At dahil wala tayong alam sa kung ano ba ang TAMA at MALI, nahihirapan tayong makapagpasya kung sino ba ang dapat paniwalaan.
Sa pagbabasa ko ng mga sagot sa http://theiglesianicristo.blogspot.com sa mga akusasyon ni AE, nalaman ko ang katotohanan. At nagkapagdesisyon na ko sa kung sino ang dapat na PANIGAN.
Ngunit ilang buwan na rin ang nagdaan ng may nagpasimuno ng pagkakalat ng usapin na "may pagbabago sa pamamahala ngayon" at "naging iba na ang Iglesia sa kasalukuyan".
Maaaring hindi ninyo napansin ang pagkakasunod sunod ng pangyayari, ang mga kumakalaban sa Iglesia noong una ay tahimik na gumagalaw at nagsasagawa ng plano.
Sa pakiramdam ko ay may "conspiracy" na nagaganap. Oo, parang nakakatawa at hindi kapani paniwala, pero sa ilang buwan ko ng pag oobserba ng mga nangyayari, ganyan ang naging konklusyon ko.
Nung lumitaw ang isang "Antonio Ebanghelista" ay meron na rin isang artikulo na naipublish sa rappler.com kung saan ang nilalaman nito ay sang ayon sa mga inilalabas ni A.E.
Kung natatandaan niyo, ang title po ay "[Two Pronged] Leaving Iglesia ni Cristo?"
(Habang nagsesearch po ako para sa artikulong ito, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may napansin ako at bigla akong kinilabutan)
nagkataon lang?
Simula non, meron ng mga facebook accounts ang naglitawan at nagsasabi rin na kesyo iba na ang INC ngayon, ganito ganiyan... At pati ang usaping pang-pamilya (problema ng pamilya na wala naman dapat nangingialam) ng Tagapamahalang pangkalahatan ay kanilang dinamay at dinala sa social media.
At bigla bigla na lamang, may isang "Antonio Ebanghelista" ang sumulpot sa wordpress.com, nagsimula sa pagtalakay sa problema sa pamilya ng Ka Eduardo, at ginawa nilang "daan" ito para sa mga susunod niyang mga balak. Para maisakatuparan ang kaniyang tunay na layunin...
Ano iyon?
Mamaya ay sasabihin ko sa inyo.
Hayaan ninyong balikan natin ang pinakauna kong artikulo kay Antonio Ebanghelista --> "An open letter to Antonio Ebanghelista and his response"
Sa takbo ng mga artikulo ni Antonio Ebanghelista ay PINATUTUNAYAN lamang niya na ang 10 bagay na inilahad ko AY TAMA AT TOTOO. Kaya pala sa email ko palang ay hindi na niya sinagot ng diretso ang mga katanungan ko sa kaniya at hanggang ngayon ay hindi niya masagot ito sa kaniyang blog. Hindi na nakakapagtaka...
Sa pinakahuling artikulo ni A.E na pinamagatang "FYM FOUNDATION INC. THE ULTIMATE REASON WHY BRO. GLICERIO B. SANTOS JR AND HIS FAMILY CANNOT BE EXPELLED FROM THE CHURCH" marami akong nalamang impormasyon na lalong nagpatibay sa mga sinabi ko tungkol sa kaniya.
At ngayon nga ay ating talakiyin ang ilan sa mga nabanggit ko sa 10 bagay na iyon, kayo na po ang bahalang humusga...
#2 ALONE IN MAKING POSTS?
"What you will see below is a product of collaborative research among many AE’s in different parts of the world. They have voluntarily come together to lend their respective expertise from Local and International Accounting firms, Local and International Legal Firms and even Consultants to different related Government Agencies, bound by a common desire to expose the truth, as ugly as it may be, for the benefit of the Church so that it may return to its rightful state, a clean and unblemished Iglesia Ni Cristo. "
source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com
MANY AE pala ah. Kung ganoon, meron pala talagang "GRUPO" ngayon na mga kasamahan ni Antonio Ebanghelista ang nagtutulong tulong upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Sobrang nakakabahala ito at nakalulungkot sapagkat marami ang binulag ng dyablo para kalabanin ang kasalukuyang pamamahala ng Iglesia.
