"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 1, 2013

Bakit "Iglesia ni Cristo" at hindi "Church of Christ"?

Maaaring naguluhan kayo sa pamagat ng artikulo kong ito.


Ang binabanggit ko po ay ang official name ng "Iglesia ni Cristo".

Bakit sa tagalog at hindi sa english para mas maintindihan ng ibang lahi lalo na sa ibang bansa?

Kung open minded tayo at marunong MAKAINTINDI, hindi dapat ito maging BIG DEAL para sa kanino man. Hindi ito dapat pag-aksayahan ng panahon sa pag-iisip dahil pinapasakit nyo lang ang utak nyo tulad ng isang Catholic defender na nagpasimula ng usaping ito. Sino siya? Kung madalas kayong nagbabasa ng blog ko, kilala nyo siya! ^^

Siya lang naman ang nag-iisang Catholic defender sa Pilipinas na inggit na inggit sa Iglesia ni Cristo at ayaw maniwala sa kahit ano mang sinasabi ng kahit sinong INC member kahit pa tama dahil nga SARADO ANG UTAK nitong taong ito. Kilala siya sa paggawa ng mga istorya at mga usapin na walang kakawenta kwenta ang mga argumento. Mayroon siyang blog na "In defense of the Church" daw pero karamihan sa post niya ay puro anti-INC. 

Napapakamot tuloy ako sa ulo, bakit, Iglesia ni Cristo lang ba ang church ang sa tingin mong umaatake sa paniniwala mo? Ang sa pagkakaalam ko, sinasabi mo na ang Roman Catholic Church mo ang MOST PERSECUTED RELIGION sa buong mundo, bakit puro ANTI-INC lang ang laman ng blog mo?

Sa sobrang inggit nga nitong Catholic defender na ito, akalain nyo ba naman gayahin ang pangalang ng Iglesia ni Cristo at ipantawag sa CHURCH NIYA?



Hindi bat paglabag ito sa katuruan nila, dahil ang opisyal na pangalan DAW ng Iglesiang tinayo DAW ni Kristo ay ang One Holy Catholic Apostolic Roman Church. Bukod sa nilalabag niya ang aral ng simbahan nila, eh KINONTRA rin niya ang sarili niya dahil dati ay madalas niyang sinasabing hindi daw "Iglesia ni Cristo" (pansinin: capital letters, noun) kundi yung One holy etc... ang tunay na IGLESIA.

Maraming beses nang napahiya ang Katolikong ito dahil sa mga katotohanang inihayag ko sa aking blog, at siya mismo rin ay nakakabasa nito kaya unti unti nang nababago ang kaniyang paniniwala. Yung mga atake niya dati ay hindi na niya inuulit, dahil alam niya sa sarili niyang walang kakwenta kwenta ang kaniyang mga argumento.


Bakit "Iglesia ni Cristo"?

Dahil ito ang pangalang ipinarehistro ni Ka Felix Manalo:

 "To avoid problems in the future, the Iglesia ni Cristo was officially registered as a corporation sole with Felix Manalo as executive minister on July 27, 1914..." source: National Historical Commission

"To avoid accusations of preaching an unrecognized church, Felix Manalo decided to register the Iglesia ni Cristo with the Philippine government. He asked a lawyer friend, Juan Natividad, to assist him. On July 27, 1914, the Iglesia ni Cristo was officially registered, the date of its registration coinciding with the outbreak of World War I. It was registered as a "corporation sole" with Felix Manalo as Executive Minister." source: student631.tripod.com

Sasabihin ng ilan, eh bakit nga "Iglesia ni Cristo", bakit sa tagalog, pwede namang english para mas marami ang makakaintindi.

Sagot: Kahit kayo alam kong alam nyo na naman ang sagot diyan, bago pa kasi maiparehistro ang Iglesia ni Cristo noong 1914 eh may mga nag eexist na sa ibang bansa na ang pangalan ay "CHURCH OF CHRIST".

Sa mga malawak ang kaisipan, bakit mo naman ipapangalan ang church mo o kahit pa business mo o produkto mo sa isang pangalang may nauna na sayo? Para ano? Para malito ang mga tao?

Tama rin naman itong gumawa ng isyu, na ang pangalang "Iglesia ni Cristo" na may INC logo ay isang trademark.

Teka, ano bang meron sa trademark? Ano ba ito?

