Pero bago pa niya maloko ang ilan, para sa kaalaman niya, (at alam ko namang alam niya kaso mas pinipili niyang magsinungaling) ang blog na ito ay laging nas TOP 10, ang kulelat ay yung mga blog ng kapwa niya mga CFD namely:
In Defense of the Church
Monks Hobbit
Catholic biblical Answers
The Catholic Position on the RH Bill
Catholic Apologetics: Defending the Catholic truth
Catholic by choice
Catholic Faith Apologetics (CFD/BA Dipolog chapter)
at marami pang iba...
Pano ko nga ba nasabi na nagbabasa ng blog ko si Abe Arganiosa?
Simple lang, SINASAGOT NYA ANG ILAN SA MGA ARTICLES KO, at directly niyang kinukuha dito. Hindi tulad dati na kunwari may commentator na kinoment yung laman ng article ko saka nya sasagutin (kala naman nila hindi ko alam style nila). Yun nga lang, hindi lahat eh sinasagot ng dating CFD head ng Pilipinas, kung alin lang ang gusto niyang sagutin (yung satingin niyang kaya niya) eh yun lang ang tinotopic niya. Ayos din ano po. hahaha
Halinat tunghayan kung sino nga ba talaga ang saming dalawa ang lalabas na mangmang...
Sa kaniyang article na "REFUTING README SA PALUSOT NIYA SA COLOSAS 2:9 PARA PAMALIAN NA DIOS SI CRISTO DOON" eto po ang kaniyang post (red) at ang sagot ko (black):
Counter attacking his arguments sa palusot niya sa Colosas 2:9.
// Kabanalan pala ang tinutukoy doon. At opo, alam naman nating lahat at hindi naman namin idenedeny na may pagka Diyos talaga si Kristo in the sense na siya lang ang taong WALANG NAGAWANG KASALANAN: //HAHAHAHA! Siya lang daw ang taong walang nagawang kasalanan.kagaguhan ang aral na naituro ni Manalo. WALANG TAO NA HINDI NAGKAKASALA EH.1 Hari 8:46 Kung sila’y magkasala laban sa iyo, (sapagka’t walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa’t sila’y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;ANG 1 CHARACTER SA BIBLE NA HINDI NAGKAKASALA EH ANG DIYOS:Deuteronomy 32:4 Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.Kung si Cristo ay hindi nagkakasala gaya ng sa DIOS. nagpapatunay ito na siya ay DIOS.
Ang sabi ni Kristo maliwanag na maliwanag, siyay TAO:
Ngunit ngayon, hangad nyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos" Juan 8:40
Marami na rin akong naibigay na talata na si Kristo ay kinilala bilang TAO ng bibliya, kung kayat hindi siya DIYOS dahil ang NAG IISANG TUNAY NA DIYOS ay walang iba kundi ang AMA.
Si Kristo na TAO, ayon sa bibliya at alam naman ng karamihan, ay HINDI NAGKASALA:
"Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman." I Pedro 2:21-22
Kaya naman ang ating Panginoong Hesukristo LAMANG ang natatanging TAO na HINDI NAGKASALA. Siya lamang ang nakasunod sa STANDARD ng Diyos sa paggawa sa tao, ginawa kasi tayo ng DIYOS na matuwid at banal. Siya kumbaga ang MODELO nating lahat na mga tao, at ang kaniyang mga lakad ang dapat nating lakaran. Bakit naman DIYOS ang ating magiging modelo samantalang tayo ay mga TAO, kaya maigi na ang maging MODELO ay katulad din natin na TAO.
Ang babaw naman ng argumento ni Arganiosa na porke hindi nagkasala si Kristo tulad ng Diyos eh DIYOS NA RIN. At nagtataka ako, bakit kaya parang tinututulan ni Arganiosa na hindi nagkasala si Kristo? May mali ba sa sinabi ko? o tinututulan niya na TAO si Kristo?
Naku, mukang nagtuturo na naman ng heresy itong pari na ito ah...
Bakit ko nasabi?
Ang mga katoliko kasi ay naniniwala na si KRISTO ay may DUAL NATURE, siya ay TAO at DIYOS. Hindi yon pwede paghiwalayin. Hindi siya pwedeng maging TAO period o kaya DIYOS period, dahil magiging INCOMPLETE ang turo nila.
Sa pagsasabi niya ng "kagaguhan ang aral na naituro ni Manalo. WALANG TAO NA HINDI NAGKAKASALA EH."
