"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 23, 2015

Hanggang kelan Antonio Ebanghelista?

Yan po ang pinakahuli kong tanong kay Ka Antonio Ebanghelista sa aking email sa kaniya. 

At sa di maipaliwanag na kadahilanan ay wala siyang nasagot miski isa sa napakarami kong katanungan sa kaniya.

Kung hindi niyo pa po alam ang artikulo ko tungkol kay Ka A.E ay eto po: "An open letter to Antonio Ebanghelista and his response".

Para sa mga bagong tagabasa ng blog na ito, kung hindi nyo alam, matagal na po akong blogger. 

MAG AANIM NA TAON na po, and still counting. 

Napakadami ko na pong nabasang ibat ibang mga artikulo na LABAN sa Iglesia at sa Pamamahala, ngunit bago ako magpapaniwala sa kanilang mga isinusulat ay una ko munang tinitignan kung "SINO" ang nagsulat.



Napakaimportante po kasi ng bagay na ito, lalo na sa mga mahilig sa internet, hindi po LAHAT NG NABABASA natin na impormasyon sa internet ay MAY KATOTOHANAN. Lalo na sa FB, nabasa mo lang maganda pakinggan sa tenga, SHARE AGAD. Nakita mo lang maganda yung naka attach sa PICTURE, LIKE NA AGAD. Pero kung bubusisiin mo yung mensahe na nilalaman noon, masasabi mong, AY, MALI PALA.

Yung tipong seryosong seryoso ka sa pagbabasa sa Adobochronicles.com dahil nabanggit ang Philippine Arena sa artikulo nilang: Change of Venue: Philippines to Host 2018 World Cup, at dahil matalino kang mambabasa, tinignan mo muna yung description ng website na yon at ang nakalagay eh:

"THE ADOBO CHRONICLES  is your source of up-to-date, unbelievable news. Everything you read on this site is based on fact, except for the lies. "

HOAX NEWS lang pala ang laman non. For fun kung baga, puro kalokohan. 

Eh paano yung iba, hindi nagresearch muna, ayun nag share sa FB at naniwala saglit na isasagawa ang world cup sa Pilipinas, bigla nilang malalaman naloko lang pala sila. 

Tapos yung tipong may article nagsasabi si Jose Rizal daw at si Hitler ay MAG AMA. May nakapost lang na picture na magkamukha sila ng konti, naniwala na agad.


TIP: Bago po tayo maniwala sa nilalaman ng mga impormasyon ng isang ARTIKULO ay alamin muna kung anong WEBSITE ang nagpublish at kung SINO ang sumulat. Kung may KREDIBILIDAD ba sila o WALA, dahil mahirap maniwala sa isang kasinungalingan. Di natin namamalayan naloko pala tayo.

Kaya nga nung LUMABAS ang isang ANTONIO EBANGHELISTA sa internet, bago ako maniwala sa lahat ng sinasabi niya, ay NAGSURI muna ako at nagtimbang. At yun nga, humantong sa pag eemail ko sa kaniya patungkol sa kung SINO BA TALAGA SIYA at ANO BA ANG KANIYANG TUNAY NA LAYUNIN.

Kung ikaw ang tatanungin ko, magtitiwala ka ba sa isang magnanakaw? Maniniwala ka ba sa isang sinungaling? Magpapahiram ka ba ng pera sa isang manloloko? 

Ang totoo, hindi natin MUNA dapat na bigyan ng importansya ang sinasabi nila, oo sa una matamis sila magsalita, convincing ba, pero sa huli mo na lang malalaman ang kanilang TUNAY na PAKAY sayo... Kaya importante bago ka magtiwala sa kanila, magbackground check na muna, KILALANIN mo kung sino sila at kung dapat ba silang pagkatiwalaan.

Sa kaso naman ni Antonio Ebanghelista, hanggang ngayoy hindi niya ako mapapaniwala sa LAHAT ng sinasabi niya. Hindi dahil sa BIAS ako, kundi dahil hindi niya kayang sagutin ang mga katanungan na napakasimpleng sagutin KUNG SINO SIYA AT KUNG ANO ANG TUNAY NIYANG LAYUNIN.

Hanggang ngayon po ay naghihintay ako na sagutin niya ang 10 bagay na inilahad ko sa aking email. Ngunit nakalulungkot pero ilag po siya na sagutin ito. Paano pa ko maniniwala sa mga IMPORMASYON sa blog niya kung simpleng bagay ay hindi niya masagot?

