"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 20, 2013

Sino ang kausap ng Diyos sa Genesis 1:26?

Sabi ng mga walang alam na trinitarian, ang Genesis 1:26 DAW ay isang PROOF na hindi lang IISA ang Diyos, o kaya naman eh, yon daw ang nagpapatunay na ang Diyos ay isang TRINITY o Diyos na binubuo ng tatlong persona. Ang kinakausap DAW ng Diyos sa Gen. 1:26 ay ang kapwa niya mga Diyos, ang dalawa pang persona, si Kristo at ang Espirito Santo.

Ito ang nakasulat sa Gen. 1:26

"Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit."

Bago natin ito talakayin, nais ko munang ipagbigay alam na matagal na palang inabandona ng maraming trinitarian theologians ang argumento kung saan isa daw itong PROOF na ang Diyos ay isang Trinity.  


Bakit hindi natin itanong sa mga Hudyo, tutal nakasulat ito sa Old Testament at si Kristo rin naman ay isang HUDYO kaya siguro naman ay imposibleng mali ang pagpapakahulugan ng mga hudyo sa verse na ito. Sa Hebrew ito nakasulat kaya malamang ay mga Hudyo din ang makakaintindi nito ng tama, tanong natin sa mga Hudyo: Diyos anak at Diyos Espiritu Santo ba ang binabanggit sa talata na kausap ng Diyos? [red, emphasis mine]:

One of the most popular verses used by missionaries as a proof text in support of the doctrine of the Trinity is Genesis 1:26. This verse appears frequently in missionary literature despite of the fact that this argument has been answered countless times throughout the centuries and numerous Christian scholars have long abandoned it. Let’s examine the creation of man as described in the Torah:
And God said, “Let us make man in our image, after our likeness; and they shall rule over the fish of the sea, and over the fowl of the sky, and over the cattle, and over all the earth, and over every creeping thing that creeps upon the earth.” (Genesis 1:26)
With limited knowledge of the Jewish Scriptures, missionaries submit the above verse as evidence that there was a plurality in the godhead that participated in creation of our first parent. What other explanation could adequately account for the Torah’s use of the plural pronouns such as “us” and “our” in this verse?
This argument, however, is deeply flawed, and, accordingly, a great number of Trinitarian theologians have long rejected the notion that Genesis 1:26 implies a plurality of persons in the godhead.
Rather, Christian scholars overwhelmingly agree that the plural pronoun in this verse is a reference to God’s ministering angels who were created previously, and the Almighty spoke majestically in the plural, consulting His heavenly court. Let’s read the comments of a number of preeminent Trinitarian Bible scholars on this subject.
For example, the evangelical Christian author Gordon J. Wenham, who is no foe of the Trinity and authored a widely respected two-volume commentary on the Book of Genesis, writes on this verse,
Christians have traditionally seen [Genesis 1:26] as adumbrating [foreshadowing] the Trinity. It is now universally admitted that this was not what the plural meant to the original author.
source: outreachjudaism.org

Hindi naman pala sila naniniwala na ang Diyos ay isang Trinity ayon sa Gen. 1:26. Kung ganoon naman pala, eh sino ba talaga ang kausap ng Diyos sa verse na yon? Bakit niya sinabing "likhain NATIN ang tao ayon sa ATING larawan, ayon sa ATING wangis"?


Ang mga ANGHEL

Ako, meron akong PATUNAY sa BIBLIYA na ang mga anghel ang kausap ng Diyos dito, pero ang mga trinitarians, WALA SILANG PATUNAY na si Kristo at ang ESPIRITU SANTO ang kausap ng Diyos, from cover to cover ng bibliya, WALA. Wala silang mahahanap sa bibliya na sinasabing "kausap ko ang aking anak na si Kristo pati ang Espirito Santo sa Genesis".

Eto ang sabi sa isang verse sa bibliya na katulad sa Genesis 1:26:


"Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." Genesis 3:22

Sabi ng Diyos sa Genesis 1:26, ang sabi niya "lalangin NATIN ang tao ayon sa ATING larawan, ayon sa ATING wangis" at sabi naman niya sa Genesis 3:22, "katulad na NATIN ngayon ang tao". Eh saan ba nila naging katulad ang TAO?

"Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;  at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan." Efeso 4:23-24 BMBB

"At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan." Efeso 4:23-24

Hindi ibig sabihin nung ginawa ng Diyos ang tao na KALARAWAN o KAWANGIS niya, ang ibig sabihin ay ginawang KAMUKHA o KATULAD ng Diyos ang TAO. Kung ganyan din lang ang interpretasyon ng iba dyan, eh di iinterpret na rin natin na ang tao pala ay ginawang ESPIRITU at DIYOS din. Ang Diyos kasi ay espiritu sa kalagayan. At kung literal na pag iinterpret lang din ang gagawin, eh di iinterpret din natin na ang Diyos na Trinity pala ay babae na lalaki pa dahil ayon sa sumunod na verse, ang Genesis 1:27:


"Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,"

Nilikha pala ng Diyos ang tao na LALAKI at BABAE, kaya kung kamukha o katulad ang ibig sabihin non, eh dalawa pala ang kasarian ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo. Kaya ang totoong ibig sabihin ng ginawa ang tao na KALARAWAN at KAWANGIS ng Diyos eh ginawa ang tao sa KATUWIRAN at KABANALAN NG KATOTOHANAN, doon naging kalarawan at kawangis ng Diyos ang tao.

Pero balikan natin ang tanong kanina, sino ba ang kausap niya sa Genesis 1:26 at Genesis 3:22? Ipagpatuloy lang natin ang pagbasa sa verse 24:

"Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay."

Bukod sa mga querubin, sino ba talaga ang kasama ng Diyos noong una, mga anghel ba o ang 2 pang persona sa Trinity?
"Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya." Isa. 6:2

Ang mga ito rin ang kausap ng Diyos sa Isaiah 6:8 na katulad sa Gen. 1:26, kung saan sinabi niya ay "ATIN":


At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, "Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?"..."

Ang tanong, eh kelan ba ginawa ang mga anghel na ito para masabi kong sila ang kausap at kasama ng Diyos noong una? Ayon sa gotquestions.org:


"So, although the Bible does not specifically say when God created the angels, it was sometime before the world was created. Whether this was a day before, or billions of years before—again, as we reckon time—we cannot be sure."

Mahirap matukoy kung kailan eksakto sila ginawa ng Diyos dahil hindi naman ito nasulat sa bibliya, pero ang sabi nga, "it was sometine before the world was created". Paano natin malalaman kung totoo nga ito?

"Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?  Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?" Job 38: 4-7

Habang ginagawa pala ng Diyos ang mundo, mga saksi na at naghihiyawan pa sa kagalakan ang lahat ng "mga anak ng Diyos". Eh sino ba itong "mga anak ng Diyos" na ito?

Ayon sa Pulpit Commentary:


"The sons of God" here must necessarily be the angels (see Job 1:6; Job 2:1), since there were no men as yet in existence. They too joined in the chorus of sympathy and admiration, perhaps lifting up their voices (Revelation 5:11, 12), perhaps their hearts only, praising the Creator, who had done such marvellous things."

Habang ginagawa pala ng Diyos ang mundo, andoon na ang mga ANGHEL at pinupuri pa ang Diyos dahil sa mga ginawa niya. Pero teka, kung sila ay pumupuri lang pala sa Diyos habang ginagawa niya ang mundo, sino ba talaga ang KAMANLALALANG ng Diyos? Kasama ba ang mga anghel, tumulong ba sila sa Diyos gawin ang mga tao at ang mundo?


