Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman kaming aral, doktrina o pagcclaim kapag nilabas na ang listahan ng mga susuportahan ng INC, na kapag pinagkaisahan namin silang iboto ay SURE NA SURE SILANG MANANALO.
Paano magiging SURE NA SURE na mananalo sila eh ayon sa Philippine census, ang populasyon ng Pilipinas noong 2010 ay 76, 504,077. Ayon din sa nasabing census, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo noong 2010 ay 2.3% o 1,759,593.8 lamang.
Isip isipin naman natin yon. Isip isipin din natin kung NANGANGAKO ba ang Iglesia ni Cristo na kung ang susuportahan nilang mga kumakandidato ay SIGURADONG MANANALO.
FACT: Hindi lahat ng sinusuportahan ng INC ay NANALO.
Tignan nga natin ang research kong list ng mga Presidenteng naluklok kung yung mga sinuportahan ng INC eh nanalo nga ba:
List of Presidents | Voted by the INC or not | If not, who voted by the INC |
Manuel L. Quezon | YES | |
Jose P. Laurel | NO | Jose Avelino |
Sergio Osmena | NO | Manuel Roxas |
Manuel Roxas | YES | |
Elpidio Quirino | NO | Jose Avelino |
Ramon Magsaysay | NO INFORMATION | NO INFORMATION |
Carlos P. Garcia | NO INFORMATION | NO INFORMATION |
Diosdado Macapagal | NO | NO INFORMATION |
Ferdinand E. Marcos | YES | |
Corazon C. Aquino | NO | Ferdinand Marcos |
Fidel V. Ramos | NO | Eduardo Cojuangco Jr. |
Joseph Ejercito-Estrada | YES | |
Gloria Macapagal-Arroyo | YES | |
Benigno C. Aquino III | YES |
Ang pinag-ugatan ng kanilang paniniwala
Pinaniniwalaan nila kasi nila sa sarili nila na ang mga sinusuportahan ng Iglesia ni Cristo eh yung mga NANGUNGUNA LAMANG SA SURVEYS.
Sasabihin ng iba dyan, EH TOTOO NAMAN EH!
Totoo nga ba? Eh bakit ganiyan ang naging resulta noon? May mga sinuportahan ang INC na hindi naman nanalo? At kahit sa local elections merong mga sinusuportahan na hindi rin nananalo?
Ano ba ang ARAL sa Iglesia ni Cristo at ang layunin nito?
Ang alam kong aral na itinaguyod ng Ka Felix Manalo, ang kinikilala naming sugo sa mga huling araw, ay ang PAGKAKAISA sa loob ng Iglesia at hindi aral na PAPANALUNIN ang mga sinuportahang kandidato.
Ang layunin ng bloc voting o kaisahan sa pagboto ay PAGKAKAISA, hindi kami nagbobloc voting para silay siguradong MANALO.
Ayon nga sa kanila eh 1-2 milyon lang ang INC kumpara naman sa natitirang populasyon sa kasalukuyan na 90 milyon+
Ang tawag sa boto ng INC ng mga pulitiko at media dito ay "swing vote".
Ano ba ang "swing vote"?
"A swing vote is a vote that is seen as potentially going to any of a number of candidates in an election, or, in a two-party system, may go to either of the two dominant political parties. Such votes are usually sought after in elections, since they can play a big role in determining the outcome." source: wikipedia
At ang "swing voter" naman, ay yung voter na walang isang partido, ibig sabihin, hindi siya bumoboto ng mga kandidato sa iisang partido lang. Pwedeng sa magkakaibang partido siya kumuha ng kaniyang iboboto. Kung mapapansin nyo, ganyan din ang Iglesia ni Cristo, hindi ito bumoboto ng mga kandidato na iisang partido lang, at ang sabi nga, malaki ang ROLE ng "swing vote" sa "kalalabasan" ng eleksyon, kaya magtataka pa ba tayo kung bakit marami ang LUMALAPIT SA IGLESIA NI CRISTO?
