, sinong tao ang nagsabi na mamamatay siya at sa loob ng ikatlong araw Siya't mabubuhay. Meron bang taong nagpatawad ng mga kasalanan? Sinabi sa Bibliya Huwag sumamba sa mga diyus-diyusan, pero kung talagang tao si Hesus bakit sinasamba nila si Hesus? di ba labag sa kautusan ang pagsamba sa mga diyus-diyusan, lalong higit ang pagsamba sa tao. Kung naniniwala sila na tao si Hesus bakit sinasamba pa nila, nakalagay pa nga yon sa kanilang Iglesya. Ibig bang sabihin inutos ng Diyos Ama na sumamba sa tao, dahil naniniwala sila na si Hesus ay tao, kalapastanangan at labag sa kautusan ang sumamba sa diyus-diyusan lalong higit ang pagsamba sa tao. Ang mahalaga sa bawat ng ating buhay ay bigyan ng kaluguran ang Panginoong Diyos, Hindi kailangan dito relihiyon daan lang ito para manampalataya at makasamba. Pero ang pinakamahalaga kung ipinamumuhay mo ang kanyang mga salita, ang relasyon natin sa Kanya ang kailangan at hindi ang sekta at doktirna. Hindi ka kayang iligtas ng relihiyon.

      Delete
  2. readme..keep it up po!dami ko pong naliliwanagan sa mga blogs nyo.god bless po

    ReplyDelete
  3. Ang ayos nang pagpapaliwanag sana tumatak to sa mga pari pero bro tama si bro danny baka ma misinterpret nila yung image

    ReplyDelete
    Replies
    1. God has no personality except to a man and as man which is in the presence of Jesus Christ. Si Jesus ay tao pero dumaan sya sa proseso namatay at muling nabuhay na naging Diyos. Kaya sinabing nagkatawang tao dahil sa presensya at katawan ni Cristo lalang ng espiritu ng Diyos Ama. Kaya sinabi nya na ako at ang Diyos ay iisa. At sinabi pa ni Jesus. I am the way the truth and the life, no one comes to the Father except thru me. At yan ang katotohanag sinabi ni Hesus. Jesus Christ is the perfect Demonstration of Gods Divinity but the sonship of Jeaus is not only exclusive to him. Dahil sinabi ng Diyos sa John 3:16 ibinigay ko na ang aking bugtong na anak sa sangakatauhan at sinunan maniniwala sa kanya ay hindi mapapahamak kundi magkaroon ng walang hanggan. The kingom of God is within us in the presence of Jesus Christ. Yan ang reason kung bakit ang taong si Jesus ay naging Diyos para na rin sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan kaya sya nagkatawang tao sa presensya ni Jesus. God-in me blesses all those in here reading my message. A message from the bible

      Delete
  4. KAPATID SANA MGBLOG KA DIN OR RESEARCH SA MGA TALATA NA GINAGAMIT NG IBA NA SINASABI DIYOS DAW SI KRISTO THEN LAGYAN MO NG COMMENT KUNG PANU NILA NAMISINTERPRET UNG MGA TALATA NA UN..... PARA UN SA IKAWAWALA NG PAGKALITO NG MGA NAGSUSURI.... :-) THANKS

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dudo orocji,

      Meron po at marami na ang nasagot. Pakihanap na lang po sa mga articles dito. salamat po :)

      Delete
  5. Ang galing po! Kapag nabasa po ito ng open minded na di natin kapanampalataya maliliwanagan sila.

    ReplyDelete
  6. Saan kaya galing ang konsepto na ang Kristo at tao? Sa mga grupo na gustong magkaroon ng pagkakilanlan at kapangyarihan (katulad ng islam). Ipagdasal nga ninyo na kalooban kayo ng banal na espiritu ng kaliwanagan ng pag iisip. Patuloy kayo manalilksik at pag aralan mabuti ang mga sinasabi sa Bibliya.

    ReplyDelete
  7. kung si Kristo ay tao, maitanong ko po kung bakit kay Kristo ipinangalan ang simbahan ng Iglesya ni Kristo, diba mas tama na sa Dios ipangalan ang simbahan e.g. Iglesya ni Jehova or Iglesya ni Yahweh, Iglesya ni Allah or Iglesya ng Ama. kasi kung sa TAO ipapangalan ang simbahan parang mas sinasamba pa sya kaysa da Dios kahit na hindi sya nagkasala dahil sa kanya (TAO) nakapangalan ang simbahan. Diba dapat sa Dios nakasentro ang lahat, ang parangal, papuri at pasasalamat at di sa TAO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siya mismo ang nagtayo sa sarili niyang Iglesia.
      Kung ikaw ba si Kristo,ipapangalan mo ba ang relihiyon mo sa iba liban sa Diyos at sa iyo?Hindi di ba.

      Ganun lang ang explanation dun.

      Delete
    2. Kung kay kristo pala ang iglesia bqkit bibnili pa nya ng kanyang sariling dugo?

      Delete
    3. UNANG UNA DI SI KRISTO ANG IGLESYA. SIYA ANG NAGTAYO NITO DAHIL SIYA ANG ULO NITO. DI NAMAN KASI BATO SI KRISTO PARA SIYA YUNG TAWAGING IGLESYA

      Delete
    4. Janrey Tindugan

      Kamusta kaibigan?

      Ang "pagbili" ni Cristo sa Kanyang Iglesia sa pamamagitang ng kaniyang dugo ay katumbas na Siya (si Cristo) na walang sala ay inaring may sala, sapagkat si Ctisto ang lumagay na ULO ng kangyang katawan o Iglesia, sa madaaling salita siya ang NANAGOT sa kasalanan ng mga tao na napabilang sa Iglesia. May batas kasi ang Diyos na kung sino ang nagkasala ay siya ang dapat managot. Kaya ang ginawa ni Cristo ay nilalang niya sa kanyang sarili ang ISANG TAONG BAGO, na siya ang ulo at ang Iglesia ang kaniyang katawan... Ang salitang "binili" ay kasing hulugan ng TINUBOS... NILINIS... NAPATAWAD ang Kasalanan..

      Sana ay patuloy ka pang magsuri sa mga aral ng INC na pawang nakasalig sa Biblia.

      God Bless po.

      Delete
  8. Alin ba yong tao, iyong katawan o ang nasa loob ng katawan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Janrey Tindugan

      Sagutin ko na din ito. Pag sinabing katawan batay sa Col. 1:18- ito ay ang Iglesia...Colosas 1:18 Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)

      18 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

      ano naman ang pagtuturing sa mga taong nasa loob o kaanib sa Iglesia? ang sagot ay nasa 1 Corinto 12:12-27, pakibasa na lang kasi hahaba kung ipaste ko pa dito, ngunit ang buod niyan ay bagamat IISA LANG ANG KATAWAN ay maraming MGA SANGKAP (members), kaya sa 27 ang sabi ay...27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. ang banggit na "KAYO" ay tumutukoy sa mga "TAO" na mga samasamang"SANGKAP" ng IISANG katawan o Iglesia.

      Ngayun kung gagamitin natin sa pagtutulad ang Iglesia ni Cristo bilang "KAWAN"... ang mga TAO ay ang mga TUPA nasa "LOOB" ng Kawan o Iglesia Ni Cristo.

      Juan 10:9

      9 Ako ang pintuan; ang sinomang TAONG pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.

      Ganito pa sa ibang salin.. para sa ikadadali ng pag-unawa kung paano ang pagpasok kay Cristo...ganun din talata pina-igsi..

      "Ako ang pintuan; SINUMANG pumasok sa loob ng KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas ..." (Revised English Bible, isinalin mula sa Ingles)

      Patuloy ka pang magsuri at magtanong.

      Nawa ay nakatulong ito sa iyo.

      Delete
    2. Marami sa bible verse na patunay na si Hesus ay Diyos. Basahin nyo na lang at search nyo sa internet makikita yun. Kaya nasabi ni Hesus na sya ay anak ng tao dahil yung katawang ginagamit nya dito sa lupa ay katawang nabubulok at namamatay pero di ibig sabihin na si Hesus ay Tao lamang. Si Hesus ay nabuhay na bago pa lalangin ang sanlibutan at ang naging misyon nya sa lupa ay mangaral at tubusin nya tayo mula sa kasalanan nating mga tao kaya bago sya bumaba ng langit inihanda ng Dyos Ama ang katawang lupa at kaya'y sya ay nagkatawang tao at bumaba sa lupa mula sa langit. Ngayon nung namatay si Hesus katawan lang ang namatay sa kanya yung "Flesh" lang ika nga pero yung espirito ay nanatiling buhay magpakailanman kaya ang paliwanag ng INC na ang Dyos ay hindi namamatay gaya ni Hesus ang paliwanag ng bible dyan: Tanging ang katawang tao lang ni Hesus ang namatay pero ang Espirito nya ay nanatiling buhay magpakailanman kaya nssaktan sya at nggutom dhil sa katawan nyang gngmit lang. Nagkatawang tao lang sya na lalang ng Espirito Santo pero di ibig sabihin Tao lang sya.. May tao bang nagkatawang tao??? Sige nga INC pliwanag mo to.

      Delete
  9. OUR LORD JESUS CHRIST IS GOD.

    "SAPAGKAT WALANG TAO NA DI-NAGKAKASALA"-MGA HARI 8:46

    "WHO COMMITTED NO SIN, NOR WAS ANY DECEIT FOUND IN HIS MOUTH"-1 Peter 2:22

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaibigan "unknown"... totoo yan mga talata na yan... angmali yung paniniwala mo na si Cristo ay DIOS- dahil wala sa Biblia yan at wala sa mga talatang ginamit mo.

      para sa iyo...lahat ng tao ay nagkasala, ngayun si Cristo HINDI nagkasala kaya HINDI SIYA TAO... tanong: ang mga SANGGOL ba ay NAGKASALA? SIGE sagutin mo muna yan ...

      Delete
  10. Hanggang kailan kayo magiging bulag sa mga maling aral at turo ng mga sekta nyo patungkol sa pagparito ng BANAL NA CRISTO...