Ibig bang sabihin hindi niya nirerecognize ang PAGKATAO ni KRISTO kundi ang pagka DIYOS niya LAMANG? NAKU HERETIC TALAGA ANG PARING ITO.
Speaking of heresy, alam nyo ba na ang paring ito ay nagtuturo na NAMATAY DAW ANG DIVINE NATURE NI KRISTO NANG IPAKO SIYA SA KRUS? Ilang beses ko na siya tinanong para makumpirma kung totoo nga, pero sa PAG IWAS niya halatang halata na TOTOO NGA.
Tsk. Tsk. HERESY. Kung nasa panahon tayo ng INQUISITION matagal ng tinorture yan o kaya naman ay IPINAPATAY NG SIMBAHAN!
Bakit tayo maniniwala na tao lang si Cristo eh Siya nga ang:1) Arm of the LORD (Juan 12:36-38)2) Power and Wisdom of God (1 Corinto 1:24)3) Siya ang gumagawa ng mga gawa ng Ama na hindi magagawa ng tao (Juan 5:17)4) Siya ang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios (Ama) sa Hebreo 1:35) Sa pamamagitan ni Jesu Cristo ay ginawa ang sanglibutan (Hebreo 1:2) Kaya sabi sa Gawa 3:15 na Siya ay Lumikha ng Buhay.Kaya si Cristo ay nagpapatunay na meron siyang kalagayan at characteristics ng tunay na DIOS bago bumaba sa langit (Juan 6:38) at nakitulad sa mga tao (Filipos 2:7)Kung tao talaga sa umpisa eh bakit makikitulad sa mga tao? ABER!
Sino ba nagsabi sa kaniya na maniwala sila na "TAO LANG" si KRISTO? hahaha
Wag niyong paniwalaan na siyay TAO LANG, MALI YON. Dahil si KRISTO ay TAO at hindi TAO LANG. As usual, nagbigay siya ng mga verses na meron silang maling interpretation...
Kaya puntahan nalang natin ang tanong ng heretic na pari:
"Kung tao talaga sa umpisa eh bakit makikitulad sa mga tao? ABER!"
Di niya alam ang sagot? Sa ilang dekada niyang pagpapari DI NIYA ALAM? Ano ba yan, wala palang matututunan sa pagpapari eh...
Ikowt nga natin yung pinagmamayabang niyang verse na Filipos 2:7 kung saan sinabing si Kristo ay nakitulad sa mga tao:
"Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:"
"rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness." NIV
Ano bang ibig sabihin ng verse na ito? Ibig bang sabihin siyay DIYOS na NAKITULAD SA MGA TAO?
Ayon sa Gills Exposition of the entire bible commentary:
"and was made in the likeness of men; not of the first Adam, for though, as he, he was without sin, knew none, nor did any; yet he was rather like to sinful men, and was sent in the likeness of sinful flesh, and was traduced and treated as a sinner,.."
Si Kristo kasi ay WALANG NAGAWANG KASALANAN, kaya nga ayon na rin sa commentary, HE WAS WITHOUT SIN, KNEW NONE, NOR DID ANY. He was MADE IN THE LIKENESS OF MEN o yung sinasabing ginawang KATULAD NG TAO ay dahil he WAS SENT IN THE LIKENESS OF SINFUL FLESH and TREATED AS A SINNER.
Ang paliwanag na ito ay suportado ng bibliya:
"Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito. Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos." 2 Corinto 5:19,21
Ang "TAO" AY MAKASALANAN, ngunit si Kristo ay tumupad sa utos ng Diyos kayat SIYAY HINDI NAGKASALA. Siyay ginawa na KATULAD NG MGA TAO dahil bagamat siyay BANAL siyay ginawa o itinuring na MAKASALANAN tulad ng ordinaryong mga tao. NAKITULAD SIYA SA MGA ITO, NAKISAMA SIYA, hindi siya nagmataas o nagmayabang na porke siya ay ANAK NG DIYOS, ginawa siyang Panginoon, tagapamagitan, tagapagligtas, at ipinailalim din ng Diyos sa kaniyang paa ang lahat ng bagay, eh PINILI PA RIN NIYANG MAGING MAPAGPAKUMBABA.
