Showing posts with label paniniwala. Show all posts
Showing posts with label paniniwala. Show all posts
April 27, 2014
Ang mga aral at paniniwala sa Iglesia ni Cristo
Dito sa post na ito ay ilalahad ko ang summary ng ang mga aral at paniniwala sa Iglesia ni Cristo. Kung gusto nyong maipaliwanag sa inyo ang mga ito, maaari po kayong pumunta sa pinaka malapit na lokal at ang mga katanungan nyo ay sasagutin ng aming mga ministro at manggagawa.
Bakit pa kailangan pumunta sa lokal at sa ministro, bakit hindi na lang dito?
Dahil sila po ang may karapatan at may tungkulin na mangaral at hindi po kaming mga miyembro. Kami po ay nagbabahagi lang ng kaalaman.
Narito po:
1. Ang basehan ng mga aral ng INC ay ang BIBLIYA. Dito nakasulat ang mga salita ng Diyos. Hindi kami sumusunod sa mga kredo.
2. Naniniwala kami sa iisang Diyos, ang Ama. Hindi kami naniniwala sa Trinity.
3. Naniniwala kaming hindi Diyos si Kristo. Siya ay TAO, ngunit hindi ordinaryong tao na katulad natin. Siya ay Panginoon, tagapaglitas, tagapamagitan, anak ng Diyos, at ang nagtayo ng Iglesia. Sinasamba namin siya ayon sa utos ng Diyos.
4. Naniniwala kaming ang pag anib sa tunay na Iglesia ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi kami naniniwala na sapat na ang pananampalataya lamang upang maligtas.
5. Naniniwala kaming ang bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi kami nagsasagawa ng bautismo sa sanggol.
6. Naniniwala kaming nagtayo si Kristo ng IISANG IGLESIA lamang. Hindi kami naniniwala na ang lahat ng Iglesiang nakatatag ngayon sa mundo ay tunay at mga kay Kristo.
7. Naniniwala kami na ang Iglesiang itinayo ni Kristo noong unang siglo ay ang Iglesia ni Cristo. Iyon ang pangalan ng kanyang Iglesia at ang ililigtas niya pagdating ng araw ng paghuhukom, sapagkat ito ay ang kanyang katawan. Lahat ng tao ay kailangan umanib sa Iglesia upang maligtas.
8. Naniniwala kami na ang Iglesia na natatag noong unang siglo ay natalikod. Ito ang kilala ng marami ngayon sa pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.
9. Naniniwala kaming si Kapatid na Felix Manalo ay sugo ng Diyos sa mga huling araw. Siya ang instrumento sa pagtatayong muli ng Iglesiang natalikod. Hindi namin siya kinikilala bilang FOUNDER ng Iglesia.
10. Naniniwala kami na ang katuparan ng hula sa bibliya kung saan at kailan lilitaw muli ang Iglesia ni Cristo ay sa Pilipinas (na nasa malayong silangan),noong July 27, 1914 (simula ng unang Digmaang Pandaigdig).
11. Naniniwala kami na hindi sapat na miyembro ka lamang ng Iglesia para maligtas. Kailangan ang pagbabagong buhay at pagsunod sa utos ng Diyos hanggang kamatayan.
12. Naniniwala kami na ang araw ng paghuhukom ay magaganap sa ikalawang pagparito ni Kristo. Naniniwala kami sa pagkabuhay na mag uli.
13. Naniniwala kami sa ikalawang kamatayan, ito ay sa dagat-dagatang apoy.
14. Naniniwala kami na ang pagdalo sa mga pagsamba at ang pag-aabuloy ay aming obligasyon.
15. Hindi kami nagsasagawa ng 10% tithing. Naghahandog kami ayon sa dikta ng aming puso.
16. Naniniwala kami na aral ng Diyos ang pag-iibigang magkakapatid. Tinatrato namin ang isat-isa sa loob ng Iglesia na pantay-pantay.
17. Naniniwala kami na aral ng Diyos ang PAGKAKAISA at hindi dapat magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng Iglesia. Kami ay bumoboto rin bilang ISA tuwing eleksyon.