    ReplyDelete
  11. habang binabasa ko ang iyong mga sinusulat, nababatid kung kulang ka sa gabay ng banal na espiritu ng diyos..tunay ngang mga bulag ang mga tao...si jesus ang banal na espiritu ng diyos

    ReplyDelete
  12. paanong maaging tao pa c jesus kung ang katawan nya ay katawang panlangit na at hindi panlupa? babalik xang may katawan na kgaya natin, pero itoy hindi na panlupa, kunxi panlangit na

    ReplyDelete
    Replies
    1. Joy Teves

      Ang katawang panlangit ni Jesus na KATAWANG MALUWALHATI ay hindi na upang "MANIRAHAN" muli sa mundo. Siya ay muling BABALIK upang isagawa ang PAGHUHUKOM ng Diyos. At sa araw na yan ang langit at lupa ay mapupugnaw sa matinding init. Araw ng matinding kapootan ng Diyos.. (Zefanias 1:14-15, 18)

      Ano naman ang mangyayari sa mga TAONG MAPAPALAD na nangamatay kay Cristo o Iglesia Ni Cristo, at aabutang buhay?... please read.

      1Th 4:16 Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

      1Th 4:17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

      ano naman ang KATAWANG ibibigay sa mga UNANG Binuhay na mag uli at mga dinatnan buhay?- ang sagot ay nasa post na ito... "GAYA" ng sa ating Panginoon Jesus (Fil. 3:20-21).. Katawang Panlangit... Katawang MALUWALHATI na UKOL SA "TAO"... Hindi KATAWANG "NAGING DIYOS" sapagkat kung si Cristo ay nagkaroon ng "KATAWANG" na NAGING DIYOS...ay Gayon din ang "magiging" katawan ng mga taong MALILIGTAS, question - tayo ba'y magiging mga Diyos? ang sagot ay HINDI..

      Joy, sana ay nakatulong ito sa iyo, patuloy kang magtanong sapagkat yan ang magiging daan sa katotohanang nakasulat sa Biblia.

      Huwag kang papayag na manatili sa maling pananampalataya..yan ay ikapapahamak, at alam kong alam mo yan.

      Sana'y tawagin ka din ng Ama sa tunay na paglilingkod.

      Delete
  13. Ask ko lang po kasi sabi po ng kga taga inc ang iglesia ni Cristo po yung tinubos ng dugo, anu po bang verse sa bible makikita po yun. Paki post naman yung verse at yung mismo nakasulat sa verse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ito po ang kadalasan ginamit nila.

      efhesians 5:23

      for the husband is the head of the wife,and christ also is the head of the church being himself the saviour of the body...

      rome 16:16

      salute one another with a holy kiss,all the churches of christ salute you...

      salamat!!!

      Delete
    2. karagdagan

      ang lamsa translation po:

      sa gawa 20:28

      Delete
  14. Kilala ba ninyo ang Diyos Ama na Banal?
    Sino ba sya? O kaya naman nalalaman natin na Espiritu. Kung gayon anong klasing Espirito?

    Juan 10:14
    [14]Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako

    Ano po ba ang sinasabi sa talata?

    ReplyDelete
  15. Si Kristo Jesus, “ANG ANAK NG TAO.” Sa mga ulat ng Ebanghelyo ay masusumpungan ang pananalitang ito nang halos 80 beses, anupat sa bawat pagkakataon ay KUMAKAPIT KAY JESU-KRISTO, at ginagamit niya mismo upang tumukoy sa kaniyang sarili. (Mat 8:20; 9:6; 10:23) Ang iba pang mga paglitaw nito ay nasa Gawa 7:56; Hebreo 2:6; at Apocalipsis 1:13; 14:14.

    Malinaw na ipinakikita ng pagkakapit ni Jesus ng pananalitang ito sa kaniyang sarili na ang Anak ng Diyos ay talagang isang tao noon, anupat “naging laman” (Ju 1:14), “isinilang ng isang babae” matapos siyang ipaglihi at ipanganak ng Judiong birhen na si Maria. (Gal 4:4; Luc 1:34-36) Samakatuwid, hindi lamang siya basta nagkatawang-tao na gaya ng ginagawa noon ng mga anghel; hindi siya nagsaanyong-laman kundi siya’y aktuwal na naging isang ‘anak ng sangkatauhan’ sa pamamagitan ng kaniyang taong ina.​

    Dahil dito, maikakapit ng apostol na si Pablo ang Awit 8 bilang isang hula tungkol kay Jesu-Kristo. Sa kaniyang liham sa mga Hebreo (2:5-9), sinipi ni Pablo ang mga talatang nagsasabi: “Ano ang taong mortal [ʼenohshʹ] anupat iniingatan mo siya sa isipan, at ang anak ng makalupang tao [ben-ʼa·dhamʹ] anupat pinangangalagaan mo siya? Ginawa mo rin siyang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga tulad-diyos [“mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel,” sa Hebreo 2:7], at pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karilagan. Pinagpupuno mo siya sa mga gawa ng iyong mga kamay; ang lahat ng bagay ay inilagay mo sa ilalim ng kaniyang mga paa.” (Aw 8:4-6; ihambing ang Aw 144:3.) Ipinakikita ni Pablo na upang matupad ang makahulang awit na ito, si Jesus ay talagang ginawang “mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel,” anupat aktuwal na naging mortal na “anak ng makalupang tao,” upang mamatay siya bilang tao at sa gayo’y “matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao.” Pagkatapos nito, pinutungan siya ng kaluwalhatian at karilagan ng kaniyang Ama, na siyang bumuhay-muli sa kaniya.​—Heb 2:8, 9; ihambing ang Heb 2:14; Fil 2:5-9.

    Samakatuwid, IPINAKIKILALA RIN SI JESU-KRISTO ng katawagang “ANAK NG TAO” bilang ang dakilang Kamag-anak ng sangkatauhan, na may kapangyarihang tumubos sa kanila mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan, at bilang ang dakilang Tagapaghiganti ng dugo.​—Lev 25:48, 49; Bil 35:1-29

    Sa gayon, idiniriin ng pagtawag kay Jesus bilang “ANAK NI DAVID” (Mat 1:1; 9:27) na SIYA ANG TAGAPAGMANA NG TIPAN ukol sa Kaharian na matutupad sa linya ni David; itinatawag-pansin ng pagtawag sa kaniya bilang “ANAK NG TAO” na siya’y kabilang sa lahi ng tao sa dahilang ipinanganak siya sa laman; idiniriin naman ng pagtawag sa kaniya bilang “Anak ng Diyos” na siya’y nanggaling sa Diyos, anupat hindi nagmula sa makasalanang si Adan ni nagmana ng di-kasakdalan mula rito kundi may lubos na matuwid na katayuan sa harap ng Diyos.​—Mat 16:13-17.

    ANO ANG “TANDA NG ANAK NG TAO”?

    Gayunman, maliwanag na may isa pang mabuting dahilan kung bakit madalas gamitin ni Jesus noon ang pananalitang “ANAK NG TAO” upang tumukoy sa kaniyang sarili. Iyon ay may kaugnayan sa katuparan ng hula sa Daniel 7:13, 14. Sa pangitain, nakita ni Daniel ang “ISANG GAYA NG ANAK NG TAO” na dumating na kasama ng mga ulap sa langit, nakaparoon sa “Sinauna sa mga Araw,” at pinagkalooban ng “pamamahala at dangal at kaharian, upang ang lahat ng mga bayan, mga liping pambansa at mga wika ay maglingkod sa kaniya,” anupat ang kaniyang Kaharian ay mamamalagi

    ReplyDelete
  16. Dahil sa interpretasyon ng anghel sa pangitain na nakaulat sa Daniel 7:18, 22, at 27, na nagsasabing ang Kahariang iyon ay aariin ng “mga banal ng Kataas-taasan,” sinikap ng maraming komentarista na ipakitang ang “anak ng tao” rito ay tumutukoy sa isang ‘kalipunan,’ samakatuwid nga, ‘ang mga santo ng Diyos bilang isang grupo, itinuturing sa kabuuan bilang isang bayan,’ ‘ang niluwalhati at ulirang bayan ng Israel.’ Gayunman, sa liwanag ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, lumilitaw na mababaw ang pangangatuwirang ito. Hindi dapat kaligtaan na si Kristo Jesus, ang pinahirang Hari ng Diyos, ay ‘nakipagtipan ukol sa isang kaharian’ sa kaniyang mga tagasunod upang makibahagi sila sa kaniya sa kaniyang Kaharian, at na bagaman mamamahala sila bilang mga hari at mga saserdote, iyon ay sa ilalim ng kaniyang pagkaulo at dahil sa ipinagkaloob niyang awtoridad. (Luc 22:28-30; Apo 5:9, 10; 20:4-6) Kaya naman tatanggap sila ng awtoridad na mamahala sa mga bansa sa dahilang tinanggap muna niya ang gayong awtoridad mula sa Soberanong Diyos.​—Apo 2:26, 27; 3:21

    ReplyDelete
  17. Ang tamang unawa hinggil dito ay higit pang nililinaw ng mismong sagot ni Jesus sa pagtatanong ng mataas na saserdote, nang sabihin niya: “Ako nga [ang Kristo, ang Anak ng Diyos]; at makikita ninyo ANG ANAK NG TAO na nakaupo sa kanan ng kapangyarihan at dumarating na kasama ng mga ulap sa langit.”​—Mar 14:61, 62; Mat 26:63, 64.

    Samakatuwid, ang hula tungkol sa pagdating ng ANAK NG TAO sa presensiya ng Sinauna sa mga Araw, ang Diyos ay malinaw na tumutukoy sa isang indibiduwal, ang MESIYAS, si JESU-KRISTO. Ipinakikita ng katibayan na gayon ang pagkaunawa rito ng mga Judio. Ikinakapit ng mga akdang rabiniko ang hulang ito sa Mesiyas. (Soncino Books of the Bible, inedit ni A. Cohen, 1951, komentaryo sa Dan 7:13) Tiyak na dahil isang literal na katuparan ng hulang ito ang ninanais ng mga Pariseo at mga Saduceo kung kaya hiniling nila kay Jesus na “magtanghal sa kanila ng isang tanda mula sa langit.” (Mat 16:1; Mar 8:11) Pagkamatay ni Jesus bilang tao at matapos siyang buhaying-muli tungo sa buhay bilang espiritu, si Esteban ay nagkaroon ng pangitain na doo’y ‘nabuksan ang langit’ at nakita niya “ANG ANAK NG TAO na nakatayo sa kanan ng Diyos.” (Gaw 7:56) Ipinakikita nito na bagaman inihain ni Jesu-Kristo ang kaniyang kalikasan bilang tao upang maging pantubos para sa sangkatauhan, angkop na taglayin pa rin niya sa kaniyang makalangit na posisyon ang Mesiyanikong katawagan na “ANAK NG TAO.”