 "A trademark, trade mark, or trade-mark is a recognizable sign, design or expression which identifies products or services of a particular source from those of others. The trademark owner can be an individual, business organization, or any legal entity."

"A trademark is typically a name, word, phrase, logo, symbol, design, image, or a combination of these elements."

"The law considers a trademark to be a form of property. Proprietary rights in relation to a trademark may be established through actual use in the marketplace, or through registration of the mark with the trademarks office (or "trademarks registry") of a particular jurisdiction."

"A registered trademark confers a bundle of exclusive rights upon the registered owner, including the right to exclusive use of the mark in relation to the products or services for which it is registered. The law in most jurisdictions also allows the owner of a registered trademark to prevent unauthorized use of the mark in relation to products or services which are identical or "colourfully" similar to the "registered" products or services, and in certain cases, prevent use in relation to entirely dissimilar products or services."

source: wikipedia

Kung tutuusin alam kong alam nyo na ang tungkol dito dahil nag aral naman tayo. Sa amin pinag-aralan namin to sa "Principles of Marketing". Siguro itong Catholic defender na ito ay hindi nag aral kaya ganyan, o kaya naman ay TULOG nung dinidiscuss ng professor niya. ^^

Wala akong nakikitang mali sa pagpaparehistro ng isang PANGALAN upang hindi magamit ng iba. Lalo na pagdating sa CHURCH, bawat church magkakaiba ng paniniwala kaya hindi pwedeng yung church #1 na naniniwalang Diyos si Kristo eh kapangalan din yung church #2 na naniniwala namang hindi Diyos si Kristo.

Ang isang napakagandang example ay yung Iglesia ni Mr. Soriano. Tignan nyo naman nakailang palit na siya ng pangalan ng Iglesia niya paano ba naman may kapangalang iba yung church niya. Kaya kinasuhan siya ng maraming beses, hanggang sa maging "Members church of God international" ang pangalan ng Iglesia niya.

Kaya importante na protected yung  pangalan na "Iglesia ni Cristo" para hindi magamit ng iba.

Isa sa pinakaimportanteng doktrina ng Iglesia ni Cristo ay tungkol sa PANGALAN ng Iglesiang itinatag ni Kristo kaya wag na tayong magtataka dito.

Eh ano kaya sa tingin niyo ang mangyayari kung saka-sakaling hindi ito nairehistro sa SEC?

Ang Iglesia ni Cristo nga nakarehistro na sa SEC, pero meron paring mga kapangalan sa PILIPINAS PALANG:


 source: sec.gov.ph



Eto naman ang mga church na may "Church of Christ" sa pangalan, daan daan itong nakarehistro, ipapakita ko lang ang sample:



source: sec.gov.ph


Paano pa kaya yung mga hindi nakarehistro? Ilan pa kaya sila?

Sasabihin ng ilan, eh sino ba kasi nagsabing iparehistro niyo sa SEC ang Iglesia nyo? San mababasa sa bibliya na dapat gawing trademark at dapat iparehistro sa SEC ang Iglesiang itinayo ni Kristo?


Ang pinag uusapan kasi dito ay BATAS. Wala kaming doktrinang kesyo dapat iparehistro sa SEC o kung ano pa man kaya sana ay wag nyo nang ipilit at huwag nyo kaming paghanapin ng mga bagay sa bibliya na alam nyo namang wala, napaghahalataan tuloy kayo... ^^

Eto ang sabi ng bibliya:

"Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila'y paparusahan." Roma 13:1-2

Yan ang sinasabi ng bibliya tungkol sa mga pinuno at sa batas, PASAKOP daw. Ang pagpaparehistro ng INC at kung ano-ano pa ay usaping LEGAL, may kinalaman ito sa batas kaya dapat ay sundin.


Pag sinabi mong "Iglesia ni Cristo" alam na ng kausap mo na ito ay yung Iglesia ni Cristo na nagmula sa Pilipinas, hindi yung LDS Church, at hindi rin yung ibat ibang Church of Christ o Churches of Christ sa ibang bansa. 

Kaya bakit "Iglesia ni Cristo" at hindi "Church of Christ"? 

Eto tignan mo:


The term Church of Christ may refer to:
source: wikipedia

Siguro naman ay happy na si Catholic Defender na tinutukoy ko dahil sa wakas natupad na rin ang kaniyang pinapangarap, ang maipost ko at maipalam sa iba na marami ang church na may pangalang CHURCH OF CHRIST.

Pero ang tanong...