18. Naniniwala kami sa separation of Church and State. Ang bawat miyembro ay inaasahang susunod sa mga alituntunin at batas ng gobyerno.
19. Isinasagawa namin ang disiplina at kaayusan.
20. Naniniwala kami na labag sa utos ng Diyos ang pagkain ng dugo, live-in, pakikipagrelasyon sa di kapananampalataya, pag aasawa sa di kapananampalataya, pakikipagrelasyon sa kapwa babae/lalake, same sex marriage, divorce, annulment, legal separation, pakikiapid, pre-marital sex, pagkalulong sa alak, sugal at droga.
21. Hindi kami naniniwala sa mga santo ng Iglesia Katolika. Wala kaming mga rebulto o imahen ng mga santo sa aming bahay at kapilya. Hindi rin kami naniniwala sa mga milagrong diumanoy nagagawa nito.
22. Hindi kami naniniwala na si Maria ay ang ina ng Diyos. Hindi namin siya tagapamagitan sa Ama.
23. Hindi kami naniniwala sa purgatoryo at hindi namin ipinanalangin ang mga patay.
24. Naniniwala kaming hindi dapat kine-cremate ang patay.
25. Hindi kami naniniwala sa mga multo, feng shui, magic, at pamahiin.
26. Hindi kami nagdidiwang ng Pasko, Halloween, Araw ng mga patay, Valentines Day, Mahal na araw, at mga fiesta na para sa mga santo o patron. Hindi rin kami sumasali sa Flores de Mayo/Santacruzan/Sagala at nakikikain sa fiesta na alay para sa mga patron.
27. Hindi totoo na kami ay pinagbabawalan ng mga ministro na magbasa ng bibliya. Hindi kami nagsasagawa ng private interpretation ng bibliya.
28. Naniniwala kami na ang mga ministro ay ang mga may karapatan na mangaral ng salita ng Diyos. Kaming mga miyembro ay hindi nangangaral.
29. Isa sa mga tungkulin namin ay ang pag-aakay o pagmimisyon.
30. Lahat ng miyembro ay inaasahang marunong manalangin. Hindi kami gumagamit ng rosaryo at hindi kami nananalangin ng inuulit-ulit. Hindi rin kami nagsisign of the cross.
31. Naniniwala kami na marapat lamang na sumunod at magpasakop sa pamamahala at mga maytungkulin sa Iglesia.
32. Ang Iglesia ni Cristo ay sumusuporta sa family planning at paggamit ng contraceptives ngunit hindi ang aborsyon.
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay:
1. Hindi sumasali sa mga unyon, fraternity at sorority.
2. Hindi nakikisama sa pagsasayaw sa bar, J.S prom at cotillion.
3. Umiiwas na dumalo sa Christmas Party, pagsamba sa ibang relihiyon, at iba pang pagkakatipon na hindi naaayon sa aral ng Iglesia ni Cristo.
4. Hindi nakikigaya sa mga gawaing pang sanlibutan.
5. Nagbabagong buhay at sumusunod sa mga aral sa loob ng Iglesia.
6. Masigla sa pakikipagkaisa sa mga aktibidad sa Iglesia.
7. Hindi nagmumura at hindi nagsasabi ng di magagandang salita.
8. Isinasagawa ang kaayusan sa sarili sa pagdalo ng pagsamba.
- Hindi nagpapalagay ng tattoo sa katawan.
- Hindi nagpapakulay ng buhok na kaiba sa orihinal nitong kulay.
- Hindi nagsusuot ng shades at sumbrero
- Hindi nagsusuot ng rubber shoes, maong, shorts, tsinelas, tshirt, etc.
Sa lalaki:
- Polo/long sleeves/Amerikana, Slacks, black shoes etc.
- Hindi mahaba ang buhok, at maayos
- Hindi nagsusuot ng earrings
Sa babae:
- Blouse/Paldang hanggang tuhod etc.
- Hindi nagsusuot ng maiikling palda, sleeveless, backless, tube etc.
Ang importante: Nasa kaayusan ang itsura at angkop ang pananamit sa panahon ng pagsamba.
Subscribe to:
Posts (Atom)