    Ang unang bahagi ng pananalita ni Jesus sa mataas na saserdote tungkol sa pagdating ng ANAK NG TAO ay nagsasabing siya’y “nakaupo sa kanan ng kapangyarihan.” Maliwanag na tumutukoy ito sa makahulang Awit 110, anupat bago noon ay ipinakita ni Jesu-Kristo na kumakapit sa kaniya ang awit na ito. (Mat 22:42-45) Isinisiwalat ng awit na ito, gayundin ng pagkakapit dito ng apostol sa Hebreo 10:12, 13, na maghihintay muna si Jesu-Kristo nang ilang panahon bago siya isugo ng kaniyang Ama upang ‘manupil sa gitna ng kaniyang mga kaaway.’ Samakatuwid, lumilitaw na matutupad ang hula sa Daniel 7:13, 14, hindi sa panahon ng kaniyang pagkabuhay-muli at pag-akyat sa langit, kundi sa panahon ng pagbibigay sa kaniya ng Diyos ng awtorisasyong kumilos bilang aktibong kapahayagan ng kaniyang makaharing awtoridad. Dahil dito, maliwanag na ang ‘pagdating ng ANAK NG TAO sa harap ng Sinauna sa mga Araw ay kapanahon ng pangyayaring inilalahad sa Apocalipsis 12:5-10, kung kailan ang makasagisag na anak na lalaki ay iniluwal at dinala sa trono ng Diyos.

    Gayunman, sa Mateo 24:30 at Lucas 21:27, kaagad-agad matapos bumanggit si Jesus ng mga kababalaghan sa langit na iniuugnay ng Bibliya sa paglalapat ng Diyos ng kahatulan sa mga taong balakyot, humula si Jesus may kinalaman sa “tanda ng ANAK NG TAO.” (Ihambing ang Mat 24:29 at Luc 21:25, 26 sa Isa 13:9, 10 at Joe 2:30, 31.) Yamang ‘makikita ng lahat ng mga tribo sa lupa ang ANAK NG TAO na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian’ at ‘dadagukan nila ang kanilang sarili sa pananaghoy,’ maliwanag na tumutukoy ito sa panahon kung kailan masisindak ang mga taong hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos dahil sa isang kahima-himalang pagtatanghal ng makaharing kapangyarihan ni Jesus.

    Ipinakikita ng iba pang makahulang mga pangitain sa Apocalipsis (17:12-14; 19:11-21) na gagamitin ng Mesiyanikong Hari ang kaniyang buong maharlikang kapangyarihan sa pamamahala sa “mga bayan, mga liping pambansa at mga wika” (Dan 7:14), kaya tiyak na ang isa na “tulad ng isang ANAK NG TAO” sa Apocalipsis 14:14 ay tumutukoy rin kay JESU-KRISTO, gaya ng isa na inilalarawan nang gayon sa Apocalipsis 1:13.

    ReplyDelete
  18. Kumuha ng ibang konteksto sa bibliya na hindi kontradiksyon sa ibang mga talata para maipaliwanag sa tamang interpretasyon ang kahulugan ng Juan 10:30, Colosas 1:15 at 1 Juan 5:20.

    Tandaan na ang kahulugan ng Juan 10:30, Colosas 1:15 at 1 Juan 5:20. ay hindi nagtatapos sa ganoong kalagayan lamang. Mayroon itong pakahulugan, talinghaga, symbolical at hindi literal.

    KASI KUNG VERSE LANG ANG IKO-COMMENT AT WALANG MALALIM NA PALIWANAG AY LALABAS NA MALI NA NAMAN SA INTERPRETASYON O PAGKAUNAWA. UNA, ANG BIBLIYA AY NASUSULAT NA MAY HALONG TALINGHAGA O SIMBOLICAL (hindi lahat literal na kung paano mo binasa ay yaon na ang ibig sabihin). HANAPAN NG IBA PANG KATULAD NA TEKSTO NA HINDI MAGIGING KONTRADIKSYON DITO (dahil ang bibliya ay hindi sumasalungat sa mga nasusulat na talata sa iba pang mga talata).

    Bilang larawan ng tunay na Diyos si Jesu-Kristo ay nagtataglay ng katangian ng tunay na Diyos. Ang Ama at ang Anak ay iisa (hindi ng katawan) kundi ng mga layunin. At bilang siya [Jesu-Kristo] ang "Salita" o mensahero ng Diyos upang tumupad bilang haing pantubos sa kasalanan ng tao at upang maihayag ang ebanghelyo o mabuting balita hinggil sa kaligtasan ng sangkatauhan.

    ReplyDelete
  19. Klarohin natin:

    Si Jesus, noong nagpapaliwag sa mga JUDIO, minsan ay hindi siya maliwanagan ng mga JUDIO, binaliktad nila ang kanyang sinabi. Ating sipiin ang:

    Juan 5:17,18 - ANG BIBLIYA

    17 Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa.

    18 Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.

    Anong pilipit ng mga Judio? . . .noong sinabi niya na: . . .yong nasa taas aking Ama yan, . . . Pero pinipilipit ng mga Judio ang sinalita ni Jesus.

    Sabi ng mga Judio ang taong ito ay maninira ng Sabbath, mamumusong pa? biro mo, ginawa niyang kapantay ang kanyang Ama?.

    Kaya, kung tayo ay mangangatwiran na ang Diyos at si Jesus ay Magka-Pantay sa Pagka-Diyos?. . .Katulad kayo sa pangangatwiran ng mga Judiong ito na pinipilipit ang salita ng Katotohanan, na Pinipilipit ang sinabi ni Jesus.

    Kailanmay, hindi inamin ni Jesus na siya ay Kapantay ng kanyang Ama?

    Ang mga Judio ang mga Pumipilipit sa kanyang salita.

    Tito 1:14 “Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.”

    ReplyDelete
  20. Si Kristo may pasimula ang Diyos ay walang pasimula o walang takdang panahon... Nang panahon na nagiisa pa lamang ang Diyos at di pa niya nililikha ang lahat ng bagay maging langit o lupa o maging mga anghel... Ano ang nasa isip ng iba sa dakong kinalalagyan o hitsura ng dako ng Diyos? Madilim? Maliwanag?... Hindi! ang madilim ay kulay itim at liwanag ay nakakasilaw.. Bagay na lahat ng bagay na iyan ay nilikha ng Diyos... Wag na nating abutin sa rurok ng ating pang-unawa sa kung ano ang aktuwal na kalagayan nito. -Deuteronomy 29:29
    Pero ano nga ba ang unang nilikha ng Diyos?....

    Dahil sa pag-ibig ng Diyos ay nilikha niya ang bugtong na anak si Jesus... Si Jesus ang kasama ng kanyang Ama na lumikha sa iba pang mga bagay: "At sinabi ng Diyos: “Gawin NATIN ang tao ayon sa ATING larawan, ayon sa ATING wangis, at magkaroon sila ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa maaamong hayop at sa buong lupa at sa bawat gumagalang hayop na gumagala sa ibabaw ng lupa.” (GENESIS 1:26) ... Ang ama at ang anak ay "IISA" ng mga plano o "LAYUNIN"... Hindi ng iisa ang katawan (may talinghaga o symbolical) hindi literal... At hindi sila magkapantay (JUAN 14:28) (JUAN 20:17).

    Walang asawa ang Diyos. Pero siya ang Maylalang ng lahat ng bagay na may buhay. (Apocalipsis 4:11) Kaya ang unang taong ginawa ng Diyos, si Adan, ay tinatawag na “anak ng Diyos.” (Lucas 3:38) Itinuturo din ng Bibliya na si Jesus ay nilalang ng Diyos. Kaya si Jesus ay tinatawag din na “Anak ng Diyos.”—Juan 1:49.

    Nilalang ng Diyos si Jesus bago pa niya lalangin si Adan. Isinulat ni apostol Pablo tungkol kay Jesus: “Siya ang larawan ng di-nakikitang Diyos, ang PANGANAY SA LAHAT NG NILALANG.” (Colosas 1:15) Nagsimula ang buhay ni Jesus bago pa siya ipanganak sa isang sabsaban sa Betlehem. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na ang kaniyang “pinanggalingan ay mula noong unang mga panahon, mula nang mga araw ng panahong walang takda.” (Mikas 5:2) Bilang ang panganay na Anak ng Diyos, si Jesus ay espiritung nilalang sa langit bago siya ipanganak dito sa lupa. Sinabi mismo ni Jesus: “Bumaba ako mula sa langit.”—Juan 6:38; 8:23.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang linaw -linaw ng ung paliwanag...bro...sana matutunan nila ang accurate knowledge na itinuturo ng bibliya...kailangan kasi ang guidance ng banal na espiritu para maunawaan ang banal na kasulatan...

      Delete
  21. Ang wikang hebrew ay may konsepto ng pagbigkas katulad ng sa ibang mga wika at bilang halimbawa ang wikang korean at japanese, bilang halimbawa rito ay ang korean na sa letrang "B at P"/ "R at L"/ "G at K"/ "D at T" ay iisa lang ang bigkas o mag-katumbas lamang na mga consonant. Halimbawa ang lugar sa korea na "Busan-부산" o "Pusan-부산" , "Daegu-대구" o "Taegu-대구", ay parehas lang na tama sa sulat at pagbigkas ng mga koreano. Sa Japan naman ay ganito ang mababasa tungkol sa pinagmulan ng bansang ito: The name of the country in Japanese is Nihon or Nippon, written 日本 in Chinese characters. However, neither "Nihon" nor "Nippon" sounds much like "Japan", so the origin of the word Japan is mysterious. Ang wikang Japanese at Hebrew ay parehas na walang letrang "J" sa kanilang mga alpabeto.

    Una, ang hebrew consonant na "Y" at iba pang latin-based languages ay makatwiran na isinalin ng mga bible scholars na bihasa sa wikang hebrew, latin, griyego o aramaico sa consonant "J" sa wikang english. Ilang halimbawa ng mga angkop na pangalan ng tao at lugar katulad ng YERUSHALÁYIM - JERUSALEM, YACOB - JACOB at YEHOSHUA - JESUS na kapuwa may spelling na letrang "Y" sa wikang hebrew.

    Tandaan na ang 'translation' ay nangangahulugang pagsalin patungo sa ibang wika na karaniwang binibigkas sa bawat wika ng tao.

    Ang sinaunang wikang hebrew ay nasusulat na "walang mga vowels" na sa ating makabagong panahon ngayon ay tila abbreviation lamang. Na para mabasa ito sa ating panahon ay nilalakipan ng mga translators na bihasa sa hebrew ng akma na vowels para maiparating at maintindihan ng bawat mambabasa.

