"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 26, 2015

"Copypaste" Faith Defender aktibo ngayon sa kaniyang blog

Kilala nyo ba si "Copypaste Faith Defender" este Catholicdefender2000 na may blog na kung tawagin ay "In defense of the Church"? (Kung tutuusin hindi naman AKMA ang pangalan ng kaniyang blog sa kaniyang pinopost dahil puro atake sa Iglesia ni Cristo ang laman lang noon, kaya ang tamang tawag doon ay "Attacking Iglesia ni Cristo")

Siya lang naman po yung CFD na walang kasawa sawa sa pagpapahiya ng kaniyang sarili lalo na pag sinasagot ang kaniyang mga akusasyon at kasinungalingan sa blog na ito. 

Isa rin siya sa mga fans ng blog na ito, kaya nga siya updated palagi kahit hindi nako ganun ka active mag blog.

Nakakapagtaka po ano, kung kelan ako hindi naging active saka naman siya post ng psot sa kaniyang blog, nung marami naman akong oras magblog, siya naman tong nawala ng parang bula na di malaman kung saan na nagsuot. Huwag na po tayong magulat, ganun talaga ang mga duwag :)

Eto nga at nagpapapansin na naman siya sa akin (uuuuyyy iba na yan ahh), ang title ng post nya "Maingat na maingat na pananalita ni ReadMeIglesiaNiCristo sa kanyang blog patungkol di umano'y mga Katiwalian sa loob ng Iglesia Ni Cristo® na isiniwalat ni G. Antonio Ebangelista!"

Hindi lang ako MA-INGAT kundi sinasadya kong hindi makisawsaw sa isyu ni Antonio Ebanghelista, dahil sa simpleng kadahilanang WALA AKONG ALAM, at matagal ko ng nilinaw yan sa iba kong artikulo, dun palang sa "Ang panahon ng pagsubok sa Iglesia". Hindi kasi ako tulad ng mga CFD ng nagsasalita ng walang alam, yun bang may masabi lang, hindi ako ganun :)

Tunghayan po natin ang nilalaman ng kaniyang post:


"Maingat na maingat sa kanyang pananalita itong nagtatagong Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagpapakilalang si ReadMeINC sa kanyang pinakahuling post sa kanyang blog na iglesianicristoreadme.blogspot.com.  
Dati rati, lahat ng mga ibinabatong kritisismo sa INC™ eh sinasagot niya punto en punto parang si Antony Ka Tonying Taberna ng ABS-CBN sa kanyang dos por dos. Pero malamang baka pinaghihinalaan din sya ng Sanggunian o kaya'y accomplice siya sa di umano'y MALALIM na KATIWALIAN sa kanilan departamiento."

Eto na naman ang kontradiksyon niya, MINISTRO DAW, hanggang ngayon niloloko parin pala niya ang kaniyang sarili kahit alam niyang miyembro lang ako.

Dati daw sinasagot ko punto por punto mga akusasyon ng INC, naku ganun naman talaga ko, BASTA MAY ALAM AKO. Eh ano isasagot ko kung wala naman akong alam? Manghuhula ba ko? o Mag iimbento? Sa pagkakaalam ko gawain ng CFD yan eh.

Ayan manghuhula na lang mali pa, wala naman akong koneksyon sa Central kaya hindi ako kailanman involve sa mga isyu ni Antonio. Natatawa nga ako nung kinowt nya yung info sa "About Me" section ng blog ko, palibahasa FINANCE OFFICER ako, ako daw eh kasabwat  ng Ka Jun Santos at taga dun daw ako. Kawawa naman si Copypaste Faith Defender na ito, para lang alam mo, sa LAHAT NG LOKAL ng Iglesia hindi mawawalan ng FINANCE OFFICERS. Hindi porke finance officer sa CENTRAL lang ang departamentong yon. Yan tayo eh. Kaya walang maniwala sa kaniya. hehehe

Bungad pa niya sa kanyang Opening Statement eh hango sa Biblia (I Pedro 5:8-10).  Magpakatatag daw sila sa kanilang pananampalataya sa "Diyos" sapagkat sa "Diyos" daw po sila nananampalataya at hindi kung sino lamang.