// Hindi porke may pagka Diyos, ang ibig sabihin agad noon eh DIYOS NA. Kung sa bagay diyan naman mahilig ang ilan, na porke may nabasa konting ganito maniniwala agad, papakahuluganan agad ng gusto niyang ipakahulugan, tulad ng John 10:30, porke nakalagay lang “I and the Father are one” pinakahuluganan agad na si Kristo at ang Ama ay IISANG DIYOS. Hindi man lang binabasa ang ibang pang nakasaad sa parehong chapter na ang tinutukoy doon ay yung UNITY nila hindi dahil sa parehas silang Diyos, o kaya naman ay IISANG DIYOS sila. //Naintindihan nga ng mga Hudyo ang ibig sabihin ng Juan 10:30 kaya basahin niyo sa Juan 10:33 ay sinabihan siya ng mga Hudyo na nagpapakunwaring DIOS si Cristo.Tama dahil sa unity kaya united ang Ama at Anak sa Juan 10:30.kaya ang pagiging ISA ng DIOS ay UNITED ONE.kaya ang salitang ONE sa “The Lord our God is ONE Lord” sa Deuteronomy 6:4 ay ECHAD meaning UNITED ONE.na mababasa mo din sa Genesis 2:24 na “Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.”natural ang kaunited ng asawa ng lalaki eh kauri niya ng likas na kalagayan.same din na ang KAUNITED ng DIOS eh kauri niya ng likas na kalagayan.
Madalas ay hindi naiintindihan ng mga hudyo si Kristo, kaya nga sa Juan 10:33 ay sinabihan siya na NAGPAPANGGAP NA DIYOS. Ito naman ang isinagot ni Kristo:
"Tumugon si Jesus, Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, Sinabi ko, mga diyos kayo? Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring ipawalang-bisa ang sinasabi ng kasulatan. Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos?" Juan 10:34-36
Nagtaka pa si Kristo, bat daw siya sinabihan na nilalapastangan niya ang Diyos dahil lang sinabi nyang SIYA ANG ANAK NG DIYOS. Ngayon, lokohin mo sarili mo Arganiosa na NAIINTINDIHAN lagi ng mga hudyo ang pinagsasasabi ni Kristo.
Ang talatang Juan 10:30 ay nagsasabi na AKO AT ANG AMA AY IISA, hindi sinabing AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS o AKO AT ANG AMA AY UNITED ONE GOD. Nililikot lang talaga ni Arganiosa ang bibliya. Ang binabanggit na UNITY ay eto, sa libro ni Juan parin, Juan 17:21-22
"Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. Ibinigay ko na sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa."
Literal na UNITY ang binabanggit dito at hindi yung sinasabing ONE GOD dahil kung ganon, DIYOS DIN PALA TAYO pag nagkataon dahil sabi sa talata, "maging isa nawa sila sa atin" ano yon, maging "Diyos" din tayo na tulad nila??? Ano ba yaaaan...
I. Ano ba ang dahilan kaya nananahan ang pagka DIOS ni Cristo sa kahayagan ayon sa laman?
Dahil si Cristo sabi sa 1 Juan 4:2 came IN (meaning INSIDE) the flesh noon siya ay dumating dito sa lupa.Ito ang Greek word ng pagka DIOS sa Colosas 2:9.http://biblehub.com/greek/2320.htmDefinition: deity, Godhead.Ano meaning ng deity?Synonyms for deityhttp://thesaurus.com/browse/deitynoun god, worshiped beingWorshipped being. pinasasamba talaga si Cristo ayon sa Bibliya kasi may nature of being God siya. (Filipos 2:6) bago nakitulad sa mga tao (Filipos 2:7) at nang siya ay bumaba sa langit (Juan 6:38)
II. Ano ang tunay na dahilan kaya may mababasa tayo sa 2 Pedro 1:4 na “that by these ye might be partakers of the divine nature,”
Filipos 3:21 Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.Ang katawan ni Cristo na may kaluwalhatian ay umiral noong siya ay nabuhay na magmuli sa mga patay. kapag ang 1 Cristiano ay binuhay na magmuli ay ganong katawan ang mamanahin ng maliligtas na Cristiano.Ito yung katawan na lumulusot mga pader ng bahay.
Hindi ko na siguro kailangan pang ipaliwanag itong muli dahil naipaliwanag na ito sa isa kong article.
Magkokowt na lang ako ng isang source para magpaliwanag sa kabuuan:
1. The word “Deity” or “Godhead” is a translation of the Greek word theotes. In A Greek English Lexicon, by Liddell and Scott, the classic lexicon of the ancient Greek language, it is translated as “divinity, divine nature.” In making their case, Liddell and Scott cite Greek authors Plutarch and Lucian, and also reference Heliodorus and Oribasius using the phrase dia theoteta = “for religious reasons.” The Greek word occurs only once in the Bible, so to try to build a case for it meaning “God” or “Godhead” (which is an unclear term in itself) is very suspect indeed. Standard rules for interpreting Scripture would dictate that the way Paul used theotes in Colossians would be the same way the Colossians were used to hearing it in their culture. There is no reason to believe that Paul wrote to the Colossians expecting them to “redefine” the vocabulary they were using. Christ was filled with holy spirit “without measure,” and God gave him authority on earth to heal, cast out demons, forgive sins, etc. Thus, it makes perfect sense that Scripture would say that Christ had the fullness of the “divine nature” dwelling in him. In fact, the same thing is said about every Christian (2 Pet. 1:4).
