Yan ang dahilan kung bakit hindi kami kumakain ng dugo o ginagawang pagkain ang dugo. Maraming palusot na walang sense at mali mali ang inimbento ng mga kumakaaway sa Iglesia para lang kontrahin ang mga miyembro sa pagkain ng isang bagay na ipinagbabawal ng Diyos.
Hindi na ito nakakapagtaka, kung maaalala niyo, meron ding ipinagbawal ang Diyos na kainin ng tao:
"Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka." Genesis 2:15-17
Pero ano ang sinabi ng ahas?
"Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!" "Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama." Genesis 3:4-5
Ganyan na ganyan din ang sinasabi ng mga kumakaaway sa Iglesia, sabi nila, eh hindi naman ipinagbabawal ang pagkain ng dugo, kesyo sa Old testament lang utos yon, kesyo sabi sa bibliya hindi dapat hatulan ang isang tao dahil sa kinain o ininom nito at marami pang iba. Katulad na katulad sila ng AHAS! Dahil sa AHAS na iyon ay nahulog sa TUKSO at SUMPA ng Diyos si Eba at si Adan, sana ay huwag mangyari sa atin ito.
Pero totoo ba talaga at bakit nga ba ipinagbabawal ang pagkain ng DUGO?
Ang DUGO ay BUHAY at pantubos ng BUHAY
"Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin." Deut. 12:23 BMBB
"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman." Deut. 12:23
Yan pala ang dahilan kung bakit hindi natin dapat kainin ang DUGO, dahil ito ay siyang BUHAY, ito rin ay PANTUBOS NG BUHAY:
"Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.” Lev. 17:11
Ito ang makakapagtubos sa atin sa ating mga kasalanan, sa pamamagitan ng DUGO ng ating Panginoong Hesukristo:
"Kung ang dugo ng mga kambing at toro, at ang abo ng dumalagang baka ang iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi upang sila'y luminis ayon sa Kautusan, higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating a puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buhay." Heb. 9: 13-14
Kung hindi dahil sa DUGO ay walang kapatawaran ang kasalanan:
"Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung hindi sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo." Heb. 9:22
Meron naman palang mga dahilan at ipinakita din sa atin ang halaga at gamit ng DUGO, hindi pala ito ginawa para maging PAGKAIN NATIN.
Ang pagbabawal sa PAGKAIN nito
Itanong natin sa bibliya, pwede bang kainin ang DUGO?
"Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.’’ Gen. 9:4
HUWAG DAW KAININ ang DUGO. Ang sabi pa sa isang verse, hindi lang HUWAG, kundi HUWAG NA HUWAG:
"Huwag na huwag ninyong kakainin ang dugo, sa halip ay patuluin ito sa lupa." Deut. 12: 24
Yan maliwanag mga kaibigan, HUWAG NA HUWAG DAW NINYONG KAKAININ ANG DUGO, sa halip daw ay patuluin ito sa LUPA. Ganito rin ang sinasabi sa Lev. 17:13, kung ang sinuman daw ay humuli ng hayop o ibong makakain, DAPAT NIYANG ITAPON ANG DUGO NIYON at TABUNAN NG LUPA:
"At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa."
Ang sasapitin ng sinumang sumunod at sumuway sa kautusang ito
Ano ang sinasabi sa bibliya sa sasapitin ng LALABAG dito?
"Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man." Lev. 17:10
"Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan." Lev. 17:14
KAPOPOOTAN at ITITIWALAG pala ng Diyos sa sambayanan ang sinumang kumain ng DUGO. Pero kung hindi tayo kakain ng dugo, ano ang sasapitin naman natin?
"Huwag ninyong kakainin iyon; magiging maganda ang buhay ninyo at ng inyong mga anak kung gagawin ninyo ang naaayon sa kagustuhan ni Yahweh." Deut. 12:25
Magiging maganda pala ang buhay natin at ng ating mga anak kung GAGAWIN natin ang kagustuhan ng DIYOS!
Totoo bang sa OLD TESTAMENT lang ito ipinag uutos?
Tanungin natin si NEW TESTAMENT, magtatanong lang ako new testament, meron bang nakasulat sayo na ipinagbabawal pa rin hanggang sa CHRISTIAN ERA ang pagkain ng DUGO?
