"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 31, 2013

Ang Major Religions of the World ay nagmula sa Asya


Ang Major Religions of the World ay ang mga sumusunod:


                                   source                            place founded
Hinduism                4,000-2,500 BCE           India
Judaism                  2,000 BCE                      Levant region
Buddhism               560-490 BCE                 India
Shinto                     500+ BCE                      Japan
Jainism                   420 BCE                         India
Christianity            30+ CE                          Levant region
Islam                     622 CE                            Arabian Peninsula
Sikhism                 1500 CE                          India
Baha'i Faith           1863 CE                         Iran

Chinese folk religions (including Taoism 440 CE and Confucianism 500 BCE)   China

Note: BCE (Before Christ Era)
CE (Christ Era)


Ano napansin niyo?

Nagmula pala ang Major Religions of the World sa ASYA.

Ano pa?

Yung Abrahamic religions: Christianity, Islam, Judaism at Baha'i Faith NAGMULA DIN SA ASYA.

Teka, ano ba yung Abrahamic religions?


"Abrahamic religions (also Abrahamism) are the monotheistic faiths emphasizing and tracing their common origin to Abraham or recognizing a spiritual tradition identified with him." source: wikipedia

Itinatag ng ating Panginoong HesuKristo ang kaniyang Iglesia sa Jerusalem na nasa ASYA. Ang Iglesia noong unang siglo ay kalaunay natalikod.


Sa loob ng CHRISTIANITY, alin ang totoong Iglesiang itinayo ni Kristo?

Ang Roman Catholic Church ba na nagmula sa EUROPA?

Ang Protestantism kaya na nagmula kay Martin Luther na nagmula sa EUROPA DIN?

Ang Iglesia ni Cristo kaya sa Pilipinas na naitayo sa pamamagitan ni Ka Felix Manalo base sa propesiya ng banal na kasulatan, na nagmula ASYA?

Kung ang Major Religions of the World, lalo na ang Christianity o ang Iglesiang itinayo ni Kristo sa Jerusalem ay nasa ASYA, saan kaya naroon ang TUNAY na Iglesiang itinayo ni Kristo? Sa Amerika, Sa Europa o sa ASYA?
 

ANONG SA TINGIN NIYO?


Bakit hindi kilala ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo?

Isa sa mga batikos ito ng mga kumakaaway sa Iglesia, partikular na ni Catholicdefender2000, ang sabi nila, ang mga miyembro nyo naman halos lahat PILIPINO!

Tapos icoconclude nila na ang Iglesia ni Cristo daw ay para lang sa mga PILIPINO.

Sabi pa ni CD2000, 99.9% ng miyembro nyo PILIPINO, sa Pilipinas lang kilala ang Iglesia nyo!

Exsaherado man, walang basehan at isa lamang kalokohan ang figures na sinabi ni CD2000, kung iisipin natin, may punto naman siya kahit papaano.


Ang katotohanan: Totoong sa Pilipinas lamang kilala ang Iglesia ni Cristo. Hindi ito kilala sa ibang bansa pero kinikilala ito ng gobyerno ng IBAT-IBANG BANSA, partikular na sa Amerika. Kaya nga kung mapapansin nyo kapag anniversary ng Iglesia ni Cristo, nagpapaabot ng mga liham ang ibat ibang opisyales ng gobyerno sa ibat ibang bansa, mapa president, vice-president, senator, mayor, etc... Kilala ito sa ibang bansa sa mga komunidad lamang kung saan may lokal ang INC pero hindi ng buong mundo.

Ibabanat ng ilan, eh kung tunay ang Iglesia nyo, bakit hindi nito katulad ang iba pang kilalang Christian religions tulad ng Jehovahs Witnesses, Seventh day Adventist, Roman Catholic Church, Church of Jesus Christ of latter day saints, etc... na kilala sa buong mundo?

At bakit 90-95% ng myembro Iglesia ni Cristo (sariling estimate) ay pure Filipino?


EVANGELISM

Itong mga tanong na ito ay may kinalaman sa paraan ng EVANGELISM ng ibat ibang relihiyon, ang lugar kung saan nagmula at ang TAON ng pag-eexist nito, ito ang mga dahilan kung bakit ang mga nabanggit kong relihiyon ay di hamak na kilala sa buong mundo SA NGAYON kesa sa tunay na Iglesia ni Cristo.

Pag-aralan natin ang mga binigay kong relihiyon kung papaano sila lumawak at nagkaroon ng myembro sa ibat ibang bansa sa buong mundo.


Roman Catholic Church (1500+ years old)

(ROME) Siguro naman ay medyo may kaalaman na tayo kung paano lumaganap ang relihiyong ito sa buong mundo at ang mga bagay na nakatulong para lumaganap ito. Noong 313 A.D ginawang legal ang relihiyong kristyanismo sa Imperyong Romano, dati kasi ay inuusig ng matindi ang mga Kristyano, alam nyo naman, ang mga relihiyon dati na laganap sa daigdig ay PAGANISMO. Noong 380 A.D naging state church  ang Roman Catholic Church sa Imperyong Romano sa tulong ni Emperor Constantine I.

May pagkakaiba ang "state church" sa "state religion". Ang may kontrol sa "state church" ay ang gobyerno. Ang may kontrol naman sa "state religion" ay ang religion mismo, halimbawa, kung ang state religion ay Roman Catholic church, ang may kontrol noon ay ang Vatican. Kaya wag na tayong magtataka kung noong unang panahon ay nangialam si Emperor Constantine I sa mga doktrina sa Iglesia Katolika.

