Nung mabasa ko ang post niyang ito, natawa ko at nabigla.
Bakit?
Marunong din palang tamaan si Ka A.E ng mga sinasabi ko sa blog na ito. Sa artikulo ko po kasi na "README IS SILENT NO MORE" meron akong naging hamon sa kaniya:
"Pero kung akoy nagkakamali, Ka AE, isang hamon lamang bilang BLOGGER, PANGALANAN PO NINYO ANG MGA NAG EEMAIL SA INYO WITH SCREEN SHOT tulad ng ginagawa ko. Para po maniniwala kami na yung mga supposed "VOICE OF THE BRETHREN" nyo ay mga TOTOONG TAO."Aba, kagulat gulat naman na ang sumunod nyang VOICE OF THE BRETHREN ay with screen shot nga talaga? hahaha
Ngunit magkagayon man, nagawa man niya na magpost ng screen shot, hindi pa rin niya ko mapapaniwala. Dahil tulad ng sabi ko, hindi ko kailangan mag aral ng psychology para pag aralan ang pag uugali ng tao, madali ako makaramdam...
Kaganda naman ng email address niya.
Una po sa lahat, para sa akin, kung TOTOONG TAO yan si Lovely rose, sa paggawa niya ng email address pa lang ay hindi niya ipapangalan na maging ganyan. Meron pala siyang napiling "username" kaya bakit sa halip na "lovelyrose@gmail.com" ay ginawa niyang "kapatidnakawani@gmail.com"?
Uncommon para sa akin na kapag iisip ang isang tao ng email account ay hindi isang PANGALAN o USERNAME ang gagamitin. Ano yan, sa mga susunod ba na VOICE OF THE BRETHREN with screenshot, ang mga nagpadala sayo Ka AE ay "kapatidsajapan@gmail.com" "kapatidsacentral@gmail.com" "kapatidsamindanao@gmail.com" "kapatidsaamerica@gmail.com"
yung totoo???
Kayo na rin nagsabi marami kayong experience at sinabi niyo rin na may mga kasamahan kayong PROPESYUNAL. Sabi nga ninyo taga central kayo, nasa tanggapan pero hanggang ngayon ay di kayo ma trace dyan. Meron pa kayong sinasabing VPN para di ma track ang IP address, nakakapasok din kayo sa secret group ng ACTIV, hindi pa ba obvious na may kaalaman kayo pagdating sa computer?
Andali dali namang gumawa ng account, hindi na bagong bagay sa inyo yan. Lalo na sa mga kasamahan nyo na sandamakmak ang dummy accounts sa facebook para palabasin na marami na ang mga kapatid na sumusuporta sa inyo. Kaya sino naman kaya ang maniniwala na TUNAY ang inyong VOICE OF THE BRETHREN?
Isa pang napansin ko sa email na ipinadala sa iyo, gumamit na nga siya ng username na LOVELY ROSE, maging ang email address niya eh hindi mo kababakasan ng anumang personal na pagkakilanlan, at ang buong email niya ay wala naman siyang sinabi patungkol sa tunay niyang identity. Pero sa bandang huli sabi pa rin niya
"Ka AE, kayo na pong bahalang magtago sa identity ko o anumang pagkakakilanlan ko para hindi po ako mapahamak maging ang aking kaibigan."
Yung totoo ulit?
Bakit ganun? :)
Mga "patterned Antonio Ebanghelista made e-mail"
Meron kayong mapapansing pagkapare pareho sa mga "EMAIL" diumano sa kaniya ng mga kapatid. Tatlo lamang po ito sa iba pang bagay na mapapansin ninyo sa sinasabi ni Ka AE na padala ng mga kapatid o maytungkulin diumano sa Iglesia.
Ano po iyan, magkakaisip lang? o sadyang nagkaganoon dahil IISA LANG NAMAN TALAGA ANG MAY GAWA NG MGA EMAIL KUNO NA IYAN?
Kelangan po ba talaga sa email....
