"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 27, 2015

"The greatest test of our faith"

Ito na nga yata marahil ang PINAKAMATINDING PAGSUBOK na dumaan sa kasaysayan ng Iglesia. Pagsubok para sa Iglesia, at pagsubok sa pananampalataya ng mga kaanib. 

Hindi na bagong bagay ang mga PAGSUBOK sa loob ng Iglesia ni Cristo. Marami na itong napagdaan, kung kelan ba dumating na ito sa ika 101 taon ngayon pa ba tayo BIBITIW? Ngayon pa ba tayo MANGHIHINA? Ngayon pa ba tayo MANLALAMIG? Ngayon nang nasa daan ka na tungo sa kaligtasan, ngayon ka pa ba liliko tungo sa KAPAHAMAKAN?

Kung babalikan natin ang mga nakalipas, ang mga TUNAY NA KAPATID ay NAGTIIS ng mga pagsubok, naging matibay sila sa kanilang pananampalataya at HINDI SILA TUMALIKOD sa kanilang pagka-Iglesia ni Cristo.

Nasa sa iyo ang desisyon, NASA ATING MGA KAMAY kung tayo ba ay mananatili, magiging tapat hanggang wakas UPANG MALIGTAS, o magpapadaig tayo sa pagsubok na ito ng ating Panginoong Diyos?

Sabi nga nila eh, PUSPUSAN NA ang PAGLILINIS sa Iglesia, ipinahintulot ito ng Diyos upang malaman kung gaano katatag ang ating pananampalataya sa kaniya. Inaalis na ng Diyos ang mga taong hindi karapat dapat: mga mahihina, nanlalamig at higit sa lahat, mga hindi tunay na Iglesia ni Cristo. 

Ang pananampalataya kasi natin ay hindi sa Iglesia mismo kundi sa ATING PANGINOONG DIYOS. Kung madali kang MATISOD at manghina, huwag na huwag kang aasa sa KALIGTASAN, dahil ang pagkamit noon ay hindi basta basta. Kumbaga sa mga pagligsahan, kailangan mo munang MAGSAKIT, MAGTIIS AT MAGSAKRIPISYO kung gusto mo mapanalunan yung premyo. Pero kung ikaw yung taong madaling sumuko, hindi pa nga nagsisimula yung paligsahan ayaw mo na magpatuloy, huwag ka ng umasa sa iyong mapapalanunan tutal ayaw mo palang maghirap para doon.

Kung babalikan natin ang kasaysayan ng Iglesia, sino sino ba yung mga taong LUMABAN SA PAMAMAHALA ng Iglesia? Sino sino ang mga taong nagbigay ng PAGSUBOK sa pananamapalataya ng mga kapatid?

At ang tanong ay, NAGTAGUMPAY BA SILA?



Panahon ng Kapatid na Felix Manalo

TEOFILO ORA REBELLION

Kasama si Teofilo Ora sa pinaka unang batch ng mga mag miministro sa Iglesia ni Cristo. Ngunit noong 1921, kasama ang ilan pang mga kasama sa unang batch ng mga mag miministro na sila Juanario Ponce at Basilio Santiago...

"In August 1919 Manalo visited all local congregations before departing for the United States to advance his Bible studies. He advised the brethren to keep united and protect one another in his absence. One day in September that year he sailed for the U.S. and stayed at Berkeley, California, burying himself in Bible research and studies, and attending classes in a school of religion. 
When he returned in 1921, he found the Church rocked by an incipient revolt led by Teofilo Ora and Januario Ponce, Church workers who had been left out in the 1919 ordination.

Assisted by Basilio Santiago, another church worker, Ora and Ponce attacked Manalo for alleged extravagance and immorality. Knowing the existence of the Church itself was in danger, Manalo acted decisively and called an emergency meeting of all ministers in the Central office in Gagalandgin, Tondo, with Justino Casanova presiding. Manalo defended himself by belying the charges and presenting supporting documents. Then in a division of the house, he won decisively.