    ACCORDING FROM THE MANUSCRIPT RESEARCHERS AND HEBREW EXPERTS:

    Numerous proper hebrew names in the bible are derived from "YHWH". Some used the 'First 2 Syllables' of God's name 'as a Prefix'. Other names incorporate the 'Last Syllable' as a 'Suffix'.

    The divine name was undoubtedly 'Composed of 3 Syllables', NOT 2, as in 'Yahweh'. The vowel of the 'Middle Syllable' was an "O", making the syllable "HO".

    Here are some examples:

    JE-HÓ-ASH
    JE-HÓ-HA-NAN
    JE-HOŹ A-CHIN
    JE-HOÍ A-KIM
    JE-HOÍ A-RIB
    JE-HOŃ A-DAB
    JE-HÓ-RAM
    JE-HOSH'A-PHAT
    JE-HOSH'E-BA
    JE-HOSH'U-A = Jesus
    JE-HOŹ A-BAD
    JE-HOŹ A-DAK

    Here are few names that used the name of JEHOVAH as a suffix:

    ZEPHANI-AH
    HEZEKI-AH
    JEREMI-AH

    Now, let us put it all together. In hebrew the 3 syllable tetragrammaton would have been pronounce: "YE-HO-WAH".

    Therefore, the name "YEHOSH'UA" in hebrew translated in english as "JESUS".

    Are these names thought mispronounce? NO! That is common to each language.


    https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1854808634809126&id=1854804484809541

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang ganda nang paliwanag mo bro.salamat!!?may natutunan ako...

      Delete
  22. Totoo nga ba si Hesus ay nilalang o tao lang ba...gaya ng sinasabi dito na si Hesus hindi kaylanman naging tao o naging Diyos,,,totoo nga ba ito...Ganito nakasulat sa Colosas 1:15 a.) Na sya ang larawan ng Diyos na di nakikita, b.) ang panganay ng lahat ng mga nilalang... bakit tinawag siya ng panganay ng lahat ng mga nilalang dahil ba siya ay nilalang ng Diyos? Ganito po ang sinasabi ng bibliya basahin natin yung kasunod na verse sa verse 16. Sapagkat sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na di nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niiya at ukol sa kanya: sa nabasa po natin sa verse 16 po may nabanggit po ba na nilikha sya, di ba wala po... Sa pamamagitan nya nalikha lahat ng bagay sa langit at sa lupa, nakikita man o hindi...

    ReplyDelete
  23. At sa colosa 1:15 a.) Na sya ang larawan ng Diyos na di nakikita: anu ba ang ibig sabihin nito, ganito po ang ibig sabihin po niyan ito ay mababasa natin sa Hebrew 1:3 Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Diyos, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamaagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitasan. Ayon naman sa NIV version ganito naman ang pagkasulat " Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayon din ang Anak.

    ReplyDelete
  24. Sa pinagmulan naman ng Anak ng Diyos, gaya ng sinasabi na tao lang si Hesus? tingnan natin ang pinagmulan ng Anak ng Diyos. Ayon sa Genesis 1:1 ang sabi, Ng pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa... Sa english " In the beginning God created heaven and earth... ang tanung po sino ba nandyan sa pasimula o in the beginning. may tao na kaya ba sa pasimula o in the beginning.

    ReplyDelete
  25. Ganito ang nakasulat kung sino ba talaga ang nasa in the beginning o ng pasimula, tao nga ba ito, tingnan natin sa Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo (Salita), at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos. Sa nabasa po natin may nabasa po ba tayo na tao sa pasimula di ba wala naman po. Ang tanung sino ba yang Verbo na yan na sumasa Diyos at ang Verbo ay Diyos. ayon sa Juan 1:15 Siya ang pinatotohanan ni Juan at sabi din sa Juan 1:29 Na si Hesus ang tinutukoy dito Apocalipsis 19:13. Totoo ba si Kristo ay tao lang (Sya sa laman) or si Kristo na naging tao (dumating sya sa laman). Anu ba talaga ang tinuturo ng bibliya? Basahin natin sa Juan 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (ayon sa Isaiah 7:14 ang pangalan nya ay tatawagin na Emmanuel na kung liliwanagin ay sumasaatin ang Diyos. Mateo 1:23. at hindi sumasaatin ang tao.) at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama (read in Hebrew 1:3) na puspos ng biyaya at katotohanan. Si Hesus pala ay nagkatawang tao o naging tao hindi pala siya tao lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice one brod/sis...keep it up. God bless you

      Delete
    2. Kaibigan kaninong doktrina o RELIHIYON na sa Juan 1:1 ay "TAO" ang kasama o sumasa Dios?... yan ba ang doktrina ng INC?

      Delete
  26. Anu ba talaga ang tamang pagkakilala kay Hesus ayon sa bibliya... Gaya ng sinasabi sa Juan 8:32 At inyong makikilala ang katotohanan at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. Sino ang katotohanan, at paano natin siya makikilala ng katotohanan? ayon sa Juan 14:6 Ang sabi ni Hesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: Paano natin sya makikilala sa katotohanan? Ayon sa 1Juan 4:1 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawat espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu kung sila ay sa Diyos.

    ReplyDelete
  27. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  28. Sa mga bumabasa ng comment sa blog na ito ay magbasa po tayo ng bibliya para malaman natin ang katotohanan Juan 8:32 at makilala natin kung ito ay sa espiritu ay mula sa Diyos. Ayon sa Pahayag 1:3 Mapalad ang bumabasa at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasulat doon: sapagkat ang panaho'y malapit na.

    ReplyDelete
  29. Si Hesus ay 100 percent God supporting bible verse Isaiah 7:14 at Mateo 1:23 his name called Emmanuel (God with us) and Isaiah 9:6 For unto us a child is born, unto us a son is given; and the government shall be upon his shoulder, and his name shall be called Wonderful, Counsellor, the Mighty God, The everlasting Father, the Prince of Peace.

    ReplyDelete
  30. Si Hesus ay naging 100 percent man, supporting bible verse John 1:14 and the Word was made flesh, and dwelt among us, Romans 8:3 For what the law could not do, in that it was weak through the flesh, God sending his own Son in the likeness of sinful flesh, and for sin, condemned sin in the flesh.

    ReplyDelete
  31. Kaya magpatuloy tayo sa aral ni Kristo, Ayon sa 2 Juan 1:9 and sinumang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo ay hindi kinaroroonan ng Diyos; Sapagkat maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan samakatuwid ay ang mga hindi nangagpahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo ( 2 juan 1:7). Sa magandang balita bibliya ganito ang sabi sa 2 juan 1:7 "Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya-mga taong hindi nagpapahayag na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya magpatuloy tayo sa aral ni Kristo, Ayon sa 2 Juan 1:9 and sinumang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo ay hindi kinaroroonan ng Diyos; Sapagkat maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan samakatuwid ay ang mga hindi nangagpahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo ( 2 juan 1:7). Sa magandang balita bibliya ganito ang sabi sa 2 juan 1:7 "Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya-mga taong hindi nagpapahayag na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo.

      Delete
  32. And without controversy, great is the mystery of godliness: God manifest in the flesh, justified in the Spirit, seen of angels, preached unto the Gentiles, believed on in the world, received up in the glory. 1 Timothy 3:16.

    ReplyDelete
  33. God bless you mahal ko po kayo...Sapagkat ang kalaban nati'y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan, at mga tagapamahalang kadilimang namamayani sa sanlibutang ito-ang mga hukbong espiritual ng kasamaan sa himpapawid. Ephesian 6:12. Alam nating tayo'y anak ng Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng Diyablo. 1 Juan 5:19.

    ReplyDelete
  34. Good day po.. Gusto ko po e ask kung ano verse sa bible ung nag sasabi na si hesus ay ang taga-pag ligtas ang nagtubos ang panginoon..

    Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ito po:

      gawa 4:12

      isa pa,wala nang ibang tagapagligtas,dahil walang ibang pangalan sa ibabaw ng lupa na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin...

      lucas 2:11

      ipinanganak ngayon sa lunsod ni David ang inyong tagapagligtas,ang kristo na panginoon...

      salamat!!!

      Delete
  35. im JW

    sa gawa 1:11 sinabi ng mga anghel na si jesus ay babalik,hindi sa katulad na anyo,kundi sa katulad na paraan,paano na siya lumisan?sasagutin tayo sa bibliya...

    basa

    1 cor 15:44,50

    pisikal na katawan ito nang ihasik pero espiritung katawan kapag ibinangon.kung may pisikal na katawan mayroon ding espiritung katawan.

    50 pero sinasabi ko sa inyo mga kapatid na ang laman at dugo ay hindi puweding magmana ng kaharian ng Diyos at ang katawang mabubulok ay hindi puweding magmana ng katawang kasiraan.

    ginamit nila ang lucas 24:33-39 na nagsuporta na si cristo tao parin...sa talata na ito maunawaan natin na si cristo ay nagkatawang tao para makita siya ng kanyang tagasunod...

    halimbawa

    sa book of genesis mabasa natin na ang mga anghel ay puweding magkatawang tao...

    genesis 19: 1,3,15

    kinagabihan,dumating ang dalawang anghel sa sodoma,at si lot ay nakaupo sa pintutuang daan ng sodoma 3...naghanda siya ng maraming pagkain para kanila at nagluto siya ng tinapay na walang pampaalsa at kumain sila...


    15 nang madaling araw na,inapura na ang mga anghel si lot at sinabi,dali!isama mo ang iyong asawa at dalawang anak na kasama mo rito para hindi ka malipol dahil sa kasalanan ng lunsod.

    kaya basi sa mga talata na sinipi ko si cristo noong bumalik sa langit siya ay isang espiritung persona...gaya ng mga anghel...



    ReplyDelete
  36. im JW

    patotoo :

    na si jesus ng bumalik sa langit ay hindi siya literal na tao, kundi siya ay isang espiritung persona...

    basa

    1 pedro 3:18

    dahil si kristo ay namatay nang minsanan para sa mga kasalanan,isang taong matuwid,para sa mga kasalanan,isang taong matuwid para sa mga di-matuwid,para maakay kayo sa Diyos.pinatay siya na laman pero binuhay bilang ESPIRITU.ito ang patotoo ni apostol pedro.

    pansinin natin ang patotoo ni apostol pablo.

