Sasabihin nila, ano ba yan sasamba ka na naman, hindi ba pwede umabsent sa inyo? May bayad ba pag di ka sumamba? Ang alam ko dadalawin ka nila tapos papagalitan kapag di ka nakasamba diba? Masyado ka namang banal nyan! Hindi ba pwedeng hindi ka sumamba kahit isang beses lang?
Sabay sasabihing, kaya ako naniniwala ako hindi naman makakapagligtas ang relihiyon eh, manalangin ka lang at sumampalataya sa Diyos ok na yon, kesa sumasamba ka nga ganito ganyan naman ginagawa mo... etc etc etc
Alam ko maraming nakaka-relate dito, dahil hindi ata mawawala sa bawat isang kaanib sa Iglesia ang maka experience ng ganito mula sa kaniyang mga katrabaho, kaklase, pamilya, kamag anak, kaibigan, at kakilala na hindi miyembro ng Iglesia. SOBRANG HIRAP ipaintindi kung BAKIT, kung anong dahilan, dahil kahit silay sagutin mo, di rin naman sila magpapatinag, ang iba nga eh hahantong pa sa simpleng pakikipagdebate.
Ngunit kung babasahin natin ang bibliya, dito natin malalaman ang kasagutan kung bakit...
BAKIT MAHALAGA?
Ang isa sa mga rason kung bakit nabuhay ang tao ay UPANG SAMBAHIN ANG DIYOS. Siya ang lumalang sa atin, kaya TAMA LANG na siyay PASALAMATAN AT SAMBAHIN.
"Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. " Mga Awit 100:2-4
Maliwanag ang sabi ng bibliya, MANGAGLINGKOD SA DIYOS NA MAY KASAYAHAN, MAGSILAPIT TAYO SA KANIYANG HARAPAN... Hindi po pag KAILANGAN LANG o PAG "TRIP" LANG, Bakit?
"Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan." Juan 4:23-24
Ito ay dahil HINAHANAP NG AMA ang mga TUNAY NA MANANAMBA upang SAMBAHIN SIYA. Ang DIYOS PO AY ESPIRITU kaya KINAKAILANGAN DAW NA MAGSISAMBA TAYO SA ESPIRITU AT SA KATOTOHANAN.
Ito rin po ang dahilan kung bakit wala kaming mga imahe o statuwa ng mga santo, ni maria at ni Kristo sa aming mga kapilya. Unang una, hindi PO NAMIN SILA KINIKILALANG DIYOS, pangalawa, sapagkat kami ay mga TUNAY NA MANANAMBA na hinahanap ng AMA kung kaya kami ay sumasamba sa ESPIRITU AT KATOTOHANAN, hindi na po namin kailangan ang mga gayon.
Iyan ay nakabase pa rin sa bibliya:
"Huwag ninyong yuyukuran o sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan, ni tutularan ang kanilang ginagawa. Durugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan pati mga haliging ginamit nila sa pagsamba. Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman." Exodo 23:25
Kaya hindi na po nakakapagtaka kung bakit wala po kami nito sa aming mga kapilya. SI YAHWEH, ANG AMA--ANG TUNAY NA DIYOS LAMANG ANG AMING PINAGLILINGKURAN.
Ngunit teka, baka matanong ng ilan, eh diba sa INC sinasamba nyo rin si Kristo? Totoo ba yun?
OPO, TOTOO PO! Sinasamba rin namin siya hindi dahil sa siya ay DIYOS DIN kundi dahil itoy iniutos ng Diyos na kaniyang AMA..
"At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon." Filipos 2:9-11
Iyon po ang katumbas na LULUHOD AT MAGPUPURI sa kaniya ang lahat ng nasa langit, nasa lupa at nasa ilalim ng lupa. PARA SAAN? PARA SA IKALULUWALHATI NG DIYOS AMA.
Kaya huwag na rin tayong magtataka kung BAKIT GANOON NA LAMANG kung pahalagahan ng bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo ang mga pagsamba. Eto ang pagpapaalala, nakasulat sa bibliya:
"Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon." Heb. 10:25
HUWAG DAW PO KALILIGTAAN ANG PAGDALO NG MGA PAGTITIPON, yun nga ang PAGDALO SA MGA PAGSAMBA.
