Contribution post ni Ka Mark Leon:
Umani ng sandamakmak na batikos mula sa samahan ng ADD at ni ES ang Case Unclosed ng GMA 7 na pinangungunahan ni Arnold Clavio. Ang dahilan ay itinampok sa programa ang Rape Case laban sa lider ng ADD na si ES bunga ng isinampang reklamo ni Daniel Veridiano. Ang pamagat ng episode, “Bro Eli: Paninirang Puri?”.
Ipinalabas noong June 18, 2009 at Kinondena agad ito ni ES at ng mga miyembro na ADD “unfair, biased” ,“reckless” at malinaw na hindi nagsaliksik ang bumubuo ng programa bago ipinalabas ang report. Ang GMA daw ay nagpakita ng matinding pagmamalabis sa paggamit ng himpapawid; na ito daw ay mahina o walang tapang dahil napahikayat (influenced) sa ilang “grupo.” Ayon kay ES, halata na ang GMA ay ginagamit (o napagagamit) upang siraan siya.[1] Dahil dito ay nanawagan si ES ng boycott laban sa GMA, matapos “hikayatin” umano ng mga miyembro para sa ginitong hakbang. [2]
July 1, 2009, mariing itinanggi ng GMA 7 na hindi sila naging makiling sa paglalabas ng nasabing special report. Ayon pa sa GMA7, sila ay “naninindigan sa mahigpit na panuntunan sa pag-uulat ng mga balita at paghahayag ng mga pangyayari. Hindi nila papayagan na ang sinumang tao o katauhan (entity) na impluensiyahan ang kalalabasan ng balita sa kanilang mga pagsasalaysay” [3]
Ayon pa sa GMA7, hindi pinansin ni ES ang mga kahilingan ng GMA na magsagawa ng “on-cam interview”; Hindi rin mahagilap ang mga abogado ni ES sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono.[4] ayon naman kay Arnold Clavio sa mismong paksang episode ng case unclosed, ginamit nila ang lahat ng paraan upang makipagugnayan sa ADD ngunit hindi sila nagbigay na pahayag tungkol dito.[5]
Sa kanyang broadcast nang June 23, Inamin ni ES na may natanggap siyang E-mail mula sa public affairs program ngunit hindi siya nagkomento; bawal daw ito ng batas dahil sa sub judice principle:
"There was an email to me why we do not answer the broadcast of GMA. There is a principle of sub judice. Under our laws, I cannot answer because I will be cited for contempt of court. That case has just started. It should not be part of the program, Case Unclosed,... [6]
Makalipas ang dalawang taon, August 3, 20011, muling ipinalabas sa QTV 11 [pag-aari ng GMA7] ang nasabing programa. Dahil dito, “nanghilakbot” (aghast) daw si ES at humihingi ng madaliang pagtugon mula sa kanyang mga “miyong-milyong kaanib” sa inabot niyang insulto mula sa GMA. [7]
ANG DATING DAAN ANG NAGKAKALAT NG DISINFORMATION/MALING IMPORMASYON
Malinaw naman ang sagot ng GMA 7, at may mga ebidensiya na hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng kaukulang paunang abiso sa kampo ni ES at ng ADD tungkol sa kanilang balakin. Ngunit ipinagkibit balikat lamang ito ni ES. Ang mga petsa at mga kaganapan ay umaayon sa pahayag ng GMA. Sinikap ng GMA 7 makipagugnayan sa kanya; hindi niya tinugon ayon na rin sa kanya; ipinalabas ang nasabing episode; nagreact siya; nagdepensa ang GMA 7.
Ang ‘sub judice’ rule ang idinahilan ni Soriano upang huwag makilahok o makisangkot sa nasabing programa. Dahil sa tuntunin na ito, ayon sa kanya, ‘hindi siya puedeng tumugon” at ‘hindi rin dapat maging bahagi ng programa ang kanyang kaso dahil nagsimula na raw ito. Ngunit kahit pa tanggapin sandali na tama siya, disin sana’y nagsikap siyang babalaan ang GMA 7 na “sub judice kayo GMA 7.” O kaya naman ay pinakilos niya ang kanyang mga abogado para hilingin sa korte na pigilin ito. Kung inaakala niyang nilalabag ang kanyang karapatan, hindi bat makatwiran lamang na manganlong siya batas? Hindi bat ito ang aral ng biblia? (Roma 13:1ff)
Kapunapuna na sa kabila ng alam niyang ito ay ipapalabas, sa halip na gumawa ng legal pamamaraan upang humanap ng remedyo, ay nagsawalang kibo siya, at ng maipalabas na saka siya nagbigay ng pahayag. At nakita natin ang resulta ng dahilan ng kanyang hindi pagkilos: ginamit niya itong dahilan at ginamit ang “pulpito” upang galitin ang kanyang miyembro laban sa GMA 7, at lalo na sa INC upang palitawin na siya ay ‘persecuted’ o kaya ginigipit lamang. Wala siyang pinanghahawakang patotoo na ang may pakana ng palabas ay INC.
