"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 29, 2015

An open letter to Antonio Ebanghelista and his response

First time ko po na maitotopic si Ka Antonio dito sa blog na ito, hanggat maaari po talaga eh ayokong makisawsaw sa mga isyu nya, dahil sa paulit ulit ko na pong sinasabi ay sadyang WALA PO AKONG ALAM. Ang NILALAMAN ng artikulo kong ito ay hindi para maging counter post sa mga ISYU ni Ka Antonio kundi mga OBSERBASYON at OPINYON ko lamang sa mga nababasa ko. 

Pero kung dadating man ang panahon na magkaroon ako ng nalalaman at mga ebidensya para pasinungalingan ang kaniyang mga isyu eh alam nyo na po. Sasagutin at sasagutin po natin ang kaniyang mga AKUSASYON anuman ang kasalukuyan niyang TUNGKULIN ngayon sa Iglesia, mataas man o mababa. Para sa isang bagay --> KATOTOHANAN.

Ako po kasi, sa personal, yung taong kapag alam ko katotohanan, kahit sino ka pa kahit teacher pa kita o kahit gaano pa kataas ang posisyon mo wala akong paki alam basta ipaglalaban ko iyon. Pero WITH RESPECT, hindi naman yung pabastos at kawalang paggalang.

Sana po pagtyagaan nating basahin para tayoy magkaroon ng MALAYANG KAISIPAN magkaroon ng desisyon kung sino ba ang tamang paniwalaan. Para malaman kung ano bang tama at mali.

Nag email ako kay Ka Antonio para tanungin siya para maliwanagan ako sa mga bagay bagay. Simulat simula pa ng blog nya ay lagi na akong nagbabasa. Para MALIWANAGAN, para MAGSURI at para TIMBANGIN kung ano bang tama at kung anong MALI.

Sa mga followers ng blog na ito na nakakakilala sakin, alam nila, kahit pa nga ng mga kumakaaway sakin, na kailanman hindi ako naging BIAS, ako ay openminded sa lahat ng bagay. Kaya kahit masakit tanggapin, basta yun ay totoo, open po ako dyan. Hindi po kasi ako basta "TAGA DEPENSA" lang ng Iglesia, tulad ng description ng blog na ito, ang goal ko IS TO TELL ALL THE TRUTH ABOUT THE CHURCH THAT I KNOW. Dun lang po ako sa katotohanan.

Kaya eto po ipupublish ko ang NAGING LIHAM ko kay Ka Antonio at ang kaniyang naging SAGOT sa aking email (Note: Dahil po ginawa ko ng isang artikulo ang email ko kay Ka Antonio ay mas minabuti kong dagdagan ng mga detalye at ebidensya para sa kapakanan ng mga mambabasa)


________________________________________

To iglesianicristosilentnomore@gmail.com

Magandang araw po.

Bago ang lahat, ako nga pala si readme, may ari ng iglesianicristoreadme.blogspot.com, 6 na taon ng nagboblog, at nagtatanggol sa Iglesia ever since 3rd year higschool. Sa totoo lang bago ko gawin ang email na ito sa inyo ay napakarami pa sana akong itatanong at sasabihin pero dahil sa Q and A nyo nasagot na rin ang ilan sa mga gusto ko sanang itanong.

I am just an ordinary member of the church, a finance officer in our locale. Regarding sa mga pinopost nyo sa inyong blog, wala akong masasabing anuman. Kung mapapansin nyo sa blog ko, sinasadya kong hindi sumawsaw sa isyu tungkol sa mga sinasabi nyo sa blog nyo sa simpleng kadahilanan na WALA AKONG ALAM. Lahat ng nilalabas nyo eh mga taga central lang ang nakakaalam.

Wala akong pinapanigan either i am against to your posts or not. Im just silently reading and observing you and your posts.

Ang email na ito ay para ilabas ang saloobin ko at tanungin kayo. Sana ay masagot nyo ang mga tanong ko upang magkaroon ako ng nalalaman at lalo ko kayong maintindihan. Lahat ng ito ay mga obserbasyon ko sa mga posts nyo, dahil blogger din ako, at hindi man ako nag aral ng psychology pero marunong naman ako mag basa ng ugali ng tao.

10 BAGAY PO...


AN ORDINARY MINISTER? ACTIVELY PERFORMING YOUR DUTY?

1) I firmly believe youre no ordinary minister. The answer is in here: youre close to Ka Erdy's relatives or maybe one of them, or youre a high ranking minister (district minister, district staff etc...) Kung tututulan nyo po na wala sa mga nabanggit ang sagot, pwedeng pwede po kayo magbigay ng ebidensya maghihintay po ako.

I also believe youre not an ACTIVE PERFORMING MINISTER. Dahil kung kayoy ministro wala dapat kayong panahon para magblog, magpost sa facebook at sumagot ng mga email.
EBIDENSYA:

 
Sa hinaba haba ng email ko, ilang minuto lang may reply na agad? Full time sa harap ng computer???
At pansinin po natin kung gaano siya kadalas magblog:
 
April 19 – 3 blog posts  SUN
April 20 – 3 blog posts MON
April 21 - 4 blog posts TUE
April 23 – 3 blog posts THUR
April 24 – 1 blog post FRI
April 25 – 3 blog posts SAT
April 27 – 2 blog posts MON
April 28 – 1 blog post TUE
April 30 – 3 blog posts THUR
May 1 – 3 blog posts FRI
May 2 – 4 blog posts SAT

May 3 – 2 blog posts SUN
May 6 – 2 blog posts WED

May 7 – 2 blog posts THUR
May 8 – 1 blog post FRI
May 9 -2 blog posts SAT
May 11 – 1 blog post MON
May 13 – 1 blog post  WED

May 14 – 1 blog post THUR
May 15 – 2 blog posts FRI
May 16 – 2 blog posts SAT
May 19 – 2 blog posts TUE
May 20 – 2 blog posts WED
May 22 – 4 blog posts FRI
May 23 – 2 blog posts SAT
May 25 – 2 blog posts MON
May 26 – 1 blog post TUE
May 27 – 1 blog post WED

