"Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.
Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya;"
Itong mga talata daw na ito sa bibliya ay katunayan na DIYOS si Kristo at may PRE-EXISTENCE si KRISTO. Pero ang isang matinding tanong, SI KRISTO BA ANG "KARUNUNGAN" na ito?
Ayon kasi sa Kawikaan 8:12 bago ang 22-30:
"Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita."
Sinasabi nila na ang KARUNUNGAN daw na ito ay si Kristo dahil sa I Cor. 1:24, ang sabi siya ay kapangyarihan at KARUNUNGAN ng Diyos:
"Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios."
Mga dapat PAG-ISIPAN
Una sa lahat, hindi kami against sa nilalaman ng bibliya sa Kaw. 8:22-30, ang against kami ay sa pagsasabing ang KARUNUNGAN daw na iyon ay si KRISTO.
Pero dahil mabait ako, sige, sakyan natin yan, oh sige na nga, si Kristo na ang "KARUNUNGAN" na binabanggit sa Kaw. 8:22-30, pero pag tinanggap mo na siya nga iyon, handa ka bang tanggapin na siya rin ay BABAE?
Basahin nga natin sa english na bibliya, sa english kasi pag tumutukoy sa babae, SHE at HER ang nilalagay, pag sa tagalog kahit pa tumutukoy sa babae eh wala naman tayong nilalagay ng katulad ng ganoon...
"Doth not wisdom cry? and understanding put forth her voice? She standeth in the top of high places, by the way in the places of the paths. She crieth at the gates, at the entry of the city, at the coming in at the doors." Proverbs 8:1-3
Sige, patunayan niyong babae si Kristo ayon sa bibliya, tatanggapin ko nang si Kristo ay Diyos. Game!
Ayon naman sa Kawikaan 8:27-29:
"Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:"
Kung si KRISTO ang "KARUNUNGAN" kung saan sa pamamagitan niya nalikha ang lupa ayon sa bibliya, sino naman si "KAUNAWAAN"?
Sa pareho pa ring Chapter, ganito ang sinasabi:
"Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan." Kawikaan 3:19
Aantayin ko po ang inyong magiging mga kasagutan...^^
Bago ko tapusin to, gusto ko lang ipagbigay alam na hindi kami against sa I Cor. 1:24 kung saan sinasabing si Kristo ay kapangyarihan at KARUNUNGAN ng Diyos. Pero ang punto dito, hindi naman sa lahat ng pagkakataon sa bibliya eh pag sinabing "Karunungan" eh si Kristo agad ang tinutukoy noon.
Bro. Readme salamat sa effort mo sa Kawikaan na tanong ko, napakalinaw ng pagpaliwanag mo dito bro.....
ReplyDeleteKapag nasainyo ang Holy Spirit. Malalaman ninyo na si Jesus ang Karunungan na binabanggit jan sa kawikaan.
DeleteNice article bro.. Isa ito sa mahilig gamitin ng mga alagad Ni Mr.(Fugitive) Eli Soriano... Sa una mapepeke ka talaga nga sa mga nilalatag nilang verse na nagpapatunay daw "kuno" ng pre-existence ng ating Panginoong Jesucristo, pero kung hindi mo susuriin o kaya'y iwawangis sa ibat-ibang salin ay malalaman mo na ang KARUNUNGAN na sinasabi nilang si "CRISTO" ay isang BABAE.
ReplyDeletePatawarin nawa sila ng Panginoong Diyos sa paglapastangan sa kanyang "bugtong na anak" , ang ating Panginoong Jesucristo.
Sa Jeremias 10:12 may mababasa ding ganito:
ReplyDelete" Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:
Idagdag na rin natin ipasagot sa kanila kung si Cristo ang "karunungan" sino naman si "kapangyarihan"?
