"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 31, 2013

Bakit hindi kilala ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo?

Isa sa mga batikos ito ng mga kumakaaway sa Iglesia, partikular na ni Catholicdefender2000, ang sabi nila, ang mga miyembro nyo naman halos lahat PILIPINO!

Tapos icoconclude nila na ang Iglesia ni Cristo daw ay para lang sa mga PILIPINO.

Sabi pa ni CD2000, 99.9% ng miyembro nyo PILIPINO, sa Pilipinas lang kilala ang Iglesia nyo!

Exsaherado man, walang basehan at isa lamang kalokohan ang figures na sinabi ni CD2000, kung iisipin natin, may punto naman siya kahit papaano.


Ang katotohanan: Totoong sa Pilipinas lamang kilala ang Iglesia ni Cristo. Hindi ito kilala sa ibang bansa pero kinikilala ito ng gobyerno ng IBAT-IBANG BANSA, partikular na sa Amerika. Kaya nga kung mapapansin nyo kapag anniversary ng Iglesia ni Cristo, nagpapaabot ng mga liham ang ibat ibang opisyales ng gobyerno sa ibat ibang bansa, mapa president, vice-president, senator, mayor, etc... Kilala ito sa ibang bansa sa mga komunidad lamang kung saan may lokal ang INC pero hindi ng buong mundo.

Ibabanat ng ilan, eh kung tunay ang Iglesia nyo, bakit hindi nito katulad ang iba pang kilalang Christian religions tulad ng Jehovahs Witnesses, Seventh day Adventist, Roman Catholic Church, Church of Jesus Christ of latter day saints, etc... na kilala sa buong mundo?

At bakit 90-95% ng myembro Iglesia ni Cristo (sariling estimate) ay pure Filipino?


EVANGELISM

Itong mga tanong na ito ay may kinalaman sa paraan ng EVANGELISM ng ibat ibang relihiyon, ang lugar kung saan nagmula at ang TAON ng pag-eexist nito, ito ang mga dahilan kung bakit ang mga nabanggit kong relihiyon ay di hamak na kilala sa buong mundo SA NGAYON kesa sa tunay na Iglesia ni Cristo.

Pag-aralan natin ang mga binigay kong relihiyon kung papaano sila lumawak at nagkaroon ng myembro sa ibat ibang bansa sa buong mundo.


Roman Catholic Church (1500+ years old)

(ROME) Siguro naman ay medyo may kaalaman na tayo kung paano lumaganap ang relihiyong ito sa buong mundo at ang mga bagay na nakatulong para lumaganap ito. Noong 313 A.D ginawang legal ang relihiyong kristyanismo sa Imperyong Romano, dati kasi ay inuusig ng matindi ang mga Kristyano, alam nyo naman, ang mga relihiyon dati na laganap sa daigdig ay PAGANISMO. Noong 380 A.D naging state church  ang Roman Catholic Church sa Imperyong Romano sa tulong ni Emperor Constantine I.

May pagkakaiba ang "state church" sa "state religion". Ang may kontrol sa "state church" ay ang gobyerno. Ang may kontrol naman sa "state religion" ay ang religion mismo, halimbawa, kung ang state religion ay Roman Catholic church, ang may kontrol noon ay ang Vatican. Kaya wag na tayong magtataka kung noong unang panahon ay nangialam si Emperor Constantine I sa mga doktrina sa Iglesia Katolika.

Nagsimulang magkaroon ng kapangyarihan ang Catholic Church dahil kay Emperor Constantine I, maraming ibinigay ang emperador sa Catholic Church tulad ng ibat ibang regalo, tax exemptions, mga lupain at iba iba pang pribilehiyo. Naging opisyal itong relihiyon kaya ang sinumang heretiko ay paparusahan. Kaya delikado ka kung nagbabalak balak kang mag-iba ng paniniwala o relihiyon.

Noong panahon ng Christendom, halos lahat ng mga bansa sa europe, ang state religion ay Roman Catholic Church.

Noong 16th century, lumaganap pang lalo ang pagmimisyon ng Catholic Church sa pamamagitan ng pagkakadiskubre ng iba pang mga lupain, ito nga yung mga panahon ng pananakop ng Spain, Portugal at iba pang mga bansa sa europe.

