"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 16, 2015

Mali ba ang pagbibigay ng "tulong" sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo?

Hindi na bagong bagay sa kaalaman ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na ang aming mga ministro ay tumatanggap ng "TULONG" mula sa Iglesia. Etong "TULONG" na ito, para sa mga di kaanib ay SWELDO. Ngunit sa loob ng Iglesia ni Cristo, hindi SWELDO ang tinatangap nila kundi TULONG.

Pag sinabi kasi nating SWELDO, eto yung BAYAD sayo, sa ginawa mong trabaho. Sa INC naman, hindi BINABAYARAN ang mga ministro namin, dahil ang pagiging MINISTRO ay hindi isang uri ng "TRABAHO" kundi isang TUNGKULIN sa IGLESIA. 

Ano bang karaniwang bagay ang ginagawa ng isang ministro?

Nangangasiwa ng mga pagsamba
Nagdodoktrina ng mga nagpasyang umanib sa Iglesia
Nagdadalaw sa mga kapatid
Nangunguna sa mga pagpupulong ng mga maytungkulin

at marami pang iba...


Tanong: Pinapayagan ba na magkaroon ng kabuhayan o trabaho ang isang ministro?

Sa abot ng aking kaalaman, HINDI. Maging ang kaniyang maybahay sa pagkakaalam ko rin po ay hindi rin pinapayagan. Ito ay upang mai-focus nila ang kanilang mga sarili sa pagtupad ng tungkulin at maalagaan ng maigi ng ilaw ng tahanan ang kaniyang asawa at mga anak.


Para saan naman ang "TULONG" (PINANSYAL) na binibigay ng Iglesia?

Para po ito sa kanilang mga pansariling pangangailangan, lalo na, ng kaniyang sambahayan. Mula sa ibat ibang bayarin sa bahay at pagkain ng pamilya hanggang sa pangsuporta sa pag aaral ng kanyang mga anak at iba pa...

KULANG ba o SOBRA ang "TULONG" sa mga ministro?

SAPAT lang po para sa pang araw araw. Hindi KULANG, dahil kung ganoon ay magiging kaawa awa naman ang mga naglilingkod sa Iglesia na kahit sariling buhay ay kayang ibigay para sa kanilang tungkulin. Hindi rin SOBRA, dahil hindi akma ang pagiging labis na marangya sa buhay ang isang ministro. 

Kaya nga tulad ng nasabi ko na sa iba kong artikulo sa blog na ito, kapag sinasabi ng mga kaaway na yung pera ng mga miyembro ay sa mga MINISTRO LANG NAMIN NAPUPUNTA.... Napapakamot ako sa ulo.

Wala pa kasi akong nakitang MINISTRO NA YUMAMAN DAHIL SA PAGIGING MINISTRO NYA, tulad ng TEACHER NA YUMAMAN SA PAGIGING TEACHER NIYA. WALA PA.

Pero baka sabihin ng ilan, eh bakit dito sa lokal nyo dito may nakita ako ministro nyo mukha namang mayaman etc etc...

Meron po kasing ilan na bago pa magministro ay MAY KAYA na sa buhay yung pamilya niya. O dahil may kamag anak na MAY KAYA. Meron din namang bago pa mag ministro ay nang negosyante kaya nagkakaroon siya ng INCOME kahit na itinigil na niya ang pamamahala dito. Meron ding bago pa mag ministro ay nakatapos na ng isang kurso, maaaring silay doktor, abogado etc.. na pinapayagan naman ng pamamahala na magamit nila ang propesyon nilang ito para sa kapakanan ng Iglesia, at may bukod silang tulong dito.

Ngunit hindi naging mayaman o nagkapera dahil yung mga handog ng mga miyembro sa kanila lang napupunta.

Kaya tanong ngayon, MALI BA na TULUNGAN ang mga ministro sa Iglesia ni Cristo? Labag ba ito sa bibliya?

"Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan." III Juan 1:8

Ang mga ministro ang siyang nagpapagal na MANGARAL para marami ang makaalam ng katotohanan at tulad ng sabi ng bibliya, DAPAT natin silang tulungan upang tayoy makabahagi sa PAGPAPALAGANAP NG KATOTOHANAN.

Kasama ba sa mga tumatanggap ng "TULONG" ang mga nasa matataas na katungkulan?

OPO. Mula sa mga ministro sa lokal, pastor, tagapangasiwa, hanggang sa namamahala. DAHIL SILA ANG MGA INSTRUMENTO NG DIYOS NA NAGPAPAKASAKIT PARA SA KAPAKANAN NG IGLESIA AT UPANG IPANGARAL ANG MGA SALITA NG DIYOS...

"Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay tumatanggap ng pagkain mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay may bahagi sa mga handog na nasa dambana? Sa ganyan ding paraan, ipinag-uutos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita."
I Cor. 9:13-14

Kapag tayoy naghahandog tuwing pagsamba sa Iglesia, katumbas noon ay ang pagtulong na rin sa kanila...

"Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos." Gal. 6:6

Kaya hindi po masama na silay tumatanggap ng TULONG mula sa Iglesia, na mula naman sa pinagsamasamang mga handog ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. At makikita natin na ito pala ay SANG AYON sa banal na kasulatan, hindi basta inimbento lang.

Kaya sa mga kumakaaway sa Iglesia na nagsasabi, eh paano yung taga pamahalang pangkalahatan nyo, at mga ministro niyo diba tumatanggap sila ng TULONG o kahit ano pang tawag nyo doon, tapos yung ihahandog nila galing din sa handog nyo...

TANDAAN: Ang isang bagay, pag binigay sayo hindi na sa kaniya iyon, kundi PAG AARI mo na yon. Kaya yung "TULONG" na natatanggap nila, pag naibigay sa kanila ay hindi na masasabing HANDOG namin mismo iyon dahil sa KANILA napo iyon...

Tulad na lang sa gobyerno natin, yung PRESIDENTE hanggang sa mga barangay captain, hindi bat ang SWELDO nila ay galing sa PERA NG MGA PILIPINO? Galing sa kaban ng bayan ika nga. Masama ba yon? HINDI. Dahil yun yung BAYAD sa serbisyo nila para satin.

Sa INC naman, ang mga ministro ay hindi BINABAYARAN kundi TINUTULUNGAN upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang mga tungkulin, na hindi maging hadlang ang kakapusan sa kanilang mga pangangailangan.


1 comment:

  1. Tama ang tinuran mo Brother.

    Di tulad ng pari nilang may Pajero na dahil sa suhol ng gobyerno,may mga offerings at donations pa sa mga kura nila.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.