"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

February 15, 2015

SDA vs. INC debate 2015


SAGOT SA MGA ARGUMENTO NG MGA SABADISTA SA KANILANG PAGKATALO SA DEBATENG GINANAP SA BANSUD, MINDORO ORIENTAL AT SA IPINALABAS NA VIDEO NA DIUMANO’Y “FINAL RESULT” NG DEBATE


Sa unang tindigan pa lang ay nakita na ng mga dumalo kung aling Iglesia ang tunay na may dala ng katotohanan o Salita ng Diyos. Ang representative ng INC na si Kapatid na RAMIL PARBA ay ginamit ang Biblia sa pagpapatunay na ang IGLESIA NI CRISTO (INC) ang ililigtas ni Cristo sa araw ng Paghuhukom. Sa panig naman ni Ginoong JAIME FAJARITO ng Seventh-Day Adventist Church (SDA), ang kapansin-pansin ay ang hindi niya pagbuklat ng Biblia sa kaniyang pagsasalita kundi ginamit ang kaniyang sariling opinion upang pabulaanan ang mga katotohanang inilantad ni Kapatid na Ramil Parba.

PAGKATAPOS ng pagtalakay ng unang paksa ay lumapit sa grupo ng IGLESIA NI CRISTO ang Honorable Mayor ng Bansud na si Mr. RONALDO MORADA. Hinihiling niya na palitan ang mga nagde-debate dahil ang analysis niya sa unang tindigan ay “TALONG-TALO” ang mga Sabadista at “NO MATCH” ang kanilang tagapagsalita na si G. Fajarito. Sinabi namin sa kanila na kausapin nila si G. Fajarito kung papayag siya na palitan na siya dahil hindi na niya kaya na tumayo sa panig ng Sabadista. 


Noong pre-debate conference ay kinausap namin siya at tinanong kung may iba pang tatayo sa panig ng Sabadista dahil sa maaaring dalawang ministro ang kumatawan sa INC. Boong kayabangang sinabi ni G. Fajarito na kayang-kaya niyang tumayong mag-isa kahit na dalawa pa ang tatayo sa panig ng INC. 

Hindi pumayag si G. Fajarito na pagbigyan ang mga debatista nila na palitan siya. Ang mga nais na pumalit sa kaniya ay ang mga debatista nila na bumubuo ng kanilang programang BERSIKULO-KAPITULO, ANG TINIG SA ILANG at BACK TO SCRIPTURES. Dahil dito, ang mga sumoportang debatista ng SDA na sina Richard Thompson at Ronald Obidos ang nakipag-usap sa Moderator na si ATTY. IRENO MOLATO na isang MTC Judge.

Bakit kaya hindi nila kinausap ang mga District Ministers ni G. Fajarito na payagan niya silang tumayo para naman sila makabawi? Nakasaad naman sa nilagdaan ni G. Fajarito na hindi obligadong ang nakalagda ang siyang tatayo! Bakit hindi nila ginamit ang nilagdaang kasunduan para sila tumayo sa panig ng Seventh-Day Adventist Church?

Anu-ano pa ang kanilang mga pangangatwiran kung bakit sila NATALO sa debateng ito? Napakababaw ng kanilang mga pangangatwiran pero kailangan din nating sagutin para hindi nila mailigaw ang mga tao.

ARGUMENTO:
Ang tumayo sa panig ng mga Sabadista ay isang LAYMAN lamang kaya ano raw ang magagawa ng isang ordinaryong miembro laban sa top debater ng INC.

SAGOT:
Ang pagpapakilala ni G. Fajarito sa pag-uusap nila ng Tagapangasiwa ng Mindoro Oriental na si Kapatid na Norberto Fabaleña at ng kasama niya na Pangalawang Tagapangasiwa na si Kapatid na Nepthali Panes, siya ay isang “HEAD PASTOR” at “ORDENADO,” at hindi karaniwang kaanib lang o “LAYMAN” gaya ng sinasabi ng mga Sabadista sa video. Bakit siya ang kumatawan sa kanilang grupo sa Mindoro kung wala siyang mataas na posisyon sa kanilang grupo at hindi siya totoong pastor? Bakit hindi tumayo ang mga diumano’y mga district pastors nila sa Mindoro at sa halip, ang pinatayo nila ay si G. Fajarito?