Napakaraming strategies ang ginawa ng mga katoliko noon para lumaganap ang relihyon nila, at para maprotektahan ito. Andyan yung FORCED CONVERSION, INQUISITION, mga paraan kung paano pipigilan at wawakasan ang relihiyong pagano, pagsira sa mga templong pagano, pagtulong sa mahihirap na naging daan para magpaconvert sila, pagtatayo ng mga hospital, schools at monasteryo sa pareho pa ring dahilan, pagbibigay ng mga privilege at tulong sa mga magpapaconvert, pag-adopt ng mga paniniwalang pagano para mahikayat sila sa paniniwalang Katoliko at marami pang iba...

Sa ngayon naman, nagpapadala pa rin sila ng mga missionaries sa buong mundo, pinag aaralan nila ang kultura at wika ng ibat ibang bansa kaya madali na sa kanila na magkaroon ng mga converts. Isa sa mga potential converts ang African countries: mga katutubo, mga pagano. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit nababalitaan natin na malaki ang inilago ng bilang ng mga Katoliko sa Africa.

References: wikipedia1, wikipedia2, wikipedia 3


The Church of Jesus Christ of Latter day Saints (183 years old)

(U.S.A) Nagmula ang LDS church sa "Latter Day Saint Movement" na sinimulan ni Joseph Smith Jr. noong 1830. Noong 1939 nagsimulang magpadala ng mga missionaries sa labas ng bansang pinagmulan nito.

Sa ngayon, meron silang libo-libong missionaries sa buong mundo. Dito sa Pilipinas, sila yung nakikita natin madalas na by pair na mga kano na nagtatagalog, pag nakakasalubong natin sa daan. Naka necktie, white polo at slacks.

References: wikipedia1, wikipedia2


Seventh Day Adventist (150 years old)

(U.S.A) Ang SDA ay isang Protestant denomination. Nagmula sila sa "Millerite movement" noong 1840's pero noong 1863 ito pormal na naitayo, noon ding taon na yon ng opisyal na pagkakatayo ng SDA ay meron na silang 125 churches at 3,500 na myembro.

Noong 1874 nagsimula silang magpadala ng isang missionary sa labas ng bansang pinagmulan nito. Doon nagsimulang lumaganap ang SDA sa buong mundo.

Ang pagtatayo ng mga hospitals, schools, etc... ang nakatulong sa paglago ng mga kaanib ng SDA bukod pa sa kanilang mga missionaries.

Reference: wikipedia1, wikipedia2


Jehovah's Witnesses (130+ years old)

(U.S.A) Noong 1870's nagsimula mag-aral ng bibliya ang founder nito na si Charles Russell. Nagmula ang Jehovah's witnesses sa "Bible Student movement" na sinimulan ni Russell noong 1870's, ngunit ang pangalan "Jehovah's Witnesses" ay noong July 1931 lang ipinakilala.

Noong 1881 ay nagsimula na silang magpadala ng mga missionaries sa ibang bansa. Ang unang branch nila sa labas ng bansang pinagmulan ay noong 1900. Simula noon ay nagtatatag na sila ng branches sa ibat ibang bansa.

Naging instant celebrity si Russell ng mabasa ang kaniyang mga sermon sa mga dyaryo sa Amerika ng milyong tao.

Nagkaroon sila ng international conventions at district conventions para mag evangelize.

Lahat ng miyembro ng Jehovah's witnesses ay nag-eevangelize, kilala sila sa door to door preaching o yung nagbabahay bahay para mangaral. Napakalaki ng papel ng pamimigay at pagpiprint nila ng mga bibliya, at mga publications/literatures/polyeto nila sa paghikayat ng mga kaanib na nakatranslate sa 100+ na mga wika sa buong mundo.

Malaki rin ang ambag ng katuruan sa pagfocus nila sa "end times", ilang beses na silang nagpredict sa taon ng katapusan ng mundo pero lagi silang bigo. Dahil diyan, mas naging active ang kanilang mga miyembro sa pangangaral dahil sinasabi lagi ng kanilang mga lider na "malapit na ang wakas", kesyo sa ganitong taon magwawakas ang mundo kaya ilaan na natin ang natitirang oras sa pangangaral...

