"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 20, 2013

Catholic vote = 1 million votes

Sa aking sariling pagkaka analisa ng mga boto, sa sinasabing ang 80% ng populasyon ay mga Katoliko sa Pilipinas, ang kanilang "Catholic vote" ay wala pang 1 million!

Paano ko nasabi?

Mamaya ang sagot. Kayo na ang humusga^^

Bago natin puntahan yan, ito nga pala ang inendorse ng "White Vote Movement" isang kilusan ng pinagsama-samang ibat-ibang catholic groups sa bansa kasama na ang El Shaddai:
Ejercito
Mitos Magsaysay
Pimentel 
Trillanes
Villar
Llasos
Binay
Zubiri
Gordon
Honasan

Ang Couples for Christ naman na isa ring Catholic group ay sinuportahan ang nasa listahan ng White Vote Movement, ngunit dinagdagan ng 2 pa:

David
Delos Reyes

Ang El Shaddai naman ni Mr. Velarde, sinuportahan din ang nasa listahan ng White Vote Movement, pero nagdagdag din ng 2:

Aquino
Jun Magsaysay

Dito pa lang pinapakita na nila na WALA SILANG KAISAHAN sa IEENDORSO, paano pa kaya ang pagKAKAISA sa ibobotong ANTI-RH senatorial candidates?

Ang nakakapagtaka lang sa White Vote Movement na ito, na alam naman nating lahat na ang no.1 rason kung bakit nabuo ay para mag endorso ng mga ANTI-RH BILL ADVOCATES, eh hindi inindorso lahat ng kandidatong ANTI-RH BILL din naman...

At ang lalo pang ipinagtataka ko, eh bakit hindi nila sinuportahan si Rizalito David na madalas kong nakikitang dumidepensa sa mga RH BILL-debate sa TV sa ibat ibang istasyon? 

Bakit hindi rin nila sinuportahan ang mga ka-partido ni Marwil Llasos sa "Ang Kapatiran" na iyon nga, si Rizalito David at pati na rin si JC Delos Reyes?

Ano sa tingin niyo?

Kahit ang mga sa tingin kong mga katoliko din eh napapakamot sa ulo lalo na nung 6 pa lang ang nasa listahan ng WVM, eto ang ilan sa mga komento sa cbcforlife.com:
 
  • Chris L. Alolino 

    Delos Reyes, Llasos and David! Nasaan sila, bakit hindi sila kasama sa endorsement ng White Vote?

  • Rollie Delos Reyes 

    Let us include EVERY PROLIFE CANDIDATE in our ballots to create maximum damage to the Team of our worst anti-life president! Vote Delos Reyes, Llasos and David!

Ang kasagutan

Sabi pa ni Rollie Delos Reyes:

"I am surprised that the Catholic candidates of Ang Kapatiran - Delos Reyes, David, and Llasos were not included in the endorsement made by the White Vote movement. Is it because they are not "winnables"? I sure hope that this movement would support these men who have worked tirelessly for the promotion of the values of family and life - and yet it seems that we have forgotten them just because they are not popular. A true Catholic vote MUST include these candidates as well, otherwise, we are being traitors to the cause of LIFE and FAMILY. Elections should not be based on popularity, but principles. Vote AKP candidates!"

Yan ang malapit lapit na kasagutan sa mga tanong sa itaas. At kung mapapansin nyo sa 10 kandidatong inendorso ng WVM, tanging si Mr. Llasos lang ang isinamang hindi popular o kumbaga hindi mukang mananalo. Ang tindi rin naman ng style nila, yung atake nila sa Iglesia ni Cristo eh yun yung ginagawa nila. 

Ano yon?

Ang pagsuporta sa mga kandidato na nakalalamang sa surverys o yung mga malamang sa malamang na MANANALO. At syempre, para hindi mapagbintangan, nagdagdag sila ng isang hindi mananalo. Hanep. Gusto nilang palabasin at mabigyan ng CREDIT na kung mananalo ang ilan sa INENDORSO nila (na matataas ang ranking sa survey palang) eh sila ang DAHILAN ng PAGKAKAPANALO ng mga ito.

Isang malaking KALOKOHAN kung icclaim nila yon.

Isa ring malaking kalokohan kung sasabihin ng ilang pilosopo dito na kesyo hindi naman kasi sila nagbobloc voting, naglabas lang ng listahan ang WMV ng mga kandidato na aprub sa kanila, na ang mga katoliko na ang pipili ng gusto nila. NYEK.

Eh bakit pa nila sila INENDORSO/SINUPORTAHAN?

Napakaimposible din naman na ang mga katolikong nakipag-kaisa sa CATHOLIC VOTE kuno eh hindi bumoto kahit isa man lang ng mga kandidatong hindi ANTI RH BILL ADVOCATE. 

Kung ganoon, bakit nyo sila pinayagan na bumoto ng mga hindi "PRO-LIFE"? Di bat kaya nga may ganitong kalokohan este CATHOLIC VOTE KUNO eh para maghalal ng mga pro-life at kaya nga kayo nagkaroon ng mga campaign sa mga kapwa nyo katoliko eh para huwag iboto ang mga pro- RH BILL?

