"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 23, 2015

"Hidden Agenda" mula sa viral video ng Ka Angel at Ka Tenny?

Ayoko sana magbigay ng "ibang pagpapakahulugan" sa ginawa ng Ka Angel at Ka Tenny na video sa youtube. Ngunit dahil matagal na akong sumusubaybay sa grupo ni Antonio Ebanghelista at sa mga nababasa ko sa balita, akoy lubos na nagtataka sa mga bagay na ito.

Sana ang pananaw ko sa mga nakikita ko ay mali. Sana.

Ngunit kung tama ang aking hinala, KAPATID, HUWAG TAYONG MAKISIMPATYA SA NGAYON, HINDI PO NATIN NALALAMAN ANG GUSTO NILANG MANGYARI SA PAMAMAHALA NG IGLESIA. HUWAG TAYONG MAGING DAAN UPANG TULUYANG MASIRA ANG IGLESIA.

Mga bagay na aking napansin:

1. Kung talagang nanganganib ang kanilang buhay, bakit sa halip na magsumbong sa pulis, o sa nbi o kaya naman ay ipaalam sa kanilang kapatid na si Ka Eduardo Manalo ay gumawa sila ng VIDEO at pinost sa youtube, na ang ibig sabihin ay gusto nilang ipaalam ito sa publiko? Alam naman nila na silay kilala ng maraming kapatid at ng ibang mga tao sapagkapat pamilya sila ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia. Bakit sa halip ay NANANAWAGAN sila sa mga kapatid sa Iglesia na wala namang kamalay malay sa mga nangyayari?

2. Sa balita ay makikita nyo na meroong humihingi daw ng SAKLOLO na hinostage daw sila habang ipinopost nya ang mga ito sa bintana sa compound ng bahay ng pamilya Manalo. Ngunit bakit nang tanungin na si Ka Angel kung totoo bang hino-hostage sila ang sabi HINDI DAW SILA HOSTAGE, MAY BATA LANG NA NAGBIBIRO? Simpleng bagay lang ba ang magpost ka ng TULONG, HOSTAGE KAMI habang itoy binabalita ng media sa publiko samantalang WALA NAMAN PALA ITONG KATOTOHANAN? Magagawa ba ng bata na MAGLOKO na HINOHOSTAGE sila at nagpopost pa ng mga plaka ng sasakyan at nagsasabi pa na may mga armadong tao kaya dapat na mag ingat ang media sa labas?

3. Ang alam kong isyu dito kaya ito ni-report ng media ay dahil sa VIRAL VIDEO na nagsasabing NANGANGANIB DAW ANG KANILANG BUHAY. Ngunit bakit parang ginamit ang pagkakataong ito para ilabas ang lahat ng kanilang mga hinaing sa Ka Eduardo at sa pamamahala? Nakinig ako ng live streaming sa DZMM kagabi hanggang madaling araw, ang sabi pa nga ng anchor this is really just a FAMILY PROBLEM, kahit yung nire-raise na korupsyon sa SANGGUNIAN ay INTERNAL PROBLEM na tayo tayo lang din daw ang makakaresolba.

At nagtataka ako, tila parehong pareho din ang sinasabing mga paratang ni Ka Angel at ni Antonio Ebanghelista tungkol sa Pamamahala. Yung sanggunian daw ganito ganyan, yung pera daw ng Iglesia nauubos na, hindi daw dapat pinatayo ang Philippine Arena. Halata po na talagang PANIG si Ka Angel sa mga dati nang kumakalaban sa Iglesia. 

At bakit nananawagan ang Ka Angel sa mga kapatid na makiisa sa vigil?

4. Bakit sunud sunod na ang mga naging pahayag na KATIWALIAN diumano sa Sanggunian, maling paggamit ng pera ng Iglesia and so on? Samantalang ang main concern dito ay kung talaga bang LIGTAS ANG BUHAY ng pamilya ni Ka Eduardo at kung talaga bang may mga hinostage na mga ministro? Bakit biglang lumabas si Ka Isaias Samson Jr. saka isa isang sinabi sa media ang lahat ng mga akusasyon ni A.E? Sinasabi pa niya na hinostage din siya dahil pinipilit daw na siya si A.E, tapos nung na-interview alam na alam lahat ng panig ni A.E at talaga namang PANIG siya kay A.E. (Kaya nabuo ang konklusyon kong ISA PALA TALAGA si Ka Isaias sa mga A.E na blogger ng Iglesia ni Cristo silent no more)

5. Bakit ang mga sumasama sa vigil ay mga TIWALAG NA MIYEMBRO ng Iglesia? At bakit nung ininterview ang ilan, tulad na lang ng mag asawang ROSAL kaya lang DAW sila naglakas loob pumunta doon ay dahil sa nakita nilang video sa youtube? Samantalang silang mga kasama sa grupo ni A.E ay matagal ng plano ang pagpunta sa Central at pagvigil doon? Meron pa nga silang pinag uusapang mga MEETING PLACE kung saan daw sila magkikita kita. Kung alam lang ng mga kapatid ay sila din yung mga NASA LIKOD ng facebook accounts tulad ni Kelly Ong, Danica Rosales at iba pa na dati nang LUMALABAN SA PAMAMAHALA.