Ayaw niyang siya ay maparatangan, pero napakagaan niyang magparatang sa iba.
Ano ba ang sub judice rule?
Tama ba ang pagkaunawa ni ES sa “sub judice principle”? Sukatin natin dito kung pantas nga siya. Tama ba na bawal “magsalita” o magpahayag tungkol sa anumang kaso?
Ayon sa batas, ang pinakadiwa ng sub judice rule ay “NAGTATAKDA (restricts) ng mga komentaryo o mga paghahayag ng may kaugnayan sa hindi pa lutas na paglilitis.”[8]
Malinaw na mali ang pagkaunawa ni ES sa sub judice rule, sinuman ay hindi binabawalang magsalita tungkol sa kaso, kundi nagtatakda o nililimitahan lamang kung ano ang dapat sabihin. Hindi ipinagbabawal na siya o ang sinuman ay magsalita tungkol sa kaso, ginagarantiyahan ng constitution ang karapatan sa pagsasalita ngunit hindi ang karapatan sa walang pakundangang pagsasalita lalo na kung ilalathala (publicized speech). [9]
Ayon sa batas ang paglabag sa sub judice rule ay itinuturing na “indirect comtempt”, at sa paglilitis ng krimen may dalawang ipinagbabawal: 1) mag komento sa merito ng kaso (merits of the case); 2) ang labis at di makatwirang komento sa pangangasiwa ng hukuman kaugnay ng kaso. [10]
Ang komento/puna sa kredibilidad ng testigo, ang karakter ng akusado, ang kawastuhan ng alibi... [at] sa anumang pangkalahatan komento na may kaugnayan sa ‘guilt’ o ‘innocence’ ng akusado ay “indirect contempt .” Lahat ng ito ay nilabag ng ADD! Marami silang inilathala laban sa kredibilidan ni Puto; tiniyak na nila na wasto ang alibi ES; tiniyak na rin nila ang “innocence” ni ES at nilibak nila ng walang pakundangan ang buong justice system ng Pilipinas na tila baga na nasa ‘bulsa na ng INC.’ Ang ganitong pag-uugali, lalo na sa nagpapakilalang mangangaral ng Bibliya, ay labag sa Bibliya na nagsasabing ang gobyerno ay “ministro ng Diyos.”
Pag GMA 7 sub judice daw, pag sila hindi, gayung nilabag nilang lahat ang nilalaman ng sub judice rule.
Nakita na natin ang kanyang dahilan sa hindi pagtugon sa panawagan ng GMA 7 ay ‘malabnaw’. Sa mga walang muwang (paumanhin) ay madali siyang paniniwalaan, lalo pa’t kinikilala siyang ‘sugo’ at ‘pantas’ ng kanyang mga tagasunod; na alam ni ES diumano ang malalalim na bagay ng kasulatan, at pinalilitaw na pati pala ang batas ay alam niya. Hahanga nga naman, pero nakita na natin at makikita pa, na ang paniniwalang ito ay wala sa lugar.
Paano niyang malalaman ang malalalim na bagay ng kasulatan, gayong ang mga titik ng batas na hindi naman hiwaga at bukas para sa lahat ng mga ‘bait’ at unawa ay hindi niya naiintindihan?
MGA KABILANING PANUKAT (DOUBLE STANDARD) NI ES
1. Ang pangunahing ikinagagalit ng ADD sa CASE unclosed, ay hindi raw ipinahayag ang panig ni ES, at hindi diumano nagsaliksik ang istasyon. Ang gusto nila ay “free ride” [badge ride?]. Gusto nilang ibigay ng GMA 7 ang kanilang panig, gayung hindi naman sila nagpaunlak sa panawagan nito. May pagsisikap sa GMA na kunan siya ng pahayag ngunit tinanggihan niya. Sa kabilang panig, naibigay ni Puto ang kanyang panig dahil nagpaunlak siya ng interview. May ‘effort’ sa panig ni Puto.