Nagsimulang magkaroon ng kapangyarihan ang Catholic Church dahil kay Emperor Constantine I, maraming ibinigay ang emperador sa Catholic Church tulad ng ibat ibang regalo, tax exemptions, mga lupain at iba iba pang pribilehiyo. Naging opisyal itong relihiyon kaya ang sinumang heretiko ay paparusahan. Kaya delikado ka kung nagbabalak balak kang mag-iba ng paniniwala o relihiyon.

Noong panahon ng Christendom, halos lahat ng mga bansa sa europe, ang state religion ay Roman Catholic Church.

Noong 16th century, lumaganap pang lalo ang pagmimisyon ng Catholic Church sa pamamagitan ng pagkakadiskubre ng iba pang mga lupain, ito nga yung mga panahon ng pananakop ng Spain, Portugal at iba pang mga bansa sa europe.

Napakaraming strategies ang ginawa ng mga katoliko noon para lumaganap ang relihyon nila, at para maprotektahan ito. Andyan yung FORCED CONVERSION, INQUISITION, mga paraan kung paano pipigilan at wawakasan ang relihiyong pagano, pagsira sa mga templong pagano, pagtulong sa mahihirap na naging daan para magpaconvert sila, pagtatayo ng mga hospital, schools at monasteryo sa pareho pa ring dahilan, pagbibigay ng mga privilege at tulong sa mga magpapaconvert, pag-adopt ng mga paniniwalang pagano para mahikayat sila sa paniniwalang Katoliko at marami pang iba...

Sa ngayon naman, nagpapadala pa rin sila ng mga missionaries sa buong mundo, pinag aaralan nila ang kultura at wika ng ibat ibang bansa kaya madali na sa kanila na magkaroon ng mga converts. Isa sa mga potential converts ang African countries: mga katutubo, mga pagano. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit nababalitaan natin na malaki ang inilago ng bilang ng mga Katoliko sa Africa.

References: wikipedia1, wikipedia2, wikipedia 3


The Church of Jesus Christ of Latter day Saints (183 years old)

(U.S.A) Nagmula ang LDS church sa "Latter Day Saint Movement" na sinimulan ni Joseph Smith Jr. noong 1830. Noong 1939 nagsimulang magpadala ng mga missionaries sa labas ng bansang pinagmulan nito.

Sa ngayon, meron silang libo-libong missionaries sa buong mundo. Dito sa Pilipinas, sila yung nakikita natin madalas na by pair na mga kano na nagtatagalog, pag nakakasalubong natin sa daan. Naka necktie, white polo at slacks.

References: wikipedia1, wikipedia2


Seventh Day Adventist (150 years old)

(U.S.A) Ang SDA ay isang Protestant denomination. Nagmula sila sa "Millerite movement" noong 1840's pero noong 1863 ito pormal na naitayo, noon ding taon na yon ng opisyal na pagkakatayo ng SDA ay meron na silang 125 churches at 3,500 na myembro.

Noong 1874 nagsimula silang magpadala ng isang missionary sa labas ng bansang pinagmulan nito. Doon nagsimulang lumaganap ang SDA sa buong mundo.

Ang pagtatayo ng mga hospitals, schools, etc... ang nakatulong sa paglago ng mga kaanib ng SDA bukod pa sa kanilang mga missionaries.

Reference: wikipedia1, wikipedia2


Jehovah's Witnesses (130+ years old)

(U.S.A) Noong 1870's nagsimula mag-aral ng bibliya ang founder nito na si Charles Russell. Nagmula ang Jehovah's witnesses sa "Bible Student movement" na sinimulan ni Russell noong 1870's, ngunit ang pangalan "Jehovah's Witnesses" ay noong July 1931 lang ipinakilala.

Noong 1881 ay nagsimula na silang magpadala ng mga missionaries sa ibang bansa. Ang unang branch nila sa labas ng bansang pinagmulan ay noong 1900. Simula noon ay nagtatatag na sila ng branches sa ibat ibang bansa.

Naging instant celebrity si Russell ng mabasa ang kaniyang mga sermon sa mga dyaryo sa Amerika ng milyong tao.

Nagkaroon sila ng international conventions at district conventions para mag evangelize.

Lahat ng miyembro ng Jehovah's witnesses ay nag-eevangelize, kilala sila sa door to door preaching o yung nagbabahay bahay para mangaral. Napakalaki ng papel ng pamimigay at pagpiprint nila ng mga bibliya, at mga publications/literatures/polyeto nila sa paghikayat ng mga kaanib na nakatranslate sa 100+ na mga wika sa buong mundo.

Malaki rin ang ambag ng katuruan sa pagfocus nila sa "end times", ilang beses na silang nagpredict sa taon ng katapusan ng mundo pero lagi silang bigo. Dahil diyan, mas naging active ang kanilang mga miyembro sa pangangaral dahil sinasabi lagi ng kanilang mga lider na "malapit na ang wakas", kesyo sa ganitong taon magwawakas ang mundo kaya ilaan na natin ang natitirang oras sa pangangaral...

References: wikipedia1, wikipedia2


Ang paraan ng pangangaral ng Iglesia ni Cristo

Ang Ka Felix Manalo ay nangaral sa Sta.Ana sa Maynila. Noong July 27, 1914 narehistro sa gobyerno ng Pilipinas ang Iglesia ni Cristo. Bago pa man ito marehistro ay mayroon na itong 14+ na mga kaanib. At dumami pa nga ang mga kaanib sa pamamagitan ng pangangaral ni Ka Felix sa ibat ibang lugar sa Pilipinas.

Malaking tulong ang mga missionary campaigns na naging malalaking rallies kasabay ang public debates sa ibat ibang mga pastor ng ibat ibang relihiyon. 

