"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

March 3, 2014

Masama ba ang pagkain ng balot?

Hindi ko na dapat sasagutin ang ganitong uri ng tanong na si Mr. Soriano at ang kaniyang mga miyembro lamang niya ang nakaisip. Masyado kasing mababaw at sa tingin ko hindi na kailangan pang pagtuunan ng pansin, pero dahil hanggang ngayon eh paniwalang paniwala sila sa argumentong ito, kaya naisip kong sagutin na rin. 

Atake nila sa Iglesia ni Cristo, kung ipinagbabawal daw ang pagkain sa amin ng DUGO, hindi daw ba dapat eh bawal din ang pagkain ng balot?

Kasi daw yung nasa loob non na ITIK ay may dugo, kaya kung kumakain kami ng BALOT eh di nakakakain din kami ng DUGO.

Tanong, masama ba samin ang pagkain ng BALOT?

HINDI! Dahil ang ipinagbabawal sa mga TUNAY na Kristyano ay ang pagkain o pag inom ng DUGO at hindi ang pagkain ng itlog o balot. Wala tayong mababasa sa bibliya na BAWAL kumain ng itlog o balot. Pero ang pagkain o pag inom ng DUGO marami tayong mababasa.

Balikan natin ang mga talatang ito sa bibliya:

"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman." Deut. 12:23

Ang DUGO daw ay siyang BUHAY kaya wag itong kakainin lalo na ng may kasamang laman, tulad ito ng dinuguan na may halong karne/lamang loob ng baboy, di ba? Yan po ang dahilan kung bakit BAWAL sa amin ang pagkain nyan.

Eto pa:


"Huwag na huwag ninyong kakainin ang dugo, sa halip ay patuluin ito sa lupa." Deut. 12: 24

Yan maliwanag sa bibliya hindi lang basta HUWAG kundi HUWAG NA HUWAG daw kakain ng DUGO, sa halip patuluin daw ito sa lupa. 

Eh yung sa balot, NAPAPATULO BA SA LUPA ANG DUGO NITO???

Itlog nga eh, may shell, pano mo maipapatulo sa lupa ang dugo non???

Ang sabi pa nila, yung itik daw sa loob non may blood vessels, kaya kahit paano may dugo pa din sa loob. Kaya pag kumain daw kami ng balot nakakain kami ng dugo.

Alam niyo, kahit yung mga hayop na pinatulo na ang dugo sa lupa ay hindi naman 100% mawawala na ang dugo non, meron at merong matitira. Wala ring mababasa sa bibliya na pag pinatulo ang dugo siguraduhin na kahit 1% ay wala na talaga saka lang pwede kainin. Ang sinabi ay malinaw, PATULUIN ANG DUGO SA LUPA at huwag kainin dahil sumisimbulo ito ng BUHAY. 

Sabi pa sa bibliya:

"At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa." Lev. 17:13

Ang ITLOG ba ay HINUHULI para makain?

Nakakagulantang naman yon kung kasama ang ITLOG o BALOT sa mga hina-haunting ng mga mangangaso. May paa lang? May pakpak? Gumugulong mag-isa? O baka lumulutang???

At ang pinakaimportante sa lahat, baka hindi niyo alam, ang BALOT PO AY HINDI HAYOP.

Egg pa nga lang eh, pag yon lumabas sa kanyang shell dun yon matatawag na HAYOP, at pag yon naging HAYOP na dun papasok yung PAGBABAWAL na kapag ikaw ay huhuli ng hayop para kainin eh dapat munang patuluin ang dugo nito sa lupa at saka tabunan.

Opo, baka matawa kayo pero nakakatawa talaga yung argumento nilang yan, pati ba naman yung BALOT ginagawan ng isyu masabi lang na LUMALABAG daw kami sa sarili naming aral???