Walang katuwang o kamanlalalang ang Diyos

Tanong ng ilan, eh paano mo nga sasabihin readme na MAG-ISA lang ang Diyos nung ginawa niya ang mundo at ang mga tao eh sabi nga niya sa Gen. 1:26 eh "likhain NATIN". Sabi ng Diyos, NATIN, ibig sabihin marami, may katuwang siya. 

Ganun ba yon? Ganoon ba ang TAMANG pagkakaintindi doon? na porke sinabi ng Diyos "natin" tumutukoy ito sa 2 pang persona sa Trinity?

Wala tayong mababasa na tumutukoy ito kay Kristo at sa Espiritu Santo from cover to cover ng bibliya. Ang sabi, "NATIN" more than one, pwedeng 2 pwedeng 10, pwedeng 100 ang tinutukoy dyan sa NATIN na yan.

Pero siyasatin na lang natin ang Genesis, tutal sa Genesis din nakasulat itong verse na ito na may "NATIN". Ilan ba talaga o sino ba talaga ang gumawa ng mundo at ng mga tao?

Dun muna tayo sa paggawa ng Diyos ng mundo:


1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos (singular) ang langit at ang lupa; 2 ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig. 3 Sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon ng liwanag!" At nagkaroon nga. 4 Nasiyahan ang Diyos (singular) nang ito'y mamasdan. Pinagbukod niya (singular) ang liwanag at ang dilim. 5 Ang liwanag ay tinawag niyang (singular) Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang unang araw. Sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon ng liwanag!" At nagkaroon nga.                6 Sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito'y magkahiwalay!" 7 At nangyari ito. Ginawa ng Diyos (singular) na pumagitan ang kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba. 8 Langit ang itinawag niya (singular) sa kalawakan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikalawang araw.
               9 Sinabi ng Diyos (singular): "Magsama-sama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa." At nangyari nga ito. 10 Tinawag niyang (singular) Lupa ang tuyong bahagi at Dagat naman ang nagsama-samang tubig. Nasiyahan siya (singular) nang ito'y mamasdan. 11 Pagkatapos, sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga." At nangyari ito. 12 Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya (singular) nang ito'y mamasdan. 13 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikatlong araw.
               14 Sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. 15 Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig." At gayon nga ang nangyari. 16 Nilikha ng Diyos (singular) ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan, upang tumanglaw kung gabi. Nilikha rin niya (singular) ang mga bituin. 17 Inilagay niya (singular) sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig, 18 tumanglaw kung araw at gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang Diyos (singular) nang ito'y kanyang mamasdan. 19 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaapat na araw.
               20 Sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid." 21 Nilikha ng Diyos (singular) ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos (singular) nang ito'y mamasdan. 22 Pinagpala niya (singular) ang mga ito at sinabi: "Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig." 23 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikalimang araw.
               24 Sinabi ng Diyos (singular): "Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa---maaamo, maiilap, malalaki at maliliit." At gayon nga ang nangyari. 25 Ginawa nga niya (singular) ang lahat ng ito, at nasiyahan siya nang ito'y kanyang mamasdan.

Kung mapapansin nyo, from verse 1 to 25, singular, ibig sabihin MAG-ISA LANG ANG DIYOS sa paggawa. Pero ituloy natin sa verse 26:

26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos (singular): "Ngayon, likhain natin (plural) ang tao ayon sa ating (plural) larawan, ayon sa ating (plural) wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit."

Kung kausap ng Diyos ang mga anghel dito, ibig bang sabihin KATUWANG ng Diyos ang mga anghel nung likhain niya ang mga tao? Pagpatuloy natin sa verses 27-31:
27 Nilalang nga ng Diyos(singular) ang tao ayon sa kanyang (singular) larawan. Sila'y kanyang (singular) nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya (singular), "Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko(singular) kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. 29 Ibinibigay ko (singular) rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko (singular) naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon." At ito nga ang nangyari. 31 Pinagmasdan ng Diyos (singular) ang lahat niyang (singular) ginawa, at lubos siyang (singular) nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaanim na araw.

Hindi naman pala niya katuwang o wala siyang KAMANLALALANG nung ginawa niya ang mundo at ang mga TAO. Alam nyo, kung talagang ang kausap niya ay yung 2 pang persona dyan at silang dalawa ang kaniyang KAMANLALALANG, eh di sana sa verse 27 ang sinabi sana eh "nilalang nga NILA ang tao ayon sa KANILANG larawan. nilalang NILA sila na isang lalaki at isang babae". Pero hindi naman diba? SINGULAR pa rin sa sumunod na verse kasi nga MAG-ISA lang naman ang Diyos nung ginawa niya ang mundo at mga tao.

Gusto pa ng ebidensya? 

Eto oh, sabi sa Genesis 5:1

"Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya ito ayon sa kanyang larawan."

Wala talagang kasama ang Diyos nung likhain niya ang tao. 


Gugunawin "NAMIN" ang lungsod na ito

Isa pa ito sa mga halimbawa kung saan nabanggit sa bibliya ang "namin" sa pagitan ng Diyos at mga anghel. Ito kasi ang sabi ng mga anghel nang gugunawin na ang sodoma at gomorra:

"Sinabi ng dalawang panauhin kay Lot, "Magmadali ka! Isama mong lahat ang iyong mga anak at iba pang kamag-anak na nakatira sa lunsod na ito. Umalis na kayo rito, sapagkat gugunawin na namin ang lunsod na ito! Pinakinggan ni Yahweh ang mabibigat na sumbong laban sa mga taga-Sodoma at pinapunta kami ni Yahweh upang wasakin ang lunsod na ito." Gen. 19:12-13

Oo, kinasangkapan ng Diyos ang mga anghel upang wasakin ang sodoma at gomorra, tulad ng mga kinasangkapan ng Diyos na mga tao upang gumawa ng mga himala at upang magpagaling ng mga tao, ngunit ang Diyos pa rin talaga ang gumagawa nito dahil sa kaniya galing ang kapangyarihang gawin ang mga bagay na ito.

At tulad nga sa pagwasak sa Sodoma at Gomorra, ang mga anghel ba talaga ang nagwasak nito? Ipagpatuloy lang natin ang pagbasa sa mga sumunod na talata:


"Kaya't pinuntahan ni Lot ang mga mapapangasawa ng kanyang mga anak na babae at sinabi sa kanila, "Umalis na kayo agad sapagkat wawasakin ni Yahweh ang lunsod na ito." Ngunit akala nila'y nagbibiro lamang si Lot." verse 14

 Mataas na ang araw nang makarating si Lot sa Zoar. Saka pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra. Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim." verses 23-25

Kahit pala may kinasangkapan ang Diyos, siya pa rin pala talaga ang GUMAWA ng pagwasak sa mga bayang iyon.



"Elohim"

Ang elohim(hebrew) ay pwedeng singular o plural ng "god", kung ang ginamit ay singular verb o adjective ang ibig sabihin nito ay "god/diyos", kung ginamit naman ay plural verb o adjective ang ibig sabihin nito ay "gods/mga diyos".

Sa Genesis 1:26 sabi ng mga trinitarian, ang elohim daw doon ay plural dahil may sinabi doon na "NATIN at ATIN". 
  