Noong 1968 nagkaroon ng unang lokal abroad ang INC sa Hawaii sa pamamagitan ni Ka Erano Manalo.

Ang paraan ng pangangaral ng Iglesia ni Cristo ay sa pamamagitan ng pamamahayag at Grand Evangelical Missions. Eto yung gatherings kung saan iniimbitahan ng mga miyembro ang kanilang mga kakilala, kaibigan, pamilya etc. para makinig ng mga salita ng Diyos sa mga gusaling sambahan at sa malalaking venues.

Gumagamit din ang INC ng radyo, telebisyon, mga polyeto at magazine (Pasugo) upang makatulong sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos.

Hindi nagpapadala ng mga "missionaries" ang Iglesia ni Cristo sa ibang bansa hindi tulad ng ibat ibang relihiyon. Nagkaroon ng mga lokal at Group Worship Services sa ibat ibang bansa dahil sa mga migranteng mga Pilipinong kaanib, kasama na rin diyan ang mga non Filipino members. 

Sa mga group worship services, sa kanilang mga pagtitipon o pagsamba ay nanonood lamang sila ng mga video tapes ng mga pagsamba. Nagpapadala ang pamamahala ng mga ministro upang silay bisitahin o kaya naman ay upang mangasiwa sa mahahalagang okasyon tulad ng banal na hapunan.

Kapag ang mga GWS na ito ay lalo pang lumaki, ito ang nagiging mga lokal ng INC abroad. Maghahanap sila ng lugar para bilhin para maging gusaling sambahan nila at maaari silang magrequest sa pamamahala na magkaroon sila ng resident minister.

Note: Ang MAIN PURPOSE ng pagtatatag ng mga lokal sa ibang bansa ay upang maipagpatuloy ng mga kaanib, mapa Pilipino man o hindi, ang kanilang mga pagsamba sa Diyos kahit nasaan man silang lugar sa mundo. Meron mang nag-eexist na lokal sa bansa nila o wala pa. Siguroy pangalawa na lang sa mga rason yung pag-aakay ng mga di pa kaanib.


Bakit hindi kilala ang INC sa buong mundo?

Pumunta na tayo sa mga tanong kanina, bakit kaya halos 90-95% ng mga myembro ng INC ay pure Filipino? Dahil ba para lang sa mga PILIPINO ang church na ito?

Sagot: Hindi. Dahil nagsisimula pa lang naman magkaroon ng mga lokal sa ibat ibang bansa sa buong mundo. At tama rin naman ang pagkakadescribe ng ilan, naka sentro kasi ang pag-eevangelize ng INC sa Pilipinas kaya nagkataong halos lahat ay mga Pilipino ang kaanib. At tulad nga ng sinabi ko, hindi naman kasi kami tulad ng ibang relihiyon na nagpapadala ng missionaries sa ibat ibang bansa, nagkakaroon lang ng converts ang INC kapag silay nabautismuhan mula sa proseso ng pagiging kaanib. Nalalaman lang nila ang katuruan sa Iglesia sa pagdalo nila sa mga Pamamahayag at Grand Evangelical Missions. Pwede ring sa pamamagitan ng mga nabanggit ko tulad ng telebisyon, radyo, Pasugo at mga polyeto.

Isang factor kung bakit hindi kilala ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo ay dahil hindi ito nanggaling sa Amerika. Kung mapapansin nyo, halos lahat ng Protestant churches eh nanggaling sa Amerika, ang Amerika ang nagpapadala ng missionaries sa Asya at sa iba pang bansa. Pinag-aaralan ng mga missionaries nila ang wika at kultura ng mga bansang yon kaya madali na sa kanila maka-akay ng magiging mga kaanib.

Limitado naman sa filipino languages at english ang wika ng mga ministro dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Merong mga translators sa iba pang mga wika pero iba pa rin talaga kung ang nangangaral ay nakakapagsalita ng magaling ng wika kung saang bansa siya nadestino. 

Limitado rin ang mga naaakay sa mga Pamamahayag o GEM dahil yung mga kakilala ng mga kaanib ang madalas na naaanyayahan, kung Pilipino ka, siyempre ang madalas mong maakay ay kapwa Pilipino o half-Filipinos. Pero meron din namang mga naaakay kahit hindi Pilipino ang isang Pilipino na mga kakilala pero kung ikukumpara sa paraan ng mga missionaries ng ibang relihiyon ay di hamak na mas marami silang naaakay na ibat ibang lahi.

Pero kahit naman karamihan sa mga kaanib sa ibang bansa ay Pilipino, may mga lokal pa rin naman na halos lahat ay non Filipinos tulad ng mga lokal sa Japan at Africa. 

Kung bilang ng mga kaanib naman ang pag-uusapan, malaki ang factor ng paraan o proseso ng pagiging kaanib sa bilang ng mga napapabautismuhan. Example na lang sa mga protestant o born again, sa kanila pag handa na sila o gusto na nila magpabautismo ay agad agad naman na silang nagpapabautismo. Sa Iglesia naman ni Mr. Soriano, 7 doctrinal lessons lang, pag natapos mo yon eh mababautismuhan ka na. Ewan ko lang sa iba kung paano ang proseso nila. 

Sa Iglesia ni Cristo naman, 6 months (estimate) pwede ka ng mabautismuhan basta makumpleto mo mga requirements (kasama na pagdodoktrina at pagiging sinusubok) at dapat wala kang palya sa pagdalo sa mga pagsamba.  Ako nga 1 year+ ata ginugol ko bago mabautismuhan ^^  kulang kasi ako sa mga requirements.

Ang Iglesia ni Cristo ay mag 100 years old pa lang sa July 2014. 

