April 27, 2014
Ang mga aral at paniniwala sa Iglesia ni Cristo
Dito sa post na ito ay ilalahad ko ang summary ng ang mga aral at paniniwala sa Iglesia ni Cristo. Kung gusto nyong maipaliwanag sa inyo ang mga ito, maaari po kayong pumunta sa pinaka malapit na lokal at ang mga katanungan nyo ay sasagutin ng aming mga ministro at manggagawa.
Bakit pa kailangan pumunta sa lokal at sa ministro, bakit hindi na lang dito?
Dahil sila po ang may karapatan at may tungkulin na mangaral at hindi po kaming mga miyembro. Kami po ay nagbabahagi lang ng kaalaman.
Narito po:
1. Ang basehan ng mga aral ng INC ay ang BIBLIYA. Dito nakasulat ang mga salita ng Diyos. Hindi kami sumusunod sa mga kredo.
2. Naniniwala kami sa iisang Diyos, ang Ama. Hindi kami naniniwala sa Trinity.
3. Naniniwala kaming hindi Diyos si Kristo. Siya ay TAO, ngunit hindi ordinaryong tao na katulad natin. Siya ay Panginoon, tagapaglitas, tagapamagitan, anak ng Diyos, at ang nagtayo ng Iglesia. Sinasamba namin siya ayon sa utos ng Diyos.
4. Naniniwala kaming ang pag anib sa tunay na Iglesia ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi kami naniniwala na sapat na ang pananampalataya lamang upang maligtas.
5. Naniniwala kaming ang bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi kami nagsasagawa ng bautismo sa sanggol.
6. Naniniwala kaming nagtayo si Kristo ng IISANG IGLESIA lamang. Hindi kami naniniwala na ang lahat ng Iglesiang nakatatag ngayon sa mundo ay tunay at mga kay Kristo.
7. Naniniwala kami na ang Iglesiang itinayo ni Kristo noong unang siglo ay ang Iglesia ni Cristo. Iyon ang pangalan ng kanyang Iglesia at ang ililigtas niya pagdating ng araw ng paghuhukom, sapagkat ito ay ang kanyang katawan. Lahat ng tao ay kailangan umanib sa Iglesia upang maligtas.
8. Naniniwala kami na ang Iglesia na natatag noong unang siglo ay natalikod. Ito ang kilala ng marami ngayon sa pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.
9. Naniniwala kaming si Kapatid na Felix Manalo ay sugo ng Diyos sa mga huling araw. Siya ang instrumento sa pagtatayong muli ng Iglesiang natalikod. Hindi namin siya kinikilala bilang FOUNDER ng Iglesia.
10. Naniniwala kami na ang katuparan ng hula sa bibliya kung saan at kailan lilitaw muli ang Iglesia ni Cristo ay sa Pilipinas (na nasa malayong silangan),noong July 27, 1914 (simula ng unang Digmaang Pandaigdig).
11. Naniniwala kami na hindi sapat na miyembro ka lamang ng Iglesia para maligtas. Kailangan ang pagbabagong buhay at pagsunod sa utos ng Diyos hanggang kamatayan.
12. Naniniwala kami na ang araw ng paghuhukom ay magaganap sa ikalawang pagparito ni Kristo. Naniniwala kami sa pagkabuhay na mag uli.
13. Naniniwala kami sa ikalawang kamatayan, ito ay sa dagat-dagatang apoy.
14. Naniniwala kami na ang pagdalo sa mga pagsamba at ang pag-aabuloy ay aming obligasyon.
15. Hindi kami nagsasagawa ng 10% tithing. Naghahandog kami ayon sa dikta ng aming puso.
16. Naniniwala kami na aral ng Diyos ang pag-iibigang magkakapatid. Tinatrato namin ang isat-isa sa loob ng Iglesia na pantay-pantay.
17. Naniniwala kami na aral ng Diyos ang PAGKAKAISA at hindi dapat magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng Iglesia. Kami ay bumoboto rin bilang ISA tuwing eleksyon.
18. Naniniwala kami sa separation of Church and State. Ang bawat miyembro ay inaasahang susunod sa mga alituntunin at batas ng gobyerno.