Sabi ni Pablo, APOSTOL ni KRISTO:
"...Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid." Gawa 21: 25
Sabi ni Santiago, APOSTOL ni KRISTO:
"Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, a at huwag kakain ng dugo." Gawa 15:20
Sabi ng mga APOSTOL at PINUNO NG IGLESIA:
"Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman: "Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia." "Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam."" Gawa 15: 23, 29
Baka hindi mabasa ng ilan, yan, nilakihan ko na. Mismong mga apostol at mga pinuno sa Iglesia ang nagsasabi na HUWAG KAYONG KAKAIN NG DUGO... para MAPABUTI KAYO.
Sasabihin naman ng ilang pilosopo, eh bakit pagkain lang ng dugo ang ipinagbabawal niyo, eh ayan oh, meron pang ibang ipinagbabawal!
Nagquote ako ng mga verses sa bible na makapagpapatunay na hanggang sa CHRISTIAN ERA ay ipinagbabawala ng pagkain ng dugo, at tama, may mga ipinagbabawal din tulad ng huwag kakain ng anumang inihandog sa diyos-diyosan (kaya hindi kami nakikifiesta), hayop na binigti at ang pakikiapid. Kung ito ay ipinagbabawal ayon sa bibliya, malamang ay BAWAL din samin ang mga nabanggit.
Totoo bang OKAY NA, PWEDE NANG kumain ng DUGO?
Yan ang sabi ng mga katulad ng AHAS, sa pagnanais nilang tuksuhin ang mga tao sa pagkain na ipinagbabawal ng Diyos. Naghanap sila ng mga verses sa bibliya kung saan, DIUMANO ay PWEDE na ang pagkain ng dugo. Ano-ano ba itong verses na ito na nilikot ang pagpapakahulugan?
"Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng Sabbath” Colosas 2:16
“Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila” Hebreo 13:9
“Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao” Mateo 15:11
“Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo” Roma 14:17
“Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi” Roma 14:20
“Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan” Roma 14:23
“Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi” I Corinto 10:25
“Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi” I Corinto 10:27
Ito daw ang mga bible verses kung saan sinasabing PWEDE NA, OKAY NA KUMAIN NG DUGO, hindi na daw ipinagbabawal KUMAIN NG DUGO.
Mga tanong:
Saan binanggit sa mga talata na nagsasabi na OKAY NA, PWEDE NA ang PAGKAIN NG DUGO?
Saan binanggit sa mga talata na kasama ang DUGO sa mga pwede nang kainin o inumin?
Ang purpose ba ng DUGO ay upang maging PAGKAIN o INUMIN?
Kung ang sinasabi man sa mga verses na ito ay hindi tayo hinahatulan sa ating kinakain, ito ay tumutukoy hindi sa pagkain ng DUGO kundi sa mga pagkaing ipinagbawal ng Diyos noon una tulad ng nakasulat sa Levitico 11: 1-47, ito ang mga pagkaing "marumi".
Pero sabi sa col. 1:16, ikokowt ko uli, ang mga itoy pupwede nang kainin:
"Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga."
Dahil NILINIS NA ITO NG DIYOS, ayon sa nangyari kay Apostol Pedro:
"Kinabukasan, samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat sa bubungan upang manalangin. Bandang tanghali na noon. Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain. Ngunit habang naghihintay siyang maihanda ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain.
Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababa sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok. Naroon sa kumot ang lahat ng uri ng hayop, mga lumalakad, gumagapang, at lumilipad. Narinig niya ang isang tinig, "Pedro! tumindig ka, magkatay ka at kumain."
Ngunit sumagot si Pedro, "Hindi ko po magagawa iyan, Panginoon! Kailanma'y hindi ako kumain ng anumang marumi."
Muli niyang narinig ang tinig, "Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos."
Gawa 10: 9-15
Nag-alinlangan si Apostol Pablo na kumain dahil alam niyang ang mga itoy "MARUMI", pero sinabi, "huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos" yan ang makakapagpatunay na pwede ng kainin ang dating tinaguriang mga pagkaing "marumi" kaya kaming mga Iglesia ni Cristo ay hindi pinagbabawalang kumain ng mga pagkain bastat huwag lang ang mga bagay na ipinagbabawal pa rin hanggang sa kasalukuyan tulad ng DUGO, mga hayop na binigti at mga pagkaing inialay sa mga Diyos-Diyosan.
Sabi rin sa Roma 14:20
"Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa iyong kinakain."