Sabi pa ng taga media, CRUCIAL o VERY IMPORTANT daw ang INC VOTE sa nationa election lalo na sa dikitang labanan, halimbawa na lang, lumabas na ang resulta nationwide sa pagka-Presidente (hindi pa kasama ang boto ng INC), nakakuha si Candidate #1 ng 10 million votes, si Candidate #2 naman nakakuha ng 8.5 million votes...
I-assume natin ang sinasabi ng media na kaya ng INC na makapagdala ng 2 million votes, i-plus mo ang 2 million votes kay Candidate #2, siguradong siya ang panalo.
Gets nyo?
Sinasabi nila na importante ang makuha ang suporta ng Iglesia ni Cristo, dahil may KAISAHAN sa pagboto, hindi ito bumuboto ng iisang partido lang kaya may tyansa ang lahat ng kumakandidato na makuha ang suporta, at malaki ang ROLE ng INC VOTE kung pag uusapan ang dikitang laban ng mga kumakandidato...
Kung local election naman ang pag-uusapan, wala tututol na malaki ang papel ng boto ng INC dito lalo na daw sa mga lugar na marami ang myembro ng INC.
Ano ba ang BASEHAN ng INC upang iboto ang isang kandidato?
Hindi ko alam ang eksaktong sagot dito,unang una dahil 1st time ko pa lang boboto sa May 13, at pangalawa, hindi naman ako kasali sa "Church Administration" para masagot ito. Pero isa lang ang alam ko, at nasabi na ito sa mga pagsamba, ang binoboto ng INC ay ang kumikilala sa Iglesia. period.
Sasabihin ng ilan, ibig sabihin pala hindi nyo binabase sa bibliya ang pagsuporta sa kanila? Sasabihin din nila, eh bakit yung ilan sa mga binoto nyo mga kurakot, gumawa ng masama etc... etc...
Bakit? Meron pa bang pulitiko ngayon ang hindi nadawit sa ibat ibang mga eskandalo at masasamang gawain? May perpekto bang pulitiko? Kapag binoto ba ng INC ibig sabihin puro kabutihan at kabanalan ang gagawin ng isang pulitiko na hindi rin naman INC member?
Kahit naman iboto ng Iglesia ni Cristo ang mga PINAKAMABABAIT at PINAKAMABUBUTI sa mga kumakandidato imposibleng pag naupo na siya eh hindi siya masasangkot sa kung ano anong eskandalo at mga usapin.
At ang mga kadalasan naman atang "mabubuti" at "mababait" eh yun yong konti lang ang sumusuporta, kaya kung iboboto sila ng Iglesia ni Cristo, kahit madagdagan pa sila ng 2 milyon kung sila yung mga pinaka kulelat HINDI RIN NAMAN SILA MANANALO. At kung wala man lang miski isang nanalo sa mga sinuportahan ng Iglesia ni Cristo, anu pat nag bloc voting kami? PARA SA WALA?
Ikaw, boboto ka ba sa mga kulelat? Bumoto ka pa, nasayang lang pagboto mo miski isa walang nanalo.
At kung saka-sakaling nanalo ang mga ibinoto mo, at nung naupo na sila eh nadawit at nasangkot sila sa mga eskandalo at masasamang gawain, dapat ba na ISISI SAYO KUNG BAKIT SILA MGA KURAKOT AT MASASAMA?
Bumoto ka lang naman eh. Dun na natatapos ang responsibilidad mo. Hindi mo naman siguro kasama sa responsibilidad mo na bantayan ang binoto mo sa buo nyang termino habang tinitiyak na wala siyang gagawing masama o hindi siya masasangkot sa mga eskandalo.
Ang mga nahalal ang gagawa ng history nila.
Kung sa buong termino nila eh mangungurakot lang sila o tutulong ba talaga sa mga Pilipino.