References: wikipedia1, wikipedia2


Ang paraan ng pangangaral ng Iglesia ni Cristo

Ang Ka Felix Manalo ay nangaral sa Sta.Ana sa Maynila. Noong July 27, 1914 narehistro sa gobyerno ng Pilipinas ang Iglesia ni Cristo. Bago pa man ito marehistro ay mayroon na itong 14+ na mga kaanib. At dumami pa nga ang mga kaanib sa pamamagitan ng pangangaral ni Ka Felix sa ibat ibang lugar sa Pilipinas.

Malaking tulong ang mga missionary campaigns na naging malalaking rallies kasabay ang public debates sa ibat ibang mga pastor ng ibat ibang relihiyon. 

Noong 1968 nagkaroon ng unang lokal abroad ang INC sa Hawaii sa pamamagitan ni Ka Erano Manalo.

Ang paraan ng pangangaral ng Iglesia ni Cristo ay sa pamamagitan ng pamamahayag at Grand Evangelical Missions. Eto yung gatherings kung saan iniimbitahan ng mga miyembro ang kanilang mga kakilala, kaibigan, pamilya etc. para makinig ng mga salita ng Diyos sa mga gusaling sambahan at sa malalaking venues.

Gumagamit din ang INC ng radyo, telebisyon, mga polyeto at magazine (Pasugo) upang makatulong sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos.

Hindi nagpapadala ng mga "missionaries" ang Iglesia ni Cristo sa ibang bansa hindi tulad ng ibat ibang relihiyon. Nagkaroon ng mga lokal at Group Worship Services sa ibat ibang bansa dahil sa mga migranteng mga Pilipinong kaanib, kasama na rin diyan ang mga non Filipino members. 

Sa mga group worship services, sa kanilang mga pagtitipon o pagsamba ay nanonood lamang sila ng mga video tapes ng mga pagsamba. Nagpapadala ang pamamahala ng mga ministro upang silay bisitahin o kaya naman ay upang mangasiwa sa mahahalagang okasyon tulad ng banal na hapunan.

Kapag ang mga GWS na ito ay lalo pang lumaki, ito ang nagiging mga lokal ng INC abroad. Maghahanap sila ng lugar para bilhin para maging gusaling sambahan nila at maaari silang magrequest sa pamamahala na magkaroon sila ng resident minister.

Note: Ang MAIN PURPOSE ng pagtatatag ng mga lokal sa ibang bansa ay upang maipagpatuloy ng mga kaanib, mapa Pilipino man o hindi, ang kanilang mga pagsamba sa Diyos kahit nasaan man silang lugar sa mundo. Meron mang nag-eexist na lokal sa bansa nila o wala pa. Siguroy pangalawa na lang sa mga rason yung pag-aakay ng mga di pa kaanib.


Bakit hindi kilala ang INC sa buong mundo?

Pumunta na tayo sa mga tanong kanina, bakit kaya halos 90-95% ng mga myembro ng INC ay pure Filipino? Dahil ba para lang sa mga PILIPINO ang church na ito?

Sagot: Hindi. Dahil nagsisimula pa lang naman magkaroon ng mga lokal sa ibat ibang bansa sa buong mundo. At tama rin naman ang pagkakadescribe ng ilan, naka sentro kasi ang pag-eevangelize ng INC sa Pilipinas kaya nagkataong halos lahat ay mga Pilipino ang kaanib. At tulad nga ng sinabi ko, hindi naman kasi kami tulad ng ibang relihiyon na nagpapadala ng missionaries sa ibat ibang bansa, nagkakaroon lang ng converts ang INC kapag silay nabautismuhan mula sa proseso ng pagiging kaanib. Nalalaman lang nila ang katuruan sa Iglesia sa pagdalo nila sa mga Pamamahayag at Grand Evangelical Missions. Pwede ring sa pamamagitan ng mga nabanggit ko tulad ng telebisyon, radyo, Pasugo at mga polyeto.

Isang factor kung bakit hindi kilala ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo ay dahil hindi ito nanggaling sa Amerika. Kung mapapansin nyo, halos lahat ng Protestant churches eh nanggaling sa Amerika, ang Amerika ang nagpapadala ng missionaries sa Asya at sa iba pang bansa. Pinag-aaralan ng mga missionaries nila ang wika at kultura ng mga bansang yon kaya madali na sa kanila maka-akay ng magiging mga kaanib.