At kung talagang nagsasabi siya (SILA) ng totoo at may hawak na mga ebidensya, BAKIT HINDI NA LANG TULDUKAN?

Bakit sa halip na TULDUKAN, puro "paninira" ang kaniyang ginagawa at puro "akusasyon" na lamang ang kaniyang sinasabi? Hindi bat nasa kategoryang PANINIRA at AKUSASYON ang kaniyang mga sinasabi sapagkat ni isa sa mga inilahad niya ay wala pa siyang NAPAPATUNAYAN kahit na may hawak siyang mga "ebidensya"?

GAANO KA "AUTHENTIC" naman ang mga ebidensyang iyon?

At gaano katotoo na may ANOMALYA AT KATIWALIAN sa Iglesia unless makakapag provide si Antonio ng DETALYADONG PRESENTASYON kung paano at kanino napupunta ang mga perang NACO-CORUPT?

Naaalala nyo ba yung paghimay ng senado sa PORK BARREL SCAM ni Janet Napoles, sa OVERPRICED BUILDINGS ng Makati at OVERPRICED CONSTRUCTION ng Iloilo Convention Center?

Hindi bat DETALYADO ang pagpapakita nila ng ebidensya, kung saan napupunta at kung paano nangyari ang katiwalian... Higit sa lahat, ang mga NAG AAKUSA AY LUMALANTAD NG HARAPAN.

Eh sa kaso ni Antonio Ebanghelista, bukod sa pagkwestyon niya sa PAGBEBENTA NG PROPERTIES NG IGLESIA, PAGKAKAROON NG MAMAHALING SASAKYAN NG ILANG MGA MINISTRO, WALANG KATAPUSANG PAGKUKUMPARA SA DATING NAMAMAHALA SA KASALUKUYANG NAMAMAHALA SA IGLESIA at iba pa. Meron bang TUNAY NA EBIDENSYA NA makakapagdiin na MERON TALAGANG KATIWALIAN AT KORUPSYON NA NAGAGANAP SA IGLESIA?

At kung talagang PURO KATOTOHANAN ang sinasabi ni Antonio Ebanghelista, ang tanong ko muli, KAILAN MO PO TUTULDUKAN ANG GINAGAWA NIYONG ITO? Nagawa na ninyo ang goal nyo na mabasa ito ng mga kapatid, ANO PA ANG INAASAHAN NYONG MANGYAYARI?

Concern ka pala sa Iglesia BAT DI KA PO LUMANTAD? AT kung wala kang balak LUMANTAD, KELAN PALA? Papatagalin mo po ba ng 5 years ito hanggang sa kusa na lang magkaroon ng PAGLABAN SA PAMAMAHALA at tuluyang magkawatak watak ang Iglesia? Ganun ba ang gusto mo talagang mangyari? 

Kung hindi pala ay dapat ka ng GUMAWA NG HAKBANG, hakbang kung saan MAAAYOS NA ANG LAHAT, maitatama ang mga mali at mapapaalis ang mga gumagawa ng masama. 

Hindi na kasi nakakatuwa ang NAPAKALAKING KASIRAAN na inyong dinudulot sa Iglesia. 

Hindi na kasi nakakatuwa na ang mga kapatid na nag aakay ay inuusig ngayon ng mga di kapapanampalataya dahil sa nababasa nilang mga "KATIWALIAN" diumano sa Iglesia.
 
Hindi na kasi nakakatuwa na ang mga inaakay sa halip na magpatuloy sa pagdodoktrina ay natigil na dahil sa mga nababasa nila.

Hindi na kasi nakakatuwa na lalo pang dumami ang mga kalaban ng Iglesia.

Hindi na kasi nakakatuwa na naaapektuhan ang PANANAMPALATAYA ng mga kapatid at natitisod dahil sa mga sinasabi ninyo sa inyong mga artikulo. 

Kung nasa katotohanan ka, WAG KANG MAG ALALA. Kung naniniwala kang may dahilan ang Diyos sa mga nangyayaring ito, HUWAG KANG MATAKOT. At kung totoo lahat ng sinasabi mo, PATUNAYAN MO, IPAKITA MO LAHAT NG EBIDENSYA NG HARAPAN at huwag umasa sa simpatya ng mga kaanib sa Iglesia. Umaaasa ka siguro na may grupo ng mga miyembro ng Iglesia ang maglalakas loob na kwestyunin ang pamamahala at ang namamahala at mag demand ng pagbabago ano. Kaya ba puro PAGPAPALAKAS NG LOOB ang ginagawa mo, sasabihin mo lakasan ang loob, at lumabas na ang mga nanahimik?

