Ang "PAGTITIWALAG" po ay hindi isang imbentong aral sa Iglesia kundi itoy utos na mula sa bibliya:
"Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, "Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao." I Cor. 5:12-13
Bago pa man maging isang OPISYAL NA KAANIB sa Iglesia ang isang tao, sa pamamagitan ng pagbabautismo, ay itinuturo na ang KAHALAGAHAN ng PAG ANIB sa Iglesia na kaparaanan upang MALIGTAS. At itinuturo rin na kung sakaling ang isang kapatid ay LUMABAG sa mga aral sa Iglesia, mayroon itong kabayaran --> PAGTITIWALAG o ang pag aalis sa isang miyembro sa talaan ng Iglesia.
Kaya kung sumasampalataya ka na IMPORTANTE ang pag anib sa Iglesia upang maligtas, ang tanong, MALILIGTAS BA ANG MGA ITINIWALAG SA IGLESIA NI CRISTO?
Alam ng lahat ang kasagutan: HINDI. Bakit? Dahil sa simpleng kadahilanang OPISYAL KA NG WALA SA IGLESIA o HINDI KA NA MIYEMBRO NG IGLESIA NI CRISTO.
May karapatan ba ang tao sa lupa na "MAGTIWALAG"
"Sinasabi ko sa inyo ang totoo: Anuman ang inyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang inyong kakalagan sa lupa ay kakalagan sa langit." Mat. 18:18 Ang salita ng Diyos
"Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit." Mat. 18:18 Magandang balita biblia
Ang mga salitang ito ang sinabi ng ating Panginoong Hesukristo sa mga apostol bago siya umakyat sa langit. Sa panahon ngayon na wala na ang mga apostol na siyang nangunguna sa Iglesia noon, ay ang katumbas ngayon nito ay ang Pamamahala sa Iglesia.
Binigyan sila ng KARAPATAN sa pagtatali at pagkakalag.
Kaya MALING MALI ang paniniwala ng ilang mga itiniwalag sa Iglesia na kesyo HINDI DAW PO TOTOO na itiniwalag sila ng Diyos, dahil TAO LANG DAW ang nagtiwalag sa kanila kaya may bahagi pa rin sila sa kaligtasan. Ngunit napakaliwanag naman ng talata na binigyan ng KARAPATAN ang mga nagunguna o namamahala sa Iglesia sa bagay na ito.
Anong sasapitin naman ng mga ITINIWALAG o ng mga taong wala sa aklat ng buhay sa langit?
"At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy." Pahayag 20:15
Sa DAGAT DAGATANG apoy pala, AYON SA BIBLIYA, ang kahahangtungan ng mga taong hindi nakasulat sa aklat ng buhay. Ito ang pangalawang kamatayan.
Ganito rin ang sinasabi sa Juan 15:6
"Ang hindi nananatili sa akin ay matutuyo at itinatapon, gaya ng sanga. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at sinusunog."
May MAGAGAWA ba tayo kung tayoy hiwalay kay Kristo?
"Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin." Juan 15:5
Upang makabahagi tayo sa kaligtasan, KAILANGAN NATING MANATILI kay Kristo, katumbas nga nito ay ang pananatili sa kaniyang katawan, sa kaniyang Iglesia. Dahil ayon mismo kay Kristo, WALA TAYONG MAGAGAWA KUNG TAYOY HIWALAY SA KANIYA.
Anong dapat nating gawin na NAAAYON SA BIBLIYA, patungkol sa mga itiniwalag na sa Iglesia?
Ganito po ang sinasabi ng banal na kasulatan:
"Kung may dumating sa inyo at hindi dala ang aral na ito, huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, ni batiin man. Ito ay sapagkat ang sinumang bumabati sa kaniya ay nakikibahagi sa kaniyang masasamang gawa." 2 Juan 1:10-11
"If anyone comes to you and does not bring this doctrine [is disloyal to what Jesus Christ taught], do not receive him [do not accept him, do not welcome or admit him] into [your] house or bid him Godspeed or give him any encouragement." Amplified Bible
Ang pinaka dahilan ng pagkaka TIWALAG ng isang miyembro ng Iglesia ay ang PAGLABAG sa aral, kaya dahil sa PAGLABAG NA ITO, ibig sabihin hindi niya DALA ang tunay na mga aral ng Diyos. Kasi kung dala niya ang aral ng Diyos hindi sana siya natiwalag.