1. Ikukwento kung gaano sila kadalas sumubaybay sa blog niyo?
"Magandang araw po Kapatid na Antonio Ebangelista,
Ako po ay matagal nang sumusubaybay sa inyong mga blogs" source: VOICE OF THE BRETHREN: PHP 19.95 MILLION UNPAID TO A SUPPLIER FOR THE INC MUSEUM PROJECT
"kya sa ginagawa nilang yan lalo lang hinahanap lagi ng mga kapatid yun mga article mo bro pati ako addict narin paggising ko sa umaga agad ko open ang site mo kung may bago- lahat kasi naman ng sinasabi mo totooo," source: Voice of the Brethren: “Sanggunian Take-Over”
"For almost a month now that i’ve been reading the BLOG of AE at bilang isang kaanib sa INC buong buhay ko at ng aking pamilya!" source: VOICES OF THE BRETHREN: “Hindi BOBO ang mga Kapatid”
"Unang una po sa lahat nababasa ko po ang lahat ng mga inilalahathala ninyo sa post ng fb, lahat halos ng mga kapatid na nasa Japan ay alam at nasa panig ng katwiran, ibig pong sabihin ay nasa panig po ninyo. Ang akin pong asawa ay isang Hapon, lagi po syang nakasubaybay sa mga isinusulat po ninyo maging ang isinusulat po ng iglesianicristo blog site, " source: IGLESIA NI CRISTO IN JAPAN IS NOW SILENT NO MORE
"Ako po ay isang kapatid mula sa metro manila west. Matagal na akong nagbabasa ng artikulo ni ka Antonio ebangelista at binabasa ko din ang mga sagot sa paratang mula sa theiglesianicristo.blogspot.com. " source: Voice of the Brethren: “OPEN CHALLENGE”
"Kahit hindi ko pa nga po nabasa noon ang inyong mga artikulo ay may kung anong bagay ang kumukumbinsi sa akin na may katotohanan ang mga iyon. Bunga na nga po marahil ng nauna ko nang pagdududa. Hindi na po ako napakali sa kasabikang mabasa o makita ang inyong mga ibinubunyag. Subalit matagal-tagal pa bago ko nakita at nabasa ang mga katotohanang inyong isiniwalat." source: Voice of the Brethren: “ITO ANG TUNAY NA PAKAY NILA”
"Magandang araw po ka AE,
Sinusubaybayan ko po ang FB account ninyo..ngayon lang po ako nagkalakas loob na gumawa ng dummy email address." source: Voices of the Brethren: “Rock Star Treatment”
2. Sasabihin na itago na lang ang pagkakakilanlan o kaya ay baka ma-trace
"Ka AE, kayo na pong bahalang magtago sa identity ko o anumang pagkakakilanlan ko para hindi po ako mapahamak maging ang aking kaibigan." source: VOICE OF THE BRETHREN: PHP 19.95 MILLION UNPAID TO A SUPPLIER FOR THE INC MUSEUM PROJECT"hay nako Brod Anton, sa yo nalang kami nag uulat ng saloobin namin, wala eh saan pa tayo mag uulat? pary nalang tayo na sana matapos na ito. ingat lang lagi Bro, ingat din kami lagi baka ma trace kami hehehe" source: Voice of the Brethren: “Sanggunian Take-Over”"hello po! message lang po ako. wag nyu po ilagay ang aking pagkakakilanlan. sana po mabasa nila. salamat po." source: Voice of the Brethren: “OPEN CHALLENGE”"Maaari po bang manatiling lihim ang aking personal na impormasyon? Tulad po ng marami, nais ko din po sanang maingatan ang aking karapatan bilang isang Iglesia Ni Cristo. " source: Voice of the Brethren: “ITO ANG TUNAY NA PAKAY NILA”"Pasensya na po kayo kung hindi po ako makapagpapakilala sa inyo sa dahilang mahigpit po ang tagubilin sa amin ng aming Tagapangasiwa dito, maging ng Ka Jun Santos." source: PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN
3. May "numbering list", para punto por punto lang, blogger din ba sila?
1. While we continue to build and buy houses of worship, unbeknownst to the brethren, we’ve also started to sell some of them. Even when evidence stares us right in the face, we still deny our actions.2. We’ve also started to engage in commerce and diverted Church funds in pursuit of seemingly lucrative investments, some turning out to be risky ventures. In this regard, we’ve become like the Mormons, except, they are more adept than us at investing and in managing their investments long term.Neophyte at the game, we tend to take a more cavalier approach to investing, not really thinking things through enough before we act. Worse, it appears we spend more time thinking about how we can hide our actions from the brethren, or the reason for those actions, while we come up with justification for diverting funds meant for building houses of worship.3. Our new method of propagation has provoked ire among the masses. It appears that whatever blowback we got from the media, we deserved. In our desire to increase our numbers (remember the “Double the Serial Number” campaign?), we’ve resorted to what can only be described as “bribery”.While giving out bags of goodies in exchange for attendance at our evangelical missions may be OK to do in poor countries such as the Philippines, it is insulting to do in countries with more advanced economies. But even in poverty-stricken areas in the Philippines, from what I hear, and contrary to what was officially reported, our overt acts of generosity did not produce massive numbers of TRUE AND FAITHFUL converts.4. And just when you think it is impossible to sink any lower, we’ve developed a nauseating obsession for the Guinness world book of records. We’ve shamelessly used medical/dental missions and other seemingly community-oriented activities to call attention to ourselves, all to gain the praise of men!5. We’ve built an arena in the Philippines, one so grand, in fact, the largest of its kind in the world, supposedly for God’s glory. But less than a year after such display of extravagance, it appears we don’t have a viable plan for maintaining that monstrosity on our own. In a pitiful attempt to generate much-needed revenue to cover the staggering maintenance cost, we host events that compromise our Christian principles.6. In the meantime, the Executive Minister appears to spend a lot of time abroad. Much to our initial delight, he has taken the time to visit congregations outside the Philippines — places his father and our former Executive Minister, perhaps due to his failing health, was not able to go to.source: VOICE OF THE BRETHREN: “THE GREATEST TEST OF OUR FAITH”
- Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan. Sa Pipilipas po ay talagang wala kayong mga tax para sa tulong ng ministro,subalit dito sa Japan po ay may hinihinging kaukulang filing para sa mga ministro at workers, dahil ang kategorya nito sa pamahalaan ay “sweldo”. Ayon sa lawyer ng Iglesia dito sa Japan ay sinasagot lang sya ni Ka Benedicto (Tagapangasiwa namin) na tulong lang daw ang natatanggap,opo totoo yun, pero sa gobyerno ng Japan yun ay nasa kategoryang “sweldo” parin. Nakalulungkot po na ito ay hindi iniintindi kahit pa naka 3-palit na ng lawyer ang Iglesia dahil sa walang tumatagal. Dahil sa kawalan ng pagkaunawa ng Tagapangasiwa namin, kahit na ipinaliwanag na sa kaniya ang batas na ito sa Japan, kaya pinagtatawanan na lamang ang Iglesia ng lawyer dahil malaking katanungan sa kanila kung anong klaseng religion ba daw ito ,dahil sa hindi marunong sumunod sa batas ng pamahalaan ng Japan.
