Andaming tanong ano?
Alam kong sensitive ang issue na ito pero pipilitin kong talakayan sa ikalilinaw ng mga bagay bagay. Pero bago iyan, kailangan muna nating malaman kung ano ba ang homosexuality.
Sa totoo lang, mahirap unawain ang seksualidad ng isang tao, ginawa kasi tayo ng Diyos na unique sa bawat isa, may ibat iba tayong mga katangian at pag uugali. Kung merong homosexuality sa animal kingdom, huwag na tayong magtataka kung bakit meron din sa tao.
Ang homosexuality ayon sa dictionary ay "sexual attraction to (or sexual relations with) persons of the same sex". Ibig sabihin, pag sinabing bakla, attracted ka o nagkakagusto ka sa kapwa mo lalaki LAMANG at ang tomboy naman ay attracted sa kapwa mo babae LAMANG.
(Kung ikaw naman ay attracted o nagkakagusto sa parehong kasarian, bisexual naman ang tawag non sayo.)
Ang isang tao ay hindi dapat hinuhusgahan base sa kilos, pananamit o pananalita, walang kinalaman yon sa ating tunay na kasarian. Kapag ang isang lalaki ay may mga katangiang katulad sa babae kagaya ng pagiging malamya kumilos, ibig sabihin siya ay feminine at hindi BAKLA AGAD. Pag ang babae naman ay may mga katangiang katulad sa lalaki tulad ng pagiging boyish, siya ay masculine.
Kung ikaw ay hindi sigurado sa iyong kasarian, mas magandang huwag mo nalang ipilit na lagyan ng "LABEL" ang iyong sarili kung ikaw man ay lalaki, babae, bakla o tomboy. Ang seksualidad ng tao ay masyadong malawak at hindi kayang ma-define ng kahit sinong tao o kahit ng dictionary pa.
Hindi ako naniniwala sa ibang nagsasabing IPINANGANAK na silang homosexual. Kalokohan yon, 2 kasarian lamang ang ginawa ng Diyos. Ang pagiging bakla, tomboy, o anupamang kasarian ay maaaring bunga lamang ng environment na kinalakihan niya, o pagkalito sa kaniyang kasarian kung saan sa dulo nito ay napagdesisyunan niya kung ano talag siya. Ito ang tinatawag na sexual identity.
Ano bang sinasabi ng bibliya tungkol sa homosexuality?
Noong unang panahon meron ng mga "bakla at tomboy" pero hindi ito yung iniisip natin na ito yung mga lalaki at babaeng cross-dressers. Ang tinutukoy sa bibliya na "homosexuality" ay yung pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae.
Eto ang sabi ng bibliya ukol dito:
"Ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain at pareho silang dapat patayin." Lev. 20:13
""Do not practice homosexuality, having sex with another man as with a woman. It is a detestable sin." Lev. 18:22
KARUMAL DUMAL na gawain pala ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, itoy isang kasalanan.
Paparusahan ba ang mga nakikipagtalik sa kapwa babae o kapwa lalaki?
"Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan. Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa." Roma 1:26-27
Talaga naman palang KASUKLAM-SUKLAM ang gawaing iyon kaya sila ay PAPARUSAHAN na nararapat sa kanilang masamang gawa.
May bahagi ba sa kaharian ng Diyos ang mga gumagawa ng kasalanang ito?
"Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos." I Cor. 6:9-10
Dapat nating tandaan na hindi lang ang gumagawa ng homosexual acts ang walang bahagi sa kaharian ng Diyos, kundi pati ang mga gumagawa ng masama.
Masama ba ang maging "bakla" o "tomboy" sa Iglesia ni Cristo?
Sagot: Kung yung pagiging attracted sa same sex ang pag uusapan, maaaring walang masama doon at hindi yun kasalanan. Wala naman kasing gustong magkaroon ng gusto sa kapwa niya lalaki o babae tulad ng walang gustong ma-usig at ma-discriminate tayo ng iba. Kung madali lang baguhin ang ating nararamdaman, wala na sanang mga homosexual sa mundo.
Kung pag uusapan ay ang "mahalay na pagnanasa" sa kapwa lalaki o kapwa babae, tulad ng mahalay na pagnanasa sa babae o sa lalake-- itoy masama at isang kasalanan.