Sige, ito ang deal, kung sino man sa mga ADD ang makakapagpatulo ng dugo ng BALOT sa lupa at makakapag-haunt ng BALOT sa gubat o sa kahit saan man (patunayan nyo ring gumagalaw mag isa yon, maaaring maglakad, lumipad, gumulong mag isa o lumutang, send nyo ang picture sa email ko readme63@yahoo.com) pag ito nagawa nila, saka ako maniniwala na BAWAL talaga ang pagkain ng BALOT.

39 comments:

  1. Eto pa po
    Dapat na unawaing mabuti ang utos na nakasulat sa Lev. 17:12-13;
    "Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo. 13At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa."

    Natitiyak natin na ang balot ay hindi kasama sa ipinagbabawal ng Diyos na kainin sapagkat ito ay itlog pa lamang at hindi ibon o hayop na hinuhuli.
    Isa pa, ang balot ay itlog ng itik at ang itlog ay mabuting kaloob batay sa Luk. 11:12-13.

    ReplyDelete
  2. Akala ko nga bawal kumain ng balot.Pero salamat sa isang kapatid na nagsabing hindi naman bawal....So,paano ba iyan.

    ReplyDelete
  3. thank you po Ka Readme sa blog article mo na 2. dahil d2 alam ko na kung anong isasagot ko sa mga nagtatanong sa akin kung bawal ba sa mga kaanib sa iglesia ni Cristo ang pgkain ng balot :) thank you so much po

    ReplyDelete
  4. seriously iisa lang ang bibliya dapat walng arguments. tao nga naman

    ReplyDelete
  5. Mahina argumento ng sumagot. Prep lang siguro. Ang balot ay may BLOOD VESSELS....DALUYAN NG DUGO....PAG KUMAIN KA NG BALOT...KUMAKAIN KA NG DUGO...IRRELEVANT KUNG HINUHULI PA O HINDI, PAPATULUIN ETC....LUMANG TIPAN BATAYAN MO SA TUNTUNIN NOON...sa bagong tipan dugo mismo bawal kainin ...di pa raw lumalabas ang sisiw sa shell kaya di pa hayop...
    (ang balot ay may pula at sisiw sa loob) eh di ang fetus pag nasa sinapupunan pa lang ng ina hindi pa tao???? Bkt pa sinabing nagdadalang tao? Napakahina ng sumagot...patunayan mo na walang BLOOD VESSELS ANG BALOT...AT DI KAYANG PATUNAYAN YAN NG INC YAN..MAY DUGO ANG BALOT...KUMAKAIN SILA NG DUGO...KAKATAWA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saturnino francisco,

      Ang pinakamahina pong argumento at walang ka kwenta kwenta ay ang paggawa ng isyu na BAWAL ang pagkain ng BALOT na sa buong mundo si Mr. Soriano lang ang nakaisip, at ang kaniyang mga tagapalakpak na myembro naman ay paniwalang paniwala sa napaka pambatang ideya nya. Tulad ng sabi mo, Pang PREP :)

      Dun lang po tayo kasi sa BIBLIYA bumase at hindi sa karunungan ng tao. WALA PO ni isang verse sa bibliya na nagbabawal ng PAGKAIN NG BALOT O ITLOG. WALA.

      Pangalawa, ang IPINAGBABAWAL po sa BIBLIYA ay ang PAGKAIN NG DUGO, at mga pagkaing hinaluan ng DUGO at hindi BALOT.

      Pangatlo, ang ibig mo bang sabihin dito "Ang balot ay may BLOOD VESSELS....DALUYAN NG DUGO....PAG KUMAIN KA NG BALOT...KUMAKAIN KA NG DUGO." ANG MGA HAYOP BA BAWAL KAININ? Baboy, manok, baka, kambing, etc BAWAL? ang pagkakaalam ko kasi meron din silang daluyan ng dugo at may dugo, kaya nga sila buhay. Kung ganyan ang argumento mo, sinong parang PREP sating dalawa? :)

      At please, wag nyo naman po ikumpara ang ITLOG sa TAO, kasi ang layo eh, parang luzon at mindanao. Ang nasa tyan ng buntis na aso ay ASO, ganun din ang sa PUSA, at ganun din sa TAO. Pero ang mga HAYOP na NANGINGITLOG tulad ng MANOK, habang hindi pa fully develop at nakakalabas sa SHELL ang anak nila, hindi pa HAYOP yon. ITLOG PA NGA LANG EH.