- Ngayon humingi na ng tulong itong Pangulong Diakono ng Tokyo sa isang kapatid dito sa Japan na higit na nakakaunawa sa law regarding sa finance and legal documents kaya ang Kapatid nating iyon ang syang derechong nakikipag ugnayan sa lawyer na lingid sa kalaman ng aming Tagapangasiwa,dahil sa di nga sila nakikinig. Isinusulat ko na po ito at ipinaabot sa inyo dahil ang sabi ng Kapatid na siyang nagmamalasakit na nga sa amin dito ay di sya concern sa anumang bagay o pagtakpan ang kasiraan ng sinomang ministro o ang naging kapabayaan ng Central dahil sa na-overlooked nila ang isang napakahalagang bagay na ito na may kaugnayan sa pagkakarehistro at pananatiling legal ng Iglesia Ni Cristo dito sa Japan. Ang pananampalataya ng lahat ng mga kapatid dito sa Japan ay karapatdapat lamang na pananagutan ng mga Ministro at di ng mga Pangulong Diakono na ng dahil sa pagmamalasakit sa Iglesia ay ginagawa ang lahat ng paraan upang maisaayos ito. Ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan ang siyang malalagay sa kahihiyan at mapipinsala kapag ito ay hindi naagapan ng Central.
- Hindi naman po nai-wawala o na wi-withdraw ang cancellation ng registro sa Japan dahil sila ay maluwag naman, binibigyan nila ng palugit or warning …..Hindi po namin lubos na maunawaanang kung bakit ipinagwawalang bahala ito ng aming Tagapangasiwa samantalang napakabigat po ng magiging implikasyonnito sa Iglesia Ni Cristo, lalo na sa pagkakarehistro dito sa Japan. Sa halip na ito ay harapin nila at pahalagahan ay mas labis na inatupag pa nila ang pagdating ng Ka Jun Santos kaya lagi syang hindi available kapag hinahanap ng mga Kapatid upang makausap ukol sa bagay na ito.
- Noon pong nagsagawa ng Pamamahayag ang Ka Jun Santos dito sa Japan noong Mayo 3, nagkita-kita po ang lahat ng mga Pangulong Diakono at mga Ministro kaya marami na po ang may alam na sa tunay na panganib sa kalagayan ng rehistro ng Iglesia Ni Cristo dito sa Japan. Kaya kahit sino pong mga kapatid, lalo na ang mga maytungkulin at mga Pangulong Diakono at mga Ministro ang makausap ninyo dito sa Japan ay magpapatunay na isa talagang nakaka-alarmang problema ito na dapat sana ay hinaharap na ng Tagapangasiwa at ng Central.
- Para po sa kabatiran ninyo, ang petsa ng pagkakarehistro ng Iglesia Ni Cristo dito sa Japan ay Hulyo 12, 2014….INC SETTLEMENT January to December 31. Ang sinasabi ng abogado ng Iglesia, ang starting period ay December 31. Samakatuwid, kinakailangan na sa loob ng apat na buwan (4 months) ay nakapag submit na ng kinakailangang dokumento sa gobyerno ng Japan o TAX CENTER. Ang time limit po ay April 30, samaktuwid ay lapse na po tayo.
- Subalit bagamat lumampas na tayo sa pagsusumite sa deadline ng gobyerno ay nagbigay pa rin sila ng palugit, lalo nga at maraming inaasikaso din ang TAX CENTER na ganitong mga kaso. Kaya may karagdagang 2 buwan po uli sa June 30 ay hihintaying ng TAX CENTER ang ating magiging opisyal na tugon. Kung sa kabila ng palugit na kanilang ibinibigay ay hindi pa rin tayo makakatugon ay magpapadala na sila ng WARNING LETTER ang gobyerno (TOKUSOJYO).
- Alam lahat ng lawyer kung anu-ano ang kailangang isumite. Pero hanggang ngayon ay di pa rin kumikilos sila Ka Benedicto ukol dito.
- Kung maisasaayos ito agad at maisusumite ang mga kailangang dokumento ay maliit na halaga lamang ang kailangan nating bayaran, mga Y100,000.00 para sa SETTLEMENT ng INC sa GOVERNMENT.
- Subalit kahit magbayad pa tayo, subalit hindi pa rin tayo magsusumiti ng mga kaukulang dokumento sa gobyerno ay magsasampa na sila ng kaso sa korte (SHIN-SAKAI) Judgement Cycle or The REGISTRATION WILL BE CANCELLED.