Kung gagawin ang "elohim" bilang isang ebidensya para sabihing nung nilalang ng Diyos ang mundo at mga tao ay meron siyang kasamang iba pa, lalabas na MARAMI ANG DIYOS taliwas sa aral nila na ISA lang ang Diyos pero may tatlong persona.

Muli, ang ibig sabihin ng plural na elohim ay "mga Diyos" at hindi "mga Persona" kaya hindi ito isang ebidensya sa gusto nilang iclaim.


MAG-ISA lang ang Diyos nang gawin niya ang mundo at ng mga tao

Itanong natin sa bibliya, bukod sa mga talata sa itaas, meron pa bang verses sa bibliya kung saan makapagsasabi na mag-isa lang talaga ang Diyos nang gawin niya ang mundo at ng mga tao?


"Do we not all have one father? Has not one God created us? Why do we deal treacherously each against his brother so as to profane the covenant of our fathers? Malachi 2:10  
  “Serve the LORD with gladness; Come before Him with joyful singing. Know that the LORD Himself is God; It is He who has made us, and not we ourselves; We are His people and the sheep of His pasture.” Ps. 100:2-3  
“Thus says the LORD who made you and formed you from the womb, who will help you, 'Do not fear, O Jacob My servant; and you Jeshurun whom I have chosen.” Isa. 44:2 
 “But now, O LORD, You are our Father, We are the clay, and You our potter; And all of us are the work of Your hand.Isa. 64:8  
“For thus says the LORD, who created the heavens (He is the God who formed the earth and made it, He established it and did not create it a waste place, but formed it to be inhabited),"I am the LORD, and there is none else.” Isa. 45:18
"You are the LORD, you alone. You have made heaven, the heaven of heavens, with all their host, the earth and all that is on it, the seas and all that is in them; and you preserve all of them; and the host of heaven worships you." Neh. 9:6

Oh yan ah, hindi lang pala basta "Diyos" ang nakalagay kung sino ang gumawa ng mundo at ng mga tao kundi ang Pangioong Diyos, ang AMA at hindi yung Diyos na may tatlong persona.


May iba pa bang Diyos bukod sa kaniya?

Eto basahin mo, Diyos mismo ang nagsabi:


I am the LORD, and there is no other; Besides Me there is no God I will gird you, though you have not known Me; That men may know from the rising to the setting of the sun That there is no one besides Me. I am the LORD, and there is no other,Isa. 45:5-6

“Do not tremble and do not be afraid; Have I not long since announced it to you and declared it? And you are My witnesses Is there any God besides Me, Or is there any other Rock? I know of none.'" Isa. 44:8  
It is I who have declared and saved and proclaimed, And there was no strange god among you; So you are My witnesses," declares the LORD, "And I am God.“ Isa. 43:12  
“Remember the former things long past, For I am God, and there is no other; I am God, and there is no one like Me,Isa. 46:9  
“You are My witnesses," declares the LORD," And My servant whom I have chosen, So that you may know and believe Me And understand that I am He Before Me there was no God formed, And there will be none after Me.Isa. 43:10 
“Declare and set forth your case; Indeed, let them consult together Who has announced this from of old? Who has long since declared it? Is it not I, the LORD? And there is no other God besides Me, A righteous God and a Savior; There is none except Me. Isa. 45:21

Eto pa ang ibang patotoo ng mga tao:


 “Know therefore today, and take it to your heart, that the LORD, He is God in heaven above and on the earth below; there is no other. Deut. 4:39 
“For You are great and do wondrous deeds; You alone are God. Ps. 86:10
“For this reason You are great, O Lord GOD; for there is none like You, and there is no God besides You, according to all that we have heard with our ears.” II Sam. 7:22  
"For from days of old they have not heard or perceived by ear, Nor has the eye seen a God besides You, Who acts in behalf of the one who waits for Him.” Isa. 64:4
  
Singular yang mga yan ah, kaya hindi pwedeng maging Trinitarian God yan. Maliwanag na maliwanag: wala palang IBANG DIYOS MALIBAN SA KANIYA, WALA SIYANG KATULAD at walang IBANG DIYOS na nauna sa kaniya at wala ring papalit.


Bakit hindi na kailangan pa ng KAMANANLALANG ng Diyos?

Now when Abram was ninety-nine years old, the LORD appeared to Abram and said to him, “I am God Almighty; Walk before Me, and be blameless.” Gen. 17:1 

“one God and Father of all who is over all and through all and in all. Eph. 4:6 

“God also said to him, “I am God Almighty; Be fruitful and multiply; A nation and a company of nations shall come from you, And kings shall come forth from you. Gen. 35:11


Ang Diyos pala, ang AMA ay ALMIGHTY, hindi lang basta ALMIGHTY o MAKAPANGYARIHAN kundi siya ay Diyos "who is over ALL", kaya ang Diyos ang MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, muli, sa LAHAT.

Si Kristo ba ay "makapangyarihan din sa LAHAT"?


"Ganito ang sinasabi ng kasulatan, "Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan." Ngunit sa salitang "lahat ng bagay," maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat." I Cor. 15:27-28

Ngayon, pano nyo sasabihing CO-EQUAL ang mga Diyos sa TRINITY? Kahit pala si Kristo ay PAPAILALIM sa kapangyarihan ng DIYOS, sa gayon, lubusang maghahari ang DIYOS SA LAHAT. Ngunit sa salitang "lahat ng bagay" maliwanag daw na hindi kasama ang DIYOS DITO. Kaya dito pa lang sa verse na ito makikita na natin na hindi talaga DIYOS si Kristo dahil kung Diyos siya, hindi niya kailangang pumailalim sa kapangyarihan ng DIYOS.

Kaya malabo pa sa sabaw ng pusit na may KAMANLALALANG ang Diyos na kapwa niya Diyos noong likhain niya ang mundo at ang mga tao. Isang kalapastanganan sa Diyos ang kumilala sa iba pang mga Diyos maliban sa kaniya- sa tunay na Diyos, ang AMA.


45 comments:

  1. nice, nakaka-open ng isipan, dagdag kaalaman at hindi ayon sa sariling pagpapaliwanag ang mga topic mo bro.readme.....

    puwede kana siguro ihanay ka kay joe ventelacion.... joke.... hehehe.....

    actually sobrang linaw ng paliwanag mo, kerubin pala ang kasama ng diyos dun at serapin.

    kaya napakaganda lahat ng pagkalatag mo ng mga talata...

    salamat naman at di ka nagsasawa at ginagabayan ka ng espiritu santo sa mga gawa mo dito sa blog mo....

    pagpatuloy mo bro.readme mga aral ng INC....