6. Dati pa ay sinusubaybayan ko na ang account ni SHER LOCK (account ni Antonio Ebanghelista) at ni LITO FRUTO DE LUNA (tiwalag na ministro), dati na nilang ipinahayag na ITS TIME TO UTILIZE MEDIA naman daw. AT sabi pa ni SHER LOCK siya mismo ang haharap sa media at ibubunyag lahat ng paratang nya sa pamamahala ng Iglesia.


Hindi kaya ginamit lang nila ang VIDEO na ito upang ISAPUBLIKO ang lahat ng kanilang pinaparatang dati pa? Hindi kaya ginawa lang nila itong paraan upang MARAMI PANG KAPATID ANG MAKIISA sa pakikipaglaban nila sa Pamamahala ng Iglesia?

Bakit may nakikita akong HIDDEN AGENDA sa mga pangyayaring ito?

Ipagpaumahin po ninyo mga kapatid kung ako may nakapag isip ng ganito, ngunit hindi ko po maiwasan. At kung sa mga nailabas kong bagay na aking napansin sa mga panyayaring ito ay sa tingin nyo ay mali, patawarin po ninyo ako.


12 comments:

  1. Isa itong usapin na sana ay sa loob na lamang ng INC nilutas at pinagusapan, may mga bagay sa ating sangbahayan maging sa ating kumpaniyang pinapasukan o saan man na may mga bagay na kailangan tayo lamang ang nakakaalam o within the circle of the concerned, ika nga things that are kept in secrecy...kaya sabi ng Panginoong Jesus..."DATAPUWA'T SA KANILANG NANGASA LABAS, ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY GINAGAWA SA PAMAMAGITAN NG TALINGHAGA" (Marcos 4:11)

    May mga bagay na pangloob lamang ng Iglesia...and pagpapakalat nila Angel Manalo at mga kasama ng ganitong mga salita at usapin, ay nakapipinsala sa kabuoan ng Iglesia...kung mahal mo ang Iglesia hindi ka gagawa ng mga hakbang na makakapinsala dito...ang PAGLABAN sa PAMAMAHALA ay paglaban sa DIOS na naglagay sa kaniya...sabi nga ni Jesus: "ANG NAKIKINIG SA INYO, SA AKIN NAKIKINIG, AT ANG NAGTATAKUWIL SA INYO AY AKO ANG ITINATAKUWIL; AT ANG NAGTATAKUWIL SA AKIN AY ITINATAKUWIL ANG SA AKIN AY NAGSUGO." (Lucas 10:16)

    Sa huli...malalaman at malalantad ang mga TUNAY na mga KAPATID...ang mga TUNAY NA MALILIGTAS...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po. Dapat ay nireresolba nila ito nang walang mga media na nakatutok. Ngunit dahil sa may plano nga silang pabagsakin ang Iglesia, sa media sila tumatakbo. Hindi kay ka Erdie, hindi sa pulis, sa CHR, sa NBI. Sa MEDIA! Nagpapapansin sila.

      Delete
    2. Ang pamamahala ay sa Dios kaya sa Pamamahala ako kahit ano ang mangyayari.

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Masakit at nakakalungkot ang mga pangyayaring ito. Nagdiwang ang mga kumakalaban s Iglesia. Nagdiwang din ang mga may hinanakit s Iglesia. PERO!!!! HANGGANG JAN LANG SILA!!! Maaaring nagtagumpay sila s ngayon n guluhin ang Iglesia PANSAMANTALA. Habang dumadaan ang bawat araw ay lumalabas ang kanila lamang mga pagsisinungaling. Napatunayan n wala naman n pumipigil o HUMOHOSTAGE S KANILA. Dahil s nagkamali sila doon ay isinunod nila ang mga akusasyon. NASAAN ANG EBIDENSYA ng mga katiwaliang cnasabi ninyo? NASAAN ANG MGA TAGA-SUPORTA NINYO? Hndi bat nagtawag n ang dating Ka Angel na magVIGIL? NASAAN KA AE? Sana ikaw ang nanguna na tumugon s panawagan ni dating Ka Angel Manalo? May sumipot naman, pero ILAN KAYA? May sumuporta naman, pero IILAN LANG? Bakit wala c AE? S ganyang paninindigan ninyo b kami isasama? Baklang paninindigan yan, kayo n lang! DUWAG NA PAMAMARAAN YAN! Kayo n lng! Sumunod.. Si dating Ka Isaias, nagpapresscon pa. Dating pamamaraan, akusasyon. SANA.. nandun k n din lang, ipinamudmod mo n (KUNG MERON) ang mga katunayan ng katiwaliang cnasabi mo s media at ng magkaalaman n. Sana din kung totoo ang pagbibintang nyo, nanghingi k n ng mga kopya ng BAWAT TRANSAKSYON n ikinakalat mo! Palagay ko WALA. Muli, BAKLANG paninindigan at DUWAG n pmamaraan, KAYO NA LANG ULI!!!