- Kapag nangyari po ito lahat mahahalungkat, maging ang Lokal Fund at ang problema ay d po ito nakapangalan sa INC ang lahat ng account, nasa personal account ng kapatid ito naka pangalan. Ang sabi ng lawyer ay di pa nila makausap si Ka Benedicto, dahil busy nga sa pagdating ng Ka Jun Santos dito sa Japan. Ang paulit-ulit na sinasabi ni ka Benedicto sa mga abogado ay “Ang Iglesiang ito ay sa Diyos” na para bagang ang ibig nyang sabihin ay kahit lumabag ito sa batas ay hindi ito mapipinsala, kaya ang tingin tuloy sa kaniya ng abogad ay parang “crazy” na daw dahil parang ang tingin niya ay dahil sa isa tayong Relihiyon ay nanganhgahulang hindi na tayo nasasaklaw ng mga batas sa bansang ating kinabibilangan.
- Ano po ang mangyayari kapag hindi tayo tumugon sa batas na ito ng Japan? Kapag nangyari na nga ito at hindi tayo nakatugon ay pupunta na ang mga taga-Tax Center at ang magiging penalty po natin ay 40% for 5years computed sa ministers’ salary (or tulong) ang bawat isa po. Subalit di pa po doon natatapos iyon, malalagay po ang INC sa kahihiyan sa gobyerno at sa Japanese Communities, alam naman po natin kung gaano kahalaga sa mga hapon ang “honor” o kredibilidad. Kapag nalagay na po tayo sa kahihiyan ay mahihirapan na po tayong muling mag-apply ng Registration sa gobyerno dahil na-blacklist na tayo.
- Subalit kung ito po ay maaasikaso agad, bagamat magmumulta lang tayo para sa 10 buwan at wala ng 40% na sisingilin pa sa INC.
- Isa pa pong katanungan ng abogado natin ng Iglesia regarding sa ating mga property na sya nyang sinasabi sa distrito na di na malaman ng lawyer kung paano at bakit hanggang ngayon ang lahat ng property mula sa hanay na nauna ng nabili sa Tokyo, 2nd yung office ng distrito, 3rd yung Hamamatsu Locale, 4th Okinawa ay pawang di naka rehistro sa pangalan ng INC. Anong dahilan nila bakit di pa daw ilipat ang mga ito sa pangalan ng Iglesia at nananatiling nakapangalan sa mga kapatid bilang personal property nila. Kaya hanggang sa kasalukuyan ay wala pa pong nakarehistrong fixed asset ang INC. Ito po ang dahilan kaya hindi maisama sa SETTLEMENT ang mga properties ng Iglesia ay dahil sa hindi pa naililipat at wala pa rin silang balak na ilipat sa pangalan ang mga properties na ito.
source: PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN
1. Ang lokal po ng Gen.T. sa Valenzuela ay kasalukuyang naghuhukay po sa compound upang magtayo rin ng cell site.2. Malamang ay narinig nyo na or kilala nyo na ang isa sa paboritong contractor sa INC..ang Ka Ambrocio (Ami ) Canque ng CANRIV..dati po sa Aircon, ngayon ay Gen.Con. na..Siya po ang nag renovate ng property ng INC sa Tagaytay..at nang matapos ay pinagiba po ( baka po binenta na rin )..gulat na gulat nga po sila na pagkatapos ma gugulan ay pinagiba po. Ang lagi po sinasabi ng Ka Ami ay kausap nya si “SIR”, na ang kaniyang pagtutukoy ay ang Ka EVM. Last year po ay sya rin ang gumagawa sa CONDO unit sa Taguig ( ngayon po ay nalaman namin na ito nga iyung Fort Victoria )..kay “SIR” din daw po ito..at recently po..before end of 2014, ay pinatawag din daw po siya ni “SIR” at isa pang mayaman sa lokal ng Deparo..at pinag do-donate daw po sila ng Kapilya. ( Medyo, it leaves a bad taste in the mouth po..kasi parang ang alam ko po, ang nag do donate ay sumusulat sa pamamahala, dala ng kanilang bukas na loob at pasya na mag handog ng kapilya..pero parang hindi po pinang hihingi at pang gawa sa Kapilya..