Kanino ba dapat sumampalataya ang mga Kristiano, sa Diyos Ama lamang ba? O Maging sa Panginoong Jesu-Cristo rin?
Ayon sa Juan 12:36 "Sumampalataya kayo sa ilaw habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng liwanag."

Sino ang ILAW na tinutukoy ni Jesus?  
Ayon sa Juan 8:12 "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman."

Eh DAPAT palang SAMPALATAYANAN ang Panginoong Jesu-Cristo at hindi lamang ang Diyos Ama?

Eh di LUMABAG na naman ang mga kaanib ng INC™ sa sinasaad ng Biblia sapagkat sa DIYOS AMA LAMANG daw sila dapat sumampalataya at hindi kung sino!
Pero para sa mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa NAG-IISANG DIYOS, hindi lang ang Ama ang dapat sambahin kundi ang Anak at ang Espiritu Santo rin.  Ang PAGSAMBA at pagkakaroon ng SAMPALATAYA sa DIYOS ay TUMUTUKOY na ito sa IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA.
Ang mahirap lang talaga sa mga kaanib ng INC™ ni Manalo ay sumasamba daw sila sa IISANG DIYOS pero sumasamba rin sila kay JESUS na TAO LAMANG!
Saan nga ba IPINAG-UUTOS ng BIBLIA na dapat SUMAMBA SA TAO LAMANG?!
Ang PAG-UUTOS na SAMBAHIN sa JESUS (Filipos 2:9-12) ay sapagkat SIYA AY DIYOS din!
At ang pagka-DIYOS din ni Jesus ay hindi kathang isip lamang tulad ng sinasabi ng mga bayarang Ministro kundi ito'y NASUSULAT sa BANAL NA KASULATAN.
  • Juan 1:1 "... at ang Salita ay Diyos..." (ang Salita ay hindi po panukala. May panukala bang naglalalang?)
  • Filipos 2:2-12 "Kahit na siya (si Jesus) ay likas at tunay na Diyos..." (Biblia na ang nagsasabing siya ay Diyos)
  • Juan 20:28 "Panginoon ko at Diyos ko!" (hindi po yan exclamation out of fear or surprise tulad ng pambabaluktot ng mga bayarang Ministro kundi ito ay profession of faith!)

Saan naman sa mga sinabi ko ang nakalagay eh ang DIYOS LAMANG, muli LAMANG ang ating sinasampalatayanan? Meron ba? Kasinungalingan na naman ni ginoong Copypaste ohh. Bad yan. Eto po ang sinabi ko: "Sa mga ganitong panahon, lalo po nating TATAGAN ang ating PANANAMPALATAYA SA DIYOS, SA DIYOS po tayo nananampalataya at hindi sa kung sino lamang. "

At eto naman ang sabi niya: "Kanino ba dapat sumampalataya ang mga Kristiano, sa Diyos Ama lamang ba? O Maging sa Panginoong Jesu-Cristo rin?"

May sinabi bakong SA DIYOS AMA... LAMANG??

Alam lahat ng mambabasa ang sagot. WALA! Dalawa lang yan, nandadaya si ginoong copypaste o sadyang sobrang slow magproseso ang utak nya. Lahat kasi ng INC members gets yung mensahe ng post ko, ang mensahe nito ay sa DIYOS kami nanampalataya, siya ang may magagawa sapagkat siya ang pinakamakapangyarihan sa LAHAT. May Diyos kami at tunay ang Diyos namin. Magpakatatag sa pananampalataya dahil hindi naman kami sa kung kani kanino lang sumasampalataya.

Ang PAGKA-DIYOS ni Hesus ay hindi mababasa sa bibliya. Ito ay inimbento lamang noong 4th century dahil maski sa OLD TESTAMENT wala tayong mababasa na 3 in 1 ang Diyos, kundi NAG IISA LAMANG, walang iba kundi ang AMA.

Sinasamba namin si Hesus para sa KALUGURAN ng AMA, at hindi dahil DIYOS siya.