Saka nila ngayon sasabihin na “LAYMAN” lang ang kanilang kinatawan sa debate? Anong matinong relihiyon ang magpapadala ng kinatawan sa debate na ang ihaharap sa kalaban nila ay karaniwang kaanib lang gayong napakarami nilang mga pastor sa Mindoro?

Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Si G. Fajarito o ang kaniyang mga kasamang pastor sa Mindoro o ang grupo nina Ronald Obidos na mga diumano’y mga batikang debatista ng SDA?
Halos ganiyan din ang kanilang pangangatwiran noon ukol kay G. Richard Thompson nang siya ang tumayo sa panig ng mga Sabadista sa debateng ginanap sa San Fernando, Pampanga – na siya ay “miembro” lang at hindi ministro. Ngayon ay medyo umasenso na si Richard Thompson, ayon sa kanila ay “Evangelist” na siya ngayon kaya kung napansin ninyo, noong huling tayo ni G. Fajarito ay nakatayo din siya at binubulungan si G. Fajarito ng kung anu-ano, kaya tuloy naiipit ng husto ang pobreng depensor ng SDA.

ARGUMENTO:
Nakita daw nila ang “mahinang pundasyon at mahinang katuwiran ng ating layman na si Brother Fajarito” kaya natalo sila sa debate.

SAGOT:
Talagang kapag ang aral ay wala sa Biblia at salungat sa Biblia ay talagang mahinang pundasyon at wala sa tunay na katuwiran. Kitang-kita ang kahinaan nila sa panahon ng debate. Ipagpalagay na, na si G. Fajarito ay layman, kung tunay naman ang aral nila at malakas ang pundasyon ng aral nila ay hindi sila matatalo.

Sa video na ipinalabas ng mga Sabadista ay natiyak natin na NAGSISINUNGALING sila para pagtakpan ang kanilang pagkatalo sa debate. Kung totoo na “layman” lang si Fajarito, di nagsisinungaling si G. Fajarito at ang mga kasama niyang mga pastor nang sila ay makipag-usap sa mga kinatawan ng INC sa pre-debate conference. 

Kung totoo naman ang sinasabi ng grupo ng ANG TINIG SA ILANG na si G. Fajarito ay layman, ay para na ring nilang sinasabi na nagsinungaling si G. Fajarito sa harap ng mga pastor niya at sa amin na mga Iglesia Ni Cristo nang boong pagmamalaki niyang ipakilala na siya ay “HEAD PASTOR” ng bayan ng Bansud. Kung totoo naman ang sinabi ni G. Fajarito ay lalabas na sinungaling ang grupo ng ANG TINIG SA ILANG na kasama dito sina Richard Thompson at Ronald Obidos.

Kung ganoon, ang mga Sabadista ay mga SINUNGALING! Sino nga ba ang Ama ng mga sinungaling? Basahin ang Juan 8:44 para malaman kung sino ang Ama ng mga Sabadista. Basahin din ang Apocalipsis 21:8 para malaman kung saan ang bahagi ng mga sinungaling.

PARATANG:
Si Ka Joe Ventilacion daw ang nag-request sa Moderator na magsalita ng CONCLUSION o SUMMATION.

SAGOT:
Nagsinungaling na naman ang mga SABADISTA. Ang talagang nangyari ay hinikayat nila ang Moderator na halatang panig sa kanila dahil sa kaibigan siya ni G. Fajarito at ang moderator na ito ang siyang pinili ni G. Fajarito na mag-moderate sa nasabing debate. Nagawa nilang mapapayag ang moderator na siya namang nakiusap kay Ka Joe Ventilacion.

Ang moderator ang lumapit at nakiusap kay Ka Joe Ventilacion at HINDI si Ka Joe ang nakiusap sa Moderator na kung puede ay magkaroon ng “summation” o “conclusion” for 15 minutes. Makikita sa video na sila ang lumapit sa dakong kinalalagyan ng mga INC.

Hindi gagawin ni Ka Joe Ventilacion na siya ang makikiusap sa moderator dahil sa kitang-kita naman niya kung paano natalo na sa unang tindigan ang mga Sabadista. Isang malaking KASINUNGALINGAN na naman ang pahayag na ito ng mga Sabadista.