Kaya sa mga itinitiwalag na binabasa sa serkular ganito po ang madalas nating naririnig, HUWAG TATANGGAPIN SA INYONG BAHAY, NI BATIIN MAN. Bakit daw? Sapagkat ang SINUMANG BUMABATI SA KANIYA ay NAKIKIBAHAGI SA KANIYANG MASASAMANG GAWA.
Kaya tayong mga hinirang ng Diyos ay dapat na MAG INGAT:
"Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala." 2 Juan 1:8
MAG INGAT upang LUBUSAN NATING MAKAMTAN ANG GANTIMPALA.
Ano iyon?
ANG BUHAY NA WALANG HANGGANAN. ANG KALIGTASAN.
May PAGKAKATAON pa ba o may TSANSA pa ba sa kaligtasan ang mga "NATIWALAG" sa Iglesia?
Sagot: MERON PO! Kaya nga meron tayong kasabihang, "Habang may buhay, may pag asa" ibig sabihin habang meron kapang pagkakataon magbago, GAWIN MO. ITAMA MO ang buhay mo at MAGBALIK LOOB ka sa Diyos.
"Magsisi nga kayo at magbalik-loob para sa pagpawi ng inyong mga kasalanan..." Gawa 3:19
Kaya meron pong proseso sa Iglesia na kung tawagin ay "PAGBABALIK LOOB" kung saan ang mga natiwalag sa Iglesia ay maaari pa ring makabalik. Tao tayo, nakakagawa ng mga kasalanan at paglabag, ngunit ang Diyos ay marunong din naman magpatawad, hanggat tayoy nabubuhay meron tayong pagkakataon upang pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan at MAG BALIK LOOB SA DIYOS.
Gawin natin ang lahat upang makabalik dahil iisa lang naman ang tangi nating dahilan sa pagpasok sa Iglesiang kay Kristo --> UPANG MALIGTAS.
Ngunit ang tanong, dapat ba na PATAGALIN ang pagbabalik loob? Yun bang magpapalipas pa ng ilang taon saka lang ikokonsidera na magbalik loob?
Ano po ba ang sinasabi sa bibliya?
"Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon; huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya, sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti, at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa." Ecc. 5:7
Sabi, magbalik loob KA NA AGAD. Sabi AGAD.
Hindi po ibig sabihin nito na makakabalik na agad siya sa Iglesia sapagkat mahaba po itong proseso na ito, sinisigurado na ang mga nagbabalik loob ay talaga naman nagsisi na at hindi na uulit sa mga paglabag.
Ang ibig sabihin lamang nito ay MAGSISI ka na at ITAMA mo na AGAD ang mga mali mo. Sundin mo na AGAD ang aral ng Diyos, huwag ka MANATILI SA PAGGAWA NG MASAMA, dahil biglang darating ang araw ng paghihiganti at mamamatay ka sa PARUSA ng Diyos.
There is no salvation outside the Church.
ReplyDeleteYun lang ang tandaan ninyo.
Itatanong ko lang po kung gaano katagal para mapabalik sa Loob ng Iglesia kung sakaling matiwalag. salamat po, at ano po ang mga hakbang para mapabalik?
ReplyDeleteBasta po habang nagbabalik loob kayo ay maayos niyo po ang dahilan ng ikanatiwalag niyo. Halimbawa, dahil sa pagaasawa ng hindi INC, kelangan ay mag iglesia muna ang iyong asawa sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung nakabuntis ka ng hindi pa kasal, ay pakasal muna sa pamamagitan ng batas. After nun,pwede ka na magpatala bilang balik loob. Salamat!
DeleteHello po sir/maam tanong ko lang po inc ako at nabuntis po ako ng sinusubok sa inc. balak po naming magpakasal sa west/civil pagkatapos nyang mabautismohan Pwde po ba yun? At matagal po ba bago makabalik sa talaan kung Agad magbabalik loob? Sana po matulungan nyo po ako. Salamat..
DeleteHi po,
ReplyDeleteMay isang relihiyon kz na nagtuturo hindi na raw dapat tinatanggap kapag natiwalag na sa Iglesia. Ang talatang batayan nila ay:
HEBREO
4 Sapagkat paano pang panunumbalikin upang magsisi ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo.
5 Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating.