45 years old pa lang ang pinakaunang lokal sa ibang bansa. Sa iba pang mga bansa ay kailan lang natatag ang mga lokal, at patuloy naman ang pagkakaroon ng mga lokal abroad. 

Kaya sana ay huwag naman tayong masyadong mag expect ng napakataas na gusto niyo ata lalo na ni Catholicdefender2000, eh sa loob ng 100 years ng INC, kasing laganap na ito ng Catholic Church na 1500+ years old na. 

Iba ang pamamaraan ng Iglesia ni Cristo sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos kaya huwag nyo sanang minamata ang mga kaanib na kesyo bakit halos lahat Pilipino, kesyo bakit hindi ito kilala sa buong mundo, etc...

Hindi nito ginamit ang mga sakim at masasamang paraan ng mga Katoliko dati para lamang magkaroon ng mga miyembro.

Pero alam ko hindi ito mauunawaan ng mga close minded at mga kinasangkapan ng Diyablo. 

Sana maipagpatuloy ng INC ang ginagawa nitong pag eevangelize tulad ng nangyari sa India at Mexico, pati na rin dito sa Pilipinas kung saan nagkaroon ng mga ilang araw na magkakasunod pamamahayag gamit ang ibat-bang mga dialekto. Pati na rin ang "Kabayan ko, Kapatid ko" at INC giving, isa rin kasi ito sa makakatulong at magiging daan upang magsuri sila sa mga aral sa Iglesia ni Cristo. 

Pangarap ko para sa Iglesia ni Cristo, sana sa 2nd century nito, kung tatagal pa ang mundo, ay maifocus ang pagpapadala ng mga ministro naman sa ibang bansa. At sana magkaroon na rin ng mga missionaries na mga ministro, yung halimbawa ipapadala sa ganitong bansa, doon titira, pag-aaralan ang kultura at wika, kaya makakapagmisyon ng mga ibang lahi. Pangarap ko rin na sana may itrain na mga ministro para sa espisipikong bansa, at mag specialize sa pag-aaral ng wika ng bansang yon, para sa akin ay mas epektibo yon kesa sa halimbawa pag-aaralan ang ibat ibang wika, mahirap yon kasi ang 1 wika pa nga lang ay mahirap na talagang pag-aralan. 

Eto lang naman ay mga opinyon ko lamang, mga pangarap ko sa Iglesia para naman mas lumaganap ito sa buong mundo, makilala ito ng maraming tao at marami pa ang makaalam ng katotohanan para marami ang makikinabang sa kaligtasang ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Sa pamamagitan ng pag-anib sa Iglesiang itinayo ni Kristo--ang Iglesia ni Cristo.

Sa ngayon, kinagagalak ko pong sabihin na ang Iglesia ni Cristo ay nakarating na sa 100 countries and 7 territories with members consists of more than 120 various races and nationalities. Kahit walang mga missionaries, kahit galing sa Asya, at kahit galing sa 3rd world country. Kahit na karamihan sa mga miyembro ay mahihirap, kahit na sa handog lang kumukuha ng mga ginastos ang Iglesia kung ikukumpara sa ibat ibang relihiyon na may mga negosyo, investments sa mga kompanya, mga institutions na for profit tulad nga mga ospital, eskwelahan at iba pa, patuloy ang pagpapatayo ng mga gusaling sambahan at pagbili ng mga properties upang gawing bahay sambahan na nagkakahalaga ng milyon-milyon. 

Lahat ng ito ay gawa ng Diyos, hindi ng mga "Manalo" o mga ministro, dahil silay kinasangkapan lamang...





May 30, 2013

Si Kristo ba ay Diyos na nagkatawang tao ayon sa Hebreo 10:5?

Ayon sa PAGKAKAINTINDI o sariling pagkaintindi ng mga naniniwalang Diyos si Kristo na may pre-existence, si Kristo daw ay ipinaghanda ng Diyos ng katawan, kaya siya ay Diyos na nagkatawang tao.

Pero ang dating naman sa akin nung sinasabi nila eh parang pinapalabas nila na ang Diyos (ang AMA) ay naghanda o gumawa ng katawan para kay Kristo, at nung oras na para bumaba ni Kristo (na nag-eexist na daw) ay sasanib siya doon sa katawan na inihanda ng Diyos para sa kaniya.

Ganun nga ba ang nangyari?

Sumanib ba siya sa isang katawang tao o IPINANGANAK SIYANG TAO?

Kung siya ay Diyos na nagkatawang tao, na nag eexist na bago pa gawin ang mundo, bakit kailangan pa niyang ipanganak sa pamamagitan ni Maria? Bakit pa niya kailangang maranasan ang pagiging sanggol eh pwede naman siyang sumanib sa katawan ng tao? o sa katawan ng tao na inihanda daw ng Diyos para sa kaniya?

Diyos ba talaga ang nasa sinapupunan ni Maria?

Sabi ng bibliya:

"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18

Yun naman pala, si Maria pala ay nagdalang-TAO. Hindi naman nagdalang-DIYOS : )


Sino o alin ba ang naging laman, si Kristo ba o ang "SALITA"?