Samantala, sa mga pahayag ng ADD sa TV at maging sa internet ay mas masahol pa ang kanilang ginawa. Kalat na kalat ang kanilang komento laban kay Puto at hayagan kanilang pagsisikap na sirain ang kredibilad nito. Ibinigay ba nila ang panig ni Puto? ng GMA 7? Nagsikap ba silang makipagugnayan sa mga ito gaya ng ibinigay sa kanilang pagkakataon ng GMA?
2. Kung nabasa niyo na po ang pagtalakay natin, makikita niyo ang double standard of justice ni ES. Napansin nyo po ba? Pag GMA 7 sub judice daw, pag sila hindi.
3. Kinaladkad ang pangalan ni FYM at tinawag na rapist, dahil sa isang liham ng isang Rosita Trillanes noong 1939. [May pagtalakay tayo dito]. [11] Gayong wala pa tayong nakitang “court record” o kahit na “indictment record” na may naisampang rape case laban kay FYM. Dumating ang mga Hapon 1941, nagbago ang gobyerno na naging mainit kay FM [pinababa siya ng Hapon bilang lider ng INC], ngunit hindi lumisan ng bansa si Manalo, walang pa ring nagsampa ng kaso kahit isa. Umalis ang Hapon, pumalit ang Amerkano, nagbago ang gobyerno, hindi lumisan ng bansa si FYM, wala pa ring nagsampa ng kaso. Umalis ang Amerkano, naging malaya tayo, nanatili sa bansa si fym, wala paring nagsampa ng kaso. Makalipas ang sampung taon, naglabas ng ‘affidavit of retraction’ si Trillanes at inamin na gawa-gawa lamang niya ang paratang na rape. Si Trillanes ay namatay na INC ayon sa tala. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, rapist pa rin si manalo para kay ES at sa ADD.
Ngayon, may lalaking nagsampa ng kasong rape laban kay Soriano, kahit hindi pa napagpapasiyahan ng piskal kung dapat bang kasuhan o hindi si ES, ay nagmadali siyang lumabas ng bansa. [12]
Sa panukat ni ES, rapist si FYM dahil may nagparatang ng rape, kahit walang nagsampa ng kaso, kahit pa inamin na ng nagparatang na hindi iyon totoo. Ngayon, hindi rapist si Soriano, kahit may nagsampa ng kaso laban sa kanya, hindi siya rapist kahit na ayaw niyang harapin ito sa hukuman.
Paano kung halimbawang maglabas din ng retraction si Puto? Alam niyo ba kung gagayahin natin ang ‘standard’ ni ES kay FYM, kahit pa maglabas ng ‘retraction’ si Puto, lilitaw na si ES ay...
5. Minasama ng taga ADD ang “pagkasibak” kay Daniel Razon mula sa GMA 7 noong 2005. Pinapili si Razon na iwasang banggitin ang INC o magresign. [13]
Makatwiran naman ang ginawa ng GMA. Ang pagbanggit ni Razon sa INC sa kanilang istasyon, ay ‘unethical’ at may ‘conflict of interest’. Bilang pangalawang lider ng ADD, hindi nya dapat gamitin ang pasilidad ng GMA para isulong ang interes na pang ADD lamang. Ang desisyon ng GMA ay “business decision” at “management preroragative” at hindi “religious conviction”. Kung hindi sinansala ng GMA si Razon, masasabing “free ride with pay”. ”With Razon getting the ‘free ride’ and getting the pay at the same time, while GMA playing the sucker in their own turf.” Unfair nga naman, lalo’t kung iisipin na may sarili namang Radio at TV station ang ADD. Walang masama sa ginawa ng GMA 7.
Ngayon, gusto ng mga taga-ADD sibakin naman si Clavio [14] dahil binanggit si ES at ang kaso, gayung hindi naman INC si Clavio (hindi nga ba?) at may pahintulot naman ng GMA 7 ang kanyang programa. Higit pa dito, walang sariling istasyon si Clavio. Gusto niyo siyang magutom dahil nasaling si ES? Gusto niyo siyang magdusa dahil sa paglalahad na “Case Unclosed” pa ang rape case ni ES? Gusto niyong magdusa siya dahil ayaw harapin ni ES ang kanyang kaso?