Sino sino sila? Maaaring ilang mga karaniwang kapatid, ministro, mangagawa at mga tiwalag sa Iglesia.
#4 SANGGUNIAN OR KA JUN SANTOS ALONE?
Sa pinakaunang artikulo ni AE mababasa ang ganito:
"Masyado ng itinanyag ng Ka Glicerio Santos ang kaniyang sarili na kapantay ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Sila na nga ang nagpapatawag sa mga Tagapangasiwa, nag-aaprove ng pagrelease ng pera ng Iglesia, ng pagbili ng mga ari-arian, pagbebenta ng mga ari-arian ng Iglesia, paggawa ng Leksiyon na ituturo sa Pagsamba, mga programa sa Pagpapalaganap at Pagpapatibay, pagkausap sa mga Politiko at pagpupwesto ng mga Kapatid sa posisyon sa gobyerno, pagdedestino ng mga Ministro at manggagawa, sa magagandang destino ang mga malalapit sa kaniya o kaya ay nasa Pananalapi at yung mga hindi ay sa malalayo at mahihirap na destino. Siya na rin ang nagpapasya sa mga maseselang kapasyahan para sa Iglesia na di na naisasaalang alang ang kapakanan at reputasyon ng banal na Iglesia. Lahat ng kapangyarihang ito ay naging “blanket authority” na ng Ka Jun Santos na kung tutuusin ay ang AUDITOR PANGKALAHATAN ng Iglesia. Subalit pinangahasan na niyang saklawin at sakupin ang lahat ng Kagawaran at Departamento sa Iglesia na parang Tagapamahalang Pangkalahatan na rin. Kaya nga ang tawag na sa kaniya ng mga Ministro at Manggagawa lalo na dito sa Metro Manila ay “FEELING TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN”. Sahalip na ang AUDITOR ang siyang dapat nagchecheck ng mga ginastos ng Iglesia kung tama at wasto ang pinaggugulan at hindi kailan man humahawak o nag-aaprove ng pera sa Iglesia. Ito ang dahilan kaya nawalan na ng Check and Balance ang Iglesia dahil sa ang Auditor na ang over-all sa lahat lahat sa Iglesia." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com
Simula noon, halos sa bawat post ni AE, hinding hindi mawawala ang pangalan ni KA GLICERIO SANTOS/ KA JUN SANTOS. Subukan po ninyo isa isahin at mapapansin nyo ito. At eto nga, sa pinakahuli nyang artikulo, pamagat palang ng post nya alam na alam na niyo ang gusto niyang tumbukin at kung sino ang kaniyang tunay na TARGET --> Ang Ka JUN SANTOS
At baka magtaka kayo kung bakit niya ISINAMA ang buong SANGGUNIAN sa mga tinutuligsa niya sa kanyang blog, huwag na po tayo magtaka, dahil sa pinakaunang post pa lang niya nabanggit na niya ang dahilan, sinadya man niya o hindi...
"Magtataka naman tayo kung bakit hinahayaan na lamang siya ng mga Sanggunian na siyang nangunguna sa bawat Kagawaran sa Iglesia, halimbawa ang Ka Bienvenido Santiago na siyang General Evangelist sa Iglesia, ang Ka Erdz Codera ang Political Affairs ng Iglesia, ang Ka Matt Pareja, ang KSI ng Iglesia, ang Ka Rolando Esguerra ang KSP ng Iglesia, ang Ka Radel Cortez ang Kalihim Pangkalahatan, ang Ka Ernesto Suratos ang Ingat Yaman sa Iglesia, lahat sila ay nawalan ng ngipin na kwestyunin ang anumang nakikita nilang pagmamalabis o kamalian na nagaganap. Mga asong pipi at bulag na hindi makatahol sa harap ng panganib na nalalapastangan na ang kalinisan ng Pamamahala sa Iglesia." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com
Ito ay dahil para sa kaniya, sila ay mga KASAMAHAN ni Ka Jun Santos.
#7 CONFIDENTIAL NO MORE?
At muli, ang pinakamagandang halimbawa ng paglalabas ni AE ng mga dapat sanay "CONFIDENTIAL" na hindi naman dapat na nilalabas sa social media ay ipinost nya.