Sabi ng ating Panginoong Hesukristo:
Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin! Walang pagkain na pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas dito."
Iniwan ni Jesus ang mga tao, at nang makapasok na siya sa bahay, siya'y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinhaga. "Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin ninyo ako maunawaan?" tanong ni Jesus.
"Hindi ba ninyo alam na hindi ang anumang mula sa labas ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya, sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi." Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin." Marcos 7:14-19
Ang tanong muli, ang DUGO ba ay PAGKAIN?
"Huwag lamang ninyong kakainin ang karneng hindi inalisan ng dugo sapagkat nasa dugo ang buhay." Gen. 9:4
Huwag daw kakainin ang KARNENG hindi inalisan ng DUGO. Kung isa ring PAGKAIN ang DUGO, bakit kailangan pa itong ipaalis? Kung isa rin itong PAGKAIN, bakit hanggang sa CHRISTIAN ERA eh ipinagbabawal itong kainin? Kapag ba kaya mong kainin, eh maituturing na pagkain na agad?
Ang papel kaya nating kainin, sa katunayan may mga gumagawa nito, pero HINDI DAPAT ito kinakain at hindi ito isang PAGKAIN.
Meron ding mga pumapapak ng bigas, pero hindi naman ito dapat KINAKAIN, dapat muna itong LUTUIN dahil nakakasama ito sa ating kalusugan.
Ang hilaw na karne ay kaya nating kainin, sa japan ay practice ito, pero DAPAT MUNA itong lutuin dahil ang mga hilaw na karne ay maaaring may mga bacteria.
Ang hilaw na itlog ay kaya nating kainin, may ilang gumagawa nito pero MALI dahil may bacteria din ito at namamatay lamang ang mga bacteria na ito pag itoy naluto.
Ang DUGO ay kaya rin nating kainin, lutuin at gawing pagkain NGUNIT MALI ito dahil ipinagbabawal ito ng bibliya sapagkat hindi ginawa ang dugo BILANG PAGKAIN o INUMIN.
Ito pa ang verses na sinasabi nila na pwede daw kainin ang DUGO:
"Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya." Juan 6: 53-57
Hindi ko lubos maisip na pati ang sinabi ni Kristo na kinikilala nilang Diyos ay lilikutin din ang pakahulugan. Kelan pa nila NAINOM ang DUGO ni Kristo? Ano ang dugo ni Kristo, UNLIMITED? Nag-eexist hanggang ngayon? Di bat isang pambabastos sa kanilang Diyos ang mali nilang pagkaintindi sa mga talatang ito?
Sabi ng kanilang kinikilalang First Pope, si Apostol Pedro:
"Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalala. Kaya lang, ang ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili." II Pedro 3:16
Sarili nila ang ipinapahamak nila sa ginagawa nila. Napakadali lang naman kasi intindihin kung tutuusin ang nasa Juan 6: 53-57, ang tinutukoy dito ay hindi ang LITERAL NA DUGO at KATAWAN NI KRISTO kundi tinapay at ang kopa (katas ng ubas):
"Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin." Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin." Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito." I Cor. 11:23-26
Mga cannibal ba (sorry to say) ang mga Apostol para KAININ ng LITERAL ang KATAWAN at DUGO ni KRISTO? Sagot?
At panghuli, ang verse na ito na nasa LEVITICO pa man din, sabi daw nila DUGO daw ang tinutukoy dito na "nararapat sana ninyong kainin sa santuario", tanong, totoo bang DUGO ANG TINUTUKOY SA VERSE NA ITO?
“Narito, hindi ipinasok ang dugo niyaon sa loob ng santuario; nararapat sana ninyong kanin sa santuario, gaya ng iniutos ko.” Lev. 10:18
Tignan nga natin sa ibang salin:
New International Version (©2011)
Since its blood was not taken into the Holy Place, you should have eaten the goat in the sanctuary area, as I commanded."
New Living Translation (©2007)
Since the animal's blood was not brought into the Holy Place, you should have eaten the meat in the sacred area as I ordered you."
Easy-to-Read Version (ERV)
That goat’s blood was not brought into the Holy Place. So you should have eaten the meat in the holy area, just as I commanded!”
Kitang kita talaga ang gawa ng kasamaan, totoo ngang marami silang MAILILIGAW. Hindi naman pala DUGO ang tinutukoy doon na dapat sanang kainin sa sanctuario kundi yung KARNE.
