"Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.
Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig.
Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo."
I Pedro 5:8-10
Sa mga ganitong panahon, lalo po nating TATAGAN ang ating PANANAMPALATAYA SA DIYOS, SA DIYOS po tayo nananampalataya at hindi sa kung sino lamang. Magpatuloy po tayo sa ating mga paglilingkod sa Diyos, doon po natin ibuhos ang ating buong panahon at huwag po natin payagan magkaroon ng puwang sa ating puso ang mga pagdududa, pag aalinlangan at lalo na ang panlalamig.
Ang DIYABLO po na ating KAAWAY ay may mga ginagamit na mga kasangkapan upang tayoy mahiwalay sa tunay na paglilingkod. AT NANDITO NA SILA SA INTERNET, PATULOY PANG DUMADAMI. Ang Dyablo ay hinalintulad sa isang LEONG UMUUNGAL AT AALI ALIGID na NAGHAHANAP NG MALALAPA. Ang mga nandito sa mundo ng internet, naghahanap ng mga mga kapatid na maloloko, kaya tayoy dapat na MAGING HANDA AT MAGBANTAY!
HUWAG TAYONG PUMAYAG NA TAYOY MATANGAY NG DIYABLO!
Ang ating dapat na gawin ayon sa talata sa itaas ay LABANAN SIYA at MAGPAKATATAG SA ATING PANANAMPALATAYA!
Dahil pagkatapos ng lahat ng ito, ang DIYOS, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa ATIN ng kagalingan, katatagan, at LAKAS NG LOOB AT PUNDASYONG DI MATITINAG. Ang Diyos ang tumawag sa atin upang MAKABAHAGI TAYO SA WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN SA LANGIT, KASAMA SI KRISTO.
Huwag po tayo paapekto sa kung ano mang nababasa natin ngayon tungkol sa pamamahala, alisin ang PAGDUDUDA, PAG AALINLANGAN at PANLALAMIG dahil hindi po natin ito ikakaligtas. Hayaan natin ang Diyos ang gumawa ng paraan upang maisaayos ang pagsubok na ito. At ang dapat na ipamayani ay ang PANANAMPALATAYA, PAG ASA AT PAG IBIG.
Kapatid, huwag kang bibitiw ha?
No matter what...
ReplyDeleteMananatili hanggang wakas! Mangyari na ang mangyari
Dahil tunay ang aral na tinanggap ko at ang tagal kong hinanap to
ReplyDeleteIt's not a new thing actually. History just repeats itself...since the time of the Apostles, of the last Messenger and so, how much more in our generation today. It's just the perfection of God's prophecy. And no one nor nothing neither can challenge God's words.
ReplyDeleteTherefore, whoever stood up (and would rise up) against the Church, they've ended and will face the same fate, "gaya nang wala."
Only a fool would go back to a deep sleep when a glorious sun starts to shine.
~~ Bee
God knows the truth from the lies as we know the difference between white and black.
ReplyDeleteHIndi po ako bibitiw.
ReplyDelete