Defeated, Ora and Company founded their own Church, the Church of God in Jesus Christ, inviting recruits from the Iglesia ni Cristo. Their recruitment efforts were initially effective and for a while the Iglesia was dangerously decimated. Manalo then took to the field to gather the member back to the flock, and once more, peace reigned in the Church. On the other hand, the new church of Ora and Ponce withered away." source: student361.tripod.com 

Noong 1919 ay pumunta ng ibang bansa ang Kapatid na Felix Manalo upang madagdagan pang lalo ang kaniyang mga kaalaman at upang makakuha ng mga aklat reperensiya, mga bible versions at iba pa.


" He also came back with a collection of religious publications, several editions and versions of the Bible and Encyclopedias for the Iglesia library”." source: supr.aim

Ngunit pagbalik nya sa Pilipinas ay eto pala ang madadatnan niya, ang sari saring mga akusasyon ng mga manggagawa na HINDI NAORDENAHAN noong pinakaunang ordenasyon ng mga ministro ng Iglesia.

Anong nangyari?

"In 1922, open rebellion took place. Teofilo Ora, one of the pioneer ministers, and other workers in the Bulacan area broke away from the church taking with them some 65 of the 80 members of their congregation. Questions of the Pastor’s personal morality seemed to have been the cause. The revolt spread to Nueva Ecija and almost destroyed the INK there. Only one member remained after the secession." source: supr.aim

MARAMI RIN PONG NATANGAY na mga kaanib noon sa Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Teofilo Ora na tumalikod sa kanilang pananampalataya.  Anung nangyari kala Teofilo Ora at sa mga sumama sa grupo niya?


"They left and established their own church called Iglesia Verdadero de Cristo (Spanish title meaning True Church of Christ) which was registered in the Bureau of trade and Commerce. Several months later, they changed their name to Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus (English Translation: Church of God in Christ Jesus)." READMORE HERE

Nagtayo na sila ng sari sarili nilang Iglesia. Yon ang simula ng marami pang pag alis naman sa kanilang samahan para magtayo ng iba pang Iglesia. Kumbaga, NAGKASANGA SANGA na, isa sa mga Iglesiang bunga ng rebelyon ni Ora ay ang Members Church of God International na pinamumunuan ni G. Eliseo Soriano.

Doon sa mga NANATILING MATATAG na kaanib sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, hindi po sila tumalikod at nanghina. Ngunit ang mga TUMALIKOD SA IGLESIA, tanong ko sa inyo nasaan na sila? Naging MATAGUMPAY ba ang ginawa nilang paglaban sa SUGO?

 
KA ROSITA TRILLANES' ACCUSATIONS

Sometime between 1938 and 1939, itiniwalag po ang Ka Rosita Trillanes kasama ang iba pa niyang mga kasamahan sapagkat silay lumabag sa mga doktrina sa Iglesia. Nang dahil dito sila ay gumanti sa pamamagitan ng paggawa ng ESKANDALO, ng mga akusasyon sa Kapatid na Felix Manalo na nagsasabi na hinalay daw siya nito. Gumawa sila ng liham saka nila IPINAKALAT sa pamamagitan ng pagkakapublish nito sa dyaryo...


source: philippinestudies.net


Sinampahan ng KASONG LIBELO ang grupo ni Ka Rosita sa korte, nanalo ang Ka Felix kung kaya sila ay nakulong. Umapela naman si Ka Rosita sa korte at nagsabi kaya lang niya ito ginawa ay hindi upang siraan si Ka Felix ngunit upang magbigay lamang ng babala sa mga kapatid. Dahil dito, nakalaya si Ka Rosita kasama ang mga kasamahan niya.

Nanalo sila sa kaso, ngunit pagkalipas ng sampung taon siya ay gumawa ng RETRACTION upang bawiin ang lahat ng kaniyang mga akusasyon, kalakip ang salaysay ng mga tunay na pangyayari.