19. Isinasagawa namin ang disiplina at kaayusan.
20. Naniniwala kami na labag sa utos ng Diyos ang pagkain ng dugo, live-in, pakikipagrelasyon sa di kapananampalataya, pag aasawa sa di kapananampalataya, pakikipagrelasyon sa kapwa babae/lalake, same sex marriage, divorce, annulment, legal separation, pakikiapid, pre-marital sex, pagkalulong sa alak, sugal at droga.
21. Hindi kami naniniwala sa mga santo ng Iglesia Katolika. Wala kaming mga rebulto o imahen ng mga santo sa aming bahay at kapilya. Hindi rin kami naniniwala sa mga milagrong diumanoy nagagawa nito.
22. Hindi kami naniniwala na si Maria ay ang ina ng Diyos. Hindi namin siya tagapamagitan sa Ama.
23. Hindi kami naniniwala sa purgatoryo at hindi namin ipinanalangin ang mga patay.
24. Naniniwala kaming hindi dapat kine-cremate ang patay.
25. Hindi kami naniniwala sa mga multo, feng shui, magic, at pamahiin.
26. Hindi kami nagdidiwang ng Pasko, Halloween, Araw ng mga patay, Valentines Day, Mahal na araw, at mga fiesta na para sa mga santo o patron. Hindi rin kami sumasali sa Flores de Mayo/Santacruzan/Sagala at nakikikain sa fiesta na alay para sa mga patron.
27. Hindi totoo na kami ay pinagbabawalan ng mga ministro na magbasa ng bibliya. Hindi kami nagsasagawa ng private interpretation ng bibliya.
28. Naniniwala kami na ang mga ministro ay ang mga may karapatan na mangaral ng salita ng Diyos. Kaming mga miyembro ay hindi nangangaral.
29. Isa sa mga tungkulin namin ay ang pag-aakay o pagmimisyon.
30. Lahat ng miyembro ay inaasahang marunong manalangin. Hindi kami gumagamit ng rosaryo at hindi kami nananalangin ng inuulit-ulit. Hindi rin kami nagsisign of the cross.
31. Naniniwala kami na marapat lamang na sumunod at magpasakop sa pamamahala at mga maytungkulin sa Iglesia.
32. Ang Iglesia ni Cristo ay sumusuporta sa family planning at paggamit ng contraceptives ngunit hindi ang aborsyon.
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay:
1. Hindi sumasali sa mga unyon, fraternity at sorority.
2. Hindi nakikisama sa pagsasayaw sa bar, J.S prom at cotillion.
3. Umiiwas na dumalo sa Christmas Party, pagsamba sa ibang relihiyon, at iba pang pagkakatipon na hindi naaayon sa aral ng Iglesia ni Cristo.
4. Hindi nakikigaya sa mga gawaing pang sanlibutan.
5. Nagbabagong buhay at sumusunod sa mga aral sa loob ng Iglesia.
6. Masigla sa pakikipagkaisa sa mga aktibidad sa Iglesia.
7. Hindi nagmumura at hindi nagsasabi ng di magagandang salita.
8. Isinasagawa ang kaayusan sa sarili sa pagdalo ng pagsamba.
- Hindi nagpapalagay ng tattoo sa katawan.
- Hindi nagpapakulay ng buhok na kaiba sa orihinal nitong kulay.
- Hindi nagsusuot ng shades at sumbrero
- Hindi nagsusuot ng rubber shoes, maong, shorts, tsinelas, tshirt, etc.
Sa lalaki:
- Polo/long sleeves/Amerikana, Slacks, black shoes etc.
- Hindi mahaba ang buhok, at maayos
- Hindi nagsusuot ng earrings
Sa babae:
- Blouse/Paldang hanggang tuhod etc.
- Hindi nagsusuot ng maiikling palda, sleeveless, backless, tube etc.
Ang importante: Nasa kaayusan ang itsura at angkop ang pananamit sa panahon ng pagsamba.
33 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
pano po kung ang isang kasanib ng iglesia nakiapid sa asawa ng iba at hindi kapanampalataya at sya ay nag tatrabaho sa isang bar
ReplyDeleteItitiwalag po.
DeleteSapat na po ba ang pag amin nila bilang ebidensya? Maraming salamat po
DeleteIkatitiwalag po sa Iglesia mga ganyang paglabag. Kung may alam po kayo paki ulat po ng may kalakip na matibay na ebidensya. Kung makapagtago sa tao sa Dios hindi. Kung hindi sya mahahatulan ng tao, Dios po ang hahatol sa kanya.
