"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

February 27, 2014

Konsepto ng inkarnasyon mababasa sa bibliya!

Opo! Hindi kayo nagkakamali ng basa sa title ng post ko, MABABASA TALAGA SA BIBLIYA ang konsepto ng inkarnasyon. Ako na mismo nagsasabi.

Pero bago natin talakayin kung paano ko nasabi na mababasa nga ito sa bibliya, ano ba ang ibig sabihin ng INCARNATION?


"Incarnation literally means embodied in flesh or taking on flesh. It refers to the conception and birth of a sentient creature who is the material manifestation of an entity, god or force whose original nature is immaterial. In its religious context the word is used to mean the descent from Heaven of a god, or divine being in human/animal form on Earth." source: wikipedia

Sa "Christianity" naman  ang inkarnasyon daw ay ang pagkakatawang tao ng pangalawang persona ng Trinidad na si Kristo.

Iba po ang RE-INCARNATION sa INCARNATION.

Sa re-incarnation, eto yung paniniwala na pagnamatay ang isang tao, siyay mabubuhay muli at ang kaniyang ispirito ay sasanib sa ibang katauhan, pwedeng sa tao, hayop, sa halaman o kung saan man.

Ang Incarnation naman, muli, ay ang pagkakatawang tao/hayop ng isang Diyos sa mundo.

Naniniwala ang mga Katoliko at iba pang relihiyon na si Kristo daw ay isang Diyos na nag eexist na sa langit at bumaba sa mundo upang magkatawang tao. Si Kristo daw ay nagkaroon talaga ng katawan ng tao at hindi basta sumanib lang sa isang eksistidong katawan.


Ang tanong, mababasa ba sa bibliya ang konsepto ng inkarnasyon kung saan ang Diyos ay nagkatawang tao?

OPO! Narito:
"At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao." Gawa 14:11

Anong pangyayari ito sa bibliya?

Nang mangaral sila Apostol Pablo at Bernabe sa Listra, Lycoania (sa kasalukuyan ay nasa bansang Turkey):


8-9 Sa Listra ay may isang lalaking hindi nakakalakad dahil lumpo na ito mula pa nang ito'y isilang. Siya'y nakaupong nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo ay may pananampalatayang siya'y mapapagaling, tinitigan niya ang lumpo  
10 at malakas na sinabi, "Tumayo ka!" Lumukso ang lalaki at nagsimulang lumakad.
11 Nang makita ng mga taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, "Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!"  
12 Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at si Pablo nama'y Hermes, sapagkat siya ang tagapagsalita.  
13 Nasa bungad ng lunsod ang templo ni Zeus, at nang mabalitaan ng pari ni Zeus ang nangyari, nagdala siya ng mga torong may kuwintas na bulaklak sa may pintuan ng lunsod upang ialay sa mga apostol bilang handog niya at ng bayan.
 14 Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila,  
15 "Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan! Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinapangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran ninyo ang mga walang kabuluhang bagay na iyan, at manumbalik kayo sa Diyos na buhay na lumikha ng langit, lupa, dagat, at lahat ng naroroon.
18 Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin si Bernabe at si Pablo na pigilin ang mga tao na sila'y alayan ng mga handog."

Gawa 14:8-15, 18

Tinawag nilang ZEUS si Apostol Pablo at HERMES naman si Bernabe.

Sino ba si ZEUS at HERMES?

Sila ay Greek gods, si ZEUS ay tinaguriang "Father of Gods and men" o kumbaga siya ang Diyos ng mga Diyos, si HERMES naman ay ang anak ni ZEUS na kinikilala din nila bilang Diyos. Sa Roman gods naman merong kapareho si ZEUS, ito ay si JUPITER at si HERMES naman ay si MERCURY.

Kung napag aralan nyo ang Greek mythology at Roman mythology, alam nyo ang sinasabi ko...

Ibig sabihin, bago pa pala imbentuhin sa Council of Nicaea 325 AD ang pagkakatawang tao ng DIYOS, meron na palang mga naniniwala sa ganitong aral. 

At alam nyo bang bago pa ang 1st century, kalat na sa ancient Egypt ang paniniwala sa inkarnasyon?