HINDI NA PO AKO MAGTATAKA KUNG ISANG ARAW MAY IPAPAGAWA SI ANTONIO EBANGHELISTA SA MGA MAMBABASA NIYA.

Hindi ko lang alam kung ano, maaaring magsasabi nalang siya na huwag na mag tanging handugan, huwag maghandog, huwag sumamba, huwag dumalo ng panata, huwag sumunod sa ministro at ang pinaka masaklap, ang TUMALIKOD SA IGLESIA NI CRISTO.

Maging mapagmatyag po tayo. Maging mapanuri. 

Sapagkat KALIGTASAN natin ang nakataya dito.

Hindi niyo napapansin unti unti na niya kayong kino-convert maging pro A.E.

Ngunit ako, isa lang paninindigan ko at ang pananampalataya ko hanggang wakas...



AKOY KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO!

hindi sa "IGLESIA NI ANTONIO"!



8 comments:

  1. Let us pray to those kumakalaban na si AE sa Iglesia:

    Prayers against socialism,heresy and enemies of the Church
    Glorious St. Michael,
    Prince of the heavenly hosts,
    who standest always ready to give assistance
    to the people of God;
    who didst fight with the dragon,
    the old serpent,
    and didst cast him out of heaven,
    and now valiantly defendest the Church of God
    that the gates of hell may never prevail against her,
    I earnestly entreat thee to assist me also,
    in the painful and dangerous conflict
    which I have to sustain against the same formidible foe.
    Be with me, O mighty Prince!
    that I may courageously fight
    and wholly vanquish that proud spirit,
    whom thou hast by the Divine Power,
    so gloriously overthrown,
    and whom our powerful King,
    Jesus Christ, has,
    in our nature,
    so completely overcome;
    to the end that having triumphed
    over the enemy of my salvation,
    I may with thee and the holy angels,
    praise the clemency of God who,
    having refused mercy
    to the rebellious angels after their fall,
    has granted repentance
    and forgiveness to fallen man.
    Amen

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka pa...Ang plastik mo.

      I know na tuwang-tuwa ka,nagpipiyesta ka pa sa nangyayari sa amin.

      Unggoy.Wag kami,iba na lang.Ang pangit ng propaganda mo.Mag-stay ka na lang sa kumbento.Maidagdag ka pa sa mga paring nawala sa vocation (na lumipat sa INC ang iba).

      Delete
  2. Si Antonio Ebanghelista ay ang modernong Judas Iscariote...
    Mananatili ako sa paglilingkod.
    Ako'y Iglesia Ni Cristo hanggang kamatayan!

    ReplyDelete
  3. natatawa lang ako jan ke antonio..Kung Iglesia man yan e talo pa yata ng anak kong 1 year old ang pnanampalataya nyan..mga dokumentong pnapakita nya kaya ko fing gawin yun eh mas mganda pa dun..pero naniniwala ako isang araw hahanapin natin sya pero hndi masusumpungan..gaya ng bagay na wala..

    ReplyDelete
  4. Hinamon ko na mga yan na ipakita ang ipinagmamalaking ebidensya sa Central (sasamahan ko pa) but so far seenzone lang bagsak ng msg ko sa facebook

    ReplyDelete
  5. I am an INC for almost 3 years.
    Pero kung sa paniniwala sa Pamamahala,daig ko pa ata ang ipinanganak na sa turo ng INC.

    Ako na naniniwalang walang mali sa ginagawa at desisyon ng Pamamahalang nilagay ng Ama sa Iglesia.
    Kailan ba nagbenta ng properties ang INC?Ang alam ko lang,bumili sila ng properties.

    ReplyDelete
  6. Ano ba ang nagyari diyan kay AE at tila Nahingi siya ni Satanas sa Dios? Isang Ministrong Hinangaan ng lahat ng Kapatid sa Iglesia ... bakit ngayon ay Kalaban na ?

    ReplyDelete
  7. pakiusap sa lahat...mas mainam siguro na manahimik nlang po tayo at manalangin ng sa ganun po hindi po tayo makadagdag ng bigat sa Pamamahala.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.