May 28 – 1 blog post THU

TOTAL POSTS - 61 blog posts in just over 1 month

May ministro po bang mas maraming ORAS mag blog kesa TUMUPAD NG TUNGKULIN? Higit 1 buwan pa lang siyang nagboblog pero higit 60 blog posts na siya. Talo pa talaga ko, nung mga nakalipas na taon marami akong time magblog pero yung NUMERO na ganyan PANG ISANG TAON ko na po iyan. At alam nyo ba bawat 1 post ko inaabot ako ng kalahating araw o magdamag para lang makapagpost. Pero tignan nyo si Ka Antonio, halos araw araw nakakapagblog, mapapansin din ninyo may mga salungguhit sa itaas, yung mga araw ng PAGSAMBA sa Iglesia, akalain nyo NAKAKAPAGPOST pa siya sa mga panahon na dapat siyay TUMUTUPAD, lalo na ngat sabi niya eh TAGA CENTRAL SIYA.   
ANTONIO EBANGHELISTA: "Ako po ay kasalukuyang naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan ng Central sa isa sa mga maseselang kagawaran sa loob ng Central." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com 
ANG TANONG KO PO NGAYON KAY KA ANTONIO: KA ANTONIO, GAANO PO KA TOTOO na KASALUKUYAN KAYONG NAGLILINGKOD SA TANGGAPAN NG CENTRAL?  Meron po ba kayong maipapakitang ebidensya sa amin? Dahil kung totoong nandyan lang pala kayo sa tanggapan ng Central hindi bat dapat lang eh MATAGAL na po kayo natrace? Bakit hanggang ngayon hindi pa po kayo matrace, IT expert po ba kayo? Sino po ba talaga ang KASALUKUYANG nasa tanggapan ng central? Kayo ba talaga o meron kayong mga KASAMAHAN sa CENTRAL na silang nagbibigay ng mga impormasyon sa inyo?

At sa mga posts nyo di nyo napapansin pero binibigyan nyo kami ng clue, tulad nito sabi nyo sa isa mong artikulo:

ANTONIO EBANGHELISTA: "Ngayong araw pong ito mga kapatid na nakatanggap ako ng mga tawag, mensahe at email sa mga Ministro, Manggagawa at maging mga nagsisipag-aral sa pagka-Ministro. Tumanggap na sila ng Tagubilin mula sa Sanggunian na pulungin ang lahat ng mga Ministro at Manggagawa at ang ilang mga Tagapangasiwa ay nagsagawa nan g Emergency na Pagpupulong kung saan ay sinagot dawn g mga Tagapangasiwa ang ukol sa isyu ng Blog ni Antonio Ebangelista." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com

Bakit kelangan mo pa ng ibang tao na magbabalita po sayo? Kung ang mga magggawa nga at nagsisipag aral sa pagkaministro sinabihan, bakit ikaw hindi mo po alam??? Hindi alam ng isang taga CENTRAL?


ALONE IN MAKING YOUR POSTS?

2) I dont believe you saying "mag isa lang po ako sa ginagawa ko". Sa paggawa mo palang po ng inyong posts, inaadress mo at ginagamit na ang salitang "AMIN" sinasadya nyo man o hindi at aminin nyo man o hindi pero meron talaga kayong mga kasamahan dyan. Ngayon po paki klaro, mag isa nga lang ba talaga kayo dyan?
EBIDENSYA:
ANTONIO EBANGHELISTA:  "Ako po ay mag-isa lamang na sumusulat ng mga ito. Ang mga larawan, dokumento at iba pang mga ebidensya ay mga ipinadala lamang sa akin ng mga kapatid sa iba’t-ibang panig ng mundo na amin pongipina-verify muna ang “authenticity” ng mga ito bago po naming ito isiniwalat sa facebook at iba pang social networking sites." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com
ANTONIO EBANGHELISTA: "Sa pagnanais p namin na maingatan ang inyong “identity” laban sa isinasagawang pagtugis ng Sanggunian sa sinomang sasama sa ating kilusan na ibunyag ang mga taong tampalasan sa kanilang ginagawang kalabisan, pagmamalupit at katiwalian, ay magalang po naming itinatagubilin na maging matalino at maingat po tayo."  
"10. Mag-email ng direkta po sa amin para ireport ang inyong mga nalalaman o nasaksihang mga iregularidad sa Iglesia 
11. Magtala sa tuwing magpupulong, magkaklase o seminar sa inyong Distrito at ipadala po sa amin thru email para makolekta po namin ang mga ginagawang pagkilos ng Sanggunian sa bawat Distrito sa buong mundo. Ano mang mahahalagang impormasyong na makakatulong po sa atin ay ipadala po ninyo sa amin."

"I-email po ang inyong detalyadong paguulat sa email increportsforvem@gmail.com at huwag sa fb messenger para mai-file po namin ng maayos.source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com
FROM A.E's BLOG: "Ito po ang kanilang gagawin ngayon para mahuli si Antonio Ebangelista at ang mga kasama natin na tumutulong sa amin. Pagkatapos po ay isusunod ang mga maytungkulin at karaniwang mga kapatid.

Sundin lamang po ninyo ang nauna na po naming ibinilin ukol sa pagiingat na dapat ninyong gawin upang manatili tayong ligtas sa kanilang panggigipit."
source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com

Ano po ba talaga, Mag isa o may KASAMA?


NOT AGAINST THE CHURCH ADMINISTRATION?

3) Sa tingin niyo ata ay hindi kayo LABAN sa pamamahala. Ang pagkakaintindi ko kasi sa salitang PAMAMAHALA ay hindi nangangahulugang "TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN" kundi "Church admininstration". Tulad ng salitang PAMAHALAAN ay hindi nangangahulugang PRESIDENTE kundi GOBYERNO.

Lahat ng POSTS nyo, dalawa lang ang kababagsakang kategorya, LABAN o HINDI LABAN PAMAMAHALA ng Iglesia. LABAN O HINDI LABAN sa interes ng Iglesia. Lahat ng nakabasa ng inyong blog ay alam ang sagot, ngayon sa tingin nyo nasaang kategorya kayo dyan?


SANGGUNIAN OR KA JUN SANTOS ALONE?

4) Sa lahat ng inyong posts hinding hindi mawawala ang pangalan ni Ka Jun santos, at lahat na lamang ng akusasyon nyo sa nangyayari sa Iglesia ay iisa lang ang gusto nyong patungkulan--> Ang Ka Jun Santos. Naniniwala ako na ang mga sinusulat nyo ay hindi talaga dapat laban sa Sanggunian sa kabuuan but primarily to KA JUN SANTOS. Dinamay nyo na lang ang Sanggunian at iniisa isa nyong halungkatin at gawan ng isyu kahit kaliit liitang bagay para papaniwalain ang mga tao na ang pinakagumagawa ng kasamaan ay ang Sanggunian. Sapagkat gusto nyong maalis ang Ka Jun Santos at ngayon pati ang buong Sanggunian sapagkat silay mga kasamahan nya. 

