Nagkaroon ng ground breaking ceremony ang Philippine Arena noong August 17, 2011, at ilang linggo lang ang nakalipas ay naglabas ako ng artikulo na pinamagatang "Trending now: Philippine Arena".
Ikokowt ko po ang ilan sa mga sinabi ko:
"This is what im worried about, i do not know if i will become happy or sad when the time comes that the project is finished. Are we INC members ready to face the devils? Im sorry, those detractors? That are so jealous and will do some efforts just to destroy the church?
The construction just begun and what will happen if 2014 comes? Are we ready to face the world? Because i know that this event will be published in all newspapers in the country and in other countries, are we ready to face them, to introduce them the TRUE CHURCH OF CHRIST?
Lets just see what will happen..."
At nung March 2013 naman ay may sinabi muli ako patungkol sa Philippine Arena, ang artikulo ko na may pamagat na: "Ano ba talagang gusto nyo?"
Ikokowt ko po ang sinabi ko:
"Sinasabi ng ilan, dapat payagan nila for all concerts/religious assemblies ang arena na ito tutal ipinangalan ito sa bansa natin! Hindi ba isang kadamutan nyo kung hindi pwede ang catholic assemblies/ protestant assemblies dito? Eh kung si Lady Gaga, hindi nyo papayagan?
Sasabihin din ng ilan, kung papayagan nila ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena nila kahit ibang pananampalataya, hindi ba ito magiging AGAINST sa kanilang paniniwala? Di ba Iglesia ni Cristo ang may-ari nito? Bakit nila papayagan, tutal sila na mismo ang nagpapatakwil sa mga maling aral ng mga ito?
Ano ba talaga?
Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang payagan ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena o PILI lamang ng Iglesia ni Cristo?
Pag hindi pinayagan ang religious assemblies at concerts sasabihin nyo sakim kami dahil pinangalan sa bansa natin pero hindi naman pinapagamit sa lahat... Kapag naman pinayagan ang lahat, bukas sa lahat ang paggamit ng arena ang sasabihin nyo naman eh AGAINST ito sa paniniwala namin, na bakit daw namin ito pinapagamit sa mga ganoong events eh labag ito sa mga aral na itinuturo ng INC."
Ano nga bang nangyari?
Nagkatotoo po kaya ang hula ko?
Kayo na ang humusga.
Ginawa na daw negosyo
Ipapaalala ko pong muli, ang PHILIPPINE ARENA, PHILIPPINE SPORTS STADIUM & CENTER ay hindi IPINATAYO sa layuning maging NEGOSYO ito ng Iglesia. Kasi kung matagal na pala gusto MAGNEGOSYO ng Iglesia, hindi na papaabutin ng 100 years ng mga namahala para lang makapag negosyo. AT bakit naman sa dinami dami ng INENEGOSYO eh yun pang gagastos ka ng BILYONG PISO?
Pwede naman iinvest sa mga korporasyon, mining companies at iba pa, o kaya naman ay gawing negosyo ang mga serbisyo sa simbahan tulad ng kasal, binyag at iba, tulad ng ginagawa ng Catholic Church.
Pwede naman magkaroon ng direct investment sa malalaking korporasyon sa ibang bansa, tulad ng ginagawa ng Church of Jesus Christ Latter day saints.
Pwede namang magtayo ng maraming mga tindahan sa Pilipinas sa loob o tabi ng mga kapilya tulad ng ginagawa ng Members Church of God international ni Mr. Soriano.
At pwede rin naman na sa halip magnegosyo ay manghingi na lang ng abuloy sa daan tulad ng ginagawa ng PMCC 4th watch at iba pang born again churches.
Tingin nyo?
Alin sa mga nabanggit ang GINAWA NG IGLESIA NI CRISTO PARA MAKAKUHA NG MALAKING PERA?
Meron ba?
Kung TOTOONG ginawa ang nabanggit na mga istruktura para MAGNEGOSYO, kelangan ba talaga mag aantay pa ng 100 years at mag iipon ng BILYONG PISO para makapagpatayo ng gagawing "NEGOSYO"?