Ang totoo, kasama ng moderator si Mayor na nakipag-usap sa INC, na kung pupuede ay magkaroon ng summation for 15 minutes. Ito ay plano ng mga SABADISTA upang kahit papaano ay makabawi sila sa “kahihiyan” na sinapit ng kanilang grupo sa unang tindigan pa lamang at sa boong panahon ng debate. Dahil sa pakiusap ni Mayor na awang-awa sa mga Sabadista ay pinagbigyan na ni Ka Joe Ventilacion na magkaroon ng summation sa loob ng 15 minutes. Sina Mayor na rin ang humiling na si Ka Joe Ventilacion ang magbigay ng conclusion. Dito sa bahaging ito pumayag si Ka Joe Ventilacion subali’t nang tumayo na si Ka Joe Ventilacion ay biglang binago ng moderator ang 15 minutes at sinabi niyang 5 minutes na lang! Kaya sinabi sa kaniya ni Ka Joe Ventilacion na ang unang usapan ay 15 minutes kaya pumayag siya sa pakiusap ni Mayor at ng Moderator.


CONCLUSION:

FINAL RESULT ba ang video na ipinalabas ng mga Sabadista? Bakit ang ipinalabas ng mga Sabadista ay ang pinamagatan nilang FINAL RESULT at di ang buong video ng debate? Alam ba ninyo kung bakit? Ang sabi nila ay ‘MALAKING KAHIHIYAN” ang kanilang tinamo sa naturang debate.

Kaugnay nito, bunga ng kanilang pagkatalo ay nagkaroon ng matinding sama ng loob si G. Romy Pedrosa, isang elder ng SDA na taga-Pinamalayan, Mindoro Oriental na IKINAMATAY niya. Nanghihinayang kami na hindi na niya nagawang makaalis sa pagiging Sabadista o sa maling relihiyon at makalipat sa tunay na Iglesia. Nakikiramay kami sa kaniyang pamilya at kalakip ang dalangin na sana ay magawa din nilang makapagbulay-bulay at maisip nilang mali ang kanilang inanibang relihiyon.

Bakit pa sila sa nagpalabas ng video na pinamagatan nilang FINAL RESULT? 

Ang akala ba nila ay makakabawi pa sila sa pagpapalabas nito? Wala naman silang napatunayan sa kanilang sinasabing conclusion kungdi ang napatunayan pa nga ay ang kanilang PAGSISINUNGALING na madali namang mahuli ng kahit na sinong matinong tao.
Binanggit din nila na matagal na nilang hinahangad na muling makalaban sa debate ang INC at panay daw ang kanilang pagpapadala ng kahilingan sa Central Office ng INC. Isa na namang KASINUNGALINGAN ito ng mga Sabadista! Baka naman nangangarap sila ng gising o kaya ay “feeling” nila ay mananalo sila sa kanilang pakikipag-debate laban sa INC.

Kung ang pakiramdam nila ay nanalo sila sa mga debate laban sa INC, bakit panay ang kanilang pagpapadala ng sulat na hinahamon nila ang INC sa debate? Kung baga sa boxing, di ba lumalabas na sila ay challenger? Kadalasan, ang challenger ang humahamon sa champion at hindi ang champion sa challenger.

Kaya noong Martes ay humiling sila ng panibagong PRE-DEBATE CONFERENCE kay Ka Norberto Fabaleña. Ito ay dahil sa gusto nilang makabawi sa pagkatalong tinamo nila sa nasabing debate. Ang tanong ay ito: MAKAKABAWI kaya? Isa pang tanong? LAYMAN ba uli ang ilalaban nila sa Iglesia Ni Cristo? O baka naman isang pastor na kapag natalo ay ikakaila nilang pastor at sasabihing karaniwang miembro lang upang mapagtakpan ang kanilang kahihiyan.

Abangan ang susunod na pagkatalo ng mga Sabadista.


article from a source 

Para po sa videos ng debate, click nyo po ito :)


23 comments:

  1. "Di Na Natuto" - the title song by Gary V is applicable to them (SDA).

    ReplyDelete
  2. Ka Readme, hindi kaya nababasa ng mga Sabadista ung nakalagay sa tarpaulin kung sono si G. Pajarito?

    ReplyDelete
  3. Oo nga e. sabi ni Obidos si ellen g white daw ay tagapagtatag din lang lokal. e di ba yan din ang doctrina natin tungkol sa sugo. Pwede pala ang ganung argumento kapag para sa SDA pero kapag para sa INC ay hindi pwede. Sabi ni ubidos putol-putol daw pag magbasa ang INC, e sya rin naman putol-putol kung magbasa. Lage namang talo sa debate yang si Obidos at yang si johnson ameca parang c fajarito din yan. Yung judge na moderator may kiling sa SDA yun kitang-kita naman style nya.