    1 timo 6:14-16

    sa pagkakahayag ng ating panginoong jeru-kristo... na ipapakita sa takdang panahon ng maligaya at tanging makapangyarihang tagapamahala.siya ang hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon.ang naging imortal na naninirahan sa di-malapitang liwanag,hindi panakita at hindi makikita ng sinumang tao...

    si apostol juan nagpatotoo rin...tungkol kay cristo...

    apo 12:7-8

    at sumiklab ang digmaan sa langit si miguel at ang mga anghel niya ay nakipagdigma sa dragon at ang Dragon at ang mga anghel nito ay nakipagdigma pero hindi nagtagumpay ang mga ito at wala na silang lugar pa sa langit...

    sa daniel 10:12 ganito ang sabi:

    pero dumating si miquel na isa sa mga pangunahing prinsipe para tulungan ako...

    at sa isaias 9:6 ganito ang sabi:

    si jesus tatawaging kamanghang tagapayo,makapangyarihang Diyos,walang hanggang Ama at prinsipe ng kapayapaan...

    paglilinaw

    si jesu-cristo at si miguel arkanghel ay iisa...kaya hindi puweding si jesus taong bumalik sa langit...kundi siya ay isang espiritung persona ,gaya ng kanyang Ama si Jehova...

    ReplyDelete
  37. Magkaiba po si miguel at si Hesus. Sino ba si Miguel? Si Miguel ay isang archangel read Jude 1:9. Anu ba ang ibig sabihin ng Archangel Daniel 10:13 The commander of the Persian kingdom opposed me for 21 days. But then Michael, one of the chief commanders, came to help me because I was left alone with the kings of Persia. Archangel meaning chief commander. Si Miguel ay isang anghel na may ka tungkulan isa syang chief commander. Patungkol sa Anak anu ba ang sinasabi ng bibliya...
    Hebrews 1:4 Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila. 5 Sapagkat kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

    “Ikaw ang aking Anak,
    mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”

    Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,

    “Ako'y magiging kanyang Ama,
    at siya'y magiging aking Anak.”
    Hebrews 1:13 Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

    “Maupo ka sa kanan ko,
    hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”
    Sino ba yang anak na yan na nakaupo sa kanan ng Diyos si Miguel Archangel ba? Ayon sa Colossians 3:1 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.
    Si Cristo pala ang tinawag ng Diyos na anak at hindi ang mga anghel kasama na dun si Miguel Archangel. Anu ba ang mga anghel kung ganun?
    Hebrews 1:7 Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya,

    “Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel,
    at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”

    ReplyDelete
  38. Wala po tayong mababasa na si Hesus at si Miguel ay iisa. Ito ang tunay at mababasa sa bibliya John 10:30 30 Ako at ang Ama ay iisa. - Lord Jesus said...

    ReplyDelete
  39. ito po ang patotoo na si miguel at si jesus ay iisa...unawain lang po ang mga talata wag ung word 4 word...

    miguel

    ang kahulugan ng kanyang pangalan:
    "sino ang tulad ng Diyos?"
    anupat itinatampok nito na ang Diyos na Jehova ay walang katulad,o walang kapantay at na si miguel na arkanghel niya ang kaniyang dakilang tagapagtanggol o tagapagbangong-puri...

    ang miguel unang lumitaw ang pangalang ito sa ikasampung kabanata ng daniel,kung saan si miguel ay inilalarawan bilang "isa sa mga pangunahing prinsipe" sinaklolohan niya ang isang nakabababang anghel na sinalansang ng "prinsipe ng kaharian ng persia".

    si miguel ay tinawag na prinsipe ng bayan ni daniel ang dakilang prinsipe na nakatayo alang-alang sa mga anak ng...bayan...daniel 10:13,20,21,12:1.

    ipinahihiwatig nito na si miguel ang anghel na umakay sa Isralita sa pagtahak sa ilang...

    pansinin:

    exodo 23:20,21

    magsusugo ako ng isang anghel sa unahan mo para ingatan ka sa daan at para dalhin ka sa lugar na inihanda ko...21 bigyan pansin mo siya at sundin ang tinig niya.huwag kang magrebelde sa kanya dahil hindi niya patatawarin ang mga kasalanan mo,dahil nasa KANIYA ang PANGALAN KO...

    exodo 14:19

    at ang anghel ng tunay na Diyos na nauna sa kampo ng Israel ay humiwalay at pumaroon sa likuran nila,at ang haliging ulap ay humiwalay mula sa unahan nila at lumagay sa likuran nila...

    exodo 17:6

    narito!tatayo ako sa harap mo doon sa ibabaw ng bato sa horeb...at hahampasin mo ang bato,at lalabas ang tubig mula roon,at inumin iyon ng bayan.at gayon ang ginawa ni moises sa paningin ng matatandang lalaki ng Israel...

    pansinin in contrast:

    1 cor 10:1-5

    ngayon hindi ko nais na kayo ay maging walang alam,mga kapatid,na ang ating mga ninuno ay napasailalim na lahat sa ulap at lahat ay tumawid sa dagat,at lahat ay nabautismuhan kay moises sa pamamagitan ng ulap at ng dagat...

    3 at lahat ng kumain ng iisang espirituwal na pagkain 4 at lahat ay uminom ng iisang espirituwal na inumin sapagkat uminom sila noon mula sa espirituwal na BATONG-LIMPAK na sumusunod sa kanila at ang BATONG-LIMPAK na iyon ay nangangahulugang ang KRISTO.

    bilang suporta sa bibliya na si miguel na arkanghel ay nagkaroon ng pakikipaghidwaan sa Diyablo at nakikipagtalo tungkol sa katawan ni moises_judas 9.

    ipinakikita ng katibayan mula sa kasulatan na ang pangalang miguel ay kumakapit sa bugtong na anak ng Diyos bago siya umalis sa langit upang maging si jesu-kristo at pagkabalik din niya roon.

    si miguel ang kaisa-isang tinutukoy bilang "arkanghel" na nangangahulugang "punong anghel" ang terminong ito ay lumitaw sa bibliya sa anyong pang-isahan lamang.

    waring ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang itinalaga ng Diyos na maging puno,o ulo ng hukbo sa mga anghel...kaya tama ang nasa heb 1:6...na si jesu-kristo mas dakila sa mga anghel...

    sa 1 tesalonica 4:16 ang tinig ng binuhay-muling panginoong jesu-kristo ay inilalarawan bilang tinig ng "arkanghel" anupat ipinahihiwatig na siya mismo ang arkanghel...

    binanggit sa tekstong ito na bumababa siya mula sa langit na may nag-utos na panawagan...samakatuwid,makatwiran lamang na ang tinig na nagpapahayag ng nag -utos na panawagang ito ay ilarawan ng isang salita na hindi makapagpapababa...o makababawas sa malaking awtoridad na taglay na ngayon ni kristo jesus bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon...mateo 28:18, apoc 17:14...

    kung ang katawagang "arkanghel" ay kumakapit hindi kay jesu-kristo,kundi sa ibang anghel,ang pantukoy sa "tinig ng Arkanghel" ay hindi magiging Angkop...kung kumakapit iyon sa ibang Anghel,...ang ilalarawan niyaon ay isang tinig na mas mababa ang Awtoridad kay sa Awtoridad ng Anak ng Diyos... logic plays here...

    kung magkagayo'y magkokotradik ito sa heb 1:6...at alam naman natin na ang banal na kasulatan ay walang kontradiksiyon sa isa't-isa...

    parsyal...explanation only...

    salamat!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang pagkaupo ni jesus sa kanang kamay ng Diyos hindi naman yan nag kokontradik...kung si jesus ay si miguel arkanghel...dahil si jesus maraming ginagampanang titulo...

      halimbawa

      the first and the last
      King of kings and Lord of lords
      saviour
      the word
      the mighty God
      a god
      the prince
      the everlasting father
      miguel arkanghel
      emmanuel,at marami pang iba...


      Delete
  40. sa john 10:30

    "ako at ang Ama ay iisa?"

    ano ang ibig sabihin nito,iisang katawan?iisang persona?o iisang layunin?

    pansinin:

    sa 1 cor 3:6-8

    si apolos at si pablo ay iisa?

    sa anong dahilan sila ay iisa?

    kailangan unawain natin ang mga talata na walang kontradiksiyon...

    ReplyDelete
  41. Sis, naiintindihan kita kasi may mga kaibigan din ako na JW,
    anu ba ang mga anghel at anung purpose nila bakit sila na likha... Sis pakibasa mo yung buong talata ng Hebrew chapter 1 at Colossians chapter 3:1 kung sino ang nakaupo sa kanan ng Diyos...At tungkol sa ibang pangalan ng Panginoong Hesus read Isaiah 7:14 i'm sure hindi si Miguel yun...Ang kahulugan ng Miguel gaya ng sabi mo Sino ang kagaya ng Diyos? pero sa nakasulat sa Matthew 1:23 ay ang kahulugan ng tunay na pangalan ng ating Panginoong Hesus na nakasulat sa Isaiah 7:14 jan mo mababasa ang tunay at kahulugan ng pangalan pa ni Jesus Christ.

    ReplyDelete
    Replies
    1. (anu ba ang mga anghel at anung purpose nila bakit sila na likha?)

      ang anghel ng Diyos...

      1,ang arkanghel,si miguel,ang punong anghel pagdating sa kapangyarihan at awtoridad.malinaw na ipinakikita ng bibliya na ang miguel ay ibang pangalan ni jesu-kristo, 1 tesalonica 4:6,judas 9.

      2,ang mga serapin ay may napakataas na ranggo pagdating sa pribilehiyo at karangalan.naglilingkod sila malapit sa trono ng Diyos isaias 6:1-3.

