"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 14, 2015

Bagong bagay ba ang "tanging handugan" sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?

Namamangha ang mga di kapananampalataya sa kung paanong nagagawa ng Iglesia ni Cristo na makapagpatayo ng milyun milyong halaga ng gusaling sambahan, mapa siyudad , probinsya at kahit pa sa tinatawag nating "remote places" sa ibat ibang lugar sa bansa. 

Namamangha din sila sa mga ipinapatayo nating mga gusali, isang halimbawa na lamang nga ay ang PHILIPPINE ARENA.

Paano pa kaya ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo?

Galak na galak ang aming puso sa mga biyaya ng Diyos na ibinibigay niya sa kaniyang Iglesia. Kapag nakikita namin na ang aming mga pinagsama samang handog ay nagugugol sa TAMA, mula pa noong nabubuhay ang Kapatid na Felix Manalo.

Ang naiisip ng ilan, paano kayang ang ganitong samahan na nagmula sa Pilipinas, sa 3rd world country ay lalago ng ganito? Sabi nila, ilang milyon lang naman ang miyembro nyo, pero paano nyo nagagawa na daigin pa ang ibang mas malalaking relihiyon? Na karamihan sa mga kaanib nyo ay mahihirap lamang?


ISA PO ITO SA MGA KAHAYAGAN NG MGA BIYAYA AT PAGPAPALA NG DIYOS SA KANYANG BAYAN SA MGA HULING ARAW NA ITO.

Kapag sinabi namin sa inyo na kaya napakaraming mga accomplishments ang Iglesia ni Cristo ay dahil sa napakarami naming mga INC, 1.2 bilyon.  Tiyak na tiyak na hindi kayo maniniwala.

Kung sabihin naman namin sa inyo na kahit kakaunti lang kami ay marami naman kaming mga miyembro na mayayaman, mga milyonaryo at mga bilyonaryo, lalong hindi kayo maniniwala.  [Inuusig pa nga ninyo kami at sinasabi na ang mga umaanib sa INC ay mga taong hamak, dukha, at mababa ang estado sa lipunan.]

Kung ganoon maniwala na po kayo na ito ay hindi na gawa ng sinumang tao,

ITO AY GAWA NG MAKAPANGYARIHANG KAMAY NG DIYOS!
 


ANG MGA KAHANGA-HANGANG MGA TAGUMPAY NA ITO AY WALA PO ITO SA BILANG AT SA ESTADO SA BUHAY. KUNDI NASA PAGPAPALA NA IBINIBIGAY NG DIYOS SA KANIYANG BAYAN SA MGA HULING ARAW—ANG IGLESIA NI CRISTO NA EPEKTO NG PANGANGARAL NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO.

Kami ay mayroong PAGKAKAISA. Ito ang wala sa iba, kung kayat lumaki, lumago at ngayon ay nakapag ani at patuloy pang mag aani ng mga tagumpay ang Iglesia ni Cristo. Ang ugat ng lahat ng ito ay ang aming MATIBAY NA PANANAMPALATAYA SA DIYOS.

Sumasampalataya kami at nagtitiwala sa Pamamahala ng Iglesia, kung kayat MALUWAG SA AMING PUSO ang pagbibigay ng aming mga handog. Higit sa lahat, ito ay PAGSUNOD SA UTOS NG DIYOS na nasa Banal na Kasulatan.

"Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa." II Cor. 9:7-8

Ang sabi ANG BAWAT ISA, hindi yung tatay lang ng sambahayan o nanay lang, o kung sino man. Ang sabi po maliwanag, BAWAT ISA. Kaya naman po kaming mga miyembro ay buong pusong sumusunod dito sa pamamagitan ng patuloy na paghahandog. Hindi kami nagdadamot, sapagkat LAHAT NG BIYAYA AT PAGPAPALA na aming natatanggap ay GALING SA DIYOS. Magagawa niyang pasagain kami sa lahat ng bagay, HIGIT PA SA AMING PANGANGAILANGAN.

Bagong bagay ba ang pagta-tanging handugan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?

Sagot: HINDI. Mula pa noong panahon ng Ka Erano Manalo (o ng Ka Felix Manalo, kung mayroon na ito sa panahon nya) ay may isinasagawa na pong "TANGING HANDUGAN" sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ito ay bukod sa karaniwang abuluyan tuwing mga araw ng pagsamba. Ang "tanging handugan" naman po ay isinasagawa tuwing LINGGO lamang.