Meron na bang nagkasala sa pagkain ng DUGO?
Meron, ang mga Israelita ay natuksong kumain ng dugo dahil sa sobrang gutom:
“At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo. Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.” I sam. 14:32-33
NAGKAKASALA pala ang tao pag kumakain ng dugo, pero ano ang sinabi ni Saul? Pinagpatuloy ba ang pagkain ng dugo o ipinatigil?
“At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.” I sam. 14:34
Gumawa pala ng solusyon si Saul para HUWAG NANG MAGKASALA laban sa Panginoon sa PAGKAIN NG DUGO. Ngunit tulad nila, paano kung ang isang tao ay kumakain pa rin ng dugo pagtapos nyang malaman ang katotohanan na ipinagbabawal at nagkakasala pala ang taong kumakain nito?
“Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.” Heb. 10: 26-27
Mag ingat! Kung sinasadya pala natin ang pagkakasala o patuloy pa rin tayong kumakain ng DUGO kahit nalaman na natin na ipinagbabawal itong kainin WALA NANG HAING NATITIRA PATUNGKOL SA ATING MGA KASALANAN, kundi isang KAKILA KILABOT NA paghihintay sa PAGHUHUKOM, at isang KABANGISAN ng APOY NA LALAMON sa mga kaaway o sa mga lumalabag sa kautusan.
Ano-ano ba ang mga pagkaing may halong DUGO?
Bago natin talakayin yan, balikan muna uli natin ang pagbabawal sa bibliya:
"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.” Deut. 12:23
Saktong sakto kasi sa mga pagkaing inimbento ng tao ngayon, ang mga pagkaing may HALONG DUGO, bukod kasi sa pagbabawal ng pagkain ng DUGO, bawal din kainin ang KARNE o LAMAN na may halong DUGO.
Ang Dinuguan (blood pudding/ pork blood stew) diba ay gawa sa karne/lamang loob ng baboy na may HALONG DUGO?
Ang Blood Sausage ay gawa rin sa karne at iba pa na may halong DUGO.
Ano ano pa ang mga pagkaing gawa sa DUGO?
- Blood pancakes
- Blood soups and stews ( czernina, dinuguan, haejangguk, mykyrokka, pig's organ soup, tiet canh and svartsoppa.)
- Blood sauces ( coq au vin or pressed duck, and puddings, such as tiết canh.)
- Blood tofu
at marami pang iba.
Eto na naman, alam nyo bang ang Abrahamic Religions, Judaism at Islam ay bawal sa kanila ang pagkain ng DUGO? Bakit ang Christianity na abrahamic religion din naman, partikular na ang Roman Catholic Church ay PWEDE ANG PAGKAIN NG DUGO?
Buti na lang ang totoong Christians, ang TUNAY na IGLESIANG ITINATAG ni KRISTO, ang Iglesia ni Cristo, sinusunod ang pagbabawal sa pagkain ng DUGO.
nice topic bro. readme, napakalinaw ng paliwanag mo, short explanation lang pero napakalinaw... keeo it up bro!
ReplyDeleteNice topic bro napakaliwanag sana tumatak sa Puso ng mga hindi pa natin kapanampalataya
ReplyDelete“All the fat belongs to Yaweh. This is a law forever for all your descendants, wherever they may live: never eat either fat or blood.” (Lv 3:17 Christian Community Bible)
ReplyDeleteHindi rin ba kayo kumakain ng taba? BBQ, Lechon, adobo at iba pa ay may taba
lahat po nang pagkain nilinis na. maliban sa Dugo., kasi ang dugo ginawa para pantubos ng kasalanan. ang dugo ang syang buhay. at hindi ginawa para kainin
Deleteyung mga pinagbawal po noon sa lumang tipan at ipinagbawal parin hanggang sa bagong tipan na panahon ng mga kristiyano na panahon natin ngayon, yun po ang sinusunod ng INC.. ang pagkain ng dugo ay bawal noong lumang tipan hanggang sa bagong tipan.. yung taba po ay walang sinabing ipinagbabawal parin sa bagong tipan, yung dugo lang po tsaka binigti.
ReplyDeleteTama ang sinabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 15:16-20. Mahirap ba talagang unawain ang mga bagay na ito?