Taglagang hindi po ang Panginoong Jesu-Cristo ang "KARUNUNGAN" sa Kawikaan .. hindi lang po dahil sa ito ay nasa "FEMALE GENDER" kaya ginamitan ng pronoun na "HER" at "SHE" kundi talgang niliwanag sa Biblia na ang "WISDOM" o "KARUNUNGAN" sa Kawikaan ay isang BABAE
ReplyDeleteKaw 7: 4 "Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa: "
ngeon kaya po ba nating sabihin sa ating Panginoong Jesu-Cristo na sya ay KAPATID NATING BABAE?
at ang KARUNUNGAN po sa kawikaan ay sya din ang KAUNAWAAN"
Kaw 8: 14Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,"
ngeon ay maari ntin silang hamunin kung saan nila mababasa sa BIBLIA na ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay "KAUNAWAAN"
eto pa ang karungunan po ay galing sa Bibig ng Panginoong Dios
KAw 2: 6 "Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan: "
kaya po kaya nilang tanggapin na lumabas sa Bibig ng Dios si Cristo?
eto pa kapag ka tinanggp natin na si Cristo ang "KARUNUNGAN" sa KAwikaan SINO NAMAN SI KABAITAN NA KASAMA NI KARUNUNGAN NA MAGIGING BUHAY SA ating KALULUWA ? Dios din ba yun?
Kaw 3:21Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg. "
ang nasa KArunungan po sa KAWIKAAN ay isang Personification hindi dapat unawaing literal.
nagmamarunong lang naman ang tagausig na mga yan...hindi nila kasi nila alam ang kaibahan ng karunungan na binabanggit sa aklat ng kawikaan at si Cristo na karunungan din ng Dios...yung nasa kawikaan, karunungan sa "paglalang" at si Cristo ay karunungan sa "pagliligtas"
ReplyDeleteka readme meron po akong nabasa sa pasugo na tutuong si Cristo ang karunungan, ngunit sa pagliligtas hindi sa paglalang.
ReplyDeletealam nyo po ba yung talatang makapagpapatunay dito??
dagdag pointers narin po.
salamat and more power!!!!
Post nyo naman po para alam din namin
Delete1 Cor 1
Delete24Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.
30Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan:
Eh sino po yung SHE (as in babae), nung panahong "WALA PANG PASIMULA"? :)
ReplyDeleteYun nga po yung KARUNUNGAN. at sainyo naman, yung BABAE na yon eh si KRISTO.
Deletepakibasa po uli yung article para okay tayo^^
Yun bang pagakakagamit ng SHE gender stand nyo ryan o figure of speech? Paki pili nga po, alin dyan sa dalawa? Kasi kung gender stand nyo, ibabalik ko nga po yung tanong sa taas:
ReplyDeleteSINO YUNG BABAE nung panahong walang pasimula? may isasagot po ba kayo?
Ang sa akin kasi hindi gender pagkakaintindi ko dyan. Kapag ang isang bagay na tutukuyin mo walang kasarian halimbawa mayon volcano, "SHE is beautiful" hindi gender tinutukoy dyan. Parang si Kristo tinatawag din "ROCK", siempre ang gagamitin ko dyan komo walang gender ay "SHE" at hindi HE. Kaya hindi lalabas na babae para sa akin si Kristo dahil lang sa pagkakagamit nung "SHE".
Yung tanong mo ay nasagot na ni AXL CLARENCE, pakibasa na lang sa itaas. Ayaw ko ng magpaulit ulit pa. Wala akong sinasabing GENDER yan. Ang sinabi ko, yung babae doon ayon sa pagkakasabi na HER AT SHE ay tumutukoy sa KARUNUNGAN at hindi kay Kristo.
DeletePersonification ang tawag doon. Yung wisdom wala talagang gender yon, pero si Kristo meron, kaya nga sinabi ko na hindi pwedeng tumukoy kay KRISTO dahil meron siyang kasarian at hindi siya isang babae. Para sa inyo kasi si Kristong Diyos nyo eh babae. Pupwede mong ikapit ang HER kay Kristo kung noon eh wala pa siyang kasarian, kaso hindi eh, kahit wala pa yung pangalan ni Kristo sa bibliya nakalagay na yung word na SON, ibig sabihin ang anak ng Diyos eh lalake.
At bakit naman ipersonofied ang isang lalake at tawaging babae?
Pinagbigayan ko lang tong comment mo. Basa din ng rules pag may time. Salamat.
kahit wala pa yung pangalan ni Kristo sa bibliya nakalagay na yung word na SON, ibig sabihin ang anak ng Diyos eh lalake.