Limitado naman sa filipino languages at english ang wika ng mga ministro dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Merong mga translators sa iba pang mga wika pero iba pa rin talaga kung ang nangangaral ay nakakapagsalita ng magaling ng wika kung saang bansa siya nadestino. 

Limitado rin ang mga naaakay sa mga Pamamahayag o GEM dahil yung mga kakilala ng mga kaanib ang madalas na naaanyayahan, kung Pilipino ka, siyempre ang madalas mong maakay ay kapwa Pilipino o half-Filipinos. Pero meron din namang mga naaakay kahit hindi Pilipino ang isang Pilipino na mga kakilala pero kung ikukumpara sa paraan ng mga missionaries ng ibang relihiyon ay di hamak na mas marami silang naaakay na ibat ibang lahi.

Pero kahit naman karamihan sa mga kaanib sa ibang bansa ay Pilipino, may mga lokal pa rin naman na halos lahat ay non Filipinos tulad ng mga lokal sa Japan at Africa. 

Kung bilang ng mga kaanib naman ang pag-uusapan, malaki ang factor ng paraan o proseso ng pagiging kaanib sa bilang ng mga napapabautismuhan. Example na lang sa mga protestant o born again, sa kanila pag handa na sila o gusto na nila magpabautismo ay agad agad naman na silang nagpapabautismo. Sa Iglesia naman ni Mr. Soriano, 7 doctrinal lessons lang, pag natapos mo yon eh mababautismuhan ka na. Ewan ko lang sa iba kung paano ang proseso nila. 

Sa Iglesia ni Cristo naman, 6 months (estimate) pwede ka ng mabautismuhan basta makumpleto mo mga requirements (kasama na pagdodoktrina at pagiging sinusubok) at dapat wala kang palya sa pagdalo sa mga pagsamba.  Ako nga 1 year+ ata ginugol ko bago mabautismuhan ^^  kulang kasi ako sa mga requirements.

Ang Iglesia ni Cristo ay mag 100 years old pa lang sa July 2014. 

45 years old pa lang ang pinakaunang lokal sa ibang bansa. Sa iba pang mga bansa ay kailan lang natatag ang mga lokal, at patuloy naman ang pagkakaroon ng mga lokal abroad. 

Kaya sana ay huwag naman tayong masyadong mag expect ng napakataas na gusto niyo ata lalo na ni Catholicdefender2000, eh sa loob ng 100 years ng INC, kasing laganap na ito ng Catholic Church na 1500+ years old na. 

Iba ang pamamaraan ng Iglesia ni Cristo sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos kaya huwag nyo sanang minamata ang mga kaanib na kesyo bakit halos lahat Pilipino, kesyo bakit hindi ito kilala sa buong mundo, etc...

Hindi nito ginamit ang mga sakim at masasamang paraan ng mga Katoliko dati para lamang magkaroon ng mga miyembro.

Pero alam ko hindi ito mauunawaan ng mga close minded at mga kinasangkapan ng Diyablo. 

Sana maipagpatuloy ng INC ang ginagawa nitong pag eevangelize tulad ng nangyari sa India at Mexico, pati na rin dito sa Pilipinas kung saan nagkaroon ng mga ilang araw na magkakasunod pamamahayag gamit ang ibat-bang mga dialekto. Pati na rin ang "Kabayan ko, Kapatid ko" at INC giving, isa rin kasi ito sa makakatulong at magiging daan upang magsuri sila sa mga aral sa Iglesia ni Cristo. 

Pangarap ko para sa Iglesia ni Cristo, sana sa 2nd century nito, kung tatagal pa ang mundo, ay maifocus ang pagpapadala ng mga ministro naman sa ibang bansa. At sana magkaroon na rin ng mga missionaries na mga ministro, yung halimbawa ipapadala sa ganitong bansa, doon titira, pag-aaralan ang kultura at wika, kaya makakapagmisyon ng mga ibang lahi. Pangarap ko rin na sana may itrain na mga ministro para sa espisipikong bansa, at mag specialize sa pag-aaral ng wika ng bansang yon, para sa akin ay mas epektibo yon kesa sa halimbawa pag-aaralan ang ibat ibang wika, mahirap yon kasi ang 1 wika pa nga lang ay mahirap na talagang pag-aralan. 