Hirit pa nitong tagong Ministro na halatang kapanalig ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr) na inaakusahan ni G. Antonio Ebangelista ng KATIWALIAN eh "DIABLO" raw po ang kanilang kaaway.  At KINAKASANGKAPAN raw ng Diablo ang mga NAGBUBUNYAG ng di-umano'y KATIWALIAN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO® at "NANDITO NA SILA SA INTERNET" at dumarami pa raw sila.

Si G. Antonio Ebangelista kaya ang pinapatungkulan nitong tagong Ministro?

Ang pagkasabi naman po kasi ni G. Ebangelista eh "ako po ay nag-iisa lamang sa pagpapahayag na ito" kaya't paano naman sila dumadami kung mismong si G. Ebangelista na ang nagsasabing lone ranger siya.

Maliban na kung talagang maraming NAGBIBIGAY ng MAHAHALAGANG IMPORMASYON galing mismo sa hanay ng mga Ministro na nakikita ang katiwalian sa pamamahala at pananalapi.

Of course naman, di mo makikita ang di umano'y KATIWALIAN ng mga Ministro sapagkat KASABWAT ka na nila marahil. 

At ang pagkasabi pa ni ReadMeINC eh "HUWAG TAYONG PUMAYAG NA TAYOY MATANGAY NG DIYABLO!"

Hindi kaya SIYA ANG NATANGAY na ng DIABLO at di na nya nakikita ang KATIWALIAN sa KATOTOHANAN?

"Ang ating dapat na gawin ayon sa talata sa itaas ay LABANAN SIYA at MAGPAKATATAG SA ATING PANANAMPALATAYA!"

Lito pa nga ang mga kaanib niyo sa kung KANINO sila SUMAMPALATAYA: Sa DIYOS (Ama) o kay JESUS (na tao)?

Ang sabi mo kasi eh sa Diyos (Ama) lamang daw po sila sumampalataya at "hindi kung sino lamang". Samantalang ang sabi ng Biblia eh SUMAMPALATAYA raw tayo sa PANGINOONG JESU-CRISTO!
Ang labo nga naman talaga!

Nakakapagtaka naman kay ginoong Copypaste na hindi man lang niya nahulaan kung SINO ang tinutukoy ko na KINAKASANGKAPAN NG DIYABLO para mahiwalay tayo sa ating tunay na paglilingkod.

GIVE HIM A MIRROR PLEASE :)

Yung malaki kasing laki ng billboard sa EDSA para makita niya kung sino ang tinutukoy ko, baka di niya pa makita eh.. Sabi kasi yon ng bibliya, na ang DYABLO naghahanap ng MALALAPA, aaligid aligid lang. Kaya kahit sino pa yong mga yon, bastat naging daan para IHIWALAY ang kaniyang mga hinirang sa tunay na paglilingkod, sila ang kinatuparan ng TALATANG YON.

Ang totoong malabo ay yung TITLE NG BLOG NYA, bakit IN DEFENSE OF THE CHURCH eh puro atake sa INC ang bawat post niya? Just wondering :)

Ang pagkaka alam ko kasi pag sinabing DEPENSA eh tulad nung ginagawa ko, sinasagot ko yung mga akusasyon, hindi yung bawat post eh PAG ATAKE sa isang relihiyon. Kaya nga dapat baguhin na ang title ng blog nya eh, isang blogger na umaasa lang sa PAGCO-COPY PASTE! nakakahiya ka. Gawa ka naman ng original article mo, huwag ka umasa sa iba, basta pwedeng ikasira ng INC gagamitin, maka copypaste lang. Anong klaseng katamaran yan. to the max.


Sabi pa ni ReadMeINC eh, pagkatapos daw ng kanilang pakikilaban sa "Diablo" na nasa "Internet" na at dumarami pa eh "Diyos"daw ang nagbibigay sa kanila ng kagalingan at katatagan at "PUNDASYONG DI MATITINAG"!

Ibig ba niyang sabihin eh 'YUNG TATAG NA IGLESIA ng PANGINOONG JESUS eh NATINAG, NABUWAG, GUMUHO, TUMALIKOD at NAWALANG-GANAP?