ISYU #1 Kung ano ano daw ang ginagawang aktibidad sa Philippine Arena
Alam nyo, dahil HRM graduate ako, nasa HOSPITALITY INDUSTRY, naiintindihan ko ang pag-organize ng mga events sa Arena. At lalo na nung maging president ako sa subject naming EVENTS MANAGEMENT (na naging dahilan din para akoy mabigyan ng Leadership award noong graduation).
Kung lalawakan lang po sana natin ang ating unawa ay maiintindihan natin kung bakit kailangan mag organize ng mga events sa isang VENUE. At marapat lamang na ang isang VENUE ay pagdausan ng "events" twice or more monthly.
Isa isahin natin para ating maunawaan.
Tanong ko po sa inyo: Gaano kayo kadalas maglinis ng bahay?
Once a week o everyday?
Sa paglilinis nyo ng bahay bukod sa pagwawalis, nagpupunas din ba kayo ng furnitures, nag tatanggal ng alikabok gamit ang feather dust at nag-momop ng sahig? Ano namang chemical ang ginagamit nyo sa paglilinis nyo ng sahig at ng banyo? at MAGKANO PO ANG ATING NAGAGASTOS KADA BUWAN sa pag maintain ng ating bahay?
Nung nag ojt po ako sa Hotel, araw araw po kami naglilinis ng guest rooms, may nagcheck in man o wala, same process ng paglilinis, at sadyang madami ang mga chemical na ginagamit namin para malinis ang mga kwarto na yon.
Tanong ko po sa inyo: Papaano naman ang pag maintain ng LARGEST ARENA IN THE WORLD?
Gaano po kaya dapat kadalas ang paglinis dito para ma-maintain ang "WORLD CLASS" arena na ito? Ilang tao po kaya ang makakapaglinis ng WORLDS LARGEST at gaano kaya karaming chemical o mga gamit sa paglilinis ang kanilang kinakailangan para masiguradong MALINIS po talaga ang VENUE na ito? Isama na po natin ang pangangalaga at paglilinis hindi lang sa loob kundi sa LABAS ng arena.
Kung ito-total po natin ang gastos sa paglilinis at mga bayarin nito sa kuryente: aircon, ilaw, sounds etc. sa tubig, at iba pang mga bayarin, nasa magkano po kaya ang aabutin nito?
Alalahanin na lang po natin sa ating mga lokal, para ma-maintain po ito at mabayaran ang mga bills ay meron po tayong isinasagawang TANGING HANDUGAN.
Tanong: May isinasagawa po ba tayong TANGING HANDUGAN para sa Philippine Arena? May suportang pinansyal ba ang ating GOBYERNO para dito? Nanghihingi ba tayo ng mga donasyon sa ibang tao?
Saan naman po kaya tayo kukuha ng malaking halaga para ma-maintain ang mga ISTRUKTURA sa Ciudad de Victoria? Kukuhain po ba ito sa mga handog natin o kinukuha ito sa sales ng mga nagrerenta sa Arena, o kaya eh sales para sa mga isinagawang aktibidad para dito?
Masama ba kung mag ORGANIZE man ang "Maligaya Development Corporation" kung saan bukod sa inaalok nitong entertainment, at bonding ng pamilya ay nakakatulong ito para sa halagang ginagastos sa lahat ng bayarin kaugnay ng mga istrukturang ito?
At higit sa lahat, ang ibang church-related activities naman natin ay LIBRE lang ang ticket sa Arena. Nakakapagsagawa tayo ng EVENT ng walang bayad pero gumagastos sa mga kuryente at maintenance. Makakaya ba nating tustusan ang pangangailangang pinansyal para sa pangangalaga ng malalaking istrukturang ito kung walang isasagawang mga aktibidad na may bayad?
Kayo na po ang bahalang sumagot ng mga katunungan na ito.
ISYU # 2 Kung ano anong EVENTS daw ang pinapayagan para makagamit ng Philippine Arena/ Sports Complex na LABAG naman sa aral ng Iglesia
Ipapaalala ko lang po na hindi IGLESIA NI CRISTO ARENA ang itinayo ng Iglesia kundi PHILIPPINE ARENA. At pati ang sports stadium ay hindi IGLESIA NI CRISTO STADIUM kundi PHILIPPINE SPORTS STADIUM & CENTER.
