"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

October 1, 2014

Tanong at sagot (updated)

Sa artikulong ito pagsasama-samahin at isa isang sasagutin ang mga simpleng tanong at mga bagay-bagay sa Iglesia ni Cristo na hindi pa nalalaman at naiintindihan ng mga di kaanib.

Ang mga sagot dito ay simpleng katotohanan, nasa inyo kung papaniwalaan nyo, pero pag nag Iglesia kayo malalaman at malalaman nyo rin naman ang mga bagay na ito at kayo na mismo ang makakapagpatunay sa mga ito.

Sa mga kapatid, marahil narinig na ninyo o natanong na sa inyo ng inyong mga akay, kakilala, kaklase, kapamilya, kaibigan, katrabaho, kaeskwela, at iba pa ang mga "paniniwala at tingin" nila sa Iglesia ni Cristo, kaya kung meron pa kayong nalalamang mga simpleng tanong na nangangailangan ng kasagutan ay pwede nyo pong i-komento dito para maidagdag sa post na ito.