"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 7, 2015

Pagbubunyag sa tunay na layunin ng grupo ni Antonio Ebanghelista

Kapag sinasabi ba namin ni Ka Pristine Truth (theiglesianicristo.blogspot.com) na ang tunay na layunin ng grupo ni AE ay walang iba kundi upang PABAGSAKIN ANG KASALUKUYANG PAMAMAHALA NG IGLESIA. 

Na nangangahulugang, PALITAN ANG MGA NASA SANGGUNIAN AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, ito bay guni guni lamang namin???

Maaaring mahirap paniwalaan lalo na dahil sa matatamis na salita ni Antonio Ebanghelista kung saan ang gusto lamang daw niya at NILA ay upang ibalik ang dating Iglesia ni Cristo na walang dungis at upang ibunyag ang mga "tiwaling ministro"... 

Hindi daw upang LABANAN ang pamamahala at ang namamahala.

Nagtatago pa siya sa mga pangungusap na "Mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan na Ka Eduardo Manalo" at kahit kelan hindi daw siya LABAN sa NAMAMAHALA. 

Para ano? Para palabasin sa mga mambabasa na hindi nga talaga siya lumalaban sa Ka EVM at upang patuloy na may pumanig na mga kapatid sa kaniya. Dahil kung sasabihin niya agad at didiretsuhin na AYAW NIYA SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, ay wala ng magtyatyagang magbasa ng blog nila.

Sa pagsesearch ko sa mga kasamahan ni Antonio Ebanghelista, muli akong kinilabutan sa mga nabasa ko. 

Ang grupo ni A.E ay samahan ng mga tisod na kapatid at mga tiwalag sa Iglesia.

At isa nga sa mga kilalang taga suporta ni A.E ay si Lito De Luna Fruto, isang tiwalag na ministro ng Iglesia. 

Kasama ang ilan pang mga taga kasamahan nila ay pinag uusapan nila ang tagapamahalang pangkalahatan.

At kung iche check nyo ang mga fb accounts nila, iisa lang mababasa ninyo, kung hindi paninira sa IGLESIA ay ang pagpaparinig patungkol sa Ka Eduardo at sa mga nasa Sanggunian.

Kayo na po ang bahalang humusga kung ANO BA TALAGA ANG KANILANG TUNAY NA LAYUNIN. Hindi man sinasabi ni A.E sa kaniyang blog ang tunay niyang motibo ay hindi na maitatago pa ng mga kasamahan niya ang gusto nila mangyari at ang pananaw nila sa Pamamahala sa Iglesia...

Kaya sa ibang kapatid na unti unting napapaniwala sa grupo ni A.E, ang pagsuporta sa kanila ay ang pagsuporta sa lihim nilang motibo.









Kinikilala lamang ng grupo ni A.E ang Ka Felix at Ka Erano Manalo bilang mga Tagapamahalang Pangkalahatan at hindi ang Ka Eduardo.

Kaya pala sa blog mismo ni Antonio Ebanghelista ay ito ang sabi niya:


ANTONIO EBANGHELISTA: "Napakataas noon ang Pamantayan ng Sugo at ng Ka Erdy sa mga lilikhain nilang maging mga Ministro." source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com 

ANTONIO EBANGHELISTA: "Pasensya na po kayo mga kapatid, hindi ko lang siguro talaga makuhang pigilan ang damdamin ko… kung nabubuhay lang sana ang Sugo ngayon, ang Ka Erdyhindi sana umabot sa ganito ang kalagayan ng Iglesia ngayon. " source: iglesianicristosilentnomore.wordpress.com


Ngayong LITAW NA LITAW na po ang tunay na layunin ng GRUPO NI ANTONIO EBANGHELISTA, kaisa ka ba nila?

Hindi ba ang paglaban sa Pamamahala ay paglaban sa Diyos? Sapagkat ang Diyos ang naglagay ng mga mangunguna sa Iglesia niya.

Saan ka PAPANIG?

Sa mga gustong PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA?

Kayo na po ang bahalang magdesisyon...



"Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin."  

I Cor. 1:10

 

1 comment:

  1. "Kung noon ay napaka-ingat ng Pamamahala sa paghahanay, pagbabalangkas, pagtatakda at paglalabas ng mga Leksyon dahil sa ito ay NAPAKASAGRADONG BAHAGI ng aming Ministeryo kaya kinakailangan pa ito na mai-klase sa mga Ministro at Manggagawa bago maituro sa panahon ng Pagsamba,..."(emphasis mine)

    https://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com/2015/07/08/pagbabago-sa-leksyon-sa-pagsamba-ng-linggo-july-1112-bagong-leksyon-mula-kay-kapatid-na-glicerio-b-santos-jr/


    Tama ba naman ilabas niya sa publiko ang mga leksyon ng pagsamba? sinasabi pa niya na mas malasakit kuno siya sa Iglesia at sa Pamamahala pero ang ginagawa niya ay tila ba isang kahibangan. may malasakit kuno pero inililalabas niya sa publiko na kahit siya ay alam naman niyang HINDI PUWEDENG i post sa anumang social media o kung saan saan man, kaya napapaisip ako sa aking sarili . nasa tamang katinuan paba itong si AE?

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.