    Sabi nila AE et al, n isisiwalat nila ang mga katiwalian, NASAAN NA? Pati katunayan o ebidensya, NASAAN N? WALA? Nkakatulog p b kayo ng mahimbing? Nkakahinga p b kayo ng maluwag? Nkakapag-isip p b kyo ng tama? Yung inyong puso payapa p b? KUNG HINDI N, sana.. ituwid n ninyo ang pagkakamaling ito. May pnahon p. Maluwag ang pintuan ng Igleisa s mga taong nagbabalik-loob n katulad ko. Wag n sana ninyong hintayin p n ILAYO NG AMA ang kanyang damdamin s inyo. WAG N ninyong IDAMAY ang kaluluwa ng iba s kapahamakan n gnagawa ninyo. Ilan p b ang hihilahin ninyo s pagkakamali? MANGILABOT SANA KAYO! WAG KAYONG PUMAYAG NA SAKUPIN NG DEMONYO ANG KALULUWA NINYO!

    Basta KAMING MGA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, susunod s aral n tinanggap at minsang ipinangaral nyo din n.... SUMUNOD S PAMAMAHALA. Ito'y galing s Ama s pamamagitan ng Sugo at ng Ka Erdy. Malulugod kaya sila s mga pnaggagawa ninyo? Ikinasisiya namin s tuwing pagsamba n AKO'Y IGLESIA NI CRISTO. HINDI KAMI Iglesia ni Eduardo, HINDI KAMI iglesia ng sanggunian. Kayo kaya? Iglesia Ni AE/ Iglesia ni Angel Manalo? Iglesia Ni Isaias Samson, Jr.?

    Muli naghihintay at nagmamasid kami s LAHAT ng mga pangyayari. BAHALA ANG AMA s ating lahat. GAGABAYAN NIYA ANG TAMA AT MAY MABUTING HANGARIN..

    ReplyDelete
  4. Mapapawi rin ang madilim na usok na nagbibigay sakit sa Iglesia at sa Pamamahala, kapag kumilos na ang Diyos upang ito ay malunasan, iisa lamang ang maiiwang nakatayo ng matatag, ang IGLESIA NI CRISTO na bahay na itinayo sa IBABAW ng BATO (Mateo 16:18)..."At sa ibabaw ng batong ito, itatayo ko ang aking Iglesia." Ang bahay na hindi babagsak sa kabila ng mga pagsubok...

    MATEO 7:24 -25

    "Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato."

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bro Aerial im a follower of your blog. May FB po ba kayo? Marami po sana akong katanungan ukol sa bibliya. Salamat.

      Delete
  5. Hanggang dito lang sila sa mundo.

    Kahit matangay pa nila ang 99% ng tao hanggang dito lang pa rin sila tulad ng Ama nila na tinangay ang sangkatlo ng mga bituin at mga taong kasing rami ng buhangin aa dagat.

    Magpasalamat na lang tayo na hindi pa tayo pinapatay ng mga kaaway.

    ReplyDelete
  6. Noong napanood ko ang videong eto, bigla naalala ko ang nasasaad sa Gawa 20:28 na ibinuwis ng ating Panginoong Jesus ang Kaniyang sariling buhay para sa Iglesia.

    Maging ang matinding paninindigan ni Apostol Pablo (Filipos 1:21)

    Baliktad naman ang ginawa ng mga kapatid na eto, gustong ibuwis ang karangalan ni Cristo sa pamamagitan ng Iglesia Niya para maisalba lang ang kanilang buhay.

    Kahit anupaman ang dahilan, gagawin lahat ng isang mananampalataya na di madungisan ang marilag na pangalang itinatawag sa kanya - maging ang kapalit nito ay ang kanyang mismong sariling buhay. Sapagkat nasusulat:

    "Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkakaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon, upang mabuhay o mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Cristo." -Filipos 1:20-21

    Nabigyan ba ng karangalan si Cristo sa isinigawa nilang eto? O malaking kahihiyan?
    Nakapagbigay ba ito ng kapurihan sa Ama o para sa sarili nilang kapakinabangan?

    "Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito." ~ Mateo 16:24-25.



    ~ Bee

    ReplyDelete
  7. Isang bagay lang po ang dapat na nasa isip natin. Ang Tagapamahala ay sa Diyos, at ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan.

    ReplyDelete
  8. Happy 101st Anniversary to all the brethrens around the world...I will remain forever loyal to the Church's Administration to glorify our Lord God. Here's my reaction on the issue po http://angiegaliza.blogspot.com/2015/07/what-keeps-us-united-in-faith.html If there are foreign readers want to understand what's going-on, why the members remain unmoved despite the controversy about the church.

    ReplyDelete
  9. Andaming mali sa video ni Angel.....

    Napakarami,kung hostage siya,noong may pagsamba,bakit di sila tumakas?
    Kung ginigipit sila,bakit di sila magtago?
    Kung pinahihirapan sila,bakit di sila lumayas ng Central?Ginawa pa nilang barricaded area yung lugar?

    Conclusion,this is a premeditated na paninira lamang.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.