    1 Corinto 2:12-13 “Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.”

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap talagang paniwalaan ang naturang isyu, kung ang pagbabasehan ay yung mga konklusyon na mula sa literal na kaisipan. Kung iisipin mo kasi na walang ibang Dios liban sa Ama ay talagang kahit napakalinaw na ng mga nakasulat ay pagiisipan pa na may mga talata na mali ang pagkakasalin kaya kailangang gumamit ng mga salin na aayon dun sa kanyang paniniwala, katulad na nga lang ng salin ni John Moffats. Bukod doon, kailangan ding gumamit ng mga paliwanag ng ibang tao na hindi malinaw kung may kredibilidad bang maituturing. Eto pa ang matindi, yung isang pari na sinasabi nilang nasa maling relihiyon ay gumagamit din sila ng pahayag galing sa kanila. At kahit yung nakita lang sa gotquestion.org ay ginagamit din.
      Malinaw ang sinasabi sa mga sulat ni Apostol Pablo:
      "At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan: Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios." 1 Corinthians 2:4-5

      Kung uunawain lang sanang mabuti ang mga talatang ito ay hindi na sana kailangan pang gumamit ng mga iba't - ibang salin ng Biblia sapagkat ang paggamit ng mga pahayag mula sa mga ito ay pagpapatunay lamang na hindi talaga nagmumula sa pahayag ng Espiritu kundi batay lamang sa karunungan ng tao.
      Ang isang literal magisip ay katulad ng taong gumamit ng pamamaraang Arithmetic gaya halimbawa ng 1+1+1=3.
      Samantalang sa espiritwal na pananaw ay 1+1=1.
      Isang halimbawa dito ay nakasulat sa Genesis:

      "Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman." Genesis 2:24

      Maliwanag dito na sa principle ng Biblia bagaman dalawang katauhan ay iisang itinuturing ng Biblia. Ngunit ang prinsipyong ito ay ayaw tanggapin ng ibang grupo ng relihiyon lalo na kung ito ay ia-apply sa katayuan ng iisang Dios na may tatlong persona.

      Sa matagal tagal na panahon, kapag pag uusapan ang pagiging iisa ng Dios ay kakabit na rito ang salitang "Trinity". Isang katotohanan nga naman na talagang hindi makikita literally ang salitang tumutukoy sa tatlong Persona. Ito ngayon ang malimit na "pambala" ng ilang literal mag isip na sinasabing saan daw makikita sa Biblia ang salitang Trinity.
      Sa isang banda, wala talagang mababasang ganun sa Kasulatan ngunit isang katanungan lang din naman ang katapat ng sinasabi nila; saan makikita sa Biblia ang nagsasabing hindi Diyos si Cristo at ang Espiritu Santo? Ang isasagot nila ay kuro-kuro lang din at base sa mga pinagtagpi-tagping mga talata. At kung hindi nila masolusyunan ay iisa na ang kanilang sinasabi; mali ang pagkakasalin. Kaya naman ang gagawin ay hahanap ng mga salin at kuro-kuro mula sa mga taong hindi nila ganap na kilala. Ang isa pa ngang ironic na pahayag nila ay yung kumuha sila ng opinyon ng mga Judio dahil umano si Cristo ay isa ring Judio. Bakit ko nasabing ironic? Paano ba naman, kumuha sila ng opinyon sa mga Judiong malamang ay hindi rin naniniwala kay Cristo dahil ang paniniwala ng Judaismo ay hindi pa dumarating ang Mesias. Syempre, hindi sila maniniwala dahil sa lumang tipan ay hindi pa direktang ipinapakilala ang Anak.

      Delete
    2. mali salin pero panay gamit ninyo ng bibliya namin, hhahaa tapos kayo pa nag mamarunong kakatawa mga argumento ito talagang mga anti Cristo na to. humiwalay sa tunay na simbahan, si Cristo tao lang sa kanila si Felix Angel nako ha, wag ninyo iligaw ang mga tao, hirap sa inyo pag aralan ninyo ang buong bibliya hindi panay hugot lang verse kaya na out of context kayo, ang dami talaga DIYOS SI CRISTO di ninyo nakikita, sabagay mmmm.
      1 Juan 2:18-23
      Ang Salita ng Diyos
      Babala Laban sa mga Anticristo
      18 Munting mga anak, ito na ang huling oras. Gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo. Kahit ngayon ay marami nang anticristo kaya nalalaman natin na ito na ang huling oras.
      19 Humiwalay sila sa atin subalit hindi sila kabilang sa atin sapagkat kung talagang kabilang sila sa atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila upang mahayag na silang lahat ay hindi kabilang sa atin.
      YAN ANG MGA ANTI CRISTO HUMIHIWALAY SA TUNAY NA SIMBAHAN NA TINATAG NI CRISTO NGAYON KAYA PALA PANAY PANIRA GINAGAWA NINYO SA KATOLIKO PATI SI CRISTO DI NINYO PINAHAHALAGAHAN GINAGAMIT PA PANGALAN NIYA EH SI MAS MATAAS PA SI FELIX KAY CRISTO SA INYO. KAYO RIN ANG KATUPARAN NA GUMAGAMIT NG PANGALAN NI CRISTO
      At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan Lucas 21:8 SI CRISTO ANG MAY SABI NIYAN HINDI AKO.

      Delete
  2. grabe ka talaga kapatid na ReadMe.. bow po talaga ako sayo.. di ka pa niyan ministro pero sobra linaw ng mga paliwanag mo.. sana sa kaka-paste ko ng mga link ng blog mo ay marami ang mabuksan ang isipan at puso na tatanggap ng katotohanan.. nawa'y patuloy kang gabayan ng espiritu santo at di magsawa sa paggawa ng mga ganitong klase ng blog.. kapurihan sa Panginoong Ama ang iyong ginagawa.. sana minsan kapatid tulungan mo rin po kami sa mga page natin sa facebook page na..

    Iglesia Ni Cristo Defender at..
    In Defense Of Iglesia Ni Cristo..

    maraming salamat ulit kapatid.. God Bless you alwayz & your love ones.. ^_^

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Kawikaan 8:27-30
      27Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na,
      maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga.
      28Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,
      at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
      29Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,
      nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,
      30ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
      ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw.

      NAPAKALIWANAG KASAMA NG DIYOS ANG ANAK, ANG SECOND PERSONA NG DIYOS EXISTED NA SIYA BAGO PA LALANGIN ANG MUNDO, KAYA SA GEN. 1:26
      Genesis 1:26 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

      PAALALA PO HUWAG HUGOT NG HUGOT LAMANG BASAHIN ANG KABUUHAN NG BIBLIYA PARA HINDI PO KAYO MAILIGAW, GANYAN NANGYARI KAY FELIX MANALO, SA KAKAPAKINIG SA IBA SIKTA PANAHON NIYA AT HINDI NAGSURI, NATOTO LANG MAGBASA NG BIBLIYA LUMAKI NA ANG ULO, LUMABAS SA TUNAY NA IGLESIA, NG HINDI INAALAM O NABASA ANG BUONG KWENTO NG BIBLIYA, NAGULUHAN SA REBULTO, ^^ GANUN DIN ANG KARAMIHAN MGA KATOLIKO MADALI NALINLANG NG IBA SIKTA KAYA KAWAWA KAYO DYAN KAYO SA TATAG LANG NG TAO, NAWALA AUTHORITY NG DIYOS.
      SANA MAG SURI KAYO AT MAG PALALIM DAHIL KALULUWA ANG NAKATAYA DITO, MAG CLAIM PA KAYO TUNAY EH 1914 AT TUNAY NG IGLESIA 2000 YRS HALOS AT ITINAYO SA ISRAEL HINDI SA PILIPINAS, AT HUWAG KAYO MANINIWALA NA PINAGPAPATAY O PINASOK NG MGA LUBO MANINILA, SI CRISTO MISMO NAGSABI KAHIT PA ANG MGA DAIGDIG NG MGA PATAY O DEMONYO AY HINDI MAGSISIPAGDAIG SA INYO. MATEO 16:18. MAG SISINUNGALING BA SI CRISTO KAWALAN NG PANANAPALATAYA SA KANYA, ALAM MO BA KUNG SINO MGA LOBO NAYAN AYAN NA YAN MGA NAG SULPUTAN MGA SIKTA NA GUSTO SIRAIN ANG KATOLIKO, KAYA PANAY ATAKI NILA PANAY PANIRA AT PAGHUHUSGA, DAHIL KUNG HINDI NILA GAGAWIN YAN HINDI SILA MAKAKAAKAY, SANA MAG ISIP PO KAYO, LAHAT TAYO BINIGYAN NG TALINO GAMITIN NATIN GOD BLESS

      Delete
  4. Sino ang kausap ng Diyos sa Genesis 1:26?
    Sagot:
    Kausap ng Ama ang Anak at Espiritu Santo at sinabi niyang:
    "Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis"
    Bakit ko nasabing ang Anak at Espiritu Santo ang kausap ng Ama?