ReplyDelete16 At sinabi ni Jesus, "Pati ba kayo'y wala ring pang-unawa? 17 Hindi ba ninyo nalalaman na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan at pagkatapos ay idinudumi? 18 Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Iyan ang nagpaparumi sa tao. 19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. 20 Iyan ang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos.
Simple lang naman ang sinabi ng Panginoong Jesus, mahirap pa rin bang unawain ito? Tama naman na kapag may kinain ka, una papasok sa bibig, tutuloy sa tiyan, matutunaw at idudumi pagkatapos. Yun ang proseso. Paano tayo magkakasala sa ganitong mga bagay? Ang lumalabas sa bibig at hindi ang pumapasok ang talagang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos.
Hindi sa winawalang halaga natin ang mga kautusan ng mga propeta at mga apostol. Subalit sino ba ang mas higit na nakakakilala sa Diyos Ama? Sino ba ang nakasama ng Ama sa matagal na panahon bago pa lalangin ang lahat ng bagay? Sinabi sa Mateo 11:27 “Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya.” Ang panginoong Jesus lamang ang higit na nakakakilala sa Ama at ang mga taong pinagpahayagan ng Anak. Kaya nga ipinahayag sa atin ng Panginoong Jesus kung ano talaga ang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos. Ang Diyos Ama ang nagsabi ng mga bagay na ito at ipinahayag sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Sabi sa Juan 8:26 “Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo. Ngunit totoo ang sinasabi ng nagsugo sa akin, at ang narinig ko sa kanya ang ipinapahayag ko sa sanlibutan.” Sinasabi lamang Niya ang mga bagay na Kanyang narinig mula sa Ama. Kaya malinaw na ang Ama ang nagsabi ng mga bagay na ito na ang lumalabas sa bibig na nanggagaling sa puso ang talagang nagpaparumi sa tao sa Kanyang paningin at hindi ang pumapasok dito. Ang Panginoong Jesus lamang ang nagpahayag sa sanlibutan ng mga narinig niya mula sa Ama. Malinaw naman ang ipinahayag ng Panginoong Jesus ngunit marami pa ring hindi lubos na nakakaunawa sa mga bagay tungkol sa kung ano talaga ang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos Ama.
Jolip,
ReplyDeleteTAMA PO LAHAT ANG SINASABI NINYO..kung ang pag-uusapan ay PAGKAIN.
Ang dugo po ay HINDI PAGKAIN at kailanman ay HINDI IBINIGAY NA PAGKAIN sa tao.
Dahil bakit mo kakainin ang isang bagay na ibinibilang na BUHAY?
Kung gayon, ang inyong "paliwanag" ay WALANG KINALAMAN SA PINAG-UUSAPAN.
Dahil ang sinasabi po ninyo ay ukol sa PAGKAIN talaga, samantalang ang artikulong eto
ay ukol po sa HINDI PAGKAIN na kinakain na NAKAKARIMARIM sa paningin ng Panginoong Diyos.
at HINDI MAHIRAP UNAWAIN ETO PARA SA INC.
--Bee
--Bee Bakit po kailangang banggitin pa sa BIbliya ang dugo na "bawal kainin" kung sa una pa lamang ay sadyang "hindi" na ito kinakain. Dahil kung talagang hindi pagkain ang dugo sa una pa lamang, nangangahulugang isang suhestiyon lamang ito "kung sakaling balak pa lamang" nila na kumain ng dugo. Ang mga talata ay pagbabawal sa "dating ginagawa" sapagkat itinuturing na marumi ayon sa kultura at tradition ng mga hudyo. Kaya mga hudyo ang "binabawalan" diyan at pinapatungkulan ng mga kaparusahan. Iba na ang situationg gustong ipahayag sa panahon ng Panginoong Hesus sapagkat sa Kanya ang KAGANAPAN ng mga kahulugan kung bakit ipinagbawal noon ang pagkain ng dugo. Christ is the sacrificial lamb and he even commanded to "drink his blood". Sana ay huwag din kayong masyadong over reactive sa mga kaparusahan dahil wala naman ito (pagkain ng dugo) sa Sampung utos ng Diyos. I still stand for Mt 15:16-20. Pero what "comes out" of the mouth from the heart is INCLUDED in the 10 commandments. Kaya tama si Hesus, lumikha siya ng isang bagong tradition, mula sa judaic tradition, ipinahayag Niya ang talaganag nakakarimarim sa paningin ng Diyos, "hindi ang pumapasok ang nagpaparumi kundi ang lumalabas". Ang patuloy na sumusunod sa judaic tradition na hindi pagkain ng dugo, well in the Words of Christ himself. "ARE YOU STILL SO DULL?" MT 15:16
ReplyDeletena basa mo po ba yung talata na nabanggit sa lumang tipad kaya nga po hindi kinakain ang dugo..... ito ay sagisag ng buhay.... hindi pagkain..... buhay ito.... at wag mong kakainin ang buhay ksama ng laman
Delete"...Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid." Gawa 21: 25
ReplyDeleteMalinaw na hindi ginawang pagkain ang dugo, Patuloy pa ring ipinagbawal sa Christian era.