Ayon pa rin sa bibliya:

New International Version (©2011)
The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the one and only Son, who came from the Father, full of grace and truth.
New Living Translation (©2007)
So the Word became human and made his home among us. He was full of unfailing love and faithfulness. And we have seen his glory, the glory of the Father's one and only Son.
English Standard Version (©2001)
And the Word became flesh and dwelt among us, and we have seen his glory, glory as of the only Son from the Father, full of grace and truth.
New American Standard Bible (©1995)
And the Word became flesh, and dwelt among us, and we saw His glory, glory as of the only begotten from the Father, full of grace and truth.
King James Bible (Cambridge Ed.)
And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
Holman Christian Standard Bible (©2009)
The Word became flesh and took up residence among us. We observed His glory, the glory as the One and Only Son from the Father, full of grace and truth.
International Standard Version (©2012)
The Word became flesh and lived among us. We gazed on his glory, the kind of glory that belongs to the Father's unique Son, who is full of grace and truth.
NET Bible (©2006)
Now the Word became flesh and took up residence among us. We saw his glory--the glory of the one and only, full of grace and truth, who came from the Father.
Aramaic Bible in Plain English (©2010)
And The Word became flesh and dwelt among us, and we beheld his glory, the glory as of The Only Begotten of The Father, full of grace and truth.
GOD'S WORD® Translation (©1995)
The Word became human and lived among us. We saw his glory. It was the glory that the Father shares with his only Son, a glory full of kindness and truth.
King James 2000 Bible (©2003)
And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
American King James Version
And the Word was made flesh, and dwelled among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
American Standard Version
And the Word became flesh, and dwelt among us (and we beheld his glory, glory as of the only begotten from the Father), full of grace and truth.
Douay-Rheims Bible
And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we saw his glory, the glory as it were of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
Darby Bible Translation
And the Word became flesh, and dwelt among us (and we have contemplated his glory, a glory as of an only-begotten with a father), full of grace and truth;
English Revised Version
And the Word became flesh, and dwelt among us (and we beheld his glory, glory as of the only begotten from the Father), full of grace and truth.
Webster's Bible Translation
And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
Weymouth New Testament
And the Word came in the flesh, and lived for a time in our midst, so that we saw His glory--the glory as of the Father's only Son, sent from His presence. He was full of grace and truth.
World English Bible
The Word became flesh, and lived among us. We saw his glory, such glory as of the one and only Son of the Father, full of grace and truth.
Young's Literal Translation
And the Word became flesh, and did tabernacle among us, and we beheld his glory, glory as of an only begotten of a father, full of grace and truth.

source: biblehub.com

Yan oh, sa LAHAT ng bible translations at versions, sa LAHAT ng wika, mapa english, tagalog etc... Ang naging laman ay ang SALITA/WORD.

Kung totoong si Kristo ay nagkatawang tao, bakit hindi nalang sinabi na "JESUS WAS INCARNATED" para hindi na tayo malito?

Sabi sa gotquestions.org:


"The term word is used in different ways in the Bible. In the New Testament, there are two Greek words translated "word": rhema and logos. They have slightly different meanings. Rhema usually means “a spoken word.” For example, in Luke 1:38, when the angel told Mary that she would be the mother of God's Son, Mary replied, "Behold, I am the servant of the Lord; let it be to me according to your word [rhema].”

Logos, however, has a broader, more philosophical meaning. This is the term used in John 1. It usually implies a total message, and is used mostly in reference to God's message to mankind. For example, Luke 4:32 says that, when Jesus taught the people, "they were amazed at his teaching, because his words [logos] had authority." The people were amazed not merely by the particular words Jesus chose but by His total message."


" So the Message became flesh, took on human form, and came to dwell among us (Matthew 1:23; Romans 8:3; Philippians 2: 5–11).

The Greeks used the word logos to refer to one’s “mind,” “reason,” or “wisdom.”
"

Itong WORD na ito ay ang pangako o ang plano ng Diyos na tumutukoy kay Kristo.


"Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Dahil kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya'y muling bumuhay at nagparangal, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos." I Pedro 1:20-21

Bago pa NILIKHA ang daigdig, PINILI na siya ng Diyos. Kaya nga nung oras na para maisakatuparan ang plano na ito ng Diyos, sabi sa John 1:14, the WORD BECAME FLESH, eto yung panahon na nasa sinapupunan na si Kristo ni Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo, balikan natin ang verse kanina:

"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18

WORD--> KRISTO--> TAO.

Yung WORD ang katuparan noon eh si KRISTO.

Yung WORD ang NAGING LAMAN at hindi si "KRISTONG DIYOS NA MAY PRE-EXISTENCE".

Iba si Kristo sa DIYOS, obvious naman yon doon palang sa verse sa itaas sa I Pedro 1:21, dahil daw kay KRISTO, sumasampalataya kayo sa DIYOS na siyang BUMUHAY at NAGPARANGAL sa kaniya.

Bakit, ano ba kasi si KRISTO, bakit sinabing "DAHIL kay Kristo"?

"iisa ang Diyos, iisa rin ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao- si Kristo Jesus na tao." I Tim. 2:5

Siya pala kasi ang NAG-IISANG TAGAPAMAGITAN sa DIYOS (tunay na Diyos, ang AMA, hindi ang trinity) at sa mga tao, si Kristo Jesus na TAO. Yan ang sabi ni Apostol Pablo.


Hebreo 10:5

Yan, napatunayan na natin na hindi si Kristo ang naging laman. Ngunit bakit sinabi sa Hebreo 10:5 na ipinaghanda ng "katawan" si Kristo ng Diyos?

Pero bago natin puntahan, dapat nating malaman na itong verses na Hebreo 10:5-8 ay kinowt lamang sa Old Testament ng nagsulat ng Hebreo. Ito ay galing sa Awit 40: 6-8:


"Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.

Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin:

Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso."

Ito naman ang sinasabi sa Hebreo 10:5-8:


"Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; 
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),"

PANSININ:


"Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan:..." Awit 40:6
"...Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; " Hebreo 10:5

Maaaring magtaka ang ilan, bakit sa AWIT ang sabi PAKINIG o sa english bibles, EARS, bakit sa Hebreo 10:5 ay KATAWAN ang inilagay ng sumulat ng libro ng Hebreo?