      Pero syempre di po kayo maniniwala pa rin kasi bilib kayo sa lider nyo na tingin sa sarili ay DIYOS, ALL-KNOWING. maraming salamat po sa inyong komento :)

      Delete
    2. Well-said KRead. Ayoko na pong dagdagan at baka kung ano pa po ang masabi ko sa isang PREP na nagdudunung-dunungan.

      Actually, ang gayong mga tao ay hindi nagsusuri upang makaalam ng katotohanan. Ang taning layunin nila ay ang mapanindigan na lamang ang kanilang makalupang kaalaman...na sa Bibliya ay isang kamangmangan sa paningin ng ating Panginoong Diyos.

      Tunay nga ang wika ng Bibliya...dapat silang kaawaan.

      ~~ Bee

      Delete
    3. Simpleng bagay bawal kumain ng dugo ng hayop, ang balot hindi hayop kundi itlog pa lang... sa bibliya sinasabi walang taong di nagkasala, ibig mo bang sabihin kasama na doon yung "FETUS"??? Paano yung "FETUS" na namatay??may kasalanan na rin ba sila kasi sabi mo tao na yun?! Malinaw na hindi kasama ang "FETUS" na binabanggit sa bibliya na lahat ng "TAO" nanagkasala...

      Delete
    4. ah bale ibig svhn un sisiw n inaantay nlng mbiyak ang shell mgkakaron ng dugo pg labas nya?anu hbng hugis sisiw n xa wla p xa dugo nun kht hugis sisiw n xa,hndi p b on processing n un inaantay nlng mapisak un shell

      Delete
    5. Ang sabi sa biblia, ibuhos ang dugo sa lupa... hwag kakanin ang dugo... paano mo ibubuhos ang dugo ng balot???... sabi naman ni tangang saturnino francisco, may dugo raw yung balot kasi may blood vessel... sa palagay mo ba wala ring blood vessel ang itlog???... kung walang blood vessel ang itlog hindi yun magiging sisiw gaya rin ng balot!!!... saan kukunin ng itlog ng manok ang blood vessels kung wala itong dugo, kusa na lang ba itong mabubuo???... hindi, ito ay darami at ito ang bubuo sa sisiw!!!... hwag kang magmagaling saturnino dahil nagmumukha kang bobo!!!... basta ang sundin mo ay yung sinabi ng biblia na ibuhos mo ang dugo, yung hindi na pwedeng ibuhos ay pwede mo ng kainin,hwag mong gawing komplikado ang isang bagay na napaka-simple... eto pa!!! Kung talaga masunurin ka sa aral ng biblia dapat ibinubuhos mo rin ang dugo ng mga isdang kinakain mo, kunbaga sa hipon!!!... ibinubuhos mo ba yung dugo ng hipon na kinakain mo, yung dilis, maliliit na isda, yung tuyò... kumakain ka ba ng tuyò???... sigurado ka bang ibinuhos ang dugo ng tuyò bago ito ibilad sa araw at gawing tuyò???... ano ngayon???.. nalaman mo na, na bobo ka???

      Delete
    6. This comment has been removed by the author.

      Delete
    7. This comment has been removed by the author.

      Delete
    8. Yung pinatulo nating dugo sa lupa na kakanin nating hayop natural meron pang blood yun sa blood vessels nila pero di na ganun kadami.. kahit pigapigain natin yun meron at meron pa ring konting konti sa loob ng blood vessels nun.. masyadong kaitaasan yung argumento mo Saturnino, outside na sa kautusan..