Hindi po LOKAL ng IGLESIA ang itinayong ARENA. Hindi rin po for WORSHIP ALONE ang gamit ng ARENA. Dahil kung itinayo ito para lamang sa pagsamba ng Iglesia, dapat at tama lang na IGLESIA NI CRISTO ARENA ang ipinangalan at hindi talaga dapat papayagan ang anumang non church related activities dito.
Kaso hindi po, bukod sa kadahilanang para ito magamit sa mga aktibidad ng IGLESIA ay pinapayagan din na magamit ito sa ibat ibang klaseng aktibidad tulad ng sports o concerts.
Kaya nga po itinanghal ang arena na "MIXED USE ARENA" at hindi "CHAPEL" dahil isa itong VENUE for different activities.
Hindi po ito tulad ng KJC kingdome na itatayo sa Davao, kung saan para itong SIMBAHAN mismo nila.
Muli, sana po ay ating lawakan ang ating pag unawa para maintindihan po natin ang mga bagay bagay...
Kung tutuusin po talaga, MAHIRAP magdesisyon sa kung ano ang pwede at hindi itanghal sa Arena. Ang isa sa mga problema patungkol dito ay isang RELIHIYON ang may ari nito. Kaya ganun na lamang para sa iba na maging sensitive patungkol sa mga EVENT dito.
Kung strikto ang pagpapatupad doon sa kung ano lamang ang pwedeng event sa Arena, tingin ko ay walang makakalusot na international artists para makapagperform dito. Alam nyo naman liberated sa ibang bansa, at pag sinabing "ART" hindi lulusot yan kung labag ba o hindi ito sa bibliya.
Yung mag topless lang ang isang male performer para sa isang "dance number" o kung ano man, sasabihin agad, ano ba yan bastos hindi pwede yan. Yung mag suot lang ng kita cleavage ng female performer o yung damit na masyadong maiksi sasabihin agad, ano ba yan bastos hindi pwede yan.
Hindi naman kasi pwedeng sila ang mag aadjust para lamang masunod ang kaistriktuhan ng isang VENUE. Kunwari si Madonna nakapagperform sa ibat ibang bansa, tapos pagdating sa Pilipinas nung magpeperform na siya balot na balot parang suman, ni hindi makasayaw ng FULL PERFORMANCE ika nga kasi sasabihin ano ba yan, masyadong malaswa kasi kumembot o ganito ganyan. Sino naman kaya ang magtya tyagang manood ng isang concert na ganoon? Sa halip na entertainment eh na-BORING lang ang mga manonood?
Kung pwede naman nila gawin ang SHOW sa ARANETA COL. o sa MOA ng hindi na kailangan pang mag adjust, tanong, meron pa bang magtyatyagang mag renta sa Philippine Arena?
Mapipigilan ba at masasalang mabuti ng isang VENUE OPERATOR kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang magiging "SHOW"? At ang "SHOW" ba ng artists ay dapat MAGREFLECT sa isang VENUE, na kung hindi naging child friendly ang kanilang performance ay sasama na rin ang tingin sa isang "VENUE"?
Tandaan din po natin na ang ating bansa ay hindi isang konserbatibong bansa tulad ng ilang Muslim countries kung saan binba-ban nila ang mga international artists na makapag perform sa kanila, na pag masyadong "sexy" ang suot o kaya yung kanta ng singer ay may halong alam nyo na eh hindi talaga pinapayagan.
Tapos yung basketaball at boxing daw na associated sa gambling dapat daw di rin pinayagan sa Philippine Arena.
Kung pati SPORTS pala sasabihin na associated sa gambling eh di hindi na rin magagamit ang arena sa SPORTS EVENTS?? Eh halos naman lahat ng SPORTS pwede mong i-associate sa GAMBLING basta may pustahan!
Kung ganoon na rin lang, kunwari pang tinawag na PHILIPPINE ARENA eh tayo tayo rin palang nasa Iglesia ni Cristo ang gagamit noon.
Ang hirap ano?