Para sayo, sobrang TAMA ba na ilabas ang total ng mga pera at assets ng Iglesia ni Cristo?
Inilabas niya ng walang pag aalinlangan ang detalye ng mga ito, at isang araw magugulat na lang tayo na pati ang kabuuang handog o lagak sa mga LOKAL o DISTRITO ng Iglesia ay kaniya na ring pangangahasang ISAPUBLIKO.
Sino rin naman kayang MATINO at MAY MABUTING HANGARIN na "ministro" ang maglalabas ng mga pinag usapan sa VIDEO CONFERENCE NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN na PARA LAMANG SA MGA MINISTRO NG IGLESIA, na alam naman ng lahat na IPINAGBABAWAL?
Takang taka pa si AE na sobra daw higpit ng security, eh kaya nga hinihigpitan ang SECURITY para sa mga taong katulad niya na may masamang hangarin na gagawin ang lahat, kahit pa IPINAGBABAWAL, MA-IRECORD AT MAI-SAPUBLIKO lang ang mga napag usapan doon.
Kahit ang Ka Felix at ang Ka Erdy kung nabubuhay lamang ay hindi matutuwa sa kaniyang (kanilang) mga pinaggagagawang ito.
#8 WHAT'S THE POSSIBLE EFFECT?
Isa po ito sa maraming nag email sa akin at nagmessage sa akin sa FB patungkol sa mga isinusulat ni AE sa kaniyang blog. At tulad ng mga inaasahan kong magiging napakalaking EPEKTO ng ginagawa niya ay tulad nito: Mismong ang kapatid na nag aakay ay inuusig ng mga di kapananampalataya dahil sa mga nababasa nila sa internet.
Sa tuwing magkakaroon na lamang ba ng pamamahayag ay ganito ang magiging eksena?
Isa lang po ito sa marami pang mga negatibong epekto sa ginagawa niyang ito.
With screenshot = TOTOO = Hindi gawa gawa
Hindi ko na po siguro kailangan pa magbigay ng ebidensya dahil obvious naman po na ang iba sa mga kapatid na nakabasa ng kaniyang mga isinusulat ay nagkaroon din ng "pag aalinlangan" at nanghina sa kanilang pananampalataya. Lalo nat nakalagay sa deskripsyon ng blog na iyon na ang sumulat ay walang iba kundi isang "ministro sa central".
Kung ikaw ay isang MINISTRO na may tungkuling PALASIGLAHIN ang mga kapatid at PALAKASIN ang kanilang pananampalataya, tanong ko sa iyo Ka AE, SA KASALUKUYAN MONG GINAGAWA NGAYON, NATUTUPAD MO PO BA NG BUONG PUSO ANG TUNGKULING ITO???
#9 ACHIEVING THE GOAL?
Wait lang po muna, unahin muna natin ang #10 dahil ang #9 ang MAIN ATTRACTION ng post kong ito.
#10 SOURCES FROM THE BRETHREN? TRUTH? LIE? or HALF TRUTH-HALF LIE?
Hanggang kelan kaya magpapakita ng mga PEKENG EMAIL si AE sa kaniyang blog?
Hanggang kelan niya kaya lolokohin ang kaniyang mga mambabasa na ang mga sinasabi niyang "galing sa isang kapatid" o kaya ay "galing sa isang ministro" ay galing talaga sa kanila?
Pero kung akoy nagkakamali, Ka AE, isang hamon lamang bilang BLOGGER, PANGALANAN PO NINYO ANG MGA NAG EEMAIL SA INYO WITH SCREEN SHOT tulad ng ginagawa ko. Para po maniniwala kami na yung mga supposed "VOICE OF THE BRETHREN" nyo ay mga TOTOONG TAO.
Huwag nyo po sasabihin na hindi pwede dahil PINOPROTEKTAHAN nyo sila. Dahil kung ikaw ay nagsasabi ng totoo, WALA KANG DAPAT NA IKATAKOT. AT kung totoo po ang aking obserbasyon na MGA PEKE lang talaga ang mga EMAIL na iyon, sige lang po ipagpatuloy nyo lang yang "VOICE OF THE BRETHREN" nyo, dahil kahit 1000 beses nyo ipost yan wala ng papatol sa mga "kwentong barbero" (meaning--> gawa gawa lang) na yan.