Ito ang tunay nakapanghihilakbot. Hindi pa naabot ng ADD ang estado ng INC, pero kung umasta na ang mga ito ay isa ng napakalaking organisasyon. Gaano pa kaya kung maabot nila ang gayong kalalagayan?
6. Napakabilis magparatang na ginamitan diumano ng INC ng ‘impluensiya’ upang isampang muli ang kasong rape kahit na nadismiss na raw ito. Ito ang paulit-ulit nilang sinasabi gayong wala naman silang pinakikitang katibayan. Mga mapagbintang. Pinalilitaw nila na walang karapatan ang DOJ na i-review ang isinampang kaso kahit na ito ay nadismiss na, pero ito ay walang katotohanan. (Natalakay na. Basahin ang Eliseo Soriano Rape Case 5.1)
DISINFORMATION
Napakatagal bago ko natapos ang artikulong. Ang dahilan, hitik na hitik sa dami ang napansin kong “double standard” at “disinformation/false information” na ikinakalat ni ES at ng ADD. Una ay binalak kong isalaysay lahat, ngunit napansin kong magiging napakahaba; kaya ipinasya kong piliin na lang ang ilan na lamang, at dito pa rin, ay bahagyang nabalam ako kung ano ang pipiliin. Kaya ang ginawa ko na lang ay inilayo ko na lang lahat ng nakalap kong impormasyon at ang itinala ko lang dito ay kung ano ang unang pumasok sa aking isipan, saka ko na lang idinagdag ang ‘credits.’
1. Ayon sa mga ‘apologitsts’ ni ES at ng ADD na-”dismiss” na ng hukuman (court) ang kaso, at ito ang karaniwang alam ng mga miyembro,[15] at ayon sa ADD newsletter, tumestigo na sa “court” si ES [16]ito ay walang katotohanan. (nasa footnote ang ilang halimabawa.)
Nakapagtataka na hinayaan lamang ng Pamunuan ng ADD at maging ng mga nakakaunawa sa batas sa kanila ang paniniwalang ito. Gaya halimbawa ni Daniel Razon.
Para sa kabatiran nyo, Ang prosecutor’s office ay hindi ‘court’, office, nga eh. At ang mga prosecutors ay hindi judges para humatol kung ‘guilty’ o hindi ang akusado. Sila ay tumitingin lamang kung may “probable cause” o wala ang isinampang kaso sa hapag nila. Kung may probable cause, sa tagpong ito lamang idudulog ang kaso sa court na may huwes (judge) na nangangasiwa, gaya ng Regional Trial Court. Ang susunod na court ay Court of Appeals at ang huli ay ang Supreme Court. Ang tatlong court lang na ito ang puedeng humatol kung “guilty or innocent” ang nasasakdal. Alinman sa tatlong courts na ito ay hindi pa nalilitis si ES, kaya maling sabihin na ‘dismissed by the court’ ang rape case, at maling ring sabihin na “Soriano had testified in court.”[17]
Kung sa iba siguro nasumpungan ang ganitong pagkakamali ay katakot-takot na pag-aglahi at alipusta ang maririnig mula kay ES at sa ADD.
Nanganganinag na hindi nila alam ang katotohanang ito, dahil maraming (parang ngang lahat, eh) naniwala na pinawalan na ng sala ng ‘court’ si ES, unang una na nga ang mga ‘apologists’ ni ES ang ‘milyong-milyong’ miyembro ng ADD. Napaniwala rin nila ang PEP sa disinformation na ito, katunayan iniulat ng PEP na ang kaso ay na-dismiss na noong January 2006 ng “Regional Court ng Pampanga.” [18] At siyempre pa ang source ng maling balita na ito ay sila.
2. HINARAP diumano ni Soriano ang kaso “noong December 2005 pa!”. [19] Ito ay walang katotohanan. Ayon sa kanilang sariling tala, ipinaubaya LAHAT ni ES sa kanyang mga abogado ang kaso [20] at HINDI NIYA HINARAP! Ang sinasabing petsa, December 2005, na umano’y pagharap niya sa kaso, ay ang mismong panahon nang ito ay TINALIKURAN niya sa paraang lumisan siya ng bansa na nagmamadali! [21] Lumabas si ES ng bansa nang “December 14, 2005, flight PR501 of Philippine Airlines” [22] kahit wala pang ANUMANG lumalabas na resolusyon ang piskal. Hindi magkasingkahulugan ang PAGHARAP at PAGTAKAS.