      3,ang mga kerubin ay may mataas na ranggo rin at inaasikaso nila ang espesyal na mga atas may kaugnayan sa napakaluwalhating presensiya ng makapangyarihan sa lahat.kadalasan nang ipinakikitang naglilingkod sila sa kaniya...gen 3:24,ezekiel 9:3,11:22

      4,ang laksa-laksang anghel na mga mensahero ay naglilingkod bilang mga kinatawan ng kataas-taas para isagawa ang kaniyang layunin...heb 1:7,14.

      daku tayo sa "emmanuel"

      emmanuel-sumasaatin ang Diyos.
      isaias 7:4-mat 1:22,23

      ang pagtukoy kay jesu-kristo bilang emmanuel ay hindi nangangahulugan na nagkatawang-laman ang Diyos sa katauhan niya,ang Diyos sa laman, na ayon sa mga nagtataguyod ng trinidad o oneness, ay ipinahihiwatig ng kahulugan ng emmanul,samakatuwid nga "sumasaatin ang Diyos"

      kung tatawagin si jesus na emmanuel ay wala namang pagkakasalungat,sapagkat si jesus tatawagin din sa iba pang mga pangalan.halimbawa sa isaias 9:6.

      gayunpaman namuhay si jesus ayon sa kahulugan ng mga pangalang ito sa bawat aspekto,at iyan ang dahilan kung bakit ibinigay ang mga ito bilang hula sa isaias 9:6.

      gayundin naman kung tungkol sa kaniyang titulong emmenuel...namuhay siya ayon sa kahulugan nito at tinupad niya iyon...samakatuwid,ang titulong pangalan na emmanuel ay angkop na angkop kay kristo,sapagkat ang kaniyang presensya ay tunay ngang isang tanda mula sa langit.at dahil ang pangunahing kinatawang ito ni Jehova na Diyos ay nasa gitna ng sangkatauhan,talaga ngang masasabi ni mateo sa ilalim ng pagkasi"sumasaatin ang Diyos".

      Delete
  42. Kung si Miguel ay talagang si Hesus bakit ganito ang kanyang sinabi;
    Judas 1:9 Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon
    bakit sinabi mi Miguel ang katagang ito"Sawwayin ka nawa ng Panginoon kung talaga siyay si Kristo. Bakit hindi na lang siya mismo ang nagsaway kung siya ay Panginoon.
    Sino ba ang Panginoon? Judas 1:4 Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.
    Si Jesucristo pala yung iisang Guro natin at Panginoon at hindi si Miguel Archangel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaibigan,may punto karin at salamat sa explanation mo.

      e share ko lang sayo tungkol sa judas 9,at judas 4,sa dalawang talata sa ibang salin ang nakalagay sa judas 9 ay panginoon,at sa judas 4 ang nakalagay panginoong jesu-kristo...so ibig bang sabihin ang panginoon sa judas 9 ay si kristo rin? samakatuwid sa panahon ni moises hindi naman sya nagkatawang tao?

      e resolved natin.basa mona tayo:

      jude 9 study bible

      but when michel the archangel had a difference with the devil and was desputing about moses'body he did not dare to bring a judgement against him in abusive terms,but said:may Jehovah rebuke you...

      sino si Jehovah?

      psalm 110:1

      Jehovah saith unto my lord,sit thou at my rigth hand,until I make thine enemies thy footstoll.

      gawa 2:36

      kaya hindi dapat mag-alinlangan ang buong bayang Israel na si jesus na ipinako ninyo sa tulos ay ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo.

      jude 4

      "turning the grace of our God into lasciviousness,and denying our only master and Lord,jesus christ.
      ang panginoon dito sa judas 4 ay si jesus.pro ang panginoon sa judas 9 ay si jehovah,na ang Diyos na nagbigay niya ng awtoridad bilang panginoon...basi sa psalm 110:1 at sa gawa 2:36.

      so paano natin uunawain ang judas 9?

      bilang miguel na arkanghel,(jesus) siya ay nagkaroon ng pakikipaghidwaan sa Diyablo at nakipagtalo rito tungkol sa katawan ni moises.alalahanin na pagkamatay ni moises,inilibing ni Jehova ang katawan nito sa isang lugar na walang sinuman ang nakaaalam (deu 34:5,6).marahil gustong gamitin ng Diyablo ang katawan ni moises para sa huwad na pagsamba.anuman ang masamang balak ng Diyablo,buong tapang siya pinigilan ni miguel.

      sinabi ng isang reperensiyang akat na ang mga terminong griego na isinaling magkaroon ng pakikipaghidwaan at makipagtalo ay ginagamit din may kaugnayan sa usapin sa batas at maaaring nagpapahiwatig na "hinamon ni miguel"ang karapatan ng Diyablo na kunin ang katawan ni moises pero kinilala ng punong anghel na wala siyang awtoridad na maglapat ng hatol.sa halip,dinala niya ang kasong ito sa kataas-taasang hukom,si Jehova ang kanyang Ama.si miguel ay hindi kumilos nang lampas sa kaniyang awtoridad kahit pa nga nakatutuksong gawin iyon,isa ngang mapapakumbabang saloobin...at mapapansin natin,,noong si jesus nabuhay dito sa lupa ay mapapakumbaba siya nung ,hinugasan niya ang mga paa ng mga apostol...

      Delete
  43. part=2

    karaniwan sa maraming kultura ang magkaroon ng higit sa isang pangalan.totoo rin ito sa mga pangalan sa Bibliya.halimbawa,ang patriyarkang si Jacob ay tinawag ding Israel...gen 35:10.si apostol pedro ay may limang pangalan,symeon,simon,pedro,cefas,at simon pedro.mateo 10:2,16:16,juan 1:42,gawa 15:7,14.

    paano natin matitiyak na ang miguel ay pangalan din ni jesus?maliban sa aklat ng Daniel,mababasa rin ang miguel sa opocalipsis 12:7,inilalarawan doon si miguel at ang kaniyang mga anghel na nakikipaglaban sa isang napakahalagang digmaan na nagpalayas kay satanas na Diyablo at sa kaniyang masasamang anghel mula sa langit.

    pansinin ang kahulugan sa kanyang pangalan...

    miguel na arkanghel-sino ang katulad ng Diyos?
    jesus-si Jehova ay kaligtasan
    emmanuel-sumasaatin ang Diyos

    kaya bago naging tao si jesus siya ay si miguel na arkanghel,pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay muli at pagbalik sa langit si jesus ay muling naglingkod bilang miguel,ang punong anghel sa ikaluluwalhati ng Diyos...

    sinabi sa col 3:1 na si jesus ay nasa kanan ng Diyos ay tinupad lamang niya ang hula na nasa awit 110:1...at bakit hindi miguel ang nakalagay sa col 3:1 samakatuwid bagay ang pangalang jesus ang sinabi ng apostol? tama...kasi bakit gagawin pa sya ulit na miguel arkanghel kung noong unang panahon ay siya si miguel arkanghel...

    kaya ang pag upo ni jesus sa kanan ng Diyos, bilang hataas na saserdote at hari at panginoon ay makabagong titulo na dapat niyang gagampanan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Hesus ay may karapatang magpatawad, so ibig sabihin may karapatan din syang humatol lalo't nasa spiritual state sya nung nasa langit sya at nung kausap nya si Satanas na dyablo. At si Hesus ay Dyos may karapatang humatol at may karapatang magpatawad, sya ay anak ng Dyos gling sya sa sinapupunan ng Dyos. Nilalang na sya bago pa lalangin ang sanlibutan at ang langit.

      Delete
  44. Kulang pa po ang pagpapaliwanag... Siguro Bro. Hayaan na natin ang mga opisyal na tagapagturo ang mag paliwanag po.

    ReplyDelete
  45. Ang SALITA ay nagkawang Tao..sino po ba ang Salita..

    ReplyDelete
    Replies
    1. SINO O ANO ANG SALITA NG DIYOS?

      Sino “ANG SALITA”?

      Kinikilala ng maraming Griegong iskolar at mga tagapagsalin ng Bibliya na itinatampok ng Juan 1:1 ang katangian at hindi kung sino “ang Salita.” Sinasabi ng tagapagsalin ng Bibliya na si William Barclay: “Dahil walang pamanggit na pantukoy na ginamit [si apostol Juan] sa unahan ng theos, naging pang-uri ito . . . Hindi sinasabi rito ni Juan na ang Salita ay siya ring Diyos. Sa maikli, hindi niya sinasabi na si Jesus ay Diyos.” Ganito rin ang sinabi ng iskolar na si Jason David BeDuhn: “Sa wikang Griego, kapag walang ginamit na pantukoy sa theos sa isang pangungusap gaya sa Juan 1:1c, iisipin ng inyong mga mambabasa na ito ay ‘isang diyos.’” Idinagdag pa ni BeDuhn na dahil walang pantukoy ang theos, ibang-iba ito sa ho theos, kung paanong ang ‘isang diyos’ ay iba sa ‘Diyos.’ Sinabi rin niya: “Sa Juan 1:1, ang Salita ay hindi ang iisa-at-tanging Diyos, kundi isang diyos, o isang personang gaya ng Diyos.” Ayon naman kay Joseph Henry Thayer, isa sa mga iskolar na bumuo ng American Standard Version: “Ang Verbo [o, Salita] ay diyos, hindi ang Diyos mismo.”

      Ang sagot ng Bibliya

      Ang terminong “salita ng Diyos” ay karaniwan nang tumutukoy sa isang mensahe o tinipong mga mensahe mula sa Diyos. (Lucas 11:28) Sa ilang talata ng Bibliya, “Ang Salita ng Diyos” o “ang Salita” ay ginagamit bilang isang personal na titulo.—Apocalipsis 19:13; Juan 1:14.

      Mensahe mula sa Diyos. Madalas banggitin ng mga propeta na ang mga mensaheng inihahatid nila ay salita ng Diyos. Halimbawa, bago sabihin ni Jeremias ang kaniyang makahulang mga mensahe, sinasabi muna niya: “Ang salita ng Diyos ay dumating sa akin.” (Jeremias 1:4, 11, 13; 2:1) Bago ipaalam kay Saul na pinili siya ng Diyos bilang hari, sinabi ni propeta Samuel: “Tumigil ka ngayon upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Diyos.”—1 Samuel 9:27.

      Personal na titulo. Lumilitaw rin sa Bibliya ang terminong “Ang Salita” bilang isang titulo para kay Jesu-Kristo, kapuwa noong nasa langit siya bilang espiritu at nasa lupa bilang tao. Pag-isipan ang ilang dahilan kung bakit masasabi iyan:

      Delete
    2. Ang Salita ay nabuhay bago umiral ang lahat ng iba pang nilalang. “Nang pasimula ay ang Salita . . . Ang isang ito nang pasimula ay kasama ng Diyos.” (Juan 1:1, 2) Si Jesus ang “panganay sa lahat ng nilalang . . . Siya ay una pa sa lahat ng iba pang bagay.”—Colosas 1:13-15, 17.

      Ang Salita ay pumarito sa lupa bilang isang tao. “Ang Salita ay naging laman at tumahan sa gitna natin.” (Juan 1:14) “Hinubad [ni Kristo Jesus] ang kaniyang sarili at nag-anyong alipin at napasawangis ng tao.”—Filipos 2:5-7.