      Delete
    9. diba po ang maari lamang bumuhay don sa sisiw na nasa loob ng shell ay ang dugo niya?Ang sabi"But you shall not eat fleshwith its life,that is, its blood'".(9:1-4) yan po with its life eah ung balot may sisiw sa loob d paman din nabubuhay o nakikita ang mundo kinakain niyo na sorry pero d ako kumakain ng balot dahil sabi yan sa bibliya na huwag kumain ng laman na may buhay nito kaya diba lumalabag na din kau sa kautusan?

      Delete
  6. Bawal ba kumain ng balot, penoy o itlog? Ang linaw naman ang sabi

    Job 6:6Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?

    ReplyDelete
  7. Db po ang nasa loob ng balot ay sisiw? At ang sisiw ay hayop? Kaya po may dugo ang sisiw. Paano po un?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala pang buhay ang sisiw sa loob ng balot.Kaya hindi counted yun.

      Delete
    2. aaah gnun pla un so ang baby s tyan ng isang ina wla ring buhay kc pgkakaalam ko sisiw n xa inaantay nlng mabiyak un shell pglabas nya sisiw n xa tlga dava?

      Delete
    3. naisip ko lang kapag ba binuhos natin sa lupa ang dugo ng hayop na ating kakainin, meron pa bang natitirang dugo sa loob ng blood vessel, natural meron pero hindi na ganun kadami.. wag gawing big deal ang pagkain ng balot..

      Delete
  8. ang bawal ay ang intentional na kinuha at sinahod pa ang dugo para kainin. yung sisiw sa balot ay wala pang dugong sasahurin dahil nakadikit pa sa veins ang dugo. kaya pwedeng kainin ang balot dahil wala naman dugong pwedeng alisin sa sisiw tulad ng itlog ng ibang hayop o ibon na may maliliit na veins din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wla k ptutuluin blood dun bro kc package n xa kasama n un dugo ng sisiw s kinakain m pg kumakain k ng balot hawig dn toh s abortion d p lumalabas un sisiw pinatay m n agad hihihi

      Delete
  9. nakakatawa ng dahil sa balot may issue na...eh kung sumipol tong sisiw bigla ano nman kayang isyu ito..hay naku!!! makatulig na nga...😯😯😯😴😴😯😯😄

    ReplyDelete
  10. one-day-old chick... NEXT TOPIC....

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1 day old ibig sabihin napisa na may buhay na

      Delete
  11. Ang balot po ay itlog pa Lamang.. .point...period! As in egg! Walang sinabi sa kasulatan na bawal kumain ng itlog. So kung nsa shell pa lang sya.. Wala sya pinagkaiba kung kakain ka ng scramble egg or sunny side up.hehe.

    Malinaw po kasi na hayop at ibon ang papatuluin ang dugo sa lupa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So ibig sabihin po b nito bawal cla kumain ng hard boiled,scrambled or sunny side up eggs.?

      Delete
  12. so ah pano yung last supper masama b din snyo mnga so called christian sec? where in Jesus perform The three Synoptic Gospels and the First Epistle to the Corinthians include the account of the institution of the Eucharist in which Jesus takes bread, breaks it and gives it to the Apostles, saying: "This is my body which is given for you, and And he took a cup, and when he had given thanks he gave it to them, saying, “Drink of it, all of you, and say This is my blood which is given for you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi yon literal na dugo its just symbolize of his blood the grape juice.this is not right proper forum to ask just visit our nearest locale in our area ask the minister.di namin kayo oobligahin maniwala ipapaliwanag namin ang aming pananampalataya at irerespeto namin ang iyon paniniwala sa verse ng bible.salamat po

      Delete
  13. Paano ngayon ang itlog ng mga isda, itlog ng hipon o itlog ng maliliit na hayop? Kumakain kaya sila?

