"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 3, 2014

Mga nagpapanggap na Iglesia ni Cristo, dumarami

Kung di nyo pa nalalaman, uso na po ngayon ang pagpapanggap bilang miyembro ng Iglesia ni Cristo. Ganito ang kanilang steps:

1. Gagawa ng social media account (facebook, twitter at iba pa) bilang poser (poser-gumagamit ng pangalan at picture ng iba).
2. Magcclaim na Iglesia ni Cristo.
3. Maninira ng ibang relihiyon o gagawa ng masasamang bagay.

Kaya ang ending, magrereak ang mga tao, ikakalat nila at sasabihin, "ano ba yan ganyan pala kayong mga INC", "yan ba yung palaging sumasamba?" "yan ba yung aral sa inyo?", "Pekeng relihiyon talaga ang INC!" etc etc etc...

Kami namang mga INC members eh ipapaliwanag na hindi yon tunay na kapatid, pero yung iba ipagpipilitan pa rin na INC yon at magkukwento ng "eh may kapitbahay nga kami na INC ganito ganyan" etc etc...

Yung totoo, uto uto ka?

Kung hindi ka uto uto, bakit napakadali mong paniwalaan ang mga nababasa mo sa internet?

Bakit hindi mo muna i-try mag research bago manghusga kung tunay nga ang iyong mga nababasa o hindi? Matatanda na tayo, binigyan tayo ng Diyos ng utak para gamitin. 


Pero naiintindihan ko, meron at meron talagang mapapaniwala sa ganiyang mga pagpapanggap. Kaya nga nagpapanggap, malalaman mo lang na napeke ka pag nabisto mo siya.

Kaya sinasabi na po namin sa inyo, tayo po ay MAG INGAT!

Marami kasing tao ngayon ang gumagamit ng fake accounts o kaya naman eh nagnanakaw ng impormasyon ng isang kapatid para gumawa ng account at yun ang gagamitin niya para sa kaniyang masamang binabalak.

Para po sa kaalaman nyo marami nang NAGPANGGAP NA IGLESIA NI CRISTO pero sa huli ay NABISTO din, may DIYOS kami kaya siya ang bahala sa lahat ng nanloloko.

Eto nga, balita sa dzmm:



Nadakip ng pulisya ang dalawang lalaking nagpanggap na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) at nagtangkang mangotong kay United Nationalist Alliance (UNA) Spokesman Toby Tiangco.

Ayon kay Supt. Emma Libunao ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasong estafa with other form of deceit ang kakaharapin nina Anthony Tanquintic, 47-anyos ng Marikina at isang Ruben Policarpio ng Quezon City.

Nag-text umano ang dalawang suspek kay Tiangco at nag-alok na susuportahan ng INC ang dalawang senatorial bet ng UNA kapalit ng P50 milyon.

Nag-abiso naman ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo na hindi nila miyembro ang dalawa kaya agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad.

Isasailalim na sa inquest proceedings ang dalawang suspek.


source: dzmm.abscbnnews.com


Meron pa, eto naman isang miyembro ng ADD nangrape at ipinakilala ang sarili bilang INC member para di raw madamay ang kaniyang relihiyon:




Meron naman na isang twitter account na nagngangalang "Regghie M. Orphiada" ang hanggang ngayoy nag-eexist pa pala at patuloy pa rin sa pagpapanggap na Iglesia ni Cristo pagkatapos laitin ang ibang relihiyon.

Eto po ang isa sa mga print screen photos na kumakalat ngayon sa facebook:



Kung di niyo kilala si Regghie, sumikat ang poser na ito noong kasagsagan ng bagyong Yolanda, ka tandem niya ang isa ring poser account na "Arcan Ville" na hindi imposibleng siya rin yon.  Eto po ang mga nag trending na larawan ng kanilang posts noong panahon ng bagyong Yolanda:




 Nagpa-interview naman sa TV5 ang tunay na REGGHIE ORPIADA at sinabing hindi siya INC member at hindi sa kaniya ang account na yon.





 Meron ding isang "Marites Guazon" na isa din sa mga PEKE ang nagpost ng ganito na umani ng ibat ibang batikos kaya nadamay ang Iglesia ni Cristo.





