"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 21, 2015

Antonio Ebanghelista, nananawagan sa mga kapatid na mag rally sa Central

Alam nyo bang ang isa sa mga "A.E" ngayon ay NAGPAPAHIWATIG ng lantaran na pananawagan sa mga kapatid na MAG RALLY sa Central?

Kelan ko lang napansin, alam nyo, sa matagal kong pagbabasa ng blog ni Antonio Ebanghelista ay ibang tao yung gumagawa ng tagalog posts at ibang tao rin ang gumagawa ng english posts sa kaniyang blog. (Kung matagal ka ng reader ng blog nya mapapansin mo rin ito)

At ayon po sa aking reliable sources ay talaga namang MARAMING A.E. Ibig pong sabihin, hindi lang nag iisa ang may hawak ng account na iyon, hindi lang IISA ang nagboblog doon.

Kaya naniniwala ako na yung isang A.E na nag boblog ng english posts ay ang nagmamay ari ng facebook account na "SHER LOCK". Ganito ang sabi niya:

 
Nung una pa lang ay matagal na rin naming nararamdaman ng mga tunay na kapatid, at ng tunay na mga ministro ang LAYUNIN NG GRUPONG ITO NI A.E, ayan na po. Gumagawa sila ng mga kwento kwento mula ng silay magsimula hanggang sa ngayon, para magkaroon ng dahilan upang mahikayat ang mga kapatid na LUMABAN SA PAMAMAHALA.

At alam nyo ba, nung nai-shutdown ang original blog ni A.E, meron na namang lumitaw na bago, and this time, ibang tao na naman ang may hawak. Hindi si A.E na gumagawa ng tagalog posts, at hindi rin si A.E na gumagawa ng english posts. Ngunit isa ang sigurado ko, isa sya sa mga kasamahan ni A.E.

TIGNAN PO NINYO, KAYO NA PO ANG HUMUSGA





Sa mga TUNAY NA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO, DITO PO BA TAYO MAGPAPANIWALA?

SA MGA TAONG KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA?

SA MGA TAONG GUSTO TAYONG ITALIKOD SA ATING PANANAMPALATAYA?

SA MGA TAONG GUSTO TAYONG ILAYO SA DIYOS?

Para ano?

MAGAWA NILA ANG TUNAY NILANG LAYUNIN???

LAYUNING PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA, PALITAN ANG MGA NASA SANGGUNIAN AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.

NAGSIMULA NA PO ANG PANAHON NG MATINDING PAGSUBOK SA IGLESIA, at nararamdaman ko po na mas titindi pa, kaya sa mga tunay na kapatid sa Iglesia, PANGHAWAKAN PO NATING MATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA, MANGHAWAK TAYO SA ARAL!


"Huwag ang pakinggan natin ay ang gumagawa ng mga panlilinlang at pandaraya sa layuning iligaw ang ating pananampalataya. Kapag sila ang ating pinakinggan ay lalasunin nila ang ating isipan, dadayain, ililigaw, at itatalikod tayo sa pananampalataya.  
Kaya manghawak tayo sa aral."

 Sipi mula sa sulat ng Kapatid na Eduardo Manalo sa buong mundo
Inihanay mula sa leksyon na ginawa ng Kapatid na Felix Manalo


9 comments:

  1. baka yong antonio ebanghelista eh siya ung kapatid ni ka eduardo na gumawa ng video sa youtube?parang nabasa ko din po na parang nasa central ung antonio baka sya un umuusig sa INC kapatid?opinyon ko lang po ito

    ReplyDelete
    Replies
    1. so ngayon visible na na nanghikayat ang pamamahala nyo na lumaban kayo sa gobyerno

      Delete
  2. Sempre yan talaga gusto nila palitan ang Sangunian dahil nakita nila ang corruption na ginagawa ng Sangunian if this is tree then prove it to the people na di totoo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit pa ma proved na kunyari totoo, magpapatisod kaba? kung mag judas man, hindi ko idadamay ang DIOS, patuloy akong maglilingkod sa kanya, maninindigan ako sa aral..

      Delete
  3. Kailangan munang magpakita ng matitibay na ebidensiya ang mga nang-aakusa ng ANOMALYA, bago sumagot at magpaliwanag ang INAAKUSAHAN, ganun iyon maski sa HUKUMAN...hindi puwede na puro BUNGANGA LANG kesyo may ginawang ganun, may ginawang ganire...dahil kapag sila ay walang naipakita na mga CONCRETE EVIDENCES sa kanilang mga paratang...madedemanda sila ng SLANDER or LIBEL...tiyak na makakasuhan sila...

    Maniniwala lang ako kung may mailalatag na mga matitibay na ebidensiya...INC kami, hindi kami mapagpaniwala sa TSISMIS at KUWENTONG KUTSERO...

    May kasabihan: "KAPAG KUWENTO WALANG RESIBO"...

    Hindi namin kailangan ang magaling lang magkuwento, ang kailangan namin may KATIBAYAN na ang sinasabi ay pawang KATOTOHANAN...

    ReplyDelete
  4. well said kapatid . . pasakop tayo sa Pamamahala sapagkat siya ang inilagay ng ating Panginoong Diyos para pamunuan tayo.

    ReplyDelete
  5. Sa ginagawa nilang paglaban sa INC lalo nmn tumitindi ang pananampalataya ng mga kapatid kawawa ang mga nagdilim at natiwalag san n sila ngun hindi nag icp ng maayos...nagpadala sila sa udyok ng hangarin nila masama un dhil sa gnyn nawala ang karapatan nila nawalay sila... AKO MAMATAY AKONG IGLESIA NI CRISTO kht anong mangyri magpapasakop ako sa pamamahala MARAMING SALAMAT SA MGA MAGULANG KO HANDOG AKO...

    ReplyDelete
  6. Sa mga sasama,mapapahamak lang kayo.
    Sa mga sumama,Diyos na bahala sa inyo.
    Sa mga nagbabalak,nawa'y kaawaan pa kayo ng Diyos.
    Sa mga tumanggi,God guided your decision.

    ReplyDelete
  7. kahit sinong kumalaban sa pamamahala at mag isip man lang na ibagsak ang iglesia ni cristo ang ating Ama ang knilang kalaban at magpapabagsak sa kanila, tunay na nahahayag iyan sa iglesia katuparan ng mga pangako at pagtulong ng Ama, sa ating Amang Diyos ang lahat ng kapurihan,🇮🇹🇮🇹🇮🇹

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.