    ReplyDelete
  14. oo nga, gulo tlga boh..bsta mhalaga ndi ka gumagawa ng masama sa kapwa mo, at malinis ang konsensya mo, amen!

    ReplyDelete
  15. Very informative. Panis yung punong palamura na utak itlog. :D

    ReplyDelete
  16. Haha yan yong mga sinasabi na nag mamarunong ay mangmang sarile nilang aral yan o imbento ni mr soriano kakatawa nga yung ibinagbabawal na bunga ng kahoy kayomito daw talaga yun haha ngayon balot naman haha... kawawanaman mga myembro nila tsktsk..

    ReplyDelete
  17. simple lang nmn ah,
    dugo ay buhay,
    balot walang buhay.
    san ka nakakita ng balot na buhay?

    ReplyDelete
  18. ganito po: ang utos ay inuhos ang dugo. sa sisiw ng balot, maibubuhos ba? siyempre hindi.

    ngayon, yung baboy kapag kinatay, ibubuhos ang dugo. nang maibuhos ang dugo, wala na bang natira sa vein? syempre, meron pa rin. e pano yun. bawal n rin bang kainin yun dahil meron pang natirang dugo sa veins na hindi kayang ibuhos at hugasan?

    ReplyDelete
  19. may karunungan ang diyos sa paglalalang lahat ng bagay binibigyan nya ng kaukulan ang bata sa sinapupunan sa ina ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain at paghinga o oxygen na nilalanghap ng ina kung walang oxygen di sya mabubuhay kaya kapag nasa loob ng shell saan kukuha ng oxygen ang sisiw diba wala?ang diyos matalino at makapangyarihan lahat kaya nyang gawin.ang tao nga galing sa alabok pero ng ginawa nya binigyan nya ito ng hininga..ang sisiw habang nasa itlog palang at doon palang nadedevelop ang kanyang sangkap iyon ay dahil sa karunungan ng diyos kung papaano mabubuo ang sisiw sa loob kasi ala pang buhay kpg fully develop na sya doon sya mapipisa at magkakaroon ng hiniga.at masasabi mo na may buhay na sya.ganyan ang kapangyarihan ng diyos na di maunawaan ng iba kahit scientist tinutuklas nila ang gawa ng makapangyarihang diyos.

    ReplyDelete
  20. Basta alam ko bawal kumain ng balot pag high blood. Tapos....!!!!! Haha k bye... ����

    ReplyDelete
  21. Subukan mo mawalan ng dugo may buhay kapa kaya? Ang sisiw sa balut kung may dugo na yun sigurado buhay na yun at nakalabas na sa shell. Conmonsense para sa meron lang utak. Pag yan ay sisiw na pede na patuluin dugo nyan.

    ReplyDelete
  22. Sumobra na sa karunungan ang hindi pagkain ng balot dahil may dugo pa raw. Tanong ko sa mga ADD kung kumakain sila ng Atay? Baka hindi rin kasi laging may dugo yun eh. O baka naman ginigilitan pa nila yung atay at papatuluin ang dugo para kainin, hay naku!!!!

    ReplyDelete
  23. Biblically speaking, ang balut, ndi naman bawal kainin per se. Allowed tayo kumain ng balut. Ang bawal, ay ung sisiw kc namatay ung sisiw at ndi lumabas ang dugo. Kayo na rn mismo nagsabi sa Gawa 15:28-29, pinaiiwas tayo sa DUGO, sa BINIGTI, sa diosdiosan at sa pakikiapid. Ang sisiw na namatay per se ay binigti dahil ndi lumabas ang dugo. Dhl pnagbabawal ang pagkain at pag inom ng dugo ayon sa biblia, pinagbabawal din ang pagkain ng binigti. That's the logical explanation why it's not allowed to be eaten. Ung namatay na sisiw ay may dugo pa rin. Scientifically speaking, ung sisiw at anumang hayup na namatay na ndi lumabas ang dugo, bawal kainin. Kaya tinawag na binigti.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.