Samantalang ang INC™ na TATAG ni FELIX MANALO noong 1914 ay MAS MATIBAY PA sa IGLESIANG si CRISTO MISMO ang NAGTATAG noong UNANG SIGLO?

Konting SENTIDO KUMON naman mga kababayan!

Paano namang katangap-tanggap ang mga pangungusap na 'yan na palalabasing MAS MATATAG pa ang itinatag ng tao kaysa sa ITINATAG NI CRISTO at ng DIYOS?

Parang MAS naging INUTIL pa ang WALANG SILBI ang ITINATAG ni CRISTO kaysa sa ITINATAG ni FELIX MANALO?

Eh di WOW!

At hallucination pa nitong lunatic eh "MAKABAHAGI TAYO SA WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN SA LANGIT, KASAMA SI KRISTO."

Paano naman sila NAKAKASIGURO na SILA'Y MAKIKIBAHAGI sa WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN sa LANGIT eh kay sa turo pa lang eh ITSA-PWERA na si Cristo?!

Tapos bonus pang MAKAKASAMA nila si "KRISTO"?

Teka nga, BAKIT NAGING "K" ang Kristo at hindi "C"?  Hindi ba't ang pangalan niyo ay "Iglesia ni CRISTO (letter "C" at hindi "K"?

Ang gulo-gulo nga naman ng mga inaralan ng PEKENG SUGO. Palibhasa PURO SAHOD lamang ang inaatupag! Bayad na bayad na Ministro!


Walang kasalanan ang IGLESIA sa pagkakatalikod nito libong taon na ang nakakaraan, ang may kasalanan nito ay ang mga MIYEMBRO at mga opisyal ng simbahan. Kung dati nga ang unang bayan ng Diyos ay natalikod, isa bang nakakapagtakang bagay kung matalikod ang unang Iglesia? Diyos ba ang may kagagawan ng pagtalikod, o ANG TAO? Ang tanong, matatalikod pa ba ang tunay na Iglesia sa mga panahong ito?

HINDI NA. Dahil nasa mga wakas ng lupa na tayo, paghuhukom na lamang ang ating inaantay. 

Walang tinatag na SARILING IGLESIA ang Ka Felix Manalo, kundi instrumento lamang siya sa muling pagbangon nito, para sa ikaliligtas ng mga tao.

Saka sa kaligtasan, hindi isyu ang LETTER K o LETTER C. Sa alpabetong Pilipino walang argumento dyaan, at wala kaming doktrinang ang SPELLING ng Iglesiang kay Kristo ay dapat may LETTER K o dapat  may LETTER C. WALA!

Walang SAHOD ang mga ministro namin, kundi sila ay tumatanggap ng tulong. Puro pagtupad sa tungkulin ang kanilang inaatupag, hindi tulad ng ibang mga pari nyo sa buong mundo, walang inatupag kundi manghalay ng mga inosente, at ikaw walang ibang inatupag kundi magkalat ng lagim sa internet. Pakawala ka ni Satanas, hindi mo ba alam.


Kaya't HINDI KATAKA-TAKA na TALAMAK ang DAYAAN at KATIWALIAN ngayon sa IGLESIA NI MANALO o mas kilala sa pangalang Iglesia Ni Cristo®! 

Pagmamakaawa pa nitong tagong Miinistro eh "Kapatid, huwag kang bibitiw ha?"

Takot na takot silang mawalan ng tao ang kanilang man-made na Iglesia. Natural, kapag kokonti ang kaanib, konti ang abuluyan at konti ang lagak.

Pero taliwas sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!

HINDI PO TAYO NATATAKOT kahit na umabot pa tayo ng SAMPUNG KAANIB! 

Bakit kaniyo? 

Sapagkat SI CRISTO ang NAGTATAG ng IGLESIA KATOLIKA. At kung SIYA ang NAGTATAG eh DAPAT LAMANG na SIYA RIN ang MAG-IINGAT NITO at MAGPAPATAKBO nito!