    ReplyDelete
  4. when kaya ang part 2 sana hindi layman ang iharap para kung baga sa boxing pakyaw bs marquez haha....

    ReplyDelete
  5. napanuod ko na po yung debate kapatid, puro ipapaliwanag ko mamaya nmn po sagot nung taga SDA. tsaka halata nmn po kung sino yung nagsasabi ng totoo. at tsaka bat puro po mga pasugo natin binabasa niya? tsaka may bias din po yung moderator kapatid, halata po . taz ito namang si Pajarito pasipsip pa. pa iba iba pa ng sagot . .common noun, proper noun . .ano kaya yun? sabi din po nila baka may susunod pa raw po. . . di na kailangan ng susunod, talo na nga sila.

    ReplyDelete
  6. Magtatanong lang: Juan 10:31,33 = Ano ang kanilang paniniwala sa mga taong ibig batohin si Kristo? (A) Sila ba ay naniniwala na si Kristo ay Dios ? o (B) Sila ay hindi naniniwala na si Kristo ay Dios kundi tao lamang.. Alin sa dalawa ( A ) or ( B )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Some quote verse 33 to prove Jesus is God. Note that the verse does not say that Jesus is God, or that he claimed to be God, but rather that the Jews said that Jesus was making himself “God.” We assert that an accurate translation of John 10:33 would reveal that the Jews said that Jesus was claiming to be “a god,” i.e., a representative of God. [51] Because they did not believe he represented God at all, they were actually going to stone him, which indicates that their overall spiritual perception was perhaps somewhat distorted. Let us look at Jesus’ reply:

      John 10:34-36 (NASB)
      (34) Jesus answered them, “Has it not been written in your Law, ‘I SAID, YOU ARE GODS’?
      (35) “If he called them gods, to whom the word of God came (and the Scripture cannot be broken),
      (36) do you say of Him, whom the Father sanctified and sent into the world, ‘You are blaspheming,’ because I said, ‘I am the Son of God’?

      In verse 34, Jesus is quoting from Psalm 82, verses 1 and 6. There, as in other Old Testament references, representatives of God were referred to as “gods.” This was a common Hebrew usage that all the people understood. Jesus quotes these references, and then says, in essence: “Look, if those Old Testament leaders and judges were referred to as ‘gods,’ what about me? I am by far the best representative God has ever had. Why do you say I am blaspheming when I say I am the Son of God?”

      Because, in all honesty, if we're going to use John 10:33 as evidence for the Trinity, we'd also have to accept the deity of Moses because he was a "god" unto Pharaoh.

      Delete
  7. KAYA kaawaan NATIN ang sda DAHIL malaking kamalain at kahihiyan ang kanilang pagkapahiya tadeo1:23

    ReplyDelete
  8. sana mas malinaw ang audio sa next debate

    ReplyDelete
  9. Excited na po ako sa next debate.

    ReplyDelete
  10. Your religion will not save you. By the end of the day, you alone will face the Lord and not your church leader or religion. Kaya please lang, useless ang debate ng religion sa religion. Kung sino man manalo edi wow. The question is "How's your relationship to our Savior?"
    wake up! Sino ba tayo para i-judge other's faith.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mark Lopez: Bakit nagtayo pa ang Panginoong Jesucristo ng iglesia ayon sa Mat. 16:18 kung hindi pala ito kailangan sa kaligtasan ng tao? Please answer..

      Delete
  11. sana po maitopic nyo po ung history ng adventist at mga false teachings ni EGW at kung ppde po ba mging sugo ang babae. sana po ka readme mkatugon po kau. slamat

    ReplyDelete
  12. Seventh Day Adventists at sorry po sa personalan pero hindi po false teachings ang itinuturo ni Ellen G. White ang mga last day eventts ay parating na at nasa amin ang doctrina na totoo at HIGIT po sa lahat ang sinusunod po namin ang SAMPUNG UTOS NG DIYOS na siya may di gawa ng tao. KAhit po kamiy natalo kami po ay Panalaong - panalo sa langit thank you po sa paglaban po ng ating doctrina Pastor! HAPPY SABBATH