Ayon sa bible.ca:

"The second phrase in the quotation in Hebrews is different from the reading of the Old Testament in our English Bibles because the Hebrews writer actually quotes from the Septuagint (our English Bibles, by contrast, are translated from Massoretic texts).

Lightfoot, in his commentary Jesus Christ Today, wrote, "The words, a body has thou prepared for me, follow the Septuagint, in keeping with the usual preference of the author. The Hebrew text, however, literally reads, 'ears hast thou digged for me,' which apparently means that God has given man ears to hear that he might obey Him. The Septuagint translators dealt freely with the text by substituting the whole ('body') for the part ('ears'), resulting in the meaning that instead of God equipping man with ears, He made or prepared for man a body" (185).

Of course, the Hebrew text used by the Septuagint translators was actually somewhat older than that used by the translators of our English Old Testament. A possible explanation for the difference in quotations (besides the view that the Septuagint translators "dealt freely with the text") is that the text used by the Septuagint translators was not only older, but actually a more accurate text.

Whether the Septuagint translators were "free" in their translation or simply working from a different Hebrew text, Robert Milligan offers an intriguing perspective on the difference in the two quotations. He wrote in his commentary, "To the careless and superficial reader, there may at first seem to be no connection between digging out, or thoroughly opening the ears of any one, and providing a body for him. But the thoughtful reader will at once see that, in the case of Christ, the two expressions are nearly equivalent, and that the latter differs from the former chiefly in this: that it is rather more specific and expressive. To dig out the ears of a person means simply to make him a willing and obedient servant (Ex. xxi.6). But in order to so qualify Christ as to make him a fit servant for the redemption of mankind, a body was absolutely necessary. Without this, there could have been no adequate sacrifice for sin, and without an adequate sacrifice, there could have no suitable atonement, and without an atonement, the claims of Divine Justice could not have been satisfied, and without this, the will of God could never have been accomplished in the redemption of mankind" (269-270).

Milligan's comment seems to fit well with the context of Hebrews 10 as the author notes that by the will of God "we have been sanctified through the offering of the body of Jesus Christ once for all" (vs. 10)."

Alin man pala sa dalawa, kahit pa sabihing BINUKSAN ANG PAKINIG o IPINAGHANDA NG KATAWAN, iisa lang pala ang ipinupunto o ang mensahe ng sumulat ng Hebreo:


"The point being made by the Psalmist is that God isn’t necessarily looking for rituals or animal sacrifices. Rather, God desires that a person wholeheartedly surrender himself/herself to the service of the Lord. The Psalmist is basically stating that he will devote himself completely to the will of God, giving himself over to perpetual servitude in accomplishing God’s purpose.
This is precisely the point that the author of Hebrews was making, namely that Jesus had a body prepared for him in order that he could come and perfectly accomplish the will of God:

"For the Son of man also came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many." Mark 10:45
"Meanwhile the disciples besought him, saying, ‘Rabbi, eat.’ But he said to them, ‘I have food to eat of which you do not know.’ So the disciples said to one another, ‘Has any one brought him food?’" John 4:31-34
"I can do nothing on my own authority; as I hear, I judge; and my judgment is just, because I seek not my own will but the will of him who sent me." John 5:30
"For I have come down from heaven, not to do my own will, but the will of him who sent me;" John 6:38
Hence, whether the Septuagint retained the original reading, or simply paraphrased the original text, it seems clear that at some point in time the variants arose in order to explain what the inspired author was trying to say." source: answering-islam.org

Kaya pala sinasabi na ang HAIN AT HANDOG (animal sacrifices) ay HINDI niya IBIG sa pagpapawalang sala sa ating mga kasalanan. Kundi yung KATAWAN ni Kristo o si Kristo mismo ang pinakamainam para matubos tayo sa ating mga kasalanan. 

Sa isang TAO nagmula ang kasalanan, at mapapawalang sala tayo sa pamamagitan din ng isang TAO- si JesuKristo.


 12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.  

13 Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi ituturing na kasalanan. 
14 Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos. Si Adan ay anyo ng isang darating.  
15 Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo.  

16 Ang kaloob na ito ay higit na di hamak kaysa sa ibinunga ng pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawa ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman ang idinulot matapos magawa ang maraming pagsuway.  

17 Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.
                
18 At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng kapatawaran at buhay sa lahat.  

19 Sapagkat kung ang lahat ay naging makasalanan dahil sa pagsuway ng isang tao, ang lahat ay mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isa ring tao.

20 Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; ngunit sa pagdami naman ng mga pagsuway ay lalong sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos.  

21 Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayundin naman maghahari ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala. Ito'y magdudulot ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo." Roma 5:12-21

Yung tutubos pala sa atin ay ISA RING TAO ayon sa bibliya, hindi naman pala ISANG DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Pero bakit ba kasi sinabi na "Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo"?

Ang ibig bang sabihin nito ay si Kristong nag-eexist noon pang simula ay bumaba sa langit, sumanib sa katawan ng tao na inihanda ng Diyos?

Sagot: HINDI. Sinabi ito dahil ang KATAWAN ni KRISTO ay inihanda ng Diyos upang maging HANDOG o alay. Kaya nga sa mas maiintindihan nating salin, eto ang sabi sa BMBB:


"Dahil diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos: "Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog." Hebreo 10:5-6

"Inihanda" ang katawan ni Kristo, hindi in a sense na gumawa ang Diyos ng isang katawan na sasaniban ni pre-existidong Kristong Diyos galing langit, kundi ibig sabihin lamang nito na dati pa ay pinili na siya at ipinanukala na ang planong pagtubos ni Kristo para sa mga kasalanan ng mga tao.