ReplyDeleteKala koba bawal sainyo ang dugo eh pano pag naaksidente naubusan na ng dugo ano yun iintayin nyo matuyo yung dugo?
ReplyDeleteHahaha hindi bawal ang dugo. Bawal KAININ ang DUGO. hahaha
DeleteAfter ko mabasa ang mga paniniwala ninyo. Nalaman ko na ang dami nyong membro na hindi sususunod sa mga paniniwala na yan.
ReplyDeleteNsa miembro napo ang problema non, lahat po ng miembro ay npapangaralan ng maayos at kumpleto po sa aral ,kung nagkakasala man po ang mga miembro nsa kanila napo yun ibig sabihin mahina sila sa pagsubok lahat po tayo may pagsubok kahit si Cristo po sinubok ni satanas bsra ang Iglesia hindi ngkulang sa payo .Dios na ang bahala sa mga hindi nkakasunod. Salamat po
ReplyDeleteopinion lang po...pano naging maayos ang pangaral ng INC kung nilalabag lang din ang pinapangaral sa inyo?di nyo isinasabuhay yung mga turo ng Diyos?para saan pa at sumasamba para makinig ng mga araln
DeleteMatanong kulang po nung panahon sa mga apostol may lumabag ba sa dios meron diba, Halimbawa nalang si hudas ipinagkalolo nya si cristo ibig sabihin ba nun hindi naging maayos ang pangaral ni cristo?
DeleteDiyos*
Deletepano kung ang myembro ng inc ay nakipag live-in...nag two timer at nanloko....nag-engage sa pre marital sex...nagmumura at nagsasabi ng di magandang salita na nakakababa ng dignidad ng ibang tao...ano mangyayari sa kanya?
ReplyDeleteMatitiwalag po
DeletePalagay mo kabayan,sino kung gayon ang niloloko nya???ang INC o ang sarili nya mismo??
ReplyDeleteSa kabila ng mga pagpapayo at pagtanggap ng aral na dapat isabuhay sa araw-araw ay patuloy pa rin sa paggawa ng labag.walang deperensya sa INC kundi sa tao na mismo.walang iniwan yan sa pagiging magulang at suwail na anak..sa kabila ng pagpapayo ng magulang mo para sa ikabubuti ng anak ay naging suwail pa rin ito.sino may kasalanan at dapat sisisihin?magulang???hindi kundi yung anak na suwail na gumawa mismo ng kanyang ikapapahamak.
kung magkagayon...ano ang ginagawa ng INC sa mga myembro o kapatid na patuloy ang paglabag sa mga aral at paniniwala ng Iglesia?kung ang mga magulay ay nagbibigay ng disiplina. sa mga anak nila...paano naman ang pagdisiplina ng kapatiran ng INC?
Deletepatuloy ang panloloko nya sa kapwa at paggawa ng kamalian.patuloy na makakapanakit ng sa iba para sa pansariling dahilan.
Kailangan ba gumawa pa ng salaysay kung voluntary yung pagtiwalag ng miyembro nio?
ReplyDeleteDinidisclose nio po ba sa lahat ng miyembro nio kung ang isa ay maninirahan sa ibang lugar?
ReplyDeleteBakit po ang isa nyong INC na kaanib sa INC ay nakikipagrelasyon sa hindi nyo naman kaanib at hindi INC. ito po ay bawal tama po ba? ititiwalag po ba siya pag nalaman?
ReplyDeleteIkakatiwalag po ba ang isang kaanib ng iglesia ni cristo kong siya ay member ng frat bago siya na bautismohan
ReplyDeleteBakit hindi Naniniwala ang INC, na si Maria ay ina Ng Diyos
ReplyDeleteIto po ang katanungan ko.Sinusunod nyo din po ba yung nasa 10 commandments kagaya ng pagsamba sa ikapitong araw which is Saturday?