Wala kang maging choice, kung ipapagamit mo sa iba aakusahan ka na nilalabag ang aral, kapag naman hindi ipinagamit sa iba sasabihan ka ng SAKIM. San ka LULUGAR?
Yung KPOP event nga lang sinabi ng mga kumakalaban sa Iglesia, unchristian daw.
Dapat ba lahat ng event magpopromote ng CHRISTIAN CULTURE?
At pati si CHRIS BROWN ginawan ng isyu, kesyo nagmbugbog ng babae etc.
MUSIC and PERFORMANCE ni CHRIS BROWN ba ang dahilan ng pagiging parte sana niya noong New years eve celebration o ang main attraction ay ang mga isyu sa pagkatao ni Chris brown? Kaya ba siya binayaran para maging ehemplo ng mga Pilipino ang mga ginawa niyang mali o para makapag perform siya sapagkat siya ay isang international artist? Kailangan ba kapag pipili ka ng magpeperform sa isang event, pati pagkatao niya iba-background check mo?
so kapag ang isang artista o isang performer nagkaroon ng mga controversial issues o nakagawa ng mga pagkakamali, hindi na siya pwedeng maging ARTISTA kasi masama na siya?
Pero ang tanong sa lahat ng ito: TOTOO BANG NALABAG ANG "USES" NG PHILIPPINE ARENA?
Ang sabi sa Wikipedia:
"The arena will not only hold major church gatherings, but will also operate as a multi-use sports and concert venue, capable of holding a range of events from boxing and basketball to live music performances, but no soccer or field events due to its limited size. There is clear "line of sight" for every seat from each tier, even for various arena configurations such as church ceremonies, boxing, tennis, concerts or indoor gymnastics. The Iglesia ni Cristo will allow non-Iglesia tenants to use the arena. The church reserves the right to disallow activities which it sees violate its religious principles, which include gambling-related events and cockfighting."
Ano ba yung sinasabing GAMBLING RELATED EVENTS?
Eto ba yung boxing at basketball na tinaguriang SPORTING EVENTS?
O yung BINGO, COCKFIGHTING, LOTTERY AT IBA PA?
At yung mga events na nag-viviolate sa religious principles,
Eto ba yung concert nila Katy Perry, at ng Kpop?
O yung mga concert na literal na makikitaan ng kalaswaan, title pa lang ng concert alam mo na kung ano ang ipapalabas?
ISYU # 3 Bakit daw hindi na lang sa mga lokal gawin ang aktibidad o sa mas malapit na venue para hindi na maging magastos sa mga kapatid
Ang pagkakaalam ko po kaya itinayo ang ARENA ay para kung saka sakaling magkakaroon ng malalaking aktibidad ang Iglesia ay DITO PO ITO gaganapin sa halip na magrenta pa sa iba. At ang pagkakaalam ko yun po ang MAIN PURPOSE nito, dahil sa lumalaking bilang ng mga miyembro kaya kailangan ng MAS MALAKING VENUE.
Kaya bakit nila pagtatakhan na yung mga distrito sa Metro Manila o sa mga kalapit na probinsya ay DADAYO PA NG BULACAN para lamang magsagawa ng selebrasyon o ng mga PAMAMAHAYAG?
Hindi bat magiging walang kabuluhan lamang ang ipinatayong ARENA kung hindi ito gagamitin?
Itinayo ito sa BULACAN, saan ba ang inaasahan natin na pagsasagawaan ng malalaking pagtitipon? At sino sino pa ba ang inaasahan nating PANGUNAHING GAGAMIT NITO? Ang mga protestante? Mga Katoliko? mga born again christians?
Hindi bat TAYO TAYO rin na mga Iglesia ni Cristo???
_______________________________________________________
Yan ang mga ginawa nilang PANINIRA sa Iglesia, ang PHILIPPINE ARENA.
Pinalaki nila at hinaluan ng masamang isip na dapat sanay ating naiintindihan at ating inuunawa ang mga bagay bagay. Kesyo, GINAWANG NEGOSYO, kesyo hindi dapat ipalabas sa Philippine Arena...