Republic of the Philippines
City of Manila S.S. 
AFFIDAVIT
I, ROSTIA TRILLANES, Filipino, of legal age, married a resident of and with a postal address at 639 Piy Margal, Manila, upon being duly sworn according to law depose and say:

1. That I am the same ROSITA TRILLANES who was accused of libel by Mr. Felix Manalo before the Court of First Instance of the City of Manila, in the month of September in the year 1939;

2. That I was convicted by the Court of First Instance for that crime upon my failure to prove the truth thereof, said conviction having been published by the Taliba, on January 4, 1941;

3. That I appealed from the decision of the said Court of First Instance to the Court of Appeals because of my fear that upon my failure to pay the fine imposed threat that I would be imprisoned;

4. That concerning that libelous letter I wrote and for which I accused by Mr. Felix Manalo, I hereby state and so declare, that all matters therein stated and written areall false and pure fabrications without any truth whatsoever;

5. That the letter and all those matters stated therein was fabricated by Messrs Raymundo Mansilungan, Tedoro Briones and Cirilo Gonzales who induced me to sign the same upon their representation that it would be shown only to the brethren of the Church of Christ (IGLESIA NI CRISTO) to convince them to revolt against the administration of Mr. Felix Manalo, in retribution against him for expelling us from the Church;

6. That together with Messrs Raymundo Mansilungan, Tedoro Briones and Cirilo Gonzales, we were expelled from the Church for Acts and behaviors contrary to the doctrines of the Church;

7. That contrary to my expectation, my companions above mentioned not only showed the letter to the brethren in the Church, but published the same in a Pampango Newspaper, entitled “Ing Cawal”, whose editor at the time was Salvador Tumang, and as a consequence thereof, Mr Felix Manalo filed a libel suit against me and against Salvador Tumang and Cirilo Gonzales, resulting in our conviction,

8. That after my conviction I appealed the case to the Court of Appeals and by claiming that I was motivated by good intentions I was able to acquit myself (see Official Gazette Vol. 1, July 1942 – No. 8180, April 21, 1942), although, since then and up to the present time, I have been bothered continuously by remorse and a guilty conscience;

9. That I have therefore executed the foregoing affidavit to confirm the truth of all I haves stated above and for such other purposes for which the same could be availed of to right the wrong and injustice I have committed against Mr. Felix Manalo aboutwhose integrity and character I have the highest of regard and respect.Furthermore, I have executed the same without any consideration whatsoever, without having been induced by any one, except for the reasons I have stated, and without mental reservation whatsoever.

IN WITNESS WHEREOF, I have signed this affidavit, and affixed my right hand thumb mark below that of my signature at the left margin of the first pageand at the bottom hereof, to remove any doubt about the authenticity of this instrument, this 21st day of November 1952, in the City of Manila, Philippines. READMORE HERE

Nakonsensya si Ka Rosita Trillanes, di niya makayanan sapagkat siyay binabagabag ng kaniyang konsensya, hindi agad siya nakapag retract sapagkat nahihiya siya sa nagawa niya kay Ka Felix Manalo. Ngunit dumating ang panahon na nagkaroon siya ng lakas ng loob, humingi siya ng tawad at siyay nakapag balik loob. Pagkatapos ng sampung taon muli ay naging diakonesa si Ka Rosita at NAMATAY SIYANG KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO.

Noong panahon na iyon kung saan na eskandalo muli ang Iglesia ay hindi na nakakapagtaka kung merong mga kapatid muli ang tumalikod sa kanilang pananampalataya. Ngunit ang mga TUNAY NA KAPATID ay nanatili pa ring matatag sa kabila nito.



Panahon ng Kapatid na Erano Manalo

DR. MELANIO GABRIEL, JR.'S BOOK

Si Dr. Melanio ay isang dating kaanib sa INC, hindi po siya MINISTRO o MANGGAGAWA di tulad ng sinasabi ng mga di kaanib na wala naman talagang alam. Siya po ay napagtiwalaan ng Ka Erano kung saan siya ay naging PROGRAM ADMINISTRATOR ng INC MOBILE CLINIC PROGRAM at sa INC FAMILY PLANNING PROGRAM na pawang mga proyekto ng Iglesia. Siya rin ay dating nag oopisina sa METRO MANILA SECRETARIAT at humawak ng iba pang mga tungkulin sa Iglesia.