SO?

hahaha

Alam ko namang hindi niya katulad ang mga mambabasa at mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Siguradoy alam na nila na may mga church na may "Church of Christ" sa pangalan nila. Ang Mormons pa nga lang eh, "The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints".

Napaka IMPOSIBLE din naman kasing hindi mawawala ang words na "Church" at "Christ" sa mga pangalan ng relihiyon dahil alam nilang lahat na si KRISTO ang nagtayo ng IGLESIA.

Ang pinaka RASON kung bakit "Iglesia ni Cristo" ay upang ma IDENTIFY ng maayos ng mga tao ang church na ito sa ibang CHURCH na may kaparehas na pangalan. Ganoon lang kasimple yon. Kahit grade 5 student maiintindihan yon.

Pero kung mapapansin nyo, yung PANGALAN NILANG "Church of Christ" o "Iglesia ni Cristo" may kadugtong, tulad ng mga nasa taas: Church of Christ 1901 in Bagong Barrio Inc., Iglesia ni Cristo sa ibabaw ng bato, Church of Christ (Temple Lot) etc... siguroy nasa LIBO na ang mga church na may pangalang ganito sa BUONG MUNDO.

Pero ang TUNAY na "Iglesia ni Cristo/Church of Christ" kung mapapansin nyo, WALANG KADUGTONG. Kaya masasabi kong meron talagang NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO.


Alin ang TUNAY na "IGLESIA NI CRISTO"?

Yan ang tanong ng ilan. Kung napakarami palang church na may "Iglesia ni Cristo" sa pangalan, alin dito ang TUNAY na Iglesiang itinayo ni Kristo o ang tunay na IGLESIA NI CRISTO?

Hindi na nakakapagtaka kung maraming church ang may pangalang ganyan, dahil nung panahon nga ni Kristo marami na ring nagpapanggap na SILA DAW ANG KRISTO:


"Sumagot si Jesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw." Mateo 24:2-5

Marami daw paparito at magpapanggap na sila ang KRISTO, at MARAMI SILANG ILILIGAW. Ganun din sa mga CHURCH na may "Iglesia ni Cristo" sa pangalan, hindi lahat ng ito ay TUNAY kaya marami silang MAILILIGAW. Pero kahit maraming PEKE na "Iglesia ni Cristo" mayroon at mayroong NAG-IISANG TUNAY sa mga iyon.

Hindi pwedeng wala sa mundo ang TUNAY na "Iglesia ni Cristo" dahil kung ganoon pala eh naglolokohan lang tayo, libo-libo ang relihiyon sa buong mundo tapos miski isa pala wala doon ang TUNAY at TOTOO.

Itatanong ng ilan, eh kung merong NAG-IISANG TUNAY na "Iglesia ni Cristo" sa daan daang churches na may "Iglesia ni Cristo/Church of Christ" sa pangalan, papaano namin malalaman kung alin dun yung TUNAY at TOTOO?

Sagot: Makikita at malalaman iyon sa DOKTRINA. Kung ang mga doktrina ng isang "Church of Christ" o "Iglesia ni Cristo" ay hindi galing sa BIBLIYA, hindi yon ang TUNAY. Tungkulin ng bawat isa sa atin na hanapin ang TUNAY na Iglesia na iyon, dahil nakataya dito ang ating KALIGTASAN.

Iglesia ni Cristo/ Church of Christ/ Iglesia de Cristo/ Eglise du Christ/ Εκκλησία του Χριστού/ キリスト教会/ Igreja de Cristo/ คริสตจักรของพระคริสต์/ Giáo Hội Chúa Kitô/ Ecclesiam Christi/ 그리스도의 교회/Chiesa di Cristo/  Cכנסיית המשיח

IISA LANG IBIG SABIHIN at TINUTUKOY NIYAN:



"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya." Mateo 16:18

Ang tinutukoy diyan ay ang IGLESIANG ITINATAG NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO.

Kaya walang big deal dyan. Hindi yan ISYU. Kung sa bagay, sa kaniya lang naman ito naging isang ISYU. Ganun talaga pag masyadong MATALINO, kung ano anong naiisip, kahit MASAMA.