Kung MATALIKOD, MAWALA, o MAGAPI MAN ITO, kapabayaan ni Cristo! At yan ang katuruan ng mga bayarang Ministro!  NAGPABAYA si Jesus kaya NATALIKOD na GANAP ang kanyang orihinal na tatag na Iglesia at kinakailangan pa niya ng isang FELIX MANALO para maitayo ito hehehe.

Salamangkero ng Biblia nga naman!

Pero SIGURADO po tayo na hinding hindi po MANANAIG ang KADILIMAN sa KANYANG IGLESIA, NOON, NGAYON at KAILANMAN! Pangako po yan ng NAGTATAG-- ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO!

Sabi ni nga ni SAN ATHANASIUS noong ika-4 na siglo eh "Even if Catholics faithful to tradition are reduced to a handful, they are the ones who are the True Church of Jesus Christ."


Ang sinasabi mong "TALAMAK NA DAYAAN AT KATIWALIAN" sa Iglesia ay hanggang ngayoy di pa NAPAPATUNAYAN. Ang mga itoy nasa kategoryang AKUSASYON lamang. Ngunit yung DAYAAN AT KATIWALIAN sa IGLESIA KATOLIKA, PROVEN NA MATAGAL NA at alam yan ng buong mundo, huwag ka magmalinis dahil babalik lahat sa inyo ang mga sinasabi mo :)


Sadyang kailangan palakasin ang pananampalataya ng mga kaanib sa Iglesia dahil yon ang ayon sa bibliya:


"Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan. At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat."
I Tess. 5:12-14

KILALANIN daw ang mga nagpapagal sa Iglesia, ang mga namumuno, tumutukoy ito sa NAMAMAHALA sa Iglesia. PAKAMAHALIN DAW SILA SA PAG IBIG. MAGKAROON DAW ng KAPAYAPAAN SA AMIN. at PALAKASIN ANG MAHIHINANG LOOB, alalayan ang mga MAHIHINA. 

Yan ang ginagawa ko sa panahon ng pagsubok ngayon sa Iglesia. Palakasin ang pananampalataya ng mga kapatid, kaya hindi ito MALI. Ang mali ay yung wala ka namang alam sa mga bagay bagay, at naturingan kang BLOGGER pero puro COPY PASTE ka naman galing sa ibang blog. Kunwari ka pang IN DEFENSE daw iilang piraso lang naman ang artikulo mo na SUMAGOT ka para ipagtanggol mo Iglesia nyo. Isa ka talagang malaking kalokohan.

Ngayon tanong ko sayo, ganyan ka na ba talaga katamad mag blog para umasa ka na lang sa mga ibinabato ni Antonio? Mananatili kabang DUWAG na nagtatago sa likod niya? Puro copypaste walang usapin tungkol sa doktrina? FAITH DEFENDER ka pa sa lagay na yan, yung totoo???

10 comments:

  1. IMBA! AHAHAHA THUMBS UP~ inaabangan ko talaga tong sagot na to ehh ahahaha

    ReplyDelete
  2. Biruin mo lahat ng mga nilalathala nila batay sa tsismis, gaano pa kaya ang aral. Kaawa-awa ang mga taong yan!

    ReplyDelete
  3. Boom panes Ka faith defender ng ksinungalingan at mandaraya. Bkit do m pansinin any relihiyon m n puri ktiwalian at puro ksinungalingan. Mhilig n mhilig Ka s tsismis. Tnx din s yo pang uusig no. Dahil Jan nhahayag and kabobohan no at ipinpkita m lmg n lalo kming tumatag s pananamplaya. MABUHAY ANG IGLESIA NI CRISTO..

    ReplyDelete
  4. Akala siguro ng mga tumutuligsa sa INC ay nakakuha na sila ng baril na gagamitin laban sa atin. Ipinutok agad ng di man lang muna nagsuring mabuti. Palibhasa ay marumi ang kanilang mga puso at masama ang layunin kaya sa mukha nila tuloy sumabog. I PITY THEM.

