"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 13, 2015

Grupo ni Antonio Ebanghelista, nananawagan na tumiwalag na ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo

Sa mga nakikisimpatya sa grupo ni Antonio Ebanghelista, sige po kayo na ang bahalang magdesisyon...

Nananawagan na po sila na TUMIWALAG na tayo sa Iglesia ni Cristo.

Matagal na namin binubulgar kung SAAN TAYO DADALHIN ng grupo ni A.E, hindi para linisin ang Iglesia at lalong hindi sa KALIGTASAN... KUNDI SA KAPAHAMAKAN.

Madalas pa niya tawagin na "KAPATID" ang mga kaanib sa Iglesia, samantalang TIWALAG na siya. 

Hindi na maitago pa ni Ginoong Fruto ang mga balakin nila na hindi masabi sabi sa atin ng diretsuhan sa blog ni Antonio Ebanghelista.

Sige po magdesisyon na kayo kung SAAN KAYO PAPANIG.

At sa mga PANIG po sa grupo ni A.E, ayan po sundin na ninyo ang panawagan nila. 

Hashtag INCNOMORE na daw po. CIVIL DISOBEDIENCE na rin.

Bukod pa yan sa panawagan nilang HUWAG NA DAW MAGHANDOG, MAGLAGAK AT MAGTANGING HANDUGAN.

Yan po ang mga panawagan nila na TALIWAS sa ARAL NG DIYOS at LABAG sa tinuturo ng BIBLIYA.

Saan sa bibliya nakalagay HUWAG MAGHANDOG, MAG AKLAS KAYO LABAN SA IGLESIA at lalo na, TUMALIKOD SA TUNAY NA PAGLILINGKOD???






"Mabuti pang hindi na nila natutuhan ang daang matuwid, kaysa matapos matutuhan ang banal na Kautusang itinuro sa kanila ay tumalikod sila dito. Angkop na angkop sa nangyari sa kanila ang mga kasabihang: "Ugali ng aso, matapos sumuka ay muling kinakain ang nailuwa na," 


II Pedro 2:21-22

2 comments:

  1. 2 Corinthians 6:17 - Sabi ng Panginoon, “Kaya nga, lumabas kayo mula sa kanila at humiwalay. Huwag kayong hihipo ng maruming bagay at tatanggapin ko kayo.”

    ReplyDelete
  2. Wag kayong umanib sa kanila...

    Baka mangyari sa inyo ang nangyari kina Kore,Datan at Abiram na kinain ng lupa at kay Mirriam na nagka-ketong.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.