Saka sobrang nakakapagtaka naman po, ang mga nag eemail sa iyo Ka AE, just by using one own's common sense, bakit pag mag eemail kailangan ba sasabihin ang kaniyang personal na impormasyon?
Tulad ng... "from James Montenegro, Lokal ng ________, Distrito ng _______" tapos sasabihin nung sender "naku sana po itago nyo na lang ang aking personal na impormasyon".
huuh?
Sa pagsend pa lang ng email pwede naman hindi MAGPAKILALA.
Kung matalino kang tao, at kung talagang ayaw mo mabunyag ang personal info mo di mo na kailangan pang MAGPAKILALA pag mag sesend ng email, kaya hindi mo na kailangan sabihin "itago nyo nalamang ako sa pangalang.." o kaya eh "maaari po bang manatiling lihim ang aking personal na impormasyon".
yung totoo po?
#9 ACHIEVING THE GOAL?
Or can i say THE ULTIMATE GOAL?
Ano ba talaga ang pinaka layunin ni AE at ang kaniyang mga kasamahan sa mga ginagawa nila? AT ano ang gusto nilang mangyari?
Ang mamulat ang mga kapatid sa mga nangyayaring "katiwalian" sa Iglesia at upang magkaroon ng "pagbabago" at "paglilinis" sa Iglesia
O
Para pabagsakin ang SANGGUNIAN, PALITAN ANG MGA NASA SANGGUNIAN, PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN upang makakapagluklok KAYO NG GUSTO NIYONG MAMAHALA SA IGLESIA???
Medyo nahalata ko kasi, lalo na nung nabasa ko ang pinakahuli nyong artikulo, kinilabutan ako lalo na dun sa kinowt ko sa itaas na mayroong mga NAGSASANIB PWERSA sa loob ng Iglesia upang ano?
PABAGSAKIN ANG KASALUKUYANG PAMAMAHALA.
MARAMING SALAMAT KA AE, DAHIL DYAN SA NAKIKITA KONG PATULOY NYONG PAGGAWA NG MARAMING MGA "AKUSASYON" AT KAWALAN NYO NG BALAK NA TULDUKAN ANG MGA ISYU NA ISINASAPUBLIKO NYO, KAYA UMPISA NA PARA BASAGIN KO ANG AKING KATAHIMIKAN.
BILANG ISA SA MGA NATATANGGOL SA IGLESIA. PARA SA KATOTOHANAN...
README IS SILENT NO MORE
*slow clap*
ReplyDeletecontinue exposing ae and all his/their lies kapatid
ReplyDeleteWITH THE INFORMATION, EVIDENCES, AND PROOFS PRESENTED IN “THEIGLESIANICRISTO.BLOGSPOT.COM”, THE ULTERIOR MOTIVE OF AE’S GROUP IS CRYSTAL CLEAR:
ReplyDelete To rally the brethren against the so-called corruptions of Sanggunian members then,
Accused the Executive Minister of not doing any disciplinary actions to the thieves and corrupt within his very circle making him appear SPINELESS, POWERLESS, CAN BE EASILY FOOLED and thus INCAPABLE to lead the church to a holy, without spot or blemish, and worthy of salvation come Judgment Day, and ultimately,
Replace the present Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo, by SOMEONE who has the capacity to restore the church to its clean and glorious posture like the time of Bro. Eraño G. Manalo’s unblemished leadership.
THIS IS THE MASTER PLAN OF THE DEVIL AGAINST THE TRUE CHURCH OF CHRIST IN THESE LAST DAYS USING AE’s GROUP!
BUT, they will fail, they will certainly reap God’s wrath. Those who will remain in AE’s devilish scheme will perish and be destroyed. Their fate will be the same like those who went against the leadership of Bro. Felix Manalo and Bro. Eraño G. Manalo.
To the group of AE, these warnings of the Apostle Thaddeus and the Apostle Peter came to pass;
"But these speak evil of whatever they do not know; and whatever they know naturally, like brute beasts, in these things they corrupt themselves. 11Woe to them! For they have gone in the way of Cain, have run greedily in the error of Balaam for profit, and perished in the rebellion of Korah.