    Sagot:
    Gen 1:1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
    Gen 1:2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
    Gen 1:3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
    SA UMPISA PA LAMANG NG GENESIS AY KASAMA NA NG AMA ANG KANIYANG SALITA (NA SIYANG ANAK) AT KANIYANG ESPIRITU (NA SIYANG ESPIRITU SANTO).

    ANO PA ANG ISANG EBIDENSYA NA KASAMA NA NG AMA ANG ANAK AT ESPIRITU SANTO SA PAGLIKHA?
    Psa 33:6 Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
    ANG AMA SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG SALITA (NA SIYANG ANAK) AT SA PAMAMAGITAN NG HINGA NG KANIYANG BIBIG (NA SIYANG ESPIRITU SANTO) AY NAYARI ANG MGA LANGIT AT ANG LAHAT NG NATATANAW ROON.

    ANG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO AY IISANG DIYOS LAMANG NA LUMIKHA.
    BUHAT SA AMA ANG LAHAT NG BAGAY
    AT SA PAMAMAGITAN NG ANAK AT ESPIRITU SANTO ANG LAHAT NG BAGAY.

    Rom 11:32 Sapagka't ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat.
    Rom 11:33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan!
    Rom 11:34 Sapagka't sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?
    Rom 11:35 O sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?
    Rom 11:36 Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

    BUHAT SA DIYOS AT SA PAMAMAGITAN NG DIYOS ANG LAHAT NG BAGAY.

    BUHAT SA DIYOS (AMA)
    AT SA PAMAMAGITAN NG DIYOS (ANAK AT ESPIRITU SANTO)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa pagshashare ng inyong personal interpretation ng bibliya. Ngunit mali po ang ginagawa nyo dahil labag yon sa bibliya. lahat ng nabanggit nyo eh hindi naman mga patunay na si Kristo at ang Espiritu santong mga Diyos nyo ang kasama ng tunay na Diyos, Ang Ama ang kausap niya sa Gen. 1:26, kundi pagpapatunay na si Kristo at ang Espiritu Santo eh nandoon na sa simula kasama ng Diyos.

      May espiritu talaga ang Diyos pero ang Espiritu Santo eh hindi Diyos. Wala tayong mababasa sa bibliya na kasama ng ESPIRITU SANTONG DIYOS ang DIYOS at ang ESPIRITU SANTO ay DIYOS DIN. Wala rin tayong mababasa sa bibliya na si Kristo ay kasama na ng Diyos nung ginagawa niya ang mundo at mga tao. Wala rin tayong mababasa sa bibliya na binanggit na ang KASAMA ng DIYOS sa "NATIN" sa Gen 1:26 ay tumutukoy sa ESPIRITU SANTO at kay KRISTO. WALA!

      Ang kasama ng Diyos noong simula ay ang "ANG SALITA" (juan 1:1) at hindi lang basta basta "SALITA" at lalo namang hindi "ANG SALITA NG DIYOS". Si Kristo ay hindi mismo ang "THE WORD/THE LOGOS/ANG SALITA" dahil kung siya nga mismo yon sana eh sinabi na lang sa juan 1:14 na ANG NAGKATAWANG TAO eh SI KRISTO, pero hindi, ang sabi, ANG SALITA ay NAGING LAMAN. magkaiba yun.

      Mali rin ang iyong sinabi na:

      "ANG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO AY IISANG DIYOS LAMANG NA LUMIKHA."

      Ang iyong TRINITY ay hindi "IISANG DIYOS" kundi "ISANG DIYOS". Hindi ito ONLY ONE GOD kundi ONE GOD. Ireview nyo ang paniniwala nyo sa Trinity para okay tayo.

      Delete
    2. Pwede ko po ba itanong kung bakit pa po sinabi na "natin" kung mag isa lang po siya manlalalang..

      Delete
    3. Grabe to oh.. Kasama daw ung salita hahahahah sinabi ng Diyos mag karoon ng liwanag at nag karoon nga.. Ang salita ang kapangyarihan ng Diyos ano man sabihin niya tiyak na mang yayari.. ang layo ng utak nito ay sarap hampasin ng laptop hahahahaha

      Delete
    4. This comment has been removed by the author.

      Delete
    5. E sino po ba ang sinabi sa Awit82:1 Ang Diyos ay tumatayo sa kapisanan ng Diyos.
      Hindi po ba mga Diyos ang mga member ng nasabing KAPISANAN NG DIYOS?
      Mali po ba ang pagkasalin?

      Delete
  5. GOD BY NATURE IS ALMIGHTY, OMNISCIENT, OMNIPRESENT, HOLY AND ETERNAL.
    ALMIGHTY IS ABOUT NATURE AND NOT AUTHORITY.
    ALMIGHTY IS ABOUT STRENGTH AND CAPACITY.
    DO NOT MIXED UP NATURE WITH AUTHORITY.

    WHILE THE FATHER IS OF GREATEST AUTHORITY OUT OF THE THREE (FATHER, SON & HOLY SPIRIT); HE IS EQUAL IN NATURE WITH THE OTHER TWO (SON AND HOLY SPIRIT).

    FOR EXAMPLE, THE PRESIDENT HAS A HIGHER AUTHORITY THAN THE VICE PRESIDENT AND THE MANAGER, BUT IN THEIR NATURE BEING HUMAN; THEY ARE JUST EQUAL.

    ITO ANG KATUNAYAN NA ANG ANAK AY
    "PANGINOONG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT":
    Rev 15:3 At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
    Rev 15:4 Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't ikaw lamang ang banal; sapagka't ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.

    awit ni Moises na alipin ng Dios - AWIT PARA SA AMA
    at ang awit ng Cordero - AWIT PARA SA ANAK
    ITO AY ISANG AWIT PARA SA AMA AT SA ANAK
    SILANG DALAWA AY TINAWAG NA "PANGINOONG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT"
    ANG AMA AT ANG ANAK AY IISANG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT

    ReplyDelete
    Replies
    1. "WHILE THE FATHER IS OF GREATEST AUTHORITY OUT OF THE THREE (FATHER, SON & HOLY SPIRIT);"

      Kung Ang Diyos AMA ay mas mataas sa Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, ibig sabihin, lesser god pala si Kristo at ang Holy Spirit. Akala ko pa naman ay equal sila in nature and authority para naman maging logical ang pagiging GOD ng inyong Trinitarian God. Ngunit magkaganon man, wala tayong mababasa sa bibliya na si Kristo at ang Espiritu santo ay mga Diyos at sila ay lesser god sa Diyos Ama.

