Magandang araw po sa lahat ng kapatid sa Iglesia ni Cristo!
Ito pong mensahe na ito ay para sa ating mga miyembro ng Iglesia. Maaaring nabalitaan na ng ilan o nabasa na sa internet ang mga kwento kwento tungkol sa pamamahala.
Wala po akong ikukwento at hindi po ako magbibigay ng opinyon sa bagay na ito.
Ang masasabi ko lang po na dapat natin gawin sa panahon na ito na maaari kong sabihin na "panahon ng pagsubok sa Iglesia" ay ito:
1. Magpanata po tayo sa Diyos na sanay mapagtagumpayan ang malaking pagsubok na ito.
2. Humingi pa tayo sa Diyos ng matibay na pananampalataya. Pananampalatayang di kayang tibagin ng kahit sino at kahit gaano pa kalaking pagsubok.
3. Pinakamabuting huwag muna tayo maniwala, magbigay ng pansariling opinyon at magkalat ng mga kwento lalo na kung itoy hindi pa kumpirmado.
4. Iwasan po natin ang pagkakampi kampi dahil ito poy magdudulot ng pagkakabaha bahagi sa Iglesia.
5. I expect na po natin ang lalong pagdami ng mga nagsusulputang kumakaaway sa Iglesia na lalo pang magpapalala upang siraan ito upang tayoy ilayo sa tunay na paglilingkod. Wala silang alam kaya malamang ay kung ano ano nalamang ang kanilang sasabihin.
Yan lamang po ang mga nais kong ipabatid. Meron lamang po kasi akong mga nabasang kwento sa internet na maaaring kasinungalingan pero pwede rin namang isang katotohanan. Walang makakapagsabi. Pinakamaigi po na manahimik na lang po tayo ukol sa bagay na ito, dahil tulad ko, wala rin po akong alam. Pananahimik hindi para magbulag bulagan at maging pipi, kundi gawin ang matalinong pananahimik, less talk, less mistake ika nga. Kung wala naman tayong alam sa mga pangyayari, hindi naman na po natin kailangan pang magsalita.
At huwag na rin po siguro natin pag usapan pa ang tungkol dito dahil kahit pa pag usapan natin ng paulit ulit, kahit sampung beses pa, wala naman itong maitutulong sa problema. Baka lalo pa nga na magbunga ng pagdududa at pagkatisod (huwag naman sana).
Ipagpasa-Diyos nalang po natin ang lahat, ibig sabihin, ibibigay natin ang ating buong tiwala sa kaniya, siya na ang bahalang kikilos upang masolusyunan ang problema.
Isipin niyo na lang sa isang pamilyang masaya, dumadaan din sa pagsubok dahil tao lang naman tayo, nagkakamali. Ngunit dadaan ang araw muling manunumbalik ang saya pagkatapos ng kalungkutan, sapagkat nandyan lang ang Diyos nakabantay satin. Handang tumulong anuman ang masagupa nating problema.
Kaya huwag po tayong panghihinaan mg loob, at huwag tayo mag isip kung ano ano na kesyo bakit ito nangyayari sa Iglesia ibig sabihin hindi ito tunay etc...
Wala pong ganung ibig sabihin. Lahat po ng relihiyon sa mundo dumadaan sa mga pagsubok, kaya tibayan po natin ang ating loob. Manindigan po tayo sa mga aral na ating tinanggap, sa mga katotohanan sa bibliya at sa pananampalatayang ito ang tunay na Iglesia wala ng iba.
Ang Iglesia po perpekto, pero tayong mga miyembro, anuman ang katungkulan, mataas mam o mababa ay nagkakagawa pa rin ng mga pagkakamali at mga kasalanan. Wala pong perpektong tao pwera sa ating Panginoong Hesukristo na ginawa ng buong puso ang kalooban ng Diyos.
Ang ating kaligtasan ay nakasalalay walang iba kundi sa ating SARILI, hindi sa nanay, tatay, kapitbahay o sa ibang tao. Kaya kung narito tayo ngayon sa panahon ng pagsubok, bigla kang bumitiw o nanlamig, eh kung biglang naghukom? Maliligtas ka ba?
Paano kung sinusubukan lang pala tayo ng Diyos kung sino sino ang mga MANANATILING TAPAT sa kaniya anuman ang dumating na problema?
Naka isang daang taon na ang Iglesia, marami ng dumaan na matitinding pagsubok, simula pa ng panahon ng Sugo at pagkatapos nga ay ang maraming mga pagtatagumpay. Alam niyo yan. Ngayon pa ba tayo bibitiw?
#Akoymatibaynaiglesianicristo
#mananatilihanggangwakas
"Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya."
Santiago 1:12
salamat po sa paalala..
ReplyDelete:)
ReplyDelete