    ReplyDelete
  5. Ka readme, ito po yong ipinost ko sa blog ni CFD2000:

    http://catholicdefender2000.blogspot.com/2015/05/maingat-na-maingat-na-pananalita-ni.html?showComment=1432342888821

    Para po sa inyong kaalaman, Noon pa ay nakahanda na kami sa kahit na anong pagsubok na aming pagdaraanan. Kahit pa po sabihin na may mga kaanib sa INC na gumagawa ng masama o kahit na po ministro pa siya sa INC (BAGAMAN SA NGAYON AY PURO AKUSASYON PA LAMANG YAN), ay wala kaming ipinagtataka, at di kami nabibigla sapagkat kahit sa panahon ng mga Apostol ay mayroong Judas, may Himeneo at Alejandro, may mga tinuruan ang Panginoong Jesucristo na hindi naman tunay na sumasampalataya sa mga itinuro Niya. NGUNIT HINDI PO DAHIL DOON AY MALI NA O MASAMA NA RIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO, ANG MGA NAMALAGING TAPAT NA APOSTOL AT MGA KAANIB SA MGA ARAL NA ITINURO NI CRISTO SA KANILA.

    HINDI PO KAMI NABABAHALA SA MGA GANYANG MGA AKUSASYON AT PANINIRA SA IGLESIA NI CRISTO. HINDI NA PO BAGONG BAGAY SA AMIN YAN.

    O baka isipin na naman po ninyo na tunay pa rin na iglesia na itinatag ni Cristo ang Iglesia Katolika kahit nagkaroon ng napakaraming mga di matutulan na mga corruption sa hanay ng inyong mga papa at mga pari. Yan po ang inyong malaking blunder. Sorry na po lang sa inyo, dahil sa ang mga kamalian at katiwalian ay hindi lamang sa imoralidad ng inyong mga naging papa at mga pari kundi sa inyong mga itinurong doktrina na labag sa Biblia.

    KAHIT NA ANO PA ANG GAWIN NG SINUMANG KUMAKALABAN SA IGLESIA NI CRISTO KASAMA NA KAYONG MGA CFD AY HINDI NINYO MAPIPIGIL ANG PARAMI NG PARAMI NA MGA DATING KATOLIKO NA NGAYON AY MGA UMAANIB NA SA IGLESIA NI CRISTO. WALA RING TIGIL ANG MGA CONSTRUCTION PROJECTS NG INC SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO NA KANIYANG NILALAGANAPAN.

    ISA LAMANG PO ITO SA MGA KATOTOHANAN NA NAMAMALAGING MATATAG, MALAKAS, AT PATULOY NA NAGTATAGUMPAY AT AANI PA NG NAPAKARAMING TAGUMPAY ANG IGLESIA NI CRISTO KAHIT SINO PA ANG ILAGAY NG DIYOS NA MAMAHALA DITO AT SA NGAYON AY ANG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.

    Kung mapatunayan naman na totoo ang mga ipinaparatang na yan sa kaninuman pagkatapos ng patas na pagsusuri, Subok na subok na namin ang pagiging mabuting lider ng Pamamahala sa INC, Hindi kukunsintihin yan kundi tiyak na tiyak namin na lalapatan ng kaukulang disiplina at aksiyon, sinuman sila.

    TANONG KO LANG PO NA SANA AY SAGUTIN DIN NINYO:

    SA INYO PO BA AY NILALAPATAN NG TAMANG DISIPLINA O KAPARUSAHAN ANG SINUMANG KAANIB NIYO NA GUMAGAWA NG KATIWALIAN O KASAMAAN?

    ITINITIWALAG PO BA SILA SA INYO?

    Kung gusto po ninyo ng usapan ukol sa katiwalian o kasamaan ng mga kaanib at mga lider ng relihiyon ng INC o ng Iglesia Katolika, CALL PO AKO RIYAN.