Ngunit ng tanggalin siya sa mga ito sapagkat nakitaan siya ng mga katiwalian at mga kamalian, idagdag na diyaan kung saan ay humiling siya sa Ka Erdy na siyay maging ORDENADONG PANGULONG DIAKONO na hindi naman pinagtibay ng Ka Erdy... Siyay nagkaroon ng galit sa kaniyang dibdib kung kayat siyay sumama sa mga kumakaaway sa Iglesia, at nagtaglay ng maling paniniwala kaya siya ay ITINIWALAG sa Iglesia.

Simula noon, siyay nagsalita ng LABAN sa Iglesia ni Cristo at gumawa pa siya ng librong may pamagat na "Ang lihim ng Iglesia ni Cristo na inihayag ni Dr. Melanio Gabriel Jr." kung saan siniraan niya ang Iglesia at pati ang mga doktrina nito.

Ayon sa kwento ng mga kapatid, siya daw ay nagkaroon ng matinding karamdaman sa balat na kaniyang ikinamatay.


ELISEO SORIANO'S CRITICISMS

Noon pang 1980 ay nagsimula na ng pag atake si G. Soriano sa Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng kaniyang mga programa sa telebisyon. Noon lamang 2001 ng simulang sagutin ng Iglesia ang kaniyang mga paratang lalo na sa paninira niya sa mga doktrina, ito ay sa pamamagitan ng programang ANG TAMANG DAAN. Simula noon lalo pang tumindi ang tensyon, hanggang sa nagpapalitan na ng mga akusasyon at sagot sa mga akusasyon.

Dumating pa nga ang puntong hinamon ni Soriano ang Ka Erano Manalo ng PUNO SA PUNO DEBATE daw. Hindi naman siya pinatulan ng Ka Erdy dahil alam ng Tagapamahalang pangkalahatan na isa lamang ito sa maduduming taktika ni Soriano.

Hindi maitatanggi na MARAMING KAPATID ang natangay na umanib sa Iglesia ni Soriano, silay nabulag sa magaganda niyang salita at matapang na paraan ng pangangaral. Kahit nga mga ministro at manggagawa sa Iglesia ay kaniya ring nahikayat.

NGUNIT... Karamihan sa mga kapatid, ministro at manggagawa na umanib sa kanila ay NAGSIPAG-BALIK LOOB din sa Iglesia ni Cristo, dahil nalaman nila na hindi naman talaga tunay na SUGO si Soriano at hindi naman tunay na Iglesia ang itinayo niya.

Asan na ngayon ang ilang mga humiwalay sa Iglesia? MATAGUMPAY ba sila? Ang mga TUNAY NA KAPATID ay nanatili sa Iglesia, ngunit ang mga nabulag ng mga bulaang tagapagturo ay umaasa na silay maliligtas din, samantalang wala naman sila sa TUNAY na Iglesiang kay Kristo.


Panahon ng Kapatid na Eduardo Manalo

ANTONIO EBANGHELISTA CONSPIRACY

Ngayong panahon naman ng Kapatid na Eduardo Manalo, umusbong ang GRUPO NI ANTONIO EBANGHELISTA na samahan ng mga tiwalag at tisod na kaanib sa Iglesia. Nagsimulang mag blog si A.E noong bandang April 2015 at simula noong ay inaakusahan na niya ang Pamamahala ng Iglesia ng kung ano ano. Andyan yung kaliwat kanang pagbebenta daw ng properties ng Iglesia, maluhong pamumuhay daw ng Sanggunian, katiwalian daw sa pananalapi at iba pa. Sinimulan nila ang PLANONG pagpapabagsak sa pamamahala ng Iglesia at sa Tagapamahalang Pangkalahatan sa pamamagitan ng pagdadala ng FAMILY PROBLEM ng pamilya ng Ka Eduardo Manalo sa SOCIAL MEADIA. Pagkatapos nun ay sunud sunod na ang kanilang mga paninira na ni isa ay wala naman silang napatunayan.