 "Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan." I Cor. 2:7

Kahit itanong pa natin sa mga bible scholars, ang nasa Hebreo 10:5 ay hindi isang PAGPAPATUNAY na si Kristo ay DIYOS NA NAGKATAWANG TAO at may pre-existence. Ang binabanggit dito ay tungkol sa mga HAIN at HANDOG ukol sa pagpapawalang sala sa tao sa mga kasalanan.




May 22, 2013

Iglesia ni Cristo in Tenali, India




"Brother Srinivasu Rao ''Vasu'' Vankamanidi, a Protestant Pastor, and twelve others in the town of Tenali India were baptised in the Church recently this February 2013."


May 20, 2013

Catholic vote = 1 million votes

Sa aking sariling pagkaka analisa ng mga boto, sa sinasabing ang 80% ng populasyon ay mga Katoliko sa Pilipinas, ang kanilang "Catholic vote" ay wala pang 1 million!

Paano ko nasabi?

Mamaya ang sagot. Kayo na ang humusga^^

Bago natin puntahan yan, ito nga pala ang inendorse ng "White Vote Movement" isang kilusan ng pinagsama-samang ibat-ibang catholic groups sa bansa kasama na ang El Shaddai:
Ejercito
Mitos Magsaysay
Pimentel 
Trillanes
Villar
Llasos
Binay
Zubiri
Gordon
Honasan

Ang Couples for Christ naman na isa ring Catholic group ay sinuportahan ang nasa listahan ng White Vote Movement, ngunit dinagdagan ng 2 pa:

David
Delos Reyes

Ang El Shaddai naman ni Mr. Velarde, sinuportahan din ang nasa listahan ng White Vote Movement, pero nagdagdag din ng 2:

Aquino
Jun Magsaysay

Dito pa lang pinapakita na nila na WALA SILANG KAISAHAN sa IEENDORSO, paano pa kaya ang pagKAKAISA sa ibobotong ANTI-RH senatorial candidates?

Ang nakakapagtaka lang sa White Vote Movement na ito, na alam naman nating lahat na ang no.1 rason kung bakit nabuo ay para mag endorso ng mga ANTI-RH BILL ADVOCATES, eh hindi inindorso lahat ng kandidatong ANTI-RH BILL din naman...

At ang lalo pang ipinagtataka ko, eh bakit hindi nila sinuportahan si Rizalito David na madalas kong nakikitang dumidepensa sa mga RH BILL-debate sa TV sa ibat ibang istasyon? 

Bakit hindi rin nila sinuportahan ang mga ka-partido ni Marwil Llasos sa "Ang Kapatiran" na iyon nga, si Rizalito David at pati na rin si JC Delos Reyes?

Ano sa tingin niyo?

Kahit ang mga sa tingin kong mga katoliko din eh napapakamot sa ulo lalo na nung 6 pa lang ang nasa listahan ng WVM, eto ang ilan sa mga komento sa cbcforlife.com:
 
  • Chris L. Alolino 

    Delos Reyes, Llasos and David! Nasaan sila, bakit hindi sila kasama sa endorsement ng White Vote?

  • Rollie Delos Reyes 

    Let us include EVERY PROLIFE CANDIDATE in our ballots to create maximum damage to the Team of our worst anti-life president! Vote Delos Reyes, Llasos and David!

Ang kasagutan

Sabi pa ni Rollie Delos Reyes:

"I am surprised that the Catholic candidates of Ang Kapatiran - Delos Reyes, David, and Llasos were not included in the endorsement made by the White Vote movement. Is it because they are not "winnables"? I sure hope that this movement would support these men who have worked tirelessly for the promotion of the values of family and life - and yet it seems that we have forgotten them just because they are not popular. A true Catholic vote MUST include these candidates as well, otherwise, we are being traitors to the cause of LIFE and FAMILY. Elections should not be based on popularity, but principles. Vote AKP candidates!"

Yan ang malapit lapit na kasagutan sa mga tanong sa itaas. At kung mapapansin nyo sa 10 kandidatong inendorso ng WVM, tanging si Mr. Llasos lang ang isinamang hindi popular o kumbaga hindi mukang mananalo. Ang tindi rin naman ng style nila, yung atake nila sa Iglesia ni Cristo eh yun yung ginagawa nila. 

Ano yon?

Ang pagsuporta sa mga kandidato na nakalalamang sa surverys o yung mga malamang sa malamang na MANANALO. At syempre, para hindi mapagbintangan, nagdagdag sila ng isang hindi mananalo. Hanep. Gusto nilang palabasin at mabigyan ng CREDIT na kung mananalo ang ilan sa INENDORSO nila (na matataas ang ranking sa survey palang) eh sila ang DAHILAN ng PAGKAKAPANALO ng mga ito.

Isang malaking KALOKOHAN kung icclaim nila yon.

Isa ring malaking kalokohan kung sasabihin ng ilang pilosopo dito na kesyo hindi naman kasi sila nagbobloc voting, naglabas lang ng listahan ang WMV ng mga kandidato na aprub sa kanila, na ang mga katoliko na ang pipili ng gusto nila. NYEK.

Eh bakit pa nila sila INENDORSO/SINUPORTAHAN?

Napakaimposible din naman na ang mga katolikong nakipag-kaisa sa CATHOLIC VOTE kuno eh hindi bumoto kahit isa man lang ng mga kandidatong hindi ANTI RH BILL ADVOCATE. 

