"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

January 21, 2014

Masama ba ang paninigarilyo sa Iglesia ni Cristo?

Hindi lang masama ang paninigarilyo sa Iglesia ni Cristo kundi masama sa kalusugan ng lahat ng tao lalo na kung itoy naging adiksyon na. 

Sasabihin ng ilan, eh kung masama pala, bat di nyo pinagbabawal sa mga miyembro nyo paninigarilyo? Lagi nga namin nakikita mga myembro nyo naninigarilyo bago at pagkatapos sumamba nasa harap pa ng kapilya nyo! Idadagdag pa ng ilan, bakit tinotolerate sa inyo ang paninigarilyo at hindi niyo ba alam na bawal sa bibliya ang paninigarilyo?

Totoong hindi IPINAGBABAWAL o walang prohibition sa mga kaanib na manigarilyo, ngunit hindi ibig sabihin non eh TINOTOLERATE at IPINOPROMOTE ng INC ang paninigarilyo. Wala kaming official doctrine na DIRETSAHANG NAGBABAWAL dito, ngunit kahit ganoon pa man, pinaiiwasan ito sa amin lalo na sa mga maytungkulin sa Iglesia. 

Ang mga "IPINAGBABAWAL" kasi sa INC na kapag nilabag ng isang kaanib ay kaniyang ikatitiwalag, kaya naman PINAIIWAS lang ito sa amin at hindi yung pag nahuling nagsindi ng sigarilyo eh ititiwalag na agad. 

Ganoon na ba katinding kasalanan ang paninigarilyo na pupwede ng ikatiwalag? 
Yan ang tanong na dapat nating pag isipang mabuti.


Totoo bang may pagbabawal sa bibliya ukol sa paninigarilyo?

WALA. Kahit basahin nyo ang buong bibliya at magtanong pa sa mga bible scholars, wala tayong mababasang "bawal ang paninigarilyo" sa bibliya. Pero ang mga miyembro ng ilang relihiyon ay may ipinapakitang mga bible verse kung saan DIUMANO ay ipinagbabawal ang paninigarilyo.


"Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos." Gal. 5:19-21

Ayon kay wikipedia: "Vice is a practice, behavior, or habit generally considered immoral, depraved, or degrading in the associated society" Sabi nila, ang paninigarilyo daw ay KALAYAWAN, ngunit nagiging kalayawan lang naman ang isang bagay pag ito ay naging isang HABIT, o paulit ulit na ginagawa lalo na, kung itoy naging isang ADIKSYON. Ang salitang kalayawan ay malawak, at hindi ito basta yung nasa isip natin na paglalasing, pagsusugal, etc...

"Mga minamahal, sapagkat ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos." II Cor. 7:1

Sabi nila, nakakapagparumi daw ng katawan ang sigarilyo. Ang pagkakaintindi nila sa talata ay LITERAL samantalang ang binabanggit na KARUMIHAN sa talatang ito ay ang mga masasamang gawa (Efeso 5:3-5).

"Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos." I Cor. 6:19-20

Ang mga naninigarilyo daw ay nilalabag ang kautusang ito sa bibliya dahil hindi daw nila pinangangalagaan ang kanilang katawan. Kung ganyan ang ating argumento, lahat pala ng taong MAY SAKIT sa buong mundo tulad ng may cancer, diabetis, highblood, hepatitis, etc... ay LUMALABAG din sa kautusang ito dahil "hindi nila inalagaan ang kanilang katawan".

Marami pang inilalabas na mga talata sa bibliya ang mga myembro ng relihiyong nagbabawal ng paninigarilyo, pero ang katotohanan ay hindi mababago, WALANG TUWIRANG NAGBABAWAL SA BIBLIYA NG PANINIGARILYO.

Pero kahit sabihing walang NAGBABAWAL sa bibliya o sa IGLESIA, hindi ibig sabihin na dapat na tayo manigarilyo o pwede ng malulong dito. Lahat ng SOBRA ay nakakasama kaya kung alam mong ang isang bagay ay hindi makakabuti para saiyo, hindi na kailangan pang magkaroon ng PAGBABAWAL sa mga ito, tulad ng:

Bawal malulong sa computer games
Bawal malulong sa video games
Bawal malulong sa pagkain
Bawal malulong sa sex

etc...


Umiwas sa PANINIGARILYO!

Kaya hindi lang ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang dapat UMIWAS sa paninigarilyo kundi TAYONG LAHAT dahil itoy nakasasama sa kalusugan ng NANINIGARILYO at ng mga nakakalanghap ng usok mula dito. Hindi ko STAND na ipagtanggol ang paninigarilyo, ang STAND ko ay hindi porke walang PAGBABAWAL sa Iglesia ay PWEDE na at tinotolerate ang gawaing ito.

Ang BAWAL sa INC ay ang paninigarilyo sa loob ng kapilya at hindi ang paninigarilyo mismo.
 
Kaya kung may makikita kayo na mga INC na naninigarilyo sa harap pa ng kapilya, wala silang nalalabag na aral sa INC, ngunit kalusugan nila ang nakataya doon.

Ingatan natin ang ating sarili, at ANG ATING KALUSUGAN, hindi lamang sa pag iwas sa paninigarilyo kundi sa pag iwas sa mga bagay na alam nating di makabubuti satin lalo na, sa mga masasamang gawain.

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.