Ibig sabihin ba kung sakaling naging masama silang pinuno, KASALANAN MO? Kasi nung kumakandidato sila napaka-plastik nila na parang di nakakagawa ng masama, tapos nung binoto mo na saka lumabas ang totoong ugali. KASALANAN MO KASI HINDI MO NAHULAAN YUNG MGA GAGAWIN NILANG MASASAMA!
Ang mga nasa survey vs. iboboto ng Iglesia ni Cristo
Eto pala ang LATEST na listahan ng mga nangunguna sa survey base sa SWS:
1- Loren Legarda
2- Alan Peter Cayetano
3-4- Francis Escudero/ Nancy Binay
5- Grace Poe
6-7- JV Ejercito/ Cynthia Villar
8- Aquillino Pimentel III
9- Bam Aquino
10, 11, 12- Honasan/ Angara/ Trillanes/
Ang mga nakapula ay ang mga susuportahan daw ng INC base sa report ng media (sa Sabado pa kasi malalaman ang opisyal na sample ballot ng INC)
Ang ibang nasa listahan ng INC na wala sa top list ng SWS survey:
Richard Gordon
Jack Enrile
Tignan na lang natin kung anong kalalabasan ng eleksyon...
Ang "pag-endorso" ng Iglesia ni Cristo at "pag-endorso" ng ibang relihiyon
Para sa akin, malaki ang kaibahan ng "pag-endorso" ng INC ng mga kandidato, sa ibang relihiyon. At para sa akin, hindi "endorso" ang tawag doon sa INC kundi "PASYA".
Sa Iglesia ni Cristo kasi, dahil may basehan sa kaisahan sa pagboto, kung sinuman ang napagpasyahang iboto galing sa Pamamahala ay automatically, walang pamimilit, ay susundin itong iboto ng mga INC members.
Sa ibang relihiyon kasi na gaya-gaya, wala namang basehan, nag-eendorso o sumusuporta ang kanilang lider sa mga kandidato, ipinagbibigay-alam ito in public sa kaniyang mga miyembro at sila na ang bahala kung susundin ba nila ang gusto ng kanilang lider o hindi.
Ibig sabihin, ang pagboto ng INC ay hindi dahil sa gusto lamang ng LIDER kundi dahil bago pa man nabatismuhan ang lahat sa amin ay may ARAL na tungkol sa PAGKAKAISA, at KAISAHAN sa PAGBOTO. Sa ibang relihiyon kasi ang pinapairal ay ang pagiging MAIMPLUWENSYA ng kanilang LIDER sa mga miyembro nito.
Hindi kami sumusunod sa KAISAHAN dahil yun lang ang gusto ng mga "MANALO" (kung sabihin ng ilan) kundi dahil may ARAL sa amin tungkol dito.
Muli, hindi porke sinuportahan ng INC ang isang kandidato EQUALS MANANALO AGAD. Hindi ganun. Kaya kami may bloc voting para tuparin ang PAGKAKAISA sa IGLESIA, MANALO MAN O MATALO.
Nice Bro.readme.... daming talagang tao na makakati ang tainga at utak.... hamakin mo 30Million per candidate binbabyad sa Central for Endorsement?
ReplyDeleteat ang SOURCE ay dun daw mismo sa central na employee.
Bakit may picture kayo ni Jesus? Akala ko ba bawal din sa inyo ang diyos diyosan at imahe nila? Parang hindi mo naman naisip yun... kaya kayo napupulaan eh tsk
ReplyDeleteAj,
ReplyDeleteAnong picture ni Jesus? Sa blog? Alam mo, ang ibang mga photos dito sa blog ay hindi nagrereflect sa doktrina namin tulad ng sinasabi mong picture ni Hesus. Naglalagay lamang ako nito for entertainment purposes only at hindi dahil naniniwala kami na ito ang tunay na itsura ni Kristo.
Maraming salamat.