    ReplyDelete
    Replies
    1. Umm lahat naman ng religion nag tuturo na malapit na ang wakas


      Pero bago dumating ang wakas ano ba ang gusto ng dios
      At layunin ni cristo
      San nya ba gustong dalhil ang mga tao para maligtas bago abutan ng katapusan


      Dba nung sinabe nia sa mateo 16:18
      Mayron syang itatayong iglesia

      Sino yon yung iglesia nya ba na itatayo

      Yun din ba ang iglesia na naka sulat sa roma 16:16

      At kung yun nga

      Sang ayon kaba na ang natubos ng dugo ni cristo
      Ay mababasa sa gawa20:28 sa lamsa translation

      At kung sang ayon ka ibig sabihin ba tunay ang aral ng iglesia ni cristo
      Na nakasulat sa biblia

      Diba ang gusto ni cristo pumasok tayo sa loob ng kawan

      Ang kawan
      Yan ang iglesia ni cristo

      Buhat pa ng una

      Delete
  13. Sa lahat po ng Seventh Day Adventist wag po tayo mawalan ng pag asa dahil Ang Panginoon Ay nasa atin alam ko na mahal tayo niya at di pababayaan ang bayan niya. Para po sa mga di SDA hindi po namin diyos si Ellen G White siya po ay nakakita ng bisyon na parqating na ang katapusan. TAyo po mga aking brothers and sisters natalo po tayo sa debate pero panolong panalo tayo sa langit nawa po ay maging masagana tayo at mahalin at tulungan ang ating mga kapwa at ang Cristo Hesus na lumalang ng langit at lupa may channel po tayo sa tv 3ABN. HAPPY SABBATH PO MGA KAPATID!

    ReplyDelete
  14. hmmn..nakakalungkot po at nakakapanglumo na makitang mali ang matagal na nating sinasampalatayanan. Pero sana po ay ito ang daan para mamulat ang mata natin sa tunay na daan na dapat nating tunguhan.Napaka swerte po ntin dahil nakasaksi tayo sa mga gantong bagay, dahil nakita o napanood natin nasaksihan kung sino ang tama at mali...sana po ay mag silbi itong daan para mapunta tayo sa tamang pagsamba sa kanya. Tandaan po natin na buhay pa tayo at naniniwala po ako na hindi niyo ito napanood para baliwalain lang..ipinakita lang po sa atin ng diyos at gusto niya na malaman natin ang tama. Hindi pa po huli ang lahat para makapag bago o hindi pa po huli ang lahat para tanggapin ang tama at iwan ang mali.



    Salamat po at sana may makaintindi kahit isang tao lang.

    ReplyDelete
  15. Inquiry lang po. Matutuloy ba kaya ang next debate? Kung hindi matuloy, sino kaya ang umuurong?

    ReplyDelete
  16. Mga INC, mawalang galang lang po pati narin po sa mga di sabadista, si Felix Manalo po ay former na adventista at inaassume ko po na alam nyo po iyon pati na ang meaning ng "former"... obvious naman po na kaya warfreak ang mga INC members kasi po pride lang ang umiiral sa mga kaluluwa nila na syang tinuturo ng mga rigid church leaders... Sabi nyo sinusunod nyo ang sampung utos ng Diyos pero hindi kayo marunong magpakumbaba, mahilig makipagaway at hindi tama ang araw ng pagsimba... Thank you po, no offense, awat lang po.

    ReplyDelete
  17. Nice one Sebastian... ang Seventh-Day Adventist lang ang religion na hindi ko mahanapan ng flaws... ilang beses ko pinanood yung debate... pero nung pinanood ko yung mga video sa amazingfacts.org, nagpakonvert na ko mula INC to SDA...

    ReplyDelete
  18. Mawalang galang po sa mga sda panoorin na lang po natin ang full video at hindi lang 15 minutes ay magbulay bulay tayo mga kaibigan.....

    ReplyDelete
  19. Para po sa may-ari ng blog na ito maari po bang gumawa ng blog nanagpapaliwanag kung bakit naalis si Ginoong Freddie Suguitan na isang ministro na ngayon naging Sabadista sapagkat sinasabi nya dahil daw sa debate at kaguluhan nangyari sa iglesia hindi po ako maniniwala doon huwag nyo lang ipublish message ko hihintay na lang po ako sa gagawin nyo na blog....

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.