      Kung totoong ang "Panginoong Diyos" na binabanggit sa Rev. 15:3-4 ay si Kristo at ang Ama ang binabanggit, it would make sense na ganito ang magiging DAPAT na NAKALAGAY DIYAN since kinonek nyo ito sa Gen. 1:26 na wala namang koneksyon sa isat isa:

      Rev 15:3 At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang "INYONG" mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang "INYONG" mga daan, "KAYO" na Hari ng mga bansa.

      Rev 15:4 Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang "INYONG" pangalan? sapagka't "KAYO" lamang ang banal; sapagka't ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan "NIYO"; sapagka't ang "INYONG" mga matuwid na gawa ay nangahayag.

      kaso hindi eh, SINGULAR yung mga pinalitan ko ng PLURAL. Kung PLURAL yon, tulad ng nasa Gen. 1:26 na kiniklaim mo na si Kristo at ang Espiritu Santo ang kausap ng Diyos doon, eh di maniniwala na ko sa paniniwala mong mali.

      Wag mong sabihing kaya singular yon ay dahil kahit dalawa sila, eh isang Diyos pa rin sila. Tignan mo nga yung sa Gen. 1:26, dahil tatlo sila, PLURAL ang ginamit (ayon sa paniniwala mo) kaya may "ATIN" at "NATIN" doon.

      Delete
    2. Kaya nga "likhain natin", sino lang ba ang may kakayahang lumikha? Ang Diyos lamang po, kaya sa hinaba haba ng explanation at maling pagsisipi ng bibliya, dito napatunayan na di anghel ang kausap ng Diyos...tapos sasabihin na nmn na edi magigng dalawa o tatlong Diyos ang nag uusap dito, e paano niyo nga tatanggapin sa sarili niyo na ang Ama at Anak ay iisa gaya ng sinabi ng panginoong Hesus.nandon pa rin ang concept na iisa ang Diyos. Ayaw niyo lang tanggapin sa puso niyo ang sinabi ng Panginoong Hesus kahit hayagan ng sinabi. Tandaan ang Panginoong Hesus ay spirit, nagkatawang tao lang Siya para maligtas tayo sa kasalanan. At walang tao ang kailanman ang nakakita sa bugtong na Ama, ang bugtong na anak na nasa sinapupunan ng Ama ang nakakakilala sa Ama, Siyay walang iba kundi si Hesus.

      Delete
  6. ITO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MGA ANGHEL ANG KAUSAP NG DIYOS DITO:

    1) UNANG-UNA, HINDI KA-LEVEL NG DIYOS ANG MGA ANGHEL; KAYA HINDI NIYA PUPUWEDENG SABIHING "NATIN" AT "ATIN". ANG PAGGAMIT NG NATIN AT ATIN AY PARA SA MGA PERSONANG KANIYANG KAPANTAY.
    2) PANGALAWA, WALA KANG MABABASA SA BIBLIA NA TAYONG MGA TAO AY KAWANGIS O KALARAWAN NG MGA ANGEL.
    3) PANGATLO, KUNG SINABI NG DIYOS NA " "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis". SIGURADONG SUSUNOD ANG MGA ANGHEL; KINAKATAKUTAN NILANG MAY PAG-GALANG ANG DIYOS.
    4) PANG-APAT, ANG DIYOS AY HINDI NAGBIBIRO SA KANIYANG PAG-SASALITA. KAPAG SINABI NIYANG "LIKHAIN NATIN", IBIG SABIHIN NOON AY "LIKHAIN NATIN".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi ang mga Diyos sa Trinity ang kausap ng TUNAY NA DIYOS kundi mga ANGHEL:

      1. Unang una, nabanggit na sa post sa itaas na ang mga ANGHEL ay hindi KAMANLALALANG ng DIYOS. Walang sinasabi sa bibliya from cover to cover na ang "NATIN" o "ATIN" at tumutukoy lang sa DALAWA, at ito nga ay ang DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO.

      2. Pangalawa, wala talaga tayong mababasang ganiyang sa bibliya na kawangis o kalarawan ng tao ang mga anghel, pero eto ang sinasabi sa bibliya: "Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." Genesis 3:22

      Katulad ng Diyos ang tao sa kabanalan at katuwiran (eph. 4:23-24) Siguro naman eh hindi kayo tututol na ang mga ANGHEL ay banal at matuwid? Kaya sinabing "Katulad na natin ngayon ang tao" Pero mulit muli, ang DIYOS LANG ang MAG-ISANG GUMAWA NG MUNDO AT NG MGA TAO, kahit pa sinabi sa Gen. 1:26 na "NATIN".

      3. Pangatlo, kahit pa sumunod ang mga ANGHEL sa DIYOS, wala naman kapasidad ang mga ANGHEL na LUMALANG. Unless naniniwala kayo na ang anghel para sa inyo eh DIYOS DIN. Paano ko nasabing ANG DIYOS LANG ANG LUMALANG at hindi kasama ng mga anghel? sa sumunod na verse eto ang sabi: "27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,"

      Nilalang daw ng DIYOS ang tao ayon sa kaniyang larawan, hindi naman sinabing NILALANG ng mga Diyos, o ng TRINITY o ng Diyos at mga ANGHEL ang TAO.

      4. Pang-apat, mismong mga trinitarian theologians na ang umaamin na ang Gen. 1:26 ay hindi isang katunayan na ang DIYOS ay isang TRINITY o ang kasama ng DIyos doon ay kapwa niya mga Diyos sa Trinity. Kaya mga pansariling pagpapakahulugan na lang ang inyong sinasabi.

      Delete
    2. Rev 22:12 "Listen!" says Jesus. "I am coming soon! I will bring my rewards with me, to give to each one according to what he has done.
      Rev 22:13 I am the FIRST and the LAST, the BEGINNING and the END."

      FIRST/BEGINNING - Alpha (noun) - "(Gen 1:1) In the BEGINNING, when God created the universe..."
      LAST/END - Omega

      So... God is with Jesus/Jesus is with God

      Delete
    3. Christ's "I am the Alpha and Omega etc..." vs. God's "I am the Alpha and Omega" are different in meaning.

      It is not Christ who is with God in the beginning, but the WOrd (john 1:1) so it is impossible to say that Christ is God who is with God in the beginning only because he said to be "Alpha and Omega..."

      Delete
    4. john 1:1 study bible translation

      "in the beginning was the word,and the word was with God,and the word was a god.

      sa talata sa juan 1:1 si cristo tinatawag na "a god" pro hindi sya mismo ang Diyos sa phrase the word was with God...sa talata dalawa ang subject...isang Diyos at isang a god...magkaiba sila...

      ang alpha at omega ang titulo na ito ay para lamang kang Jehova.

      rev 1:8
      I am the alpha and omega says Jehovah God,the one who is and who was and who is coming the almighty...

      Delete
  7. alam nyo kapatid na readme, ang mga taong sarado ang isip sa katotohanan, mahirap mapaliwanagan. masakit man paniwalaan, kaylan man d magiging tama ang teorya at konsepto ng TRINITY. unang una, maraming talata sa biblia na kokontra, dahil nakasaad nga na iisa lang ang diyos, ang Ama. ikalawa, pag sinipi ng malalim na lohiko ang concept ng Trinity, lalabas at lalabas na tatlo ang nasa kalagayang DIYOS. AT kahit balibaliktarin mo pa ang biblia, iisa ang Diyos, at isang tagapamagitan ng mga tao sa Diyos, ang panginoong Jesus.