7 comments:

  1. dugtong ko lang po Ka Read Me.. sa mga nagbabasa po.. dito ka lang sa Iglesia na ito makaririnig ng mga Salita ng Diyos na di kumokontra sa ibang verses ng bible.. dito sa Iglesiang ito.. lahat ng verses sa bible maituturo ng maayos at walang pinipiling verses na pumapabor lang ayon sa gusto lang na ituro.. ika nga eh.. dito walang kulang, walang dagdag na pagtuturo.. walang sariling interpretasyon o haka-haka bagkus lahat ay merong matibay ka katibayan o ebidensiya na nagpapatunay sa bawat leksyong itinuturo..

    God Bless sa lahat ng taong naghahanap ng TUNAY at TAMANG DIYOS na ipinapangaral.. ^_^

    ReplyDelete
  2. Ergo, name is should not be used as basis of the true Church since someone had already used that kind of argument. Romans 16:16 and Acts 20:28 should never be brought up again.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The true church in the first century is called and SHOULD BE called Church of Christ because it is CHRIST who founded the church. We do not have a doctrine that says, any church that has the name "Church of Christ" is the TRUE CHURCH. That's not how you understand things if you are smart enough.

      Delete
    2. Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO.” (Gawa 4:12 MB)

      “At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.” (Juan 17:11 MB)

      “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18)

      “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…”
      (Colosas 1:18)

      “Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16 NPV)

      “Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at TINATAWAG ANG KANIYANG SARILING MGA TUPA SA PANGALAN, at sila'y inihahatid sa labas.” (Juan 10:3)

      At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. (Juan 10:16)

      "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” (Gawa 20:28 Lamsa)

      “Hindi ba't sila rin ang dumudusta sa MARANGAL NA PANGALANG IBINIGAY SA INYO NG DIYOS?” (Santiago 2:7 MB)

      Delete
  3. I think it is only your assumption that the name of the should be called "Church of Christ". In fact not only the name "Church of Christ" is found in the bible which refers to one church. There are a lot of names

    A City set on a Mountain, Matthew 5:14.
    A Dwelling Place for GOD, Ephesians 2:22.
    A Spiritual House, 1Peter 2:5.
    GOD's Building, 1Corinthians 3:9.
    Mount Zion, Psalms 2:6, Micah 4:7, Hebrews 12:22.
    My Church, Matthew 16:18.
    Our Mother, Galatians 4:26.
    The Bride of Christ, Joel 2:16, John 3:29, Revelation 21:2.
    The Body of Christ, Ephesians 1:22-23, Colossians 1:24.
    The Church of GOD, Acts 20:28.
    The Church of the Firstborn, Hebrews 12:23.
    The City of the Living GOD, Hebrews 12:22.
    The City of Truth, Zechariah 8:3.
    The Congregation of Saints, Psalms 149:1.
    The Daughter of the King, Psalms 45:13.
    The dispenser of the Wisdom of GOD, Ephesians 3:7-11.
    The final authority of GOD on earth, Matthew 18:15-18.
    The Fold of Christ, John 10:16.
    The Heavenly Jerusalem, Galatians 4:26.
    The Holy City, Revelation 21:2.
    The Holy Mountain, Zechariah 8:3.
    The House of Christ, Hebrews 3:6.
    The House of GOD, 1Timothy 3:15, Hebrews 10:21.
    The Household of GOD, Ephesians 2:19.
    The Kingdom of GOD, Luke 4:43.
    The Kingdom of Heaven, Matthew 13:31.
    The Lamb's Spouse, Revelation 19:7,21:9
    The New Jerusalem, Isaiah 65:18, Revelation 3:12,21:2.
    The Pillar and Foundation of Truth, 1Timothy 3:15

    Granting that the name of the church should be "Church of Christ" I would rather be a member of Church of Christ was laid down by men out of the Stone-Campbell movement of 1832. They came before Iglesia ni Cristo. Don't you think?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Riel Lopez,

      good day mr. catholic defender, i think i dont need to explain so much things to you because you already agreed that the name "Church of Christ" is IN THE BIBLE and that "Church of Christ" IS A NAME. Thank you for admitting that! ^^

      Mr. Lopez said:
      "In fact not only the name "Church of Christ" is found in the bible..."

      In what verse in the bible does Mr. Lopez found the NAME "Church of Christ" that made him say "IN FACT"?

      Delete
  4. Bkit hindi mo n lang icompare ang aral ng Iglesia ni Cristo sa aral ng Church of Christ (1832) ? Aralin mo..saliksikin mo bka sakaling buksan ng Dios ang isip mo at ituro sayo ang tamang daan.( 1Jn 4:1 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.; : Jer 6:16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa:.........)

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.