6 Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat ng ito, hindi na sila maaaring panumbalikin upang magsisi sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos. Ano po ba ang stand dito ng INC? Salamat Po
Good morning po! Paano po ako makakapag update tungkol sa balik loob ko? Nag start po ako magbalik loob nung February 2020, dahil po sa civic19 di na po ako nakakapunta ng kapilya, co worker ko Lang po Ang nagbibigay saken ng Texto. Paano po kaya nila ma lalaman na sumasamba ako? Gusto ko po kasi makabalik sa iglesia. Thank you po in advance
ReplyDeleteHello po,
DeleteSa di inaasahang sakit na kumakalat sa mundo ngayon, nagkaroon po ng mga lockdowns o quarantine kaya medyo mahirap po ang sitwasyon ng pagsamba at mga aktibidad sa ngayon. Pinakamaganda po na makipag ugnyan lang po kayo sa pinakamalapit na lokal, yun lang po ang masasagot ko. Maaaring magkaroon ng delay sa proseso ng inyong pagbabalik loob ngunit manalig lang po tayo sa magagawa ng Diyos, makakabalik po kayo ng tuluyan.
Salamat po
May tanong po ako iniwasan ko na po ang pag labag ko at puspusang nag babagong buhay po ako nakikiisa po aq sa mga aktibidad po. Kaso wala padn po pasya sakin... Tanong ko lng po nasa karapatan parn pu ba ako maligtas . Kaya po ako nag bagong buhay dhl po dinaan ako
ReplyDeletesa panaginip
Hello po,
DeleteMay kasabihan nga tayo habang may buhay may pag asa. Kahit tumagal man ang proseso niyo sa pagbabalik loob, maging matyga lang tayo, at umasa sa magagawa rin naman ng ating Panginoong Diyos. Ilapit nyo lang sa kaniya iyan, gawin nyo lang kung anong satingin nyo ay tama, tulad ng pagbabalik loob niyo. Alam naman ng Diyos yung ating mga ginagawa.
Salamat po
Hello po sir/maam tanong ko lang po inc ako at nabuntis po ako ng sinusubok sa inc. balak po naming magpakasal sa west/civil pagkatapos nyang mabautismohan Pwde po ba yun? At matagal po ba bago makabalik sa talaan kung Agad magbabalik loob? Sana po matulungan nyo po ako. Salamat
DeleteHelpMe,
DeleteMas maiging sa kalihiman o dyakono po kayo magtanong para malaman ang buong detalye. Di ko masasagot ang tanong niyo lalo na ang alam ko nag iiba iba rin naman ang tuntunin.
May proseso po kayo pagdadaanan sa pagbabalikloob at alam ko ay hindi ito basta basta kahit ano pa mang paglabag yan. Sana makabalik kayo habang may pagkakataon pa.
Salamat po
Hello po, Tanong ko lang po yung nung nagabroad ako kinuha ko yung transfer ko sa pinas nung nasa abroad nako hindi po ako nakakasamba dahil nalipat po ako sa ibang lugar, yun po ba ay tiwalag din? dahil hindi po ako nakakasamba ilang taon. Ilan araw po ba bago makabalik sa makabalik sa talaan? Salamat po!
ReplyDeleteHello po,
DeleteSa totoo lang hindi ko po alam, mas maiging itanong nyo ito sa kalihiman o diyakono para malaman nyo proseso at tuluyang makabalik dahil may proseso po ito. Sana ay makabalik kayo habang may panahon pa.
Salamat po
Tanong ko lng po..na doktrinahan na po ako pero sapilitan lang po un..tapos nag stop po ako sa pag samba ng 7 years ngayon po gusto ko mag iglesia ulit..pwede po ba ako mag pa doktrina ng panibago?
ReplyDeleteHello po,
DeletePwede naman po, at dapat ang pagpapasya sa pag anib sa Iglesia ay mula sa pus, hindi napipilitan dahil pananampalataya ang usaping ito at hindi bsta MEMBERSHIP lang. Dumaan lang po kayo sa dating proseso, at kung malagpasan nyo lahat ay magiging kaanib na kayo.
Salamat po