Kung homosexual acts naman-- ito ay karumal dumal sa paningin ng Diyos at ang sinumang gumagawa nito mapa-straight man o homosexual ay lumalabag sa aral ng Diyos . (Sa panahon kasing ito, marami na ring straight ang gumagawa ng homosexual acts)
Kung pakikipagrelasyon o pagpapakasal sa kapwa babae o lalaki-- kasalanan din ito lalot tulad din ng "homosexual acts".
Magkaganun man, lagi nating tatandaan na hindi naman imposible na mabago pa ang ating nararamdaman kung hihingi tayo ng tulong sa ating Panginoong Diyos. Sa katunayan, marahil ay nakapanood na tayo sa TV o sa youtube tungkol sa mga taong "nagbago" dahil sa kanilang pagsampalataya sa magagawa ng Diyos--dating bakla o tomboy na nagpakalalaki o nagpakababae.
Pwede bang maging "bakla" o "tomboy" na nakakasunod pa rin sa utos ng Diyos?
Maaari. Hindi kasalanan ng isang tao ang ma attract sa kapwa niya lalot hindi naman niya ginusto iyon. Pero muli, pinakamaigi pa rin na lumapit at humingi ng tulong sa Diyos upang maituwid ang ating nararamdaman at hindi na natin ito problemahin pa. Sumampalataya tayo ng buo sa magagawa ng Diyos dahil walang imposible sa kaniya.

Importante ring hindi tayo nag iisip ng kahalayan sa ating kapwa ano pa man ang ating kasarian, pakikipagrelasyon/pagpapakasal sa kapwa babae/lalaki at lalong lalo na na ang paggawa ng "homosexual acts" o yung makamundong gawain ng isang bakla o tomboy.
Hindi ba isang kalokohan na isa kang homosexual pero hindi ka gumagawa ng homosexual acts?
Yan ang maaaring sabihin ng ilan, halimbawa, "eh bakla nga ako diba, ano bang dapat iexpect sa isang bakla?" Sinasabi nila na panloloko sa sarili yon dahil pinipigilan mo ang sarili mo na gawin ang natural sayo.
MALI ANG GANOONG PAG-IISIP!
Kung ikaw ay taong mabilis magalit, hindi mo kasalanan yon, nagiging kasalanan lang pag ginawa mo ang inaasahang ginagawa ng mga magagalitin na tao tulad ng pagbibitaw ng masasakit na salita.
Ang tao ay isinilang sa mundong ito ng may pagnanasa sa masasama. Pero kahit meron tayong pagnanasa gawin ang mga iyon, meron tayong choice na hindi iyon gawin.

Kung meron tayong choice na gumawa ng masama, meron din naman tayong choice na gumawa ng mabuti.
Nasa saiyo na yon kung anong pipiliin mong daan, daan sa makamundong bagay o daan patungo sa Diyos.
Ang homosexual acts ba ay ang pinakamalaking kasalanan kumpara sa iba?
Hindi. isa rin itong kasalanan, pero hindi ito mas matimbang kumpara sa iba pa. Isa lamang ito sa maaaring maging kasalanan ng tao (anuman ang kaniyang sexual identity) at lahat ng klase ng kasalanan ay ikinagagalit ng Diyos.

Hindi dapat isipin ng isang tao na kesyo walang mali sa pagiging bakla o tomboy na gumagawa ng homosexual acts at nakikipagrelasyon sa kapwa babae/lalaki bastat walang naapakang ibang tao. Mali ang ganoong pag iisip, sapagkat ang tungkulin natin bilang mga nilalang ng Diyos ay sundin ang KALOOBAN NIYA, hindi ang pansarili nating kalooban. Marahil ay may sarili tayong pamantayan ng kung ano ang tama at mali. Ngunit ang dapat nating tandaan na ang pinakatama ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos-- ito man ay kasang ayon sa ating kagustuhan o hindi.
Ang pakikipag relasyon ba at pagpapakasal sa kapwa babae o lalaki ay pinahihintulutan ng Diyos?
Kung ang homosexual acts nga ay KASUKLAM SUKLAM na sa Diyos, paano pa kaya ang pakikipagrelasyon, lalo na, ang pagpapakasal sa kapwa babae at kapwa lalaki?