Ang tanong: Masasagot nyo kaya ng WALANG HALONG pagsisinungaling ang katanungan na ito?


NOT AGAINST KA EDUARDO?

5) Sinasabi nyo mang hindi kayo LABAN sa "TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN" specifically to Ka EVM, ramdam lahat ng nagbabasa na gusto nyong patamaan ang paraan ng pamamalakad ng Ka EVM. Indirectly ika nga, hindi nyo man banggitin pero ang mga posts nyo patungkol rin sa KA EVM. 
Paano ko nasabi? Sa pamamagitan pa lang ng pagbanggit sa mga dating mga tagapamahala na sila Ka Felix lalo na kay Ka Erdy halatang halata na hindi kayo satisifed sa paraan ng pamamahala ngayon ng Ka EVM.

Meron pa kayong mga article na "NOON" kesyo NOON, iba na ngayon... Papaalala ko lang po, parte ng CHURCH ADMINISTRATION ang tagapamahalang pangkalahatan, kaya kung nasa kategoryang LABAN kayo sa PAMAMAHALA ng Iglesia, indirectly man, KASAMA ANG KA EVM po doon.
ANTONIO EBANGHELISTA: "Napakataas noon ang Pamantayan ng Sugo at ng Ka Erdy sa mga lilikhain nilang maging mga Ministro." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com
ANTONIO EBANGHELISTA: "Pasensya na po kayo mga kapatid, hindi ko lang siguro talaga makuhang pigilan ang damdamin ko… kung nabubuhay lang sana ang Sugo ngayon, ang Ka Erdyhindi sana umabot sa ganito ang kalagayan ng Iglesia ngayon. " source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com


POSTING ON SOCIAL MEDIA: THE RIGHT WAY TO TELL THESE THINGS?

6) Napapaisip pa din ako kung talaga bang TAMA ang paraan nyo DIUMANO ng paglalantad ng mga nangyayaring ito sa Iglesia. Ang masasabi ko lang, hanggang ngayon wala akong pinapanigan at wala akong pinapaniwalaan AGAINST or IN FAVOR of your posts. Kung saka-sakali man, halimbawa na totoo ang mga sinasabi mo, napaka MALI ng paraan mo ng pagbubunyag mo nito. SOCIAL MEDIA? mali po eh.

Nabasa ko na ang marami ninyong paliwanag at kinonsider ko ang mga iyon, but in the end i believe na MALI ang paraan ninyo dahil hindi nyo naisip ikonsidera ang NAPAKALAKING EPEKTO nito sa Iglesia sa kabuuan. AT lahat ng mga pinopost nyo ngayon, pinapaalalahanan ko lang kayo, HABANG BUHAY NA YANG NASA INTERNET. Kahit mag 100 years uli, kahit magkaroon man ng paglilinis sa Iglesia, kahit malantad man kayo at humingi ng paumanhin o bawiin ang mga sinabi ninyo, lahat ng mga post nyo rito ay gagamitin ng lahat ng mga tao na LABAN sa Iglesia.

Mapa sa social media, mapa official debate, mapa personal, mapa blog, website, radio, tv, newspaper, magazine etc... Gagamitin nila yan para sirain ang Iglesia, kahit ano pang idepensa at isagot sa kanila, magiging mahirap na silang mapaliwanagan. Napakalaking DAMAGE sa interes ng Iglesia ang ginagawa ninyo, hindi nyo lang napapansin, at sana huwag kayong matuwa kung nakaka ilang milyong hits na ang blog nyo dahil ibig sabihin lang yan mas MARAMI at lalo pang DADAMI ang mga taong kakalaban sa Iglesia mula ngayon at sa mga susunod pang mga taon.
MGA HALIMBAWA:
1. Yung isyu tungkol kay Ka Felix Manalo at kay Ka Rosita Trillanes way back 1930's hindi bat hanggang ngayon ay paulit ulit nilang hinahalukay at ipinagdidiinang GUILTY si Ka Felix Manalo?

2. Yung magazine na "SAY" na nagpalabas ng artikulong "Erano Manalo: A billionaire preacher" way back 1989 hindi bat hanggang ngayon ipinangangalandakan ng mga Catholic defenders sa mga seminars nila maski sa blog at websites nila kung saan nagpapatunay na isang BUSINESS lang daw ang INC at napupunta lang sa pamamahala ang mga abuloy ng mga miyembro?

3. Yung mga dyaryong kung saan merong mga nasangkot na mga kapatid tungkol sa mga masasamang gawain, kahit panahon pa ni kopong kopong hindi bat hanggang ngayon eh paulit ulit nilang pinapakalat sa internet para lang palabasin na MASASAMA ang mga miyembro ng INC?


CONFIDENTIAL NO MORE?

7) Hindi ko alam kung sinasadya nyo ba o hindi ang pagsusulat tungkol sa mga bagay na dapat "SIKRETO" lang. May mga bagay sa mundong to na pwedeng ibahagi sa mga tao at meron namang tinatawag na CONFIDENTIAL na dapat tayo tayo lang ang nakakaalam. Kaso sa sinasabi nyong "PAGLALANTAD NG KORUPSYON SA IGLESIA" hindi naman kailangan sabihin ang ibat ibang SISTEMA sa Iglesia at iba pang mga bagay tulad ng mga pormularyo, at iba pa. Hindi ko alam kung talaga bang goal nyo ang "IBUNYAG ANG MGA TIWALI" o sadyang gusto nyo lang sabihin ang CONFIDENTIALITY sa Iglesia.
Yung mga bagay bagay na pinagtyagaan at iningatang gawing CONFIDENTIAL simula pa sa Sugo, sa Ka Erdy at ngayon sa Ka Eduardo, sinira nyo nalang ng basta basta. 
Palibhasa ministro kayo kaya marami kayong alam tungkol dyan, at di nyo na inisip ang kahihitnan ng mga isinusulat nyo. Sa mga susunod pang panahon wala na yung "mga dapat na SIKRETO" sa loob ng isang organisasyon dahil sinabi nyo na lahat. Sobrang MALI ang bagay na ito. Kahit anung organisasyon sa buong mundo dapat meron parin SECRECY kaso sa sobrang pagkagahaman nyo ata na mamkuha ng simpatya sa mga kapatid eh lahat na sinabi nyo. Tanong: Tama ba na ibunyag nyo lahat lahat, mga pormularyo at mga sistema sa Iglesia na dapat ay CONFIDENTIAL LANG?