Ang paglisan sa paraang nagmamadali sa kontekstong may kasong kinakaharap, ay tinatawag na PAGTAKAS o ‘flight.’ Ang ‘flight’ ay indikasyon ng ‘guilt’ o may pagkakasala lalo’t kung ang dahilan sa paglisan ay upang iwasan ang demanda o ang pagdakip kaugnay ng kasong inihain laban sa kanya. [23] O proseso ng katarungan. at ayon sa batas, “Ang taong tunay na walang pagkakasala ay karaniwang susunggaban ang unang pagkakataong makikita upang ipagtanggol ang sarili at igiit ang kanyang kawalan ng pagkakasala.”(innocence).[24]
Hindi tayo nakababasa ng isip, kaya di natin tinitiyak na ang pagtakas ni ES ay upang iwasan ang proseso o parusa ng batas, o sabihing siya ay may sala. Sa gayung ding panukat, hindi rin natin basta tatanggapin ang paliwanag niya at ng ADD sa mga dahilan ng kanyang pagsibat patungo sa ibang bansa. Matutuldukan lamang ito kung may sala siya o wala kung haharapin niya ang kaso upang ito ay maging “Case Closed.”
3. Ang INC daw ang pangunahing kaaway (arch enemy) ng ADD [25] na ang isang ibig ipakahulugan ay “karibal na simbahan.” (rival church) [26] . Masyadong nag-aapura ang samahan na ito na marating ang estado ng INC, lalo’t kung iisipin na walang kagatol-gatol na sabihin nilang ang kanilang samahan ay may “millions of members.”[27] Choosy siya kapag INC ang magiging kadebate, dapat daw Manalo, gayong ayon sa Ang Tamang Daan, maraming ministro ng INC na handang humarap sa kanya. Kapag ibang relihiyon, kahit paslit pinapatulan niya. [Masasabing double standard din ito.] Ang tawag sa ganitong ugali ay arrogance.
Maari natin sigurong tanggapin na ang pangunahing kaaway [arch enemy] nila ay ang INC dahil iyon naman ang pagtuturing talagan ng ADD. Mula pa ng magsimula si ES sa pangangaral hanggang sa ngayon ay walang puknat ang pagbatikos niya sa INC. Sa katotohan, ang pagbatikos niya sa INC ang kanyang naging malaking kasangkapan upang makilala.
Ngunit kung sasabihin na ang turing sa kanya ng INC ay ganoon din, na siya ay karibal, ay isang maling impormasyon sa aking pagsasaliksik. Gamit ang radyo at TV, Mahigit dalawapung taon niyang binakbakan ang INC na halos nagsawalang kibo sa buong panahon na iyon. Marahil inakala niyang walang maisasagot sa kanya ang INC at hindi siya papatulan sa kanyang mga malabis na pagbatikos at maruruming taktika gaya ng ‘Rosita Trillanes libel case.’ Nakita natin na may hangganan lahat ng bagay, pinatulan siya, at ayon kay ES ay ginamitan siya ng maruming pamamaraan ng ATD. Tama man o hindi ang kanyang tinuran, maaring ito ang tinatawag sa Ingles na “a dose of his own medicine.”
4. Nang malaman diumano ni ES na “hindi siya makasusumpong mula sa lokal man o pambansang hukuman ng magbibigay sa kanya ng katarungan, ay nagsampa siya ng reklamo sa International Court of Human Rights.” [28]
Sana’y naglabas sila kahit man lang bahagi ng kopya ng reklamo ni ES, para kahit paano ay malaman natin kung ano ang [mga] karapatang pantao na nalabag sa kanya. Pero, saan kayang planeta itong International Court of Human Rights? Wala pong International Court of Human Rights dito sa “earth”.[29] kaya isang malaking kasinungalingan na naghain siya ng reklamo sa ICHR.
Pero, sabihin pa na may International Court of Human Rights, saklaw ba nito ang rape case? paano kung matalo siya, malamang, INC na naman sisihin niya? Maalalang sa INC na naman isinisi ni ES at ng ADD ng malagay siya sa watch list ng International Criminal Police Organization (Interpol). [30]
Palagi niyang “excuse” ang INC, ito ang kanyang “escapegoat” kapag siya ay napapasok sa gusot.