Babae at lalaki lamang ang ginawa ng Diyos, at may purpose ang Diyos kung bakit ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Kaya nga sa paningin ng Diyos ay kailangan nila ang isat isa at hindi sa kapwa nila babae o kapwa nila lalaki dapat mapunta ang isat isa.
Ang pagdadamit babae ng isang lalaki at ang pagdadamit lalaki ng isang babae ba ay kasalanan?
Eto ang sabi ng bibliya:
Ang mga natural na nagdadamit ng kasuotang hindi akma sa kanilang kasarian ay ang kasuklam-suklam sa Diyos, ngunit kung nagdamit babae o lalaki dahil hinihingi ng pagkakataon ay hindi naman masama.
Kahihiyan ba sa lalaki ang may mahabang buhok?
Kahihiyan sa lalaki ang magpahaba ng buhok na mala Arnel Pineda o Freddy Aguilar. Kaya natural na sa babae ang mahaba ang buhok at maikli naman ang sa lalaki.
Eto ang mga katuruan ng Diyos na nasa bibliya na dapat nating sundin.
Hindi excuse ang pagiging bakla o tomboy para makagawa ng kasalanan, lahat ng tao hanggat maaari hindi dapat gumawa ng anumang masama at ng mga bagay na ayaw ng Diyos, kaya naman kailangan nating magsakripisyo kahit ang nakataya pa ay ang ating kaligayahan kung ang kapalit naman nitoy ang ating inaasam na KALIGTASAN.
Huwag sana nating ibigin ang salinbutan o mga bagay sa sanlibutan at mga masasamang pagnanasa ng laman dahil ang lahat ng itoy walang kabuluhan sa paningin ng Diyos. Sa halip, sundin nating lahat ang kalooban niya:
Maaaring may mga "bakla" at "tomboy" sa Iglesia ni Cristo, lahat naman ng relihiyon merong ganoong klaseng miyembro. Kaya nga kung may nasumpungan man na ganitong kapatid ay pinapayuhan silang magpakalalaki o magpakababae-- hindi para i discriminate sila, kundi para hindi sila makagawa pa ng kasalanan na KASUKLAM SUKLAM sa Diyos.
Ang pakikipag relasyon ba at pagpapakasal sa kapwa babae o lalaki ay pinahihintulutan ng Diyos?
"Gayunman, sa paningin ng Panginoon ay kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din naman ng lalaki ang babae." I Cor. 11:11
Kung ang homosexual acts nga ay KASUKLAM SUKLAM na sa Diyos, paano pa kaya ang pakikipagrelasyon, lalo na, ang pagpapakasal sa kapwa babae at kapwa lalaki?
Babae at lalaki lamang ang ginawa ng Diyos, at may purpose ang Diyos kung bakit ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Kaya nga sa paningin ng Diyos ay kailangan nila ang isat isa at hindi sa kapwa nila babae o kapwa nila lalaki dapat mapunta ang isat isa.
Ang pagdadamit babae ng isang lalaki at ang pagdadamit lalaki ng isang babae ba ay kasalanan?
Eto ang sabi ng bibliya:
"Ang mga babae ay huwag magsusuot ng kasuotang panlalaki o ang mga lalaki ng kasuotang pambabae. Sinumang gumawa nito ay kasuklam-suklam kay Yahweh na inyong Diyos." Deut. 22:5
Ang mga natural na nagdadamit ng kasuotang hindi akma sa kanilang kasarian ay ang kasuklam-suklam sa Diyos, ngunit kung nagdamit babae o lalaki dahil hinihingi ng pagkakataon ay hindi naman masama.
Kahihiyan ba sa lalaki ang may mahabang buhok?
"Hindi ba't kalikasan na rin ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa isang lalaki ang magpahaba ng buhok, ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo." I Cor. 11:14-15
Kahihiyan sa lalaki ang magpahaba ng buhok na mala Arnel Pineda o Freddy Aguilar. Kaya natural na sa babae ang mahaba ang buhok at maikli naman ang sa lalaki.
Eto ang mga katuruan ng Diyos na nasa bibliya na dapat nating sundin.