WHATS THE POSSIBLE EFFECT?

8) Tingin nyo yung mga sinusulat nyo ba eh ano? Dalawa lang uli ang babagsakang kategorya nyan, NAKAKAPAGPALAKAS o NAKAKAPAGPAHINA ng pananampalataya ng mga kapatid. Tingin nyo saan dyan ang tamang sagot?

Opo, nabasa ko ang paliwanag nyo ukol dyan, pero pagbali baliktarin man natin ang mundo, KATITISURAN ang BUNGA ng mga posts nyo. Kahit pa ang goal nyo lang eh "MALINIS" ang Iglesia, ang sobrang napakaposibleng mangyari sa Iglesia, pag lalo pang lumala eh PAGKAKABAHA BAHAGI at PAGLABAN SA PAMAMAHALA, yung literal na PAGLABAN sa pamamahala. 
Nung si Martin Luther ba na isang pari, nag asam ng PAGLILINIS SA IGLESIA, ganun ba ang naging resulta, NALINIS ba niya Iglesia nila? Sabihin na natin kunwari na malinis intensyon nyo at iba ang inaasahan nyo pero sasabihin ko sa inyo IBANG IBA po ang posibleng ibunga ng inyong ginagawa. Ang nangyayari eh parang gumagawa kayo ng mga kakampi nyo at dadating ang panahon pag marami na ang may lakas ng loob eh sabay sabay na ang paglaban nyo sa pamamahala at sa Iglesia. ANg resulta parang TEOFILO ORA STORY lang, nagtayo ng sari sariling Iglesia, kaya sa halip na KALIGTASAN eh KAPAHAMAKAN ang sasapitin ng mga tumalikod sa tunay na paglilingkod.


ACHIEVING THE GOAL?

9) Tingin nyo ba MAKAKAMIT NYO TALAGA ANG GOAL NYO sa ginagawa nyo dito sa SOCIAL MEDIA? Ano ba ang inaasahan nyo? Mababa sa katungkulan ang lahat ng nasa Sanggunian? Ititiwalag ang lahat ng nasa Sanggunian? Papalitan ang mga nasa SAnggunian?

At sa tingin nyo mangyayari yon? 
Yung GOAL nyo ba sa tingin nyo eh mangyayari talaga o IBA ang napakaposibleng epekto nito sa Iglesia?

At kung saka sakaling magtagumpay kayo sa goal nyo, whats next? Any plans?

SOURCES FROM THE BRETHREN? TRUTH? LIE? or HALF TRUTH-HALF LIE?

10) Sa aking obserbasyon, yung mga VOICE OF THE BRETHREN nyo at yung ibang mga SULAT na diumano galing sa isang ministro etc, aminin nyo man o hindi ay mga PEKE. Halata naman kasi sa pagkakasulat nyo na mismong KAYO ang may gawa noon, lalo na nung nabasa ko yung article nyo na "Paglilinaw ukol sa Tax evasion case ng Iglesia ni Cristo sa Japan". Nung bandang simula hanggang kalagitnaan maniniwala na sana ko, pero yung bandang huli na halatang halata na kayo mismo ang sumulat non. Yung mga sumusubaybay ng blog mo halata nila dahil parehong pareho ang paraan ng pagkakasulat nun sa paraan mo ng pagsusulat.
Ang nangyayari eh, yung mga nalalaman nyo gagawan nyo ng istorya na kunwari ay sulat ng kapatid o galing sa isang ministro para mapaniwala nyo na talagang marami ang nakakaalam ng diumanoy mga KATIWALIAN sa Iglesia.

Dalawa lang yan, maaaring kayo lang talaga may gawa noon o may nagpadala talaga na kapatid at inedit edit nyo nalang.

Isa pang napansin ko sa mga posts nyo, aminin nyo man o hindi, ay combination ng TRUTH and LIE. Hindi ko masasabing puro kasinungalingan, pero di rin naman puro katotohanan. Kaya ang ending nagiging kapani paniwala ang mensahe, kasi yung kasinungalingan hinahaluan ng realidad kaya nagmumukang makatotohanan.

Yung iba rin sa mga isyu nyo kung tutuusin eh hndi naman BIG DEAL, pero ginagawan nyo ng isyu kumbaga maliit na bagay, pinapalaki nyo lang para maisama sa mga diumanoy "PAGBABAGO sa Iglesia" at mga "KATIWALIAN sa Iglesia".


Nalulungkot lang ako sa mga nangyayaring ito, dahil ang pagsulpot nyo bilang ANTONIO EBANGHELISTA ay ang pagpapawalang halaga sa lahat ng ginawa ko para depensahan ang Iglesia ng maraming mga taon. Opo, boluntaryo ko tong ginagawa, walang nag uutos sakin para gawin ito, masaya ko kapag nakakatulong ako mapalakas ang pananampalataya ng mga kapatid. Lalo na kung nasasagot ko ang mga akusasyon at kasinungalingan ng mga lumalaban sa Iglesia.

Pero sa ginagawa ninyo pinapalabas nyo lang na TAMA ang sinasabi nila at MALI ang mga pagdepensa ko.

Nakakalungkot dahil dati rati ang sinasagot namin na mga ordinaryong mga kapatid na nagtatanggol sa Iglesia ay mga nasa labas... Ngayon yung NASA LOOB na, ministro pa. Bakit kailangan mangyari ito? KAILANGAN ba na mangyari ito?

Ang sagot ay nasa Diyos. Si Ama na ang bahalang kumilos.
Hindi ko intensyon na pigilin ka sa ginagawa mo, o kung ano pa man, dahil buhay mo yan at kahit ano naman po ang sabihin ko sayo, yung gusto mo pa rin ang gagawin mo. Pero sana lang, maisip mo rin po ang napakalaking KASIRAAN SA IGLESIA na patuloy na nagaganap dahil sa mga pinopost mo. Kung totoo ang lahat ng sinasabi mo, bakit hindi mo nalang TULDUKAN? Bakit kailangan mo pa patagalin?