2. The word “fullness” demonstrates that the verse is speaking of something that one could also have just a part of. It makes no sense to talk about the “fullness” of something that is indivisible. God is indivisible. We never read about “the fullness of God the Father” because, by definition, God is always full of His own nature. Therefore, the verse is not talking about Christ being God, but about God in some way providing Christ with “fullness.” What this verse is saying is made clear earlier in Colossians: “God was pleased to have all his fullness dwell in him” (Col. 1:19). That is true. John 3:34 adds clarification: “For the one whom God has sent speaks the words of God, for God gives the spirit without limit.”
3. The fact that Christ has “all the fullness” of God does not make him God. Ephesians 3:19 says that Christians should be filled with “all the fullness of God,” and no one believes that would make each Christian God.
4. If Christ were God, it would make no sense to say that the fullness of God dwelt in him, because, being God, he would always have the fullness of God. The fact that Christ could have the fullness of God dwell in him actually shows that he was not God. 2 Peter 1:4 says that by way of God’s great and precious promises we “may participate in the divine nature.” Having a “divine nature” does not make us God, and it did not make Christ God. The note on 2 Peter 1:4 in the NIV Study Bible is almost correct when, referring to the divine nature, it states: “We are indwelt by God through His Holy Spirit” (we would say “holy spirit, referring to God’s gift). Likewise Christ, who was filled with holy spirit without limits, had the fullness of “Deity” dwelling in him.
5. The context is a key to the proper interpretation of the verse. The Colossians had lost their focus on Christ (see Col. 1:15-20). Colossians 2:8 shows that the people were in danger of turning to “hollow and deceptive philosophy” rather than being focused on Christ. What could philosophy and traditions offer that Christ could not? The next verse is a reminder that there is no better place to turn for answers and for truth than to Christ, in whom all the fullness of God dwells. There is nothing in the context here that would warrant believing that Paul is writing about the Trinity. He is simply saying that if you want to find God, look to Christ. Christ himself had said he was “the Way” and “the Truth,” and that “no man comes to the Father except through me.”
source: biblicalunitarian.com
Ang binabanggit na PAGKA DIYOS o DIVINE NATURE sa II Pedro 1:4 ay HOLINESS.
Ayon sa Jamieson-Fausset-Brown Bible Commentary:
"the divine nature—not God's essence, but His holiness, including His "glory" and "virtue," 2Pe 1:3; the opposite to "corruption through lust." Sanctification is the imparting to us of God Himself by the Holy Spirit in the soul."
Kaya nga sa naunang isinulat ni Apostol Pedro ganito ang sinasabi:
"Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal." I Pedro 1:16
Tungkol kasi sa mga katangian ng kabanalan ang pinag uusapan sa II Pedro 1:4 kaya nasabing "makibahagi tayo sa kaniyang likas bilang Diyos" ipagpatuloy natin ang pagbasa:
"Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig. Ang mga katangiang iyan ang kailangan ninyong taglayin at pagyamanin, upang ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay huwag mawalan ng kabuluhan at kapakinabangan." II Pedro 1:5-9
YAN ANG BINABANGGIT NA PAGKA DIYOS SA TALATA. Kaya naman ang Colosas 2:9 ay hindi isang EBIDENSYA sa pagiging DIYOS NI KRISTO dahil kung ganoon, dahil lang sinabing may PAGKA DIYOS si Kristo kaya siyay DIYOS, lalabas na magiging DIYOS DIN TAYO dahil pwede tayong magkaroon ng DIVINE NATURE ayon sa II Pedro 1:4.
Kaya lumalabas na KULANG NA KULANG pa ang PINAG ARALAN ni Abe Arganiosa dahil hindi niya madepensahan ng maigi ang kanilang doktrina. MALI MALI na nga, kulang kulang pa. Kaya sanay wala ng mauto ang paring ito, maging bukas lang ang ating isip at maging mapanuri dahil nakasalalay sa ating pananampalataya ang ating KALIGTASAN.
No comments:
Post a Comment
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.