Ang INCARNATION at TRINITY ay bunga ng impluwensya ng ancient greek culture na tinatawag na HELLENIZATION:


"Hellenization (or Hellenisation) is the historical spread of ancient Greek culture and, to a lesser extent, language, over foreign peoples conquered by Greece or brought into its sphere of influence, particularly during the Hellenistic period following the campaigns of Alexander the Great of Macedon. The result of Hellenization was that elements of Greek origin combined in various forms and degrees with local elements. In modern times, Hellenization has been associated with the adoption of modern Greek culture and the ethnic and cultural homogenization of Greece." source: wikipedia

Inadopt ng mga Katoliko ang konseptong ito ng greeks, ibig sabihin, noong inimbento nila ang TRINITY at ang incarnation, inadopt nila ang katuruang mula sa PAGANO.


Mga patotoo:

"Hellenistic thinkers, who influenced Christian theologians, had already been attracted by the emphasis in later Judaism on monotheism and transcendence. this tendency was sketched out earlier in Plato and later Stoicism, but it came to its mature development in Neoplatonism in the 3rd centuryA.D. In the first century Philo of Alexandria had interpreted the old testament concept of God in terms of the logos idea of Hellenistic philosophy, but this Hellenization led to a characteristic tension that was to dominate the entire further history of ideas." Encyclopedia 
"During the 19th century, protestant historians, notably F.C Baur and Adolf von Harnack, sought to show that the Trinity was a result of "Hellenization of the gospel" while Friedrich Schleiermacher declared that a species of modalism was the only meaningful version of the doctrine. " Encyclopedia 
"Initially, both the requirements of the monotheism inherited from the Old Testament and the implications of the need to interpret biblical teaching to Greco-Roman paganism seemed to demand that the divine Christ as the Word or Logos be seen as subordinate to the Supreme Deity. An alternate solution was to interpret the Father, Son and Holy Spirit as three modes of the self-disclosure one God, but not as distinct within the being of God itself." Encyclopedia
 
Kaya tulad nila Apostol Pablo at Bernabe, si KRISTO din ay napagkamalang DIYOS!

Ito ang Comparison:



Apostol Pablo at Bernabe
Kristo

“At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao." Gawa 14:11

“Roman Catholics believe that God came down to earth in human form,…” simpletoremember.com




"Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan! Mga tao rin kaming tulad ninyo!...” Gawa 14:15

Sabi ni Kristo: 

"I am a man who has told you the truth which I heard from God, but you are trying to kill me. Abraham did nothing like that." John 8:40

Sabi ni Apostol Pablo: 

"There is one God and one mediator so that human beings can reach God. That way is through Christ Jesus, who is himself human. He gave himself as a payment to free all people. He is proof that came at the right time. That is why I was chosen to tell the Good News and to be an apostle. (I am telling the truth; I am not lying.) I was chosen to teach those who are not Jews to believe and to know the truth."  I tim. 2:5-7



“…Ipinapangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran ninyo ang mga walang kabuluhang bagay na iyan, at manumbalik kayo sa Diyos na buhay na lumikha ng langit, lupa, dagat, at lahat ng naroroon.”  Gawa 14:15

Sabi  ni Kristo:

"And eternal life means to know you, the only true God, and to know Jesus Christ, whom you sent." John 17:3

Sabi ni Apostol Pablo:

"subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo." I Cor. 8:6-7 


Iisa lang ang ibig sabihin nyan, ang mga pagano na kumilala kay Apostol Pablo at Bernabe bilang mga Diyos na nag-anyong tao at ang mga naniniwala na si Kristo ay Diyos na nagkatawang tao ay mga HINDI TUNAY NA KRISTIYANO.

Dahil ayon na rin mismo kay Apostol Pablo, IISA LANG ANG DIYOS, itoy walang iba kundi ang AMA, at si Kristo daw ay isang TAO, siyay nagsasabi ng TOTOO at hindi siya nagsisinungaling.

Kaya totoo pong ang konsepto ng inkarnasyon na inadopt ng mga katoliko sa kanilang paniniwala kay Kristo, ay MABABASA SA BIBLIYA!

Yun nga lang, ang aral na ito ay MULA SA MGA PAGANO.

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.