At pinag-uusapan na rin si Mr. Marwil Llasos, puntahan na natin kung paano ko nasabing WALA PA SA ISANG MILYON ANG KANILANG "CATHOLIC VOTE".

Siya kasi ang pinagbasehan ko, sa pamamagitan ng kaniyang mga natanggap na boto.

Bakit?

Sa mga INENDORSO kasi ng WHITE VOTE MOVEMENT + Couples for Christ + El Shaddai eh siya lang ang hindi talaga kilala ng tao. Hindi po ito paninira, katotohanan ito. Kumpara sa kapwa niya ka-partido na sila David at Delos Reyes, isama na rin si Mitos Magsaysay, mas kilala naman sila dahil kumandidato na sila noong nakaraang eleksyon. 

At kumpara naman sa iba pa nilang inendorso na sa APELYIDO palang alam na alam ng kilala ng masa, sila VILLAR, BINAY, EJERCITO, HONASAN, AQUINO, JUN MAGSAYSAY, ZUBIRI, GORDON, TRILLANES at PIMENTEL... kahit na hindi sila iendorso ng Catholic Groups na ito eh tiyak masasama sila sa top 15.

Ibig sabihin, makikita ang CATHOLIC VOTE kung boboto sila sa mga di popular o sa madaling salita ay malamang sa malamang eh kulelat sa botohan sa eleksyon. Imposible naman kasing hindi manggaling ang malaking porsyento ng boto niya sa CATHOLIC VOTE eh hindi nga siya kilala. Ngayon pa lang naman siya kumandidato.

Ilan ba ang nakuhang boto ni Mr. Llasos? (ang mga resulta ng botohan na nakapost dito ay galing sa wikipedia)


32 Marwil Llasos Not affiliated
Ang Kapatiran 695,260


ANONG NANGYARI SA CATHOLIC VOTE???

BAKIT almost 700,000 lang ang nakuha niya? Asan na ang milyun milyong registered Catholic voters? 

White Vote Movement + Couples For Christ + El Shaddai= Catholic Vote= wala pang isang milyon???


Eh yung ibang sinuportahan na mas kilala na ng mga tao?



21 Mitos Magsaysay UNA
UNA 5,569,077



26 John Carlos de los Reyes Not affiliated
Ang Kapatiran 1,226,470


30Rizalito DavidNot affiliated
Ang Kapatiran1,026,096


NGEK! joke ba to? Bakit ganyan, todo na ba yang CATHOLIC VOTE NA YAN? 


Eh wala nga kasing CATHOLIC VOTE!

Catholic groups admitted defeat in the May 13 elections, saying much work has to be done to form a "Catholic vote" in the country.
The Council of the Laity of the Philippines, which led the "White Vote Movement" that endorsed the candidacy of politicians who are against the Reproductive Health Bill, said it learned its lessons. 
"We discovered some loopholes but there is always room for improvement," said lawyer Aurora Santiago, president of the Catholic Council of the Laity, yesterday.
"We had such little time and few resources," said Linda Valenzona of Catholic Vote Philippines, which led "political catechesis" in different parts of the country before the elections.
Valenzona, however, said educating Catholics to apply the teachings of the Church to political life "has been a fulfilling task.” 
Father Melvin Castro, head of the Commission on Family and Life of the bishops' conference, said "name recall" is still crucial in Philippine elections. 
He cited the victory of Grace Poe, daughter of the late action star Fernando Poe Jr., as an example. Poe, a first time candidate, topped the senatorial race over seasoned and traditional politicians.
"If we want our candidates to win in 2016, as early as now we should already familiarize the people with them," Fr Castro said.
A pro-RH group, meanwhile, said the victory of many reproductive health advocates in Congress and even in the provinces was an affirmation that "leaders of the Catholic Church cannot dictate the results of elections." 
"There is no Catholic vote and no black propaganda of the Church that can steal victory from candidates who advocate reproductive health," said Rom Dongeto, executive director of the Philippine Legislators' Committee on Population and Development.
The group pushed for the enactment of the controversial reproductive health measure, which was opposed by Church leaders for endorsing the use of artificial contraceptives.
Data from the partial tally of election winners show 94 percent of more than a hundred pro-RH candidates ahead in their respective districts and party list system. 
Six of the seven senatorial candidates endorsed by pro-RH groups are front-runners in the senatorial race while none of those endorsed by Catholic groups figured in the elections.
Santiago of the Council of the Laity said her group would start laying the groundwork early to familiarize voters with Church-related issues in preparation for the 2016 elections.
"We are expecting more groups to join our crusade. Our campaign does not stop in 2013. We have to get ready this early for 2016," Santiago said. The Philippines will hold presidential elections in 2016.
"With the commitment and dedication of everyone [the Catholic vote] will rise up again to the challenge in 2016," said Valenzona.
source: ucanews.com

THEY SHOULD REALLY LEARN THEIR LESSON. Isang malaking kahihiyan talaga ito sa panig ng Simbahang Katoliko lalo na sampal sa mukha ng mga depensor katoliko na nagpupumilit na meron daw CATHOLIC VOTE. Masakit tanggapin pero yun ang KATOTOHANAN at wala po tayong magagawa diyan. 

Isang salita ang wala sa kanila kung bakit walang CATHOLIC VOTE.

"PAGKAKAISA"



No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.