DeleteSa inyo na rin nanggaling na wala pa si cristo sa bibliya may anak na ang dios na lalake. So kung ano ang magagawa ng ama, magagawa rin ng anak, dios ang ama, dios din ang anak.
Hind pa kc nag kakatawang ang karunungan at kapangyarihan....kaya paralang syang tulad nga ng isang bagay.......ginamitan ng she...
ReplyDeleteAng talino naman ng nagpost. Sabi nya tinanggap nya na si Cristo ang sinasabi sa kawikaan. Tapos nung eninglish She na daw. Pag may nabasa ka na may tite at pepe na nung umpisa o gender panalo na kayo. Siraulo pala kayo nagkagender lang nung itinatag ang sanlibutan eh.
ReplyDeleteano po ba yung personifacation??
ReplyDeleteano po ang meaning
thanks
ang Pilipinas tinatawag din "she". Babae ba ang Pinas?
Deletewala sa logic ang nagblog dito, kabobohan lang ang mga paliwanag.
Tao ba ang Pilipinas? Sus eto talaga. Kung makapagbintang na 'bobo', wagas hahaha. Si Cristo na mismo ang nanalangin na ang Ama ang "nag-iisang tunay na Diyos," ayaw pa paniwalaan ang Panginoong Jesus. Hays. Tsk tsk.
DeleteObvious na napakababaw ng pagkakaalam mo pagdating din sa grammar. Porke ba "she at her" ung nakasulat sa Prov 8:1-3 ibig sbhn, ung karunungan e ndi na c Cristo dhl babae ung pronoun na ginamit??
ReplyDeleteKung ganun, pero naniniwala kayo na c Cristo ang bato sa Mat 16:18? E ang bato sa orihinal na translation ng biblia ay nangangahulugang "petra". Meaning, a mass of rock! Ang karunungan sa greek ay "sophia" kaya she at her ang ginamit na pronoun dhl inanimate object ung wisdom eh. Wag mo sbhn na may gender ang inanimate object? Ang Pilipinas pag binigyan dn ng pronoun, she rin ang binabanggit. Ang earth dn kadugtong ng mother at ndi father. Kadalasan ng maririnig mo sa mga inanimate object, babae. Kht msgtanong ka pa sa mga grammarian, alam yan!
Ndi ba bias na tanggapin nyo na c Cristo ang "petra" sa Mat 16:18 tapos sa Prov 8:22-30 ndi nyo matanggap dhl "she" ang pronoun sa wisdom?? Obvious na pangliliko ito sa mga mambabasa mo.
Cnabi dun sa Prov 8:22-30, ang karunungan ang inari ng Panginoon buhat pa nang pasimula, bago nalikha ang lupa. Ang karunungan na tinutukoy ng Dios, nag iisa un at hindi iba tulad ng binanggit mo dhl hindi naman iba iba ang karunungan ng Dios. Ndi mo rin naman matitindigan na iba ung karunungan na tinutukoy sa mga talata sa Kawikaan at sa Corinto eh. Pero kaya kong patunayan na c Cristo ang karunungan na un. Basa!
6 Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:
7 Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:
8 Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian:
1 Corinto 2:6-8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Dyan, malinaw na cnasabi na ung karunungan ang itinalaga ng Dios bago nilalang ang sanlibutan at c Cristo ang malinaw na karunungan na tinutukoy.
24 Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
Awit 104:24
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Malinaw pa sa sikat ng araw na ang karunungan ay ginawa ang lahat. Kaya ang karunungan na yan ay ang salita ng Dios.
1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
Juan 1:1-3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Malinaw na cnasabi dyan na ang Verbo o salita ang naging dahilan kaya nagawa ang lahat ng mga bagay. Ang sabi nyo, ang verbo ay plano pa lang. Paano magiging plano yan e pangalan yan ng person na un?
13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
Apocalipsis 19:13, 16
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan malinaw na malinaw pa yan sa sikat ng araw yang mga talata na yan. Pag ndi mo pa nakita yan o naunawaan, isa na lang yan. Bulag ka talaga!