"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

April 2, 2015

Kahit ang demonyo pala ay naniniwala na iisa lamang ang Diyos

Sa old testament mababasa natin na ang TANGING DIYOS na kinikilala nila ay IISA at itoy walang iba kundi ang AMA. 

Wala po tayong mababasa na kumilala sila sa ISANG DIYOS NA MAY TATLONG PERSONA at hindi rin sila kumilala kay "Kristong Diyos na nasa langit" (ayon sa paniniwala ng mga trinitarians) bilang isa pang Diyos na dapat sambahin. 


"Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno?" Malak. 2:10

Sa new testament, IISANG DIYOS lamang din po ang kanilang sinamba walang iba kundi ang AMA, kailanman po ay hindi sila kumilala kay Kristo bilang isa pang Diyos. Si Kristo ay ating Panginoon at tagapamagitan sa Diyos, at hindi siya mismo ang Diyos:


"iisa ang Diyos, iisa rin ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao- si Kristo Jesus na tao." I Tim. 2:5
Dahil mismo si Kristo, bilang tao at anak ng Diyos ay kumikilala sa TUNAY NA DIYOS, walang iba kundi ang AMA:

"Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo." Juan 17:3

Kung ang mga alagad ng Diyos ay naniniwala na IISA LAMANG ang Diyos at itoy walang iba kundi ang AMA. Eh yung mga demonyo kaya, nanampalataya ba sila na IISA LANG DIN ang Diyos?


"Nananampalataya kang iisa ang Diyos. Mabuti ang iyong ginagawa. Maging ang mga demonyo ay nananampalataya at nanginginig" Sant. 2:19 

Ayan po maliwanag sa bibliya, kung nanampalataya kang IISA ANG DIYOS (Hindi basta isa lang, o dalawa o tatlo) MABUTI ANG IYONG GINAGAWA. Maging ANG MGA DEMONYO pala ay NANAMPALATAYA at nanginginig pa.

Biruin nyo kahit mga "demonyo" alam na ang Diyos ay IISA LAMANG. Hindi dalawa, hindi tatlo at hindi ISANG DIYOS NA MAY TATLONG PERSONA.


Tanong:

Kung maski mga "demonyo" ay nanampalataya sa IISANG DIYOS, paano naman yung mga taong hindi kumikilala sa TUNAY NA DIYOS, kundi kumikilala sa Diyos na may tatlong persona o sa dalawa o tatlong Diyos?

Sila bay masahol pa sa mga "demonyo"???


2 comments:

  1. JUAN 8:58
    58Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, ‘Ako ay Ako Na’.”
    John 5:46 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.(Jesus) sa makatuwid ang itinakwil ng mga Judio noon at itinatakwil ng mga tao ngaun ay ang nag iisang Dios at yan ay si Jesus Christ.

    Efeso 4:5 One Lord, one faith, one baptism,Sino yang Lord na yan na ibinautismo ng mga Apostol?Acts 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.




    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.