Suhestyon ko lang, bat di kayo lumantad. Wala ba kayong kakilalang journalist? Mag pa press conference kayo. Diba gusto nyo malalaman ng Ka EVM? Eh kahit 1000 blog post gawin nyo kung totoo sinasabi nyo na hindi ito nakakarating sa Ka EVM e di walang saysay lahat ng yan. Sadyang sinisira nyo lang ang Iglesia dahil yung goal nyo na PAGLILINIS eh hindi naman pala maisasakatuparan kung puro blog ka nalang.

Panghuling katanungan, HANGGANG KELAN ANG GINAGAWA NYONG ITO?

Maraming salamat po sa pagtityaga na basahin ang email kong ito.
Hihintayin ko po ang reply nyo, asap.


SAGOT NI ANTONIO EBANGHELISTA

Salamat po sa inyong pagsulat. Sa paraan ng inyong pagsusulat ay masasabi kong matalinong tao kayo. Kaya di ko na po kailangang pakahabaan ang sagot ko dahil sa palagay ko naman ay madali nyo na itong mauunawaan. 

Ang lahat ng mga sinabi ninyo sa mga puntos o tanong na inilahad ninyo ay batay lamang sa inyong opinyon o pagkaunawa. Wala akong dapat na pangatwiranan dahil opinyon nyo lamang ang mga iyon. Maaaring totoo ito at maaaring hindi. 

Bagamat nasa uring nagtatanong kayo subalit kung babasahin nyong muli ang mga sinulit ninyo ay mapapansin ninyong konklusyon na ninyo ang mga inilalahad ninyo. Samakatuwid wala ring bisa ang pagtatanong ninyo o paglilinaw ninyo dahil mahigpit ninyong pinanghahawakan ang inyong sariling pananaw. 

Hindi ako makikipagdebate sa inyo ukol sa mga bagay na mayroon na kayong kapasyahan dahil sa naisulat ko na ang mga bagay na ipinahayag ko at alam kong kahit ano pang sasabihin ko ay buo na ang kapasyahan ninyo. Matalinong tao kayo. Kung ano ang abot ng inyong pangunawa at pananampalataya ay yun ang inyong mamamalas sa inyong mababasa. Hindi ako ang maaari magkaloob syo ng pangunawa o pananampalataya. 

At dahil sa magkaiba tayo ng opinsyon sa mga bagay na ito, pareho tayong sumasampalataya na ang iglesiang ito ay sa Diyos at Siya lamang ang may kalooban na matupad ang isang bagay o pigilan ang isang bagay ayon sa kaniyang kalooban na rin. 

Lahat ng ito ay nagaganap dahil niloob Niya. Kung hindi po ninyo ito sinasampalatayanan ay talagang mahirap po talaga para sa inyo na tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Subalit sumampalataya po kayo na di pababayaan ng Ama ang Kaniyang Iglesia at ang Tagapamahalang Pangkalahatan kahit ilan pang antonio ebangelista ang sumulpot. 

Bilang panghuli, iginagalang ko po ang inyong opinyon tungkol sa akin at sa aking ginagawa. Di man tayo magkasundo sa ating pagpapahayag subalit iginagalang ko ang inyong karapatan na ipahayag ang inyong saloobin at isipan. Salamat po. 

Antonio Ebangelista


________________________________________

PANSIN: Kung mapapansin nyo ang sagot ni Ka Antonio ay sadyang HINDI niya sinagot ang mga katanungan ko. Napakadali namang sumagot ng OO at hindi kung talagang confident ka sa sagot mo. Ano ba naman yung tanong na, MAG ISA KA LANG BA O MAY KASAMA KA, mamimili ka lang naman. Pero ang ginawa niya ay nagpaliwanag na lang siya at sumagot sa pamamagitan ng "LIGTAS" na paraan.

Alam mo yung tanong na, HINDI KA BA NALIGO? OO o HINDI?

Sa halip na sagutin ang tanong, para LIGTAS ka eh ipapaliwanag mo nalang ang iyong sagot ng hindi ka namimili sa mga choices. 

Ka Antonio, ang mga SINABI ko po ay aking mga OBSERBASYON LAMANG, ipinagpauna ko na naman yan. AT bilang NAG OOBSERBA sa inyo, pwede nyo naman ako sagutin para maiba ang INIISIP ko tungkol sa inyo. 

Kaya nga po sabi ko sa inyo:

"Ang email na ito ay para ilabas ang saloobin ko at tanungin kayo. Sana ay masagot nyo ang mga tanong ko upang magkaroon ako ng nalalaman at lalo ko kayong maintindihan. Lahat ng ito ay mga obserbasyon ko sa mga posts nyo, dahil blogger din ako, at hindi man ako nag aral ng psychology pero marunong naman ako mag basa ng ugali ng tao."

Malaya kayong KONTRAHIN ang mga pahayag ko kung gugustuhin ninyo, wala pa naman akong conclusion kaya nga nasa STAGE palang ako ng PAGTATANONG at mga PUNA lamang ang aking sinabi.

Kaya sa halip na sagutin ng direkta ang mga tanong ko ay umiwas kayo at iba ang pagpapaliwanag na inyong ginawa. Dahil tulad ng sabi ninyo: "Maaaring totoo ito at maaaring hindi."

Ngayon, kung sakaling mababasa ninyo at may magpaparating sa inyo tungkol sa artikulo kong ito, IKAGAGALAK ko kung itotopic ninyo ito sa inyong blog at ISA ISAHIN ninyong SAGUTIN ang 10 bagay na inilahad ko sa aking email. Aantayin ko po ang inyong magiging tugon sa blog niyo, lalo na, sa aking OBSERBASYON muli eh FULL TIME po kayo sa harap ng computer.

IBA PANG OBSERBASYON:

1. Sa tingin ko ang may ari ng blog na http://karaniwangkaanib.blogspot.com/ ay si Lito De Luna Fruto, isang tiwalag na ministro ng INC. Nakabasa na kasi ako ng mga komento nya sa facebook at yung paraan ng pagkakasulat sa blog na iyon ay siyang siya.