Yung iba kasing tao, lalo na sa labas ng Iglesia ni Cristo ay kinakalimutan ang mga pagsamba sa Diyos. Aminin man natin o hindi, yan po ang realidad, ang iba sasamba lang pag TRIP LANG, ang iba sasamba lang pag may okasyon, ang iba ay sasamba lang pag may nangyaring mabuti sa kaniya, ang iba ay sasamba lang upang ipakita sa iba na relihiyoso siya. Ganito po ang nangyayari sa ibang relihiyon, ngunit hindi po sa IGLESIA NI CRISTO.
Sa IGLESIA NI CRISTO, tinuruan kami na PAHALAGAHAN ANG MGA PAGSAMBA SA DIYOS. Tayoy kaniyang nilalang, kaya BAGO PA MAN ANG IBANG BAGAY kahit na importante rin tulad ng trabaho, pag aaral, hanapbuhay at iba pa, UNAHIN NATIN ANG DIYOS. Siya ang nagbigay ng buhay satin, siya ang nag iingat sa atin at ang nagbibigay ng mga biyaya SA ARAW ARAW.
Katunayan ng pagpapahalaga sa pagsamba
Isa sa mga matibay na katunayan na MAHALAGA sa amin ang mga PAGSAMBA ay ang PAGPAPATAYO ng mga GUSALING SAMBAHAN ng Iglesia na pinagkakagastusan ng milyon milyon.
Pansin na pansin po yan ng mga di kaanib sa Iglesia, magsasabi pa nga ang ilan, bakit ba masyado nyong pinagkakagastusan ang mga kapilya nyo, bat di nyo na lang itulong sa mga mahihirap. Sasabihin pa, di ba hindi naman permanente yan, pag paghuhukom na masisira din yan at tutupukin sa apoy...
Bukod sa pagpapatayo ng mga gusaling sambahan ay patuloy namin ang pag-maintain dito, at kung kinakailangan ay amin itong PINAPA-REPAINT o kaya ay PINAPA-RENOVATE na nagkakahalaga din ng libong piso, daang libong piso at milyong piso, depende kung anong mga kailangang gawin sa kapilya.
Yan ang hindi nila naiintindihan, ay kaya nga kami nagpapatayo at gumagastos ng malaki para sa mga kapilya namin ay para sa KALUWALHATIAN NG DIYOS. Diyos ang tumutulong sa Iglesia kaya kami nagtatagumpay.
Ilan lamang ito sa mga gusaling sambahan ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo...
Ang lokal ng commonwalth ay may seating capacity na 1,420 ay naitalaga noong July 27, 2013. Ang building cost nito ay umabot ng 104 million pesos.
Ang GENERAL RENOVATION ng Lokal ng Pasay ayon sa wikimapia.org ay may budget na 50 million pesos, ayon naman sa isang kapatid na nagpost sa blog ko ay sa tulong ng ibang lokal, nagkaroon ito ng 100 million peso budget. Renovation po ang pinag uusapan, hindi pagtatayo ng gusali.
Ang Lokal ng Los Angeles, California ay naitalaga noong March 2011. Ang project cost nito ay $7,6000,000 o mahigit 300 million pesos. Hindi pa kasama dito ang presyo ng lupa at ang mga materials tulad ng chandeliers (na milyon din ang halaga) at iba pa.
Nabili ng Iglesia ang simbahan ng Evangelical Lutheran Church sa Bronx, New York sa halagang $2,459,923.50 o mahigit 105 million pesos at ang renovation ay umabot ng $711,363.51 o mahigit 30 million pesos. Ang Lokal ng Bronx ay naitalaga noong Dec. 2012.
Ibig sabihin, ang Lokal ng Bronx New York ay nagkakahalaga ng mahigit 130 million pesos.
reference: Pasugo Issue Jan. 2012
Nabili ng Iglesia ang property ng St. constantine and Greek Orthodox Church sa halagang $9.2 million o humigit kumulang 400 million pesos noong Nov. 2012. Hindi pa kasama dito ang renovation cost. Ito ay ang Lokal ng Washington D.C na naitalaga noong Dec. 2012.
Kaya namin PINAGKAKAGASTUSAN ang aming mga kapilya SAPAGKAT SADYANG MAHALAGA SA AMIN ANG AMING MGA PAGSAMBA SA DIYOS. Dito namin isinasagawa ang mga pagpupuri, pagpapasalamat at paglilingkod sa Diyos.