Hanggang sa nagpost ng video ang kapatid ni Ka Eduardo na nagsasabing nanganganib daw ang kanilang buhay. Ginamit naman nila ito upang isa isang maisa-publiko ang lahat ng paratang na nakapaloob sa blog ni Antonio Ebanghelista. Eto na nga, LAMAN NA TAYO NG BALITA, dati pa expected ko na MAS TITINDI PA ANG MGA PANGYAYARI, at natupad nga...

Ngayon, NANINIWALA AKO, PAKATANDAAN NYO, HINDI TITIGIL ANG GRUPO NI ANTONIO EBANGHELISTA HANGGAT HINDI NILA NAPAPABAGSAK ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA, AT SA BANDANG HULI PATI NA RIN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.

Nanghihikayat sila ng mga kapatid na sumama sa kanila, lalo na ang mga kapatid sa IBANG BANSA na wala naman gaanong nalalaman sa mga pangyayaring ito.

KAYA SINASABI KO SA INYO MGA KAPATID, TIBAYAN NATIN ANG ATING PANANAMPALATAYA, Hindi natin alam kung hanggang kelan ang ginagawa nilang ito, maaaring umabot ng ilang buwan o TAON. Pero sana HUWAG NA HUWAG TAYONG PATATANGAY SA KANILA. Huwag tayong masyadong mag alala sa PAMILYA NI KA ERDY, LIGTAS PO SILA, AT KAHIT SILA AY NATIWALAG NANINIWALA AKO NA SILAY MAKAKABALIK PA RIN SA IGLESIA NI CRISTO. 

Nasa gitna tayo ngayon ng PINAKAMATINDING PAGSUBOK SA KASAYSAYAN NG IGLESIA. Kaya nasa sa atin kung tayo bay manghihina na lang, isasakripisyo ang ilang taon sa Iglesia para lang makisama sa planong pagpapabagsak sa pamamahala ng Iglesia...

Oo, nasa PAGSUBOK TAYO

Isa lang ang ating isa isip. Sabihin mo sa sarili mo at sa mga tao...

Oo, MABIGAT.... PERO KAYA!

Kayanin natin kahit mabigat. Para saan pat umanib tayo sa Iglesia kung aayaw din tayo dahil lang sa merong dumating na mga pagsubok... Tandaan natin ang mga aral, isapuso natin. Huwag tayong bibitiw doon. Isa lamang ang dahilan ng pag anib natin dito, walang ibang dahilan kundi UPANG MALIGTAS.






17 comments:

  1. Sorry po pero naluha ako sa last part ng article......Oo MABIGAT, PERO KAYA..... Salamat po sa inyo Kapatid......

    ReplyDelete
  2. Kaya natin to mga kapatid walang uurong,walang bibitiw,matatapos din ang pagsubok na siyang dadalisay sa atin bilang tunay na kaanib sa iisang tunay na Iglesia..ito ang pinakamahalagang pamana ng aking mga magulang,at ito rin ang pamana ko sa aking mga anak...KALIGTASAN!

    ReplyDelete
  3. Salamat ng maraming marami sa blog na toh. dahil dito ay mas naging mulat sa katotohan. Kahit ano po ang mangyari hinding hindi kami uurong at bibitaw mas lalo pa naming pagtitibayin at papalaguin ang aming pananampalataya at pagibig. Totoong MABIGAT PERO KAYA. Tayo po kasi ang tunay na naglilingkod sa totoong Iglesia Ni Cristo.

    ReplyDelete
  4. Ang inc Ay subok Na sa lahat ng pagsubok.wag ka yung papanig sa kumakalaban kundi sa pamamahala Na iniligay ng Dios.

    ReplyDelete
  5. Magpakatalino tayo mga kapatid...manatili tayong kaisa ng pammahala...ang mga nangyariy tulad din ng mga nauna...

    ReplyDelete
  6. Kakayanin natin to: -( wlang binigay ang AMA na pag subok na d natin kyang lagpasan pakatatag tayo mga mhal na kapatid

    ReplyDelete
  7. Inuumpisa na akong usigin ng mga magulang ko. Handog pa naman yung ina ko. Di bali na, handa ko ring gawin ang sakripisyo na ginawa ng mahal nating tagapamahala.