      Ang Salita ay Anak ng Diyos. Pagkatapos banggitin na “ang Salita ay naging laman,” gaya ng sinipi sa itaas, nagpatuloy si apostol Juan: “Nakita natin ang kaniyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na gaya ng sa isang bugtong na anak mula sa isang ama.” (Juan 1:14) Isinulat din ni Juan: “Si Jesu-Kristo ang Anak ng Diyos.”—1 Juan 4:15.

      Ang Salita ay may tulad-diyos na mga katangian. “Ang Salita ay isang diyos,” o “tulad-Diyos [divine].” (Juan 1:1; An American Translation) Si Jesus ang ‘sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at eksaktong larawan ng kaniya mismong sarili.’—Hebreo 1:2, 3.

      Ang Salita ay namamahala bilang hari. Sinasabi ng Bibliya na nakakorona sa ulo ng Salita ng Diyos ang “maraming diadema.” (Apocalipsis 19:12, 13) Ang Salita ay may pangalan ding “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” (Apocalipsis 19:16) Si Jesus ay tinatawag na “Hari niyaong mga namamahala bilang mga hari at Panginoon niyaong mga namamahala bilang mga panginoon.”—1 Timoteo 6:14, 15.

      Ang Salita ay naglilingkod bilang tagapagsalita ng Diyos. Maliwanag na ang binigyan ng titulong “ang Salita” ay ginagamit ng Diyos para maghatid ng impormasyon at mga tagubilin. Sinabi ni Jesus na ginampanan niya ang papel na ito:

      “ANG AMA NA NAGSUGO SA AKIN ANG MISMONG NAGBIGAY SA AKIN NG UTOS KUNG ANO ANG SASABIHIN AT KUNG ANO ANG SASALITAIN. . . . SAMAKATUWID ANG MGA BAGAY NA AKING SINASALITA, KUNG PAANONG ANG MGA IYON AY SINABI SA AKIN NG AMA, GAYON KO RIN SINASALITA ANG MGA IYON.”
      —Juan 12:49, 50

      Samakatuwid ay si Hesukristo nga ang "Salita" na tinutukoy na kasama ng Diyos.

      Nilinaw din ni Jesus na magkaiba sila ng kaniyang Ama.

      Sa panalangin sa kaniyang Ama, nilinaw ni Jesus na magkaiba sila ng kaniyang Ama nang sabihin niya: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Kung naniniwala tayo kay Jesus at nauunawaan natin ang malinaw na turo ng Bibliya, igagalang natin kung sino talaga siya—ang Anak ng Diyos.

      Delete
  46. Ang Salita ba ay “Diyos” o “isang diyos”?

    ANG tanong na iyan ay kailangang isaalang-alang kapag isinasalin ng mga tagapagsalin ng Bibliya ang unang talata ng Ebanghelyo ni Juan. Sa Bagong Sanlibutang Salin, ganito ang mababasa sa talata: “Nang pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay isang diyos.” (Juan 1:1) Sa ibang salin, ipinahihiwatig ng huling bahagi ng talata ang ideya na ang Salita ay “tulad-Diyos,” o katulad nito. (A New Translation of the Bible ni James Moffatt; The New English Bible) Pero sa maraming salin, ganito ang binabanggit sa huling bahagi ng Juan 1:1: “At ang Salita ay Diyos.”—Magandang Balita Biblia.

    Malinaw na ipinakikita ng balarila ng wikang Griego at ng konteksto na tama ang pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin at na “ang Salita” ay hindi dapat isiping tumutukoy sa “Diyos” na binabanggit sa unang bahagi ng talata. Gayunpaman, dahil walang balintiyak na pantukoy ang wikang Griego noong unang siglo, nagkaroon ng iba’t ibang opinyon ang ilan hinggil sa talatang ito. Kaya naman napakahalagang malaman ang tungkol sa isang salin ng Bibliya sa wikang sinasalita noong unang mga siglo ng ating Karaniwang Panahon.

    Ito ang diyalektong Sahidic ng wikang Coptic, o tinatawag na Sahidic Coptic. Ang wikang Coptic ay ginagamit sa Ehipto nang sumunod na mga siglo pagkatapos ng ministeryo ni Jesus sa lupa, at ang diyalektong Sahidic ay isang sinaunang anyong pampanitikan ng wikang iyon. Tungkol sa pinakaunang mga salin ng Bibliya sa wikang Coptic, ganito ang sinabi ng The Anchor Bible Dictionary: “Yamang isinalin sa wikang Coptic ang [Septuagint] at ang [Kristiyanong Griegong Kasulatan] noong ika-3 siglo C.E., ang salin sa wikang Coptic ay salig sa [mga manuskritong Griego] na di-hamak na mas nauna pa sa karamihan ng umiiral na mga reperensiya.”

    May dalawang dahilan kung bakit napakahalagang malaman ang tungkol sa mga tekstong Sahidic Coptic. Una, gaya ng nabanggit na, ipinakikita nito kung ano ang unawa ng mga Kristiyano sa mga turo ng Bibliya bago ang ikaapat na siglo, kung kailan naging opisyal na doktrina ang Trinidad. Ikalawa, ang balarila ng wikang Coptic ay may pagkakatulad sa balarila ng wikang Ingles. Ang naunang mga salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay sa wikang Syriac, Latin, at Coptic. Ang wikang Syriac at Latin, gaya ng wikang Griego noon, ay walang balintiyak na pantukoy, pero mayroon nito ang wikang Coptic. Karagdagan pa, ganito ang sinabi ng iskolar na si Thomas O. Lambdin sa kaniyang akda na Introduction to Sahidic Coptic: “Ang paggamit ng mga pantukoy sa wikang Coptic, pamanggit at balintiyak, ay katulad na katulad ng paggamit ng mga pantukoy sa wikang Ingles.”

    Kung gayon, ang salin sa wikang Coptic ay nagbibigay ng kapansin-pansing ebidensiya hinggil sa unawa noon sa Juan 1:1. Ano ang ebidensiyang iyon? Ang saling Sahidic Coptic ay gumagamit ng balintiyak na pantukoy kasama ng salitang “diyos” sa huling bahagi ng Juan 1:1. Kaya kapag isinalin, ganito ang mababasa: “At ang Salita ay isang diyos.” Maliwanag na alam ng mga sinaunang mga tagapagsalin na ang mga salita ni Juan na nakaulat sa Juan 1:1 ay hindi nangangahulugang si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Ang Salita ay isang diyos, hindi Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.


    https://www.jw.org/finder?wtlocale=TG&docid=2008812&srcid=share

    ReplyDelete
    Replies
    1. ANG PINAGMUMULAN NG KALIGTASAN AT ILAN SA MGA INATASANG GUMANAP👇

      9. At ang mga anak ni Israel ay nagsimulang humingi ng saklolo kay Jehova. Nang magkagayon ay NAGBANGON SI JEHOVA NG ISANG TAGAPAGLIGTAS para sa mga anak ni Israel upang mailigtas niya sila, "si OTNIEL" na anak ni Kenaz, na nakababatang kapatid ni Caleb.
      (HUKOM 3:9)

      15. At ang mga anak ni Israel ay nagsimulang humingi ng saklolo kay Jehova. Kaya NAGBANGON SI JEHOVA para sa kanila NG ISANG TAGAPAGLIGTAS, "si EHUD" na anak ni Gera, isang Benjamita, isang lalaking kaliwete. Nang maglaon, ang mga anak ni Israel ay nagpadala ng tributo sa pamamagitan ng kaniyang kamay kay Eglon na hari ng Moab. (HUKOM 3:15)

      27. Dahil dito ay ibinigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na patuloy na pumipighati sa kanila; ngunit sa panahon ng kanilang kabagabagan ay dumaraing sila sa iyo, at ikaw ay dumirinig mula sa mismong langit; at ayon sa iyong saganang awa ay BINIBIGYAN MO SILA NG MGA TAGAPAGLIGTAS na nagliligtas sa kanila mula sa kamay ng kanilang mga kalaban. (NEHEMIAS 9:27)

      17. Sapagkat ISINUGO NG DIYOS ANG KANIYANG ANAK [si Jesus] sa sanlibutan, hindi upang hatulan niya ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay MALIGTAS SA PAMAMAGITAN NIYA. (JUAN 3:17)

      👆SA MGA TALATA SA ITAAS AY KONTEKSTO NG ISAIAS 43:11...

      IBIG SABIHIN LAMANG NA SI JEHOVAH AY NAGSUSUGO NG MGA TAGAPAGLIGTAS UPANG MAISAKATUPARAN ANG KANIYANG MGA LAYUNIN... GINAMPANAN LAMANG ITO NG KANIYANG MGA INATASAN...

      1 JUAN 5:20 = Pero alam natin na dumating ang Anak ng Diyos, at binigyan niya tayo ng unawa para magkaroon tayo ng kaalaman sa tunay na Diyos. Tayo ay kaisa ng tunay na Diyos, sa pamamagitan ng Anak niyang si Jesu-Kristo. Ito ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan.

      ATING LINAWIN PARA MAINTINDIHAN MO

      1 JUAN 5:20 👇

      20. Ngunit alam natin na ang Anak (si KRISTO) ng Diyos ay dumating, at binigyan niya tayo ng talino upang tamuhin natin ang kaalaman sa isa na tunay (Diyos na JEHOVAH). At tayo ay kaisa ng isa na tunay (Diyos na JEHOVAH), sa pamamagitan ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo.(period)... ITO ANG TUNAY NA DIYOS AT ANG WALANG-HANGGANG BUHAY.

      Yong sa huling pangungusap na: "Ito ang tunay na Diyos"....
      ay hindi si Kristo kundi ang Diyos mismo na si Jehova ang tinutukoy. Bakit?

      Parang ganito lang yan na may pagkaka-hawig punto sa 2 JUAN 1:7👇

      "Sapagkat maraming manlilinlang ang humayo na sa sanlibutan, mga taong hindi naghahayag na si JESU-KRISTO ay dumating sa laman.(period)... ITO ANG MANLILINLANG AT ANG ANTI-KRISTO".

      Huwag mong sabihin na ang huling pangungusap diyan na "ITO ANG ANTI-KRISTO" ay si Kristo din yan?

      KAYA SA GANOONG MGA KALAGAYAN, ANG MGA HULING PANGUNGUSAP SA 1 Juan 5:20 at 2 Juan 1:7 AY MAY IBANG IDINIDIIN NA PUNTO DIYAN. Kaya sa kabuuan na pagkaunawa sa diwa ng totoong itinuturo ng banal na kasulatan ay mapapalad ang mga nakakaunawa nito. Dahil sila din ang nagtataglay ng tunay na aral o doktrina ng isang tunay na iglesia o kongregasyon. -Roma 16:25,26

      SINO BA ANG TUNAY NA DIYOS?