Eto lang naman ay mga opinyon ko lamang, mga pangarap ko sa Iglesia para naman mas lumaganap ito sa buong mundo, makilala ito ng maraming tao at marami pa ang makaalam ng katotohanan para marami ang makikinabang sa kaligtasang ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Sa pamamagitan ng pag-anib sa Iglesiang itinayo ni Kristo--ang Iglesia ni Cristo.

Sa ngayon, kinagagalak ko pong sabihin na ang Iglesia ni Cristo ay nakarating na sa 100 countries and 7 territories with members consists of more than 120 various races and nationalities. Kahit walang mga missionaries, kahit galing sa Asya, at kahit galing sa 3rd world country. Kahit na karamihan sa mga miyembro ay mahihirap, kahit na sa handog lang kumukuha ng mga ginastos ang Iglesia kung ikukumpara sa ibat ibang relihiyon na may mga negosyo, investments sa mga kompanya, mga institutions na for profit tulad nga mga ospital, eskwelahan at iba pa, patuloy ang pagpapatayo ng mga gusaling sambahan at pagbili ng mga properties upang gawing bahay sambahan na nagkakahalaga ng milyon-milyon. 

Lahat ng ito ay gawa ng Diyos, hindi ng mga "Manalo" o mga ministro, dahil silay kinasangkapan lamang...





7 comments:

  1. Tama ka po diyan Ka Read Me.. mag-100 years pa lang. kumpara sa higit isang daang taon nila lalo na yung dati kong pinanggalingan na religion.. kung mahilig lang mag-research at interesado sila sa history.. malalaman nila yung tinutukoy mo na pwersahan.. at totoong-totoo ung isa sa mga nabanggit mo.. na kapag di ka catholic ipinapapatay noong unang panahon at alam yan at aminado ang mga pari tungkol diyan.. or kung gusto nila gawin nilang halimbawa si Jose Rizal kung anong mga papanakot ang ginagawa ng mga pari noon dahil maski gobyerno ay hawak nila noon.. at may isang episode ako na napanood sa matanglawin kuya kim tungkol sa dwende kung saan nagmula ito.. at ayon sa history gumawa ng kwento ang mga kastilang pari noon tungkol sa duwende upang matakot ang mga pilipino at sumampalataya sa sa itinuturo nila.. ang galing noh? di ko talaga malilimutan ang iba pang show ni kuya kim na medyo kontra sa mga itinuturo ng dati kong religion.. at ang palabas ay hindi haka-haka bagkus ay science na makapagpapatunay kung TUNAY o HINDI.. hehe.. ^_^

    ReplyDelete
  2. Sir read me .. Totoo po bang nagmula sa unggoy ang tao? At kung hindi man may verse po ba sa bibliya ang magpapaliwanag na hindi tayo nagmula sa unggoy? Sana po masagot nyo po ,, kasi turo po yan sa amin ng teacher ko ngayon sa Araling Panlipunan eh ....

    ReplyDelete
  3. Ms. Shane, ganito na lang po isagot mo sa titser mo, Mam o Sir, tinatangap nyo po ba na mukha kayong ungoy, (hehehe), pag sinagot ka ng HINDI, ayos na ang homework mo, may sagot ka na sa tanong nila... ^_^ peace...

    ReplyDelete
  4. But now,naitala na rin sa China (Atheist),Bahrain (Wahhabi),India (Hindu,Sikh) ang INC.
    Sa kanya lahat ng kapurihan.

    ReplyDelete
  5. Shane may verse po sa bible na ngmula ang tao sa alabok at wala pong nabanggit doon na ngmula ang tao sa unggoy :). basahin mo po sa Genesis 1:1-27 andun po yun.

    ReplyDelete
  6. hindi nagmula ang tao sa unggoy..
    ANG DATING BIBLIA
    I CORINTO 15:39
    Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.

    ReplyDelete
  7. Mahirap talagang maniwala sa 1914 hahaha

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.