"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

April 27, 2015

Nagrerekomenda ba ang INC ng mga tao para sa posisyon sa gobyerno?

Sa totoo lang hindi ako ang tamang tao na dapat sumagot sa tanong na ito, dahil hindi naman ganun karami ang aking nalalaman pagdating sa mga bagay na yan lalo na sa pulitika. Pero dahil miyembro ako ng INC, importante na kahit kaunti ay meron akong alam, kaunting mga detalye ngunit importante.

Paulit ulit ko na ring natalakay ang bagay na ito sa iba iba kong artikulo sa blog na ito. Ang nakakalungkot lang kasi ay marami ang mga taong hindi MAKAUNAWA ng bagay na ito, lalo sa simpleng dahilan na hindi naman kasi sila miyembro.

Kumbaga sa mga college courses, hindi natin maiintindihan ang mga terminolohiya na ginagamit sa HRM, sa nursing, sa architechture, sa engineering etc lalo na kung malayo naman ang kurso natin sa mga nabanggit. Kung ikaw ay isang engineer at ako ay HRM grad, kapag sinabi ko bang "Mag mise en place ka na" maiintindihan mo ba yun? Kung nursing ka at sinabi ko sayong "gusto mo ba ng Hors d'oeuvre" ano kaya ang isasagot mo?

Ano ba yung punto ko?

Ang punto ko, kung sino pa yung mga taong walang alam at di nakakaintindi yun pa yung madalas magsalita ng kung ano ano. Mali ba? Relate ang marami dyan. Kunwari pa.

Pero totoo po yan. Lalo na sa usapin ng "pulitika at relihiyon".

Hindi kailanman MA-GETS ng mga di kaanib ang pagrerekomenda ng INC sa mga posisyon sa gobyerno. Medyo naiintindihan ko naman sila kasi nga wala naman silang tunay na nalalaman sa INC kundi ang alam lang nila ay ang mga paninira sa Iglesia.

Sige puntahan na natin yang tanong sa itaas. OO o HINDI, nagrerekomenda nga ba ang INC?

OPO. As far as i know totoo po. Tulad ng palagi kong sinasabi, sa INC po kasi may tulungan at pagkakaisa. Kung meron mang mga INC member na gustong pumasok sa gobyerno ay pwede silang irekomenda ng INC. Kung di rin po ninyo alam, hindi lang sa gobyerno kundi pati sa mga private companies ay nagrerekomenda ang INC ng mga miyembro nito upang makakuha ng trabaho kung kinakailangan.

Tulad sa SM malls at Hizon laboratories inc, preferred nila ang INC members kaya pag may kapatid na gustong makapagtrabaho dito ay humihingi sila ng patotoo sa lokal at ang central na ang magrerecommend sa kanila. At patungkol naman sa gobyerno, maaaring ganito rin ang proseso ngunit ang sigurado ako, hindi basta basta ang pagrerekomenda dahil magulo ang pulitika, mahirap na baka madamay na naman ang pangalan ng Iglesia.

Tulad na lamang ng nasa balita, may katotohanan man o wala:

"Sen. Franklin Drilon, who serves as Team PNoy campaign manager, made the disclosure in light of reports that President Benigno Aquino 3rd had recently bypassed at least three recommendations of the Iglesia ni Cristo to three appointive posts namely: Office of the Ombudsman, Bureau of Corrections and Court of Tax Appeals." source: manilatimes.net

May ibinibigay na LIST OF RECOMMENDATIONS ang INC at ang Pangulo na o kung sino man ang nasa authority ang bahala kung ikukunsidera ba nila ang RECOMMENDATION na iyon.

Simpleng recommendation ba, para naman tayong grade 1 neto, pano ba yung recommedation sa trabaho? Sa mga may trabaho po diyan alam niyo na yan...

Pero sige para sa iba, ano bang ibig sabihin ng recommend?