Kung ganoon, bakit nyo sila pinayagan na bumoto ng mga hindi "PRO-LIFE"? Di bat kaya nga may ganitong kalokohan este CATHOLIC VOTE KUNO eh para maghalal ng mga pro-life at kaya nga kayo nagkaroon ng mga campaign sa mga kapwa nyo katoliko eh para huwag iboto ang mga pro- RH BILL?

At pinag-uusapan na rin si Mr. Marwil Llasos, puntahan na natin kung paano ko nasabing WALA PA SA ISANG MILYON ANG KANILANG "CATHOLIC VOTE".

Siya kasi ang pinagbasehan ko, sa pamamagitan ng kaniyang mga natanggap na boto.

Bakit?

Sa mga INENDORSO kasi ng WHITE VOTE MOVEMENT + Couples for Christ + El Shaddai eh siya lang ang hindi talaga kilala ng tao. Hindi po ito paninira, katotohanan ito. Kumpara sa kapwa niya ka-partido na sila David at Delos Reyes, isama na rin si Mitos Magsaysay, mas kilala naman sila dahil kumandidato na sila noong nakaraang eleksyon. 

At kumpara naman sa iba pa nilang inendorso na sa APELYIDO palang alam na alam ng kilala ng masa, sila VILLAR, BINAY, EJERCITO, HONASAN, AQUINO, JUN MAGSAYSAY, ZUBIRI, GORDON, TRILLANES at PIMENTEL... kahit na hindi sila iendorso ng Catholic Groups na ito eh tiyak masasama sila sa top 15.

Ibig sabihin, makikita ang CATHOLIC VOTE kung boboto sila sa mga di popular o sa madaling salita ay malamang sa malamang eh kulelat sa botohan sa eleksyon. Imposible naman kasing hindi manggaling ang malaking porsyento ng boto niya sa CATHOLIC VOTE eh hindi nga siya kilala. Ngayon pa lang naman siya kumandidato.

Ilan ba ang nakuhang boto ni Mr. Llasos? (ang mga resulta ng botohan na nakapost dito ay galing sa wikipedia)


32 Marwil Llasos Not affiliated
Ang Kapatiran 695,260


ANONG NANGYARI SA CATHOLIC VOTE???

BAKIT almost 700,000 lang ang nakuha niya? Asan na ang milyun milyong registered Catholic voters? 

White Vote Movement + Couples For Christ + El Shaddai= Catholic Vote= wala pang isang milyon???


Eh yung ibang sinuportahan na mas kilala na ng mga tao?



21 Mitos Magsaysay UNA
UNA 5,569,077



26 John Carlos de los Reyes Not affiliated
Ang Kapatiran 1,226,470


30Rizalito DavidNot affiliated
Ang Kapatiran1,026,096


NGEK! joke ba to? Bakit ganyan, todo na ba yang CATHOLIC VOTE NA YAN? 


Eh wala nga kasing CATHOLIC VOTE!

Catholic groups admitted defeat in the May 13 elections, saying much work has to be done to form a "Catholic vote" in the country.
The Council of the Laity of the Philippines, which led the "White Vote Movement" that endorsed the candidacy of politicians who are against the Reproductive Health Bill, said it learned its lessons. 
"We discovered some loopholes but there is always room for improvement," said lawyer Aurora Santiago, president of the Catholic Council of the Laity, yesterday.
"We had such little time and few resources," said Linda Valenzona of Catholic Vote Philippines, which led "political catechesis" in different parts of the country before the elections.
Valenzona, however, said educating Catholics to apply the teachings of the Church to political life "has been a fulfilling task.” 
Father Melvin Castro, head of the Commission on Family and Life of the bishops' conference, said "name recall" is still crucial in Philippine elections. 
He cited the victory of Grace Poe, daughter of the late action star Fernando Poe Jr., as an example. Poe, a first time candidate, topped the senatorial race over seasoned and traditional politicians.
"If we want our candidates to win in 2016, as early as now we should already familiarize the people with them," Fr Castro said.
A pro-RH group, meanwhile, said the victory of many reproductive health advocates in Congress and even in the provinces was an affirmation that "leaders of the Catholic Church cannot dictate the results of elections." 
"There is no Catholic vote and no black propaganda of the Church that can steal victory from candidates who advocate reproductive health," said Rom Dongeto, executive director of the Philippine Legislators' Committee on Population and Development.
The group pushed for the enactment of the controversial reproductive health measure, which was opposed by Church leaders for endorsing the use of artificial contraceptives.
Data from the partial tally of election winners show 94 percent of more than a hundred pro-RH candidates ahead in their respective districts and party list system. 
Six of the seven senatorial candidates endorsed by pro-RH groups are front-runners in the senatorial race while none of those endorsed by Catholic groups figured in the elections.
Santiago of the Council of the Laity said her group would start laying the groundwork early to familiarize voters with Church-related issues in preparation for the 2016 elections.
"We are expecting more groups to join our crusade. Our campaign does not stop in 2013. We have to get ready this early for 2016," Santiago said. The Philippines will hold presidential elections in 2016.
"With the commitment and dedication of everyone [the Catholic vote] will rise up again to the challenge in 2016," said Valenzona.
source: ucanews.com

THEY SHOULD REALLY LEARN THEIR LESSON. Isang malaking kahihiyan talaga ito sa panig ng Simbahang Katoliko lalo na sampal sa mukha ng mga depensor katoliko na nagpupumilit na meron daw CATHOLIC VOTE. Masakit tanggapin pero yun ang KATOTOHANAN at wala po tayong magagawa diyan. 

Isang salita ang wala sa kanila kung bakit walang CATHOLIC VOTE.

"PAGKAKAISA"