2. Yung mga dummy accounts IN SUPPORT of the posts of Antonio Ebanghelista sa facebook ay gawa lamang ng iilang tao, maaaring isa, o dalawa. At yung mga KOMENTO na nasa blog ni Antonio Ebanghelista ay gawa din nila. Halatang halata po kasi. Puro suporta sa blog comment? kung mga INC members talaga yon eh puro negative comments ang mababasa nyo doon.

Gusto ko lang magpahabol ng tanong para kay KA ANTONIO, sa mga bumabasa ng blog na ito at sa lahat ng NAKABASA na ng blog ni Ka Antonio:

TOTOO BANG  HINAHARANG NG TAGA SANGGUNIAN O NG SINUMAN ANG MGA IMPORMASYON SA BLOG NI A.E PARA ITAGO SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN? TOTOO BANG HINDI ALAM NG KA EDUARDO ANG LAHAT NG SINUSULAT NIYA SA KANIYANG BLOG?

Alam ng isang matalinong tao ang mensahe ng tanong na ito.

21 comments:

  1. aako alam ko sagot sa last question mo..

    alam yan ng tagapamahalang pangkalahatan..kaso mahilig lang i mislead ni ebanghelista reader nya..

    kay ja hoon ku pa lang pumalpak na sya eh..nadagdagan pa nung fairytale nya sa japan haha

    ReplyDelete
  2. ^_^ ganito lang iyan Ka ReadMe.. Maaaring niloob nga iyan ng ating Ama but the question is.. may tiwala ba siya sa ating Ama na magagawa Niya ang lahat sa pamamagitan ng taimtim nating panalangin at panata? ikalawa, nalimutan na ba niya ang aral nating "ALAM NG AMA ANG LAHAT NG NILALAMAN NG ATING PUSO" at "SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA AY KAYANG MONG MAPAGALAW ANG BUNDOK"? kung totoo man o hindi ang kanyang mga sinasabi ay sana idinaan niya pa rin sa panalangin at sa pananampalataya sa Panginoong Diyos dahil tiyak na tiyak tayo na hindi Siya natutulog at may nakalaan na karampatang parusa sa tamang panahon na ayon sa Kanyang kalooban.. Wala rin akong kinakampihan sa sinuman dahil doon lang din ako sa KATOTOHANAN at TAMANG PARAAN, ika nga eh hindi ako konsintidor o panatiko basta ang mahalaga ay alam mo ang tungkulin mo bilang isang Iglesia Ni Cristo ayon sa itinuturo ng bibliya.. ^_^

    ReplyDelete
  3. LET ME HELP MAKE ANTONIO EBANGELISTA and KELLY ONG’s INTENTION CLEAR


    The Plan to Replace the Executive Minister
    Phase 1
    Make fake accounts on Social Media, call themselves “minister”—better, “righteous minister” so it is believable.
    Steal emails from District Offices.
    Spread Lies thru text and emails and Social Media.
    Destroy the Church Administration's reputation by targeting the Sanggunian.
    Make the brethren hate the Sanggunian (for now).

    Phase 2
    Make sure to sound “caring” for the Church.
    IGNORE and DISOBEY the instruction of the Executive Minister to not use Social Media to discuss Church issues. (But say “We love the Executive Minister.")
    Spread “TOP SECRET” files. Make sure these files are labeled “SECRET” so everyone will be believe them.
    Put doubts in the brethren’s mind and destroy their faith. - But say “Be strong! Fight for the Faith! We love the Executive Minister!” so the gullible will believe.
    Make fake accounts and ask: “Why is the Executive Minister not doing anything?”,"Why is he allowing this?” (Right Danica Rosales and Ka Anna?)
    Make another fake account and ask: "Where are his siblings?” (I don’t know Kelly Ong. Why don’t you ask yourself?)

    Phase 3
    Make other fake accounts and post an old photo while saying: “We miss them! We miss their sweet smiles!”
    Again, make the Sanggunian look evil.
    Make sure the brethren believe that the Sanggunian is evil.
    Call for a change in Sanggunian.

    Phase 4
    Make sure the brethren are angry at Sanggunian.
    Call for a change in Sanggunian (for now)!
    Promote tho ones you want to replace the Sanggunian by posting their photos and add: “We miss them.Where are they? Where are their smiles?”

    Phase 5
    Direct the anger towards the Executive Minister for “doing nothing” against the now “evil Sanggunian”.
    Call for a change for Sanggunian AND now, include the Executive Minister.
    Post another photo of the by now, properly advertised “candidate” to replace the Executive Minister.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jonas Coop, your observation is what has been shown to the world! Perfect! Members of the Church must not believe anything from yuson's misled group.

      Delete
  4. Good day po.
    Ka read me pde po ba ako mag request.?

    Sana po magkaroon po ng topic about doon ang sa mga sabadista na nagsasabi na kpag walang tatak ng sabbath ay hindi maliligtas.

    Gusto ko po kc malaman ang about don na salungat sa aral ng bible. Thank u poh.

    ReplyDelete
  5. https://www.reddit.com/subreddits/search?q=iglesia+ni+cristo

    Looks like they're spreading their libelous statements there too.

    Apparently "don't be gullible and get duped by gossip" means "close your eyes and ears to everything" to them. Way to go making a strawman mister AE and your poser friends.

    ReplyDelete
  6. sana kung may matibay n ebidensya c AE dapat cnunod muna nya ang mga tuntunin. alam nman nya n kung ang isang kapatid ay nagkakamali o nagkksala ay maaari nya itong kausapin. kung skali man n hndi mkinig s kanya ay maaari rin nyang ilapit s isang MT o s pamamahala ang mga akusasyon nya.

    s tuntunin p lang at aral mali n ang paraan, ano p kaya tong mga gnagawa nya.

    sna lumantad sya at harapin tong mga pnaggagawa nya. kc kung lalantad sya, malalaman kung totoo mga cnasabi nya. kung hanggang net lng, lalabas naninira sya kung wala syang matibay n batayan. kaduwagan ang pamamaraan nyang ito kc kung s harapan sana mas lilinaw yung mga issue n cnasabi niya. hrapin nya sna ito ng buo at isang tunay n nasa tama. ang tunay ksing lingkod ng diyos eh kasama lagi ng Ama kya WALA dapat syang ikabahala.

    kung hanggang net lng sya lalabas wala syang kakayahan n patunayan yung mga cnasabi nya. tulad lng din ng iba na wala plang batayan o paninira lamang.

    bka nman kaya????
    sya itong may pagkakamali at ipinapasa lamang sa iba pra mkaganti. isa kaya siyang nawalan ng karapatan at s sama ng loob ay gumagamit ng net pra mkabawi. ano kaya???