ReplyDeleteBakit ho mga Katoliko at iba pang mga relihiyon ang itinuturing ninyong mga taga sanlibutan? Nananampalataya rin naman ho sila sa panginoon at hindi naman ho lahat ay hindi sumusunod sa mga bilin at payo ng Panginoon ngunit bakit ho lahat sila ay nakasali sa taga sanlibutan? Hindi niyo ho ba naisip iyon? Sa tingin niyo ho ba ay lahat ng mga taga ibang relihiyon ay nagpapanggap lamang na nananampalataya? Sa aking sariling opinion ho kasi, ang mga taga sanlibutan na tinutukoy sa bibliya ay ang mga taong hindi nananampalataya. Sa pagkakaalam ko ho ay nananampalataya naman kami sa Panginoon.
ReplyDeleteKahit ang mga Pari tinatawag na Sanlibutan ang Inyong nasabing Relihiyon.
DeleteAno pong gagawin sa isang kaanib ng iglesia kapag siya ay napatunayang nagmura o nagsalita ng hindi maganda laban sa kapwa o sa hindi kaanib?
ReplyDeleteBut you don't believe that Jesus is God?
ReplyDeleteThey ask Jesus who is he? He tell he is the way the truth and the life,but they still don't know who is he... now Jesus come and say I am the alpha and omega, the first and the last, the beginning and the end.. who is first?GOD, who is last?GOD, who the the beginning?GOD who is the end? GOD, who is the alpha and omega?GOD
How now Jesus is not GOD?
ang katutuhanan si jesus ay Anak ng Diyios
ReplyDeleteDahil siya ay anak at nilikha ng Diyos na katulad niya na Diyos kaya tayo naligtas dahil kay jesus sa kanyang pag buwis ng buhay alang saatin at kaya tayo niligtas ng Diyos Ama dahil sa na kikita niya saatin ay ang mukha ng kanyang Anak na si kristo na siyang nagbibigay saatin sa Ama na patawarin tayo sa ating mga kasalanan kaya sa ating pag sunod sa kanyang pinakamamahal na Anak sa ating pananampalataya sa kaya tayo ay naliligtas. hnd sa anumang eglisia na aniban natin kundi sa pananampalataya na may kasamang gawa at oagsunod sa Anak ng Diyos na si kristo
Bakit bawal talaga makilagrelasyon amg katoliko at inc?mahal namin ang isa't isa pero hindi pwede kasi inc siya katoliko ako.
ReplyDelete“14Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maari bang magsama ang katwiran at ang kalikuan? O kaya’a ang liwanag at kadiliman? 15 Maari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalatay sa di sumasampalaya?” 2 Cor. 6:14-15
ReplyDeleteNagkaroon din po ako ng kasintahan na hindi ko kapanampalataya ngunit hiniwalayaan ko po siya. Pumayag naman sya dahil devoted din ang pamilya nila sa Catholic church. Masakit pa rin hanggang ngayon.
Nakipag relasyon sa myembro ng inc. At ngkaroon ng anak sa tingin ko ito yung dahilan kaya nanatiling lihim sa lahat ang tungkol sa anak nmin. Hindi naman nya ako inaalok na mgpa convert sa knya relihiyon ako ay isang katoliko me kaparusahan bang mangyayare sknya kapag napag alamanna ngkaroon sya ng anak sa hindi nila ka anib. Salamat po sa ssagot.
ReplyDeleteUnknown,
DeleteSa tanong nyo po ay mlamang na sya ay matiwalag dahil sa paglabag sa mga doktrina at kautusan ng Diyos.
Kung gusto niyo ay subukan nyong suriin ang INC, kung kayoy sumamplataya at mabautismuhan ay tngn ko maaayos ang kaso ng asawa mo.
Salamat po
Sa (MATEO 28 :19) KAYAT HABANG KAYOY HUMAHAYO GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG MGA TAO SA LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NIYO SA PANGALAN AMA, ANAK AT ESPIRITO. JAN SA TALATANG YAN ANG SABI BAUTISMUHAN ANG MGA TAO PERO BAKIT ANG MGA SANGOL AY DI PWEDI DI PO BA TAO DIN DIN NAMAN PO ANG SANGOL?
ReplyDeleteKapatid tanong ko lang po kung anong ginagawa ng iglesia ni cristo kapag my pumanaw sa. Miyembro nang kanilqng pamilya lalo na po ito ay baby (infant) pinapanalangin po ba ito pinag ttirik po nang kandila o pinupuntahan po yung pinag lagakan po?
ReplyDeletePano po kung member ng fraternity yung gustong mag pa convert?
ReplyDelete