Hindi excuse ang pagiging bakla o tomboy para makagawa ng kasalanan, lahat ng tao hanggat maaari hindi dapat gumawa ng anumang masama at ng mga bagay na ayaw ng Diyos, kaya naman kailangan nating magsakripisyo kahit ang nakataya pa ay ang ating kaligayahan kung ang kapalit naman nitoy ang ating inaasam na KALIGTASAN.
Huwag sana nating ibigin ang salinbutan o mga bagay sa sanlibutan at mga masasamang pagnanasa ng laman dahil ang lahat ng itoy walang kabuluhan sa paningin ng Diyos. Sa halip, sundin nating lahat ang kalooban niya:
"Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman." I Juan 2:16-17
Maaaring may mga "bakla" at "tomboy" sa Iglesia ni Cristo, lahat naman ng relihiyon merong ganoong klaseng miyembro. Kaya nga kung may nasumpungan man na ganitong kapatid ay pinapayuhan silang magpakalalaki o magpakababae-- hindi para i discriminate sila, kundi para hindi sila makagawa pa ng kasalanan na KASUKLAM SUKLAM sa Diyos.
Hindi natin dapat silang ginagawang katatawanan o kinukutya, dahil tao lang din sila na dapat irespeto.
Hindi natin dapat silang hatulan na kesyo hindi sila maliligtas, Diyos lamang ang may karapatang humatol. At hindi rin natin dapat husgahan ang isang tao na isa silang bakla o tomboy dahil lamang sa kaniyang kilos, pananamit o pananalita.

usually pag nakakakita ako ng article that has something to do with INC, catholic, born again christian.. hindi ko talaga binabasa... but this one is different.. magaling ang ngsulat... fair and very well explained ang mga bagay bagay. I do not believe in religion because for me it cause more harm than good. But the author of this article perfectly explain that there is always fairness and goodness if you really understand what the bible said. ^_^ well done!
ReplyDeleteYes tama ka. Pero para Sa akin kaylangang umanib Sa tamang religion. Siguro meron ding article dito about dun, pwede nyo pong basahin. Pero I understand naman kung ayaw mo po.Hindi ko naman po kayo mapipilit kasi lahat naman POtayo may iba't-ibang paniniwala. Good day po.
DeleteNapapanahon ang topic na ito oh... Ka ReadMe, pasensiya na kung kumuha me ng ilang detalye sa topic u na ito ha... Salamat po.. :)
ReplyDeleteNakakatuwa lang na pareho po tayo ng pananaw Ka ReadMe regarding sa kung ano talaga ang masama tungkol sa bagay na yan.. :)
ReplyDeleteLahat ng tao ay mksalanan magging sakdal at banal k lang kapag binantayan mo ang lahat ng kanyang kautusan..
ReplyDeleteSalamat sa magandang kumento mo vonzon,salamat din readme sir,malaganap po ang ordinary debate sa social media,nakakatulong po sa amin ito para sa mga taong gusto kumalaban sa ating pananampalatay..
ReplyDeleteMagandang araw po, gusto ko lang po sanang itanong kung bakit at paano naging karumaldumal na kasalanan ang pakikipagtalik sa kapwa babae/lalaki. Tunay ngang iyon ang nakasulat sa bibliya, subalit ano ang naging kasamaan noon. Tunay na ang magnakaw ng bagay na hindi sa'yo, kumitil ng buhay ng tao ay mga kasalanan, ngunit paano naging masama ang pakikipagtalik sa kapwa babae/lalaki. Anong kinalaman po noon sa moralidad. May nasaktan ba siyang ibang tao kapag ginawa niya iyon? Maraming salamat po.
ReplyDeleteMagandang araw din,
DeleteDapat nating malaman na meron tayong tinatawag na KALOOBAN NG DYOS at SARILING KALOOBAN. May mga gusto at ayaw ang Diyos, obligasyon natin bilang tao ang sumunod sa mga utos niya kung gusto natin maligtas.
Bilang tao, may mga bgay na para sa atin masma o mbuti, yun ang standard natin. Pero my standard din ang Diyos kung ano ang masama at mabuti. Hindi dapat prating ang isip ntn sa mabuti ay 'basta wlang nsktang iba', dahil ang tunay n mbuti ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos.
Salamat po