12These are spots in your love feasts, while they feast with you without fear, serving only themselves. They are clouds without water, carried about by the winds; late autumn trees without fruit, twice dead, pulled up by the roots;
13raging waves of the sea, foaming up their own shame; wandering stars for whom is reserved the blackness of darkness forever." (Jude 1:10-13 NKJV)
"and especially those who walk according to the flesh in the lust of uncleanness and despise authority. They are presumptuous, self-willed. They are not afraid to speak evil of dignitaries.
12But these, like natural brute beasts made to be caught and destroyed, speak evil of the things they do not understand, and will utterly perish in their own corruption," (2 Peter 2:10,12 NKJV)
Furthermore, the Apostle Thaddeus instructs us to;
"save others by snatching them out of the fire; and to others show mercy mixed with fear, BUT HATE THEIR VERY CLOTHES, STAINED BY THEIR SINFUL LUSTS." (Jude 1:23 TEV)
"ANG MGA TUNAY NA KAPATID
AY GALIT NA GALIT SA KATIWALIAN,
SUBALIT LALO KAMING GALIT
SA NANLILINLANG"
THEREFORE,
WE HATE THEIR EVIL WAYS OF LIVING! WE HATE THEIR REBELLION, WE HATE THEIR LIES! WE HATE THEIR DECEPTIONS AND MISREPRESENTATIONS! WE HATE THEIR EVIL DESIRES!
WE HATE ALL AE's BECAUSE OF THEIR SINFUL, UNLAWFUL, SELFISH, AND INSATIABLE LUSTS FOR WEALTH AND POWER!
Yung Margarite Holmes na yana y isang "Sex Psychologist",famous sa mga sexually suggestive posts sa Rappler at Blogs niya.And she's a die-hard Catholic.
ReplyDeleteHow ironic na pumasok si Pol Medina na anti-hypocrisy sa isang website na puro ipokritong kunwa,"free press" pero actually,sila rin ang sumasakal.
Pol Medina Jr. was expulsed from Inquirer for his lesbianism issue sa kanyang strip.Pumasok siya sa Rappler.com,the "beacon" daw ng free press,pero actually,karamihan sa religious posts dun ay anti-INC.Yan ba ang free press na pinamamarali ng Rappler.com?
Yung laitin ang ibang religion at magmalinis sa madlang gumagamit ng Internet?Mga CFD at mga "die-hard" na Katoliko talaga...
May nagawa na ba kayong matino sa buong buhay ninyo?
nakausap q din nga yang evangelista na yan sa fb..sumakit talaga than ko aa katatawa kasi anglalayo ng sagot sa mga tankng ko..pagkatapos inirase nya yung thread ng usapan namin..sabagay ang madadaya lang naman ng mga yan eh yung mga tulad nya na walang pananampalataya..walang Iglesia Ni Cristo na papatay ng kanyang kapatid tulad ng ginagawa nyang si evangelista..kung nagkakamali man ang isang ministro dahil tao lamang ay nababakuran pa rin ng isang matibay na kondukta..yun ang pagdidisiplina na tanging Iglesia Ni Cristo lang ang nakakaalam..pero k evangelista parang mga bagong bagay ang lahat ng ito..kaya hindi Iglesia yan..kung nakapasok man yan sa Iglesia eh lalang ng diablo yan na nagdadala ng pagkakabahagi sa Iglesia..mapaparis yan ki Gimeneo at Alejandro na ang kaluluwa e binigay sa diablo upang maturuang wag mamusong..sa kapanahunan eh ilalantad din yan ng Ama..at lahat ginawa nya eh makikita nyang basura lang at sya eh cguradong sa kangkungan pupulutin..dahil ang Iglesia ay patuloy na magniningning..
ReplyDeleteManalangin tayo na mapagtagumpayan ng Iglesia Ni Cristo ang lahat ng pagsubok....
ReplyDeleteNalalampasan na natin ang pagsubok na ito.
ReplyDeleteMarami pa.Pero sa tulong at awa ng Diyos,malalampasan pa natin yun.