5. Pinaglingkuran diumano ni ES ng maraming taon ang GMA 7, at parang kinalilimutan daw ito ng nasabing istasyon. [31] Ayon sa tala, inimbitahan si ES na maging isa sa mga ‘panelist’ ng “Dis is Manolo and His Genius Family” sa DZBB, ang radio station ng GMA 7.[32] Sa programang ito mas nakilala si ES at diumano ay nanalo sa pakikipagdebate sa iba pang panelists na ‘kinatawan’ ng ibang samahan. Humigit kumulang tatlong oras ang programang ito at halos ganoon din kahaba ang natamo niyang “free advertisement” mula sa GMA 7 para sa kanyang sarili at sa kanyang samahan. Maraming taon na siya ay dito ay panelist.
Noong February 4, 1999, itinampok siya sa programang pang-TV na Extra-Extra at noong March 29,1999 ng GMA 7. Tig-isang oras ang programang ito. Maging “Ang Dating Doon” program ng panggagagad sa “Ang Dating Daan”, ay inamin ni ES na nakatulong sa pag-angat ng popularidad ng ADD. [33]
Ibang-iba talaga ang oryentasyon ng pangangatwiran ng taga ADD. Imbes tanawing utang na loob ang ginawang pabor ng GMA-7 sa kanilang lider, ang nais pang palitawin ay dapat GMA ang tumanaw ng utang na loob sa kanila. Napakawalang utang na loob.
Alam ba nila kung magkano ang pag-aanunsiyo (advertisement) sa radyo? Kung isasaalang-alang ang “inflation” at susumahin natin batay sa taong 2009, ang tatlumpung segundo (30 seconds) ay higit kumulang na 50,000 pesos! At sa TV naman ay mahigit isang daang libo sa 30 seconds lamang. Kahit pa sabihing may ‘bitbit’ na ‘advertiser/s’ si ES, hindi yon sasapat sa haba ng oras na ipinagkaloob sa kanyang ng GMA-7. Sa ‘Genius Family’, si ES ang pangalawang pinakamahabang magsalita sumunod lamang sa may ari ng palatuntunan na si Manolo Favis.
Kung ayaw nilang tumanaw ng utang na loob, mahiya na lang sana sila kahit kaunti.
6. Ayon sa pagtatala ng taga ADD, bunga ng kanilang boycott sa GMA, sa bawat araw daw ay may mga kalatas na dumarating sa social network sites tungkol sa palsipikadong “ratings” ng ginawa ng GMA-7. [34] Siyempre, ang ibig nilang sabihin ay mababa o hindi maganda ang “viewership” o nanood sa GMA 7 kaya kailangang palsipikahin. Sa ganitong kalagayan, ayon sa ilang panig (some quarters) ng ADD, kaya raw muling ipinalabas ng ang “rape case” ni ES ay upang kunin lamang ang atensiyon ng “milyong-milyong” kaanib ng ADD. [35]
“GMA..its falsified ratings” [?], sa aking tingin ay “libelous” at “malicious” na itong pahayag ng taga ADD, tila lumalabag na naman sila sa batas dahil walang namang batayan ang kanilang sinasabi at may layuning silang pinsalain ang GMA sa kanilang mapanirang pahayag. Kapag nanganlong sa batas ang nasabing istasyon at sila’y ipagsakdal, malamang isisi na naman nila sa INC.
Ang aking nalalaman, ang “ratings” ng mga networks ay nanggagaling sa [mga] independent agency/ies.
Pero, alin kaya ang palsipikado sa mga nabanggit sa itaas? Yung ‘ratings’ ng GMA-7 o yung ‘milyong-milyong’ kaanib ng ADD?
footnotes:
1 [http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/]
It is GMANews for its blatant display of abuse of power of the air. It is reckless for not having done enough research before reporting. Or it is weak for having been influenced by some group. According to Bro. Eli, it is very obvious that GMA is being used to attack him. It is harassment already while he is at work.
2 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/
“In 2009, Bro. Eli only mentioned about boycott one week after the members were egging him on this initiative.”
3http://www.pep.ph/news/22318/gma-7-denies-partiality-in-reporting-bro-eli-soriano-rape-case
GMA-7 "vehemently" denied these accusations, explaining that its News and Public Affairs department "adheres to strict policies on news reporting and coverage of events. It will not allow any individual or entity to influence the outcome of its news stories."
4. ibid.
6 (ibid.)