Kaya kung magiging batayan ito kung paano pinapahalagahan ang pagsamba ng mga relihiyon sa buong mundo, kayo na po mismo ang MAGMASID sa kinabibilangan ninyong relihiyon ngayon. Obserbahan po ninyo ang inyong pinagsasambahan kung ito ba ay nararapat na dakong sambahan at lalo na kung tunay na nakalulugod sa Ama.
MGA KARANIWANG TANONG NG MGA DI KAANIB SA IGLESIA
Para sa karagdagang impormasyon ay nandito po ang TANONG na karaniwan pong maririnig natin sa mga di kaanib at ang SAGOT natin bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo...
1. Bawal ba umabsent sa pagsamba? Bakit ganun na lang ka-importante sa inyo na makasamba?
Ang pagsamba sa Diyos ay isang obligasyon, siya ang maylikha ng lahat ng bagay, utang na loob natin sa kanya ang lahat, di mo man lang ba siya papasalamatan, pupurihin at sasambahin? Mas uunahin ba natin ang pag aaral, trabaho at iba pang bagay kesa sa DIYOS? Mas mahalaga ba ang mga bagay dito sa lupa kesa sa DIYOS? Pag may RELIHIYON, may DIYOS, may PAGSAMBA.
Kahit anong relihiyon mapa Islam, Hinduism, Judaism, Buddhism etc... may PAGSAMBA yan, kasi may kinikilala silang DIYOS. Kung wala kang kinikilalang Diyos, maiintindihan ko pa kung bakit hindi ka sumasamba. Importante ang Diyos, kaya importante samin ang sumamba. Hindi dapat ito ipinagpapaliban o sasamba lang pag trip mo o pag may free time ka, araw araw kang iniingatan ng Diyos at ibinibigay ang mga kahilingan at pangangailangan mo tapos sasamba ka lang pag wala kang ginagawa sa oras na iyon o kung kailan mo lang maisipan?
2. Kapag umabsent ka ay papagalitan ka ng diakono o ministro? Dinadalaw kayo ng diakono/diakonesa nyo kapag di sumamba para singilin ng handog diba? Magkano ang bayad pag di nakasamba?
Kapag umabesent sa pagsamba hindi ka papagalitan ng diakono o ministro, hindi ka sisingilin at walang bayad pag di nakasamba. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga kwentong ganyan pero panigurado sa mga naninira sa Iglesia. Ang paghahandog ay tuwing pagsamba lamang kinokolekta, kaya kung di ka nakasamba, malamang ay hindi ka makakapaghandog.
May pagdadalaw na isinasagawa sa Iglesia para malaman ang kalagayan ng mga kapatid, ito ay para sa PAGPAPATIBAY NG PANANAMPALATAYA at PANGANGALAGA NG NASASAKUPAN. Muli, napakahalaga po samin ng PAGSAMBA. Pag hindi ka nakasamba, ikaw ay dadalawin upang malaman ang rason mo kung bakit di ka nakasamba, kung itoy dahil meron kang sakit, ikaw ay ipapanalangin, kung meron kang problema ikaw ay papayuhan, at kung itoy dahil sa iba pang bagay ikaw ay pagsasabihan upang sa mga susunod ay makasamba ka na muli. Ang tawag dito ay PAGMAMALASAKIT.
3. Magkano ba ang minimum na handog sa inyo? Meron ba kayong IKAPU? Sapilitan ba na maghandog sa inyo? Sa panahon ng inyong koleksyon, ang mga diakono/diakonesa nyo ba ay titigil sa harap mo at hindi aalis hanggat hindi ka naghuhulog? Tinitignan din ba nila pati ng inyong ministro ang halaga ng inyong handog at tititigan kayo ng masama kapag konti lang ang handog nyo? Pupuntahan ba kayo sa bahay nyo pag hindi ka nakapaghandog? Di bat palakihan ang mga miyembro ng ihahandog sa Iglesia? Aapakan din sa paa kung hindi maghahandog?