-SORRY po kung ako ay mali.Dalawang bagay po..maaaring ang “SIR” na binabanggit nya ay ang Ka Guiness at hindi ang Ka EVM.. Medyo may kahanginan po kasi si Ka Ami..at kung kani kanino nya ipinagmamalaki ito..madali po kasi itong kumanta..basta sakyan lang ang pagyayabang nya.Kasama nya po sa Japan this year lang ang mga anank ni Ka Guiness sa Japan..at mga 2 months ago lang ay hiniram daw ni GP ( anak ni Ka Guiness, yung may parang palong po ang buhok ) ang kaniyang Porsche Boxter sa Subic..ganyan po ang lifestyle nila..Sa mga lumalabas na ulat..mas matimbang po na isa rin ito sa kanilang mga dummy sa pagbili ng mga condo units sa The Grass, at MOA..at iba pa. Kayo na po bahala mag suri sa mga kontrata nila sa Purchasing ( Ka Caloy and friends )3. Laking tuwa ko po nuon, na na ibaba sa Finance si Ka Armando Manalo..sya po dati ka Deal ng Canriv..ang kaniya pong courier ay mismong asawa nya ( mababa, maputi at matabang misis nya at anak na mukang bondying ) – SORRY po ulit sa description..pero yun po talaga eh..Nakakalungkot po na ang ganitong kultura sa ministerio ay umabot na sa pinaka baba at purok..na halos ayaw mo nang dumalo sa gawain dahil sa kahit anong topic ay napupunta pa rin sa handugan..ang galing pong mag-“segway” ng topic papunta sa tanging tanging abuluyan..at iba iba pang binibentang tiket at kalakal…
source: Voices of the Brethren: “Rock Star Treatment”
At tulad din po ng nasabi ko na, dahil blogger din ako madali akong makaramdam kung yung mga artikulo ba ay sinulat ng ibat ibang tao o ng IISANG TAO LANG. Masyado naman kasing obvious yung sa blog ni Ka AE kaya nga hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinusulat niya lalo na yung supposed "VOICE OF THE BRETHREN" niya.
Hindi ko naman sinasabi na LAHAT ng nag email sa kaniya at pinost niya sa kaniyang blog ay PEKE, ang sinasabi ko puro peke. Karamihan gawa gawa lang nila, kaya nga dati sa halip na SCREEN SHOT ang kaniyang ginagawa ay puro copy paste lang kunwari para walang ebidensya na TOTOO ang mga iyon.
Ngayon naman may SCREEN SHOT nga, kaso sila naman ang gumagawa ng email account na pinapadala nila sa mga sarili nila para kunwari totoong galing sa ibang tao. Isip kayo ng bagong style, yung tipong hindi ko pa alam sa 6 na taon ko ng pagbabasa ng ibat ibang mga artikulo sa internet.
KAYA KA ANTONIO EBANGHELISTA, SA SUSUNOD MULI, LAGYAN NIYO NA KASI NG MGA TUNAY NILANG PANGALAN, TUNAY NA LOKAL AT DISTRITO NILA PARA NAMAN MANINIWALA KAMI NG WALANG HALONG PAGDUDUDA NA SA MGA TUNAY NA KAPATID GALING YANG MGA NAG EEMAIL SA INYO. AT HINDI LANG YAN GAWA GAWA NYO LAMANG :)
P.S
Hindi lang po ako ang nakapansin na PEKE ang "VOB" ni Ka AE, maging si Ka Pristine Truth, meron silang artikulo ukol dito --> "Ang Katunayang Fabricated lamang ang mga Anonymous Letters sa Voice of the Brethren"
Sila-sila lang din ang gumawa ng ikalilibing nila ng buhay...
ReplyDeleteKaramihan sa Dummies nila ay mga hindi talaga INC o mga liko,to be direct.