"There was an email to me why we do not answer the broadcast of GMA. There is a principle of sub judice. Under our laws,
I cannot answer because I will be cited for contempt of court. That case has just started. It should not be part of the program, Case Unclosed,"
7 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/
In 2009, Bro. Eli only mentioned about boycott one week after the members were egging him on this initiative. This time, he was aghast and he wanted a quick response from the members to this insult.
8 G.R. No. 176864 : December 14, 2010 “In essence, the sub judice rule restricts comments and disclosures pertaining to pending judicial proceedings.”
9. ibid.
10 G.R. No. 176864 : December 14, 2010
Sub judice rule...[i]n so far as criminal proceedings are concerned, two classes of publicized speech made during the pendency of the proceedings can be considered as contemptuous: first, comments on the merits of the case, and second, intemperate and unreasonable comments on the conduct of the courts with respect to the c ase. x x x Comments on the merits of the case may refer to the credibility of witnesses, the character of the accused, the soundness of the alibis offered, the relevance of the evidence presented, and generally any other comment bearing on the guilt or innocence of the accused.
11http://kotawinters.wordpress.com/tag/felix-manalo/
The insistence of the Iglesia ni Cristo to pin a rape case on Bro. Eli is interpreted by the ADD as a cosmeticizing effort meant to restructure the much tarnished image of Felix Manalo,...Bro. Eli would speak of him as a rapist, not worth a man to be speaking the words of God which Manalo mixes with many lies to hold on to his members. But Soriano is not speaking from mere hearsay.
12 ibid.
Meanwhile, the evangelist-in-a-hurry is leaving it all to his lawyers, and continues preaching worldwide while people think he should come home to face this mocked-up rape case against him. Case Unclosed that presented Soriano as making himself scarce, however, is not entitled to discuss the case.
13 http://kotawinters.wordpress.com/2009/07/20/ang-dating-daan-blasts-gma7-self-branding-as-house-of-truth/
in 2005 when Razon was in GMA7, Management asked him for alternatives: to refrain from mentioning the Iglesia ni Cristo or to
resign.
14 ibid. Most of the ADD comments ask GMA7 management that Arnold Clavio be axed from that channel.
15 Narito ang mga sipi ng maling pahayag ng mga miyembro ng ADD tungkol sa kaso
1.This case was once dismissed by the courts for lack of evidence, but due to the intervention of Raul Gonzalez, himself the Secretary of Justice, the case was re-filed. [Censored News Uncensored, Media Man Fabricates News Against Enemy and Name-drops Interpol. http://jakeastudillo.wordpress.com/2011/08/28/media-man-fabricates-news-against-enemy-and-name-drops-interpol/ [emphasis mine]
2.The case was filed sometime before October 5, 2005 and was dismissed on January 26, 2006. It was penned by Alexandro Lopez, Asst. Provincial Prosecutor and approved by Jesus Magarang, Provincial prosecutor, Province of Pampanga, San Fernando City. The court highly considered the rift going on between the INC and the ADD. Less Traveled Road, Ang Dating Daan blasts GMA7 self-branding as House of Truth http://kotawinters.wordpress.com/tag/felix-manalo/ [emphasis mine]
3.This was noted by the court that dismissed the rape case filed sometime before October 5, 2005 and was dismissed on January 6, 2006. [Thank you for the sorrows-Preacher in exile, Jane Abao http://kotawinters.wordpress.com/tag/felix-manalo/ [emphasis mine]
16 http://kotawinters.wordpress.com/2009/07/20/ang-dating-daan-blasts-gma7-self-branding-as-house-of-truth/]
[As written earlier in ADD newsreports, Soriano had testified in court that he went with Rico Fernandez to the office of one Ma. Evangeline Veloira in a bank located in Bambang, Manila. [emphasis mine]
17 ibid.
18[Mark Angelo ching, http://www.pep.ph/news/22318/gma-7-denies-partiality-in-reporting-bro-eli-soriano-rape-case]
The case was already dismissed last January 2006 by the regional court of Pampanga for lack of evidence, but former Justice Secretary Raul S. Gonzalez re-opened it months later.