WALANG MINIMUM na handog samin at wala kaming doktrinang IKAPU (10% tithe), ang paghahandog sa amin ay bukal sa puso, ikaw ang magpapasya. Ngunit ang paghahandog ay hindi parang nagbigay ka lamang sa pulubi na namamalimos o nagbigay ka ng donasyon na kung baga ay LABIS LANG sa iyong pera. Hindi rin SAPILITAN ang paghahandog samin. Ang paghahandog sa Diyos ay dapat bukal sa puso, hindi napipilitan, masaya at ayon din naman sa kaniyang giniginhawa. Kung mayaman ka tas ihuhulog mo ay P5 kasi sabi basta bukal sa puso pwede na, mali yon. Kung naghandog ka ng P50 masama naman sa loob mo o kaya dahil don eh antaas na ng tingin mo sa sarili mo, hindi rin matutuwa ang Diyos sayo nyan.
Sa bibliya ang mga kapatid sa bayan ng Macedonia ay mga mahihirap ngunit naghandog ng higit sa kanilang kaya (2 Cor. 8:1-5). Sa bibliya din, mababasa natin na mas pinaburan ang handog ni Abel kaysa kay Cain (Gen. 4:4) dahil ang handog ni Abel ay inihandog nyang may kababang loob at pinili niya ang pinakamagaling, hindi basta may maihandog lang.
Hindi totoong titigil sa harap mo ang diakono/diakonesa at hindi aalis hanggat di ka naghuhulog, baligtad nga eh, kung di mo naihanda ang handog mo bago pa man dumating sila ay maiiwan ka at di ka na babalikan pa para lang likumin ang handog mo. Hindi sila magtatagal ng 3 seconds sa paghinto sa harap mo. At hindi ka rin naman tititigan ng masama ng mga diakono/diakonesa at ministro kung sa tingin mong kaunti lang ang handog mo dahil ang paghahandog ay hindi PALAKIHAN, kundi yung naayon sa puso mo dahil itoy pagsunod sa banal na kasulatan. Hindi rin totoo na pupuntahan ka sa bahay nyo ng mga maytungkulin sa Iglesia kung sakali mang hindi ka nakapaghandog sa oras ng pagsamba. Pati na rin ang kwentong aapakan daw ang paa kung hindi maghahandog sa oras ng pagsamba.
4. Bakit kailangang magkahiwalay ang upuan ng lalaki at babae sa mga pagsamba nyo? Bakit kailangang nakapikit kapag nananalangin? Bakit kapag nananalangin kayo ang ministro at ang ilan sa inyo ay umiiyak? Bakit kapag nagsasalita na ministro nyo may mga pagkakataon na para siyang sumisigaw, galit ba siya?
Ang paghiwalay ng upuan ng lalaki at babae, at ang pagpikit tuwing nananalangin ay para sa KAAYUSAN, sabi sa bibliya gawin ang lahat ng wasto at sa maayos na paraan (I Cor. 14:40). Sa ibang relihiyon kasi, magkatabi ang babae sa lalaki, yung mga magkarelasyon minsan ay naghaharutan o nag uusap sa oras ng pagsamba, PAGSAMBA sa DIYOS iyon, dapat igalang, 1 hour lang naman yon hindi naman 1 buong araw, dapat ma-maintain ang solemnidad ng pagsamba.
Kapag nanalangin naman, mas taimtim at mas makakapagpokus tayo kung nakapikit, dahil kung nakadilat, kung saan saan tayo titingin at maaaring magulo ang ating konsentrasyon sa pakikipagusap sa Diyos. May mga pagkakataon naman na umiiyak ang ministro kasama ang mga sumasamba habang nananalangin, itoy dahil dama nila ang mensahe ng panalangin, kung sa panalangin gusto mong magmakaawa sa Diyos o kaya nagsisisi sa mga kasalanan, ang pangit naman kung yung tono ng panalangin ay masaya, kaya dipende iyon. Baka sabihin naman ng iba, scripted na sapilitan pa bakit kailangan pang umiyak, hindi naman DAPAT iiyak habang nananalangin, dipende po sa pagkakataon iyon.
Hindi rin po galit ang mga ministro namin kung minsan eh parang pasigaw ang tono ng boses nila, kundi BINIBIGYANG DIIN lang nila ang mahahalagang salita na dapat mapansin sa pangungusap at ang tamang emosyon sa binabasa, ito ay may koneksyon sa napag aralan nila tungkol sa "art of public speaking".
source: Tanong at sagot
No comments:
Post a Comment
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.