Andaming tanong ano?
Alam kong sensitive ang issue na ito pero pipilitin kong talakayan sa ikalilinaw ng mga bagay bagay. Pero bago iyan, kailangan muna nating malaman kung ano ba ang homosexuality, bakla, tomboy at behavior ng tao.
Sa totoo lang, mahirap unawain ang seksualidad ng isang tao, ginawa kasi tayo ng Diyos na unique sa bawat isa, may ibat iba tayong mga katangian at pag uugali. Kung merong homosexuality sa animal kingdom, huwag na tayong magtataka kung bakit meron din sa tao.
Ang homosexuality ayon sa dictionary ay "sexual attraction to (or sexual relations with) persons of the same sex". Ibig sabihin, pag sinabing bakla, attracted ka o nagkakagusto ka sa kapwa mo lalaki LAMANG at ang tomboy naman ay attracted sa kapwa mo babae LAMANG.
(Kung ikaw naman ay attracted o nagkakagusto sa parehong kasarian, bisexual naman ang tawag non sayo.)
Ang isang tao ay hindi dapat hinuhusgahan base sa kilos, pananamit o pananalita, walang kinalaman yon sa ating tunay na kasarian. Kapag ang isang lalaki ay may mga katangiang katulad sa babae kagaya ng pagiging malamya kumilos, ibig sabihin siya ay feminine at hindi BAKLA AGAD. Pag ang babae naman ay may mga katangiang katulad sa lalaki tulad ng pagiging boyish, siya ay masculine.
Kung ikaw ay hindi sigurado sa iyong kasarian, mas magandang huwag mo nalang ipilit na lagyan ng "LABEL" ang iyong sarili kung ikaw man ay lalaki, babae, bakla o tomboy. Ang seksualidad ng tao ay masyadong malawak at hindi kayang ma-define ng kahit sinong tao o kahit ng dictionary pa.
Hindi ako naniniwala sa ibang nagsasabing IPINANGANAK na silang homosexual. Kalokohan yon, 2 kasarian lamang ang ginawa ng Diyos. Ang pagiging bakla, tomboy, o anupamang kasarian ay maaaring bunga lamang ng environment na kinalakihan niya, o pagkalito sa kaniyang kasarian kung saan sa dulo nito ay napagdesisyunan niya kung ano talag siya. Ito ang tinatawag na sexual identity.
ITULOY ANG PAGBABASA...
(Click the link)
Hindi masama ang masama ang pagiging bakla o tomboy.Sa religion niyo ang sinasabi sa bibliya ay masama.ngunit marami nga sa atin ang hindi bakla at tomboy ngunit masasama ang ugali.basta alam mo sa sarili mo wala kang inaapakan ibang tao at mabuti ang kalooban walang dapat ikabahala.
ReplyDelete리니지프리서버
Asas1212,
DeleteAnu pa man ang kasarian natin, dapat nating sundin kung ano ang kalooban ng Diyos, hindi ang ating pansariling kalooban. Kung naniniwala tayo sa Diyos, dapat ay sundin natin ng buong puso ang kaniyang mga utos matapat man ito sa gusto natin o hindi.
Salamat po
marami sa atin ang pakitang tao lang na makadiyos,sumusunod sa utos ngunit hangang sa simbahan or sa loob lang ng Iglesia ni Cristo konwari matapat sa tungkulin.kaya ano man ang ating kasarian basta alam mo sa sarili mong matapat at sumasampalataya ka sa diyos.hindi kailangan laging nasa simbahan kaya sa bahay sambahan para masabing sumusunod sa diyos or banal.kahit saan pweding manalagin basta bokal sa puso at totoong nananalig ka sa diyos ay pagpapalain ka ng may kapal.
ReplyDelete투데이서버
Bobbinlhea,
DeleteYang nabanggit nyo po ang tinatawag na PANSARILING PANINIWALA o PANSARILING KALOOBAN. Eto yung mga bagay na para sa atin ay "tama", sariling standards kumbaga. Pero hindi natin iniitindi ang "standards" o kalooban ng Diyos na lumalang sa atin.
Tulad ng nangyayari ngyon sa mundo na may pandemic, andami na namatay, andami na nagkasakit, andyan na ang mga ebidensya ngunit may mga tao parin ang hindi naniniwala na may virus na kumakalat. Para sa kanilaz ito ay gawa gawa lamang.
Pag humarap tayo sa Diyos sa araw ng paghuhukom, yan kaya ang sasabihin natin sa Diyos kaya ka dapat iligtas ay dahil sinunod mo lang ang sarili mo sa halip sundin ang kalooban ng Diyos?
Choice po ng tao maligtas o mapahamak. Minsan kasi kahit nalalaman na natin ang tama, yung mali parin ang pinipili nating gawin para masunod ang ating sariling kaligayahan o sariling interes.
Salamat po