Merong mga "box" na nakalagay sa may lobby ng kapilya, isa para sa mga babae, at isa para sa mga lalaki. Merong mga nakahandang SOBRE para dito, doon ilalagay ng mga kapatid ang KUSANG LOOB na handog at saka ilalagay sa kahon. Lalong mabuti na ito ay lagyan ng pangalan at halaga, PARA SA LALONG MAINGAT NA PAGTATALA AT PAGBILANG at malaman din ang porsyento ng mga kapatid na nakikipagkaisa sa pagta-tanging handugan.

Bakit nilalagay sa SOBRE?

ANO ANG PAGLALAGYAN NG PANGALAN NG NAG-TANGING HANDUGAN KUNG WALANG SOBRE NA PAGTATALAAN NG HALAGA AT PANGALAN?
Kaya ang paggamit ng sobre sa Tanging Handugan ay BAHAGI NG KAAYUSAN upang magawa ang LALONG MAINGAT NA PAGTATALA AT PAGBILANG ng mga KUSANG HANDOG ng mga kapatid.  WALANG SINUMAN SA AMIN NA PINIPILIT NA ITO AY GAWIN AT KAILANMAN AY HINDI KAMI TINATAKDAAN NG HALAGA NA AMING IHAHANDOG.   Kung ano ang kaya ng kapatid kahit pa nga sabihin na barya lamang ang kaya niyang ibigay, ang mahalaga ay tinupad niya ng ayon sa gusto ng Diyos ang kanyang ambag o handog para sa pangangailangan ng bayan ng Diyos. 
 

"Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;  Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;"
 II Cor. 9:12-13


Sa amin kasi MAS IMPORTANTE ay hindi ang HALAGA (AMOUNT) kundi yung NAKIPAGKAISA ka, NASUNOD MO ANG UTOS NG DIYOS o ang TAMANG PAGPAPAHALAGA (VALUED)-- Mar. 12:41-45
 
At ang katanungan na ilang beses na ring nasagot sa blog na ito:


PARA SAAN ANG "TANGING HANDUGAN"?

(Kung may mali po sa mga impormasyon na ilalahad ko ay paki-wasto na lang po ako ng mga kapatid :))



Ang mga Tanging Handugan ay karaniwan na iniuukol sa pangangailangan ng Lokal o ng Distrito Eklessiatiko ng Iglesia (katumbas ng archdiocese sa IKAR)


Meron pong TANGING HANDUGAN PARA SA LOKAL

-> Ang nalilikom ay para sa PONDO ng lokal. Ito ay para sa maintenance ng kapilya, pagbabayad ng mga bayarin sa ilaw, tubig at iba pa, TULONG sa bantay-kapilya (nangangalaga ng bahay sambahan), mga kagamitan at mga office supplies, pagsasagawa ng mga pamamahayag sa mga barangay, at iba pang gastusin ng lokal.

TANGING HANDUGAN PARA SA DISTRITO

-> Ang nalilikom ay para sa PONDO ng Distrito. Ito ay para sa mga pangangailangan ng Distrito sa pagsubaybay sa mga lokal na nasasakop nito at itulong sa mga lokal na kulang ang pondo, kung meron mang mga bibilhing mga kagamitan, para sa renovation ng mga lokal, pagsasagawa ng malalaking aktibidad na Pandistrito gaya ng, mga  Pamamahayag na pan-distrito, o malalaking mga pagtitipon ng mga kaanib o maytungkulin sa buong distrito na kailangan umarkila ng malalaking dako na pagdarausan nito, at iba pa.

TANGING HANDUGAN PARA SA IBA PANG PINAG-GUGUGULAN (tulad ng lingap, etc.)

->  Para matustusan ang ibang pangangailangan ng Iglesia, halimbawa na lamang sa LINGAP, at sa iba pang malalaking aktibidad ng Iglesia.

Ito pong mga TANGING HANDUGAN na ito ay hindi sabay sabay. Tuwing LINGGO, ang nililikom po ay para sa lokal lamang, quarterly o minsan sa isang buwan ay PAN-DISTRITO naman. Ang Tanging Handugan naman para sa ibang pinag-gugugulan (mga natatangi o napapanahon na pangangailangan) ng Iglesia ay kung hinihingi ng pagkakataon lamang at hindi rin lingo-linggo.




Hindi ba nababawasan ang pera ng Iglesia ni Cristo?

Yan ang tanong ko sa mga kumakaaway sa Iglesia sa ngayon partikular na sa grupo ni Antonio Ebangelista, HINDI BA NABABAWASAN ANG PERA NG IGLESIA? Alam ko uso ang UNLIMITED ngayon, UNLI RICE, UNLI TEXT, pero ang pera ba ng Iglesia UNLIMITED???

