"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 4, 2015

"Sapat" na ba ang paniniwala na may Diyos, pananalangin, pagbabasa ng bibliya at paggawa ng mabuti para maligtas?

Ito ang napakagandang tanong na nangangailangan ng kasagutan upang malaman natin ang katotohanan. 

Marami kasi sa atin ay "kuntento" na sa paniniwala nila na maliligtas sila dahil silay naniniwala na may Diyos, nananalangin sa kaniya, nagbabasa ng bibliya at gumagawa ng mabuti. Ang saktong mga tanong naman natin sa mga maraming taong ganito mag isip ay...

SAPAT NA BA YON?

TALAGA?

PAANO MO NASABI?

ANONG TALATA SA BIBLIYA NAMAN?

MERON BA? SURE KA?

At kung naniniwala ka na may DIYOS, tanong, TUNAY BA ANG DIYOS NA KINIKILALA MO?

Kung nananalangin ka, direkta ka ba sa AMA tumatawag?

Kung nagbabasa ka ng bibliya, TAMA NAMAN BA ANG UNAWA MO DITO?

Kung gumagawa ka ng mabuti, BUKAL BA SA LOOB MO ANG PAGGAWA NG MABUTI?

Ganoon na ba kadali makamtan ang KALIGTASAN? Tingin po ninyo? Yung tipong sasampalataya ka lang maliligtas ka na. Kung ganyan lang kadali pala makamtan yon bakit pa nagkaroon ng libo libong mga relihiyon sa buong mundo? Bakit kailangan pa magtalo talo ng mga relihiyon na ito at bakit iba iba ang ating mga paniniwala?

Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang humingi ng tulong sa Ama, kahit wala ng review review para makapasa sa exam. Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang pangangako mo sa iba kahit hindi mo naman ginagawa. Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang pagsasabi mo ng mahal mo ang isang tao kahit hindi mo naman pinapakita sa kaniya.

AT PARA MO NA RIN SINABING NAPAKASIMPLE LANG MAKAMIT ANG KALIGTASAN.



Paniniwala na may Diyos + pananalangin + pagbabasa ng bibliya + paggawa ng mabuti = KALIGTASAN???

Ang tanong ngayon, sapat na ba ang pagkilala na may Diyos, pananalangin, pagbabasa ng bibliya at paggawa ng mabuti para maligtas?

HINDI PO! Kailangan natin itong gawin, oo importante rin ang mga bagay na ito, ngunit hindi ito "SAPAT" para makamtan natin ang inaasam ng lahat na kaligtasan.


Paano makakamit ang kaligtasan?

Ganito ang sabi ni Kristo:


"Ako ang pinto. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas...." Juan 10:9

"Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko." Juan 14:6

Si Kristo ang PINTO, ang sinumang PUMASOK sa pamamagitan niya ay MALILIGTAS. At WALANG MAKAKAPUNTA SA AMA kundi sa PAMAMAGITAN NIYA, wala ng iba pang dapat daanan ang tao kundi siya lang. 

Ngunit alam naman natin na hindi LITERAL na dadaanan natin si Jesus.

Ano ba ang ibig sabihin ng "pagdaan" o "pagpasok" kay Kristo? 


"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya." Mateo 16:18

Si Kristo, noong unang siglo, ay may itinayong IGLESIA. At itong IGLESIA na ito ay ang kaniyang katawan, si Kristo bilang ulo at ang TAGAPAGLIGTAS nito:

"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito." Efeso 5:23

Kaya kailangan natin "pumasok" sa Iglesiang itinatag ni Kristo upang maligtas, dahil siya ang tagapagligtas nito. Ano ba ang "Iglesiang" tinutukoy na itinatag ni Kristo? 

Ang Iglesiang nasa bibliya!

Ano po ba ang Iglesiang nasa bibliya?

Basahin po natin, sa Roma 16:16

"Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo." Magandang Balita Biblia

NAG IISA lang po ang Iglesiang itinatag ni Kristo, walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO. At ito po ang dapat nating aniban.


At kung halimbawa naman, nakapasok ka na sa Iglesia o naging miyembro ka na ng Iglesia ni Cristo, doon na ba matatapos yon, otomatiko bang LIGTAS KA NA AGAD?

HINDI! Isa lamang ang pagiging miyembro ng Iglesia sa mga hakbang tungo sa KALIGTASAN.

Ano pa ang dapat gawin?

"Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.Juan 4:23

Napaka importante ng PAGSAMBA SA DIYOS kaya huwag na huwag natin itong kaliligtaan sapagkat ang Diyos kailanman ay hindi tayo pinabayaan. Kaya bilang kanyang mga NILALANG, obligasyon natin na sambahin ang dakilang lumikha ng lahat ng bagay.

Kung umanib ka na sa tunay na Iglesia at hindi mo pinapabayaan ang mga pagsamba, ano pa ang dapat gawin?


"Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka; linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan." Ecc. 38:10

Importante rin na MAGSISI tayo sa ating mga nagagawang mga kasalanan at importante na tayo ay MAGBAGONG BUHAY. Kung puro tayo pagsisisi sa kasalanan, wala namang pagbabagong buhay, walang kabuluhan lamang iyon. 

Kaya ganyan po ang sabi sa talata, at sabi pa LINISIN NATIN ANG ATING PUSO sa lahat ng bahid ng kasalanan, kaya hanggat maaari kahit nasa sanlibutan pa tayo kung saan nandito lahat ng tukso, kailangan natin IWASAN ang mga pagkakasala.

Ngunit doon na ba iyon natatapos?

Hindi pa po. Ano pa ang dapat nating gawin?


"Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, "Nakikilala ko siya," ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya." I Juan 2: 3-5

Kailangan nating SUNDIN ang kaniyang mga utos, LAHAT ng kaniyang utos, hindi yung namimili lang ng gustong sundin. Sabi sa talata ANG TUMUTUPAD SA SALITA NG DIYOS ay UMIIBIG nang WAGAS sa DIYOS. 

At ang pinakahuli, ay ito:


"Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas." Mateo 24:13

Ang MANANATILING TAPAT sa pagsunod sa Diyos, ANG SIYANG MALILIGTAS.

Yan po ang mga BAGAY NA DAPAT nating gawin upang matamo ang KALIGTASAN. Huwag po tayong gumawa ng sarili nating "pamantayan" tungo sa kaligtasan, ang sundin natin ay ang KALOOBAN NG DIYOS ito man ay LABAG sa ating pansariling kalooban. Dahil ang KALIGTASAN ay matatamo sa PAMAMAGITAN ng BUONG PUSONG PAGSUNOD.


Pag-anib sa tunay na Iglesia + Pagdalo ng mga pagsamba + Pagsisisi sa mga kasalanan + Pagbabagong buhay + Pagsunod sa mga utos ng Diyos + Manatiling tapat hanggang wakas 
= KALIGTASAN

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.