Tanong: Nasaan ba ang pananampalataya mo, nasa PHILIPPINE ARENA ba o nasa IGLESIA NI CRISTO?
Dapat bang katisuran ang ginawa nilang mga ISYU para siraan ang Iglesia? Dapat ba ikapanlamig sa pananampalataya ang mga ganitong bagay? Gaano ka ba katatag ang iyong pananampalataya? Isang paninira lang hindi ka na sasamba? May sinabi lang na hindi maganda, ayaw mo na maging miyembro ng Iglesia ni Cristo?
Pananaw ni James Montenegro, bilang isang Pilipino
Opo, si README at JAMES MONTENEGRO ay iisa. Pero dahil gusto kong lang ibigay ang aking ideya bilang Pilipino, at hindi muna bilang miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Switch to James Montengero....
Hi, Im James Montenegro. As a Filipino, i think it is better for our country to have world class sporting facilities like the Philippine Arena and Philippine Sports Complex. Structures that every Filipino can boast because it is owned by the government. With my out of this world idea, why not the government buy these from the INC? Yes it might be impossible because it will not be for sale, but this is just an idea. Instead of taking many years of construction, bidding and even having issues like corruption if done by the government, why not just buy it. If the Philippine government can have that then we can boost our economy much more and can bring more tourists in the country. The structures are already named after the Philippines by the way.
Even if it is partnership between the two or whatsoever it may be, as long as it will be no problems that will result to it. At least, whatever kind of events can take place to those venues will not need to be considered if it violates church's principles and doctrines or not, and also it cannot be said that the church is making business on it.
And when the government paid the INC, the money will be in church's funds, and in that case, the church can have another ambitious project, a chapel that can rival the Church in VATICAN! A new central temple that will be the largest in the Philippines, if not the world. With 10-20,000 seating capacity, and with a plaza outside (like that of the St. Peters Square) that can hold 100,000 people. Sounds great, right? With these figures the church can really literally rival that of the Catholic Church since St. Peter's Basilica has only 15,000 seating capacity and its plaza outside can only hold 60,000 people.
So if we are in need of holding church activities, at least it is INSIDE the church or in the church compound, and only church related activities will be made. Whether it will be built in Central in Diliman or in other places, i think that would be best.
And if for example, the Ciudad de Victoria structures are now owned by the government, we can still rent it, even for half the price or for free as long as there will be agreement about it since it is the church that built it.
We use the arena for large gatherings only, but how often? 5 to 10 years from now, i dont have a clue whether we can maintain it just by organizing non church related events or we can own these without being accused that the church is a business and the church is allowing events that are not inaccordance with church teachings.
This is my impossible(?) idea., i dont suggest anything.
Switch to README...
Wala na po akong sasabihing anuman, nilahad lamang ni james montenegro ang kaniyang "out of this world idea" nya ika nga. Kahit sino naman satin pwedeng magkaroon ng ideya kahit taliwas sa realidad. Di ba?
Ngunit sa bandang huli, ang mensahe ng artikulong ito ay IISA LANG.
HINDI PO KAILANMAN GINAWA ANG ARENA PARA SA KAPAKANAN NG IGLESIA NI CRISTO LAMANG. AT HINDI PARA GAWING NEGOSYO. KAYA LAHAT NG PANINIRA NILANG ITO AY WALANG KABULUHAN AT ANG MGA GINAGAWA NILANG ITO AY MAY KABAYARAN PAGDATING NG ARAW NG PAGHUHUKOM.
Ginawa natin ang Philippine Arena para hindi sila magambala sa mga aktibidad natin.
ReplyDeleteDi ba noong wala ang Arena,ngawngaw sila ng ngawngaw dahil sa trapik at perhuwisyo daw ang aktibidad natin.Ngayong gawa na ang Arena,ganun pa rin ang mga sentimyento nila.
ABA,WALANG GASTOS ANG GOBYERNO O SINUMANG MAY SARILING INTERES SA PHILIPPINE ARENA!
KUNG GUSTO NINYO,GAWA KAYO NG SA INYO.KASO,SAAN KAYO KUKUHA NG PONDO?BAHAY-BAHAY PARA SA DONASYON?KASO,WALA NGA.