    Nakakapanghinayang lang na isipin na naniniwala sila na pinatakas talaga ng mga utoutong guwardiya si Isaias Samson, may hostage taking talaga sa compound at sa mga ministro, tanga daw si Ka Eduardo na hindi kayang suriin paligid niya, kurap daw talaga si Glicerio Santos, at okay lang daw na natiwalag ang pamilya ni Ka Eduardo para mailantad ang katotohanan. Pinagdilim na talaga sila, nilayuan na ng Espiritu Santo.

    Alam ko na pakiramdam ng Kapatid na Felix Manalo na itinakwil ng kanyang pamilya at komunidad. Pero dahil sa dalisay kong pananampalataya ay inako ko na silang BASURA para makamtan ang KRISTO.

    PURIHIN ANG AKO!

    AKO AY ISANG IGLESIA NI CRISTO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakalungkot ang nangyayari sa yo,pero paalalahanan mo sila pagmalasakitan na palagi nilang balikan ang mga aral na tinanggap natin sa loob ng Iglesia,sa Dios tayo naglilingkod hindi sa tao,sa kanya lubos na magtiwala,kung meron man nagkasala hayaan natin ang Dios ang magpataw ng parusa.

      Delete
  8. UWP po ako hanggang ngayon, ngunit handog sa INC, Sa isip at sa puso, INC pa rin ang ang nasa aking puso at isipan. Ganon siguro ang handog. Mapakasakit ng mga balita sa ngayon para sa akin at mahal lo pa ang INC na nakamatayan ng ama ama ang pangkapangulong Diakono, ngunit malinaw ang aral na nasa biblia, sa loob na ang mang-uusig. DALANGIN KO NA SANA AY MATAPOS NA ANG LAHAT NG MGA KAGANAPANG ITO AT SANA AY LALING TUMATAG ANG PANANAMPALAYA NG BAWAT ISA

    ReplyDelete
  9. True Church has one Vision and one mission. Kung ang isang Church ay may mga gulo na ganito hindi kayo pamamahayan ng Banal n Espirito ng Dyos. Walang lihim na di alam ng Dyos...di man alam ng tao ang tunay pangyayari..tandaan nyo mga kapatid tayong lahat ay haharap sa pagbabalik ng Panginoon.

    ReplyDelete
  10. inaamin ko po, nayanig din ako sa napanuod ko noon sa TV na youtube video ni Ka Angel pero hindi po kapani paniwala yung mga sinabi niya. . higit sa kaninuman, sa Pamamahala dapat tayo magtiwala sapagkat siya ang pinagkatiwaalan ng ating Panginoong Diyos para alagaan tayo at para marating natin ang bayang banal.

    ReplyDelete
  11. Huwag tayong maniwala sa mga kasinungalingan na gawa ng dyablo. Mas lalo tayong mang hawak sa mga salita ng Dios na ating sinasampalatayanan . Mag pasakop sa namamahala sa atin. Manalangin sa Ama na sana mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na nangyayari ngayon sa loob ng Iglesia.

    ReplyDelete
  12. Dagdag pa dito ung mga ministro na binabago ang mga "ulat" sa panahon ng Ka Erdy

    ReplyDelete
  13. Please post English translations of sll your articles. This is important.

    ReplyDelete
  14. at pagkatapos ng mga ito ay Ang PAGHUHUKOM....

    ReplyDelete
  15. Sa dami ng problemang kinarga natin,nalagpasan natin yun.
    Ngayon pa kaya?

    With God,everything is possible.

    ReplyDelete
  16. Nakalampas na tayo pero wag tayong kumpiyansa dahil ang diablo ay naghahanap ng paraan para pinsalain ang iglesia..
    NawAla man ang isyu sa ngayon dpat maging handa sa binabalak ng diablo.at dapat lagi tayong maisa ng pamamahala na sinisinop ang iglesia..SA DIOS NATIN IHABILIN ANG LAHAT AT HUWAG TAYONG BIBITAW.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.