Eto naman ang latest, ang poser ni "Nathan Faraon":





Nagsorry naman ang tunay na "Nathan Faraon" sinabing katoliko siya at hindi siya ang gumawa noon:




Ngayon, kung nalaman na ninyo na marami palang mga PEKENG "IGLESIA NI CRISTO" ang gumagawa ng masasamang bagay para maisisi ito sa Iglesia, sa susunod na pagkakataon MANINIWALA KA BA AGAD MULI SA MGA IYON?

Kung nabiktima tayo sa unang pagkakataon, papayagan ba nating MABIKTIMA na naman tayo ng mga instumento ng Dyablo?

Tanong mo sa sarili mo: "Uto uto ba ko"?

Sana lang po ay HINDI, dun tayo sa maniwala sa KATOTOHANAN at huwag sa mga manloloko.

Magtanong at magsuri bago manghusga.

Salamat po.

10 comments:

  1. sa ginagawang kalokohan ng mga kumakaaway sa INC, sila sila din kapwa karelihiyon nila ang napeperwisyo.. kawawa naman.. mapapahamak talaga sila pag nanatili sa huwad na relihiyon pati yung mga inosenteng tao nagiging pain ng mga taong sinungaling.. nawa sila ay makaunawa at lumipat na sa tunay na Iglesia para maipagsanggalang sila ng Ama.. dito hindi sila mapapahamak..

    ReplyDelete
  2. nice po ulit Ka ReadMe.. hingiin ko po ang iabng pic u d2 Ka ReadMe ha.. i-edit ko po ng magkatabi gaya nung edit ko po sa ginawang fake listing.. Salamat po.. :)

    ReplyDelete
  3. dapat magkaroon na ng batas, para sa mga ganyang issue, pero sabagay, ang unang iglesia noon sa panahon ni cristo, pinagtutulong tulungan sila upang usigin, ganyan din ang nangyayari ngayon, pinagtutulong tulungan ng mga iba't ibang religion na usigin ang IGLESIA NI CRISTO, dba mga kapatid, napansin nyo ba?

    ReplyDelete
  4. lahat po ng mga nagpapapanggap n mga yan ay laging sinuporthan ng paring si Abe Arganiosa... napansin niyo po b?

    ReplyDelete
  5. Sa pagkakagamit pa lang nila ng words, mapapansin na hindi sila mga kapatid. Hmmm. Anyways, may tanong po ako, totoo po ba yung di sila pinapasok? I'm searching for answers but they gave me different answers. Gusto ko po kasing sagutin mga tanong ng clasamates ko nung panahon na yan. Thank you po sa sasagot. ^^

    Ang pagkabisto ng mga nagpapanggap na yan ay kahayagan lamang na di tayo pababayaan ng Ama. ^^

    ReplyDelete
  6. Wag kng mag alala brother ang tunay na iglesia tahimik anoman klaseng batikis paninira ang gawin nila mananatiling tahimik isang lng ang dahilan...dhil ang tunay na iglesia ni cristo may diyos sa ama nya ipinauubaya lhat ganyan kalaki at kalakas ang tunay na kapatid......

    ReplyDelete
  7. Natandaan nyo ba ang pang gigipit sa mga kapatid sa hacienda luwisita??? Sobrang panghahamak hlos itaboy pandirihan kasuklaman itratong hyop pero ni isa walang tumalikod naging tahimik ang lhat ng kapatid ndi naghimagsik laban sa pamunuan ng pabrika kundi nanindigan sa magagawa ng amabg diyos.........iyan iyan ang mga tunay na kapatid khit anong panggigipit paninira panghahamak mananatiling tahimik dhil sa diyos nya lhat inihahabilin.......mga kapatid magtumibay tyo magpuri sa diyos hanggang matapos ntin ang ating takbuhin.....

    ReplyDelete
  8. Sana po matapos na ito. Catholic po ako. Hiling ko tlaga na sana matapos na ang kaguluhang ito. Tinuro sa amin ng mga katikista na kahit iba iba tayo ng relihiyon parepareho at iisa lang naman ang layunin natin dito sa mundo at iisa lang ang kaaway natin... mga demonyo

    ReplyDelete
  9. I'm a\Catholic and have nothing against any religion. Let's just live in harmony..

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.