19 http://kotawinters.wordpress.com/2009/07/20/ang-dating-daan-blasts-gma7-self-branding-as-house-of-truth/
Chris, kulang pa ang facts mo! Hinarap na ni Bro. Eli ang kaso noong December 2005 pa! Tapos January 2006, na-DISMISS NA PO ang kaso! DISMISSED NA PO, nabasa mo ba?” [si Kotawinters sa feedback sa Less traveled Road]
20 ibid. the evangelist-in-a-hurry is leaving it all to his lawyers, and continues preaching worldwide” [emphasis mine]
21 ibid
22 ibid. Arnold Clavio: “According to the Bureau of Immigration, December 14, 2005, flight PR501 of Philippine Airlines going to Singapore was the last list recording the name of Bro. Eli. [ibid.]
23] www.judiciary.state.nj.us/criminal/charges/non2c010.doc
“Flight may only be considered as evidence of consciousness of guilt if you should determine that the defendant's purpose in leaving was to evade accusation or arrest for the offense charged in the indictment.”
24 http://www.lawphil.net/judjuris/juri2003/jan2003/gr_133737_2003.html
25 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/?relatedposts_exclude=770 “...the Iglesia ni Cristo (INC), the arch enemy of the ADD,...”
26 http://kotawinters.wordpress.com/2009/07/20/ang-dating-daan-blasts-gma7-self-branding-as-house-of-truth/
27 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/?relatedposts_exclude=770
“In its struggle to become the Number 1 in terms of viewership, GMANews may be interested in getting the attention of ADD’s millions of members.”
28 Censored News Uncensored http://jakeastudillo.wordpress.com/2011/08/28/media-man-fabricates-news-against-enemy-and-name-drops-interpol/
29 http://www.lowyinterpreter.org/post/2010/05/28/A-World-Court-of-Human-Rights.aspx
30 http://kotawinters.wordpress.com/?s=justice+puno
“Bro. Soriano was placed on the watchlist of the International Criminal Police Organization or Interpol for “sex crimes,” an offense he was never accused of in any court.”
“Soriano accused the Iglesia ni Cristo as being behind all these harassments in a desperate bid to blemish his
reputation.
31 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/
Bro. Eli had been serving this network for a number of years and they may have forgotten even that.
32 http://en.wikipedia.org/wiki/Eliseo_Soriano#cite_note-soriano_bio-5
33 ibid.
Soriano admitted that the Ang Dating Doon program, which is a parody of his Ang Dating Daan show, actually helped raise the popularity of the said religious program. x x x In February 4, 1999, Soriano was featured in the GMA-7 talkshow program Extra-Extra which is then hosted by Paolo Bediones and Karen Davila. A similar interview occurred in March 29 of the same year.
34 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/
The year 2011 would be a different boycott and now Facebook and Twitter are colored with protest GMANews picbadges. Day by day, tweets and messages are about GMANews and sympathizers are contributing their stories about GMA and its falsified ratings.
35 http://kotawinters.wordpress.com/2011/08/24/for-irresponsible-reporting-ang-dating-daan-boycotts-gmanews-anew/ Some quarters in ADD believe that GMA’s morbid interest in hitting the crusading preacher is all about the ratings game. It has aired this controversial interview twice already in two years time. In its struggle to become the Number 1 in terms of viewership, GMANews may be interested in getting the attention of ADD’s millions of members.
Thanks for the info.
ReplyDeleteNapanood ko na yung sinasabi ni Ka Eli na gawa daw ng INC,yung sa Case Unclosed.
Antagal na nun,di pa ata Tagapamahala si Ka Eduardo noong lumabas yung kuwento ni Dante Veridiano ba yung nagrereklamo?
Antagal na niyang nagtatago, isang dekada na rin pala.
Wala na ba siyang ibang gawin, kundi sisihin ang Iglesia Ni Cristo kapag napapahiya siya? Sa madalas kong pagre-research sa kanila, talagang dawit ang Iglesia Ni Cristo. Dati bago pa siya sagutin ng Iglesia Ni Cristo sa mga paratang niya sa atin, hindi paglilinaw ang ginagawa niya sa aral, kundi pangyuyurak. May napanood ako, sabi niya "Aangkinin niyong sa Diyos kayo, tapos gagawin niyong killing field ang sambahan taran_____." Tapos lagi niyang sasabihin may palasyo raw ang mga Manalo. Nang sinagot siya ng Iglesia Ni Cristo sa mga paratang niya, nagalit siya kasi nabisto ang mga panloloko niya na dinidiin niya sa Iglesia Ni Cristo.
ReplyDeleteThe man who contradicted himself.
ReplyDeleteThe man who hides in Brazil.
The man.