: to say that (someone or something) is good and deserves to be chosen
: to suggest that someone do (something)
: to make (something or someone) seem attractive or good
source: merriam-webster.com

Ang recommend, ayon na rin sa dictionary ay TO SUGGEST, suggestion lang naman eh bakit naging masama? Masama na ba magrecommend? Pag nagrecommend ba ang isang relihiyon ibig sabihin nakikisawsaw na ito sa pulitika? Paki explain kung paano nangyari yun???

Ang alam kong nasa isip ng mga tao kaya naging masama ang isip nila kapag nababanggit sa balita na NAGRECOMMEND ang INC sa gobyerno ay dahil sa pag iisip na may SAPILITANG nagaganap. Yun bang "pag hindi mo sinunod recommendation namin hindi ka namin iboboto sa susunod na eleksyon" yung tipong ganyan.

Eh kung ganyan lang hindi na "recommend" ang tawag dyan kundi "black mail".

At kung ganyan ang kalaran sa pagitan ng mga pulitiko at INC, please paki labas ang ebidensya, dapat ay manggagaling mismo sa mga pulitiko na sinuportahan ng Iglesia ha. Kung wala, isa lang ibig sabihin niyan, MALING MALI ang iniisip natin sa INC dahil walang katotohanan yon at pawang paninira lamang.

Eto oh, latest news, ayon na rin kay Osmena:

“Ah, malakas ang influence ng Iglesia. Di ko naman sinasabing mali ang ginagawa nila. Siyempre kung mayroon naman silang irerekomenda, there’s nothing wrong with that. But to give in and to call it a political pressure ay hindi tama, so kasalanan ng Palasyo yun. Bakit sila nag-give in?”
 
WALA NAMAN PO TALAGANG MASAMA na magrekomenda ng tao, kahit anong relihiyon, organisasyon, at personalidad pwedeng pwede magrekomenda at wala itong NALALABAG NA BATAS. Nasa Pangulo na iyon o sa may otoridad kung yung suggestion ba eh tatanggapin o hindi. Wala ring PAMIMILIT na ginagawa, ang pressure nasa Pangulo na kung ang iisipin man niya eh kunwari "naku baka hindi nako iboto nila pag hindi ko sinunod rekomendasyon nila etc...". Desisyon na nila yon at wala ng kinalaman ang INC kung sundin man ang rekomendasyon o hindi.

Kunwari ako ay nagtatrabaho sa isang kilalang kompanya at mataas ang posisyon, nirekomenda ko si Pedro sa mas nakakataas sakin na kaibigan ko rin naman, na maging supervisor siya o kung anu man. Nandun na sa kaibigan ko na may mataas na posisyon kung yung nirekomenda ko ba sa kaniya eh susundin niya o mag iisip ba siya na "naku baka magalit sakin  yun pag hindi ko sinunod rekomendasyon niya".

Medyo nakukuha niyo po ba punto ko?

At ang madalas na nangyayari porke may nirekomenda ang INC, sasabihin POLITICAL PRESSURE. Ganito na ba talaga mag isip ang mga tao ngayon? Laging binibigyan ng IBANG KAHULUGAN ang mga simpleng bagay?

Tulad na lang nung GRAND EVANGELICAL MISSION ng INC noong 2012, ang sabi ng marami SUPORTA DAW KAY CORONA. Natapos ang event, pahiya ang mga tao pati taga media. Sadyang LAGI nilang nilalagyan ng ibang kulay ang mga bagay bagay, basta NABANGGIT ang Iglesia ni Cristo sa pulitika yan agad ang ISIP.

Ngunit sa pagkakaalam ko rin, hindi naman lahat ng nirerekomenda ng INC ay puro mga INC member. Tulad ng isa sa mga konsiderasyon sa pagsuporta ng mga pulitiko tuwing eleksyon, ay ang mga pulitiko na kakampi ng Iglesia o mga pulitiko na hindi kakalabanin ang Iglesia. 