    ReplyDelete
  8. nakakabilib ka talagang sumagot ng pagkakamali ng ibang paniniwala, proud ako me INC na katulad moh! Godbless!

    ReplyDelete
  9. kapatid na Readme,paki talakay naman po ang origin o kung saan nagsimula ang Trinity na syang pinagdidiinan nang hindi INC.Hindi po kasi nila alam ang kung kailan inimbento ng mga unang pari nila ang Trinity na kanilang alam hanggang ngayon.Sa ibang relihiyon po kasi hindi nila pinag aaralan ang mga ito gaya ng kung bakit inimbento ng mga unang pari nila ang purgatoryo at ang pagbibinyag sa bata.

    ReplyDelete
  10. I am Christian
    "LALANGIN NATIN" ang tao... Ibig sabihin hindi lang isa ang lumalang tama po ba? Hindi nman pdeng Angel dhil hindi nman siya katulad ng Diyos na kayang Lumalang. Saka sino po yung tinutukoy na Word o Salita na nagkatawang tao? Hindi po ba si Kristo yun? Kasama na "SIYA" ng Diyos sa pasimula pa- (Juan 1:1-2). Hindi naman pdeng ang Diyos Ama yung salita. At kung ang paniniwala ng mga INC na tao lang si Kristo, bakit po sinasabi sa kasulatan na ang Salita ay nagkatawang tao at ang SALITA AY DIYOS? Bakit din sinasabi ni Kristo na "Bago pa ipinanganak si Abraham, Ako'y Ako na? Thanks. God Bless You :))

    ReplyDelete
  11. Kiss Jane,

    Panoorin nio na lang po ang bagong post ni KReadMe: Iglesia Ni Cristo vs. Casa De Oro Baptist Church debate at mapapanood at mapapakinggan niyo po ang kasagutan. Dati po akong Catholic/Born-Again/SDA/JW, kaya masasabi kong parehong pareho ang takbo ng isip ko noong ako'y nasa parehong kinalalagyan niyo po ngayon.

    Mas maganda po yon kasi live po yong debate at nang mas mauunawaan po ninyo nang lubusan na mali po ang inyong pagkaunawa sa nasabing mga talata.

    Ilang ulit na po kasing nasagot rito ang ganung tanong.

    Salamat po.

    ~ Bee Weezer

    ReplyDelete
  12. Ito po ang paliwanag ng iNC sa john 1:1 .. Mali kasi pagkakaintindi ng iba sa talata..

    http://m.youtube.com/watch?v=p7Q_sOwjwmk

    ReplyDelete
  13. GENESIS 1:26 WHY PLURALITY?
    It is admitted that Genesis 1:26 implies plurality. But plurality simply means “more than one.” Why limit the number to three and why involve the Son and the Holy Spirit?
    We should notice that nowhere in the verse does not it state that the pronouns “us” and “our” refer to the “Word” or the “Holy Ghost” as you suggest. God alone created all things (Gen. 1:27; Is. 44:24; 37:16). Then whom was the Lord referring to with the pronouns “us” and “our”? The Father was referring to those who were already in existence then-the Cherubs or the angels (Job 38:4-7; Gen. 3:22, 24). God is acknowledging the presence of the Cherubs or the angels for HE is about to create a being/human in their likeness who will know and will embody God’s image which is righteousness and holiness(Eph. 4:24).


    IMAGE/FORM IN GEN. 1:26& PHIL 2:6
    What is the IMAGE/FORM of God that is being referred to in Gen. 1:26, Col. 1:15 & Phil 2:6?
    “Then God said, “Let us make mankind in our IMAGE, in our LIKENESS”(Gen. 1:26)
    “The Son is the image of the invisible God, the firstborn over all creation.:” (Col. 1:15)
    “who, BEING IN THE FORM OF GOD, did not consider it robbery to be equal with God” (Phil. 2:6)
    --It should be NOTED first. That God does NOT have material/physical form(JOHN 5:37, Deut. 4:12, Deut. 4:15-20). God is a SPIRIT and a SPIRIT does NOT have FLESH AND BONES. (JOHN 4:24, LUKE 24:39) That’s why Jesus and the Apostles described God as INVISIBLE. (JOHN 5:37, ROM. 1:20, COL. 1:15, 1 TIM 1:17)
    Also, God NEVER CHANGE/TRANSFORM, neither God has a shadow of turning.(MAL. 3:6, JAMES 1:17)
    --That’s why God said that a GOD CAN NEVER BE A HUMAN. (Numbers 23:19, NKJV) And a HUMAN CANNOT BE A GOD. (Ezekiel 28:2)
    That’s why God himself declared that he is NOT a HUMAN
    “I will not execute the fierceness of mine anger, I will not return to destroy Ephraim: for I AM GOD, AND NOT MAN; the Holy One in the midst of thee: and I will not enter into the city.”(Hosea 11:9)
    --If God does NOT HAVE physical/material form. Then, why God said “Let us make mankind in our IMAGE, in our LIKENESS”?
    --God was NOT referring to a MATERIAL/PHYSICAL image. So, what image was God is referring to in Gen. 1:26 & Phil. 2:6?? As Apostle stated on Ephesians
    “And be renewed in the spirit of your mind; And that ye put on the new man, WHICH AFTER GOD IS CREATED IN RIGHTEOUSNESS AND TRUE HOLINESS.”(Eph. 4:23-24, KJV)
    “Be that new person who was MADE TO BE LIKE GOD, TRULY GOOD AND PLEASING TO HIM.”(Ep. 4:24, ERV)
    “and to put on the new man, which, according to God, was created in righteousness and kindness of the truth.”(Ep. 4:24, YLT)
    “Put on your new nature, created to be like God—truly righteous and holy.” (Ep. 4:24, NLT)
    That’s why God said “Then God said, “Let us make mankind in our IMAGE, in our LIKENESS”(Gen. 1:26)
    In fact, God predestined those whom HE foreknew or chose to become his sons and daughters be conformed/imitated to the image of HIS Son(Rom.8:28-29). For our Lord Jesus Christ is the image of invisible God(Col. 1:15) ,radiance of God’s glory and the exact representation of HIS being(Heb. 1:3, John 1:14),
    --If we follow the line of argumentation of the TRINATARIANS that God created man in his image/physical image. Then we would come up to the conclusion that God (FATHER, SON, HOLY SPIRIT) has 2 Genders. Coz Gen. 1:27 states; “So God created mankind in his own image, in the image of God he created them; MALE AND FEMALE HE CREATED THEM.”
    And that is a WEAK AND WRONG LINE OF ARGUMENTATION.

    ReplyDelete
  14. Maraming verse sa bible na si Cristo , na syang bugtong na Anak ng Dios(Ama) kasama sa paglalang. Doon sa Kawikaan 30:4 nang nililikha ng dios ang universe mayroon na syang kasama at yun ang anak.Take note po ang anak doon singular iyon (isa) at hindi nakalagay mga anak? Ang tanong sino yung anak na binabanggit sa Psalm 30:4 kong iyong nalalaman?