    ReplyDelete
  6. Ka Readme, puwede po ba na i-post sa blog ninyo itong isa pa sa ipinost ko sa blog ni CFD2000 para sagutin ang kanyang mga maling pagkaunawa tungkol sa INC dahil di pa rin niya ipino-post maging ang iba ko pang comment. Ayaw ko pong bigyan agad ng conclusion na sadya niyang itinatago sa mga mambabasa dahil sa nalalantad na naman ang mga maling-mali at masamang paratang na ipinupukol niya sa INC.

    http://catholicdefender2000.blogspot.com/2015/05/maingat-na-maingat-na-pananalita-ni.html?showComment=1432342888821

    Ganito po ang nilalaman ng sagot ko sa kaniya:

    ReplyDelete
  7. karugtong:

    Binanggit po ninyo yong itiniwalag dahil sa nag-repost ng akusasyon ni Antonio Ebanghelista. May pagka- malilimutin na po yata kayo. Kayo pa nga po ang nagbigay sa akin ng link tungkol sa sinasabi ninyong LATAE SENTENIAE

    Ipaaalala ko lang ang isang bahagi nito na ganito ang sinasabi:

    Excommunications[edit]

    Unless the excusing circumstances outlined in canons 1321-1330[5] exist, the Code of Canon Law imposes latae sententiae excommunication on the following:
    • an apostate from the faith, a heretic, or a schismatic;…

    Kailangan pa po ba na i-clarify ko sa inyo ang isyung yan o naliliwanagan na rin po kayo.

    Request lang po, Puwede po ba na huwag tayong magpaiba-iba ng issue na pinag-uusapan para po maging magaan ang pag-unawa at pagtimbang ng lahat sa ating tinatalakay na issue.

    Mayroon pong mga napakahalagang bagay na dapat kayong sagutin ngunit di ko alam kung sinasadya ninyong huwag sagutin o nao-overlook ninyo lang sa pagsagot. Gaya po nito:

    Tinatanong ko lang po kayo kung wala kayong alam na itiniwalag si Cristo ngunit di po ninyo sinagot. Wala po ba kayong alam o mayroon kayong alam?

    Di po kami tutol na ang mga nagkakasala ay bigyan ng pagkakataon na magbagong-buhay. Ipinatutupad po yan sa INC. Mababasa po ninyo yan sa lektura na ipinost ni AE. Kahit po si AE at ang iba pa na gumawa ng kasamaan ay binibigyan ng pagkakataon na magbago at makapagbalik-loob sa Panginoong Diyos. Ganyan po ang nasasaksihan ko at napatutunayan na pagtrato sa mga nagkakasala.

    Pero kung ayaw magbago sa kabila ng mga pagtuturo, pagsaway, babala, at iba pang pagkakataon upang huwag siya mapahamak, Buong giting po na tinutupad sa INC ang bilin ng mga Apostol. “itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo.”

    Kayo, ano po ang paliwanag ninyo sa sinabi ni Apostol Pablo na, “itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo”?

    Ipinagmamalaki pa nga ninyo ang sinabi ni Athanasius na,

    "Even if Catholics faithful to tradition are reduced to a handful, they are the ones who are the True Church of Jesus Christ."

    So di po kayo natatakot na ma-REDUCED ang bilang ninyo sa “handful” na lang kung sila na lang ang nanatiling tapat sa inyong Catholic traditions. Pero di po ganyan ang nagiging paninindigan ng simbahan ninyo ngayon. PAG-ISIPAN DIN PO NINYO ANG UKOL DITO.

    Binanggit ninyo rin po ang ukol sa ipino-promote ninyo na diumano ay “RAPIST” si Ka Felix Manalo. Gusto ko lang pong malaman kung mayroon sinuman sa inyo ang may kakayahan na patunayan sa isang neutral ground ang ukol sa napakasamang paratang na yan. Mayroon po ba o wala?

    ReplyDelete
  8. Sumasawsaw na naman ang mga CFD at mga Kampon ni Franklin Enriquez....

    Wala nga kayong maibuga laban sa isang Imam,sa aming mga ordinaryong mga kaanib lang.

    ReplyDelete
  9. Hahaha wala talaga magawa mga inggit sa IGLESIA NI CRISTO gawin niyo na gusto niyo epal lumago na FAITH LOVE AND HOPE nmn mga GG kung gusto niyo gayahin niyo kami para mainggit nmn sila sa inyo puro nlng sa INC Kami lage bida .. haha

    ReplyDelete
  10. Si CFD2000 at Franklin Enriquez ay pareho ang takbo ng utak....Paurong.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.