King James Version (KJV)
As touching the Gentiles which believe, we have written and concluded that they observe no such thing, save only that they keep themselves from things offered to idols, and from blood, and from strangled, and from fornication Acts 21:25
huwag kakain ng dugo
Umm hindi ako kumakain ng dugo (yuck peace po hehe) pero...
ReplyDeleteYung Acts verse na paulit-ulit niyo reference, hindi ba addressed yun sa mga Gentiles para hindi manibago at para hindi magkaroon ng division between them and the Jews?
Anyways, that's not the point. Sabihin nating ako, halimbawa na INC, kumain ng dugo, nagkasala na ako? Hindi ba sinabi na ni Jesus that he payed for all our sins? Hindi naman nagsi-sinungaling si Jesus diba. Jesus wants us to divert from the sin-centric lifestyle na bawat sin natin may kabayaran, into the love-centric lifestyle, in which in God's salvation, happiness and prosperity.
If blood enters your body, lalabas din yan, it will not affect your heart. Pero if your diet consists of judging others, hate, anger, lust, etc, your heart becomes tainted. The blood we should refrain from is the blood of sin, that which belongs to the sacrifice of Jesus.
Peace.
kaya nga hindi magkasundo yung Gentil at ang mga Judio... ayaw ng mga Judio yun.... na ginagawa ng mga Gentil.... kung base po sa mga Judio... bawal po iyon sa panahon ni Moises.... kaya nga po ipinag utos sa mga Gentil na iwasan yung mga yun.... tulad ng pakikiapid.... na yung pakikiapid ipinagbabawal sa mga Gentil.... kasi nga po masama..... sana ma unawaan niyo po
DeleteAkala ko ba hnd Dios si hesukristo sa paniniwala ng inc.bkt sinabi mo dito.ito ang makakapagtubos sa atin sa ating mga kasalanan.sa pamamagitan ng dugo ng ating Panginoong hesukristo!bkt mo sya tinawag na panginoong hesukristo.diba ang Dios at Panginoon iisa lng ang ibigsabihin?(DIOS)tatanung lng po.pakisagog nmn salamat po.
ReplyDeleteginawa lang po Panginoon si hesu kristo ng Diyos..magkaiba po ang Panginoong Diyos at Panginoong Hesus,tsaka kaya po may dugo si kristo dahil tao po sya at ang Tunay na Diyos ay Espiritu po. ganito lang po yan Given na po sa Diyos ang pagiging Panginoon..kay kristo po may nagbigay.
Deletenakakatawa nakabasa lang ng Panginoon Dios na ang ibig sabihin.... una sa lahat bakit kami sumasampalataya na ang Panginong JesuCristo ay panginoon? sapagkat ginawa siya ng Dios na maging Panginoon at Cristo Gawa 2:36.... iba ang pagkapanginoon ng PANginoong JesuCristo sa pagkapanginoon ng tunay na Dios.... mag aaral ka kaybigan maunawaan mo kung ano ibig sabihin ng lord.... maraming synonyms niyan kaybigan... Lord is equal to master.... guro dakilang ministro diba... dakilang punong saserdote....
Deletenapaka liwanag kahit sa panahong Kristiyano bawal ang DUGO... una hindi naman pagkain iyan.... pangalawa may dahilan ba bakit hindi pinakakain ng Dios si Noe ng Dugo ???? lahat pwedeng kainin wag lamang ang siya niyang buhay..... pero hindi ibig sabihin non kanibalismo na... unang aklat palang maliwanag na Genesis 9:4 ngayon ito naman panahong Kristiyano.... GAWA 15:29 anoba yung hayop na binigti.... karneng hindi na tanggalan ng dugo.....
ReplyDelete