Bakit lagi nilang pinapa-mukha na HINDI NA NASISINOP ANG PANANALAPI ng Iglesia ngayon? Na pilit nilang sinasabing may KORUPSYON ngunit hindi naman sila makapagbigay ng detalyadong ebidensya na magpapakita kung SAAN NAPUPUNTA at sino ang nakikinabang ng pera na napunta lamang sa KORUPSYON.

Ang sabi ni Antonio Ebanghelista sa kaniyang blog ay NOON daw panahon ng Ka Felix at Ka Edry MASINOP daw nilang napangalagaan ang pananalapi ng Iglesia. TOTOO YON. Ngunit yung halos ipagsigawan niya na "HINDI NA NGAYON" yan ang mali.

Ang aking pakahulugan sa sinasabi niyang NASINOP ng Ka Felix at Ka Erdy, noong silay namamahala sa Iglesia, silay NAKAPAG IPON at NAKAPAG TABI ng pera para sa hinaharap na gastusin. Kaya kung noong panahon nila ay nakapag ipon ng malaking halaga ang Iglesia, sumapit naman ngayon ang PANAHON UPANG ITOY MAGUGOL SA KANIYANG PAG UUKULAN.

Ito ang panahon ng Ka Eduardo Manalo, kung saan nang simula siyang maging tagapamahalang pangkalahatan ay papalapit na sa taon ng SENTERNARYO ang Iglesia. Ano ba ang ginawa ng Ka Eduardo?

SAKSI TAYO SA KABI KABILANG MGA PROYEKTO: PAGPAPATAYO NG DAAN DAANG MGA GUSALING SAMBAHAN, PAGBILI NG MGA PROPERTIES SA IBANG BANSA, PAGDARAGDAG NG MGA DISTRITO SA LOOB AT LABAS NG BANSA, PAGPAPATAYO NG MGA MALALAKING IMPRASTRAKTURA, RESETTLEMENT PROJECTS, MALAKIHANG MGA AKTIBIDAD TULAD NG LINGAP PAMAMAHAYAG AT IBA PA, ANG PAGPUNTA NIYA SA MGA LOKAL SA IBAT IBANG PANIG NG MUNDO UPANG MAGHANDOG NG MGA KAPILYA AT UPANG BISITAHIN ANG MGA KAPATID AT MARAMI PANG IBA.

Mga katanungan: Kung GINUGOL ANG PERANG "NASINOP (o NAIPON)" SA PANAHON NG KA FELIX AT KA ERDY, PARA SA KAPAKANAN NG IGLESIA, MASAMA BA ITO?

Kung nabubuhay ba ang KA FELIX AT KA ERDY sa kasalukuyan, hindi ba nila GAGAWIN ANG TULAD NG GINAGAWA NGAYON ng KA EDUARDO na para sa IGLESIA?

At hindi ba KATANGGAP TANGGAP na gumugol ang Iglesia para sa mga PROYEKTO NITO ngayun nga na SUMAPIT NA ITO SA IKA 100 TAON?

Sa ilang taong pagka-saksi natin sa kabi kabilang PROYEKTO ng Pamamahala, ang tanong, HINDI BA NABABAWASAN ANG PERA NG IGLESIA?

Kaya kung ikukumpara talaga ang pananalapi noon, kumpara sa ngayon, hindi maikakaila na malaki ang nabawasan sa pera ng Iglesia, ngunit ang lahat naman ng ito ay para sa KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN ng Diyos. Kaya hindi isang KALUGIHAN na pagkagastusan ang mga bagay na para naman sa kapakinabangan ng Iglesia at ng mga kapatid.

Take note: MULA PA NG PANAHON NG KA FELIX, LAHAT PO NG HANDUGAN SA IGLESIA AY MAAYOS NA BINIBILANG AT MAINGAT NA ITINATALA SA RESIBO OPISYAL SAPAGKAT ITOY SAGRADO. MULA SA PAGLILIKOM HANGGANG SA PAGBIBILANG AT UPANG HUWAG MAGKAROON NG ANUMANG KATIWALIAN, LAHAT NG MAYTUNGKULIN ALAM PO YAN.


KALIWAT KANAN NA TANGING HANDUGAN?