Sasabihin ng iba, ano yan susuportahan ang mga pulitiko kung kanino lang sila mag-bebenefit.

Totoo rin yan, tanong ko, meron bang ni isang botante sa Pilipinas ang bumoboto ng mga kandidatong wala naman sila mapapala? Yun bang kahit sino na lang makaboto lang???

Kung meron man, yan yung mga Pilipinong walang pakialam sa bansa natin. Pero yung may mga pakialam sa pag unlad ng bansa natin, ekonomiya at komunidad, binoboto nila yung mga alam nilang meron silang mapapala, yung magkakaroon sila ng benefit. Kaya ka nga nagtitiis bumoto para dun diba, wala ng iba.

Kaya hindi rin po masama yon. At bakit ka naman boboto ng pulitikong KAKALABANIN ka? Yung uusigin ka? Yan ang mga konsiderasyon sa pagpili ng susuportahan ng INC. Ganun din sa mga nirerekomenda nito sa mga posisyon sa gobyerno na hindi miyembro ng Iglesia. As simple as that, madali namang maintindihan kung tutuusin at kung lalawakan natin ang ating isip, hindi naman talaga ito MASAMANG BAGAY. Nasa sa nag iisip lang talaga ito.

Kaya kung meron man kayong mababalitaan kung saan idinadawit ang IGLESIA sa mga PAGLOBBY diumano o mga recommendation na yan, please lang huwag muna tayo agad maniwala dahil karamihan sa mga nagsasabi nyan eh guni guni lang nila. Porke may naglobby iniisip agad nila ang INC. Tapos sa bandang huli mapapahiya lang din sila uli dahil hindi pala totoong sangkot ang INC dito.

Fact: Hindi lahat ng INC member na nagtatrabaho sa gobyerno, mataas man o mababa ang katungkulan ay may rekomendasyon ng central. Ang karamihan ay bunga ng sariling pagsisikap, at ang iba naman ay preferred ang serbisyo ng mga kapatid sa Iglesia.

 "Ito ay sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang pag-iisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, ang pakikiapid, mga pagnanakaw, mga walang katotohanang pagsaksi at mga pamumusong. Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa isang tao..." Mateo 15:19-20

sa
“Ah, malakas ang influence ng Iglesia. Di ko naman sinasabing mali ang ginagawa nila. Siyempre kung mayroon naman silang irerekomenda, there’s nothing wrong with that. But to give in and to call it a political pressure ay hindi tama, so kasalanan ng Palasyo yun. Bakit sila nag-give in?”

source: gmanetwork.com

More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/476794/news/nation/iglesia-ni-cristo-has-sway-in-government-agencies-osmena-admits  

More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/476794/news/nation/iglesia-ni-cristo-has-sway-in-government-agencies-osm

3 comments:

  1. Laging MAY ADDITIONAL INFO kasi yung mga ulat nila.. mapataas lang yung feed ng issue... syempre pabor sa media yun... mas magulo, mas maraming manonood.

    talagang gawain ng Media ang manggulo... kahit sa mga movies naman...
    ONLY FEW llang yung nagbabalita ng tapat at walang dagdag na HAKAHAKA

    ReplyDelete
  2. WOW! andito ka rin pala Ka Ceb.. hahaha.. Anywayz, very nice Ka James.. tamang-tama ang paliwanag mo. No More, No Less... Gamit ang sentido-kumon ay madaling unawain iyan lalo na ng mga may malilinis na pag-iisip at iyong walang pinapanigan na anumang bahagi.. Ika nga eh NEUTRAL.. :)

    ReplyDelete
  3. Parang issue sa Aduana yan.
    INC lang ang Intel chief,nagngangangawngaw na ang mga BUWAYA at BUWITRE sa loob ng Customs.
    Kasi naman,basta INC,malinis magtrabaho.Di tulad ng iba diyan,matapalan lang ng Escoda,wala na.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.