      JUAN 17:3 = "Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo"... Ibig sabihin ay mayroong isang Diyos ang nagsugo kay Jesu-kristo upang iligtas ang mga tao.

      SINO BA ANG NAGSUGO KAY JESU-KRISTO DITO SA LUPA?

      JUAN 3:16 = "Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan kaya ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang Anak para ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan".

      SI JESU-KRISTO ANG DAAN SA KALIGTASAN

      “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat IBINIGAY NIYA ANG KANIYANG BUGTONG NA ANAK, upang ang BAWAT ISA NA NANANAMPALATAYA SA KANIYA ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng BUHAY NA WALANG HANGGAN".

      Delete
    2. ANG KONTEKSTO NG JUAN 3:16👇

      "ITO AY NANGANGAHULUGAN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN, ang kanilang PAGKUHA NG KAALAMAN TUNGKOL "SA IYO", ANG "TANGING TUNAY NA DIYOS", at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo".
      (JUAN 17:3)

      SI JESU-KRISTO ANG SUGO NG DIYOS. Kaya nga ang sinabi ni Jesus ay ganito:👇

      "Sapagkat ang mga PANANALITANG IBINIGAY MO SA AKIN ay IBINIGAY KO SA KANILA, at tinanggap nila ang mga iyon at talagang nalaman na lumabas ako bilang iyong "KINATAWAN", at naniwala sila na ISINUGO MO AKO". (JUAN 17:8)

      SI JESU-KRISTO ANG TAGAPAGSALITA NG DIYOS

      Dahil si Jesu-Kristo ang "VERBO" o nangangahulugan na "SPOKESPERSON", "TAGAPAG-SALITA", "KINATAWAN" ng Diyos na dapat nating sampalatayanan upang maligtas. (JUAN 1:1, COLOSAS 1:15)

      Sampalatayanan natin ang mga pangaral ni Jesus. Matututo tayo patungkol sa kahulugan ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan niya bilang kinatawan ng Diyos na Jehovah (JUAN 17:8). Kaalaman patungkol sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na siyang ORIHINAL NA PINAGMUMULAN NG "KALIGTASAN".

      "Ako—ako ay si Jehova"יהוה", at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas". (ISAIAS 43:11)

      Upang matukoy na si Jehovah nga ang tinutukoy ng talata sa itaas ay ISAALANG-ALANG NATIN ANG MGA SUMUSUNOD NA MGA TITULO AT PANGALAN SA WIKANG HEBREW:

      Adonai ( Hebrew:  אֲדֹנָי‬ )
      Elohim   ( Hebrew:  אֱלֹהִים‬ )
      El Shaddai ( Hebrew: אֵל שַׁדַּי‬,  )
      Jehova ( Hebrew: יהוה )
      Jesus ( Hebrew: יְהוֹשֻׁעַ )

      Ating sipiin ang ISAIAS 43:11 sa magkakaibang salin ng bibliya ang King James Version (KJV) at "New World Translation of the Holy Scriptures" (NWT).

      ISAIAS 43:11: 👇-hebrew- ( KJV )

      11. אנכי אנכי יהוה ואין
      מבלעדי מושיע׃

      ISAIAS 43:11: 👇-tagalog- ( KJV )

      Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang PANGINOON; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

      ISAIAS 43:11: 👇-tagalog- ( NWT )

      "Ako—ako ay si JEHOVA"יהוה", at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas".

      Pansinin sa tatlong magkakaibang salin sa itaas. Suriin ang kinalalagyan ng TETRAGRAMMATON "יהוה". Tumpak ang salin sa HEBREW NG KJV. Pero pagdating sa salin sa TAGALOG ng KJV ay hindi na tumpak. Kaya naman sa puntong ito ay dito sumasang-ayon ang pagiging tumpak ng salin na NWT sa lahat ng wika lalo na patungkol sa Banal na Pangalan, sa mga talata na kung saan masusumpungan mula sa orihinal na mga manuskrito.

      Delete
    3. ANG KONTEKSTO NG JUAN 3:16��

      "ITO AY NANGANGAHULUGAN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN, ang kanilang PAGKUHA NG KAALAMAN TUNGKOL "SA IYO", ANG "TANGING TUNAY NA DIYOS", at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo".
      (JUAN 17:3)

      SI JESU-KRISTO ANG SUGO NG DIYOS. Kaya nga ang sinabi ni Jesus ay ganito:��

      "Sapagkat ang mga PANANALITANG IBINIGAY MO SA AKIN ay IBINIGAY KO SA KANILA, at tinanggap nila ang mga iyon at talagang nalaman na lumabas ako bilang iyong "KINATAWAN", at naniwala sila na ISINUGO MO AKO". (JUAN 17:8)

      SI JESU-KRISTO ANG TAGAPAGSALITA NG DIYOS

      Dahil si Jesu-Kristo ang "VERBO" o nangangahulugan na "SPOKESPERSON", "TAGAPAG-SALITA", "KINATAWAN" ng Diyos na dapat nating sampalatayanan upang maligtas. (JUAN 1:1, COLOSAS 1:15)

      Sampalatayanan natin ang mga pangaral ni Jesus. Matututo tayo patungkol sa kahulugan ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan niya bilang kinatawan ng Diyos na Jehovah (JUAN 17:8). Kaalaman patungkol sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na siyang ORIHINAL NA PINAGMUMULAN NG "KALIGTASAN".

      "Ako—ako ay si Jehova"יהוה", at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas". (ISAIAS 43:11)

      Delete
    4. Ang Sagot diyan ay nasa FILIPOS 2:6-7,(maliban na ito'y di nakasulat sa ginawa ninyong Biblia) "nA BAGAMAT Siya'y Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos". o, di ba, dati siyang Diyos (si Jesus)? At sinabi rin, "Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang tao at namuhay ng isang alipin" Ayon, hinubad pala niya ang katangian ng pagka-diyos ng siya'y magkatawang-tao (ibig sabihin: nang siya'y ipinanganak o nang siya'y bumababa dito sa lupa).
      Ang isa pa ay nasa Juan 1:1-2, Sinasabi rito: "Sa pasimula pa'y naroon na ang SALITA. Kasama ng Diyos ang Salita at ang SALITA ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa." Ang tinutuko'y po ritong Salita ay si Jesus, basahin po ninyo ang talatang 3-5. At si Juan ay nagpatotoo rin sa kanya. (6-17) NGAYON, ang tanong ay ganito: KUNG TAO LANG si Jesus at di nagkatawang tao mula sa pagka-Diyos, ang tanong ay ganito: "MAY TAO BANG SA PASIMULA PA AY ISANG SALITA? AT KASAMA PA NG DIYOS SA PAGLIKHA NG LAHAT NG BAGAY? Wala po!

      Delete
  47. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  48. Kaisa ka ba ng mga Judio ng nais bumato sa ating Panginoon Cristo Jesus? Dahil Siya ay Dios na nagkatawan Tao?

    👉John 10:29-33
    🔹️29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.
    🔹️30 Ako at ang Ama ay iisa.
    🔹️31 Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.
    🔹️32 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
    🔹️33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.

    👉Exodus 3:14
    🔹️14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG Ako Nga; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni Ako Nga.

    👉Genesis 18:1-8
    🔹️18 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.
    🔹️2 At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa.
    🔹️3 At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod.
    🔹️4 Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy.
    🔹️5 At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi.
    🔹️6 At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay.
    🔹️7 At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin.
    8 At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain.

    👉John 8:56-59
    🔹️56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
    🔹️57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
    🔹️58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay Ako nga.
    🔹️59 Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.

    👉2John 1:7
    🔹️7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.

    👉John 1:1-4, 14
    🔹️1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
    🔹️2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.
    🔹️3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
    🔹️4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao
    🔹️14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

    ReplyDelete
  49. Filipos 2:6-11
    🔹️6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,

    7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:

    8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

    9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

    10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

    11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

    ReplyDelete
  50. 1 Peter 3:18
    [18]For Christ also hath once suffered for sins, the just for the unjust, that he might bring us to God, being put to death in the flesh, but quickened by the Spirit:
    Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;

    ReplyDelete
  51. Colossians 1:15-17
    [15]Who is the image of the invisible God, the firstborn of every creature:
    Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
    [16]For by him were all things created, that are in heaven, and that are in earth, visible and invisible, whether they be thrones, or dominions, or principalities, or powers: all things were created by him, and for him:
    Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;
    [17]And he is before all things, and by him all things consist.
    At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

    ReplyDelete
  52. Mismo ang Dios Ama ang nagsabi na Dios ay kanyang Anak (Hebrew 1:8-9) at ang buong kabanata ng Hebrew 1:1-14 ay patungkol sa Anak na ang mismo Dios Ama ang nagpapatotoo at nagpapahayag sa kanyang bugtong na Anak.

    1 Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,

    2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

    3 Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

    4 Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

    5 Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak?

    6 At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.

    7 At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:

    8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

    9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.

    10 At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:

    11 Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;

    12 At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos.

    13 Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?

    14 Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

    ReplyDelete
  53. Kung ilatag ko lahat ng talata masyadong mataas na ..
    Pansinin nyo ang talata sa dulo ng juan 10:28 29 kaya nga sa 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.. nong pagkasabi ni thomas panginoon ko at Dios ko .. ano sagot ni jesus -👉 dahil nakita mo ako sumampalataya ka..
    Kaya nga Ang hiwaga ng ako at ang Ama ay iisa doon naman sa juan 14:7 8 9 10.. nong sinabi ba ni felipe👉 panginoon ipakita mo sa amin ang Ama .. nong sumagot ba si jesus ay nataranta din sya gaya ng ky tomas ano sagot ng Jesus 👉 ang nakakita sa akin ay naka kita sa Ama 👈 kaya nga ako at ang Ama ay iisa sinabi din ng jesus 👉 kundi ang ama na tumatahan sa akin ay gumawa ng kanyang mga gawa akoy nasa ama at ang ama ay nasa akin .. kaya
    Tinatawag ba tayo ng Jesus na Anak oo kaya nga dual nature sa basihan ng talata ano ang sabi ng jesus sa Juan 21:4 5 sa kanila ngay sinabi ni Jesus 👉 Mga Anak 👈 mayroon baga kayong anomang makakain nagsisagot sila sa kaniya Wala.. malinaw na sabi ng jesus cristo ay tinawag tayong Mga anak .

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.