Ang akusasyon ngayon ng mga kumakalaban sa Iglesia, BAKIT DAW KALIWAT KANAN NA ANG TANGING HANDUGAN SA IGLESIA NGAYON? Kung tawagin nga nila itoy "tanging tanging handugan", hindi naman halatang binabastos nila ang sagradong paghahandog sa loob ng Iglesia.


Sa tuwing sineserkular sa mga pagsamba na may natatanging pangangailangan ang Iglesia kaya magsasagawa ng Tanging Handugan ay BINABANGGIT kung saan ito GAGAMITIN. Ang di ko lang maintindihan kay Ka Antonio Ebanghelista ay bakit nya binibigyan ng MASAMANG PAKAHULUGAN kung meron mang pagtatanging handugan lalo nat syay isa namang ministro, ayon sa kaniya, na dapat syang unang nakakaunawa kung bakit mayroong ganito.


Oo, kung ikukumpara dati (Dati, nung hindi pa nalalapit ang sentenaryo ng Iglesia) ay hindi ganoon kadalas ang pagseserkular ng mga natatanging pangangailangan ng Iglesia na matutugunan sa pamamagitan ng Tanging Handugan. Pero iba na po ngayon, MARAMI NG PINAG-GUGULAN at PINAG GUGUGULAN ang Iglesia dahil na rin nga sa sunod sunod na malalaking aktibidad dahil sa selebrasyon.

Kapag naman may tanging handugan ngayon, ay sinasabi PARA SA LINGAP, o kaya naman ay para sa CLOSING CENTENNIAL CELEBRATION o kaya naman ay PARA SA PINAKAMALAKING PAMAMAHAYAG SA KASAYSAYAN NG IGLESIA.



Sinasabi po kung saan GAGAMITIN. Sa panahon na isasagawa ito ay walang isasagawang Tanging Handugan na para sa Distrito o Lokal man kundi ito ay iuukol lamang sa napapanahong pangangailangan ng Iglesia.

MALING-MALI NA SABIHIN NA KALIWA’T KANAN ANG TANGING HANDUGAN SA IGLESIA!

Ang MASAMA ay kung magpapa tanging handugan ng WALANG DAHILAN. Basta nalang lilikom ng para sa WALA.

Kaya nga "TANGING HANDUGAN", TANGI, BUKOD, dahil may pinaglalaanang isang bagay na paggugugulan dito. Kaya nagtataka ako kung bakit may kapatid na MATITISOD dahil lang may TANGING HANDUGAN? At bakit magpapaniwala tayo na isang masamang bagay kung nagserkular man ng pagta-tanging handugan, ayon sa grupo ni Antonio Ebanghelista?

Na ngayoy nananawagan na huwag na daw maghandog, mag tanging handugan at maglagak o kaya ay liitan na raw ang inihahandog.

Take note: (Kahit itanong nyo pa sa mga kapatid na naabutan ang Ka Erano Manalo) WALANG NABAGO SA PARAAN NG PAGHAHANDOG, PAGTA-TANGING HANDUGAN AT PAGLALAGAK NGAYON. AT MAYROON NG "TANGING HANDUGAN" MULA PA NOONG PANAHON NG KA ERDY NA PARA SA "IBA PANG PINAG-GUGUGULAN" NG IGLESIA.

Kahit sila A.E alam nila yan, ang kaso lang pinipilit nilang bigyan ng ibang kulay at sasamahan nila ng realidad para lumabas sa mga mambabasa niya na ito ay totoo. At dahil nga nasa misyon sila ng PAGPAPABAGSAK SA KASALUKUYANG PAMAMAHALA AY WALA SILANG CHOICE KUNDI GUMAWA NG MGA AKUSASYON AT PANINIRA.

Pera lang yan, HIGIT PA SA ATING PANGANGAILANGAN ang ISUSUKLI SA ATIN NG AMA KUNG TAYOY NAKIKIPAGKAISA AT SUMUSUNOD SA KANIYA UKOL SA PAGBIBIGAY NG BUKAL SA LOOB. 

KAYA SA AMING MGA TUNAY NA KAPATID, HINDI ISYU SAMIN YAN, HINDI KAMI MATITISOD AT HINDI KAMI TITIGIL SA PAGHAHANDOG SAPAGKAT ITOY UTOS NG DIYOS. ANUMAN ANG KALAGAYAN NAMIN SA BUHAY, MAHIRAP MAN O MAY KAYA, BASTA DOON KAMI SA KUNG ANONG IKINALULUGOD NG DIYOS.


At ito nga ang ibinunga ng aming buong pusong paghahandog--> PAGTATAGUMPAY.


No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.