    ReplyDelete
  7. Brod, Pwedeng-pwede kang NBI o LAWYER. Husay mo mag-imbistiga. hehehehe

    ReplyDelete
  8. Ang nakikita kong dahilan ng Ama sa pangyayaring ito ay:
    nais nyang makita kung sino ang mga dalisay na sumasampalataya... dahil sinomang makabasa sa blog ni ka-A.E. ehh talaga mag-aalinlangan sa IGLESIA at mataas ang chansang mahiwalay... at without realizing, naglilinis na nang kanya ang Iglesia sa pamamagitan ng mabigat na pagsubok na ito sa kadahilanang may chance na ang mga sinasabi nya ay totoo o kasinungalingan lang talaga.

    Kagaya mo ka-read me, nagbabasa din ako ng tahimik sa kanyang blog at kahit isang beses hindi ko ni-re blog/share dahil sa alam ko ang magiging epekto nito sa mga kapatid na may hindi pa gaanong malakas na pananampalataya. Example: Bagong dinodoktrinahan/Sinusubok...

    Natutuwa rin akong nangyari ang ganitong pagsubok sa Iglesia 5months after kong maging Agnostic for 2 years dahil kunsakaling hindi pa matibay ang aking pananampalataya, nabali na ako at naging Athiest na...

    ReplyDelete
  9. Kitang-kita naman po kung saan napupunta ang mga inihahandog/iniaabuloy sa Iglesia. Kaya walang dapat pang ipangamba. Lilipas din ang panahon at mawawala rin si G. Antonio Ebanghelista. I'm sure mabibigo siya katulad ng lumitaw din kamakailan lang na fb page https://www.facebook.com/trueiglesia?ref=ts&fref=ts. Di naman nagtagumpay.

    ReplyDelete
  10. INC has the most clear and transparent transactions dahil noong pagsamba kanina ay inisa-isa nila ang pinatutunguhan ng handog at abuloy ng mga kapatid.
    Di tulad sa IDKKCH na walang listahan.
    Di tulad sa ADD na di rin alam kung nasaan ang mga funds.
    Lalu na sa mga Katolikong may mga Mafia na sa Vatican Bank and still never acted on it.

    ReplyDelete
  11. Manindigan po tayo sa panig ng PAMAMAHALA...pinapayagan ng DIOS na mangyari ang BAGAY na iyan upang masubok ang kaniyang mga LINGKOD...gaya ng pagpayag niya na SUBUKIN si JOB sa pamamagitan ni SATANAS...

    Ang matitira ay iyun lang TUNAY...

    ReplyDelete
  12. Isa lang po ang KAHULUGAN ng lahat ng eto.. Malapit na po ang Paghuhukom. Ang mga gawain po nila ay patunay na talagang nag "do-double time" na ang DYABLO. Kailangan nya gawin yan kasi konting panahon na lang ang natitira. Kumbaga sa trabaho kailangan nya mag overtime. Maraming beses na kasi sya sumubok na sirain ang Iglesia pero hndi sya nagtatagumpay. Kung noon ginagamit nya ang mga taga labas para masira tayo, ngaun naman ay sinubukan nyang gamitin ang mga taga loob ng INC, pero alam nating lahat na HINDI pa rin sya magtatagumpay. Hindi papayag ang AMA. :)

    ReplyDelete
  13. Sapat na ang SAKIT at HAPDI na idinulot ng paglabas sa social media ng grupo ni AE. Hindi na natin dapat pang talakayin ang mga bagay na dati nang ipinupukol sa Iglesia. Lalo lang itong makapagbibigay ng BIGAT sa NAPAKABIGAT nang damdamin ng mga kapatid.

    ReplyDelete
  14. To ReadMe... Bro or Sis, Kudos! you are spending your time the best value i ever imagined...

    ReplyDelete
  15. http://datingbem.blogspot.com/2015/07/ang-sampung-pangunahing-tungkulin-ng.html
    Balikan po natin ang bagay na dati na nating alam... baka sakaling makatulong sa ating espiritwal na pagtitimbang...

    ReplyDelete
  16. Aliw na aliw ako sa blog posts po na ito hehehe.. "Naligo ka ba o hindi" ? ang half-bath ba ay half naligo, half hindi? Hehhe.. Nice posts po.. represented the many questions ng mga taong hindi marunong mag blog kagaya ko hehehe...pero tama po kayo, strategy din talaga ng Diablo iyong styel na half truths eh. Di ba po doon sa halamanan ng Eden, nilagay ng Dios iyong puno ng buhay sa gitna pa talaga.. doon sa pwedeng madaan daanan ng tao..bakit? para masubok ng Dios ang puso ng tao.. hindi kasi pwede sa Dios ang alanganin, dapat buong pusong pagsunod.. kaya ang diablo, ang purpose nya pag alinlanganin ang tao.. sabi ng Dios, pag kinain nyo iyong bunga eh mamatay kayo.. , noong in approach nya si Eba eh sabi "hindi kayo mamamatay!" totoo ba iyon? namatay ba si eba noong kinain nya iyong bunga.. hindi agad.. agad.. pero nagkaron ng kamatayan... iyong sagot ng Diablo kay Eba eh kulang at saka hindi full answer.. at may agenda kung bakit kinausap nya si Eba.. at may himig totoo, akala mo nagmamalasakit... at kung mapapansin nyo, himig ito noong si AE... in my opinion, napapakasangkapan sya sa Diablo. sana marealize nya at dali daling bumalik sa piling ng Pamamahala kung nasaan eh nandon nananahan ang Ama, sa Iglesia Ni Cristo. sabi nga ng Pamamahala, hindi pwedeng alanganin.. Sinasabi ng AE na mahal nya ang Iglesia at ang Pamamahala pero hindi ang mga pasya nito.. so kahit alam nyang magdudulot ng panghihina sa INC eh sige sige pa rin.. alam naman nilang pag naalis sa INC eh hindi na maliligtas.. in short, strategy ng Diablo.. mga attributes ng tactics ng Diablo.. Please Mr AE... hindi kalaban ng Dios ang pagbabalik loob at ang Iglesia ay tatanggapin ka for sure kung pipiliin mo ang Dios. Pagsubok din ito sa iyo.. saan ka papanig? hanggang kelan ka papayag na kasangkapanin ka ng Diablo. Hindi ka mapipigilan ng Diablo kung lilipat ka ng team.. kaya lang alam natin bago ka makabalik sa Ama, dapat sigurado ang Dios sa iyo.. it is not too late.. alalahanin mo family mo. for sure susunod sila sa iyo... so ibalik mo sila sa tamang daan.. kawawa sila..alam mo iyon, sa kaibuturan ng puso mo... Let's leave peacefully kahit hindi natin tamasa ang kaginhawan basta alam natin ang family natin nasa kapayaan sa Ama, sapat na iyon diba?