    ReplyDelete
  15. Ang TRINITY ay IMBENTO LAMANG, inuulit ko po IMBENTO LAMANG.. eto po ang patunay:

    http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/08/tatlong-persona-ng-dios-nasa-biblia-ba.html

    ReplyDelete
  16. Paanong imbento? Kaya nga pag binabaptize ang isang christian ay hindi mawawala ang "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit... hindi pupuwedeng manghimasok ang isang tao lang na gaya ng paniniwala niyo at ng mga dating hudyo na di naniniwala sa pagkaDiyos ni Hesus...dhil pamumusong yun... pareho lng kayo sa mga dating grupo ng hudyo na inuusig ang Panginoong Hesus na di matanggap ang kanyang pagkaDiyos...wala kyong pinagkaiba.tsk. tsk..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello po maam!

      si cristo po...anak ng Diyos,hindi siya rin ang Diyos...kahit ang biblia tinatawag sya na 'a god'sa juan 1:1 hindi ibig sabihin siya narin ang Diyos...

      kung pansinin natin ang talata sa juan 4:23,24 ang Ama ang dapat natin sambahin...si jesus ang nagsabi...

      Delete
    2. yan ang tama yang mga tagasunod ni manalo lahat yan maparurusahan itinatanggi nila na si Jesus ay hindi Dios kung ganon alisin na nila ang title ns iglesia daw ni kristo,paano sila maliligtas kung si kristo ay tao lang umaalis na kayo pinagloloko lang kayo ni manalo eh

      Delete
  17. ◄ John 1:18 ►
    Verse (Click for Chapter)
    New International Version
    No one has ever seen God, but the one and only Son, who is himself God and is in closest relationship with the Father, has made him known.

    Wla pa daw sinuman ang nakakita sa Diyos. Dto po natin masasabi na Si Jesus Christ ay hindi lang basta tao dahil nakita Niya ang Diyos na Sya rin nmn mismo. Qng Si Jesus Christ po ay tao lang bakit pa po sinabi na wla pang sinuman ang nakakita sa Diyos. Diba dapat po, "may isa ng nakakita sa Diyos at yon ay Si Jesus Christ ang dapat na nkasulat sa una. Pero hnd.At tsaka ang utos po Ni Jesus Christ bautismuhan tau sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Tpos nung ginawa na ang pagbabautismu ng mga disipolo . Ang mga tao ay binautismuha sa panglan mismo ni Jesus Christ. Katunayan na iisa tlaga ang Diyos. Si Jesus Christ. Sya ang Ama at Sya rin ang Anak.Iisa ang Diyos. Marami pa pong dahilan para masabi na Si Jesus Christ ay Diyos. Sana po wag tau maniwala sa paliwanag ng ibang tao. Magsuri din po tau wag maging puppet ng iba o mga lider nio. Mag aral ng sarili at humingi ng tulong sa Diyos. Purihin po ang Panginoon. Sana po hindi totoo ung mga balita tungkol sa INC na pumapatay sila ng mga laban sa kanila para matakpan at maitago ang kasinungalingan nila. Sana po hindi totoo. Paghariin po natin ang pag ibig sa ating puso . Yan po ang gusto ng Diyos sa atin mahalin ang isat isa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. im JW
      (sabi mo:katunayan na iisa tlga ang Diyos.sya ang Ama at sya rin ang Anak) mali po ito...bakit?

      basa

      juan 17:3

      "para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan,kailangan nilang makilala ka,ang tanging tunay ng Diyos at ang isinugo mo,si jesu-kristo...

      mapapansin mo sa talata na si cristo ay sinugo lamang or spokeman...o tagapagsalita...

      na ligaw kasi ang iba dahil sa juan 10:30...paano ang Ama at Anak ay iisa? hindi po sila iisang katawan kundi iisa ang kanilang layunin...mababasa sa juan 12:49....sana makatulong sayo ito kaibigan...

      Delete
  18. ◄ John 1:18 ►
    Verse (Click for Chapter)
    New International Version
    No one has ever seen God, but the one and only Son, who is himself God and is in closest relationship with the Father, has made him known.

    ReplyDelete
  19. ok lng ba sumagot d2 sa issue?
    gus2 ko lang linawin sa inyo kung si cristo ay diyos at ang espirito santo ay diyos e bakit sinabi ng diyos sa ISAIAS 44:8 ang nkasulat ay : "Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba."
    kung tunay na diyos ang cristo at espirito santo e bkit sabi ng diyos ay wala siyang nakikilalang iba?
    kung ung nagsasalita sa talatang ito ay 3 persona e sino ba ang diyos na binabanggit sa matandang tipan? yung salitang panginoon o tetragramaton sa old testament yun ba ay tumutukoy sa ama o sa anak o kayay sa espirito santo?
    sa MALAKIAS 2:10 ganito ang sinasabi : "Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno?" ito ang sabi ni propeta malakias sa mga israelita
    tinukoy niya kung ilan at sino ang diyos na lumalang saatin
    ang sabi niya "iisa ang ama" at "iisa ang diyos na lumalang saatin"
    tatanggapin ko ang trinity kung ipinahayag sana ay ganito: "iisa ang ating ama, anak at espirito santo at iisa ang diyos na lumalang saatin" e tinukoy ni propeta malakias ang salitang AMA na siyang binabanggit na Diyos sa matandang tipan ay siya ding nagsalita kay propeta isiais nung sabihin niya na "may diyos baga liban saakin?.. akoy wlang nakikilalang iba"
    kaya kahit ang mga propeta ay nagkakasundo at hindi nagkakakontradikayon

    ReplyDelete
  20. Romans 10:9-10 New International Version (NIV)

    9 If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. 10 For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved.

    ReplyDelete
  21. Si isaias po ba ang kausap ng Panginoon doon sa v.8 ng isaias 6:1-8?

    ReplyDelete
  22. im JW

    Sino ang kausap ng Diyos sa genesis 1:26?

    sagot

    pansinin ang phrase"AYON sa ATING WANGIS"....

    col 1:15

    siya ang larawan ng di-nakikitang Diyos,ang panganay sa lahat ng nilalang.

    heb 1:3

    makikita sa kaniya ang kaluwalhatian ng Diyos at siya ang kaniyang eksaktong larawan.

    juan 17:5

    kaya Ama,luwalhatiin mo ako,hayaan mong makasama kitang muli at magkaroon ako ng kaluwalhatiang taglay ko noong kasama kita bago pa umiral ang sanlibutan...

    basi sa mga talata na sinipi ko..si jesu-cristo ang kausap ng Diyos na jehova...sa gen 1:26...

    ReplyDelete
  23. Naniniwala ako sa holy trinity,,, si jesus at ang dios na lumikha at spirito santo ay iisa,, tinawag si jesus na anak ,kasi andito siya sa sanlibotan nagkatawang tao,, kasi ang sinumang sumunod sa utos ng dios ay tinatawag ng dios ,na anak,, d naman inangkin ni jesus na siya ang dios dahil,gusto nyang ipa alam sa atin na ang dios ay nasa taas,,, dahil jan sinabi ni jesus na, ,,hindi dito sa sanlibuhan makikita ang kanyang kaharian, dahil ang kanyang kaharian ay nasa langit ,,so malinaw pa sa sikat ng araw na iisa lang sila, ang pulong nagkatawang tao at ang pulong dios,, dahil jan c cristo dios,,

    ReplyDelete
  24. hindi kapwa DIYOS ang kausap nya kung d ay ang mga anghel nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eto po Yung kausap NG Diyos...
      1 Corinthians 1:24
      24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.

      Delete
  25. Mali ang turo ng iglesia ni cristo. Maling mali

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.