    ReplyDelete
  17. Brother ReadMe, pwede nyo po bang palawigin ito? isaias=6; talens=6; samson=6 total 666... hehehe...

    ReplyDelete
  18. *Mga sagot ko sa mga pahayag ni AE sa sulat ng blogger ng site na ito.

    *Bago ko sagutin punto por punto ang sinabi mo AE meron akong tanong sayo.
    Yung mga hinikayat ninyong sumama sa inyo, meron ba kayong pangakong kaligtasan, maliligtas ba sila o kami pag sumama kami sa inyo na lumaban sa Pamamahala?

    *Ganun din naman ang ginagawa mo sa mga sulat mo batay din sa iyong sariling opinyun, wala ka naming naipakitang ebidensya sa mga sinulat mo puro bintang na walang basehan, puro paninira na ang talagang layunin ay pabagsakin ang Pamamahala at sirain ang Iglesia.

    *The writer of this blog is giving you the dose of your own medicine, pansinin mo ang mga post mo ganyan din ang sistema mo kaya tama lang ang ginawa ng writer ng blog na to, pero wala kang sinasagot sa mga tanong nya, masyado kang mawidwid madami kang pasakalye sa huli wala ka namang napatunayan.

    *Ang ibig bang sabihin nito ay mas mataas pa ang antas ng inabot ng kanyang pang unawa at pananampalatay kesa sau na naging “ministro” sa Iglesia. Sabagay ibinigay ka na ng Diyos kay Satanas para magmana ng buhay sa dagat dagatang apoy. Dahil nilamon na ng galit at sariling interes ang puso mo. Tama ang writer nito ang pinak sagradong bagay sa Iglesia na hindi nga pinag uusapan sa labas (Ang Pananalapi) at kahit sentimong mali ay ginagawan ng salaysay para itama, ganun ganun mo lang isiniwalat at winasak sa social media, isipin mo panahon pa ng Sugo yang mga bagay na yan, walang naka alam nyan sa labas pero IKAW, KAYO ng mga kalahi mo kay Satanas walang pakundangan nyong isiniwalat sa media, nasaan ang sinasabi mong pag ibig at pagmamalasakit sa Iglesia.


    *Talagang Magka iba kayo, Pareho nga kayong sumasampalataya pero sigurado AKO na hindi ka maliligtas pag dating ng takdang panahon, kasi nasa labas ka na ng Iglesia at KAMI nasa loob ng Iglesia at alam mong walang ibang ililigtas kundi ang mga nasa loob at iyun lang ang ililigtas pagbalik ni Cristo. Tama ka rin sa sinabi mo “kanyang kalooban na rin” dahil kalooban nya rin na hindi ka maka sama sa mga ililigtas.

    *Wala ng iba pang AE na susulpot dahil kayo na ang huli, alam mo yan dahil nakita na natin ang lahat ng palatandaan at patuloy pang nagaganap ang iba. AT kung meron mang lumutang pa na bagong AE wala na kayong magagawa dahil metatag na ang Iglesia, HINDI na ito matatalikod at HINDI nyo kayang gibain ang pananampalataya naming mga Iglesia Ni Cristo dahil kaisa kami ng Pamamhala sa pagsunod sa mga utos ng Diyos at ng Panginoong Jesus.

    *Sa huli ipinagpapasalamat ko ang ginawa ninyong pagbatikos at tangkang pag papabagsak sa Pamamhala dahil lalu itong nagpatibay sa aming pananampalataya lalu itong nag bigay sa amin ng matibay na pag asa at pananampalataya sa Diyos, kay Hesus at sa Pamamahalang inilagay nya sa Iglesia. Sabi mo nga kalooban ito ng Ama, nangyari ang mga bagay na ito dahil ginusto ng Ama na mangyari ito para mahayag kung sino sino ang sa Kanya at kung sino sino ang laban sa Kanya, tulad na lang ng nangyari kay Hesus ng ipagkanulo siya ni Hudas, nangyari yun dahil naging sakim si Hudas sa pansariling pakinabang sa pan sariling interes kaya niloob ng Ama na mapunta siya kay Satanas katulad nyo rin na mga Hudas sa bagong panahon niloob din ng Ama na mangyari to para HINDI kayo makasama sa mga ililigtas . Sayang ang pinuhunanan nyo, sayang ang lahat ng pinagpagalan ninyo dahil nabalewala lahat iyon dahil sa huli pareho ka lang ni HUDAS.

    Alrapasa Raji

    ReplyDelete
  19. Pasin tabi lang po, ang TUNAY AT TAPAT NA MINISTRO ay hindi gagawa ng hakbang para sa ikakapahamak sa mga nangungna sa kanya, lalong lalo napo sa TAGAPAMAHALA, sa ginawa ni KELLY ONG, nag balat kayo siya na sa PAMAMAHALA sya panig, pero ang katotohanan patago syang humahalakhak dahil na bilog nya ang ulo ng mga kaanib sa Iglesia... Kung Totoong Ministro ka patawrin po ako sa Ating panginoong DIYOS... mula Prep. hanggang ngayon alam nyo po KELLY ONG ang itinuro sa inyo sa MINISTERIAL, ang kahalalan at paggalang sa mga namiminunu sa IGLESIA, kung TUNAY PO KAYONG MINISTRO...

    ReplyDelete
  20. HAY naku ngayon lang ba naglilinis ang IGLESIA? mga kapatid na nakikinig sa mga sabi sabi at hindi nananangan sa ARAL na itinuro.... ang IGLESIA noon pa ay naglilinis na noon pa man ay nagtitiwag na at huwag ipagkamali na ngayon lang naglilinis ang IGLESIA...hello mga kapatid!

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.